Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

"Dadalaw ka ulit, ha?" Abuelo waved his hand at me. "Tinawagan ko na si Carding para ihatid ka."

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.

"Uuwi na lang akong mag-isa, Abuelo! Alas nuebe pa lang naman!"

Dahil sa tagal ng kuwentuhan namin, hindi na namin namalayan ang oras. He gave me some ideas about my designs, and I listened to him intently. He had a good sense of fashion and I had always trusted him when it came to designing, kahit pa business man naman talaga ito.

"Hindi kita puwedeng ipagkatiwala sa kung sinong driver lang."

"Huwag na po. Mabilis lang naman ang byahe. Less than one hour, nasa villa na ako. Saka masayang mag-soundtrip sa bus!" sagot ko pa bago tumawa.

Sumimangot siya. I saw one of the helpers walking toward us, and when she reached our place, she whispered something to Abuelo.

"We have a lot of drivers. Nasaan ang iba?" narinig kong tanong niya sa babae.

I tilted my head as I noticed Abuelo's forehead knot. Hindi nakalampas sa akin ang pagsuway niya sa babae kaya alam ko na agad ang nangyari.

"Told you. I can manage, Abuelo. I'm not the same 14-year-old child you once knew!"

Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang tumango.

"Naka-day off si Carding ngayon at ang dalawa pa naming driver ay kasama ng nga magulang ni Harvin..." dismayadong sabi niya. "I-text mo ako kapag nakauwi ka na."

I nodded and gave him a peck on the cheek before formally bidding him goodbye. Medyo may kalayuan ang mansyon sa gate nila pero kaya namang lakarin. Isa pa, maganda at maliwanag ang hardin nila kapag gabi kaya hindi ka matatakot na maglakad papunta sa gate.

Pakanta-kanta ako nang tuluyang makalabas ng mansyon ngunit napatigil ako sa paglalakad nang makita ang kotse ni Rouge sa labas. Hindi ko sigurado kung naroon siya pero rinig kong bukas ang engine noon.

I heaved a sigh. Hindi na muna ako manggugulo ngayon. My heart needed a little rest. Medyo masama pa ang loob ko na hindi siya sumama sa dinner at hindi manlang tinikman ang niluto ko.

Just when I was about to continue walking, I saw Rouge on the side of the gate, staring intensely at me. Madilim ang itsura niya na, nakaawang ang namumulang mga labi, at tila may malalim na iniisip.

Tumikhim ako kasabay ng pagtahip ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa gulat o sa presensya niya.

"Uh... aalis na ako," I said, probably sounding dumb.

He neared me. Yumakap agad sa akin ang pinaghalong amoy ng pabango niya at sabon panligo. My breathing slightly hitched. I had to remind myself that I was a bit mad!

"Sakay," mahinang utos niya.

I licked my lower lip. Good grief, Reese Deborah! Isang salita lang ay nanghihina na ang tuhod mo!

"May gig ka, 'di ba? Mala-late ka na."

He breathed heavily. Mas lalo siyang lumapit sa akin kaya lalo ring dinaga ang puso ko. He was only a meter away from me and I was scared that he might hear the fast and loud thumping of my heart!

"Close kayo ni Hunter?"

Naputol ang pag-iisip ko. "Huh?"

Kasabay ng pagngisi niya ay ang paglunok niya. I watched how swiftly his adam's apple moved. "Zane... told me that you were eating lunch with him. Close kayo?" His voice was hushed, but it was piercingly cold.

"What?" natatangang tanong ko. Where was he coming from? "Hindi kami close! He just ate lunch with me for no apparent reason."

"Okay, I was just asking. Wala naman akong pakialam."

Sumimangot ako at pasimpleng inirapan siya. We went silent for a few minutes, listening to each other's heavy breathing. Hindi ko alam kung ano pang ginagawa niya rito gayong sigurado akong late na siya sa gig niya.

"Tara na, ihahatid na kita," aniya na parang nag-uutos.

I stared at him, and he just looked back at me. Hindi ko siya maintindihan! Minsan, pakiramdam ko ay gusto niya ako, pero lagi niya namang sinasabing hindi! Lagi niyang itinatanggi! I said I'd let my heart rest, but here I was again, silently hoping that he was still in love with me!

My phone rang, dahilan kung bakit naputol ang tinginan namin.

He gazed at his car, but he didn't move his body.

Kinuha ko ang phone ko at nakitang si Nime ang tumatawag. Naalala ko bigla ang pagyayaya niya sa Rampage kanina.

"Girl!" matinis ang boses na sigaw niya. "Nasaan ka? Na-move ang oras ng gig ng Narcissus dahil kay Harvin! Bilisan mo para umabot ka!"

I bit my lower lip. Sa lakas ng pagkakasabi niya noon ay sigurado akong narinig iyon ni Rouge.

"At hinahanap ka ni Hunter! Bwisit ka! Akala ko ba ay si Harvin ang gusto mo? Ngayon ko lang nalaman na naglalandian kayo! Impakta!"

Nag-init ang buong mukha ko nang humarap sa akin si Rouge. Mabilis akong tumalikod sa kanya para bahagyang lumayo.

"Pupunta ako!" pigil ang pagsigaw ko. "At hindi kami naglalandian ni Hunter! Stop spreading fake news."

Narinig ko ang banayad na paghalakhak niya. "Guwapo rin naman. Hindi mo bet?"

Nagsalubong ang kilay ko. May kilala akong mas guwapo riyan, ano!

"Tigilan mo 'ko! Babye na! Antayin mo nalang ako d'yan!"

Nang maibaba ang tawag ay mainit na mainit pa rin ang mukha ko sa hiya. And I didn't even know why! Para namang malaking bagay ang narinig ni Rouge tungkol sa amin ni Hunter! I shouldn't overthink this!

Huminga ako nang malalim bago muling hinarap ang lalaki na ngayon ay malalim na ang kunot sa noo. Walang imik niyang itinuro ang kotse niya. I gulped down the lump in my throat as I pursed my lips.

"Sa Rampage ako pupunta," sabi ko.

"Akala ko ba hindi kayo close?" He chuckled sarcastically, mocking me. "Are you his fling? Kaya ba pupunta ka sa club? Kasi nandoon siya?"

My lips parted at his trail of questions. Magkasalubong ang mga kilay niya, at kahit may nanunuyang ngisi sa labi ay tumahip pa rin ang puso ko sa labis na pagkasabik sa kanya. I knew this. I knew him. Saulo ko ang mga ganito niya. Ayoko lang talagang umasa na nagseselos siya.

Sasagot na sana ako nang tumukhim siya.

"'Wag mo nang sagutin. Hindi naman ako interesado," mariing sabi niya. "Sumakay ka na. Mahirap ang taxi rito."

Pinaglaruan ko ang mga daliri at nangingiting binalingan ng tingin ang sasakyan. I walked toward it as painfully slowly as possible before sliding myself onto the passenger's seat.

Hindi rin naman nagtagal ang pagsunod niya sa akin. He started driving, and I tried my best to suppress my smile. Ipina-move niya ang oras ng gig para... ihatid ako? That thought warmed my heart. Alam kong hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na ito pero hindi ko lang talaga maiwasan. He was here... with me. Wala kay Solene. Wala sa kabanda niya. Nasa akin.

"Does it hurt?"

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang tanong niya. Was he talking earlier? May hindi ba ako narinig?

"Hmm? Ano 'yon?"

He glanced at my hands.

"You have small cuts," he whispered. "Masakit?"

My cheeks instantly heated up. Iniiwas ko ang tingin sa kanya at pinanood na lang ang nalalampasan naming lampposts. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko dahil sa hindi maitagong kilig. Ramdan na ramdam ko ang nag-uumapaw na saya sa puso ko. All because of that one question!

I shook my head. Rouge and his effect on me.

"H-Hindi naman," I replied softly. Binasa ko ang pang-ibabang labi dahil bahagya pa akong nautal.

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Bakit pa kasi nagluto? May cook naman kami sa bahay. Kaya nga inimbitahan do'n kumain para hindi na siya ang magluto," pagpaparinig niya. "Napakakulit... tapos magpapaawa na may sugat. Akala mo naman may pakialam ako," dagdag niya pa.

I glanced at him, a smile cracking out on my lips. He was talking out loud.

"What?" pagsusungit niya.

Tuluyan akong napangisi. "I can hear you."

He cleared his throat and rolled his eyes at me. Lalong lumawak ang ngisi ko dahil sa ginawa niya. He focused on driving. His brows were furrowed, and his jaw was tightly clenched.

We reached the club in no time, pero parang ayaw kong bumaba sa sasakyan dahil naaaliw ako kay Rouge. He glared at me, dahilan para bumaba ako. I waited for him to park his car.

Nagulat ako nang hindi siya magreklamo sa pagtabi ko sa kanya sa paglalakad namin papasok sa club. People started greeting him while throwing weird glances at me.

"Debs!" nakakairitang sigaw ni Nime nang makita ako. It wasn't long after her jaw dropped as she noticed who was beside me.

Bumaling ako kay Rouge, at pinigilan ko ang pag-awang ng mga labi nang makita siyang nakamasid din sa akin.

"Goodluck on your performance," I said as I beamed. "Sa table lang ako nina Nime. Sana pagkatapos ng gig n'yo ay pumunta ka ro'n."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ako pupunta ro'n? Hindi naman ako interesado kung sino ang mga makakasama mo."

My excitement immediately died down. I pouted and rolled my eyes at him. Inirapan niya rin ako kaya maarte ko siyang tinalikuran. Attitude!

I marched over to Nime's table, frustrated. Bakit ba kasi kailangan niya laging sirain ang pangangarap ko? Ang ganda-ganda ng gabi ko tapos susupladuhan niya lang ako!

Huminga ako nang malalim at ikinalma ang sarili. I then looked around the table and noticed a few models sitting there. Miski sina Zane at Rhome ay naroon pero nang makitang pumasok na si Rouge sa backstage ay tumayo na rin ang dalawa.

"Totoo bang nag-dinner kayo?" Nime asked, amused. "Kayo na ba ulit?"

Umiling ako. "Sa kanila ako galing pero hindi siya ang kasabay kong nag-dinner. Inihatid niya lang ako rito."

Tumango ang babae at hinila na ako paupo. She then poured me a drink, and of course, I gulped it down without hesitation. Napasimangot lang ako nang makitang naglalakad palapit sa mesa namin si Hunter.

"Oh, nandito ka na pala, miss," nangingiting sabi niya bago umupo sa harap ko.

Inirapan ko siya. "Hindi ba halata?"

Napahalakhak agad si Nime. "Magka-developan ha."

"Na-develop na ako," Hunter told me as he grinned.

I gave him a disgusted look, which earned a hearty laugh from him. Hindi ko na siya pinansin at uminom na lang. I busied myself with talking to Nime. Ipinakilala niya rin ako sa iba niya pang kabarkada ngunit nagtagal ang tingin ko sa isang lalaki dahil alam kong matitipuhan iyon ni Cali.

I texted my friends the names of the men I met.

"This is Vina from ISU," pakilala ni Nime sa isang balingkinitang babae. Her long hair looked shiny and soft.

"Hi, it was nice meeting you."

"Likewise," she replied.

Naging mabilis lang iyon dahil lahat kami ay natuon ang atensyon sa stage nang magsalita na ang vocalist ng Narcissus. My eyes directed to the one and only sexy lead guitarist of the band. He was standing with a blissful sense of arrogance while the electric guitar was hanging perfectly on his shoulders. Parang ang gaan-gaan lang noon sa paraan ng pagtayo niya.

Hindi ko na nasundan ang sinabi ni Mitzie dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon kay Rouge. Ni hindi manlang niya binabalingan ng tingin ang mga tao. Talagang nasa gitara lang ang mga mata niya.

"Guwapo ng bebe mo," bulong ni Nime sa akin.

I grinned as I stood up. Pumunta ako malapit sa stage para makuhanan ng pictures at videos si Rouge. Hindi ko alam kung napansin niya ang paglapit ko, pero nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang mata namin. I smiled and waved at him, but he just dropped his eyes on the guitar again.

People were chanting their names as if it showed their devotion to the band. The way he plucked the instrument with his sexy fingers made me so proud of him. Dati ay strumming lang ang kaya niya at nag-s-struggle pa sa paglilipat ng chords, pero ngayon... he was performing with his own band.

"Go, Rouge! Ang guwapo mo!" pakikisama ko sa sigawan ng mga tao.

Alam kong nalunod ng ingay ng club ang boses ko kaya ganoon na lang ang gulat ko nang mag-angat ulit ng tingin ang lalaki. And just like earlier, his gaze was directed at me. Masama na naman ang tinging iginawad niya sa akin kaya napagtanto kong narinig niya ako.

Instead of being scared because he was obviously trying to intimidate me, I let out a laugh.

"I love you! Balik ka na!" puno ng kumpyansang sigaw ko pa.

Pansin na pansin ko ang pagkunot ng noo niya. Akala niya siguro ay lasing na ako. Napatawa pa ako lalo nang muntik siyang magkamali sa pagtipa ng chords ngunit mabilis din naman siyang nakabawi.

Ilang minuto ko lang siyang ivinideo bago ako bumalik sa mesa. Nakipagkuwentuhan na ako sa mga naroon hanggang sa magpaalam na ang Narcissus. Saulo ko naman na iyon. They always performed just 3–5 songs.

Lumipas ang ilang oras at alam ko sa sarili ko na napaparami na rin ang inom ko. I knew my alcohol tolerance so after some glasses of drink, tumigil na rin ako.

"Paano ka uuwi? Taxi na lang?" bulong sa akin ni Nime.

"I can drive you home," singit ni Hunter. "Mukhang lasing ka na."

"'Wag feeling close..." I grunted. "Kaya kong umuwi nang mag-isa. Hindi naman ako naglalasing kung wala akong kasama."

He grinned. "Just suggesting."

Napatuwid ako ng tayo nang matapos ang halos dalawang oras ay nakita ko si Rouge na kalalabas lang ng backstage kasama ang mga kabanda niya. Zane and Rhome walked toward our table. Pasimple kong inirapan si Rhome kahit na wala naman siyang ginagawa sa akin.

Nime, being the little slut that she was, let Zane encircle his arm around her shoulders. I scoffed at her, but she just stuck her tongue out.

I found myself gazing at Rouge again. His jaw moved before he started marching over to our table. Mabilis akong umisod pagilid para bigyan siya ng espasyo sa pag-upo at syempre, gaya ng inaasahan ko, hindi siya tumabi sa akin!

Narinig ko ang pagtawa ni Hunter kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sayang effort, miss," pang-aasar niya.

Sa kabilang dulo ng mesa umupo si Rouge kaya nagkandahaba-haba ang nguso ko. I took a deep, long breath as I drank the alcohol in my glass.

"Hoy, Deborah! Ang sabi mo titigil ka na sa pag-iinom! Gaga ka, uuwi ka pa!" sigaw ni Nime.

I shrugged. "I can manage."

"Ihatid mo, Hunt," sabat ni Zane. "Dala mo naman ang kotse mo."

"Ihahatid ko naman talaga 'yan mamaya. Kaya nga hindi ako masyadong nag-iinom."

Hindi ko sila pinansin. Tumingin lang ako sa lalaki na nasa dulo ng mesa. Madiin ang tingin niya sa baso na akala mo ay may malaking atraso iyon sa kanya. Kahit noong tumabi sa akin si Hunter ay hindi na ako nagreklamo dahil natulala lang ako kay Rouge.

"'Wag ka na sa lalaking may gustong iba," mahinang sabi ni Hunter. "Bukambibig n'yan si Solene. 'Wag ka nang umasa."

I glared at him. "Pakialam mo ba? Doon ka nga!"

He grimaced. "I'm serious, miss. You're beautiful, and you don't deserve a man who doesn't see your worth."

Sarkastiko akong napatawa. "Know your place. Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa 'min. You don't know our past. Don't give me advice because I don't need it."

Itinukod niya ang siko sa mesa at iniligay ang mukha sa likod ng kamay niya. He stared at me with his piercing black eyes and sighed. Hindi ko magawang labanan ang tingin niya dahil hindi naman ako sanay na ganito siya ka-seryoso. Isa pa, hindi naman kami close!

"Can I court you?"

Agad na umawang ang mga labi ko sa gulat.

"What?!" bulaslas ko.

His expression was serious and hard. "I like you. I want to court you. Puwede?"

Hindi makapaniwalang tumitig ako sa kanya. Was he freaking serious?!

"You don't know what you're saying! We barely know each other!" I uttered, almost hysterical. "Isa pa, si Rouge ang mahal ko! You don't stand a chance!"

Nagulat ako nang ngumiti siya at ipinatong ang kamay sa ulo ko. Bahagya pa niyang ginulo ang buhok ko.

"You're too..." he trailed off. "Stoic."

Tinabig ko ang kamay niya. "Shut up!"

Mas lalo lang siyang ngumiti. "I've been observing you, and you always keep a straight face. You always act like you don't care."

Tinikom ko ang labi. Nahihibang na siya.

"Nalalaman ko lang na nasasaktan ka na kapag pinaglalaruan mo 'yang paa mo." He exhaled. "And I always notice you tapping your feet whenever you're talking to Harvin... pero nakangiti ka sa kanya."

Hindi ko alam kung bakit tinamaan ako sa sinabi niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin para inumin ang alak na nasa baso ko.

"You don't know me..." tanging nasabi ko.

"Kaya gusto kitang alagaan, eh. You're a softie, but you're acting like you're a tough cookie."

I was about to lash out at him when a sudden, loud clank silenced us.

Napatingin ako sa pinagalingan ng ingay... kay Rouge na madilim ang tingin sa aming dalawa ni Hunter habang mahigpit ang hawak sa basag na baso niya sa mesa.

I almost gasped when I saw his hand bleeding, but before I could even finish my reaction, he stood up and walked harshly toward us.

Tumahip ang dibdib ko sa kaba. Was he mad? Why? Did I do something bad again?

My lips trembled in fear. I didn't want to anger him.

"Let's go, Reese," he uttered, his voice dripping with danger.

"Huh?" My breathing was getting heavier by the second. I couldn't stand his death glare. His lips were on a grim line, palatandaan na matindi ang galit niya.

"Iuuwi na kita," mariing sabi niya.

Hunter stood up. Natahimik ang nasa mesa namin dahil doon. Pinanonood lang nila kaming tatlo at hindi ko maiwasang hindi manginig sa tinginan ng dalawang lalaki.

"Ako na ang maghahatid kay Debs," saad ni Hunter.

Rouge's brow shot up. Hindi nakalampas sa akin ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi niya na parang nanunuya.

Ako ang nagdala sa kanya rito. Ako rin ang mag-uuwi sa kanya."

Napalunok ako bago unti-unting tumayo. Alam kong mukha na akong tanga lalo at hindi ko malaman ang gagawin. Parang biglang nawala ang tama ko dahil sa talim ng tinginan nila.

"Uh... Hunter..." I broke the silence.

Bago pa makatingin sa akin si Hunter ay nagsalita na ulit si Rouge.

"I said let's go, Reese!" His voice thundered.

Mabilis kong itinulak nang bahagya si Hunter para makadaan at makapunta kay Rouge. I was giving Hunter an apologetic look when Rouge covered my body with his back.

"I already told you not to flirt with her, Hunt..."

Para akong hihimatayin sa pinaghalong kaba, takot at... saya. Ilang beses kong kinurot ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay inihehele ako ng pagiging seloso ni Rouge. I was not sure if he was jealous, but if all hell broke loose, I'd claim it!

"Bakit? Hindi mo naman girlfriend si Debs, ah?" Hunter replied with the same intensity in his voice.

"Hindi pa!" Rouge shot back almost instantly.

Napahawak ako sa braso niya dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Hindi ko alam kung lasing ba siya o ano, pero sa mga sinasabi niya, alam kong aasa na naman ako!

"You like Solene, Harvin! Bakit mo binabakuran ang hindi naman iyo?"

I closed my eyes tightly when I heard Hunter. I was on the verge of happiness... and he immediately blew out my bubbles! Sa inis ay marahang hinigit ko na lang ang damit ni Rouge.

"Uwi na tayo..." mahinang saad ko.

He sighed in defeat. "Just... back off..." banta niya kay Hunter bago ako marahang hawakan sa braso at higitin palabas ng club.

Hindi ko alam kung humihinga pa ako sa dami ng nararamdaman ko. Alam kong hindi puwedeng matapos ang araw na ito na hindi ko siya nakakausap tungkol sa mga sinabi niya dahil baka hindi ako patulugin ng puso ko.

He opened his car. Pinaupo niya ako sa loob noon bago siya umikot sa driver's seat.

Nakita kong natutuyo na ang dugo sa kamay niya kaya kahit gaano ko kagustong kausapin siya, mas nanaig sa akin ang kagustuhang ayusin ang sugat niya.

Mabigat ang paghinga niya at madilim ang mga mata. Nakita ko ang alcohol at bulak sa kotse niya kaya walang pag-aalinlangan kong kinuha iyon. Dahan-dahan ko ring inabot ang kamay niya.

I touched it softly, like a fragile piece of glass. I rubbed the cotton on his wounds. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya lalo at alam kong nasa akin ang atensyon niya.

Hinayaan niya lang akong linisin ang sugat niya kaya nang matapos ay binitawan ko rin agad ang kamay niya.

Naging banayad ang paghinga niya at bahagyang nakaawang ang labi nang tingnan ko. His eyes were filled with confusion and emotions I wouldn't dare to name. His brows were furrowed as well, but he looked perfect... like he had always been in my eyes.

I wanted to treasure this moment. Us, staring into each other under the starry night... inside his car. I wanted to feel all the emotions within me. I wanted to cradle them. I wanted this magic to last.

"Don't..." he whispered. "Flirt with other guys..." He looked away. "Ayaw ko."

Pasimple akong humawak sa upuan. My heartbeat became erratic again. Halos panlamigan din ako.

"Why?" I breathed.

Umiling siya. "Basta... ayaw ko..."

He was drunk. If not, he wouldn't say these words. He wouldn't make me feel like he was in love with me.

Tumango na lang ako dahil ayaw ko nang pahabain ang usapan. I wished I could hear him say those words when he was sober. Not with jealousy and alcohol blinding him.

"Can you drive?" tanong ko. "May sugat ka."

He licked his lower lip. "At kay Hunter ka magpapahatid kapag hindi ko kaya?"

Hindi na ako nakasagot dahil binuksan niya ang engine ng sasakyan at nagsimula nang magmaneho. Dahan-dahan ang pagpapatakbo niya noon.

"Kaya kong ihatid ka lagi."

My cheeks heated up. Kahit ako palagi ang nanlalandi sa kanya, hindi ko yata kayang hindi maapektuhan kapag gumaganti siya. I wanted to scream so badly and tell everything to Abuelo, but I knew that I had to cherish this time... dahil hindi ko alam kung mauulit pa ito.

Mabilis lang ang byahe kaya agad din kaming nakarating sa villa. Pinatay niya ang makina ng sasakyan pero hindi ko magawang bumaba. For a moment, I wanted our drive to be longer.

Hindi rin naman siya nagsasalita.

Lumipas ang halos limang minuto ngunit walang gumagalaw sa amin. Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong nakakunot ang noo niya at pula ang mga mata na parang may malalim na naiisip.

"R-Rouge..." I called him when I saw a faint look of sadness in his eyes.

He looked at me helplessly.

"Do you regret it?" His voice broke.

Mabilis ang ginawa kong pagyuko para tingnan ang kamay ko. I bit my lower lip too hard; I thought it would bleed.

"Because... I will never understand... Reese... make me understand..." dahan-dahan ngunit malalim na pahayag niya.

I closed my eyes. Ang kaninang gaan at saya sa puso ko ay agad na napalitan ng hapdi. A plethora of memories flashed through my head. Ang masasayang alaala naming dalawa hanggang sa pagluhod niya sa akin para lang huwag kong ituloy ang balak ko. His cries always haunt me to sleep. He begged me but I didn't listen.

"Why?"

"R-Rouge..." I whispered.

"Why?!" His voice roared inside the car, making me lose another fragment of my already broken heart. "Why did you kill our unborn child?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro