Chapter 18
Chapter 18
Rouge:
Have you eaten? I cooked something for you.
Napairap ako nang mabasa ang text niya habang busy sa pagdi-discuss ang professor namin. Tapos na naman ako sa graded recitation kaya petiks na lang ako habang hinihintay ang ilan na makasagot.
I pursed my lips before replying.
Me:
Busog ako.
Ibinaba ko ang phone para tumingin ulit sa unahan pero nang maramdaman ang pag-vibrate no'n, binasa ko naman ang reply niya... or I must say... replies.
Rouge:
Okay. Dadalhin ko d'yan mamaya. 11 ang lunch n'yo, 'di ba?
He literally ignored my words! Sabing busog ako!
Rouge:
Also, my mom baked some cookies for you. Isasabay ko na pagdadala ko ng pagkain mo d'yan.
Rouge:
Hindi mo na ba ako kailangang sukatan? Wala nang uulitin sa designs mo? Kailan mo ulit ako papupuntahin sa villa?
Nagsalita si Sir kaya naibulsa ko ang phone nang hindi siya sinasagot. I was biting the insides of my cheeks... trying to stifle my smile. Damn. Akala ko ba ayaw na, Debs? Ano'ng nginingiti-ngiti mo?
Umiling ako. Hindi puwede. I had to make sure that he was serious this time. Ayaw ko nang masaktan dahil sa kanya. My mother was right. I should focus on my dreams. Ganoon ang dapat kong gawin.
"Debs, pahingi akong puting sinulid," ani Rapsly kaya kumuha ako sa pouch ko at iniabot sa kanya.
"Papasok pa ba tayo bukas? Wala naman yatang klase," tanong niya, hindi pa rin umaalis sa gilid ko.
Ngumuso ako at bahagyang nag-isip. Valentine's Day bukas at nasabi na sa amin na may program sa school.
"Akala ko ba ay may party sa villa ng gabi?" tanong ko.
"Oo nga... pero kumuha naman ng organizers para ma-facilitate 'yon. Ano? Papasok pa ba tayo?"
Umiling ako dahil nakakatamad naman talagang pumasok kaya nakita ko ang pagngisi niya. Sus, kailangan lang pala ng kasama sa pagganap niya!
Annually, may party sa villa tuwing Valentine's. Last year ay formal party ang ini-organize nilang tatlo. Bukas naman ay barbecue and pool party lang dahil busy sila sa pag-aasikaso ng paparating naming fashion show. Ayan nga at kumuha pa ng organizers kahit hindi naman na talaga kailangan.
As usual, invited na naman ang halos kalahati ng population ng school at kinausap ni Rapsly ang Narcissus na pumunta. Akala ko no'ng una ay hindi papayag si Rouge dahil espesyal na araw ang Valentine's pero pumayag naman sila.
Hindi naman ako tanga o manhid. Sa nakalipas na mga araw, panay ang pagte-text at pagtawag sa akin ng lalaki. Minsan pa ay papupuntahin ako sa garden ng school para makasabay ko siya sa pagkain. Minsan naman ay sinusundo niya ako mismo sa villa para sabay kaming pumasok kaya panay ang pang-aasar ng mga kaibigan ko.
Parang nabaligtad ang sitwasyon namin. Hindi ko alam. May parte sa akin na natatakot hangga't hindi ko pa naririnig sa kanya ang hinihintay ko.
"Debs, tawag ka ni Harvin! Nasa labas!" sigaw ni Nime sa pinto ng room, 15 minutes bago ang lunch break. Mabuti at umalis na si Sir dahil shortened period kami.
Nakanguso kong kinuha ang phone ko at naglakad patungo sa labas ng room. Nakita ko agad si Rouge na mayabang na nakatayo limang metro mula sa pintuan habang may bitbit na pink na paperbag. Bukas ang unang tatlong butones ng polo niya at hindi na naman suot ang itim na coat sa uniform nila.
Ako naman ay naka-sweatpants lang at crop top. Nakatali rin ang humahaba ko nang buhok na balak ko na ring pakulayan ng itim.
He smiled sweetly when he saw me. Walang pag-aatubiling lumapit din siya sa akin bago kinuha ang kamay ko at inilagay doon ang paperbag.
"Beef brisket at java rice 'yan... the cookies my mom baked are also there," saad niya, nakatingin pa rin sa paperbag.
Ikinunot ko ang noo at sinimangutan siya. "Busog nga ako. Kulit, eh."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumisi na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Tinitigan niya ako at bahagyang kinagat ang labi para pigilan ang paglawak ng ngisi pero hindi rin niya iyon napigilan kaya lalo akong napanguso.
"Ubos mo rin naman 'yan mamaya, Reese. Hindi ako naniniwala sa busog-busog na 'yan," pang-aasar niya.
I glared at him. He slightly tilted his head before glancing inside our room. Matapos iyon ay muli niyang ibinalik ang tingin sa akin.
"May klase pa ba kayo?" he asked. "Vacant ko kasi ng tatlong oras... may gusto ka pa bang ipabili? O iutos?"
Hinigpitan ko ang hawak sa pinto sa ginawa niyang seryosong pagtitig sa akin. I felt like I'd melt!
"Mamayang ala una pa ulit ang klase namin at wala naman akong gustong ipabili."
Naramdaman ko ang paglabas ng mga kaklase ko dahil nakaharang ako sa pinto. Tumigil muna kami sa pag-uusap para padaanin sila na mayroong nanunudyong tingin sa akin. Kahit ang mga kaibigan ni Mizuki ay wala nang nagawa nang lumipat ang babae kaya kanya-kanyang pakikisama na ulit na parang walang nangyari.
"Debs, nagchat si Hunter sa 'kin! Bakit daw hindi ka nagre-reply?" sigaw ni Cali mula sa loob ng room.
Sumilip ako para sagutin siya. "Sabihin mo, hindi pa ako nag-o-online!"
"Nagyayayang mag-dinner bukas... my god! Ayaw pang diretsuhin na gusto kang maka-date."
Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. It was not like Hunter and I were something. Madalas lang itong mag-chat at hindi ko naman din regular na nire-replyan dahil nga may asungot na gabi-gabing tumatawag sa akin.
Humarap ulit ako kay Rouge na masama na ang tingin sa akin. I knew this look so much, pero ayoko munang mag-assume hangga't wala pa siyang sinasabi.
I raised my brow. "Bakit ang sama mo makatingin?"
"'Wag ka nang mag-online. Ako ang ka-date mo bukas, ah?" Ngumuso siya. "Sinabi ko na d'yan kay Hunter na tigilan ka! 'Wag mo nang replyan 'yan."
I crossed my arms and looked at his frowning face. Kahit magkasalubong ang kilay ay para pa rin siyang modelo. His pinkish lips were protruding, parang humihingi ng halik.
"Ano naman ngayon kung replyan at i-entertain ko? Single naman ako. Single din siya."
Lalong lumalim ang kunot sa noo niya.
"Si Reese naman..." parang batang saad niya. "'Wag na kasi. Ako nga ang nandito, eh..."
Inabot niya ang isang kamay ko at hinawakan 'yon nang mahigpit. Hindi pa siya nakuntento at sumandal siya sa gilid ng pintuan para mapalapit sa akin nang husto.
Agad akong napalayo sa kanya pero dahil hawak niya ang kamay ko ay hindi ako nag-tagumpay sa plano.
"Pupunta ako bukas sa party sa villa. Anong kulay ng damit ang isusuot mo?"
Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa akin pero hinigpitan niya lang lalo ang hawak do'n.
"Why are you asking? Wala namang color coding!" I hissed.
Nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya bago siya nag-iwas ng tingin sa akin. Binasa niya rin ang pang-ibabang labi bago ako balingan ulit. Lalong pumula ang labi niya.
"Para kagaya ng dati," he paused. "Magkapareho tayo lagi ng kulay ng shirt, ah? Hindi ka naman nagrereklamo noon."
"We were in a relationship back then!" I reasoned out.
Nanlaki ang mata ko nang inirapan niya ako at walang habas na binitawan ang kamay ko. He brushed his thick hair with his hand before tilting his head to the left.
"Basta, naka-red ka dapat bukas. Kapag hindi, huhubaran kita."
Mabilis akong lumapit sa kanya at hinampas siya sa braso. Namumula ang buong mukha ko sa hiya at pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig.
"Yellow ang dress ko!" anas ko sa kanya. "Subukan mo lang akong guluhin talaga, hahalikan ko si Hunter sa harap mo!"
"What?" he asked lowly.
Inirapan ko siya bago ako tumalikod. Narinig ko pa ang pagtawag niya ulit pero hindi ko na siya pinansin. Pagbalik ko sa upuan ko ay agad kong naramdaman ang sunod-sunod na pagvi-vibrate ng phone ko.
Nang silipin ko 'yon ay lalo akong namula.
Rouge:
Naiinis ako. 'Wag mo na ulit sasabihin 'yon.
Rouge:
At 'wag mo nang rereplyan si Hunter kung hindi naman kailangan.
Rouge:
Nagseselos ako.
Natapos ang araw na iyon na naubos ko nga lahat ng ibinigay sa akin ng lalaki. Sirang-sira tuloy ang low carb diet ko! Ang sarap-sarap niya kasing mag-luto!
The next day, hindi nga kami pumasok. Nakatanggap ako ng good morning text kay Rouge na hindi ko na rin pinansin dahil abala kami sa pag-aasikaso ng party. Kahit kasi may organizers, hindi pa rin tiwala ang tatlo sa mga 'yon.
Cliff cooked some side dishes dahil mamaya pa naman sa mismong party iluluto ang barbecues. Si Cali at Rapsly naman ay tumulong sa pagde-decorate sa labas habang ako ay busy sa pag-aasikaso ng isusuot nila. Rapsly invited some celebrities and models, kaya sigurado ako na hindi lang basta barbeque party ito.
I also sent my portfolio to my parents dahil hiningi nila ito. My father commented that my designs were mediocre, hindi raw para kuhanin ng magagandang companies kaya kailangan ko pang mag-improve. I didn't take it too hard. Tama naman kasi siya.
Alas otso nang gabi ang simula ng party pero alas siete pa lang ay bihis na bihis na kami. I was wearing a yellow flowy dress and white flat shoes. I also parted my hair in half and straightened it. Si Cali ay pinagbihis ko lang ng peach collared dress na bagay sa mapusyaw niyang balat habang si Rapsly na may pagkamorena rin ay pinagsuot ko ng midnight blue na tube dress. Tanging si Cliff lang ang hindi naka-dress sa amin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya komportable.
He wore a white polo and black shorts. Ibinukas pa ang dalawang butones kaya kung hindi ko lang alam ang sexual orientation niya ay masasabi kong papasa siyang crush ni Rapsly.
"Shet, ang gaganda natin! Picture muna!" maarteng saad ni Cliff bago kunin ang DSLR at tripod niya.
We positioned ourselves in front of the villa and smiled at the camera. Marami kaming pictures. Ang iba ay nakakahiya nang ipost lalo at kung ano-ano ang pose na ginawa ni Cali!
"Please lang, ha? Kung may makaka-momol kayo tonight, idiretso sa kwarto. Hindi ko mata-take na makita kayong nakikipag-sex sa sala o sa sulok ng garden. Very cheap!" litanya ni Rapsly habang inanatay namin ang mga bisita.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako lalo at itinext ako ni Rouge na malapit na siya. Maraming couples ang darating ngayon, sigurado ako, pero kaming apat na nagplano, mga single! Iñigo and Rapsly didn't even last a month! Nagtikiman lang! Si Cali naman ay parang nakakausap na naman ang isang ex niya kaya kaunti na lang ay gusto ko na siyang batukan.
Pero syempre hindi ko 'yon magawa dahil patay na patay din naman ako sa ex ko.
After a few minutes, mabilis na nagdatingan ang mga tao. We accommodated them. Ipinakilala pa ako ni Rapsly kay Liam Garofil na hindi ko alam na ka-close niya! I may be so in love with my ex right now, but this man was sizzling hot! Tuloy ay tili kami nang tili ni Cali nang makaalis sa harapan nila.
"Lintek ka, hindi mo manlang sinabing nasa circle mo pala 'yon! Sana ay nakapag-gown ako!" marahas na saad ni Cliff.
Tuloy ang pagpapakilala ni Rapsly sa amin sa iba't ibang artista at modelo na naroon. Some even asked for my number! At syempre, para hindi naman matawag na bastos, ibinigay ko 'yon sa kanila habang nananalangin na sana ay walang magalit.
Nakita ko ang pagpasok ng pulang lancer sa villa kaya muling bumalik ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatigil ako sa pakikipagtawanan sa mga modelong kasama ko sa mesa para panoorin ang paglabas ni Rouge ng sasakyan niya.
He stepped out of the car, and my heartbeat doubled. He had the kind of look that would make you stop in your tracks. His black eyes, but predominantly hazel brown, could make weaken your knees. His brows were graceful but wrinkled in a frown at the moment. His jawline was also angular, as were his cheekbones. Habang pinagmamasdan ko siyang maglakad ay kinagat ko ang pang-ibabang labi sa labis na pagkabalisa. It was as if the embodiment of Adonis and a Greek warrior were wreaking havoc on me.
I heard gasps... I didn't know what for.
I was about to say something casual to him when he wrapped his arm around my waist. It was as if he was claiming me... And every part of me that didn't want him shuddered at his touch. Hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang banayad niyang paghinga sa leeg ko.
"I miss you," he murmured. "Hindi ka nagre-reply... galit ka ba? I wore a yellow polo today..."
I gulped and held on to his muscular arms for support. Hindi ako nakasagot lalo at magkadikit agad ang katawan namin. Napagtanto ko rin na kahit gaano karaming guwapong lalaki ang itapat sa akin, isang tao lang ang kayang magparamdam sa akin nito. Isang tao lang ang may kakayanang pawalain ako sa katinuan ko.
"Wow, Debs..." Janna, one of the models, mumbled in amusement.
Without showing any fainting of shame, she scanned Rouge from head to toe. Nakita ko ang bahagyang pagbabasa niya sa labi kaya humigpit ang kapit ko sa braso ng lalaki.
"You have a hot boyfriend. Akala ko ay single ka." She smiled. "You were giving out your number," dagdag pa nito na nagpalaki sa mata ko.
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Rouge sa baywang ko, halatang hindi nagustuhan ang narinig.
"Ahh!" I laughed nervously. "He's not my boyfriend!"
Kitang-kita ko ang paglawak ng ngiti ni Janna sa sinabi ko at malagkit na tiningnan ang lalaki na halos ipulupot na ang sarili sa akin.
"But he's not available," bawi ko agad dahil sa kaba. "He's..." I looked away. "He's courting me..." saad ko kahit hindi naman talaga. Mabilis ding nag-init ang mukha ko nang maramdaman ang malalim na paghinga ni Rouge.
Inisa-isa ko ang mga kasama sa mesa at nginitian sila. Some men who were flirting with me earlier shook their heads, parang napagtanto na hindi ako puwede kahit wala pa naman akong sinasabi. But of course, heto nga at hindi ako binibitawan ni Rouge! Of course, they knew what was going on!
"Excuse us..." I told them.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at hinigit na palayo roon si Rouge. Lalo sa mga mata ng impaktang mga babae na kulang na lang ay hubaran siya! Hindi ba nila nakikitang ako ang gusto nito?! Even that Janna girl!
Dinala ko siya sa pool kung saan halos walang tao dahil lahat ay nasa garden. Nang maharap ko siya ay na-realize ko na para akong tanga dahil wala naman akong sasabihin!
He was already giving me daggers and dark glares. Ang suot niyang pale yellow na polo ay walang habas na ipinakita ang dibdib niya dahil bukas na naman ang butones noon, parang ipinagmamayabang ang itinatago niyang yaman.
Naalala ko ang sinabi kong nililigawan niya ako kaya nanumbalik sa akin ang pag-iinit ng pisngi. Great, Reese Deborah! Sa harap niya pa talaga!
I swallowed to clear my throat. "Uhm... tungkol do'n sa ligaw, pasensya na at nagsinungaling ako... I didn't know why I did that."
Ang mata ko ay bumaba sa dibdib niya dahil nangangalay na ang leeg kong tingalain siya. Isa pa, hindi ko matagalan ang intensidad ng mata niya.
"You're not lying, Reese. I am courting you."
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-ubo sa narinig. Why the fuck was he being so frank?!
"Wala ka namang... sinasabi!" I said frantically. "Hindi ka naman nagtatanong o ano! You can't just claim... that you're courting me!"
Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko nang lumapit siya. Dinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya, halos kasabayan din ng akin. I looked at him and my eyes glimmered when I saw the beauty of his perfect physique. He was looking down on me, like a heartless king, ready to conquer the lands of peasants.
"Kung ganoon, puwede ba akong manligaw, Reese?" he asked, almost in a whisper.
I felt like my world had stopped.
"If it wasn't obvious, I want you back. I want to continue what we had... even better than that." Inilapit niya ang mukha sa ulo ko at marahang inamoy ang buhok ko. "Lumipas ang ilang taon pero ikaw pa rin... hindi ko alam kung paano at bakit pero ikaw pa rin..."
The confirmation I needed was said under the starry sky and bright moonlight. I no longer needed to love him from afar because he came to me naturally, like how the sky and the sea met at the horizon.
It was so serene. I closed my eyes to feel our closeness even more. Years had passed, and it was still him. Kahit walang kasiguraduhan, kahit ilang beses ko nang sinaad ang pagsuko, kahit parang imposible, tinanaw ko pa rin siya at minahal gaya ng langit na parang mahirap abutin.
"I heard you gave your phone number to those ugly men... " bulong niya."I was jealous, but it was your choice. Hindi naman kita gustong pigilan dahil wala pa naman akong karapatan, Reese."
I clenched my fist. "H-hindi naman ako magre-reply..."
Huminga siya nang malalim ay muling pinatakan ng halik ang noo ko. My god! Nanliligaw pa lang 'yan!
He chuckled lowly. "Oo, 'wag mong replyan... ako lang ang replyan mo."
Pabiro kong hinampas ang dibdib niya ngunit hinuli niya lang ang kamay ko at iniyakap sa baywang niya. Tuloy ay matagumpay niya akong nakulong sa bisig niya na parang ayaw akong pakawalan.
"I miss you so much, love..."
Tuluyang natunaw ang puso ko nang tawagin niya ako sa paraang iyon. It was our endearment back then. Before everything happened.
Pumailalim bigla ang malumanay na tugtog sa garden at dahil nasa pool side kami, naririnig pa rin naman namin 'yon. We were hugging each other when he began moving our bodies into a slow dance.
"Rouge," I called him, shy.
He ignored me. Bahagya niyang inilayo ang katawan sa akin para ilagay ang dalawa kong kamay paikot sa leeg niya. Ang kanya naman ay walang pasubaling yumakap sa baywang ko.
He was staring deeply at me, ganoon din ako. It was like a magical moment for us. Our bodies, swayed along with the music while looking at each other lovingly. The feeling was so familiar and beautiful, like the sensation of the first sip of your coffee, street lights at dawn, nature walks, and waterfalls.
"I love you," he said, his voice full of emotion.
Right at that moment, I felt like the universe had collided and the sky had finally settled on my heart. I prayed for this with so much devotion and faith.
Damn, I love him, too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro