Chapter 10
Chapter 10
"Rouge!"
Nakita ko ang inis na pagpikit ng lalaki nang makita na naman ako sa labas ng room nila. Inasar siya ng mga kaklase at kabanda niya kaya nang magmulat siya ay masama na ang tingin sa akin.
Rhome and Zane tapped his shoulder when I made my way toward him. His brows were furrowed, but I was too used to seeing his mad glare... kaya hindi na ako natatakot doon.
"Bakit nandito ka na naman?" inis na tanong niya.
I held onto my tote bag tightly before settling myself beside him.
"Pasabay akong mag-lunch. Nasa Manila kasi ang mga kaibigan ko," I replied, smiling.
Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "Why don't you eat with your classmates instead?" mahina ngunit may diing tanong niya. "Isang linggo ka nang pabalik-balik dito. Hindi mo ba nakikitang pinagtatawanan ka na?"
I pursed my lips. "It's okay! If being a laughing stock means eating lunch with you, then... willing ako!"
He looked at me with disbelief in his eyes before walking away. Mabilis akong sumunod sa kanya. Hindi pa nagpaawat na mahahaba ang biyas niya kaya maliksi rin ang paglalakad ko.
"Where are we gonna eat?" pangungulit ko. "Ililibre kita. Hindi mo tinanggap ang 30k!"
Hindi niya ako sinagot o nilingon manlang. Diretso ang paglalakad niya at nagulat na lang ako nang mapansing lalabas kami ng school.
"Huy, saan tayo pupunta?" tanong ko ulit.
He was walking toward his car, and I stopped in my tracks when he opened its door. Umikot ako sa passenger seat ngunit naka-lock 'yon.
"Rouge, buksan mo!" saad ko bago kinatok ang bintana.
To my dismay, binuksan niya ang engine ng kotse niya. Napalayo na lang ako nang paandarin niya 'yon at mabilis na umalis sa lugar.
I looked around and saw some of the students laughing and talking about me. Dahil break ay maraming nasa labas ng school kaya sigurado akong nakita nila ang pang-iiwan sa akin ni Rouge.
I licked my lower lip and bowed my head out of embarrassment. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng school at hindi na lang tumingin sa kahit na sinong estudyante.
Nang makaupo at maka-order sa cafeteria ay naiiling akong nag-text kay Rouge.
Me:
Eat well! Sa cafeteria na lang ako kakain. See you tomorrow!
I sighed and unconsciously waited for his reply, but just like before, wala akong nakuhang sagot.
Dalawang oras ang lunch break namin ngayon dahil halos papalapit na ang finals namin kaya busy ang mga prof namin sa paggagawa ng exam. Ang mga kaibigan ko naman ay lumuwas kaninang madaling araw dahil susunduin na nila ang models nila at bibili na rin ng fabric.
My classmates, on the other hand, were nowhere to be found. Umalis kasi agad ako sa room kanina para sana makasabay si Rouge sa pagkain. Iniiling ko na lang ang ulo at tiningnan ang plato na nasa mesa.
"'Yan lang ang kakainin mo?"
Nag-angat ako ng tingin at napasimangot nang makita si Hunter sa gilid ko. May bitbit siyang tray at walanghiya niyang ipinatong iyon sa mesa ko.
"Did I give you permission to sit with me?" mataray kong tanong sa kanya.
He let out a chuckle. "Wala nang upuan. Makiki-share lang. Hindi mo naman binili 'to."
Napairap ako sa kanya. Pasimple ko ring inilibot ang tingin sa cafeteria at napansing wala ngang bakanteng mesa. Nang harapin ko ulit siya ay nagsisimula na siyang kumain kaya lalo akong na-badtrip. Hindi ko naman siya puwedeng paalisin.
"Kumain ka na," sabi niya. "Matatapos na ang lunch break."
I picked up my utensils before glaring at him.
"Alas dos pa ang susunod kong klase!"
He grinned and wiped his lips with a table napkin. "Bakit mo sinasabi sa akin ang schedule mo? Hindi po ako interesado, miss."
My lips parted. "I... I was just telling you na hindi pa matatapos ang break ko!"
"Chill!" he uttered before chuckling. "Kumain ka na d'yan. Hindi 'yong kung ano-ano pang iniisip mo."
"Napaka-feeling close mo! Sa iba ka na lang dapat umupo!"
Tumawa lang ulit siya kaya masama ang loob kong nagsimula na sa pagkain. Hindi ako umorder ng rice dahil gusto kong mag-low carb diet para sa nalalapit naming ball.
Akala ko ay tatahimik na si Hunter ngunit wala pang ilang minuto akong kumakain ay nagtanong na naman siya.
"Where are your friends?"
"None of your business," I replied.
Narinig ko uli ang pagtawa niya na parang aliw na aliw sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay itinaas niya ang dalawang kamay, as if he was surrendering to the police.
"Okay, since your friends aren't here, I'll keep you company. Vacant ko naman hanggang alas tres."
"Pake ko?! Mukha bang gusto kitang makasama?"
He was about to answer me when Zane interrupted us by putting his tray on the table. Hinila niya rin ang upuan sa katabing mesa kaya takang-taka akong tumingin sa kanya. Really? What was wrong with these people?
"Nasaan si Harv?" tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko dahil talagang nagsimula na siyang kumain doon na parang normal na magkaibigan kami.
"Bakit ba ako ang ginugulo niyong dalawa?"
They laughed.
"Bakit ang sungit mo? Kay Harvin ka lang mabait, e," natatawang pang saad ni Zane.
Inismiran ko siya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Kahit nagkukuwentuhan ang dalawa ay hindi ko na sila pinansin. I quickly finished my food and stood up. Napatigil sila pareho sa pagtatawanan dahil sa pagtayo ko.
"I'll go ahead," I announced.
Zane pursed his lips. "May gig kami mamaya sa Rampage. 9 p.m."
"Pupunta ako!" sabat ni Hunter.
I nodded as I smiled at Zane. Matapos iyon ay kinuha ko na ang tote bag ko at umalis sa harapan nila. Dahil mahaba pa ang oras na dapat kitilin ay tumambay muna ako sa garden ng school. Nag-sketch lang ako at nanood ng mga youtube tutorials.
Pinigilan ko ang sarili na muling i-text si Rouge. Isang oras lang ang lunch break nila pero mukhang wala pa rin siya sa school. Saan kaya siya pumunta?
I sighed. Sana hindi kay Solene.
I was busy finalizing my designs when my phone vibrated. Hindi ko na sana papansinin iyon. Ang kaso lang, naging sunod-sunod ang pagvi-vibrate kaya alam kong may tumatawag.
It was from an unknown number. I pursed my lips before answering the call.
"Hello?" bungad ko. "Who's this?"
"Hija!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses.
"Abuelo?!" I shrieked. "Ikaw ba 'yan?"
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya. Napatayo ako dahil doon. Last summer ko pa siya huling nakita noong umuwi ako sa Cebu! At hindi ko na ulit siya nakausap matapos iyon!
"I'm in front of your university," he said. "And... I'm with Harvin. Ayaw sabihin sa akin kung paano kita makikita. Can you come over?"
"Yes!" I almost yelled.
Hindi ko binaba ang tawag at halos tumakbo ako makarating lang agad sa labas ng school. Natanaw ko agad si Abuelo na nakasandal sa sasakyan ni Rouge. Ni hindi ko na nabalingan ng atensyon ang lalaki dahil na-excite ako sa presensya ng lolo niya.
"Abuelo, na-miss kita!" masayang-masayang sambit ko bago siya mahigpit na niyakap.
He let out a slight chuckle as he started to caress my back.
"I miss you, too, my dear."
Humiwalay ako sa kanya ngunit hindi ko inalis ang hawak sa braso niya. Tinitigan ko siya at napangiti ako lalo nang mapansing kahit may katandaan na ay healthy pa rin siyang tingnan. Paano ay ang gaan-gaan ng awra niya.
"May klase ka ba?" tanong niya.
I nodded. "Isang oras pa po... pero kung sasabihin mong igagala mo ako, aabsent muna ako!"
He laughed. "Same old, Deborah, same old."
I stomped my feet like a kid. "Debs na lang kasi, Abuelo! You know that I don't like that name."
"Why?" he asked, amused.
I snorted. Sumulyap ako sa lalaking katabi niya at pasimpleng ngumiti nang makitang pinanonood niya kaming dalawa ni Abuelo. Nahuli niya ang mata ko kaya naiinis siyang nag-iwas ng tingin.
"Kailan ka pa rito?" tanong ko sa matanda.
"I just arrived... nagpasundo ako kay Harvin sa station kanina."
My brows furrowed. "Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na? Where's your nurse?"
"Oh, child, you're making it sound like I'm too old!" Muli siyang tumawa. Nakita ko ang pagbaling niya kay Rouge kaya napatingin din ako sa lalaki.
"Magkagalit pa rin ba kayo?" he asked. "Harvin doesn't want me to call you. Mabuti nga at napilit kong ibigay sa akin ang number mo para naman may kasama ako habang nandito ako sa Isabela."
"Puwede naman kitang samahan, Abuelo," sabat ni Rouge. "You don't need... her." Nang bigkasin niya ang huling salita ay parang may sama pa siya ng loob sa akin!
I encircled my arm around Abuelo's. "He's courting me. Bitter lang kasi hindi ko pa sinasagot."
"Really?"
"Yuck, no!" sabat ni Rouge.
Inirapan ko siya at ipinaling na lang ang atensyon kay Abuelo. He was observing us, at pansin ko sa mukha niya ang aliw habang pinanonood kami.
Halos kalahating oras akong nakipag-kuwentuhan sa kanya. Rouge didn't leave us. Pinapasok niya pa kami sa sasakyan niya dahil ayaw niya raw mainitan ang lolo niya. Habang nasa closed area kaming tatlo, hindi maiwasang bumalik ang pag-asa at saya sa puso ko. The set-up was so familiar. Noong kami pa ni Rouge ay madalas naming puntahan si Abuelo sa hacienda nito dahil mag-isa lang siya roon.
Rouge's father lived here in Isabela. Ang asawa naman ni Abuelo ay dalawang dekada na ring wala kaya hindi ko siya nakilala. He was half spanish, dahilan kung bakit ang features niya ay talagang matikas.
"Sa amin ka maghapunan mamaya. Magtatampo ako kapag hindi ka pumunta," Abuelo suddenly uttered. "Mabilis lang ako rito sa Isabela. Magpapaluto ako para lang makasama ko uli kayo ni Harvin sa pagkain."
I smiled before glancing at Rouge. I met his glaring eyes. Parang alam agad na may binabalak ako.
"Pupunta po ako, pero dapat ay sunduin ako ni Rouge! Hindi ko alam kung paano pumunta sa mansyon n'yo."
"You don't have to worry about that, hija!" He laughed. "Talagang ipasusundo kita at nang makapag-usap kayo nang matagal!"
"Abuelo, stop giving that woman some false hopes!"
He frowned at Rouge. "Mabuti nga at gumagawa ng paraan si Deborah para magka-ayos kayo, eh. You know that she's the only woman I approve of you..."
Sumimangot ang lalaki habang ako naman ay ngiting-ngiti. Hindi naman kasi siya sumasagot sa matanda. Kahit noon kapag mag-aaway kami, laging ako ang pinapaburan ng lolo niya.
Bago ako bumalik sa loob ng university ay sininghalan pa ako ni Rouge na parang nagbabanta sa kung ano mang plano ko. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil masyado akong masaya na may kakampi ako pagdating sa panlalandi ko kay Rouge!
Nakarating ako sa room na bahagyang hinihingal kaya huminga ako nang malalim at pinaypayan ang sarili.
Habang nagkaklase kami ay ang dinner sa mansyon ang nasa isip ko. Napagdesisyonan ko ring magdala ng pagkain dahil nakakahiya namang ang bitbit ko lang ay ang sarili ko. Isa pa, sigurado akong naroon ang mga magulang ni Rouge kaya kailangan kong mag-ayos. First time ito!
"Debs, punta tayo mamaya sa Rampage! May gig ang Narcissus!" yaya sa akin ni Nime.
I smirked. "Pupunta talaga ako at kasama ko ang guitarist dahil may dinner kami with his family," pagyayabang ko.
"Nam-blackmail ka na naman!" tawa niya.
I fixed myself and went out of the room. Pag-uwi ko sa villa ay agad akong nagluto ng cordon bleu. Medyo matrabaho iyon kaya ipinagpasalamat ko na lang na alas sais y media pa ako susunduin ni Rouge. Kaunti lang din ang ginawa ko. Sakto siguro para sa limang tao. Nagkanda-hiwa hiwa pa ang kamay ko dahil frozen ang meat.
It was past 6 when I finished cooking. Mabilis akong naligo at nagbihis ng isang navy blue flowy dress. I also put my hair in a low ponytail dahil hindi ko na ito na-plantsa. Some of the strands fell on my cheeks.
Halos talunin ko ang distansya mula sa pintuan ng kwarto ko hanggang sa sala nang marinig ko ang doorbell. I opened the door, and my face lit up when I saw Rouge looking as dark and dashing as ever.
I was panting, but upon seeing him, parang lalo akong kinapos sa paghinga. He was wearing a casual black v-neck top paired with his faded maong pants. Tamad na nakasabit doon ang susi ng kotse niya at magulo rin ang ayos ng buhok niya.
"Pasok ka. Ihahanda ko lang ang dadalhin ko," sabi ko sa kanya ngunit umiling lang siya.
"Hindi na. Sa kotse na kita aantayin. Hindi ka naman para magtagal d'yan," he replied.
Dahan-dahan akong tumango bago tumalikod sa kanya. I went to the kitchen and put the tupperware inside a storage bag. Mabilis ko ring isinarado ang pinto at pasimple pang inayos ang sarili bago naglakad papunta sa kotse niya.
I gasped when Rouge suddenly went out of his car to open the freaking door for me! Akala mo naman talaga ay hindi niya ako iniwan kaninang lunch break!
I gave him a puzzled look, and he returned my gaze with an irritated one.
"Pumasok ka na lang at nang matapos na 'to," masungit na aniya.
I pouted before settling myself in the passenger seat. Umikot siya patungo sa driver's seat at pinaandar na ang sasakyan. Gaya ng dati, imbis na sa labas at sa daan ako nakatingin ay hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. I even bit my full lips to stop myself from blabbering nonsense. I didn't want to trigger him now. Baka hindi pa kami matuloy.
Wala kaming imikan hanggang sa makarating sa mansyon. Hindi ko na inantay na pagbuksan niya pa ako dahil nauna na akong bumaba. My lips slightly parted when I saw how massive their house was. It was bigger than ours!
May malaking fountain sa gitna ng garden nila at sa gilid ay may mga palm trees at bonsai plants.
"Reese," he called me.
Tumingin ako sa kanya, at kahit na kanina ko pa siya kasama ay namamangha pa rin ako sa epekto niya sa akin.
He heaved a sigh. "We're doing this for Abuelo. Isang linggo lang siya rito at ikaw talaga ang hinahanap niya. I don't want to disappoint him, but please stop acting like we're okay... kahit sa harap niya."
I licked my lower lip and tapped my foot on the ground.
"Aren't we okay?" I asked. "Ang tagal na no'ng nangyari, hindi pa rin okay sa 'yo? Didn't you realize why I did that? Hmm?"
"Please, I want a peaceful dinner. Nasa loob sina Mama. Don't..." Umiling siya. "Don't do reckless things. Alam ni Mama kung sino ang gusto ko."
"Solene," I stated bitterly. "Solene again... hanggang kailan mo ba ipipilit sa sarili mo na gusto mo siya?"
Bago pa siya makasagot ay narinig ko na ang pagtawag sa amin ni Abuelo. Tinanggal ko ang inis sa mukha at binigyan ng malaking ngiti ang matanda. Saka lang ako kinabahan nang pumasok na kami sa loob. Nauna pa si Rouge sa kusina at talagang si Abuelo lang ang nag-welcome sa akin.
Hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa dining area ay lumabas si Rouge mula roon.
"Nasaan sina Mama?" tanong niya. "Hindi ba nila tayo sasamahan?"
Abuelo shook his head. "May business gathering na in-attendan. Biglaan lang kaya hindi ko na imi-nove ang dinner."
Rouge shifted his weight. "Kung ganoon po, kayo na lang muna ni Reese ang kumain ngayon. May gig ako mamaya at maghahanda na ako."
Humigpit ang hawak ko sa dinala kong pagkain para sa aming lima sana. Aware ako sa tingin sa akin ni Abuelo ngunit ang mata ko ay nakatuon lang kay Rouge na halata sa mukha ang labis na disgusto sa nangyayari.
"Isang oras lang naman 'to, Harvin. Isa pa, narito si Deborah. Inimbitahan ko siya para makasama natin. Hindi mo manlang ba kami sasabayan?"
I tapped my foot on the floor again, but it didn't make a sound. I was anticipating his response, but the coldness of his eyes already gave me what I needed.
"Abuelo..." Hinawakan ko ang kamay niya. "Hayaan mo na. Tayo na lang ang mag-bonding!" Pinasaya ko ang boses ko.
Tinitigan ako ng matanda.
"I will show you my designs! Alam mo kung gaano ko kagusto ang fashion designing, 'di ba? I will ask your opinion!" dagdag ko pa.
Malungkot na umiling ang matanda at tinanaw ang laman ng hawak kong bag.
"What's that?"
I faked a smile. "Cordon bleu! Niluto ko po para sa inyo."
Nang sabihin ko iyon ay hinawakan niya ang kamay ko na may mga hiwa kaya bahagya akong napapiksi.
"Hindi masakit 'yan! Don't worry too much!" Tumawa ako.
Alam kong kung masama ang loob ko ay mas masama ang loob ni Abuelo at nakumpirma ko iyon nang hawakan niya ang braso ko para lampasan si Rouge. I gave him a sidelong glance, but it was short-lived because Abuelo was dragging me.
Hindi na ako nagulat nang mula sa medicine cabinet ay naglabas siya ng first aid kit para lagyan ng alcohol ang sugat ko.
"Thank you, Abuelo..." I whispered.
Surprisingly, naging magaan ang dinner naming dalawa matapos iyon. Pina-serve niya sa mga helper ang pagkain na ipinaluto niya at talagang puro paborito ko pa iyon!
"Put the cordon bleu on a plate. My granddaughter cooked that for me," masayang sabi niya.
Sumunod naman ang mga ito. Hindi ko na alam kung nasaan si Rouge dahil talagang hindi siya bumalik dito para samahan kami. It was just me and Abuelo.
We talked about my plans after college, and as usual, he said that he'd support me. Pakiramdam ko nga ay totoong apo niya ako.
"Namimiss ko na ang samahan n'yo ni Harvin noon," sabi niya habang nakaupo kami sa bench sa garden nila. "Lagi kayong nagtatalo pero lagi rin namang ang apo ko ang nagpapasensya sa kakulitan mo."
I smiled sadly before resting my head on his shoulder. There goes the familiar feeling of nostalgia.
"Mahal na mahal ako no'n dati, 'no, Abuelo?" I asked. My heart ached. Ang layo-layo na ngayon ni Rouge samantalang noon ay abot-kamay ko lang siya.
We were seatmates and inseparable. We grew up together. We explored the world together. I was there when he was just learning how to play the guitar, and he was with me when I developed my passion for designing. We were together for almost everything.
Abuelo squeezed my hand. "Don't give up on Harvin just yet... alam kong hindi maayos ang relasyon n'yo dahil saksi ako sa naging hiwalayan n'yo pero... ikaw lang ang babaeng gusto ko para sa apo ko."
"Hindi ko naman talaga susukuan 'yan, eh. Kahit may gusto nang iba." I chuckled as I remembered Solene. "Maganda at matinong babae. Scholar din tapos magaling pang mag-bake kaya sigurado akong magugustuhan siya ni Ma'am Candy."
He narrowed his eyes at me. "Are you insecure about her?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa pagpiga ng kung ano sa puso ko. The night was making me sad. Abuelo's words were making me sad.
"Sa ganda niya? No," I replied truthfully. "Sa talent niya? Hindi rin. Sa mga bagay na meron siya? Lalong hindi."
He didn't answer.
I sighed as my heart started throbbing again. "Pero sa atensyon ni Rouge, Abuelo... sobra."
"I always see him outside that girl's university. Kahit hindi siya nagpapakita, parang kapag tinatanaw siya ni Rouge, sapat na," pagkukuwento ko.
Narinig ko ang pagpapakawala niya ng buntong-hininga.
"The way Rouge looked at her reminded me of the way he looked at me before. It was too similar... but more intense."
I witnessed it. Habang tinatanaw ko siya sa malayo ay tinatanaw niya naman si Solene. We were on the same phase... and just like him, ayokong sumuko.
Sabay kaming natahimik ni Abuelo. Gumaan din kahit papaano ang pakiramdam ko dahil naibukas ko ang puso sa isang taong alam kung ano ang nangyari sa amin ni Rouge. He was like the guidance counselor of our relationship before kaya alam kong labis din siyang naapektuhan sa paghihiwalay namin.
"Aren't you going to tell me the reason?"
Iniangat ko ang ulo sa balikat niya at tiningnan siya. Bahagya siyang sumulyap sa akin at malungkot na ngumiti bago nag-iwas ng tingin.
"The reason why you broke up... hindi ba puwedeng malaman ni Abuelo?"
I slowly reached for his wrinkled hands. No one would ever understand my reason but me. They would call me names, I was sure of that. Miski si Rouge na mahal na mahal ako ay nagawa akong sukuan dahil sa ginawa ko.
"You will get mad..." I whispered. "Kaya naiintindihan ko po kung saan nanggagaling ang galit ni Rouge. He has all the right to be mad."
Hinawakan niya rin ang kamay ko at hinaplos ang buhok ko.
"He still loves you," mahinang sabi niya. "He's just being blinded by his anger, but trust me, I know Harvin better than anyone. Mahal ka pa niya.
Slowly, so slowly, a smile crept up to my lips.
"Yes. Smile, Deborah. My apo is all yours."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro