Chapter 19
Chapter 19
Rouge really did start courting me. Araw-araw ay hatid-sundo niya ako kahit may sasakyan naman si Rapsly. Lagi rin siyang may dalang lunch at dessert para sa akin. Tuwing gabi, tatawag siya para magkuwentuhan kami na akala mo ay hindi kami nagkasama maghapon.
"Debs, paabot ng medida," utos ni Cliff.
Inabot ko iyon sa kanya bago bumalik sa pagkakahiga sa couch. Busy sila sa pagfi-finalize ng gowns nila kaya ang kalat na naman dito sa sala. Natapos na kasi ako at ang kulang ko na lang ay ang final pictures na puwede naman anytime.
Nag-submit na rin kami ng portfolio sa Dolce & Gabbana sa Milan, Italy. Confident ako sa designs naming apat, pero dahil maraming magagaling na designers, hindi pa rin dapat kami makampante. Marami naman kaming option kapag hindi kami natanggap, pero syempre, iba pa rin kapag ang pangarap mong company ang tumanggap sa 'yo.
Dahil abala ang mga kaibigan, napagpasyahan kong magluto na lang ng tanghalian namin. Kaya lang, pagpasok ko palang sa kusina ay na-realize ko nang kailangan na pala naming mag-grocery dahil wala na kaming stocks. Puro instant ramen at frozen goods na lang kasi ang nasa cabinet.
"Cali!" sigaw ko mula sa kusina. "Samahan mo akong mamili! Wala na tayong pagkain!"
Sinubukan kong maghanap ng puwedeng iluto pero bigo lang ako. Wala na talaga!
"Ikaw na lang! Hindi pa ako tapos!"
Napanguso ako sa isinigaw ng kaibigan bago ko napagdesisyunang lumabas nalang ng kusina. Nakasubsob silang tatlo sa sahig at kanya-kanya ng pananahi, pagbuburda at pagche-check ng patterns. Bumalik ako sa pagkakaupo sa couch at tamad na humiga.
Ang boring.
"Hoy, gaga, mag-grocery ka na. Akala ko ba strong independent woman ka?" untag sa akin ni Rapsly. "Or umorder ka na lang. Tapos bukas, after church, saka na lang tayo mamili."
Umayos ako ng higa at nag-browse sa phone ko ng mga resto malapit sa amin para magpa-deliver, ngunit sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay nag-ring ito at halos mapatirik ang mata ko nang makita kung sino ang tumatawag.
I waited for a few more rings so he wouldn't think I was excited about his call.
"Ano?" masungit kong bungad kay Rouge.
I heard him chuckle. "Sungit ah."
Mula sa kabilang linya ay rinig ko ang tugtog mula sa stereo at mahihinang busina ng mga sasakyan.
Hmm... Was he driving?
"Ano ba kasi 'yon?" Pinilit ko ang sarili na magtunog galit kahit wala namang kagalit-galit sa ginagawa niya.
"I'll pick you up," he blurted out, para bang hindi ako ginulat sa bigla niyang plano. "My parents want to meet you."
Mula sa pagkakahiga ay mabilis akong napabangon. Agad namang napatingin sa akin ang tatlo, ang mga mukha ay mababasahan ng pagtataka.
"Bakit?" tanong ni Cali.
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko ay naubos ang hangin sa baga ko at alam ko ring nanlalaki na ang mga mata ko. Hindi pa ako nakababawi ay narinig ko na ang pamilyar na tunog ng isang sasakyan sa labas ng villa.
Oh, dear me.
"I'm here. Labas ka," malambing na saad ni Rouge mula sa telepono. "Mamaya pa namang dinner. Date muna tayo?"
"Rouge naman!" reklamo ko nang tuluyang mag-sink in sa akin ang nangyayari. "'Wag mo akong bibiglain nang gano'n! Hindi pa nga ako naliligo, eh! I-date mo ang sarili mo! Bwisit!"
Narinig ko ang pagbubukas niya ng pintuan ng sasakyan at ang marahang pagsarado noon.
I was panicking! My insides were busting at the seams!
Alam kong naglalakad na siya papunta sa pintuan ng villa kaya mabilis akong humanap ng salamin at nagsuklay. Nag-face powder din ako para hindi halatang bagong gising at nag-baby cologne. Jusko! Wala ito sa plano!
Tarantang-taranta ako nang marinig ang doorbell. Nakasando lang ako at maikling shorts! Hindi naman ako nahihiya pero syempre, hindi naman bastang tao lang si Rouge!
I took a few deep breaths. Siya ang nanliligaw! Bakit ba ako kinakabahan?!
"Wow, nag-transform agad. Mukhang tae ka lang kanina, ah?" natatawang komento ni Cliff nang makita ang ayos ko.
Inirapan ko siya bago nagmartsa palapit sa pinto. Ang mga kaibigan ko, talagang hindi pinagbuksan ang lalaki habang nag-aayos ako!
Agad na nakarating sa ilong ko ang panlalaking pabango at shower gel nito nang iawang ko ang pinto. Hiyang-hiya ako sa itsura ko lalo at guwapong-guwapo siya sa suot niyang isang pares ng kupas na pantalon at di-kuwelyong pang-itaas.
I kept my face straight. Gaya ng nakasanayan, may dala siyang paperbag mula sa Sweets and Treats. Sa kabilang kamay nito ay isang kumpol ng... bulaklak?
Nagtagal ang tingin ko roon, hindi makapaniwala sa nakikita. Nang makilala kung anong uri ng bulaklak iyon ay nagsalubong ang kilay ko.
"Is that sampaguita?" I asked in disbelief. Ni hindi ko manlang siya nabati dahil natutok agad ang mata ko sa puting bulaklak. Marami 'yon, parang binili niya sa mga batang naglalako ng sampaguita sa tapat ng simbahan.
He cleared his throat, dahilan para mapatingin ako sa kanya. He was pursing his lips and furrowing his brows again, tila ba pinipilit niya ang sarili na magseryoso kahit na may multo ng ngiti sa labi niya.
"Uhm, I wanted to give you flowers, but for some reason, the flower shops I visited were closed..." He tilted his head and sighed.
"Kaya bumili ka ng sampaguita?" nanunudyong saad ko. I mean, those were flowers but... really? Ano ako? Poon?
"Don't make fun of me, Reese!" pikon na aniya bago nag-iwas ng tingin sa akin. "Nasanay lang akong dalhan ka ng bulaklak kaya ayokong pumunta rito na walang dalang kahit ano," pagdadahilan niya pa.
I chuckled. "Okay, whatever."
Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok siya. Hindi pa man kami tuluyang nakakaupo sa couch ay parang gagong sumigaw si Cali.
"Mahabagin naman, sa taas kayo maglandian at may ginagawa kami rito!"
Nag-init ang pisngi ko lalo at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rouge. Nag-angat din ng tingin si Rapsly sa akin at ngumisi.
"May condom ako sa kwarto, kunin n'yo, in case of emergency." Humalakhak siya. "Kaso extra large 'yon, Harvin. Hindi ba maluwag?"
"Rafael!" malakas na sigaw ko.
God! Sa harap ko pa talaga?!
"Sikip pa 'yon, Rap..." natatawang ganti naman ni Rouge kaya pakiramdam ko ay hihimatayin ako.
Hindi ko kaya ang pinag-uusapan nila lalo at alam kong hindi nagbibiro ang lalaki. I mean... I saw it before!
I shook my head in shame. What was I thinking?!
"Ay share share!" sigaw ni Rapsly.
Nawawalan ng pasensiya kong hinaklit ang braso ni Rouge paakyat sa kwarto. Parang mas kakayanin ko ang kahihiyan doon kaysa ang marinig siyang nakikipagbiruan sa mga kaibigan kong matatabil ang bibig!
"Wala sana kaming marinig na ungol!" pahabol ni Cliff na inignora ko na lang.
Higit-higit ko si Rouge hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Mabuti nalang at nilinis ko ito kanina dahil wala akong magawa. Hindi nakakahiya kung dito man siya panandaliang tumambay. May kalakihan din naman ang silid ko kaya sana ay hindi maging awkward ang atmosphere.
Tumikhim ako. "Sa sofa ka na lang."
Nang balingan ko siya ng tingin ay napansin kong inililibot na niya ang mga mata sa paligid. Maliksi akong pumunta sa bedside table ko at ibinagsak ang picture frame kung saan nakalagay ang larawan naming noong Valentine's day.
Nakakahiya! Sobrang updated!
"Linis ng kwarto mo, parang ibang tao ang may-ari." He tittered. "Hindi naman ganito ang kwarto mo sa Cebu, ah? Ako pa ang pinaglilinis mo."
I stood up properly to face him. "I'm a changed person, Rouge."
Kahit hindi kumbinsido ay nangingisi siyang tumango. Pinanood ko lang kung paano siya maglakad-lakad sa loob habang hinahawakan ang mga mwebles. Tumitigil din siya sa bawat mannequin para suriin ang designs ko.
"After ng graduation..." he trailed off. "Aalis ka?"
Tumingin siya sa akin habang hawak ang sleeve ng isa sa mga ginawa kong dresses.
I nodded. "Sa Italy, kapag natanggap ang portfolio namin."
Walang imik siyang yumuko at muling inusisa ang mga mannequin. He then stopped in front of the clothes I made for him.
Sa totoo lang ay puwedeng ngayon ko na siya kuhanan ng larawan para sa potfolio ko, pero may parte sa akin ang hindi alam kung bakit tinatamad ako. O baka... sa kaibuturan ng puso ko... alam kong gusto kong magkaroon ng bagong rason para makasama ulit siya.
I sighed. You were so doomed, Debs. Pahirapan mo naman.
"Kung gano'n... aasikasuhin ko na rin ang passport ko." He glanced at me and pouted. "Puwedeng mag-apply ako sa MXP para magkasama pa rin tayo."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagpakawala ng buntong-hininga. Kung magkakaroon kami ng relasyon ngayon, maaaring magkalayo rin kami agad o isa sa amin ang magsasakripisyo.
"Nothing's certain yet, Rouge." Tumawa ako nang mahina. "Puwedeng hindi ako matanggap at puwede ring hindi maging tayo."
I bit the inside of my cheeks when I heard his footsteps near me. Lumingon ako sa kanya at nakita ko agad ang nakasimangot na niyang mukha.
"Matatanggap ka at magiging tayo, Reese."
I crossed my arms against my chest and gave him a challenging look. This man was so confident that I would accept him because he knew I still had feelings for him.
"I have two other suitors. Sina Hezron at Hunter." Ngumisi ako nang makita ang paglalim ng kunot sa noo niya. "Puwedeng sila ang sagutin ko at hindi ikaw."
Umupo ako sa kama para itago ang kagustuhang tumawa. His face was ridiculous! Pag-angat ko ng tingin ay nakaupo rin siya sa kabilang dulo noon at nanlilisik ang mga matang nakamasid sa akin.
"Hunter and Hezron..." he spitted like those words were bitter. "Do you like men whose names start with H?"
I pursed my lips to suppress my grin. "Stop with your theories, Rouge."
"My name is Harvin!" malalim na saad niya na parang maling mali ang narinig sa akin. "You kept on calling me Rouge but my name is Harvin! Call me Harvin!" giit niya pa.
My frail patience had run its course. I burst out laughing, and I swear the whole villa heard me!
Goodness! This man and his childish tactics would kill me! Hindi ko alam kung ilang segundo akong tumatawa dahil aliw na aliw ako sa nangyayari. He was actually jealous!
Tumikhim lang ako nang mapansing titig na titig siya sa akin. His lips were slightly apart as he watched me. With a ghost of a smile on my lips, I equaled his gaze. Some strands of my hair covered my face, so I tucked them behind my ears without taking my eyes off him.
"Okay, Harvin," pang-aasar ko. "Ang sabi mo ay Rouge ang itawag ko sa 'yo noon para RR couple tayo, 'di ba?"
I was trying hard not to smile even wider as I remembered the little things he used to do when we were still together. Kapag nagda-date kami noon, sinisigurado niyang parehas kami ng kulay ng damit. O kung hindi man, ang pang-ibaba niya ay igagaya niya sa kulay ng pang-itaas ko. Madalas naman ay siya rin ang bumibili ng damit para sa aming dalawa. He used to get really excited when he saw me wearing a couple's shirt with him. Siya rin ang nagsabi na Reese ang itatawag niya sa akin at Rouge naman ang itatawag ko sa kanya para parehas ng first letter.
He was that childish... but I liked it. Hindi ko alam. Masaya ako na naiisip niya ako... kami. He prioritized me in all that he did. And if he ever accomplished something nice, I'd be the first to know about it.
Pero, sa relasyon namin noon, normal na sa amin ang pagtatalo. Siguro dahil parehas pa kaming bata. Maraming hindi mapagkasunduan at magkaiba ng pananaw sa buhay.
However, Rouge was always so soft-spoken to me. He never raised his voice when talking to me. Kaya noong unang beses ko siyang nakausap ay nagulat hindi lang sa tono ng pananalita niya pero maging sa mga salitang namutawi sa bibig niya.
"Anyway..." I cleared my throat, trying my best to push my thoughts back. "Ang mabuti pa, samahan mo na lang akong mag-grocery. Maliligo lang ako tapos puwede na tayong dumiretso sa inyo."
Kitang-kita ko ang pagliliwanag ng mukha niya.
"Talaga? Sasama ka sa bahay?" Para pa rin siyang nagulat sa pagpayag ko kahit siya naman itong nag-imbita.
I was nervous, alright... but I knew deep down that I wanted this. I was dying to meet his parents even from the beginning.
"Sabi mo gusto nila akong makilala."
He nodded, still in a state of disbelief. "Yeah! I was just... surprised. I thought you'd refuse."
I scoffed before going to my wardrobe. Kumuha lang ako ng isang malaking T-shirt at leggings para komportable ako mamaya sa supermarket. Dumiretso ako sa banyo sa loob din ng kwarto at naligo na. Wala pang tatlumpung minuto ay nagbibihis na ako.
Paglabas ko ay nakita ko si Rouge na nakatingala, at ganoon na lang ang pag-iinit ng mukha ko nang mapagtantong ang minamata niya ay ang painting sa ceiling ko.
"Ipapaputi ko na rin 'yan!" sigaw ko.
Nakita ko ang pagpiksi niya dahil sa gulat. Napatingin pa siya sa akin. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado kaya tinanggal ko ang towel na nasa ulo ko at umupo sa tapat ng vanity mirror. Hindi ko na alam kung ano ang reaksyon niya dahil nagsimula na ako sa paglalagay ng make up sa mukha ko.
"Kailan pa 'yan d'yan?" mahinang tanong niya.
I brushed my cheeks with loose powder before responding. "First year college. Ipapatanggal ko rin 'yan. Nakamove-on na ako."
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtayo niya hanggang maramdaman ko siya sa likuran ko. I looked up at the vanity mirror and saw that I was right. He was behind me, looking at me with those beautiful eyes that I had always believed were unrivaled by the cosmos.
Umupo siya sa kama sa gilid ko at halos panlamigan ako nang ipinatong niya ang mainit na kamay sa hita ko.
I continued applying loose powder around my face, trying my hardest not to give him my attention. Pinasadahan ko ng lipstick ang labi ko kahit na ang totoo ay labis na nagwawala ang puso ko.
"It took me so long... I'm sorry," he whispered with utmost sincerity.
It warmed my heart in an instant.
Pinilit kong ngumiti. "Sira, ayos lang! Trip-trip ko lang naman kaya ko pina-paint 'yan. Wala pa akong bagong ex, eh. Ikaw pa ang huli."
He sighed. "I will be your only ex, Reese."
"Hindi ka sure!"
Tumayo ako para makalayo sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at lumapit na sa pinto dahil hindi ko kaya na ganoon kami kalapit sa isa't isa lalo at nasa isang kwarto lang kami. He might hear how loudly and quickly my heart beat against my chest.
"Halika na! Baka kung ano pang isipin no'ng tatlo at nagtatagal tayo rito."
He looked like he wanted us to talk more, but instead he sighed in defeat and stood up to follow me. Pumunta rin ako saglit sa kusina para ilista kung ano ang mga dapat kong bilhin at alam kong pinanonood niya lang ako. Nagpaalam din kami sa mga kaibigan ko bago tuluyang umalis.
Pagdating namin sa supermarket ay kumuha agad siya ng cart. Sabado ngayon kaya inasahan ko na rin na maraming tao at mahaba ang pipilahin namin.
Habang nagtitingin sa mga aisle, napasinghap ako nang maramdaman ang pagdulas ng kamay niya sa akin. Nang bumaling ako sa kanya ay patay-malisya lang siya.
"Ba't mo ako hinahawakan?!"
He grinned. "Baka mawala ka."
Inirapan ko lang siya pero hindi ko naman tinanggal ang kamay niya. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Minsan ay bibitaw ako sa hawak niya para basahin ang nutrition facts pero kapag binitawan ko na ang item ay kukunin niya ulit ang kamay ko.
Paulit-ulit na ganoon ang ginawa niya. Para lang siyang tuta na sunod nang sunod sa akin. Habang nasa pila ay wala kaming imik pareho pero ang init ng palad niya sa akin ay sapat na para magwala ang dibdib ko.
"Duke, nakalimutan ko ang baking powder! Ikuha mo ako!"
Napatingin ako sa nagsalita at bahagyang namilog ang mga mata ko nang makitang si Solene iyon. Ang kasama niyang lalaki ay iyong nakita kong nakaakbay sa kanya noon sa labas ng ISU. Humalik muna ang lalaki sa noo ng babae bago umalis kaya nahalata ko rin agad na magkasintahan ang dalawa. Malayo-layo ang pila nila sa amin pero dahil parehong nasa dulo ay napansin ko siya.
I turned to look at Rouge, only to see him eyeing them as well. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Bago pa man bumalik ang tingin niya sa akin ay ibinaba ko na ang mata sa mga pinamili.
Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pagkakita ko lang sa babae ay umahon na agad ang inggit sa puso ko. The pain and jealousy were so powerful that they caused my heart to tighten. Kasabay pa noon ay ang pagbuhos ng mga alaala sa utak ko. Kung paanong pinatuloy niya si Solene sa unit niya... at kung paanong isininantabi niya ako para dito.
I mean, she was beautiful... and he once liked her. Baka nga hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin si Rouge sa kanya.
Hinigit ko ang kamay ko kay Rouge, at dala siguro ng gulat ay mabilis niya akong nabitawan. Ngunit wala pang ilang segundo ay naramdaman ko rin agad ang kamay niya sa balikat ko. He also crouched down and gently sniffed my hair.
Hindi ko magawang matuwa o kiligin dahil sa bumabagabag sa akin. May boyfriend na si Solene at mukhang seryoso sila sa isa't isa. Kaya niya ba ako nililigawan ay dahil hindi sila puwede? Kaya ba ako ang hinahabol ngayon niya ay dahil wala na siyang choice?
Tahimik ako hanggang sa maubos ang nasa pila. Kahit nang bayaran niya ang pinamili ko ay hindi ako nagpasalamat. When we got to his car, he put the box and paperbags in the compartment before opening the door for me.
"Hey..." he said gently as he reached for my hand. Bukas na ang engine ng sasakyan pero hindi pa rin kami umaalis sa parking lot ng supermarket.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkabalisa sa mukha niya.
"Why are you quiet?" he asked. Pinaghugpong niya ang kamay namin at maingat na nilaro ang daliri ko. "Dahil ba kay Sol?"
Sa sinabi niya ay agad kong binawi ang kamay sa kanya at tumingin na lang sa bintana.
"Tara na," I commanded.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago tahimik na pinaandar ang sasakyan. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi maganda ang pumapasok sa utak ko. I was being blinded by jealousy, at alam kong hindi magandang pagdudahan ko ang lalaki gayong wala naman siyang ginagawa.
But... I couldn't help it. Matagal niyang nagustuhan si Solene at walang habas niyang ipinaramdam iyon sa akin.
Nang maihatid niya ako sa villa ay sinabihan ko siyang sunduin na lang ako mamaya kahit na may usapan kaming tatambay muna siya roon. Buti nga at nakaiintindi siyang tumango kahit halata sa kanya ang lungkot.
Dumiretso ako sa kwarto, at para pigilan ang sarili sa pag-iisip ay kinuha ko na lang ang phone ko para mag-browse sa social media. Just a way to entertain myself. Nawala ang excitement ko sa pagpunta sa bahay nila dahil sa mga naiisip.
God, I hoped I wasn't his second choice.
I clicked on Rouge's story on Instagram, and something in my heart melted when I saw it. Tatlong oras na ang nakalilipas mula nang i-story niya ang kamay namin noong nasa grocery store kami. May mga maliliit na salita rin ang nandoon. My peace.
Ang sumunod na larawan ay mukha ko habang kinukuha ang isang pack ng mochi. Malaki ang ngiti ko at hindi ko manlang namalayang kinuhanan na niya ako. Mayroon ulit caption doon na lalong nagpalambot sa puso ko. Paraluman.
The last one was a video. Nasa beverages section ako at nakatalikod sa kanya.
"Husband duties," he uttered before chuckling. Bahagya pa siyang lumapit sa akin. "Likod pa lang, ang ganda na."
Tumigil siya sa pagvi-video nang tawagin ko siya at doon din agad natapos ang stories niya. Ilang ulit ko pang pinanood iyon dahil hindi ako makapaniwalang kaya niya akong i-post publicly lalo at marami siyang followers sa IG.
I sighed, giving in to what my heart really wanted.
Ano bang ikinatatakot ko? Rouge has assured me already. He told me that he loved me. He proved it everyday, at ngayon nga ay ipakikilala niya na ako sa mga magulang niya. Ano pa bang pumipigil sa akin na sagutin siya? I mean, this is what I wanted. This was why I came here to Isabela. Ano naman ngayon kung nagustuhan niya nga si Solene? Ako naman na ulit ang mahal niya. Hindi na dapat importante ang iba.
I was so, so weak when it came to him. Isang haplos lang, bibigay na agad ako. Isang galit na tingin, tumitiklop ang tapang ko. Isang sabing mahal niya ako, burado lahat ng sakit na matagal kong itinago.
It's okay, Debs. You love him. There's no reason for you to prolong this. Listen to your heart; it has been broken for years.
Rouge:
I love you.
Nanikip ang dibdib ko nang matanggap ang mensaheng iyon sa kanya.
Rouge:
I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for doing and saying harsh things. Alam kong hindi no'n mabubura ang mga pagdududa mo, pero mahal na mahal kita, Reese. Ikaw lang.
Rouge:
I'll improve myself. I'll give you more assurance. Please don't reject me yet, hmm? I'll try. Please. I promise I'll do better now.
Those messages convinced me. I stood up with determination in my gut. Kinalkal ang damitan ko at muling naligo para sa dinner namin. Matapos ang pag-aayos ay sakto rin namang tumawag siya para sabihing papunta na siya sa villa. Malungkot pa rin ang tinig niya lalo't hindi ako nagre-reply sa messages niya. Hindi rin naman niya binuksan ang usapin tungkol sa mga sinabi niya.
I wore a flowy army green dress and curled the tips of my hair before pulling it into a low ponytail. Masayang-masaya ang kanina lang ay puno ng pagdududa kong puso dahil alam kong bago matapos ang araw na ito, may... karapatan na ako sa kanya. May karapatan na kami sa isa't isa.
I felt... lighter. In just a few words, the weight had been lifted off my shoulder.
Rouge fetched me, and we were just silent the whole ride. Alam kong hindi siya nagsasalita dahil iniisip niyang galit ako, ngunit ang totoo ay kabadong-kabado ako kaya hindi ko siya makausap. He held my elbow to assist me, and call me names, but I really, really, really felt something in his touch. Isang hawak niya lang sa akin ay parang may init na yumayakap na agad sa puso ko.
"Good evening, hija!" Tita Candy greeted me with a huge smile on her lips.
"Magandang gabi rin po," nahihiya kong balik sa bati niya.
"Ma, mamaya mo na kausapin at hindi pa nagdi-dinner 'to," saad ni Rouge.
Nakita ko ang pag-irap sa kanya ni Tita kaya bahagyang napawi ang kaba ko.
Dinala nila ako sa dining area, at muntik pa akong mapatigil sa paglalakad nang makitang nasa mesa na ang tatay ni Rouge. Gaya ng lalaki, matikas din ang pangangatawan nito. Isang tingin lang ay napagtanto ko rin agad na sa kanya nakuha ni Rouge ang hubog ng panga niya.
Hindi gaya ni Tita Candy, ngayon ko lang ito nakita kaya muling bumalot ang nerbyos sa dibdib ko. Hindi ko ba alam! Hindi naman ako ipapakilala bilang girlfriend pero sa tibok ng puso ko ngayon, para akong mamamanhikan!
Rouge pulled a chair for me. 12-seater ang mesa nila at nasa dulo si Tito Gian. Sa kaliwa nito umupo si Tita Candy habang kami naman ni Rouge ang nasa kanan.
"Pa, si Reese... 'yong kinukuwento ko."
Nag-init ang mukha sa sinabi ni Rouge. Hindi pa nakatulong na ngumisi si Tito Gian sa kanya! He was literally the carbon copy and the older version of his son!
"Good evening po." Halos palakpakan ko ang sarili nang hindi ako mautal. Way to go, Debs!
Hindi tulad ko, nag-iisang anak lang si Rouge. Siya ang inaasahan sa kanila na magma-manage ng real estate company ni Tito Gian, pero wala naman siyang interes doon. Ang lumalaki namang bakeshop ni Tita Candy ay kayang-kaya niyang i-manage at kung magkakataon ay kay Rouge din ito ipapamana.
"Nililigawan ka ni Harvin, tama ba?" malalim ang tinig na tanong ni Tito Gian matapos i-serve ng mga kasambahay sa amin ang pagkain.
Nahihiyang tumango ako. God, this was so embarrassing!
"Aha!"
Muntik akong mapatalon sa kinauupuan ko nang biglang sumigaw si Tita Candy na tila ba may naalala siya. I looked at her and saw her gazing at me with a glimmer in her eyes.
"Ikaw si Reese! Si Deborah! Hindi ba?" she asked with too much enthusiasm. "You're Harvin's ex-girlfriend from Cebu!"
Tumingin siya sa asawa at pabirong hinampas ang balikat nito.
"'Yong iniyakan ng anak mo no'ng umuwi galing kay Papa..." bulong pa niya na nakarating naman sa pandinig ko.
"Ma!" reklamo ni Rouge.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tiningnan na lang ang pinggan. I didn't know what to feel. So... they knew me? Bilang nagpaiyak sa anak nila... right.
"I don't know why this made me so happy! Bakit ngayon ka lang bumisita?! At kailan ka pa rito sa Isabela? My god! Kung alam ko lang na narito ka ay lagi sana kitang iniimbitahan sa bakeshop! I want to know how you made my son cry!" tuwang-tuwang saad niya.
Huminga ako nang malalim at napangiti. Tiningnan ko si Rouge na ngayon ay nababalisang nakatingin din sa akin.
"Uhh... I actually reside here po for almost four years na. I'm living with my friends, and sa SEU din po ako pumapasok."
Tumango sa akin ang ginang. "Napapansin kita sa Sweets and Treats at pamilyar ka sa 'kin, hija... kaya naman pala! Rouge had shown me your pictures before!"
The man beside me grunted. "Ma, please, let's just eat in peace."
Tumawa ang mag-asawa kaya tuluyang nawala ang kaba ko. Patuloy rin ang pagtatanong nila sa akin na para bang interesado talaga sila sa buhay ko.
"Your family has a plantation in Cebu... wow!" Tita Candy said, amused. "And your brother is running for governor. Your family was something. Mukhang kailangan na naming mag-ipon para sa pag-akyat namin ng ligaw sa mga magulang mo, ah?"
"Maghahanap na talaga ako ng investors," sabi pa ni Tito.
Napanguso ako sa sinabi nila, at nahihiyang sumulyap kay Rouge. Tahimik siya at mukhang may malalim na iniisip.
"Ahh... hindi naman po, Tita, Tito. Malawak po ang plantation ni Daddy pero hindi naman po kami kasingyaman ni Abuelo," pagkasabi ko noon ay mahina pa akong tumawa.
Abuelo was Tito Gian's father, and he was also the one who originally owned the real estate company, which he transferred and gave to his son. Mahusay din namang mangalaga si Tito dahil napalaki niya ito sa mga nagdaang dekada.
Nagpatuloy pa kami sa pagkukuwentuhan. Kahit medyo nakaka-intimidate ang aura ng tatay ni Rouge ay makuwento ito at palangiti kaya bagay na bagay sila ni Tita Candy.
"Bibisita ka ulit, ha?" marahang saad ni Tita matapos namin kumain. "I always wanted to have a daughter but God gave me a son who always acts like a damsel." She chuckled.
Nahawa ako sa tawa niya. "Opo, Tita, pupunta po ulit ako rito kapag hindi na kayo busy."
"Harvin, ihatid mo si Reese." Narinig kong utos ni Tito sa lalaki.
"Ihahatid ko naman talaga, pa..."
Nagpaalaman lang kami saglit bago kami sabay na lumabas ni Rouge. Pinatunog niya agad ang kotse niya at pinagbuksan pa ako ng pinto. He hadn't said anything to me all night, and I did the same to him, but only because of what I was planning to do tonight. I didn't think I could wait another day. I wanted assurance. I wanted us to be committed to each other again.
It was a nice dinner. At last, nakilala na rin ako ng mga magulang niya. Isa na lang talaga ang kulang... ang sagot ko.
Hindi pa kami nakakaalis sa mansyon nila pero pumasok na sa loob ang mga magulang niya. Nang masigurong kaming dalawa na lang ang naroon ay itinuon ko ang buong atensiyon sa kanya.
He was looking at the gears with visible sadness in his eyes. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay lalo pang lumamlam ang mga mata niya.
"Galit ka pa rin ba?"
Nanikip ang dibdib ko sa lambing at lalim ng boses niya. It was soothing me... reassuring me that I owned a piece of his heart.
"How can I make it up to you?" Binasa niya ang pang-ibabang labi bago nagpakawala ng isang buntong-hininga. "Yes, I liked Sol before. But now, I only like her as a friend, and I've realized it's always been that way. She's a nice person, and all I felt for her was admiration," pagpapaliwanag niya.
Ikinunot niya ang noo... para bang hirap na hirap siya sa sitwasyon namin. "Ikaw ang nililigawan ko dahil ikaw ang gusto ko, Reese."
Pinatatag ko ang sarili. My heart was flying into rage again. Pinakatitigan ko siya, mata sa mata. I wanted to read his eyes. I wanted to see his sincerity.
"Sigurado ka bang niligawan mo ako dahil gusto mo ako? O dahil lang hindi na puwede si Solene?" I asked.
Gumuhit ang sakit sa mukha niya. "Is that really what you're thinking?"
I kept my face straight. "You can't blame me, can you?"
He reached for my hand and held it tightly as if it were his way of giving me the warmth and security I needed.
"Sorry..." Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at marahang hinalikan iyon. "I'm sorry for all the doubts I gave you." Umiling siya, ang mga mata at tutok na tutok sa akin. "Walang ibang babae, Reese. You dominated my heart and mind. Walang nang puwang ang kahit na sino."
His sincerity enveloped my heart. There was no other woman but me. I took a deep breath and started to delicately brush his knuckles, numbing all the pain we had caused each other, calming our broken hearts, and falling prey to the second shot of love the sky had given us. Nakita ko ang bahagyang pagpungay ng mga mata niya sa magkahugpong naming kamay.
Yes, Rouge... I was still in love with you. Kahit durugin mo 'ko, ikaw pa rin ang hahanapin ng lahat ng piraso ng puso ko.
"I trust you," napapaos na bulong ko. "Rouge... I'm entrusting my whole heart to you."
Lalong pumungay ang mga mata niya. He stared at me, emotions brimming in his eyes. Walang salitang namutawi sa pagitan namin. We cherished the silence, the peace of the night, and the heat our hands were giving each other.
Naglandas ang mga mata niya sa mukha ko. Maingat at dahan-dahan. Para bang kinakabisado niya ang bawat detalye ng mukha ko. He looked at my lips for a long time, and when he returned his gaze to mine, his face was filled with admiration and... love.
I took several deep breaths as immediate contentment flooded my heart. There was no perfect time but now. There was no perfect man but him. We were made for each other... at kahit ilang taon pa ang lumipas, kami at kami pa rin ang magsasama sa dulo.
"I want to be your girlfriend again, Rouge."
His mouth dropped open, and his eyes glowed with disbelief. Tumigil ang paghaplos niya sa kamay ko na para bang may sinabi ako na nakapagpatigil sa mundo niya.
I gave him my sweetest smile and leaned forward to kiss him.
He was speechless, but out of reflex, he held down my waist and kissed me back.
I'm entrusting my heart to you, Rouge. Please don't break it again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro