Kabanata 19
"What's with your face?" Kunot noong tanong sa akin ni Prestin habang sinabayan ako sa paglalakad.
Nakita ko pa ang dalawang kaibigan niya na iniwan niya para sumabay siya sa akin.
Niyakap ko ang dalawang libro sa aking kamay at inis na hinawi ang aking buhok.
"Let me guess, hindi ka pa rin pinapansin?"
I rolled my eyes as I heard the truth from him. I nodded a bit. "I saw him with Lesley. Kanina si Anna ang kasama niya. Iba-iba babae niya, bakit 'pag ako, ayaw niyang pansinin?"
"Bata ka pa nga raw kasi, magaral ka muna, that's what he told you, right?" Nginisihan niya 'ko.
Agad akong napasinghap nang may pumasok na ideya sa aking isip. "Ligawan mo kaya si Mirae o si Astrid?" Suhestiyon ko ngunit agad ring binawi nang nakitang sumama ang ekspresyon niya.
"'Wag na pala," peke akong tumawa.
"Tigilan mo 'ko sa ganyan."
"Joke nga lang!" I spat and continue for a more feasible plan. "What if I befriend his friend? Kahit isa lang sa kanila."
He tsked as he heaved a deep sighed. "Stop your obsession with Fonacier. Babaero 'yon. Pansinin ka man, hindi ka seseryosohin at masasaktan ka lang."
Hindi ko siya pinansin at mahinang kinausap ang sarili. "Creed's too cold, mukhang magyeyelo muna 'ko sa lamig bago ko maging kaibigan 'yon. Mirae's scary, she's not that cold but her atmosphere screams like a female version of Creed. Astrid looks like approachable. Dasher's friendly..." May pumasok sa aking isip matapos banggitin ang huling kaibigan niya. Napahinto pa ako sa aking paglalakad kaya naman napahinto rin si Prestin, ngayon ay kunot na ang noo sa akin.
I looked as him as I muttered dreamily, "kaya lang, baka magselos si Arch kapag kakaibiganin ko si Dasher. Kaya si Astrid na lang! Tama!" I said the last word with full of conviction.
He lazily glanced at me. "Stop your delusions, Priscilla Auriese."
"I'm not-"
"Auriese." My shoulders jump when someone held my elbow.
I looked at my back and rolled my eyes when I saw Ryker in his uniform. Iniwas ko ang siko mula sa kamay niya. Hindi na ko nagabalang magtanong pa kung ano ang pakay niya dahil may hinala na ako kung ano iyon.
"I want you back. I still love you, Auriese."
I sarcastically looked at him as I turned my back on him. Kasabay ng pagtalikod ko ay nahagip ng aking mata ang isa sa kaibigan ni Archer. At nabanat ang aking labi dahil sa ngiting sumilay rito nang makumpirmang si Astrid iyon.
Sinundan ko ang direksyon na tinutumbok ng kanyang mga paa.
"Astrid!" Walang hiyang tawag ko. Nakita kong iginala niya ang tingin, hinahanap ang tumawag sa pangalan niya.
"Auriese, come on, give me a chance." Hindi ko pinansin si Ryke na nasa gilid ko at panay ang kulit sa akin. Narinig ko pa si Prestin na pinapaalis na siya.
"Astrid!" Muling tawag ko at bahagya pang tumakbo palapit sa kanya ngunit malayo pa rin ang aming distansya.
I waved my hand when our eyes met. She looked at me with a lot confusion but she still smile afterwards.
I smiled at her but it immediately faded when I saw Creed and Mirae approaching. Napalis ang aking ngiti at bahagyang napangiwi.
Mirae said something to Astrid, making her forget about me. Bagsak ang mga balikat na tinalikuran ko sila. Mabuti at hindi pa ako ganoon kalapit sa kanila. Hindi na rin napansin ni Creed at Mirae ang aking presensya.
I looked at the place where I left my brother with Ryker. Naroon pa rin ang dalawa at mukhang pinigilan ni Prestin ang pagsunod sa akin ni Ryke. Our eyes met and he was about to go to where I am when someone stood in front of me. Dahilan para matabunan si Ryker mula sa aking mga mata.
Nagangat ako ng tingin at agad na namilog ang mga mata nang makilala ang taong ngayon ay nasa aking harapan.
"A-Arch-" Naputol ang pagtawag ko sa kanya nang may babaeng sumulpot mula sa kanyang gilid.
"Love, let's go," the woman muttered using a bedroom voice.
Inangilan ko ang babae nang nagtama ang aming mga tingin ngunit agad ring nauwi sa isang ngiti dahil sa agarang pagtingin sa akin ni Archer. He nodded at me as he walked away with that woman. Na para bang walang nangyari.
Wala naman talagang nangyari! Wala sa sariling umikot ang aking mga mata dahil sa saway ng kabilang bahagi ng aking isip.
Akmang susundan ko ang dalawa ngunit hindi ko rin nagawa dahil sa pagsulpot ni Ryker.
"Aurie-"
"Ano na naman? Stop it, Ryke! Matagal na tayong tapos!" Nakakasora naman!
Iritado ko siyang iniwanan at nilingon ang direksyong tinungo ni Archer. He stopped in front of me! Sigurado ako roon, baka may sasabihin siya sa akin. Pero dahil dumating 'yung babae, hindi na niya nasabi!
Inilibot ko ang paningin at halos nahigit ko ang aking hininga nang makitang wala na ulit siyang kasama.
I jogged towards his direction. Ngunit agad na bumagal ang aking mga paa nang makita ang daang tinatahak niya.
I frowned when I saw him walking towards the abandoned restroom. Walang masyadong pumunta roon dahil sa haka hakang may estudyanteng pinatay doon at nanatili roon ang kaluluwa. Maayos naman ang restroom na iyon at wala ring hindi kaaya ayang amoy ngunit walang gumagamit dahil sa mga kwentong kumakalat sa buong paaralan.
I looked around the place as the cold wind blew. Napasinghap ako nang nagtaasan ang aking mga balahibo. I looked at my back and saw a few students but they're far from where the abandoned restroom is located.
Marahas akong napabuntong hininga bago muling bumaling kay Archer ngunit agad na namilog ang aking mga mata nang hindi ko natanaw ang kanyang bulto.
Iginala ko ang paningin at agad na napamura nang hindi siya makita. I looked at the abandoned restroom in front of me. There's a dark passageway, the women's cubicle is in left while for men's in the right.
Humigpit ang yakap ko sa dalawang libro na nasa aking mga kamay. Muling umihip ang malamig na hangin at nangatal ang aking mga binti.
Sigurado akong dito pumasok si Archer. Wala siyang pupuntahan kung hindi dito lang sa restroom. Kung hindi man, alam kong makikita ko iyon dahil imposible namang ganoon kabilis nawala ang kanyang bulto.
I bit my lower lip as I heaved a deep sigh. Nangangatal ang mga labing pinasok ko ang pasilyo.
Sarado ang pinto ng panglalaking restroom at nakarinig ako ng mga salita mula roon, habang ang kabilang banyo ay bukas ang pinto. From here, I can see the series of cubicle for women inside the bathroom.
"We're needed at Cosmos' headquarters."
That voice is familiar! Archer's here! Kaya lang, sinong kausap niya? Am I hallucinating? Or... is Archer really inside?
"Yes. He'll join? I doubt if his sister would let him. Sakit lang ng katawan ang aabutin niya roon."
Anong Cosmos? Fraternity ba 'yon? Tsk! Ano pa ba, fraternity nga! Sakit daw ng katawan, eh.
The cold wind blew as the women bathroom's door aggressively shut closed. It caused a loud thud that made me flinched. "Fuck!" I cursed.
Natigilan ako ilang sandali matapos matanto kung ano ang aking nagawa.
Nabaling ang aking tingin sa banyong panglalaki nang unti-unti iyong bumukas. With my chest ramming my ribcage, I hurriedly opened the women bathroom's door as I entered. I immediately shut it closed and locked it even before Archer saw me.
Iginala ko ang kamay at kinapa ang switch upang buhayin ang ilaw. Agad akong nakahinga ng maluwag nang matagumpay na nabuhay ang ilaw.
My chest heaved up and down as I leaned my back on the door. Tumalon ang aking mga balikat nang may kumatok mula sa pinto. I waited for Archer's voice to ask but nothing came. Muling may kumatok ngunit walang boses na sumunod rito.
Namilog ang aking mga mata nang maalala ang mga usap-usapan tungkol sa banyong ito.
Inilibot ko ang tingin sa cubicle na nakahilera sa aking harapan. My eyes darted at the large mirror. Sa aking isip ay tila ba may mga salitang nakasulat doon gamit ang dugo.
Nahigit ko ang aking hininga nang biglang namatay ang ilaw ng banyo at naghari ang dilim sa kabuuan ng paligid. I heard nothing but a deafening silence as my heart started ramming my ribcage.
Nabuhay ang ilaw ngunit muli ring namatay. Hindi ko na napigilan ang pagmumura sa aking isipan nang ilang beses pa iyong naulit. Nanuyo ang aking lalamunan nang maalala ang pinanood namin ni Prestin noong nakaraan. A scene suddenly flashed back in my mind as I imagine a woman standing in front of me.
"No," I whispered. The light shut closed. Ngayon ay matagal na hindi nabuhay iyon, kagaya noong napanood namin. "No," I whispered again as I reached the handle of the door at my back.
"Mommy!" I shouted in a long voice as the light bulb lit. I immediately shut my eyes closed and hurriedly went out of the bathroom.
May biglang humawak sa aking palapulsuhan kaya naman agad akong napasalampak sa sahig at muling napatili. "Oh my God! Ayoko na!" Mahabang sigaw ko habang mariin pa ring nakapikit ang mga mata.
"H-hindi ko na siya susundan, ayoko na," nanginginig ang boses na sambit ko habang itinakip ang aking kamay sa magkabilang tainga. I even shook my head as I let my books fell.
"Hey, Auriese." I stopped as I heard a familiar voice. Para bang nabato ako sa aking kinauupuan. Napadilat ako at agad na namilog ang mga mata nang makitang si Archer ang nakahawak sa akin.
Uminit ang aking pisngi nang maalala ang aking sinabi. Dali-dali akong tumayo at pinagpagan ang palda. Pinulot niya ang mga libro ko at walang salitang iniabot sa akin.
"I'm not a stalker," I muttered as I turned my back on him. Tumatahip ang dibdib na iniwan ko siya roon. Kulang na lamang ay tumakbo ako palayo sa kanya.
I almost tripped, kahit na wala namang bato na nakaharang sa akin dinaraanan. "Shit," I cursed. I glanced at my back to see if Archer saw it. Naramdaman ko ang agad na pagkalat ng init sa aking mukha nang makitang kahit sa malayo ay nakatingin siya sa akin.
"Careful," he mouthed and I immediately avoided his gaze. I gripped my books. Muli akong tumingin sa dinaraanan at tumatahip ang dibdib na naglakad palayo.
"Where did you-"
"Fuck!" Napamura ako nang biglang sumulpot si Prestin mula sa aking gilid.
"What?" He raised his brow on me.
My chest heaved as I placed my hand on it.
"Sinundan mo na naman," he stated.
Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kanina, dapat ay patungo kami sa cafeteria ngunit ngayon ay wala na sa loob ko iyon at tinahak na lang ang daan patungong library. Si Prestin naman ay sumunod sa akin.
"I told you to stop it, Auriese." He sighed when he didn't received anything from me. God, he's still at that topic. Akala ko ay titigil na siya ngunit agad ding nagpatuloy.
"Alright. Let's say, he finally acknowledge your presence and you'll be his girlfriend. What makes you think that he'll stay with you? Mapansin ka man, panandalian lang 'yan."
Patuloy ako sa paglalakad at walang imik. Nahinto ang pagsasalita niya nang pumasok kami sa library. Ngunit nang makaupo kami ay muli siyang nagpatuloy, ngayon ay mas mababa na ang boses.
"Let's say, you love him. How can you say that he'll feel the same? Para sa kanya, anong kaibahan mo sa mga naging babae niya? Hindi nga pinagsasabay sabay, iba-iba naman araw-araw."
I opened my book on a certain page as I stared at it. Sinubukan kong basahin iyon ngunit walang pumapasok sa aking utak dahil sa patuloy na pagsasalita ni Prestin. Kasabay noon and mabilis na pagtibok ng aking puso dahil pa rin sa kaninang nangyari.
I stopped reading as I listened. Ngunit ang mga mata ay nanatili sa aking libro.
"If you're thinking that he'll treat you as a precious gem, you may be wrong. Pareparehas lang ang tingin niya sa mga babae, Auriese," he said in a matter-of-fact tone. I shifted on my weight.
Pilit kong itinatanggi ang mga sinabi niya ay may parte pa rin sa akin na nagsasabing totoo nga iyon.
"You may be a few minutes older than me but still, I am your brother and I want the best for you, Auriese. Choose a man who loves you more than you love him, that's what is important. Piliin mo 'yung pagmamahal na hindi nauubos, hindi natatapos. And clearly, its not Archer Fonacier. Stop your obsession with him."
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro