Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LNV: Chapter 9

LNV: Chapter 9

Megan's POV

"Babe... tubig." Ngumiti ako kay Dwayne ng iabot niya ang isang bottled water sa 'kin.

"Salamat..." Ininom ko 'yon ngunit kahit yata ilang bote ng tubig ang inumin ko ay hindi mawawala sa 'kin ang paguhaw.

Pinaypayan naman ako ni Dwayne. Pinupunasan rin niya ang aking pawis sa noo gamit ang kanyang panyo. Kulang na nga lang ay sambahin na si Dwayne ng mga kadalagahan dito. Para bang inggit na inggit sila sa 'kin dahil ako ang girlfriend ni Dwayne. Tulad na lamang ngayon. Nakatitig sila sa 'min ni Dwayne na para bang nanonood sila ng romance movie.

"Naiinitan ka pa?"

Nag-aalalang niyang tanong sa 'kin. Nasa gitna kasi kami ng initan. Nassign sa 'min nila Cyndy ay pagluto ng mga pagkain ng tatlong bahay. Umupo muna ako saglit dahil nangangalay na ko. Sabi naman ni Cyndy ay siya na muna ang bahala.

Sina Dwayne naman ay naatasan na ayusin ang gagawin para mamayang gabi sa bonfire. Imbis na tumutulong siya kina V sa pag-aayos, andito siya sa tabi ko at pinagsisilbihan ako.

"Tulungan mo na sina V..."

He should help him! Ang hirap makita si V na nagbubuhat ng mga dahon ng saging! Ni-hindi nga siya pinagbubuhat nila Tita Aliyah tapos pagbubuhatin siya dito! What if he get scratches?!

"But you need me here..."

Ibubuka ko palang sana ang bibig ko ng masulyapan ng aking mata si Trix na malungkot ang mga mata na nakatingin sa 'min ni Dwayne. Napatingin rin si Dwayne sa direksyon kung saan ako nakatingin. Agad na nag-iwas ng tingin si Trix at muling naging abala sa kanyang naatasang gawin.

Napayukom ang aking palad. They accidentally kissed last night. Ni-hindi man lang nabanggit sa 'kin ni Dwayne. I know him. Si Dwayne yung tipo ng tao na pag may lumapit man lang sa kanyang babae, magsasabi siya sa 'kin kaagad. Kahit nga aksidenteng nahawak siya ng isang babae, sasabihin na niya mismo 'yon sa 'kin. Ni-walang bagay sa mundo na hindi sa 'kin sinasabi ni Dwayne.

He doesn't like girls. That's a fact about him. Bibihira lang siyang lumapit sa mga babae. Kung meron man siyang kaibigan na babae, mabibilang mo lamang 'yon.

"They need you there..."

Dahan dahang tumango sa 'kin si Dwayne. Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang umalis. Nang makalayo si Dwayne ay naglakad ako sa direksyon ni Trix.

"Trix..." Napaangat ang ulo niya ng tawagin ko siya. Natataranta siyang tumayo at inayos ang sarili. Para bang hiyang-hiya siya sa presensya ko. Dahil siguro alam niyang may nagawa siyang kasalanan. She just accidentally kissed a committed guy.

Trix is just tall as me. She's 2 years younger than us pero kakaiba ang built ng katawan niya. She has this perfect curves kumpara sa 'kin!

"Let's talk..." Nauna akong maglakad. Niligon ko pa nga siya pabalik para lang isenyas na sundan ako. Tila ba nagdadalawang isip pa siya kung susunod siya sa 'kin. Nagsimulang magbulungan ang mga kaibigan niya. Kahit si Cyndy ay nakatingin lang sa 'min.

Huminto ako sa may isang ilalim ng isang puno at umupo sa isang malapad na kahoy na upuan doon. Umupo si Trix sa tabi ko at halos kita ko ang kanyang pamumutla. Do I look like I'm going to hurt her?

"A-Ate Megan... S-Sorry po!"

Nakatungo niyang sabi sa 'kin. Hinawakan niya pa ang mga kamay ko. "Sorry po talaga. A-Aksidente lang po! W-Wala pong ibig sabihin 'yon!"

"For Dwayne, walang ibig sabihin 'yon. But for you..." I took a deep breath, "I know you like him, Trix..." Nilingon ko siya at halos dumugo na ang labi niya kakagat don.

"W-Wala po akong balak na guluhin kayo ni Kuya Dwayne..." And now, tears start falling from her eyes. I want to comfort her. Because it's not actually a big deal. Gusto ko siyang kausapin dahil may gusto akong hilingin sa kanya.

Inabutan ko siya ng aking panyo na agad naman niyang tinanggap 'yon at pinunas sa kanyang mga luha, "Pero gusto mo siya hindi ba?"

She was stunned for a moment before answering. "O-Opo..."

"Kailan pa?"

"Since first year po..."

Something inside me telling me that Trix is really the one for Dwayne. Na hangga't maaga pa, kailangan ko ng pakawalan si Dwayne para makita niya ang babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo.

"Make him fall for you..." Her eyes widened and her mouth hanged opened out of shock. "Make him confused... Make you his girlfriend and make him break up with me..."

"P-Po?"

I tried to smile, "I'm not good for Dwayne. I'm not the right girl for him. Gusto ko ng makipaghiwalay pero natatakot ako na kung anong maaaring pwedeng mangyari kay Dwayne. But if you're the reason why we're going to break up, at least hindi siya maiiwan na mag-isa. Will you do it for me, Trix?"

She still doesn't respond yet. Para bang naguguluhan siya sa mga nangyayari. Ilang buntong hininga pa ang kanyang pinapakawalan.

"This will be our dirty little secret, Trix..."

"You think I can do that, Ate Megan?"

And a smile formed in my lips. "I'll help you... So, it's a deal?"

Napawi ang lungkot sa mukha ni Trix. Nabuo ang ngiti mula sa kanyang labi. Tumango siya at agad akong niyakap. "I was about to give up, Ate Megan. Thank you so much!" Natatawa ko siyang niyakap pabalik.

This is for you, Dwayne I want you to be happy.

--

"Si V?" Tanong ko kay Jun na kasa-kasama ni V sa pagbubuhat kanina ng dahon ng saging. Kakatapos lang namin na kumain ng tanghalian. Kumain kaming lahat sa may isang bakuran. Sa may dahon kami ng saging kumain. Boodle fight ang naganap.

Nahagip ng mata ko si Erin na abala sa pag-aayos ng pinagkainan namin. Si Dwayne naman ay kasa-kasama ni Brix na nabili ng pangmiryenda para mamayang hapon. Ang mga lower years ay abala sa pagpapractice ng performance mamayang gabi. Ang mga 5th year naman ay nag-aayos ng palaro para mamayang gabi upang magkaroon ng kasiyahan.

"Inutusan ni Sir Roque na kumuha ng kahoy para mamayang gabi sa bonfire." Nanlaki ang mga mata ko.

"He's alone?"

"Hindi. Kasama niya sina Kali, Sean and Jomary." Nakahinga ako ng maluwag dahil don. Ngunit ng ilibot ko ang mata ko ay nakita ng nakaupo sina Kali na nagtatawanan.

Nagtungo ako sa direksyon nila at hinanap sa kanila si V, "Andito na pala kayo. Asan si V?"

Nagkatinginan silang tatlo, "Nagpaiwan. May nahulog yata. Hahanapin daw muna niya."

"And you left him? Alone?"

Pinasadahan ko ang aking buhok gamit ang isang kamay ko. "Saan kayo kumuha ng kahoy kanina?" Tinuro nila ang isang mapunong lugar. I don't know if it's forest or what. Siguro naman ay may bahay bahay doon sa loob paglakad ko sa punong lugar na 'yon.

"May mga kabahayan ba don? Baka maligaw kasi ako e..."

Tumango sila, "Dyan lamang sa bukana may mga ilan ilan na kabahayan. Wag ka lang lalayo. Naligaw rin kami kanina e. Kung wala lang kaming napagtanungan na mangangaso ay baka hindi pa kami nakakabalik dito."

Hindi ko na sila sinagot pa at agad na tumakbo papuntang tent ko. Kinuha ko ang aking jacket at tinali ito sa aking beywang, nagdala rin ako ng maliit na flashlight, lipstick at sinilid ang phone sa bulsa ng aking shorts.

Tumakbo na ako at nagtungo sa may punong lugar na 'yon. Narinig ko pa ang pagtawag sa pangalan ko ni Cyndy pero hindi ko na ito pinansin.

"May lalaki po bang napadaan na dito?" Pinakita ko pa ang picture namin na magkasama ni V sa phone ko doon sa dalawang matanda na may buhat buhat na mabibigat na kahoy sa kanilang likod. Umiling lamang sila sa 'kin kaya naman agad na akong naglakad papalayo.

Iilang tao lamang ang napagtanungan ko ngunit ni-isa sa kanila ay hindi nakita si V. Bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman na napalayo na pala ako. Kabisado ko naman ang daan dahil nag-iwan ako ng mga marka sa puno gamit ang lipstick na dala ko.


"V!"


Hiyaw ko. Nagbabakasakaling marinig niya ako. I know he's still here. Ni-wala pang nakakakita sa kanya palabas.

"V!" Muling tawag ko pero wala pa ring sagot. Napakamot ako sa aking binti dahil kung ano anon g insekto na ang nakagat sa 'kin. I need to find him now. Baka magdilim na. Kailangan makabalik kami ng maaga.

I was about to take the left turn when I heard someone groaning in pain on the right turn. Hindi na ko nagdalawang isip pa at agad na kong tumakbo sa may kanan.


"Uhh! T-Tulong..."

"Vince!"


"M-Megan... Help me!" His right foot is bleeding to death. Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ako takot sa dugo. But seeing V in a pain like this... it's killing me alive!

Pilit na tinatanggal ni V ang matulis na bagay sa kanyang paa. Lumuhod ako at nakita ang isang matulis na bagay na nakatusok sa kanyang paa. Mabilis kong tinanggal ang jacket ko at nilatag 'yon sa may lupa. Pinatong ko roon ang paa ni V.

His sweat reached his neck. Basang-basa rin ang buhok niya ng pawis. Inis kong ginulo ang buhok ko dahil hindi ko alam ang dapat gawin.

"Call E-Erin... I need Erin... Please, Megan..." His voice is pleading.

Dinukot ko ang phone ko sa 'king bulsa at tinawagan si Dwayne. Erin won't help. Wala naman siyang magandang naitutulong sa buhay namin.

"Hello?! Dwayne! Help! Si V! He's injured! May tumusok na matulis na bagay sa paa n-niya! Parang basag na salamin! Help, Dwayne!"

Nagkaroon ng ingay sa kabilang linya. Alam kong nahingi na ng tulong si Dwayne. Pinakinausap sa 'kin ni Dwayne si Sir Roque. Sinabi ko na may nakikita akong isang maliit na kubo sa di-kalayuan. Ipapahanap raw kami bago magdilim sa mga binatilyo at matatanda na alam ang pasikot-sikot dito.

"V, hinga lang... Kailangan kong matanggal 'to..." Hinawakan ko ang kamay niya. He needs to be strong. I'm here. Hindi ko siya pababayaan.

"I tried, Megan. I tried! I just c-can't!" Naiiyak na niyang sabi sa 'kin at nakita ko sa kanyang kamay ang mga hiwa at dugo. Natataranta kong kinuha ang aking panyo sa may bulsa ng jacket ko at binalot iyon sa kamay ni V na puro hiwa at dugo.

"You'll get hurt, Megan. Let's just wait someone to remove this. I can't let you get hurt!" Namumutla na ang labi ni V ng sabihin niya 'yon. Para bang konting oras nalang ay mahihimatay na siya.

"I don't care! I'd rather bleed my hand than seeing you hurt!" With no having second thoughts, agad kong hinawakan ang dulo ng matulis na bagay na 'yon.

"MEGAN!"

I didn't listened to him at pilit na tinatanggal ang matulis na bagay na 'yon. I groaned when I felt the pain. May hiwa at dugo na rin ang kamay ko. But I don't care! I need to save V! Malayo ito sa bituka!

"MEGAN!"

And in just another pull, I finally removed it! Nang matanggal ko 'yon ay agad kong tinapon sa malayo ang matulis na bagay na 'yon. Someone maybe accidentally dropped this in here!

"V... it's okay now..." I assured him. Dahan dahan kong tinanggal ang sapatos niya at nakita na halos balutin na ng dugo ang kanyang buong kanang paa. Binalot ko 'yon ng jacket ko.

"Can't believe you found me..." He said. I looked up and met his eyes. He's staring at me. "Akala ko walang maghahanap sa 'kin..." Tears are still flowing in his eyes. He's sensitive. Iparamdam mo lang kay V na mag-isa siya, maiiyak na 'yan. "I was about to give up, Megan! Nagsorry na nga ako kay Lord sa mga kasalanan ko! Bleeding for an hour is no joke. I already have my death wish... B-But you came... I still can't believe it..." His voice cracked.

I hugged him... tight.


"Even if I need to turn the world upside down just to find you, I'll do it... I'll always look for you, V. I'll be always looking for you." He hugged me back as he cried out louder.

- - - - - - - - - - - - -


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro