Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sometimes Love Just Ain't Enough

A/N: Hi, this is my entry to a one shot writing contest before about songs and this is the revised and edited version of "Loving the Nerdy Guy" Fast forward kasi 2K words lang kasi ang need. Actually, kasali dapat itong mapublish as anthology book kaso hindi ko naasikaso kaya hindi natuloy.

***

Sometimes Love Just Ain’t Enough
By Msshell

You were not the boy next door, a heartthrob type of guy. You were not my prince charming, but why did I fall real hard for you?

Hindi ka guwapo. Hindi ka charming. Hindi ka magaling kumanta. Hindi ka athlete. Wala ka ring dimple.

Pero bakit ganoon? Gustong-gusto pa rin kita?

May suot kang eyeglasses. Ang buhok mo, army cut. Walang espesyal sa iyo sa unang tingin. Pero sa akin, sobrang lakas ng epekto mo.

Naaalala ko pa noong una kitang makita. First day of school tayo. Grade 11. Usap-usapang ikaw nga 'yong first honor sa kabilang school at sobrang talino mo raw.

Nasa pinakalikod ka at malayo sa iba pang estudyante. Hindi ko napigilang titigan ka. Parang may sarili kang mundo. Seryoso kang nakatingin sa harap na para bang walang ibang taong nasa paligid mo.

Gusto kitang lapitan. Gusto kong magpakilala sa iyo—itanong ang pangalan mo kaso wala akong lakas ng loob.

Nagulat ako nang malaman kong pareho pala tayong STEM ang strand pagkapasok mo sa classroom. Nasa pinakalikod ako nakaupo noon. Magkaklase tayo! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.

Nagkatinginan tayo. Una kang umiwas.

Gustong-gusto kong yayain kang umupo sa tabi ko pero umupo ka sa pinakaharap.

Matalino ka.

Siyempre, sa harap ka uupo para marinig mong mabuti ang sinasabi ng teacher natin. Ako kasi, takot ako sa harap. Hindi naman kasi ako matalino.

Kahit noong magpakilala na, nasa iyo pa rin ang atensyon ko. Inaabangan kung kailan mo sasabihin ang pangalan mo.

“I’m Aldous Carl Bermudez, 17 years old. I completed my junior high school at Saint Vincent.”
Ngumiti ka. Ang ganda ng boses mo, lalaking-lalaki. Nakatulala pa rin ako sa iyo. Hindi ko namalayang ako na pala ang susunod na magpapakilala. Nahihiya pa akong dumaan sa harap mo.

“Hi! I’m Krizza Mei Sanchez, 16 years old. I completed my junior high school here in our school.” Kinakabahan akong ngumiti, lalo na nang magtama ulit ang mga mata natin. Ngumiti ka sa akin. Hindi ko napigilang ngumiti rin sa iyo.

Meron kang braces pero hindi iyon naging hadlang para hindi ako humanga sa ngiti mong iyon.
Lumipas ang araw at nakontento ako sa palihim na pagtitig sa iyo. Nakita ng teachers natin kung gaano ka katalino. Palagi kang tinatawag sa recitation at palagi kang highest sa quizzes.

Naalala ko noong nilapitan ka ni Shyna, isa sa magaganda nating classmate. Napalingon ako sa inyo. Sobrang dikit niya pa sa iyo.
Alam ko, wala akong karapatang magselos, pero hindi ko mapigilan. Naiinis ako.

Ang lapit mo nga sa akin, hindi naman kita malapitan. Ni hindi pa nga tayo kailanman nagkausap. Gusto ko nang isuko ang nararamdaman ko dahil alam kong wala iyong patutunguhan pa.

Pero talagang hindi mo nga mahuhulaan ang mga susunod na mangyayari. Kung kailan gusto mo nang lumayo saka ka naman paglalaruan ng tadhana.

Pinigil ko ang sarili kong tingnan ka at mag-focus na lang sa pag-aaral, hanggang sa magkaroon ng group project. At sa kamalas-malasan, tayo ang naging mag-partner.

Ang galing, ’no? Pilit ko na ngang kinalilimutan ang nararamdaman ko tapos naging partner pa tayo.
Alam kong maraming may gusto kang maging partner kasi matalino ka at tataas ang grades nila. Malas mo lang kasi hindi ako matalino.

“Uhm, Carl, ako ang partner mo.”
Alam kong tahimik kang tao kaya hinanda ko na ang sarili kong hindi mo ako kakausapin.

“Dish garden ang gagawin natin, Krizza. May halaman ba kayo sa inyo?” Nagulat ako. Alam mo ang pangalan ko!

Masaya ako pero naisip ko ring matalino ka. Madali lang sa iyong maisaulo ang lahat ng pangalan ng classmates mo.

Nagtanong ka tungkol sa project natin at nag-alok kang gawin iyon sa bahay ninyo sa araw ng Sabado.

Sobrang excited ko nga. Alas-tres pa lang ng madaling-araw, gising na ako.
Umaga nang magkita tayo at bumiyahe tayo papunta sa inyo.
Simple lang ang bahay ninyo. Ipinakilala mo pa ako sa mama mo bago tayo dumiretso sa kuwarto mo sa second floor ninyo.

Pagpasok natin doon, namangha ako sa kuwarto mo. Naka-arrange lahat. Sobrang ayos. Mas magulo pa ang kuwarto ko kaysa sa iyo.

May ipinakita kang pictures sa akin. Akala ko, galing Internet pero hindi. Mga sarili mo palang drawing ng dish garden natin.

Namangha ako. Talented ka rin pala.
Pumunta rin tayo sa likod-bahay ninyo para kumuha ng lupa. Lihim pa akong napangiti nang makita kang may dalang sako at pala. Ang cute mo kasi.

Ang dumi pa nga natin noon habang nagbubungkal tayo. Ang dungis ko, sabi mo. Samantalang marungis din naman yung mukha mo.

Tumawa ka ulit. Singkit ka kasi kaya parang wala ka nang mata. Ang cute!
Nagkulitan pa tayo. Ang saya mo palang kasama. Mali ako sa akalang mahirap kang mapatawa. Mababaw rin pala ang kaligayahan mo.

Sobrang thankful talaga ako sa Biology teacher natin. Dahil sa kanya, naging magkagrupo tayo.

Lalo tayong naging close. Halos araw-araw na tayong magkasama. Marami akong nalamang weird tungkol sa iyo.

Nag-celebrate pa nga tayo kasi 3rd birthday ng eyeglasses mo.
Natawa ako habang naalala iyon. Pati ang kinuwento mo sa akin na lahat nang ibinibigay sa iyo, binibigyan mo ng weird na pangalan.

“Grade 12 na tayo, malapit nang magkolehiyo. Saan ka nga pala mag-aaral?” biglang tanong mo habang nakaupo tayo sa damuhan.

“Dito lang siguro. Ikaw ba?”
Sa isang taon nating palaging magkasama, hindi ko naisip na magkokolehiyo tayo. Ibig sabihin din ay magkakalayo na tayo.

“Hindi ko pa alam pero may plano si Papa na sa Maynila.” Nalungkot naman ako. Pero ano nga ba’ng karapatan ko? Kaibigan mo lang ako.
Sabi mo pang hindi pa iyon sigurado kasi baka dito ka rin magkolehiyo.
Ngumiti ka. Hindi ako makangiti pabalik.

Sa mabilis na pagdaan ng mga araw, lalo akong nahuhulog sa iyo. Sinubukan ko namang pigilan pero wala. Madaya! Dahil sa bawat araw na lumilipas, lalong nadadagdagan ang pagkagusto ko sa iyo habang wala kang kaalam-alam.

At ang lalong nagpalungkot sa akin noon ay nang marinig kong aamin sa iyo si Mica sa Valentine’s Day. Malihim ka kapag tinatanong kita kung sino ang babaeng gusto mo kaya hindi ko mahulaan kung gusto mo rin si Mica.

Kinausap pa ako ni Mica kung pwede ko siyang tulungan para magkalapit kayo tutal, ako lang naman daw ang best friend mo.

At pumayag ako.

Masakit man sa loob ko pero pilit akong umiwas sa iyo. Hanggang isang araw bago ang Valentine’s day, na-corner mo ako.

“Krizza, may problema ba tayo?”
Naroon ka na naman sa tayo. WALA NGANG TAYO.

“Akala mo ba, hindi ko napapansing umiiwas ka sa akin? Hinayaan lang kita dahil akala ko, masyado na kitang ginugulo. Pero naman, Krizza. Two weeks  na!”

Noon lang kita nakitang magalit. Ayaw kitang tingnan dahil natatakot akong makita ang ekpresyon ng mukha mo.

“Please naman, sabihin mo. Para saan pang naging kaibigan mo ako?”
Kaibigan? Tama. Magkaibigan tayo. At ganoon ang tingin mo sa akin kaya dapat ganoon din ako, kaso hindi.
Iginiit kong walang problema pero pinilit mo ako.

“Sagutin mo ang tanong ko,” sabi mo. “Ano ba talagang problema mo?”
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. “Ikaw! Ikaw ang problema ko!”

“Ako? Bakit? Ano’ng ginawa ko?”
“Manhid ka!” Iyon lang ang nasabi ko at mabilis nang tumakbo.

Nahihiya ako kasi baka kung ano na ang inisip mo.

Nahihiya akong pumasok kinabukasan. Kung ano-anong pangyayari ang pumapasok sa isip ko na pwedeng datnan ko sa room. Kaya imbis na tumuloy, sa library ako dumiretso. Tahimik doon, wala masyadong tao. Sa pinakalikod ako umupo at nakatulog ako habang nagbasa-basa.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta, nagising na lang ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay sa ulo ko. Tinanggal ko iyon at iminulat ang mga mata ko.
“Gising ka na pala.”

Ganoon na lang ang gulat ko nang makita kita. Tinanong ko kung ano’ng ginagawa mo roon at sinabing dapat, nasa room ka dahil nandoon si Mica.

“So, alam mo nga? Iyon ba dahilan kaya ka umiwas sa akin? Sinabihan ka ni Mica?”
Kitang-kita ko ang galit sa mga mata mo.

“Ibig sabihin ba noong sinabi mong manhid ako ay dahil hindi ko naramdaman na may gusto sa akin si Mica? O manhid ako dahil sa iyo?”
Napanganga ako sa tanong mo.

“Tingnan mo ako, Krizza.” Lalo kong iniwas ang mukha ko. Kapag tiningnan kita, siguradong masasabi ko.

“Ano? Sagutin mo. Ang dali-dali ng tanong ko.”

Umamin ako. Inisip kong bahala na kung ano’ng maging resulta.

“Manhid ka kasi gusto kita. Noon pa. Pero ano pa’ng silbi ng pag-amin ko. Baka kayo na nga ni Mica.” Hinanda ko na ang sarili kong umalis pero . . .

“Sa tingin mo ba, gusto ko si Mica? Bakit? Si Mica, may bilog bang mga mata? May magulo ba siyang buhok? Hindi nagpopolbo at nag-ma-makeup pero maganda pa rin? Higit sa lahat, pinapatawa niya ba ako? Hindi lang ako ang manhid dito, ikaw rin!”
Tumulo na naman ang luha sa mata ko pero hindi na dahil sa sakit kundi sa saya.

“I like you, Krizza, more than anyone else.”

Ganoon pala talaga ang mararamdaman kung sobra-sobra ang saya. Na parang gusto mong magtatatalon. Niyakap mo ako nang mahigpit na parang ayaw mo akong pakawalan.

Sinabi mong umamin ka kay Mica na may iba ka nang gusto na naintindihan niya naman.

Sa bawat araw na dumaan, wala kang ginawa kundi pasayahin ako. Magkaibigan pa rin tayo, nadagdagan lang siguro ng ka-sweet-an. Naglalambing ka tapos ang dami mo nang plano sa atin.

Pero pagkatapos noon, naalala ko na naman ang araw na iyon.

The day I said good bye.

Malinaw pa sa memorya ko ang lahat. Lahat-lahat ng nangyari.

“Hija, alam kong mahal mo si Aldous at mahal ka rin niya, pero intindihin mo sanang matayog ang pangarap niya at hindi niya iyon maaabot kung nandito lang siya.”

Sinabi ng mama mo na palayain na kita. Kasi ako ang dahilan kung bakit nagdadalawang-isip kang pumunta ng Maynila.

Monthsary natin noon, excited ka pa naman.

“May sasabihin ako Carl,” sabi ko.
“Ano iyon?” Isinandal mo ang ulo mo sa balikat ko.

“Itigil na natin ’to.”

“Ano?” Tinanggal mo ang pagkakapatong ng ulo mo.

“Mag-break na tayo.” Natawa ka.
“Joke ba ’yan? Ang pangit ng biro mo. O, ito na yung rose na gusto mo.”
Hinablot ko ang rosas at mabilis na itinapon. Nanlaki ang mga mata mo.
“Sabing mag-break na tayo! Ayaw ko na! Pinalalaya na kita!”

Now, I don't want to lose you,
but I don't want to use you just to have somebody by my side.

At habang nakikita ko ngayon ang rosas na kahit itinapon ko ay itinabi ko pa rin kahit natuyot na.

After three months; ninety days; two thousand one hundred sixty hours—our love story ended.

Sometimes Love Just Ain’t Enough. It’s not enough to hold someone’s dreams.

“Kriz, umiiyak ka na naman. Gusto mo ba talaga siyang makita? Samahan na lang kaya kita?” Umiling ako. It’s been five years pero nandoon pa rin ang sakit. Ganoon nga siguro kung sobrang mahal mo. Kayhirap kalimutan.

Nakatingin lang ako sa malaking unibersidad kong saan idinaraos ang isang programa. Pumasok ako at pumuwesto sa di-kalayuan at kita pa rin ang nangyayari.

“Bachelor of Science in Chemical Engineering Aldous Carl Bermudez! Summa Cum Laude!” Napangiti ako habang pinagmamasdan kang paakyat ng stage.

Kitang-kita ang saya sa mukha mo.
“I’m so proud of you Carl,” bulong ko sa hangin.

Salamat at hinayaan mo akong mahalin ka at pumasok sa buhay mo. Ngayong nakikita kitang unti-unting naaabot na ang mga pangarap mo, humahanga ako sa sarili ko kasi lumalabas na tama ang naging desisyon kong pakawalan ka at huwag itali sa akin. Worth it ang gabi-gabi kong pagluha sa tuwing naaalala kita.

I’m so proud of you my chemical engineer, my nerdy guy.

Hindi ko man alam kung saan tayo dadalhin ng kanya-kanyang nating tadhana—kung magiging tayo pa ba o may makikilala nang bagong taong para talaga sa atin. Pero kahit ganoon, masaya pa rin ako dahil nakilala kita.

Na minsan may isang Krizza na nakapasok sa puso ng isang
Aldous Carl Bermudez.

Love is not all about holding on, but also letting go. The one who let go even it hurts a million times, he or she is still the bravest soldier when in comes to love.

But there's a danger in loving somebody to much,
and it's bad when you know it's your heart you can't trust.
There's a reason why people don't stay where they are.
Baby, sometimes love just ain't enough.

Shels<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro