Loving The Silence
Cover made by SiiRyal
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.
Loving The Silence
Blind date:
Hi! Nandito na ako sa coffee shop. Nasaan ka na?
Ella:
Parating na. Anong kulay damit mo?
Blind date:
I'm waving at the door. Naka-blue polo.
Ella:
ikaw? Hindi ba pinsan ka ng best friend ko?!
Blind date:
Yes
Ilang segundo siyang natulala sa text na natanggap niya bago ito muling nasundan ng isa pang mensahe.
Blind date:
Also... sana okay lang sayo that we just text while we hang out. I'm mute.
Agad siyang nag-type ng reply.
Ella:
Yes, sure!
Pinalitan na rin niya ang contact name nito.
Kilala naman niya ito. Palagi silang nagkikita kapag pumupunta siya sa bahay ng best friend niyang si Maxine kung saan din ito nakatira ngayon. He lives with Maxine's family since his parents died in an accident...
Michael:
Great! Thanks.
Nabasa pa niya ang reply nito bago siya tuluyang nakalapit sa table nila. Pinaghila pa siya nito ng upuan at doon na rin siya umupo.
Um-order na rin sila ng pagkain.
Ella:
Thank you.
Ella:
No worries.
Ella:
Pasensya ka na, nagulat lang ako. Si Maxine talaga!
Sunudsunod ang send niya ng messages.
Saglit na lang niyang nakagat ang pang-ibabang labi.
Michael:
It's okay.
Nag-angat ng tingin si Ella sa kaharap na date at nakita ang maganda nitong ngiti para sa kaniya. Napangiti na rin siya.
Ella:
You're Michael, right?
Hinintay niya itong mag-type ng reply.
Michael:
Kahit Mike nalang.
Michael:
And you're Ella,
Ella:
Yes
Kilala rin pala siya ng lalaki. Napangiti si Ella. Hanggang sulyapan lang kasi sila sa bahay ng best friend niya.
Nag-angat muli sila ng tingin sa isa't isa at nagkatinginan.
Dumating ang order nila and they continued chatting through texts.
Ella knew that there's something special about Michael even the first time she met him sa bahay nila Maxine. He's a handsome male her age, too. She already asked things about Micheal to Maxine, too. Kaya rin siguro naisip nalang ng best friend niya na may gusto siya sa pinsan nito. Naramdaman ni Ella ang pag-iinit ng mukha. Pinilit lang din siya ni Maxine sa blind date raw na ito. Hindi naman talaga siya nakikipag-date dahil hindi pa tapos sa college. Gusto niya rin munang makatapos ng pag-aaral. Malapit na rin naman. At hindi naman niya matanggihan ang kakulitan ng best friend niya. Mike's not totally mute, nalaman niya iyon kay Maxine. He was traumatized after the car accident where his parents died na kasama rin ang lalaki doon. After that hindi na ito nagsasalita...
Michael:
You like this flavor?
Her phone beeped and she read Mike's message. Tinutukoy nito ang in-order nilang drinks.
Ella:
Yeah, thank you pala sa libre. Sa susunod kahit fifty-fifty na lang tayo
Ngumiti siya kay Michael.
Michael:
Alright, so there's a next time?
Bahagya na namang nag-init ang mukha ni Ella pagkabasa sa reply ni Mike. Nag-type rin siya ng sagot sa lalaki.
Ella:
Uh, ikaw...
Michael:
It's okay. Ako nga dapat nag-aaya sayo. Thank you, Ella.
Ella:
You're welcome
Nagkatinginan muli silang dalawa at ngumiti sa isa't isa.
Sila lang siguro ang ganitong tahimik dito sa coffee shop. Hindi rin naman talaga maingay na tao si Ella. Ang best friend niya sigurong si Maxine, oo. She actually likes silence and she prefers it than being in a noisy place. Silence comforts her. She likes the library, she likes the silence of the night... And she's loving this kind of silence she's having with Mike.
Minsan hindi naman talaga kailangan ng masyadong maraming mga salita. Hindi kailangan na palaging nagsasalita. Minsan sa tinginan pa nga lang ay alam n'yo na ang pinapahiwatig ng isa't isa... Gaya sa mga tinginan at ngitian nila ni Mike ngayon.
At sabi ng iba may darating daw sa buhay mo na perfect one. Iyong parang perfect match mo. And Ella thinks that she just found her match.
.
AUTHOR'S NOTE: Hello, readers! This is just a one-shot story I made. Pasensya na if you will find it bitin siguro, pero ito lang talaga ang naisip ko. Thank you for reading, anyway! Stay safe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro