Chapter 14
Chapter 14
Kumuha ako ng face towel at basin. Nilagyan ko rin ng malamig na tubig ang basin bago pumunta ulit sa kwarto niya.
His eyes were droopy, but he was not closing them. Nang makita akong pumasok sa kwarto ay bahagya pang nanlaki iyon. Palihim na lang akong umiling sa reaksyon niya.
"Aalisin ko muna ang comforter mo para mapunasan kita nang ayos, ha?"
Tumango siya na parang bata. Dahan-dahan kong inalis ang puting comforter at bumungad sa akin ang magandang hubog ng katawan niya kahit na naka-shirt naman siya at sweatpants.
Lumunok muna ako bago kunin ang towel na nakababad sa tubig. Piniga ko 'yon at kinuha ang braso niya. I didn't glance at him. Pinasadahan ko ng towel ang matipuno niyang braso. I was not sure if my hands were shaking.
"Ayos lang bang... itaas mo ang damit mo?" nag-iinit ang mukhang tanong ko. "Pupunasan ko lang."
He nodded before lifting the hem of his shirt slightly. I gasped when I noticed how his body had matured. Hindi lang kamay ko ang nanginginig habang pinupunasan siya. Kahit ang labi ko ay kinailangan ko pang kagatin para alalahanin na ginagawa ko ito para maging maayos ang lagay niya.
He had a broad chest and a lean abdomen. Hindi ko alam kung may sinusunod ba siyang diet o talagang babad siya sa gym.
Nang matapos sa katawan ay iniangat ko na ang pamunas sa leeg patungo sa mukha niya. Hindi ko na kayang punasan ang mga hita at binti niya. Sisiguruhin ko na lang na makainom siya ng gamot on time.
Titig na titig siya sa akin habang pinasasadahan ko ng tuwalya ang pisngi at panga niya. I did it gently because I didn't want to damage his flawless skin. I also folded a small towel, wet it a little, and put it on his forehead.
Napansin ko ang panonood niya sa ginagawa ko kaya naglakas loob na akong ngitian siya.
I put the comforter back on his body. "You should rest."
With a soft but husky voice, he asked, "Aalis ka na?"
Napatingin ako sa relo ko at napansing isang oras na lang ay may klase na ulit ako sa major subject namin. I gulped and looked at his state before letting my heart win again.
I shook my head.
"I will watch over you... para paggising mo ay may pagkain ulit at iinom ka ulit ng gamot. Ayos lang ba?"
He swallowed before slightly nodding. For the last time, inayos ko ang comforter sa balikat niya bago siya hinayaang matulog.
It wasn't long before I heard his silent breathing. Tumayo ako at kinuha ang sketch pad ko. I finalized my drafts. Idinesign ko na rin ang headdress niya. Nang lumipas ang tatlumpong minuto ay binasa ko ulit ang towel bago ibinalik sa noo niya.
I did it for hours. Itinext ko rin ang mga kabarkada ko na hindi ako makakapasok. Natapos ako sa pangungutinting ng gamit ko at kapapalit ko lang din ng towel niya kaya tumayo ako para maghanap na lang ng puwedeng lutuin sa ref.
I cooked mushroom soup and beef broccoli for his dinner. Nagsaing din ako nang kaunti just in case maisipan niyang kumain na.
Habang hinihintay na maluto ang soup ay napailing na lang ako sa sarili. Bakit ba ang lambot-lambot ko pagdating kay Rouge? Bakit ba hindi ko siya lagi matiis? Loving him was exhausting. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito sa kanya?
He was sending me mixed signals. Minsan, pakiramdam ko ay mahal niya pa rin ako pero madalas ay iba ang lumalabas sa bibig niya. I don't know anymore.
Napatigil ako sa pag mumuni-muni nang makarinig ako ng malakas na kalampag sa kwarto niya. Pinatay ko ang stove at mabilis na tumakbo papunta sa kanya.
"Rouge!" I shouted in worry when I saw him sitting on the floor. Agad ko siyang dinaluhan at pinabalik sa kama.
"Ano bang nararamdaman mo? Nahihilo ka ba? Bakit ka nakaupo ro'n? Did you fall?" sunod-sunod na tanong ko.
"Where were you?" he asked, his voice hushed.
"Nasa kusina! Nagluluto ako ng pagkain mo. Nagugutom ka na ba? Ihahanda ko na. Sakto at katatapos lang maluto."
"Will you... feed me?"
My face heated up.
"Sure! Alam ko namang hindi pa kaya ng kamay mo. Wait for me here, okay?"
Hindi ko na hinintay na makasagot siya dahil pumunta agad ako sa kusina. May tumutubong ngiti sa labi ko at kinailangan ko pang sampalin nang ilang beses ang sarili dahil hindi naman dapat ako masaya lalo at may lagnat pa siya.
Pagbalik ko sa kwarto ay nakasandal na siya sa headboard, parang hinihintay talaga ako. I smiled at him before putting the table on the bed.
"Mamayang 7 p.m. pa ang inom mo ng gamot. Humingi rin ako ng notes kay Zane para sa na-miss mong klase ngayon. I will send it to you," saad ko habang sinusubuan siya.
"Do you like Hunter?"
Halos mabitawan ko ang hawak na kutsara dahil sa out-of-context at biglaang tanong niya. Nakakunot ang noo niya habang pinanonood ang reaksyon ko.
"Have you been texting him? Kaya ba hindi mo na ako itinetext?" dagdag niya pa.
Hindi ko alam kung paano ako nakabawi. Dahan-dahan akong umiling sa kanya.
"Hindi ko gusto si Hunter, Rouge." Tumikhim muna ako bago magpatuloy. "At kung gusto ko man si Hunter, lalayuan din kita agad."
Mas lalong kumunot ang noo niya. Binasa ko ang labi ko bago muling iniangat ang kutsara para pakainin siya pero dahil sa sama ng loob ay hindi siya ngumanga.
"Rouge naman. Kumain ka na. Iiwan ko 'to rito kapag hindi ka pa sumunod," suway ko. "Bahala kang kumain mag-isa kung ayaw mo."
Lihim akong napangiti nang ngumanga siya nang maliit kahit masama ang titig sa akin at malalim ang kunot ng noo. I continued feeding him, at nang matapos ay hinugasan ko iyon sa kusina.
Hindi ulit kami nag-imikan kahit hanggang sa dumating ang oras ng pag-inom niya ng gamot.
"Kaya mo na ba? Aalis na ako," saad ko habang nakatayo sa gilid ng kama niya.
"Hindi pa." He gulped. "Sinong magbabantay sa akin? Hindi naman ako magigising kapag iinom na ulit ako ng gamot." He avoided my eyes. "Masama pa ang pakiramdam ko, R-Reese."
Napabuntong-hininga na lang ako at ibinaba ulit ang bag ko. Nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa akin nang maupo ako sa kama.
"Oo na, sige na. Dito na ako magpapalipas ng gabi. Babantayan na kita at gigisingin kapag iinom ka na ng gamot."
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon pero nakita ko ang pagngiti niya.
Ganoon nga ang ginawa ko buong gabi. Kahit antok na antok na ay hindi ako nakatulog dahil nag-aalala ako sa lagay niya. Maya't maya ko ring binabasa ang tuwalya sa noo niya habang pinapanood siyang matulog.
Ginising ko rin siya nang mag-ala una para painumin ng gamot. Mag-uumaga na nang dalawin ako ng antok. Bumaba na ang lagnat ni Rouge kaya nagpasya akong lumabas muna ng kwarto para matulog sa couch sa sala niya.
Nagising na lang ako sa sinag ng araw dahil hindi ko napansin na bukas pala ang kurtina ng glass door niya. Uminat ako at humikab ngunit napabangon ako nang makita sa paanan ko si Rouge. Bagong ligo siya at mataman na nakatingin sa akin.
Inayos ko agad ang buhok ko.
"Uh... kumusta ang lagay mo?" tanong ko, hindi makatingin sa kanya.
"I'm okay now, Reese. Nagluto ako. Kumain muna tayo bago ka umuwi."
Dahan-dahan akong tumayo at nag-iinit ang mga pisnging naglakad patungo sa kusina. The handsome guy was behind me. Dinig ko ang paghakbang niya. Hindi pa nakatulong na mas naaamoy ko ang bango niya kaysa sa niluto niya.
To my surprise, inasikaso niya ako na parang ako ang may lagnat. Pinanood ko lang kung paano niya nilagyan ng fried rice at bacon ang pinggan ko.
Tahimik kaming kumain. I could feel his stares but I was too shy to show him my ugly morning face... kahit pa ilang beses naman nang nangyari ito noon.
"Do you have class?" His baritone reached my ears.
I gulped. "Oo... mamayang hapon pa. Isang subject lang."
Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Ganoon din ang ginawa ko. Kinakabahan ako sa presensya niya. Parang mas gusto ko na lang na nakahiga lang siya sa kwarto, kaysa ganitong kasabay ko na siyang kumain.
"Kung wala kang gagawin mamayang gabi..." he trailed off, dahilan para tumahip sa kaba ang dibdib ko. "May gig ako. Hindi ko kasama ang Narcissus."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagsalubong ang mga mata namin. His tousled hair looked dangerously good this morning. Hindi pa nakatulong ang hakab ng puting T-shirt sa katawan niya.
"Saan?" I asked before licking my lips. Hindi iyan ang pagkain, Debs!
"I'll pick you up."
My eyes widened. Nakita ko ang pag-iiwas niya ng tingin kaya lalong nag-init ang mukha ko.
God, Rouge, huwag mo akong paasahin!
"Uh... para na rin sana ro'n sa portfolio mo. Hindi ba at may documentation pa? We... can do that."
Ibinalik ko ang tingin sa pinggan.
"S-sige."
Hindi na ako nagpahatid sa kanya pauwi sa takot na mabinat siya. Hindi na rin ako nakaimik matapos ang ginawa niyang pagyayaya. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako. I just told him that I was waiting for my heart to get tired! Tapos ay ganito ang gagawin niya?! Paano ako susuko?!
"Baka naman buntis na 'yan, ha!"
Napairap na lang ako sa narinig pagkauwi ko ng villa. Ang tatlo ay nasa sala at mga nagkukutinting ng phone. Parang hinihintay talaga nila na dumating ako.
"Bakit overnight? Portfolio ba talaga ang ginawa n'yo o bata na?" pang-aasar ni Rapsly.
"Ang lamig pa naman kagabi." Cali chuckled. "Gusto ko rin!"
Hindi ko sila pinansin at dumiretso na sa taas. Rinig ko pa ang pang-aasar nila pero masyado akong masaya para makisabay sa pang-iinis nila.
Umattend din kami ng klase pero dahil isang subject lang, mabilis din kaming nakauwi. Dalawang oras lang kasi iyon. Absent sa major subject namin kahapon kaya nagtanong-tanong pa ako tungkol sa discussion.
Habang tumatakbo ang oras ay kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay magda-date kami ni Rouge. He would pick me up to watch his gig. Sigurado rin ako na ihahatid niya ako pauwi.
I didn't know but I really felt like we were going back to everything. Hindi ko lang sigurado dahil alam kong hindi pa rin niya ako napapatawad sa ginawa ko sa anak namin.
I wore a peach velvet dress and silver stilettos that matched the color of my clutch. Itinuwid ko rin ang buhok ko. My full lips were colored with nude lipstick, giving me a fresh aura.
"Aba, Debs, nadiligan ka lang kagabi, may dilig ka na naman today? Ang swapang, ha?" panunudyo ni Rapsly nang makapasok sa kwarto ko.
I chuckled. "Sira. Wala namang nangyari sa amin ni Rouge. May lagnat 'yong tao."
Umupo siya sa kama ko.
"Pero wala na siyang lagnat ngayon," dagdag ko pa.
Malakas niyang hinampas ang likod ko at nandidiri ang mukhang tumingin sa akin kaya lalo akong natawa. Maya-maya pa ay si Cali naman ang pumasok at dumiretso sa akin para ayusin ang damit ko.
"Galingan mo sa paglandi, ha? Make me proud," saad niya. "Sabihin mo kay Harvin, gumamit ng condom."
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Nagkuwentuhan pa sila sa kwarto ko hanggang sa tinawag na ako ni Cliff dahil nasa baba na raw si Rouge.
Tarantang-taranta ako pagbaba pero hinigit ako ni Cali sa gilid niya at bumulong sa akin.
"Resorts World Manila."
Binatukan ko siya bago muling naglakad papunta kay Rouge. As expected, he looked dashing in his plain black shirt, coat, and pants. Ang silver piercing niya ay lalo pang nagpatingkad sa kaguwapuhan niya.
"Tara na!" I exclaimed, trying my best to hide the tension building up inside me.
Dinig ko ang impit na tili ng tatlong bakla sa likod ko. Rouge tilted his head, and his eyes were directed at them.
"Ihahatid ko na lang mamaya si Reese dito..." pagpapaalam niya.
"Naku, kahit 'wag na!" sagot ni Rapsly. "'Wag na kayong umuwi! Sa condo na lang ulit matulog at magparami."
"Cuddle weather pa naman!" dagdag si Cliff.
Humalakhak si Cali. "Humayo kayo!"
Halos haklitin ko na si Rouge paalis doon. At syempre, hanggang pintuan ay inihatid kami ng tatlo na puro pang-aasar lang. Mainit na mainit ang mukha ko sa kahihiyan lalo at napapansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Rouge.
"Your friends are funny," nangingiting saad niya nang nasa loob na kami ng sasakyan.
Napatulala ako sa mukha niya. Bakit siya good mood?! Bati na ba kami?!
I pouted. "Akala mo naman talaga hindi mo naging kaklase no'ng junior high..." bulong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya napangisi ako. Pinaandar na niya ang sasakyan kaya nagsimula na akong tanawin ang nadadaanan namin. I could feel myself smiling. Magaan din ang puso at paghinga ko.
Nang tingnan ko si Rouge ay ganoon din ang awra niya. And surprisingly, habang bumabiyahe ay nag-uusap kami na parang matagal nang magkaibigan. Well, we... were.
"Ang pangit ng handwriting ni Zane. Hindi ko ma-gets ang isinend mong notes," kaswal na sabi niya.
Tumawa ako. "Mapagpanggap ka. Kahit naman maganda sumulat 'yon, hindi mo naman aaralin."
He smirked before changing the gears. "Mas mataas lagi ang ranking ko sa 'yo no'ng highschool. 'Wag mo 'kong yabangan."
"Hoy!" I glared at him. "Crush ka lang no'ng bakla nating adviser kaya ka napapasama sa honor!"
"Nah... let's admit it. Mas magaling talaga ako sa 'yo academically." Tumawa siya. "Basic na basic na quadratic equations, hindi mo natutunan. Ako pa ang nag-take ng exam mo."
"Ako naman ang nagsusulat ng essays mo!" ganti ko.
Sa muli niyang pagtawa ay nahawa na ako. Ang loob ng sasakyan ay napuno ng kuwentuhan namin tungkol sa nangyari noon. It felt nice. It felt perfect. Para akong dinuduyan habang binabalikan namin ang mga pinagsamahan namin. Ang pagcu-cutting classes namin para manood ng movies sa kwarto niya hanggang sa pagnanakaw ko ng alak sa kwarto ni Daddy para inumin namin sa rooftop ng bahay ni Abuelo.
Sana lagi na lang ganito.
"We're here, mademoiselle," pang-aasar niya bago ako pagbuksan ng pinto. Naglahad pa siya ng kamay para alalayan ako.
Something enveloped my heart. This is him. This is my Rouge.
Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya nang tanggapin ko ang kamay niya. I intertwined our fingers at kahit noong subukan niyang alisin ang kamay ay hinigpitan ko lang ang hawak ko.
"Locked! Tapon susi!" sabi ko pa.
He smiled and let me hold his hand. Tuloy ay magkahugpong ang kamay namin papasok sa isang high-end club na parang hotel. Hindi ko alam ang pangalan nito pero napansin kong mga models at anak ng mga politicians ang nandoon!
"Oh my god, is that Liam Garofil?" bulong ko sa kanya. "Ang guwapo!"
Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Locked. Tapon susi," masungit na sabi niya bago ako higitin patungo sa isang mesa na naka-reserve sa kanya.
He ordered some food and drink for us. Hinayaan ko lang siya dahil naging malikot ang mata ko sa paligid. Ang daming kilalang personalidad dito!
He clicked his tongue in annoyance, but I didn't look at him.
"Sana pala ay sa Rampage ko na lang dinala," bulong niya sa sarili.
Napangisi ako roon. Sinalubong ko ang busangot niyang itsura. "Ikaw pa rin ang pinakaguwapo rito, Rouge."
He looked away, and I saw how his ears slightly turned red. Lalong lumaki ang ngisi ko. We started eating and teasing each other. At syempre, gaya ng dati, laging ako ang napipikon sa kanya.
"We have a special guest tonight," sabi ng host sa stage. Nakita kong inaayos na ni Rouge ang gitara niya kaya nakuha ko rin agad na siya ang guest na tinutukoy.
"Let's all welcome Mr. Harvin Rouge Foster with his famous sexy guitar!"
The audience clapped, including me. I was so happy for him.
"Good luck," nagawa ko pang sabihin bago siya umakyat sa stage.
My brow furrowed as I noticed some of the ladies approaching him. Hindi nakalampas sa akin ang paglapit ng isang modelo sa kanya at talagang hinaplos pa ang balikat niya. Aba't!
I waited for Rouge to finish fixing his guitar. Maraming babae ang nasa unahan para panoorin siya pero hindi ako umalis sa puwesto namin dahil dito rin naman dumiretso ang mga mata niya.
I smiled.
"This song is dedicated to the woman I hated most," aniya sa mic bago ngumisi. "If you know this song, please, sing with me... this is You and Me by Lifehouse... our song way back then."
Napakapit ako sa clutch ko. He closed his eyes and strung his guitar, playing a song we both knew well. Ang unang kantang natutunan niya sa gitara at ang unang awit na kinanta niya sa akin.
"What day is it? And in what month, this clock never seemed so alive." People cheered for him loudly, kasabay ng mabilis na pintig ng puso ko. "I can't keep up, and I can't back down... I've been losing so much time."
Nang magmulat siya ng mata ay nahanap niya agad ako.
"'Cause it's you and me, and all of the people with nothing to do... nothing to lose. And it's you and me and all of the people, and I don't know why... I can't keep my eyes off you..."
I bit my lower lip as I returned his gaze with love and adoration. He was mine. Noon. Ngayon. At sa mga susunod pang taon.
"Everything she does is beautiful... everything she does is right."
Buong kanta ay hindi nagbitaw ang mata namin. Kahit nang maupo si Liam Garofil sa puwesto niya kanina ay hindi naputol ang tingin ko sa kanya. Ganoon din siya sa akin. Girls were flocking at his feet but his eyes remained on me.
"Thank you..." he uttered softly. "And I'm sorry for hurting you, too."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro