Chapter 16
Chapter 16
I thought everything would turn out well. Akala ko magkakabalikan na kami. Akala ko puwede na ulit. Akala ko may espasyo na ako sa puso niya... only to realize that I was nothing but a small fragment from his past.
"Sino na lang ang ka-date mo sa ball?" tanong ni Cali habang nasa pool kami at nag-iinom.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Baka si Hezron na lang ang kunin ko."
"Aw, second option si Papa Hez."
Mahina lang akong tumawa at isinandal ang ulo sa semento habang nakatanaw ulit sa maitim na langit. The stars were like sequins on a black cloth... beautiful and shiny.
"Give up ka na?" he asked before imitating my position.
Dumating sina Cliff at Rapsly at mabilis na lumapit sa amin. Isinandal din nila ang ulo sa semento at para kaming mga tangang sabay-sabay na napabuntong-hininga.
"Oo, nakakapagod..." I replied.
"Ano ba kasing sabi?" tanong ni Rapsly.
Pinaglaruan ko muna ang tubig at inalala ang nangyaring sagutan namin ni Rouge no'ng isang gabi. That day was probably the most tiring day I had.
"Solene," tanging nasagot ko. "Anong laban ko ro'n? Kahit hindi siya gusto no'ng babae, mahal niya 'yon."
They sighed in chorus. "Paano na ang fashion show mo n'yan? Model mo 'yon. Kaya mo bang pakitunguhan nang ayos? Hangga't maaga pa, puwede mo namang palitan na."
"I don't know... but I'll do my best to be casual to him. Magbabago pa ako ng measurement kapag pinalitan ko, eh. Bahala na," pagrarason ko.
"Sus, aminin mo na! Gusto mo pa ring makita at makasama! Jusko, karupukan mo, Deborah! Sinampal ka nang hindi ikaw ang gusto, ilalaban mo pa rin," saad ni Cliff bago lumayo sa amin.
Rapsly grunted. "Kaya nga! Ang dali-daling magbago ng measurement. Marami pa namang panahon. Kausapin mo na 'yan. Guwapo siya pero hindi na tama ang ginagawa n'yan sa 'yo!"
I took a deep breath. They were right. Dapat ko nang kausapin siya tungkol sa pagmo-model. Kung gusto kong simulan ang pagmo-move on ko sa kanya, dapat ko nang putulin ang kung anumang namamagitan sa amin.
"I will talk to him... one of these days."
Truth was, I didn't want to. Kaya lumipas ang ilang araw nang wala pa rin akong ginagawa. Ilang mura na ang natanggap ko sa mga kaibigan ko pero hindi pa rin ako kumikilos para sabihan ang lalaki tungkol sa pagbabago ng model. Hindi ko rin siya itinext o pinupuntahan. Wala. Literal na wala akong ginagawa.
My evening gown was finished... pero wala pa rin akong date. Bukas na gaganapin iyon pero hanggang ngayon, hindi ko magawang tawagan si Hezron para yayain. May parte sa puso ko na ayaw siyang makasama sa araw na iyon. Isa pa, he'd got tons of problems. Ayaw ko nang dumagdag.
"Ang sabihin mo, si Harvin ang gusto mong maka-date! Talandi ka! Kunwaring susuko pero laging inii-stalk!"
Inirapan ko si Rapsly bago ibinalik ang atensyon sa notes ko dahil may quiz kami mamaya. Wala pang resulta mula kay Ma'am patungkol sa designs kaya medyo naiinis na ako. Come on, sigurado naman akong akin iyon! Bakit ba ang tagal nilang ma-analyze?
"Si Harvin ang yayayain mo?" singit ni Nime bago humigit ng upuan para maki-chismis. "Si Hunter na lang! Si Zane na ang kasama ko bukas... sure naman akong hindi papayag si Harvin kaya si Hunter na lang ang i-date mo. Crush ka no'n!"
"Nagcha-chat nga sa kanya! Hindi naman nirereplyan. Para ka ring si Harvin mo! Patay na patay sa may ibang gusto. My ghad, ha? Kacheapan!"
I pursed my lips. "Hindi ko naman yayayain si Rouge... at nahihiya naman ako kay Hunter. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita no'n."
"Sus, wala 'yon sa pinsan ko. Basta, sabihan mo lang ako at ako na ang magsasabi sa kanya kung nahihiya ka," ani Nime bago sinuklay ang buhok.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Wala naman na akong choice. Bukas na ang ball pero 'yong excitement ko, biglang nawala. Hindi pa nakatulong na hindi maganda ang ambience sa room dahil sa pagnanakaw ni Mizuki ng designs ko. Nagpaparinig pa sila ng mga kaibigan niya sa twitter.
Nang mag-lunch break ay sabay kami ni Rapsly at Nime na lumabas ng room. Cali and Cliff were meeting their models, kaya wala sila sa klase kanina pero aabot naman sila sa quiz mamaya.
I stopped walking when I saw Narcissus outside our department. My heart beat loudly against my chest. Mabilis na nagtama ang mga mata namin ni Rouge pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Bakit nandito pa siya? Puwede namang si Zane na lang dahil wala naman siyang ibang balak na puntahan dito.
Nime ran to her boyfriend and hugged him.
"Lunch n'yo ba? Sabay-sabay na tayo!" maligayang saad niya kaya kumunot ang noo ko.
"Ayos lang?" Zane asked.
Tumingin muna sa amin silang dalawa na parang humihingi ng permiso. Gusto kong umiling ngunit kita ko ang ningning sa mata ni Nime kaya wala akong naisagot.
Hindi ba puwedeng kayo na lang?
"Girl, ano? Keri ba?" bulong ni Rapsly. "Sabihin mo lang kapag hindi keri, ibibili na lang kita ng lunch."
Two weeks. I avoided Rouge for two weeks. And now that he was here, ramdam ko sa sarili ko kung ano ang na-miss ko. Pero hindi na puwede. My heart should give up on him. Hindi na dapat ako mamilit.
"Oo naman!" I laughed. "Para 'yon lang!"
Yes, Debs, lie to yourself more. You would get there. Kaunting buwan ka na lang naman dito... hindi mo na ulit siya makikita. Sulitin mo na. Pagurin mo pa lalo ang sarili mo para mas madali na ang pagbitiw sa kanya.
Nime clapped her hands. "Great!"
Nauna kaming maglakad ni Rapsly habang nasa likod naman namin silang apat. Nime was snaking her arms around Zane while the other two were walking on their own pace. Hindi ako mapakali sa puwesto ko.
Nang makarating kami sa cafeteria ay humanap na sila ng upuan. Ako naman ay nauna nang pumila para makaiwas sa lalaki. I ordered a plate of veggie and chicken salad because I didn't think I could eat in peace right now.
Sumunod sa akin si Rapsly na kakaunti lang din ang inorder. We settled ourselves on the seat. Matapos 'yon ay hinintay namin ang ibang kasama na makarating sa puwesto namin.
"Bakit parang hindi ka yata bumibisita sa department namin?" natatawang tanong ni Rhome sa akin na akala mo ay magkabarkada kami.
Pasimple akong umirap bago ibinaba ang kutsara.
"Wala namang rason para pumunta ako," I answered.
Rapsly was quiet, parang binabantayan ako. Dahan-dahan din ang pagkain niya habang pinanonood kami. Sina Nime at Zane naman ay parang may sariling mundo. Si Rouge? Ewan ko. Hindi ko naman siya tinitingnan kahit katapat ko lang siya.
"Oh... shady..." he replied in a teasing tone.
Inignora ko ang pahayag niya at kinain na lang ang nasa pinggan ko. I made sure that my acts were not awkward dahil doon naman ako magaling. I was so good at acting and pretending, kaya ang akala nila ay wala talaga akong pakialam.
I was not like Solene, who was transparent. I wanted to show my emotions, but I couldn't. I always felt like they'd pity or judge me.
"I heard about your ball. May plus one na ba kayo?" tanong ulit ni Rhome dahil halos nakabibingi na ang katahimikan sa mesa.
"Si Zane ang sa 'kin!" maligayang sagot ni Nime. "Si Rapsly ay... sino nga 'yon? 'Yung artista?"
Rapsly chuckled. "Si Iñigo... bebe ko 'yon."
I smiled. Saulong-saulo ko na kasi ang kaibigan. That actor must be his flavor of the month.
"Sa 'yo, Reese, sino?"
Halos mabilaukan ako nang biglang nagtanong si Rouge. Hindi ko naiwasan ang pag-aangat ng tingin sa kanya. Alam kong narinig din kami ng iba naming kasama dahil miski sila ay natahimik.
"Uh... si Hunter." I clenched my fist before dropping my eyes on the plate.
"Hoy, sabi mo 'yan, ha?! Sasabihin ko na talaga sa pinsan ko mamaya! Kinikilig na agad ako para sa inyo!" saad ni Nime. Nginitian at tinanguan ko lang siya.
Pero syempre, hindi nagpatalo si Rapsly.
"Oo nga! Kung ako nga kay Debs, sasagutin ko na si Hunter! Matalino na, guwapo pa. At syempre, ang pinaka-bonus, gusto siya!" aniya. "Yayain mo nga 'yan sa villa at nang makilatis. Hindi pa man nagsisimula, nasa kanya na ang boto ko."
I laughed. "Siraulo. Hindi naman nanliligaw 'yon."
"Ayun, gusto rin!"
Buong oras ng pagkain ay walang ibang ginawa sina Nime at Rapsly kung hindi ang asarin ako kay Hunter. Hindi ko nga maintindihan dahil parang noong isang araw lang ay kay Hezron ako inaasar ni Rapsly tapos ngayon, sumasali siya kay Nime!
Tinatawanan ko na lang sila para hindi ako ma-awkwardan sa tingin na iginagawad sa akin ni Rouge. Seryoso kasi ang mukha niya at matiim ang tingin sa pagkain. Maya-maya ay nakiasar na rin sina Zane at Rhome. Of course, Hunter was their friend!
"Mas gusto ko sana kayo ni Harv pero hindi na puwede ang baby boy namin kaya kay Hunt ka na lang!" natatawa pang sabi ni Zane.
Parang kinurot ulit ang puso ko roon pero gaya ng madalas kong ginagawa, pinaglaruan ko na lang ang paa ko at tumawa.
"Kami rin naman ang tutugtog bukas sa ball. Gusto n'yo bang mag-inom pagkatapos? Yayain n'yo na rin ang mga kaklase niyo," si Rhome.
"Uh... hindi na ako sasama," pa-umpisa ko agad. "Uuwi kami kinabukasan sa Cebu kasi Christmas break na."
Tumango-tango ang dalawa.
Nang matapos ang lunch break ay inihatid pa kami ng tatlo sa room. Rouge was quiet the whole time. Kahit nang inaasar siya kay Solene ng mga kaibigan niya ay tahimik lang siya. The lunch break slapped me hard. Hindi ako ang ikinukuwento niya sa mga kaibigan niya. Hindi rin ako ang kilala ng nanay niya.
Totoo nga, wala lang talaga ako.
Shame on you, Debs. Pinakitaan ka lang nang kaunti, umasa ka kaagad. He made it clear to me. Umpisa pa lang, sinabi na niyang si Solene ang gusto niya. Kaya hindi ko maintindahan ang sarili kung bakit umasa pa rin ako. Dahil ba sa halik? Sa pagkanta para sa akin? Sa boses niyang parang nagseselos?
Maybe, just maybe, he liked me... but his love for Solene was too intense to control. Siguro ay natutuwa lang siya sa akin pero hindi para piliin.
Our class continued. Bagsak ako sa quiz dahil wala ako sa katinuan sa pagsasagot. My thoughts were distorted.
And to make things worse, our teacher announced something that crashed me.
"The designs were proven to be Mizuki's."
'Yong pinagpuyatan at pinaghirapan kong designs, nanakaw lang sa akin. My friends defended me. Ipinilit nila kay Ma'am na sa akin iyon. Kahit ang ilan kong kaklase ay sigurado na sa akin ang designs pero desidido si Ma'am na kay Mizuki iyon.
"You accused Mizuki, Ms. Madrid. I'm sorry to say this to you, but you should face your punishment."
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. I was sure that it was mine. Nasimulan ko na ang pagtatahi, natapos ko na ang pambabae at nasa kalahati na ako sa panlalaki. I worked hard for it... and then suddenly it didn't belong to me.
"Sigurado po akong akin 'yan, ma'am..." I bit my lower lip. "Natapos ko na po ang pagtatahi niyan. What more proof do you need? At paano n'yo po nasabi na kay Mizuki 'yan?"
"Oo nga, ma'am! Kay Debs 'yan! Kita namin no'ng ginagawa niya!"
"Shut it!" she hissed. "Are you saying that I was wrong?"
"Yes!" Cali stood up. "Mawalang galang na, ma'am, pero paano niyo po nalaman na kay Mizuki 'yan? Admit or not, hindi naman talaga siya magaling sa pagde-design! There's no way in hell that she'll come up with that idea!"
"And we saw it po, Ma'am. The dress was already done! Nasa wardrobe na po ni Debs 'yon sa villa!" saad naman ni Rapsly.
Hindi na ako nagulat nang tumayo rin si Cliff. "We were not saying this dahil po kaibigan niya kami. We just want fairness. Napakahirap magdesign at manahi... alam nating lahat 'yan. Mizuki, alam mo sa sarili mo kung ano ang ginawa mo."
"Say another word and I'll terminate you all to join the fashion show," saad ni Ma'am. "It was a closed case. The designs were owned by Mizuki. Kung may reklamo kayo, sabihin n'yo na lang kay Dean tutal doon ka naman magaling, hindi ba, Cali?"
I wanted to disrespect her, but I didn't. Nakita ko ang pag-alpas ng ngiti sa labi ni Mizuki kaya ipinikit ko ang mata para maiwasan ang pag-init ng ulo.
"If proven wrong, will you quit your job, Ma'am?" Rapsly blurted out.
Natahimik kaming lahat. Kahit si Ma'am.
"Napakasimple lang nito. We have CCTVs. I can also extend my connection to study the strokes and shades," dagdag niya pa. Tumingin siya sa akin. "'Wag kang malungkot d'yan, Deborah. I know that it's your work. 'Wag kang papayag na nanakawin lang sa 'yo 'yan."
I felt like crying... but of course, I didn't. Kumalma ako sa sinabi at ginawa ng mga kaibigan ko para sa akin. Cliff went to our professor's table to get the portfolio.
"We will have this checked. Unbiased."
I didn't know what happened next because my mind shut down. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko kung hindi ako ipinagtatanggol ng mga kaibigan ko.
"'Wag kang masyadong mag-alala, aayusin namin 'yan..." saad pa ni Cali habang naglalakad kami patungo sa sasakyan ni Rap.
"Okay lang naman." I sighed. "Naiinis lang ako kay Ma'am kasi halatang biased siya. Kaano-ano ba no'n si Mizuki? Baka nga hindi niya ipina-check 'yon."
"Iyo naman kasi talaga 'yon. Kahit mga kaklase natin, convinced na sa 'yo. Ewan ko ba sa teacher na 'yon. Favoritism."
Sumakay kami ng sasakyan. Nagkukuwentuhan ang tatlo na parang walang nangyari dahil para sa kanila, maaayos namin 'yon. Hindi naman nila hahayaan na manakaw ng iba ang gawa ko kaya kahit papaano ay nakampante ako.
"Badtrip, kahuhugas ko lang ng sasakyan, umulan na naman," saad ni Rapsly. "Daan tayong Delights. Bibili akong cookies at bet kong manood ng movie mamaya."
"'Wag na! Magluto na lang tayo sa bahay!" angal ni Cliff pero dahil si Rapsly naman ang nagmamaneho, wala siyang nagawa.
Nasa gilid lang ako ng sasakyan malapit sa bintana. I was watching the raindrops. Ang direksyon nila ay pababa, parang nakikisabay sa nararamdaman ko. I don't know. Kampante naman akong mapapabalik sa akin ang designs pero may parte sa puso ko na nasasaktan, na mabigat.
On our way to Delights, lalong lumakas ang ulan. Hindi ko na maaninag mula sa bintana ko ang labas kaya sumilip ako sa unahan.
And there I saw the man who dominated my mind.
And he was not alone.
He was running in the rain with a girl. He was smiling widely, and his eyes were filled with adoration while watching her. Tumigil pa ang sasakyan kaya lalo kong nakita ang mukha niya. Sinisigurado niyang hindi mabasa ang babae pero kita ang aliw sa ekspresyon niya.
"Huy... si Harvin..." kinakabahang saad ni Rapsly bago tumingin sa akin.
"Follow him, please..." I gulped. Parang hinihigit pababa ang puso ko. I bit my lower lip too hard to suppress my emotions, but I failed. My lips trembled, but my eyes didn't let me cry.
"Debs, magtigil ka nga!"
I looked at Rapsly. "Please... last na 'to... please..."
Tahimik lang ang dalawa. Alam kong ayaw ni Cliff ng desisyon ko pero sumabat si Cali.
"Sundan mo, Rap," he commanded.
Napahinga ako nang malalim nang sundan nga niya ang dalawa. They were running in the rain like children. Nag-antay si Solene sa Delights sandali bago dumating ang kotse ni Rouge para sunduin siya. Lalong kumirot ang puso ko.
We were just tailing his car. Kahit noong bumaba sila ay bumaba rin ako. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to gayong wala na akong ibang maramdaman kundi ang pagguho ng pag-asa sa dibdib ko.
I didn't know what was happening. Hindi ako lumapit sa kanila o ano. Pinanood ko lang talaga sila mula sa malayo.
"W-wow," I whispered to myself when Rouge hugged her. Kita ko ang dahan-dahang pagpulupot ng braso nito sa kanya. Hindi ko alam kung anong reaksyon ngayon ng babae dahil nakasubsob ang dibdib niya kay Rouge.
Bumalik sila sa sasakyan at kahit hinang-hina ay sinabi ko kay Rapsly na sundan pa rin ang dalawa.
"Iwan niyo na ako rito... ako na ang bahalang umuwi." My voice cracked when we reached Rouge's unit.
"Debs... sige na. Aantayin ka namin. Kakain tayo nang marami pagbalik natin sa villa, ha? 'Wag kang masyadong magpakapagod d'yan dahil iiinom at ikakain natin 'yan!" Cliff stated, trying to lift my mood.
I shook my head, feeling every pinch and throb of my heart.
"Umuna na kayo. Please..." I begged. "Uuwi naman ako. Gusto ko lang munang mapag-isa."
Cali held my hand tightly before pulling me into a hug. Nakita kong gusto rin akong yakapin ng dalawa pero nasa unahan sila ng sasakyan.
"Ingat ka... ihahanda na namin ang alak pag-uwi mo, ha? Saka... ayos lang umiyak, Debs. It would help you ease your pain."
Tumango ako. Nagpaalam muna ako sa kanila bago bumaba ng sasakyan. Bawat hakbang ko ay mabigat dahil ayokong alamin kung anong gagawin nina Rouge at Solene sa loob ng unit. They hugged... they probably kissed each other inside the car... and they would continue it on his unit.
Hindi ko na alam. Ang sabi ko ay susuko na ako pero hindi ko maintindihan kung bakit nasa labas ako ng unit ni Rouge.
Malamig ang gabi at malamig din sa hallway pero wala akong maramdaman kundi ang lamig na bumabalot sa puso ko. I sat on the floor and rested my head on my knees.
Ang sakit.
Habang tumatagal ang oras na magkasama sila sa loob ay lalong humahapdi ang puso ko. Was this it? Was this what you were waiting for, huh, Debs? Sinabi ni Rouge na gusto niya si Solene... at hindi ka na dapat nagtataka kung magugustuhan din ni Solene ang lalaki.
They were probably doing wonders there, right? 'Yong mga bagay na ginagawa namin noon, siguro ginagawa na rin nila, hindi ba?
I closed my eyes tightly.
Isang oras... hanggang naging dalawa... tatlo... apat. Hindi ko na alam. Nang tingnan ko ang orasan ko ay alas dos na ng madaling araw. My body was cold. My eyes were bloodshot because I wanted so bad to cry but I couldn't.
It hit me.
They slept together.
Mula sa pagkakaupo ay muntik pa akong maduwal sa ginawa kong pagtayo. I put my hand on my chest to feel its beating but I was numb. I smiled to myself and bit my lower lip to stifle my emotions. Bawal akong magselos. He assured me. Sinabi niyang may gusto siyang iba. Dapat ay hindi na ako nagugulat. It's not like... he fooled me.
Pero kahit anong gawin kong pangungumbinsi sa sarili, hindi ko maiwasang masaktan. I love him so much. Mula noon. Kahit nang iniwan niya ako matapos ang pagpapalaglag ko sa anak namin, hindi rin ako nakatiis at sinundan pa rin siya.
Kahit nang hindi niya ako pinapansin sa nakalipas na mga taon, tinatanaw at sinusuportahan ko pa rin siya. Kahit nang lapitan ko ulit siya, lalo lang akong nahulog sa bagong bersyon na ipinakilala niya.
I loved all of him, pero kahit anong pilit ko, kapag ayaw na sa akin, wala na akong magagawa.
I had always gotten what I wanted... but there was an exception to the rule... right?
Wala na akong puwang sa kanya. Kahit anong pagsusumiksik at paghahabol ko, masyado na siyang nakalayo.
I looked up and closed my eyes.
He was my sky... the one who witnessed my rays of sunshine, dark clouds, and hurricanes.
And now, even if he was happy without me, even if he no longer needed me, even if he wasn't mine, he was still my sky.
I could love him even from afar.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro