Chapter 12
Chapter 12
TW: Mention of Abortion
Parang bulang nawala ang mahika ng saya ko kanina dahil sa galit na tinig at tingin niya. Ang akala kong magtatagal na gaan ng pakiramdam ay mabilis na napatungan ng bigat dahil sa sinabi niya.
"I will always despise you and your fucking dream," he muttered, finally coming back to his senses that I did him wrong... or that was what he believed in.
The hollow auditorium on my chest collapsed. The guilt and pain reopened. This time, it was stronger and more persistent. My lips quivered in pain as I stared at his deep hazel-brown eyes, which were looking back at me with rage.
"I did it for... us," I muttered slowly.
"Bullshit!" sigaw niya. "You did it for yourself! Handa kang pumatay para sa pangarap mo!"
I licked my lower lip to fight the urge to answer back. Nakainom siya. Hindi ko dapat sabayan ang galit niya. If he wanted to talk about the past, today wasn't the right time to do that.
"You only care about yourself!"
Walang pagdadalawang isip akong lumabas ng kotse niya dahil hindi ko kayang pakinggan ang mabibigat na paghinga at maaanghang na mga salita. Hindi na rin ako nagulat nang lumabas siya, at halos masira ang pinto ng kanyang sasakyan sa lakas ng pagsara niya roon.
"Bakit ka umiiwas? Does it hurt you, huh, Reese?!"
Diretso ang lakad ko, gusto nang takbuhin ang distansya mula rito hanggang sa pintuan ng bahay dahil ayoko na siyang marinig.
"And you didn't even show remorse for what you did! Ni hindi ka manlang nalungkot! Hindi ka umiyak!"
I closed my eyes tightly and clenched my fists.
"What kind of woman are you?!"
Napatigil ako sa paglalakad nang mahaklit niya ang braso ko paharap sa kanya. His face was full of wrath and resentment. Lumunok ako sa pagbabara ng lalamunan ko. I didn't want to talk about this now. Not when we were not in our normal state of mind.
I bit the insides of my cheeks before caging his hands with mine. I looked at our connection with so much love and longing, but it didn't last long because he immediately shoved me away.
"Magpahinga ka na. Sa susunod na tayo mag-usap..." I whispered, afraid that he'd have another outburst.
"I'm asking you!" he insisted. "Do you regret it?"
Napansin kong humina ang boses niya, dahilan para pagnilayan ko ang nakaraan namin.
For a moment, I wanted to nod and lie. I wanted to tell him that I wasn't able to live my life normally after having an abortion... that I felt repentant about it.
But no. I couldn't lie to him.
I shook my head slowly, avoiding his razor-sharp eyes. I heard him gasp as I tapped my foot on the ground, reminding me to hold on because I deserved his harsh words.
"You..." Disbelief oozed from his tone. "Tao ka pa ba?"
Parang lumubog ang puso ko sa sinabi niya. My heart was thumping so painfully that I pressed the tips of my fingers together to try to keep my emotions under control.
"U-umuwi ka na..."
Muli niya akong pinaharap sa kanya at halos matulala ako nang makita ang pagtulo ng luha sa mata niya na mabilis niya ring pinalis.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" he shouted in so much rage. "And now you're acting like we're okay! Na parang wala kang kasalanan sa akin! You keep on seducing me! Na parang hindi mo pinatay ang anak ko!"
I looked up to keep my emotions in check, but his grip on me became increasingly tighter.
No, Reese, you can't let your feelings rule you. You have to win him back... at magagawa mo lang iyon kung makokontrol mo ang sarili mo.
"You're disgusting."
Naputol ang iniisip ko sa narinig sa kanya. Kasabay ng pagbigat ng paghinga ko ay ang mabilis na pagbawi ko ng braso ko sa kanya.
I clenched my teeth in rage. I matched his piercingly cold gaze. This time, my eyes were bloodshot. My thin thread of patience snapped.
"So, what if I am?!" I shouted with all my glory.
I saw how he was taken aback.
"Oo, pinatay ko! Inilaglag ko!" My voice trembled. "Is that what you want to hear?! Ano'ng gusto mong mangyari, ha? I can't take it back, and I will never take it back!"
Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi habang masamang-masama ang tingin sa akin. Nagtagis ang panga niya na para bang sinusubukan din niyang kumalma.
But, no. Nothing could calm me down now. I'd heard enough.
"Hindi ako nagsisisi!" Bumigat lalo ang paghinga ko. "We were 16! Tangina naman! We were children ourselves!"
"But that's our child, Reese! Atin 'yon! Akin din 'yon!" Napapaos na sigaw niya. "You didn't even inform me that you'll abort..." Parang hindi niya matuloy ang sinasabi sa ginawang pagtigil. Dahan-dahan siyang umiling, gumuguhit ang sakit sa mukha. "T-That's our child..."
Hindi natigil ang pagpupuyos ng sistema ko. Para akong sinisilaban sa galit... sa kagustuhang magpaliwanag sa kanya pero bingi na siya sa eksplenasyon ko.
"Dahil alam kong hindi ka papayag!" I screamed. "Dahil alam kong kapag nagmakaawa ka sa 'kin na huwag ilaglag ang bata, susunod ako sa 'yo!"
Hindi siya nakasagot. His lips were quivering, and I knew mine were too.
"I'm not ready to be a mother, Rouge! I love you so much... but I can't raise a child! I don't want to bear a child! We were minors!"
"You don't want a family with me..." he whispered.
Umiling ako nang sunod-sunod. Kaunti na lang ay gusto ko nang kuhanin ang puso ko dahil sa sakit ng bawat pagtibok nito. Nakayuko na siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"I know how much you wanted to be a flight steward. I know how much you wanted to join a band. I know how much you wanted to travel... to explore... and you can't do that with a child," nanghihinang sabi ko. "N-nagkamali tayo, Rouge. Hindi dapat natin ginawa ang bagay na 'yon. We could've used protection... we were young. Hindi pa natin kayang bumuhay ng bata. Mali tayo, pero alam kong mas magkakamali tayo kung palalakihin natin siya nang hindi pa tayo handa."
He exhaled. "We have all the resources, Reese."
"We can provide the basic needs, yes... but how about the nurture? The love? The care?" Umiling ako. "H-hindi ko pa kayang maging ina. Hindi ko pa kayang isuko ang pangarap nating dalawa..."
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.
Some people, including Rouge, would never understand because they were not in my position to choose. They would only see the outcome of my decision, not the process or the reason behind it.
Every child was a blessing, yes, but that statement was reversible. Before giving birth, before deciding to be a parent, you'd have to ask yourself if you were going to be a blessing to your child.
And I wasn't.
A lot of people would not get it. They would see it as murder. They would see it as a filthy sin. They would constantly tell you that you should keep your child, but in the long run, it would be just you. Marami silang sasabihin pero sa dulo, ikaw ang magpapalaki sa anak mo. Ikaw ang magsasakripisyo. Ikaw ang bibitaw sa pangarap. Ikaw ang maghihirap.
And I didn't want us to let go of our dreams. We were wrong to do that... allowing our youthful lust to take over... without considering the consequences. I didn't want to make further mistakes there.
How could we raise a child if we were a child ourselves?
Rouge chuckled sarcastically, interrupting my train of thought.
"Great, it's about me now..."
Kinuyom ko ang kamao. "It was for us, Rouge!"
He shook his head before looking up at me.
"Kung para sa'tin, bakit ikaw lang ang masaya?" His bloodshot eyes stabbed me right through my chest. "Kung para sa'tin, bakit ikaw lang ang nagdesisyon?"
I wasn't able to answer. Alam ko noon na sa labis na pagmamahal ko sa kanya, kaya kong bitawan ang pangarap ko para sundin siya.
"I almost forgave you. I almost forgot how horrible you are."
Nakatingin lang ako sa galit niyang mga mata. Hindi ko alam kung anong emosyon ang inilalabas ng akin pero alam kong durog na durog ang puso ko sa mga salita niya.
"Kung hindi ko ginawa 'yon, tingin mo, nasaan ka ngayon? I know how much you love your dreams—"
"Shut it!" he shouted. "I loved you more than my dreams, Reese! Kung hindi mo ginawa 'yon, tatay ako ngayon! Asawa mo 'ko ngayon! I can give up my dreams for you! For our... supposed family!"
"At ayaw kong isuko mo 'yon! I don't want you to ruin your youth! Gusto ko abutin mo 'yon nang hindi mo 'ko iniisip! Nang wala kang ibang dalang responsibilidad!" ganti ko. "Yes, you were ready to be a father!"
I breathed heavily before shaking my head.
"But how about me?" I whispered. "Tinanong mo ba 'ko kung handa akong maging ina?"
Umiling din siya. May determinasyon sa mukha para ipakita sa akin na ako ang may kasalanan.
"It will all boil down to the fact that you're selfish... that you chose your dream over a life... with me and our child..."
I shifted my weight and closed my eyes tightly. Nang magmulat ako ay dumiretso ulit ang tingin ko sa kanya. Banayad na parehas ang paghinga namin ngunit alam kong pagkatapos ng usapan na ito, hindi na naman niya ako kilala.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Rouge..." I admitted hopelessly. "I gave up on our child... but not on you." Yumuko ako. "T-tell me what to do. Paano mo ako mapapatawad? Dahil hindi ko na alam! Gustong-gusto na kitang kalimutan pero tangina, paano?! Sobrang... sobrang mahal pa rin kita."
"Stop spitting nonsense."
Nanginig ako sa pagsigaw ulit niya. Naramdaman ko ang bahagyang paglayo niya sa akin.
"You lost me the moment you killed my child, and I will never forgive you for that! I will never love a terrible woman like you again."
I tapped my foot on the ground, remembering Hunter's words earlier. God... it was so, so painful.
"You're not even sorry."
Nanghihina akong umiling. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko.
"I was..."
"You're not sorry for having an abortion!" sigaw niya ulit.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Sadness took hold of me. Ang layo na naman niya. Hindi ko na naman siya abot.
"But I was sorry because I hurt you..."
Umiling siya at mabilis na ginulo ang buhok. Dumaan pa ang tingin niya sa paa ko kaya inihinto ko ang paggalaw noon.
Nang tumalikod siya sa akin ay ramdam na ramdam ko ang pagkabasag at pagguho ng pag-asa sa loob ko. Wala na naman. Mahihirapan na naman akong kuhanin siya. Hindi na naman niya ako kakausapin. Hindi na naman niya ako papansinin.
In just one night, all of my progress was undone.
I watched him go, bagay na saulong-saulo ko sa kanya. Kahit noong maghiwalay kami noon, tahimik ko lang na tiningnan ang likod niya, ang siguradong pagbagtas niya sa daan para iwan ako.
That day came to an end with me staring blankly at the sky, wondering how it held and positioned the stars. Rouge loved me so much, and I destroyed it... Worse, I didn't regret it. I didn't regret paving the way for our dreams to come true.
"Nag-aaway ba sila?!"
Umagang-umaga pa lang ay narinig ko na agad ang boses ni Cali. Iminulat ko ang mata ko at napairap nang makita ang tatlo na nakatayo sa paanan ng kama ko habang nakakrus ang mga braso at matamang nakatingin sa akin.
"Deborah, gumising ka d'yan at ipaliwanag mo sa amin kung ano ang nakita namin sa CCTV! Inggrata ka!"
Itinalukbong ko ang kumot sa mukha ko ngunit hinigit lang nila iyon.
"Anong pinag-uusapan niyo sa labas ni Harvin kagabi, ha?! Hindi namin dinig ang audio! Bakit para kayong nagsisigawan?" tanong ni Rapsly.
Pupungas-pungas akong umupo sa kama at masama silang tiningnan.
"Hindi ba kayo nag-sex pagkatapos ng madrama n'yong sigawan? Shet, sarap no'n, mad sex," dagdag niya pa kaya binato ko siya ng unan.
Mabilis na umupo sa kama sina Cali at Cliff para tabihan ako. Tumutok sila sa akin na akala mo ay may mahalaga akong kailangang ibalita sa kanila.
"Ano ngang nangyari? Parang paiyak na si Harvin, eh," tanong ni Cali. "Nagkaayos ba kayo matapos 'yon?"
Sumimangot ako. "Hindi niyo ba nakitang umalis? Galit nga, eh..." Bumuntong hininga ako. "Hindi ko na alam ang gagawin kong panliligaw do'n... tapos galit na naman."
Yumuko ako at humawak sa kumot ko. Sabay-sabay na nagpakawala ng buntong-hininga ang tatlo kaya nag-angat ako ng tingin sa kanila. Mabigat pa rin ang dibdib ko, pero hindi na sapat para magnilay pa ako sa nangyari kagabi.
"Ikain na lang natin 'yan kasi kahit naman sabihin naming tigilan mo na 'yang ex mo, babalik at babalik ka pa rin do'n," sermon ni Cliff. "Ang dami-daming may gusto sa 'yo, nagmamakaawa ka sa hindi ka pinapansin."
"Hindi mo maiintindihan kasi hindi ka pa nai-inlove!" pagtatanggol ni Cali sa akin. "Kahit gaano pa karami ang lalaking manligaw sa 'yo, kapag tinamaan ka talaga sa isa, wala kang kawala."
"Kaya sabi ko sa inyo, makipag-sex na lang kayo para hindi hassle! Ang mga lalaki, sa nota lang 'yan nagkaiba-iba! Pare-parehas gago 'yan!"
I bit my lower lip as I looked at Rapsly.
"Hindi naman gago si Rouge, eh," mahinang saad ko.
He rolled his eyes. "O siya, magpahinga muna tayo today. Hindi muna ako manonood ng porn, hindi muna ichachat ni Cali ang ex-fling niya, hindi muna magkukunwaring straight si Cliff at hindi mo muna iisipin si Harvin."
Aangal na dapat kami ngunit mabilis din siyang nagsalita ulit.
"Lumayas sa villa ang gustong magreklamo."
Mabilis na nakuha ni Cali ang unan at inihampas 'yon sa mukha niya, dahilan para matumba siya. Sumunod din agad si Cliff sa pakikihampas ng unan kaya natatawa ko silang pinanood. They were laughing while hitting each other with pillows.
"Bakla naman, 'wag mo namang hawakan ang etits ko!" sigaw ni Rapsly nang daganan siya ni Cali.
"Ay notes ba 'yon? Akala ko pambura ng lapis."
Lumakas ang tawa ko nang ikinulong ni Cliff ang mukha ni Rapsly sa kumot. Itinapat ni Cali ang pwet sa loob ng kumot kaya rinig ko agad ang reklamo ni Rapsly.
"Umutot ka ba?!" sigaw niya.
Malaki ang ngiti ko nang tumingin sa bintana ng kwarto. Mataas na ang sikat ng araw at alam kong kauuwi lang ng mga kaibigan ko dahil hindi pa sila nakakapagpalit ng damit. Alam ko naman na dumiretso sila sa akin dahil sa nakita nila sa CCTV. They may not say it out loud but I knew that it was their way to comfort me... to assure me that I was not alone.
Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ang nangyari kagabi. Ang galit sa mata ni Rouge, ang panginginig ng boses niya at ang ginawa niyang pagtalikod sa 'kin.
"Debs, bumaba ka na rin agad at mag-b-brainstorming tayo ng designs. Tama na muna ang kaiisip sa lalaki mo, kailangan nating mag-aral!"
I smiled and nodded. Lumabas sila ng kwarto at nang mawala sila sa paningin ko ay minata ko ang kisame... a canvas on which our photo had been painted... and I realized that, despite all the stinging words and painful stares, my heart continued to beat for him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro