Chapter 13
Chapter 13
The following days, I busied myself with finishing my designs. Natapos ko na rin ang dress na gagamitin ko sa ball. Kahit ang sapatos at accessories ni Melanie ay maayos na ring nakalagay sa wardrobe ko.
Hindi na muna ako nakipagkita kay Rouge. Hindi ko alam. Parang matapos ang pag-uusap namin, tinubuan ako ng hiya. Bumalik ako sa pagtanaw sa kanya nang hindi niya nalalaman.
He seemed... okay. It looked like nothing really happened to him. Minsan nga ay nakasalubong ko siya sa cafeteria pero ako na ang umiwas dahil ayaw kong magpakita sa kanya. Kahit kapag nakita ko siyang naglalakad sa hallway ay nag-iiba ako ng landas para hindi kami magkasabay.
"Mommy, sorry, hindi kami nakauwi kasi sobrang busy sa school. Hindi pa nga tapos nina Cali at Cliff ang gagamitin nila sa ball," sabi ko sa ina habang kausap ko siya sa telepono papasok sa room namin.
Umupo ako sa gilid ng bintana dumiretso ang tingin sa tatlo kong kaibigan.
"Edi sa summer pa kita makikita?" malungkot na tanong niya.
I sighed. I missed my mom, pero isang linggo lang ang natapos naming sembreak at bawat araw noon ay talagang busy kami.
"Sa Christmas break, uuwi ako. I want to spend my holidays with you and Daddy. Alam ko namang miss n'yo na ang unica h'ja niyo," I replied.
"I will look forward to that, Debs. You know that since your brother got married, wala na kaming makasama rito sa mansyon. I want a grandchild!" she ranted. "Pero hindi sa 'yo. You have to be known in your chosen field first."
I laughed. "Yes, mommy. I'm studying really hard, para mapataas ang grades ko. I'm also working on my portfolio. I will make you proud. I promise."
She chuckled. "Great! Send me your sample designs and I will critique them."
Napangiti ako bago napatingin sa pintuan ng room. Pumasok ang prof namin kaya pumunta ako sa upuan ko para umayos.
"Gotta go, mom. May klase na kami."
She sighed. "I miss you. I will see you soon."
Nang maibaba ang tawag ay siniko ako ni Rapsly.
"Pinapauwi ka?"
I pursed my lips before nodding. "Sa Christmas break, kailangan na nating umuwi. Kahit pagkatapos na mismo ng ball."
Tumango siya bago humarap sa prof namin na ngayon ay nagdi-discuss na. We listened to her thoroughly, at dahil mas focused ang program namin sa skills, natapos din agad ang discussion.
"By the way, you have to submit your final drafts next week para naman masimulan n'yo na ang pananahi. I will also have your designs screened by professionals, at kung sino ang mapusuan nila sa mismong fashion show, I will give a flat uno."
My eyes widened. Rinig ko rin ang tili ng mga kaklase ko.
Our professor smiled. "Alam kong nakapanahi na ang iba sa inyo. Nakapagpasa na sa akin ng drafts last week sina Deborah, Hannah, Mizuki at Rafael..."
"Rafael amputa," Rapsly complained silently.
"Sa male category na lang, guys, okay? And please, I need documentation. 'Yong mga nakapanahi na, i-send n'yo sa akin ang pictures ng models n'yo suot ang designs."
Marami pa siyang sinabi ngunit hindi na ako nakasunod dahil napagtanto ko na si Rouge nga pala ang model ko at matapos ang halos isang buwan na pag-iwas ay kailangan ko na naman siyang kausapin.
Itim na coat at pantalon ang ginawa ko habang ang nasa loob noon ay puting polo. The coat was embellished with goldwork and vivid red embroidery. Hindi pa tapos ang pagbuburda ko sa cuffs pero ang pinakakatawan ay malapit nang ma-finalize. My design was inspired by Cyerce Nigricans, a stunning sea slug and iconic species of the Great Barrier Reef.
I heaved a sigh when my friends stood up to go to their models. Hindi ko naman na kailangang kausapin si Melanie dahil magkikita kami sa isang araw kaya puwedeng doon ko na lang siya picturan. Tanging si Rouge lang ang kailangan kong puntahan ngayon.
"Oh, edi sisi ka ngayon," walanghiyang pahayag ni Cali nang makita ako. "Puntahan mo na! Para naman sa grades... kunwari!"
Sinamaan ko siya ng tingin bago sumabay sa kanila paglabas ng room. Ang celebrity na kinuha ni Rapsly ay bukas pa ang dating kaya ang babaeng model muna ang pupuntahan niya. Sina Cliff at Cali naman ay sa ISU pupunta dahil naroon ang models nila.
We bid each other goodbye. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin dahil hindi pa naman ako handang makipag-usap ulit kay Rouge. I mean, that was awkward. Matapos ang sagutan namin, paano ko siya i-a-approach ulit?
"Debs, tara na sa CHMT!" yaya sa akin ni Nime nang makita ako sa labas ng room. "Si Zane ang model ko. Sabay na tayo."
Kumapit siya sa braso ko kaya hindi na ako nakapag-isip at nagpatangay na lang sa kanya.
"Hindi ka na uma-attend ng gigs nila, ah? Ano 'yan? Nagmo-move on ka?" She laughed.
"Sira, busy lang," I reasoned out.
"Utot mo, Deborah. Lagi tayong busy pero lagi ka ring may paraan para makita si Harvin. Bakit? Nag-away kayo? Mukhang malumbay din 'yong isa, eh. Umuuwi agad after ng gig," litanya niya.
Umiling ako. "Baka abala rin 'yon. Asa ka namang malungkot 'yon dahil lang hindi ako nakikita." I chuckled. "Hindi naman ako si Solene."
"Yown, bitter!"
Hinampas ko siya pero tinawanan niya lang ako. Hanggang sa makarating kami sa department nila Rouge ay inaasar niya lang ako nang inaasar. Hindi ko naman siya masagot dahil kinakabahan ako sa pagkikita ulit namin ng lalaki. I constantly convinced myself that I would do this for my portfolio.
Nime contacted Zane. Nakaupo lang kami sa bench sa baba ng building nila habang inaantay ang pagdating ng lalaki.
"Sabihin mo pababain na rin si Rouge."
Tumawa siya. "Ayoko. I-text mo kung matapang ka."
Sumimangot ako nang talagang hindi niya sinabi kay Zane ang iniuutos ko kahit nang maibaba ang tawag. Pikit-mata kong kinuha ang phone ko at malakas na napabuntong-hininga habang nagtitipa ng mensahe kay Rouge.
Me:
Good morning. Busy ka ba ngayon? I need to meet you para sa photoshoot na sinabi ko sa 'yo noon. Hindi pa tapos ang designs pero kailangan ko kasi ng documentation. I'll wait for your response.
Nang ibaba ko ang telepono ay natanaw ko si Zane na nakangiti habang lumalapit kay Nime. Napairap pa ako nang makitang hinalikan niya ang noo ng babae.
"Nand'yan si Debs. Parang ewan..." maarteng suway ni Nime.
I gave them a disgusted look. Nang matapos ang landian nila ay saka ko kinausap ang lalaki.
"Zane, nasaan si Rouge? Kailangan ko rin kasing makausap, eh."
Humarap siya sa 'kin. "Hindi pumasok. Nilalagnat yata at maraming nainom kahapon. Muntik na nga silang maaksidente sa motor ni Rhome at parang tanga si Harvin malasing."
Agad na sumibol ang matinding pag-aalala sa puso ko. Napatayo rin ako agad at kulang na lang ay umalis ako sa harap nila para puntahan ang lalaki ngunit napagtanto ko rin agad na malamang naman ay nasa mansyon siya at inaalagaan.
Tumawa si Nime. "Hindi mo pupuntahan?"
Umiling ako. "Sa ibang araw ko na lang kakausapin. Sigurado naman akong may nagbabantay do'n."
"Uh, he's actually on his unit. Ayaw umuwi sa bahay nila dahil ayaw niyang mag-alala si Tita Candy."
Kahit puno ako ng pangamba ay nagawa ko ulit umiling sa kanya. Rouge was old enough to take care of himself. Bahala na siya sa buhay niya. Alam niya ang capacity niya pero sinasagad niya pa rin ang sarili at naglalasing pa!
Nime and Zane continued talking about the project, so I stood up to leave them. Nagpaalam ako sa kanila at bumalik na sa room. As expected, wala namang tao roon kaya nang maupo ako malapit sa bintana ay ilang beses akong nagpakawala ng buntong hininga.
"Fuck it!" I muttered. "Bakit ba hindi kita matiis?!"
I texted Nime to ask Zane about the location of Rouge's unit. And of course, tinawanan muna ako ng babae bago niya ibigay. Hiyang-hiya ako dahil halata nila na pagdating kay Rouge ay ang hina ko.
Well, I couldn't blame myself! Kilala ko ang lalaki kapag nilalagnat. Hindi siya kumakain o umiinom ng gamot manlang. Aantayin niya talagang kusang mawala ang sama ng pakiramdam niya kaya minsan ay inaabot ng araw bago siya gumaling.
At... at next week na ang pasahan ng draft! Kailangan ko talaga siyang makausap! Tama! Ginagawa ko 'to para sa portfolio ko.
Mabilis na ang tibok ng puso ko noong nasa elevator ako paakyat sa unit niya. Sa kamay ko ay paperbag mula sa malapit na restaurant dahil bumili ako ng corn soup. Dumaan na rin ako sa drug store para bumili ng gamot. God! This was not part of my project!
"Just press the damn doorbell, Debs! Come on, you can do it," I chanted when I faced the wooden door of his unit.
Mariin kong kinagat ang labi ko, iniisip na baka kapag nag-doorbell ako ay mahirapan siyang tumayo. Pero... paano naman ako makakapasok? Ang creepy naman kung bigla na lang akong papasok dito nang walang paalam!
Kabadong-kabado ako habang nag-iisip pero sa dulo ay nanaig talaga sa akin ang kagustuhan na malaman ang lagay niya kaya pinindot ko ang doorbell nang dalawang beses.
Lumipas ang apat na minuto ngunit hindi niya pa rin ako pinagbubuksan. Sa takot na baka napaano na siya ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya.
I breathed a sigh of relief when he answered the call on the fifth ring.
"Nasa labas ako ng unit mo..." Bahagyang nag-alinlangan ako. "Uh... may dala akong soup at gamot. I will leave afterward."
"0604..." His baritone filled my ears.
My heart throbbed at what he said. That was the date of our anniversary.
Akala ko ay susumbatan niya ulit ako ngunit dinugsungan niya rin agad ang sinabi.
"Password."
My jaw dropped. "Oh! Okay!"
Nang ibaba niya ang tawag ay kinailangan ko pang huminga nang malalim dahil sa panibagong yugto ng kaba. His password was the date of our anniversary. Great! And he sounded so sick!
Nakapasok ako sa loob ng unit niya at napansin ko agad ang linis noon. Typical Rouge. Wala na akong oras isa-isahin ang frames at furniture dahil walang pag-aatubiling akong dumiretso sa kusina niya para isalin ang sabaw. Mabilis ko namang nakita ang mga gamit. Napansin ko rin ang bed table at tray.
Nang tumapat ako sa pintuan ng kwarto ay ilang beses ko pang sinuway ang sarili dahil sa pagwawala ng dibdib ko.
"R-Rouge, papasok ako..." Nangatal ang boses ko.
Dalawa ang kwarto roon pero kahit unang beses kong nakaapak sa unit niya ay alam ko na agad na ito ang ginagamit niya. I slowly held on to the knob and twisted it.
Nalungkot ako nang makita siya sa kama na balot na balot ng puting comforter. Bukas ang heater niya pero dahil ber months ay may kalamigan na ang klima. Ibinaba ko muna ang maliit na mesa sa sahig para lapitan siya.
"Rouge," tawag ko. "Bangon ka muna... may dala akong pagkain."
Hindi siya sumagot kaya mahina kong hinigit ang comforter sa katawan niya. Hindi naman siya nanlaban at agad na nagtama ang mata namin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at dahan-dahang inilapat ang kamay ko sa noo niya ngunit mabilis niyang pinalis iyon.
Umupo siya at isinandal ang likod sa headboard.
"Just tell me what you need. Hindi kita kailangan," he said before taking his eyes off me.
Something pinched my heart. I breathed heavily to calm myself before getting the table and putting it on the bed.
"K-kain ka muna. Alam kong hindi ka pa umiinom ng gamot... paano ka gagaling n'yan?" I said as I fixed the food.
"Kung tungkol sa fashion show kaya ka pumunta rito, siguro naman ay nakikita mo ang lagay ko. Tell me the details. Pagkatapos ay umalis ka na."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kumuha ng pagkain. Hinipan ko iyon at itinapat sa bibig niya. Ramdam ko ang mabigat na titig niya pero mas ramdam ko ang init ng katawan niya.
"I will leave after you drink your medicine," I whispered.
Pinalis niya ang kamay ko at natapon sa kamay ko ang laman ng kutsara. My face slightly contorted because of its heat. Nang balingan ko ng tingin ang kamay ko ay napansin ko agad ang pamumula noon.
Kinagat ko nang mariin ang labi at ibinalik ang kutsara sa mangkok para kumuha ulit ng sabaw. This time, sinigurado ko nang hindi mapapaso ang dila niya roon.
I looked at him, but his eyes were on my hand. Malalim ang kunot ng noo niya kaya pasimple kong ginalaw iyon para mawala roon ang atensyon niya.
"S-sige na. Paggaling mo, saka kita kakausapin tungkol sa fashion show kaya... kumain ka muna at uminom ng gamot," mahina ulit na saad ko. "Kung bakit ka ba kasi nag-iinom. Hindi mo naman kaya. You shouldn't drink beyond your limit. Alam mo namang lagi kang nilalagnat pag gano'n, 'di ba?"
Nangalay ang kamay ko kaya ibinaba ko iyon. I avoided his eyes by looking at the bowl. Hinalo ko iyon para kahit papaano ay lumamig.
"Bakit ka ba nangingialam?" Mahinahon ang boses niya. "Isang buwan mo akong hindi pinansin tapos bigla kang magpapakita ngayon."
Gusto kong paasahin ang sarili sa sinabi niya. Gusto kong isipin na na-miss niya ang pangungulit ko. Pero naalala ko rin agad na kahit isang beses naman ay hindi niya ako hinanap. Hindi niya ako pinuntahan sa department namin. Hindi niya rin ako itinext.
"Ako dapat ang umiiwas sa 'yo. Anong karapatan mong magalit, ha?" panunumbat niya pa.
Umiling ako at tiningnan na lang siya.
"Hindi naman ako galit," bulong ko bago mahinang tumawa. Ayoko na nito. Ayoko nang harapin siya ulit kasi nararamdaman ko na naman ang pagkadurog ng puso ko. "Tinubuan lang ako ng hiya kasi... alam kong gustong-gusto mo nang tigilan kita."
Nawala ang dilim ng mata niya. Napansin ko rin ang mahigpit na paghawak niya sa comforter.
I smiled at him. I hoped it reached my eyes.
"Titigilan naman kita... nagpapagod lang ako," I admitted. "Ilang buwan na lang naman ako rito sa Isabela, e. Tyagain mo na 'ko, ha?"
For a second, my eyes get blurry. Hindi rin natuloy ang luha ko dahil huminga ako nang malalim.
"Kaya sige na, please? Kumain ka na. You know that I can't focus when you're sick." Yumuko ako. "Kung gusto mo, iiwan ko na lang ang pagkain at gamot dito... basta magpagaling ka lang agad."
Dahan-dahan akong tumayo kipkip ang tote bag ko. Nang balingan ko siya ay basing-basa ko sa mukha niya ang lungkot at takot. Hindi ko alam kung para saan.
"P-pasensya na sa abala, Rouge. Nag-aalala lang talaga ako sa 'yo."
Nag-iwas siya ng tingin. I clenched my fist in pain. I also swallowed the building lump in my throat.
Lagi na lang ganito. Lagi na lang masakit.
"Hindi ako makakakain," mahinang ngunit malalim na saad niya. "Masakit ang ulo ko at mahina ang... kamay ko. hindi ko kayang kumain."
I bit my lower lip. "Do you want me to feed you? Hmm?"
Parang may sumabog sa loob ko nang tumango siya. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin pero sa simpleng ginawa niya ay umahon ang saya ang dibdib ko. Binitawan ko ang bag at kumuha ng sabaw para ibigay sa kanya.
My smile widened when he didn't shove my hand. Nakatitig lang siya sa akin nang isinubo niya ang binigay ko.
"Aalis din ako agad pagkainom mo ng gamot," sabi ko habang sinusubuan pa rin siya.
Gaya ng inaasahan, hindi siya sumagot. Hindi na rin ako nagulat nang hindi nangalahati ang kinain niya. Tahimik lang kami pareho, siya ay hindi inaalis ang tingin sa akin habang ako naman ay todo iwas na magtama ang mga mata namin.
I opened the medicine and handed it to him. I waited for him to drink it. Nang matapos ay kinuha ko ang mesa at inilapag iyon sa sahig para makabalik siya sa paghiga.
Without looking at his eyes, I fixed his comforter. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin. There was a certain part of me that throbbed when I felt the heat of his body. Mukhang mataas talaga ang lagnat niya. Maputla rin kasi ang labi niya at namumula ang mata.
I stood up when I successfully tucked him in bed.
"Aalis ka na?" parang batang tanong niya.
I nodded before giving him a smile. "Very good ka! Magpagaling ka pa, ha? Nag-iwan ako ng gamot d'yan sa bedside table mo. May tubig din para hindi mo na kailangang tumayo. Dahil ala una ka na kumain at nakainom ng gamot, alas siete ang susunod mong inom, okay?" paalala ko.
Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako.
"May soup pa sa kusina. Magbibilin din ako sa baba na i-check ka from time to time at ibili ka ng pagkain. May pain relief patches din akong binili. Gusto ko sanang..." I gulped. "Punasan ka para mabilis bumaba ang lagnat mo pero syempre, hindi puwede 'yon." I chuckled.
The softness and tenderness in his eyes deceived me. He looked as if he wanted me to stay longer.
"Gusto kong bumaba agad ang lagnat ko, Reese. Ayos lang na... punasan ako... kung para sa akin din naman."
Nag-iwas siya ng tingin sa akin habang ako ay natulala lang habang nag-iinit ang mukha.
Damn him and his freaking confusing tactics!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro