Chapter 17
Chapter 17
Lumipas ang mga araw na parang wala akong buhay. I was very familiar with this feeling because I'd gone through it when he left me.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero hindi sila ang tumugtog sa ball. Si Hunter ang nakasama ko pero buong gabi ay tahimik lang ako. Kahit noong mismong party, nasa upuan lang ako at nakikingiti sa mga kasama.
My friends didn't bother asking me what happened. Hinayaan nila akong mag-isa muna dahil alam ko namang 'yon lang kailangan ko ngayon. I appreciated it. I didn't need anyone to sympathize with me.
Nauna rin akong umuwi sa kanila no'ng araw na 'yon. Hindi ko nga alam kung nakausap ko ba si Hunter o hindi dahil wala talaga sa ball ang isip ko.
When we traveled back to Cebu, I locked myself in the room. My parents got worried, but I told them that I was having dysmenorrhea.
It was too painful. I didn't want to give him up. Kahit ano palang pilit kong sabihin sa sarili na isusuko ko na siya, hindi ko pa rin magagawa kasi wala namang switch ang puso ko. Every day and night, I did nothing but to reminisce the past... and it hurt me more. Dahil hindi na ulit mangyayari iyon.
"Focus on your career, Deborah. Pinagbigyan kitang tahakin 'yan. Make sure to succeed," my father told me while we were eating.
"Yes, Daddy..."
Sa loob ng halos tatlong linggo ko sa Cebu, wala akong ginawa kung hindi pakinggan ang sermon ni Daddy lalo at nang mabalitaan niyang nanakaw ang designs ko. It was okay. My father was really strict. Siya naman talaga ang nagpu-push sa akin na mag-business pero sinuportahan pa rin ako sa fashion designing. I had to make him proud.
While looking at our vast plantation, my heart was finally at ease.
Ayoko nang umalis dito. Ayoko nang bumalik sa Isabela dahil alam kong pagtapak ko ulit doon, haharapin ko na naman siya.
Hindi ko alam. Parang hindi na kaya ng puso ko.
I also visited Abuelo. Mabilis lang ang pagkikita namin dahil may trabaho siya. Hindi ko na rin naman siya ginulo.
"Uno will run for governor."
It was my last night there when my father announced it. I was happy for my brother. Buong gabi ay isinelebra namin 'yon. He was happily married, but he didn't have a child yet. Nang malaman niya ngang umuwi ako ay bumalik din siya sa mansyon.
Noong pasko, nakatanggap pa ako ng holiday greetings galing kay Rouge pero hindi na ako sumagot. Kahit noong nag bagong taon, hindi ko siya nireplyan. I didn't block his number, but I unfollowed him on all my social media accounts.
"Nakakatampo ka naman," ani Mommy nang pumasok sa kwarto ko. I was packing my clothes.
Tumabi siya sa akin at tinulungan akong mag-impake.
"Umuwi ka nga... hindi ka naman makausap. I was waiting for you to open up to me, but it seems like you're not ready yet, right?"
I gulped and looked at her with melancholic eyes. Sa mga nakalipas na linggo, sinabi sa akin ni Melanie na sa Sweets and Treats na nagtatrabaho si Solene at ka-close nito ang nanay ni Rouge.
"Mommy..." My voice trembled. "Ayoko nang umalis dito. Ayoko nang bumalik do'n," I confessed. "Kahit business program na lang ang kukunin ko rito... basta ayoko na sa Isabela."
Tumigil siya sa pagtutupi ng damit at iniharap ako sa kanya. She held my cheeks before embracing me. It was full of warmth and love.
"Paano ang pangarap mo?" she asked. "Isusuko mo na ba? Kung oo, sinong talo?"
Niyakap ko rin siya pabalik at hinayaan ang sarili na makahanap ng kalinga sa balikat niya. Mommy, I was hurt. Mababaw lang ang sugat pero ang lalim ng hapdi.
"I came there for Rouge..." anas ko. "I came there to watch him, to observe him, and to take him back... pero, Mommy, ayaw niya na. He loves someone else now. Wala akong laban..."
Ibinalik niya ang paghawak sa mukha ko at matamis akong nginitian.
"You shouldn't fight for love... because love was the one that should fight for you," she whispered. "Focus on your dreams, anak. I don't want you to give it up just for that boy. You are more than what you think of, Deborah."
Ganoon ang ginawa ko pagbalik namin sa Isabela. Naibalik sa akin ang designs ko sa tulong ng mga kaibigan ko. Nalaman naming binayaran ni Mizuki ang professor namin kaya na-suspend si Ma'am nang ilang buwan. Ibang teacher ngayon ang nagha-handle sa amin. Si Mizuki naman ay lumipat ng school sa labis na kahihiyan.
I focused on my craft... halos wala nang panahon para sa ibang bagay. Kahit sa pag-iinom o pagpa-party.
Isang bagay lang talaga ang bumabagabag sa akin. Hindi ko pa kasi nasasabihan si Rouge na magpapalit na ako ng model. Wala pa akong nahahanap pero alam kong kailangan ko na siyang palitan. I didn't want to prolong my agony. Tama si Mommy. I shouldn't lose my dream for love.
Madalas kong nakikita si Rouge sa department namin. Minsan ay kasama niya ang Narcissus pero madalas ay mag-isa lang siya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dahil hindi na talaga ako nakikibalita. Hindi ko na rin siya tinitingnan o pinapansin. Wala namang dahilan para gawin iyon.
Kahit kapag may gig sila ay hindi ako kahit isang beses na pumunta ulit. Hindi na rin ako masyadong nagpo-post sa social media accounts ko.
"Debs, paano ang photoshoot ng models mo? Si Melanie pa lang ang meron ka," tanong ni Cliff habang naggugupit ng pattern papers.
I sighed. I felt like he could read my thoughts.
"Hindi ko alam... siguro kakausapin ko rin. Wala naman akong ibang magagawa."
He nodded. "'Wag mo nang i-text o tawagan. Kami nang tatlo ang lalapit sa kanya. Papupuntahin namin mamaya sa villa para makuhanan mo na ng pictures."
"Cliff... kakausapin ko rin muna... para kasing hindi ko kayang makipagplastikan. I will ask him if he still wants to be my model." Tumawa ako, bahagyang kumikirot na naman ang puso. "After all, I just blackmailed him."
Napalapit ako sa kanya dahil sa pag-ibig niya kay Solene at lalayo rin ako sa kanya sa parehong dahilan.
"Pero sige. Kayo na ang tumawag dahil ayaw ko siyang makausap pa..."
Dahil dalawang buwan na lang bago ang fashion show, tapos na kaming lahat. Photoshoot na lang talaga ang kulang. Pero dahil may plano pa akong magbago, baka matagalan pa ako. Sa measurements lang naman.
Kung hindi na siya papayag na maging model ko, bagay na sigurado naman ako, baka maghanap na lang ako ng models talaga sa agency ni Melanie.
Tinulungan ako ng mga kaibigan ko sa pananahi dahil ako ang nahuli. I was amused by Rapsly's design because the skirt of the gown was inspired by an octopus' tentacles. Si Cali ang nag-ayos ng sapatos ko at si Cliff sa accessories.
Ganoon din ako sa kanila. I helped them design their pieces. Nag-suggest din ako ng magagandang tela at materials na puwedeng gamitin. Last week lang ay lumuwas kami para mamili ng iba pang kulang na gamit na hindi namin nabili sa Mactan.
Nang vacant namin ay hindi ako lumabas kahit dinig kong naroon na naman daw ang Narcissus. Kahit naman kasi madalas makita ang mga ito, hindi maiwasan ng mga kaklase at ka-department ko na mag-fangirling.
Nakatingin lang ako sa blinds sa gilid ko nang kulbitin ako ni Cali. Napatingin ako sa kanya ngunit pasimple niya lang na inginuso ang labas.
I glanced through the windows without any expectations. Something tugged at my heart when I saw Rouge outside. He was leaning against the wall while looking at our classroom. Mukha siyang may tinatanaw o hinahanap kaya ibinalik ko ang sarili sa pagsandal at paglalaro na lang ng blinds.
"Tibay. Nakakaproud," panunudyo sa akin ni Cali na hindi ko na pinatulan.
Every day was almost like that. Madalas kong nakikita sa labas ng room namin ang Narcissus. Si Zane para kay Nime, si Rhome para sa nililigawan niya sa department namin at si Rouge para tumambay lang.
Nakita ko ang paglabas ni Clifford at Rapsly. Pinanood ko lang sila at hindi na rin naman ako nagtaka nang lapitan nila si Rouge sa labas dahil napag-usapan namin na kakausapin nila si Rouge para sa akin.
Basa ko ang pagtataka sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang walang habas itong lumapit sa pinto at inilibot ang mata sa loob ng room namin.
His eyes stopped on me before letting out a sigh. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya gaya ng lagi kong ginagawa.
'Yon lang naman ang nangyari hanggang matapos ang klase.
"Pumayag, pupunta raw mamayang 6PM sa villa. Tambay muna kami sa Rampage tapos i-text mo na lang kami kapag nakauwi na," paalala sa akin ni Rapsly bago kami maghiwa-hiwalay.
I licked my lower lip before bringing my portfolio closer to my body.
"Puwede namang sa villa na lang din kayo. Mabilis lang naman ang pag-uusap... hindi na kailangan ng privacy."
Cali scoffed. "Hindi na! Sa itsura no'n nitong mga nagdaang buwan, sure ako na kailangan n'yong mag-usap."
"True! Lakas mo rin, eh. Biglang hindi pinansin." Tumawa si Cliff at pinasadahan ng kamay ang may kahabaan na niyang buhok. "Lagi pang nakatambay sa labas ng room 'yon... ayoko na lang isipin kung sinong dahilan."
Inirapan ko lang sila. Sabay-sabay na sumakay ang tatlo sa kotse ni Rapsly habang ako ay naglakad papunta sa waiting shed para maghintay ng taxi. Hindi rin naman nagtagal ay nakasakay na ako.
Pagkarating sa villa ay saka lang nag-sink in sa akin na kauusapin ko ulit ang lalaki. Nakakasawa na ang ganito. Paulit-ulit na lang. Sana pala ay nakuntento na lang ako sa pagtanaw at pagmamahal sa kanya mula sa malayo. Hindi sana ako nasasaktan nang ganito ngayon.
Maaga pa kaya nagkape muna ako sa sala at naglinis na rin. Nakasando lang ako at cotton shorts. Ang balak ko ay maya-maya pa maligo tutal ay alas sais pa naman ang dating niya.
Kaunting buwan na lang, Debs. Lilipad na kayo pa-Italy. Aabutin mo na ang pangarap mo. You will make your parents proud. You will live a better life. You will make it.
Alas sinco nang matapos ako sa paglilinis. Nakapusod pa ang buhok ko at pawisan ang noo dahil sa init.
"Whooo!" I exhaled happily. Sigurado akong matutuwa si Rapsly kapag nakita niyang malinis na naman ang sala!
Siguro... ipatatanggal ko na rin ang painting sa kisame ko. Hahayaan ko na lang na puti lang iyon dahil gano'n naman talaga dapat ang kulay noon.
I was ready to go upstairs when the doorbell rang. Napatigil ako sa hagdan at kumunot ang noo. Wala pa namang 6!
Sumilip ako mula sa bintana at kumalabog ang puso ko nang makita si Rouge sa labas. Bagong ligo at bagong gupit ng buhok... and to my suprise, he was also holding a bouquet of tulips.
I breathed to bring my heart rate down to its normal pace. Hindi na puwede. That man inflicted so much pain on your heart, Debs. You have to keep that in mind.
Pinunasan ko lang ang pawis sa noo ko bago siya pinagbuksan ng pinto.
Sumalubong sa akin ang bango niya pero pinanatili ko lang ang seryosong ekspresyon.
"Maupo ka muna sa loob. Mag-aayos lang ako," I uttered like my heart wasn't pounding loudly against my chest.
He stared at me, and I saw how his eyes glistened, like the stars I always wished for. Nilabanan ko ang titig niya pero sinigurado kong wala siyang mababasang kahit ano sa mukha ko.
"Uh." He cleared his throat. "You want... tulips?" He scratched the back of his head before handing me the bouquet.
I looked at it with annoyance before shaking my head.
"Ayoko. Salamat na lang. Sige na, pumasok ka na para matapos na natin 'to."
He gulped and nodded like an obedient kid. Tumalikod ako sa kanya at kahit ramdam ko ang nakatutusok niyang tingin sa akin ay umakyat pa rin ako sa kwarto at hindi na siya nilingon.
I hated it. I hated that my heart silently hoped that he had feelings for me. Gulong-gulo na ako sa inaakto niya. Sigurado ako na gusto niya si Solene kaya hindi ko maintindihan kung bakit umaarte siya na parang mahal niya pa rin ako!
Naligo ako nang mabilis at nagpalit lang ng T-shirt at sweatpants. Hindi na rin ako naglagay ng kahit na anong abubot sa mukha ko dahil ayaw ko namang paghintayin pa siya nang matagal.
Nasa hagdan pa lang ako ay kita ko na ang taranta sa mukha niya. Hindi ko alam kung para saan. He was shifting his position continuously na parang kinakabahan. Hawak niya pa rin ang bulaklak habang kagat-kagat ang labi.
"Reese..."
Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa laptop ko na nasa center table malapit sa upuan niya. Binuksan ko iyon sa harap niya at binuksan ang folder kung saan nakalagay ang mga pictures at videos namin.
I looked at him, and I saw him staring at the screen of my laptop. Nandoon lahat sa loob ng folder. Kung paano niya ako niligawan, paano ko siya sinagot at lahat ng alaalang mayroon kami noong ako pa ang mahal niya.
My heart ached. These were the memories I kept in the deepest part of my soul. But I needed to do this. I had to move forward.
Sa harap niya, I clicked the folder and deleted it. Pumunta rin ako sa trash at idinelete doon ang file. Ramdam ko sa gilid ang malalim niyang paghinga.
Nang tingnan ko siya ay nagtatagis ang bagang niya at madilim ang mga mata. Umupo ako sa kasalungat na couch na inuupuan niya habang hinihintay siyang tumingin sa akin.
"I deleted it... obviously." I chuckled. "Ibig sabihin, wala na akong hawak sa 'yo, Rouge."
Hinintay kong magsalita siya pero nanatili lang ang mabigat niyang titig sa akin kaya pinagpatuloy ko na lang ang sasabihin.
"Kung hindi pa klaro sa 'yo, it means... you're free!" I said, delighted for him. "I will not blackmail you anymore. Hindi ko ikakalat ang videos o anumang larawan natin dahil hindi ko naman talaga magagawa 'yon."
I swallowed and avoided his intense look.
"Hindi ko na rin gagalawin si... Solene." I looked at him again and smiled sincerely. "Wala na akong gagawin sa kanya o sa 'yo."
His jaw moved. "Why are you doing this?" Malalim ang boses niya, nagbabanta ng panganib.
To suppress my sadness, I laughed. "Dapat nga masaya ka, eh! Puwede ka nang umayaw sa pagiging model ko! Alam ko namang napilitan ka lang kasi... Solene's scholarship was at risk. Pero, Rouge, I can no longer be heartless. Wala namang ginawa sa akin ang babaeng 'yon, wala rin akong karapatang guluhin siya."
"You'll replace... me?" He looked up, sarkastiko pang ngumisi.
Tumango ako nang sunod-sunod. "Yup! Congratulations! And... I'm sorry for caging you for months. Ngayon lang ako natauhan na mali pala ang ginagawa ko."
"You're mad." His voice suddenly sounded like a kid. Yumuko siya at pinaglaruan ang mahahabang daliri na akala mo ay may makukuha siyang sagot do'n.
For a moment, I wanted to be selfish again. I wanted to run to him and beg him... na ako na lang.
I bit my lower lip and stared at him. "Hindi ako galit, Rouge."
Tumingin siya sa akin at malungkot na malungkot ang mukha niya. Nakita ko ang paghigpit ng kapit niya sa bouquet at ang paglamlam ng mata.
"Galit ka," maliit ang boses na saad niya. "Hindi mo na nga ulit ako pinapansin, eh. Kahit... pumupunta ako sa department niyo, hindi mo manlang ako tinitingnan."
I laughed in disbelief. "Isn't this what you wanted?!" Tumayo ako at nag-iwas ulit ng tingin sa kanya. "Ano naman ngayon kung umiiwas ako sa 'yo? Ano naman kung galit nga ako? Dapat masaya ka, Rouge! Dapat masaya ka kasi makakalaya ka na sa 'kin! Ano na naman ba 'to?!"
Mabilis ang paghinga ko nang matapos ang sinabi.
"Paano ako sasaya eh hindi mo nga ako pinapansin? Hindi mo ako kinakausap!" He grunted. "Kahit nagpapapansin ako, hindi mo naman ako tinitingnan..."
"Ano naman?! Ako ba si Solene para maapektuhan ka nang gan'yan?!" sumbat ko.
"Ikaw si Reese! Kaya nga apektado ako kasi ikaw si Reese!" ganti niya at tumayo na rin. His eyes were red, and his voice was begging me.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" I howled. "Ipinagtatabuyan mo ako kay Hezron! Kita ko rin naman na masaya ka kay Solene! Kaya bakit ako na naman?! Bakit ipinararamdam mo na mahal mo pa ako, Rouge?!"
He swallowed. "Solene is my friend..."
"Liar! The last time I talked to you, you seemed so in love with her..."
Nagulat ako nang inisang hakbang niya ang pagitan namin.
"Because I want you to be jealous!" he shouted with so much rage. "Kasi nagseselos din ako! Gusto kong gumanti dahil nag-aalala ka sa lalaki mo! You let him rest on your shoulder. Samantalang ako, hindi mo manlang mayakap! You're so unfair!"
Mabilis akong natahimik. Ganoon pa rin ang tibok ng puso ko... mabilis at masakit. We were both panting and gasping for air.
"I focused on Solene because I wanted so badly to forget you... I tried my best to love her the way I loved you..." he whispered. His breath reached my ears.
"You slept with her..." sagot ko sa mas mahinang boses.
"I didn't!" galit na ulit na sigaw niya. "Saan mo nasimot 'yan?!"
Kahit mahapding-mahapdi ang puso ko ay nagawa ko pang ngumisi. "Liar..."
"'Yong sa unit ba, Reese?" aligagang tanong niya. "I let her sleep on my unit because she was so heartbroken, but I didn't even touch her!"
Hindi na ako sumagot. Hinahanap ko sa sarili ko ang mga salitang inensayo ko para sabihin sa kanya. The chase was too tiring. It was like we were in a tug of war. Hahabol ako at mapapagod tapos siya naman ang susuyo. It was too draining. Paulit-ulit.
"Is that why you're mad?" malambing na tanong niya. "Baby... I didn't do that... please...."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil ayokong matunaw ang ibinalot ko sa sarili ko. No, I should forget him. He was not good for my heart. He hurt me in more ways than one.
Nang hawakan niya ang mukha ko ay nagtama ang mata namin. He was looking at me with a lot of emotions... even greater than the look he gave to Solene.
"Sorry na..."
Sinubukan kong tabigin ang kamay niya ngunit naging determinado siyang hawakan ako.
"Ano ba?!" sigaw ko. "Ayoko na nga! Ano pa bang problema mo?!"
Umiling siya, ang mga mata ay namumungay. "Sorry, Reese... sorry."
No. I shouldn't let my barriers melt. Nasaktan na ako. No words could soothe the pain.
"I will be your model..." He placed the strands of my hair behind my ears. "You said that I was the only man who could do justice to your designs."
"Stop it, Rouge." Iniiwas ko ang mukha ngunit hinawakan niya lang ako lalo. "Tama na. I will focus on myself now."
He nodded before closing his eyes. Inilapat niya ang noo sa akin kaya nagkaroon ako ng tsansa na pakinggan ang mabilis na tibok ng puso niya.
"Yes... focus on yourself. I want that. But don't cut me off... I want to focus on you, too..." bulong niya. "Ako lang ang model mo, Reese... you may think that I agreed because of Solene but the bigger factor was you. I want to be with you. Please... let me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro