Kabanata 18
I immediately run towards the stairs as I saw a familiar built of a woman in the second floor. I felt Archer following me on my back.
My heart stopped beating when I met the woman's eyes. Her misty eyes made my heart clenched. Tila may tumutusok doon sa tuwing ako'y hihinga. Her thin body made her appear weak.
She hurriedly walked near us. Nalaglag ang aking panga nang agad niyang hinawakan ang aking kamay, nagmamakaawa ang mga matang tumingin siya sa akin.
"T-tulungan niyo 'ko. I-I need to go back to my family."
"M-mommy." Iyon lang ang nasabi ko.
Now that she's in front of me, I can't find anything to say.
"I-Ilang taon na 'kong tinatago rito. I need to see my family."
"I-I'm sorry, Mommy." Akmang yayakapin siya nang marinig ko ang boses ni Archer.
"Dellany," he called. Napalingon ako sa kanya at nahuli ang kunot sa kanyang noo.
My lips parted. Bahagya akong lumayo kay Mommy at umaktong natauhan. "I-I mean, I suddenly m-miss my mom. I'm sorry."
He nodded, naroon pa ring ang kunot sa kanyang noo bago niya binalingan si Mommy. "We're here to help you, Madame. I assume you're Priscilla Auriese's mother?"
Bahagya akong umatras upang makausap niya ng maayos si Mommy at hindi na siya magisip ng kung ano dahil sa aking inakto.
"Kilala mo ang anak ko?"
Until now, I san still feel comfort in her voice. Bahagya kong nasulyapan si Mommy at nahuli ang mga luha niyang naglalandas sa kanyang pisngi.
"Yes, Madame. She badly wants to see you. We'll get you out of here, I'll make sure you're safe."
I placed my hand in my mouth to suppress my sobs. Hindi na napigilan ang mga luha, lalo sa marahang paraan ng pagkausap ni Archer sa aking ina.
"Dark."
I immediately wiped my tears as I heard Mirae. Paakyat siya kasama ang kapatid patungo sa aming direksyon.
I cleared my throat as I faced her. "We got her."
Tinanguan niya ako bago bumaling kay Archer. "Let's get out of here, Light. Mukhang nakatunog si Rozelli dahil mga tauhan lang natin ang dumating sa maling lokasyon."
Hindi na sumagot si Archer at iginiya si Mommy pababa. Nanatili ako sa likod niya at nakasunod, ganoon din si Mirae ngunit ang kapatid niya ay nauna na pababa at mukhang hahanapin si Creed at Astrid.
I glanced at Mirae when she handed me her car keys. "Drive my car, isama mo si Dame. I'll ride in Archer's car with him and her girlfriend's mother. Incase someone attacked them, I'll help Arch."
Tumango na lamang ako at tinanggap ang susi ng kotse niya. Kanina ay doon ako nakasakay sa kotse ni Archer. I rode a taxi and went to his condo. I can't bring my car because Archer will immediately find that I'm Auriese. Hindi rin naman siya nagtanong kung bakit hindi ko dala ang aking kotse.
We went out of the mansion. May tinatawagan na si Mirae, narinig kong ipinapaligpit na niya ang mga walang buhay na katawan sa loob ng mansyon. Natanaw kong naroon na ang tatlo sa tapat ng mga kotse.
My eyes immediately landed at Creed who's talking to someone over the phone. Napunta sa kanya ang aking atensyon dahil sa mga titig niyang diretso sa akin.
I frowned a bit.
"Are you sure?" Matalim ang mga matang tanong niya sa kausap. He immediately avoided my gaze.
"Alright, I'll end this."
I watched Creed as he ended the call and went inside his car.
"At the headquarters. We'll go first, let's convoy," Mirae muttered. Akmang papasok siya sa kotse ni Archer nang magsalita ako.
"How about Auriese's mother? I-ihahatid niyo ba?"
Archer shook his head. "Bukas na. Delikado ngayon."
I slowly nodded. I watched them as they guided my mother. Hanggang sa pinasibad ni Archer ang kotse niya ay nasunod pa rin ang aking tingin.
Nakita kong papasok na rin si Damien sa passenger's seat ng kotse ni Mirae at si Astrid naman ay sa kay Creed.
Akmang lalakad na palapit sa kotse ni Mirae nang maramdaman ko ang bagay na tumusok sa gilid ng aking leeg.
I saw Creed behind me, holding a syringe. Nagtataka ko siyang tinignan.
Where did he even get that syringe? Or don't tell me he have one in his car? Kaya pumunta siya roon kanina?
"What the fuck," I cursed. Marahan iyon dahil na rin hindi ko masyadong maigalaw ang aking panga. I felt like my body stilled.
"Creed!" I heard Astrid shouted when she saw what he did. Marahas niyang isinara ang pinto ng kotse at lumapit sa amin.
I felt my body losing its strength. Para bang ang bigat ng aking katawan ngunit hindi ko maigalaw kahit ang aking kamay.
"Kuya!"
Ramdam ko ang pagbigat ng aking talukap at pagkawala ng lakas ng aking katawan. May sumalo sa akin bago pa bumagsak ang aking katawan, ngunit ang aking mga mata ay hindi na maidilat.
"What the fuck, Creed!" I heard someone shouted before I lose my consciousness.
I woke up with heavy eyelids. Ilang sandali pa ang aking hinintay bago ko tuluyang naidilat ang mga mata. Mukha ang agad kong kinapa. Thank God! My prosthetics are still intact.
May narinig ako pumalatak kaya naman dali dali akong tumayo mula sa pagkakahiga ngunit agad na bumagsak ang aking katawan dahil sa sakit na aking nararamdaman. I can't determine where, maybe my whole body. Kumikirot ang buong katawan ko at sa tuwing susubukang gumalaw ay mapapabalik lang ako sa aking posisyon dahil sa sakit na dulot ng parte ng aking katawan na hindi ko matanto kung saang bahagi.
"Fuck!" Malutong at mahaba akong napamura nang diinan ni Mirae ang balikat kong may hiwa ng kutsilyo galing sa kanyang katana.
"How can you join Cosmos if you can't stand these wounds?" Her cold voice thundered.
This is insane! Papatayin niya ba 'ko?
Hindi pa ba halata, Auriese? Damn, I thought Cosmos is just a fraternity. Akala ko'y isang sakit lang ng katawan ay makakapasok na 'ko!
"Tsk, let me rest then let's play again," I smirked despite of the wounds that I got. Hindi ko alam kung nasa katawan ko pa rin ang mga bala ng baril na tumama sa akin ngunit sa tingin ko'y oo.
Ilang linggo ng bugbog ang katawan ko sa kung ano anong pinapagawa niya. Well, looks like she's the leader of whatever organization Cosmos is, kaya naman sinusunod ko ang mga pinapagawa niya. Ni hindi ko alam kung bakit siya mismo ang nagttrain sa'kin. Noong unang dalawang araw naman ay si Theo ang nagttrain sa akin, kasama ang iba, roon sa liblib at abandonadong warehouse. Ngunit simula noong ikatlong araw ay si Mirae na ang humawak sa akin at dito ako pinapunta sa headquarters.
Last time, she asked me to come with her in a mission. Tangina! Muntik ko ng ikamatay ang misyong iyon! I was almost shot! While she's just looking at me with her cold eyes. Hindi man lang binaril ang bumaril sa akin! Nahuli kong nakatingin lang siya habang ako ang pinupuntiryang barilin ng mga kalaban. I can imagine her raising her brow up on me under her mask.
Habang tumatagal ay unti unti kong naintindihan na hindi ito isang simpleng fraternity. But I'm sure of one thing. Archer's a part of this, o baka nga isa pa sa namamahala.
I heard him once talking about Cosmos. Minsan ko pa siyang sinundan kaya't nalaman ko ito. At hindi nga ako nagkamali, hindi lang iisang beses kong nakita si Archer sa headquarters. Minsan ay nanonood pa sa training namin ni Mirae.
Maybe when if I became a part of Cosmos, I'll be close to him. Then eventually he'll be my boyfriend. I almost giggled at the thought, kung hindi lang sana kumirot ang aking sugat.
At kahapon ang araw na para bang ginusto ko ng sumuko. Mirae called me saying I need to be in their headquarters. Akala ko pinatawag ako dahil pasok na 'ko, iyon pala mag-s-sparring! At siya ang kalaban.
Sparring na pwedeng gumamit ng kutsilyo at baril!
It took me one hour to finally give her a wound.
Tumagal ang sparring ng sa tingin ko ay limang oras, o baka nga higit pa. Walang lakas na bumagsak ang aking katawan. Habang siya'y halata mong pagod ngunit mabibilang lang ang sugat sa katawan. Ilang beses ko rin siyang nasaksak at isang beses na napatamaan ng baril ngunit hindi sapat dahil nakakatayo pa rin siya. Samantalang ako, hindi makagalaw at para bang mamamatay na.
She smirked at me. 'Yung tipo ng ngisi na alam mong may kasamaang naiisip. "You know, there are only few members who know my identity."
Of course, I know. Sa ilang linggo kong pagbalik balik rito, masasabi kong totoo nga iyon. Ang iba ay kilala siya bilang miyembro ng Cosmos ngunit hindi bilang namamahala rito.
"Yeah, for your safety, right?" Maraming kalaban ang Cosmos, na sa hindi ko malamang dahilan ay gusto siyang patayin.
"I trained you, because I saw your potential, that soon you'll be one of us."
"I will?" Sarkastikong sagot ko. Mukhang mauuna pa 'kong mamatay kaysa sa maging parte ng Cosmos.
She rolled her eyes on me. "Get up! I'll call Dasher to treat your wounds," she muttered pertaining to a member of Cosmos who I think is studying medicine.
Iyon ang mga salitang binitawan niya bago ako iniwan at hindi man lang tinutungang makatayo.
Pilit kong itinulak ang katawan ngunit agad rin akong bumagsak at muling napahiga.
Ilang ulit ko pa iyong gunawa ngunit hanggang pagupo lang ang aking kinaya.
The door opened after a few minutes. Sa ganoong posisyon ako naabutan ni Dasher at tila agad akong nabuhayan nang makita ang nakasunod sa kanyang likod.
Archer immediately run towards my direction. "Sweetie's too harsh on you. Let me help you." Tinulungan niya akong makatayo ngunit hindi kinaya ng aking mga binti. Maybe he realized I can't stand, he scooped my legs as he carefully carried me.
Nahigit ko ang aking hinigna. Pangpalubag loob ba 'to? Kung gano'n, pwede naman akong magpabaril araw-araw.
I sighed when I suddenly remember something because of that thought.
Focus on your plan, Auriese. Its not having Archer. You know that won't last.
"Sa kwarto ko na, Dash."
Sa kabila ng mga sugat na aking natamo ay nangingiti ngiti ako ngunit agad ko iyong sinupil nang lingunin ako ni Archer.
I let my eyes shut closed as I leaned on Archer's chest.
Dumilat lang ako nang maramdaman marahan niya akong ibinaba. Hindi na ako humiga at nanatili na lamang na nakaupo. Pasimple kong iginala ang tingin sa buong paligid. This is a lot larger than my room.
It looks like a bedroom and a living room at the same time. I was seating on his bed. Sa kabilang sulok ay ang sofa. While a wall mounted television is in front. The center table and the table beside the bed screams modernity as the midnight blue dominated the whole room.
Umupo si Archer sa tabi ko ngunit naglaan ng sapat na espasyo para sa aming dalawa. He turned the television on as Dasher went in front of me.
Sinimulan niyang gamutin ang sugat ko. He even asked me if I want to sleep while he's treating my gunshots. Siguradong masakit iyon kaya't inalok niya kong matulog ngunit agad kong tinanggihan. Archer's here, I can't waste this time and sleep.
"Alright, I'll just give you a shot," he muttered referring to a syringe containing anaesthesia.
Nasa ganoon kaming posisyon nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Archer.
"Sweetie!"
I caught Mirae rolled her eyes at Archer's endearment.
She's holding a small black book while looking directly at me. Lumapit siya sa akin at inabot ang librong nasa kamay.
I extended my hand. Nagtataka man ay agad ko ting kinuha iyon mula sa kanyang kamay. Nasulyapan ko si Dasher na huminto sa ginagawa at nakatingin na sa amin ni Mirae habang may multong ngisi sa mga labi.
"Don't you dare betray me, Dellany. It'll be your death if you did," malamig na sambit niya bago binalingan si Dasher.
"Make it fast, her troop's already waiting for their capo."
I frowned as she started walking out of the room. My lips parted a bit. Capo?
"Welcome to the Cosmos," Dash smirked at me as he continued treating my wounds.
I turned to Archer. He shrugged and smiled at me. "Welcome to the Cosmos! How should I call you?" He asked. Agad kong nakuha ang itinanong niya.
He's Light. Of course, I should be the Dark.
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro