Kabanata 25
"Where are you?" Bungad ko kay Prestin matapos niyang sagutin ang aking tawag.
Napapikit ang isa kong mata nang magsimula ang litanya niya. "Goodness, Auriese! I should be the one asking you that! Where the hell are you? Are you with Archer? Hindi ka umuwi kagabi, Rye's looking for you. The woman you kidnapped escaped--"
Wala sa sariling napatingin ako kay Archer. He's driving the car with a cold expression in his face.
"I'm fine, Prestin. Pauwi na kami. Where are you, can you go to the mansion?" Pagputol ko sa sunod-sunod na tanong niya.
I glanced at Mommy through the rearview mirror. Nagtama ang aming mga mata at nahuli ko ang pagkislap noon matapos kong banggitin ang pangalan ni Prestin. I smiled at her while still looking at the rear mirror.
"Nasa firm ako. You sure you're okay? Paalis na 'ko. Why don't you just go directly at our condo? Nando'n si Rye."
Napatawa ako sa hindi maubos-ubos na salita ni Prestin.
"Why are you laughing?" Lalo akong napatawa sa seryosong tono niya. I can imagine a furrow in his brows.
"Miss me?" Natatawang tanong ko.
He tsked at me. Kaya walang 'tong girlfriend, eh. Palaging high blood. Oh well, minsan lang pala?
"I'm really fine, Prestin. Padaanan na rin si Rye sa condo then pauwiin mo na si Mel, sa mansyon tayo," sambit ko. Tutal ay madadaanan naman niya ang condo patungo sa mansyon.
"Nando'n kaya si Dad?" I asked as my eyes widened a bit.
"Nasa kompanya 'yon."
"What--" Shit! Oo nga pala. "Uhmm, dun na lang pala."
"Saan talaga?" Paninigurado niya.
"Kung nasaan si Dad."
"Alright, dadaanan ko si Rye."
I ended the call as I turned to Archer. "Uhmm, A-Arch, sa kompanya mo na lang pala kami ihatid?" Nagaalangang sambit ko.
"Alright," malamig siyang tumango. Napakamot ako sa aking sentido gamit ang aking hintuturo dahil sa naging aagot niya. Napalabi ako at ibinaling na lamang sa bintana ang tingin.
There was a deafening silence until we arrived at my father's company.
Sa main entrance na lamang kami nagpababa upang hindi na magpark pa ang sasakyan ni Archer.
Lumabas si Archer ng sasakyan at akmang bubuksan ko ang pinto sa aking gawi ngunit agad niya akong naunahan. Wala pa rin siya imik at malamig pa rin ang mga titig. Matapos kong makababa ay si Mommy naman ang pinagbuksan niya.
"Thank you," my mother muttered at Archer. "What's your name again, hijo?"
My lips parted when Arch smile at my mother. "Archer, Madame. Archer Fonacier."
'Pag kay Mommy may pagngiti, tapos sa akin, wala?
I caught Mommy stopped as she heard Archer's answer. Tila ba may naalala ito at makahulugang tumingin sa akin. I avoided her gaze as I cleared my throat.
"Maraming salamat and just call me Tita, hijo. Kulang pa ang aking pasasalamat sa naitulong mo sa akin upang makabalik ako sa aking pamilya," maharang sambit ni Mommy.
Archer shook his head. May sinserong ngiti pa rin ito sa kanyang mga labi. "That was nothing, Tita. I'm glad that I helped you."
Mommy nodded. "But I want to invite you at our home for a dinner, perhaps tommorow if you doesn't have any other commitment?"
Archer slightly tilted his head. "I don't have any, Tita. I can make it tomorrow."
Mommy nodded. "I'll look forward to it, hijo."
Hindi na ako nakakuha ng oras para kausapin si Archer dahil agad na 'kong niyaya ni Mommy papasok sa kompanya.
"Thank you." Iyon na lamang ang huling nasabi ko bago kami tuluyang pumasok sa gusali.
Isang tango lang ang isinagot niya roon. I looked back while we're at the entrance of the company. Nahuli kong nakatingin pa rin siya sa amin ni Mommy.
He opened the door of his car as he entered when our eyes met. Ibinalik ko sa harapan ang aking tingin nang paandarin niya ang kanyang sasakyan at nawala iyon sa aking paningin.
I saw the company guard's eyes widened a fraction when he saw who's approaching. "Ma'am! Magandang araw po!" Palipat lipat sa aming dalawa ni Mommy ang mga mata niya.
I smiled at him and let Mommy to greet him back. "Magandang araw, Bernard," nakangiting bati ni Mommy.
"Ma'am, a-akala namin..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin ngunit alam na namin kung ano iyon.
"We thought too, Kuya Bernard," I muttered, continuing what he refused to say.
"Saka ikaw, Ma'am. Ngayon ka na lang ulit nakabisita rito." Baling niya sa akin bago muling kinausap si Mommy. Nahuli ko ang sandaling pagtingin sa akin ni Mommy. Her look's asking
"Nitong mga nakaraang taon ay iyong Salvia ang nalalagi rito. Pasensya na pero, hindi maganda ang ugali ng taong iyon, Ma'am."
What would I expect? Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sumama ang loob ko kay Daddy. Mommy is the kindest person I've ever met, yet si Salvia ang ipapalit niya rito? Mommy will try to understand every situation in a positive way. At kung hindi niya na kaya, iiyakan niya iyon ngunit matapos ay asahan mo ang muling pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Sa katunayan ay nariyan pa yata siya. Kanina ay dumating at hinahanap si Sir."
My brow raised I heard Kuya Bernard. "Really?"
"Let's go, Mommy." Aya ko.
Nagpaalam kay Kuya Bernard si Mommy bago tuluyang sumunod sa akin.
Napapakurap ako sa katapangan ng babaeng iyon. She still has the guts to go here after what she did?
Agad kong namataan ang sekretarya ni Daddy matapos naming makarating sa palapag kung nasaan ang opisina ni Daddy.
"Elleina," Mommy called.
Nagangat ito ng tingin at agad na namilog ant mga mata nang makita si Mommy. She immediately rose from her seat. "Magandang araw, Ma'am," bati niya sa amin.
"Good afternoon, is Presley inside?"
Elleina's mouth opened but nothing came out of it. Muli niyang ibinuka ang bibig at nagaalangang boses ang lumabas doon. "Y-yes? Kaya lang... Ma'am..." Napahawak ito sa kanyang batok. "S-si Ma'am Salvia po nasa loob."
"Kanina pa?" Ako na ang nagtanong.
"Ngayong lang, Ma'am. Ilang minuto lang ang pagitan ng pagdating niya sa inyo."
"We'll go inside," mariing sambit ko at paulit-ulit naman siyang tumango sa akin.
"S-sige lang, Ma'am."
I harshly pushed the door without even knocking.
"Don't you fucking dare, Salvia!" Dadddy's voice thundered. Iyon ang bumungad sa amin bago napalingon ang dalawa sa aming direksyon.
Agad na lumagpas sa aking ang tingin ng aking ama. "Aurelia," Dad murmured while directly looking at my mother. Namimilog ang kanyang mga mata habang bahagyang nakabuka ang mga labi.
I caught Salvia's eyes widened. Lalong dumilim ang mga mata nito mabilis na naglakad habang na kay Mommy ang mga mata. I immediately blocked her from my mother.
Si Daddy naman ay agad na nakabawi. I heard him hurriedly spoke through the intercom. "Elleina, I need the guards in my office." Matapos ay agad niyang hinabol si Salvia at hinablot ang braso nito.
"Stay away from them." The sharpness of my father's voice can slit Salvia's throat.
Timing talaga 'tong si Salvia. Family reunion tapos singit siya.
"Presley, that's enough." Mabilis akong napabaling kay Mommy nang marinig siyang magsalita. Nahihiwagaan akong napatingin sa kanya.
Wala sa sariling lumuwag ang hawak ni Daddy kay Salvia, kasabay noon ang marahas na paghaklit ng ginang sa sariling braso. Matalim niyang inilibot ang tingin sa aming tatlo. "Mga salot kayo sa buhay ko!" She gritted her teeth as she glared at my parents. Matapos ay muling bumali sa akin ang talim ng titig niya. "Dahil sa'yo kaya namatay ang anak ko! Babalikan kita."
My brow raised. "Sige lang. Believe whatever you want," walang pakealam na sambit ko.
"Bitch!" She spat as she hastily opened the door. Sa laki ng pagkakabukas niya ay namataan ko ang tatlong guard na papasok sana ng opisina ngunit dali-daling napaatras at nahawi sa gilid sa marahas na paglabas ni Salvia, maging ang sekretarya ni Daddy na hindi man intensyon ay gulat na napatayo.
I saw Dad signalled them something. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang bumalik ang mga ito at sumunod kay Salvia.
I watched the door as its slowly closing. Napakurap lamang ako nang marinig ang pagsinghap ni Mommy.
My eyes turned to my parents. Dad's arms are already around my mother. Mommy slowly encircled her hands around Daddy's torso. I was eyeing them as they feel each other's warmth. Nahuli ko ang pagpikit ng mga mata ni Daddy habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ni Mommy. I can't see my mother's expression as I am facing her back.
Ilang sandali pa silang nanatili sa ganoong posisyon habang may ibinubulong si Dad kay Mommy na hindi maabot ng aking pandinig. Alam kong may ibinubulong din si Mommy dahil sa paminsan minsang pagtango ni Daddy. I even heard my Mom sobbed.
Natigil lang ang bulungan nila nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Daddy. I opened the door as a wide smile formed in my lips when I saw who knocked. It was Prestin while my son's resting in his arms.
Agad na lumipat si Rye sa aking mga bisig at mabilis na humalik sa aking noo. I kissed the tip of his nose as I let him slipped from my arms and stand on his own.
Dumako ang aking tingin sa walang imik na si Prestin. I traced the direction of his eyes and I didn't have to look at it as I watched the expression in his face.
"Mom," he murmured. Even Rye's eyes are fixed at where my mother's standing.
Idinipa ni Mommy ang mga braso habang agarang patungo sa direksyon ni Prestin. Napangiti ako nang agad na sinubsob ng aking kakambal ang kanyang upo sa balikat ni Mommy.
One of the country's migthy and respectable attorney is now a softie in his mother's arms. He let his emotion outburst and overpower him, bagay na hindi niya ginagawa lalo kung nasa loob ng korte.
My hands rested at my son's shoulder. I let my fingers travelled to his hair as I ruffled it.
Tumingala ang aking anak dahilan para magtama ang aming mga mata. Questions are now visible in his eyes. Tila ba pinipigilan lang ang sarili at may hinala na ito sa kung ano ang nangyayari.
Nang maghiwalay si Mommy at si Prestin ay agad niyang binalingan si Rye. "Is this my grandson?" She asked while her eyes are now at my son. Ganoon din ang aking anak na nabaling na kay Mommy ang atensyon dahil sa pagtatanong.
I cleared my throat to release the tension building in it. I smiled at Mommy as I adverted my gaze to my son. "Rye, greet your grandmother."
He glanced at me. "My lola?"
I nodded. "Hmm."
Lumuhod si Mommy sa harapan ng aking anak upang magpantay sila. Hindi nakatakas sa aking paningin ang agad na pagngiti ni Rye. "I'm Archer Ysrael Gallardo, nice to meet you, Madame," pormal na sambit ni Rye na lalo kong ikinangiti.
Mommy chuckled. "Nice to meet you, young man." Mom pulled my some closer as she encircled her arms around him, ganoon rin ang ginawa ni Rye. She closed her eyes.
"Just call me Lola," she suggested.
"I will, Lola."
Hindi ko na nasundan kung ilang oras na kaming nasa opisina ni Daddy. He cancelled some appointments and planning to eat in a fine dining but Prestin suggested to make it tomorrow. Para raw makapagpahinga si Mommy, pati na rin ako.
I know he wants to asked me what happened. Bagay na hindi niya maitanong habang nasa harap kami ng aming mga magulang.
I glanced at Mommy when she leaned on my ear. "I can't help this but... Rye sounds like his father."
My eyes unintentionally blinked at my mother. Bahagyang bumuka ang aking mga labi.
"The way he called me when he introduced hisself. Archer also called me Madame." She chuckled as she continued. "The way they stood and spoke sounds like they're one. Not to mention their screaming resemblance."
I licked my lower lips as I stared at her. Napansin niya ang mga iyon sa sandaling oras na nakasama niya si Rye at si Archer.
"Why don't you tell him you two have a son?"
Would he believe me? If he doesn't even remember that something happened between us years ago.
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro