Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

"Sige na! Natutuwa kasi ako sa trailer no'n, manood na tayo! Please." I pouted before pulling his sleeve like a kid. "You know that my friends don't like horror films!"

"I'm busy, Reese. Malapit na ang finals namin at hindi pa ako nagre-review," he reasoned out. "Sa iba ka na lang magpasama."

"I will help you review! Dalawang oras lang naman ang movie. We can study at your unit. Finals na rin namin next week," I replied before snaking my arms around his.

"No," he uttered with finality.

Napasimangot ako at binitawan siya. Nasa garden kami ng school dahil sinabihan ko siyang makipagkita sa akin. Nagluto rin kasi ako ng lunch namin at gusto ko talaga siya yayaing manood ng movie sa bagong bukas na float-in cinema rito sa Isabela.

"Kahit mamayang gabi sana. Hindi mo naman kailagang mag-aral agad. May weekend pa naman," pangungumbinsi ko pa.

He sighed. "Magbabantay pa ako sa bakeshop dahil aalis sina Mama."

"Dami mong rason!" I scoffed before standing. "Damot mo!"

Nakita ko ang pagngisi niya sa reaksyon ko kaya lalo akong sumimangot. Kinuha ko ang paperbag na dala ko na masama ang loob bago muling humarap sa kanya.

"Bumagsak ka sana!"

His eyes widened, but he then smirked and knocked on my freaking skin.

"Katok sa kahoy, baka magkatotoo," nanunudyong saad niya.

Agad kong hinampas ang kamay niya. "Rouge, morena ako! I'm not a wood!"

He laughed. "What? I like your color! Wala naman akong sinabi, ah?"

Inirapan ko siya at tinalikuran. Habang naglalakad ako paalis sa garden ay narinig ko pa ang nakaiinsultong tawa niya kaya lalo akong nainis. Parang mas gusto ko na tuloy ang pagiging masungit niya kaysa ganitong bumalik ang pang-aasar niya.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin ngunit dire-diretso lang ako sa paglalakad.

"Reese," natatawa pa ring tawag niya.

Hinawakan niya ang braso ko pero tinanggal ko lang iyon at nagpatuloy sa pag-alis.

"Suplada naman." Tumawa ulit siya. "O siya sige na, mamaya na. Sasamahan na kita."

Agad na nawala ang sama ng loob ko at mabilis na humarap sa kanya. Mukha pa siyang nagulat nang magtama ang tingin namin kaya nginitian ko siya. Tinagilid ko rin ang ulo ko at inilagay ang ilang piraso ng buhok sa likod ng tainga ko.

"Sabi mo 'yan, ha? Pupunta ako sa Sweets and Treats mamayang 7 p.m. kasi 8 p.m. ang last full show!"

He sighed before nodding. Kumaway muna ako sa kanya bago muling tumalikod para bumalik na sa room. Halos patalon-talon pa ako dahil sa saya. Maayos na talaga kami! Hindi na talaga siya galit!

Pagdating ko sa room ay nagkukuwentuhan ang mga kaibigan ko kaya agad akong humigit ng upuan at nakinig sa kanila.

"Feeling ko talaga pinaplastik lang ako ni Mizuki," saad ni Cali. "Sinabi ba naman kay Ma'am na ako ang nagreklamo kay Dean! Imbyerna!"

Kumunot ang noo ko. "Totoo? Ano'ng gagawin daw sa 'yo?"

"Wala naman... pinatawag lang ako kanina sa faculty room at pinagsabihan."

"Paano mo nalamang si Mizuki?" naiiling na tanong ni Rapsly. "Baka naman hindi? Mabait 'yon, eh. Mas maniniwala pa ako kung si Nime."

Cali shook his head. "Nadulas si Ma'am kanina. Nasabi kung sinong nagsumbong sa kanya."

"Bida-bida. Hindi pa matuwa na nabawasan ang load natin," sabi ni Cliff bago sumandal sa upuan.

Pansin na pansin ko ang pagkainis ni Cali dahil magkasalubong ang may kakapalan niyang kilay at pairap-irap ang din ang mga mata niya.

"Nakakairita! Napahiya ako sa ibang prof na nando'n!" he ranted. "Presentation pa naman mamaya ng drafts kay Ma'am. Baka gisahin ako."

Sumandal na lang din ako sa upuan at nakinig sa kaibigan. Ayaw ko mang maniwala na magagawa 'yon ni Mizuki, mas lalo namang hindi ako maniniwalang nagsisinungaling si Cali. Hindi na ako magugulat kung mamaya ay kakausapin niya ang babae. He was a straightforward person, lalo at kung may nang-iinis sa kanya o sa amin.

"'Wag mo na lang ipahalata ang hiya mo, girl. Sumisipsip lang 'yon si Mizuki at 2.50 yata ang nakuha niya kay Ma'am last sem," ani Rapsly.

Cliff cleared his throat, trying to divert the topic. "Debs, nasaan ang portfolio mo? Hindi mo yata dala kanina?"

"Ah, iniwan ko rito sa room kahapon. Tapos naman na." Itinuro ko ang upuan ko. "Kayo ba? Ready na? Last checking na ng draft."

Tumango ang dalawa.

Cali continued with his rants. Gigil na gigil siya sa babae kaya noong pumasok ito sa room kasama ang ilan pa naming kaklase ay sabay-sabay kaming nanahimik. Ramdam agad ang tensyon sa room.

"Sipsip!" pagpaparinig ni Cali. "Babagsakin kasi."

I bit my lower lip and went back to my seat. Hindi naman kasi ako para makisali sa alitan nila. Cali could handle himself well. Siya ang pinakamataray sa aming apat.

"Cliff, bakit mo ba inimbita 'yon nung birthday mo? Nakikain lang naman! Nagbalot pa ng pagkain!"

Nakita ko ang pagngisi nina Rapsly sa sinabi ni Cali kaya napayuko ako para pigilan ang pagtawa.

"Hindi ako ang nag-imbita! Si Debs!"

I smirked before shrugging. Hindi sumasagot si Mizuki pero pansin namin ang sama ng tingin niya kay Cali at ang pamumula ng pisngi niya sa hiya.

"Ano'ng meron?" clueless na tanong ni Nime na kapapasok lang ng room.

It wasn't long before our teacher entered our room. Ang kaninang pagpaparinig ni Cali ay natigil.

"I said it once but I'm gonna say it again. Kung may concerns kayo, sa akin niyo sabihin directly dahil makikinig naman ako," sermon niya.

Nagkatinginan ang mga kaklase ko.

"Paano ka naman magsasabi sa gan'yan eh saksakan ng sungit?" bulong ni Cali. "Akala mo lagi VIP siya."

Marami pang sinabi si Ma'am tungkol doon kaya lalong nainis ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil masama talaga ang tingin niya kay Mizuki.

Isang oras nag-discuss si Ma'am bago isa-isa kaming tawagin para sa presentation. Hinawakan ko na ang portfolio ko habang nagtatawag si Ma'am. Napangiti pa ako dahil kita ko ang mangha sa mukha nito nang makita ang design ni Rapsly. My friend really had talented hands.

Sumunod din agad si Cali at Cliff. Ganoon din naman ang reaksyon sa dalawa dahil magaling din naman sila. Cliff was good in making accessories, habang si Cali naman ay magaling sa sapatos. On the other hand, I was kind of good at choosing fabrics and materials.

"Mizuki," tawag ni Ma'am.

Hindi ko napigilan ang pagngisi nang suminghal si Cali. Talagang galit ang bakla, ah!

Our professor scanned Mizuki's portfolio. Her eyes were full of amusement, and her mouth was slightly opened. Natahimik kami saglit dahil pinanonood namin ang reaksyon ni Ma'am bawat portfolio at si Mizuki ang halatang pinakanagustuhan niya!

"Good job, Mizuki!" she uttered in pure glee. "Mind if you share your design with your classmates?"

"Ah..." Tumingin sa akin ang babae bago lumikot ang mata. "N-nakakahiya po, Ma'am..."

"Silly! Your designs were really outstanding! How did you come up with these? Inspired by Spanish dancing jellyfish and Cyerce Nigricans, really!" she said, delighted.

Napawi ang ngiti sa labi ko at mabilis na kinalkal ang portfolio ko. My hands were shaking. Kahit ang aking mukha ay ramdam kong pinagpawisan. It couldn't be... right?! Coincidence lang na iisa ang inspiration ng designs namin!

Halos baligtarin ko ang clear book ko pero wala! Nawawala ang mga design ko!

I glanced up at Mizuki, who was dodging my eyes. Walang pagdadalawang isip na tumayo ako kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko.

"Girl, saan ka pupunta? Hindi mo pa turn," pigil ni Rapsly.

Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako papunta sa mesa ni Ma'am. She was looking back at me with confusion all over her face. Nang makatabi ko si Mizuki ay hindi ko siya magawang tingnan nang hindi masama.

"May I see her designs, ma'am?" I asked, composed.

"Ms. Madrid!" pagalit na sabi ni Ma'am. "Go back to your seat."

I shook my head. "I want to see her portfolio, ma'am. Please allow me to do that."

Alam kong naririnig kami ng mga kaklase ko dahil tahimik lang sila. Kahit ang bulong ng mga pagpaparinig ni Cali ay nawala.

"A-ayoko, Debs! Ano ka ba!" natatawa ngunit halatang kinakabahan na anas ni Mizuki. "S-surprise ang designs ko!"

"Surprise ba talaga o ayaw mo lang ipakita kasi ninakaw mo ang sa 'kin?!" I hissed.

My classmates, including our teacher, all gasped.

"That's a serious accusation, Ms. Madrid!" sigaw ni Ma'am pero hindi ako nagpatinag. I wanted to see her freaking designs!

"Ma'am, show me her portfolio. Nakita n'yo po ang drafts ko dahil ichine-check niyo naman po monthly 'yon. May idea po kayo tungkol sa designs ko. Just... let me see her drawings. Alam ko po ang gawa ko," litanya ko.

Hindi na nakapagpigil si Mizuki at hinablot ang braso ko nang mariin. I returned her glares.

"Anong karapatan mong sabihin 'yan, ha?! Bakit ko naman nanakawin ang designs mo? Hindi ka naman magaling!" she shouted.

"Why don't you let me see it?" I shot back. "Nawawala ang designs ko! Kahapon ko lang naiwan dito!"

"Oh, anong proof mo? Bakit mo ako pinagbibintangan?!" she hissed.

Sasagot na sana ulit ako ngunit hinampas ni Ma'am ang table niya kaya napatigil ako. She was looking at us with annoyance. Matapos iyon ay ibinalandra niya ang portfolio ni Mizuki.

"That's mine!" I said, hysterical. "Sigurado akong akin 'yan! Ma'am, you saw my drawings! You know my strokes!"

"Debs, akin 'yan! Ang kapal naman ng mukha mo! Pinagpuyatan ko 'yan tapos aangkinin mo lang?!"

I scoffed in disbelief. Napatingin ako sa tatlo kong kaibigan at nakita kong tumayo na rin sila para tingnan ang nangyayari. Nangunguna si Cali sa paglalakad, handang back-upan ako. Hindi na ako nagulat nang hinaklit niya ang braso ni Mizuki paharap sa kanya.

Si Rapsly at Cliff naman ay mabilis na hinablot kay Ma'am ang portfolio at sinuri kung akin nga 'yon.

"Kay Deborah 'to! Alam na alam ko ang drawing n'yan, Ma'am," ani Rapsly sa nakayukong guro.

"Ano ba, Cali! Bitawan mo nga ako!" Narinig kong sigaw ni Mizuki ngunit lalo lang siyang hinigit ni Cali palapit sa kanya.

"Inggrata ka talaga, e!"

"Ma'am, kay Debs 'to! Kita namin na idino-drawing niya 'to no'ng nasa villa kami!" pamimilit pa ni Cliff.

"Napakaplastik mo! Edi ikaw ang gumawa ng walong designs! Sipsip!"

"Hoy, 'wag kayong magsabunutan!" sigaw ng mga kaklase ko nang hilahin ni Cali ang buhok ni Mizuki. Napatulala na lang ako sa gilid habang pinanonood sila.

Rapsly and Cliff were convincing our teacher while Cali was fighting with Mizuki. Napakaingay nilang lahat. Dumagdag pa ang mga kaklase ko na pumupigil sa kanila. Ang iba naman ay nagchi-cheer pa.

It was chaotic. Wala na akong naintindihan dahil sa ingay ng mga kaibigan ko. Kahit si Ma'am ay hindi na alam ang gagawin. Nasa gilid lang ako, parang tangang pinanonood sila.

"Class! Can you all calm down?!" nakabibinging sigaw ni Ma'am.

Natahimik silang lahat. Cali was still grasping Mizuki's hair, but his lips were sealed. Ganoon din ang dalawa ko pang kaibigan. Hawak nila ang portfolio pero tahimik na.

"I will have this checked!" she shouted again. "Kapag napatunayan na kay Deborah 'to, you will be terminated from joining our fashion show, Mizuki. Alam n'yo kung gaano kahirap mag-come up sa ideas and designs. You shall not steal!"

Nakahinga ako nang malalim.

"However, if this is Mizuki's designs, your portfolio will fail to be screened by the professionals. Meaning to say, your dream of getting an uno will not happen. It was an act of accusation."

Tumango ako at may kumpyansa sa sariling bumalik sa upuan. Kita ko sa mukha ni Mizuki ang pamumutla kaya nakumpirma kong ninakaw niya lang talaga sa akin iyon. For heaven's sake! I trusted everyone in this room!

Napangisi ako nang ang tatlo ko pang kaibigan ang mas stressed out sa akin. They started muttering curses and such. Kahit hanggang matapos ang klase namin ay hindi nila tinigilan ang pagpaparinig sa babae.

"Hay nako! I-swimming natin 'yan sa villa!" matinis na suhestyon ni Cali. "Debs, 'wag ka munang gagawa ng bagong designs. Sigurado akong iyo 'yon!"

I nodded. "Sigurado rin naman ako... at alam kong maaayos 'yon ni Ma'am. Tanga ni Mizuki. Sayang kapag hindi siya nakasali sa fashion show."

"She did that to herself. Napakatoxic ng araw na 'to. Need ko ng nota!" sabi ni Rapsly.

We reached the villa. Kanya-kanya muna kami ng ayos sa kwarto. Inihanda ko na rin ang sarili ko para sa lakad namin ni Rouge. Baka mamaya ay yayain ko rin itong uminom. I was really frustrated. Matatapos ko na sana this week ang outfits ko pero dahil sa nangyari kanina, matatagalan pa ako.

Puwede namang dito na lang ako sa villa makipag-inuman kasama ang mga kaibigan ko pero nayaya ko na kanina si Rouge at ayoko rin namang i-cancel iyon. Kahit kakikita lang namin, I felt like I missed him today.

"Akala ko ba magsu-swimming? Bakit naka-dress?!" sigaw ni Clifford mula sa taas nang makita ako sa sala na nakasuot ng red fitted dress.

"May date kami ni Rouge! Kayo kayo muna!"

"Wala talaga kaming laban sa etits, bwisit ka!"

Natatawa akong lumabas ng villa. Alas sais y media pa lang naman kaya saktong oras ako makararating sa Sweets and Treats. I was looking forward to meeting his mother. Sana ay ipakilala niya na ako... kahit bilang kaibigan lang. After all, wala pa namang kumpirmasyon ang kung ano mang namamagitan sa amin ngayon. Baka nga umaasa lang ako dahil nagkaayos na kami.

Habang nasa waiting shed at nag-aantay ng taxi ay naramdaman ko ang pagtabi ng isang lalaki sa akin. Nang lingunin ko kung sino iyon ay halos mapatayo ako nang makita ang pamilyar na lalaki roon.

"Hezron!" I uttered. I was terrified when he rested his head on my shoulders.

Ni hindi ko alam kung saan siya nanggaling! At kami lang dalawa ang nasa waiting shed! I pushed his head to the left, but he was just so persistent! God!

"Let me rest for a while, Debs... my day was so bad... I failed my exams... and my parents were getting a divorce."

Napatigil ako sa pagtulak sa ulo niya at napatingin sa kanya. I knew that his issues weren't mine, but I couldn't help but get worried. We had been friends for almost two years now, and he was always vocal about his feelings for me... kaya hindi ko siya masyadong nilalapitan. But in his voice, I felt like he was carrying something heavy.

"Where are your friends?" I asked. "And why are you even here?"

He sighed. "I followed you. Gusto ko sana munang makitulog sa villa n'yo pero nakita kitang paalis kaya sinundan kita. Alam mo namang sina Cali lang ang matatakbuhan ko. Nime's father would kill me if I went to their house..."

"May lakad ako nga ngayon, Hez..." I said. "Kung gusto mo, mauna ka na sa villa. Naroon naman ang tatlo. I will text them. I will tell them to assist you... and whatever your problem is, it will pass. Trust me," I uttered sincerely.

"Matagal ka ba sa lakad mo? I will wait for you here."

I waved my hands at him before standing. "Matagal ako. Magkikita kami ni Rouge... The guy I like, remember? You should go to the villa and rest. Okay? I will see you there later."

Malungkot siyang tumango. I soothed him because his sorrowful eyes were too hard to look at. I didn't know what was up with this day being so freaking stressful.

He waited for me to ride a taxi before leaving. Hinayaan ko lang siya. Inalis ko rin sa isip ko ang nangyari dahil ayaw ko namang maapektuhan noon ang mood ko.

Late ako nang labinglimang minuto nang makarating sa shop. Rouge was already there, kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Lumapit ako sa puwesto niya at isang tingin ko pa lang sa malalim niyang mata ay para na akong nakampante.

"Hi!" I greeted him. "Sorry, late ako. Let's go?"

Tumango lang siya at tumayo. Nagtaka pa ako nang lampasan niya ang sariling ina na nagtataka kung bakit ako ang kasama niya.

"Harvin, saan ka pupunta?" sigaw nito sa anak. "And who are you with?! 'Yan ba si Solene?!"

Nasa labas na kami ng sasakyan nang tumigil si Rouge sa pagbubukas nito para sumagot sa nanay niya.

I didn't open the door either. I froze on my feet. Damn, that was a very nice way to make me feel insecure.

Still... I waited for his answer.

"Sa float-in cinema kami pupunta, ma! And you don't have to know who she is! Hindi ito 'yon!" sigaw nito pabalik sa ina.

A searing pain stabbed me through my chest. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko bago mahigpit na humawak sa pintuan ng sasakyan niya.

Wow... this day.

Tiningnan ko ang nanay niya na nakatingin lang din sa akin. I gave her a weak smile before I opened the door and sat quietly inside.

Tahimik lang kami parehas ni Rouge buong biyahe. Kahit nang bumili siya ng ticket namin ay hindi ako umimik. Nakasunod lang ako sa mga kilos niya. Sumakay kami ng bangka. He extended his hand, but I declined and rode the boat myself.

The movie started, but I couldn't focus. My designs were stolen today... yes, I was hurt, but his words affected me more. Hindi ko alam kung mababaw lang ako o ano. Totoo naman kasing hindi ako si Solene.

But I should still try... right? I mean, his treatment of me got better. Hindi na niya ako iniiwasan. Hindi na rin niya ako sinusumbatan. Hindi ko alam kung nakalimutan na niya ang nangyari noon pero pakiramdam ko ay napatawad na niya ako.

The supposed horror movie didn't scare me a bit. Habang dinig ko ang tilian ng iba ay tulala lang ako sa screen. The fairy lights added romance to the ambience. Siguro kung hindi ko narinig ang sinabi niya sa ina, baka kanina ko pa siya kinukulit.

"Salamat sa pag-aaksaya ng oras kasama ako." I chuckled. Hindi pa tapos ang palabas pero hindi ko makaya ang katahimikan naming dalawa. "Balak ko sanang yayain kang uminom sa Rampage pero gusto ko nang magpahinga. Sa susunod na lang."

"I'm..." He sighed. "I'm sorry about earlier. Uh... madalas ko kasing ikwento kay Mama si Sol kaya akala niya ay ikaw siya."

Parang nilatigo ang puso ko sa sinabi niya. Oo na, Rouge, gusto mo na siya. 'Wag mo nang masyadong ipagdikdikan sa akin.

I laughed. "A-ayos lang 'yon, sira! Hindi naman kasalanan ng Mama mo kung hindi niya ako kilala... ikwento mo kasi ako minsan! Kahit bilang ex mo lang!" Tumawa ulit ako.

"Reese..."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "'Wag mo akong tawagin sa gan'yang paraan! Hindi ako apektado, 'no? Ayos lang talaga."

"I'm... sorry..." he whispered. "At... nakita ko kayo no'ng kaibigan mo kanina. Sa waiting shed."

Napalingon ako ulit sa kanya.

"Kayo?" tanong niya ulit, medyo mahina ang boses. Humarap siya sa akin at maliit na ngumiti. "Bagay kayo."

Hindi ko naitago ang paglapat ng sakit sa eskpresyon ko. Lumunok ako at ibinalik ang mata sa screen.

"Talaga?" I asked, my heart breaking again. "Do you think... we're a great pair?"

Narinig ko ang pagpapakawala niya ng buntong-hininga. It was too painful for me. Akala ko pa naman... puwede na ulit. Akala ko may tyansa. Akala ko... possible pa.

I gulped down the lump in my throat. Actions without words were really confusing. Hindi dapat ako umaasa dahil lang maganda na ang pakikitungo niya sa akin.

"Kung saan ka masaya, Reese."

I wanted to shout at him. I wanted to tell him that it was him that I loved. Tangina kasi. Hindi pa ba obvious? Halos magmakaawa na ako sa kanya na balikan ako... tapos itataboy niya ako sa iba?

"Gusto mo bang i-entertain ko na si Hezron?" Kahit ako ay natakot sa sarili kong tanon. "Tell me, Rouge, do you mean it?"

Parang pinipiga ang puso ko habang hinihintay ang sagot niya. I was silently hoping that he'd say no.

"Basta kung saan ka masaya, Reese. You look comfortable with him. Kahit... nung party. Mukha namang gusto mo siya."

I nodded and looked back at him. I gave him my most sincere smile.

"Si Solene... what do you like about her?" I asked, adding salt to the wound. "I mean, yeah, she's beyond beautiful. She knows how to bake... but what do you really like about her?"

Wala akong nakitang emosyon sa mata niya. Tilian ng mga taong nanonood ang naririnig ko pero ang buong atensyon ko ay nasa kanya lang.

"She shows her emotions... she's transparent. Kapag nasasaktan siya, I wanted to take care of her. Kapag masaya siya, I wanted to be the reason behind it." Sincerity was dripping from his voice.

Durog na durog ako sa sinabi niya.

"Ahh... you don't just... like her. Mahal mo pala, eh! Talo ako ro'n, ha!" I giggled. "A-akala ko pa naman may laban pa, may nanalo na pala!"

Natahimik siya.

"You're... you're so insensitive, Rouge. You know that I love you but... you still did this, 'no?" Nanginig ang boses ko.

Saktong natapos ang movie. Ibinalik ang bangka kaya nagmadali akong umalis doon para makalayo sa kanya.

"Reese... we're talking." He grabbed my arm. "Don't be... mad. I want to clear things up with you."

I gulped and stared into his eyes.

"If friendship is the only thing you could offer, I don't want that," I said sincerely. "Kung gusto mo si Solene, wala naman akong magagawa para pigilan ka. 'Wag mo na lang akong i-entertain, Rouge... kasi umaasa ako."

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"If you like her, pursue her, win her over, shower her with all your love." Umiling ako. "Wala na akong pakialam."

Before he could say anything, I turned my back on him. I was too tired today. Let me rest.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro