LNV: Chapter 8
LNV: Chapter 8
Dwayne's POV
"Oh, ayos na kaagad kayo ni Megan?" Akbay sa 'kin ni George na block 501. 5th year sila at matalik ko rin silang kaibigan. Sa kanila ako nahiram ng notes at nagpapatutor minsan.
Nakangiti akong tumango, "Ah, oo." Pinagpag ko ang pwetan ng pantalon ko. Tapos ko nang gawin ang tent ni Megan at Cyndy.
"Sayang naman! Balak naming pormahan si Megan e." Napayukom ang palad ko. Harap harapan nilang pinapamukha sa 'kin na gusto nila ang girlfriend ko.
Humarap ako sa kanila, "Malapit na kaming maka-graduate. Isang halik naman kay Megan oh!" I was about to throw a punch on George but Brix held me.
"They are seniors, Dwayne! Just calm down! Nakatingin sa 'tin ang mga bata!" Napapikit ako sa sobrang inis. Nagsitawanan lang sina George pati na rin ang mga kasama niya bago umalis sa harapan ko.
"Pre, kung may gusto sila sa girlfriend mo, anong gagawin mo? Hindi ba magagalit ka rin? Bakit mo pa ba ko pinigilan?" Naiinis kong sabi kay Brix.
"Nakatingin nga dito ang mga bata. Makakasaksi pa sila ng away kung sakaling hindi mo napigilan ang sarili mo." Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga. May araw din sa 'kin yang si George. Napakagago. Akin lang si Megan! Walang pwedeng magkagusto sa kanya!
Kinuha ko ang cellphone ko sa may bulsa at tinext si Megan na andito ako sa cover court. Andito kasi tinayo ang mga tent. Dito nagbabasketball ang mga kabataan. Sa ngayon, ginamit muna ito para mapagtayuan ng tent dahil maulan at ito lamang ang may malaking pandong dito.
Kakasend ko palang ng message ko ng biglang tumulo ang malakas na ulan. Asan na ba si Megan? Na-assign sila na magbigay ng can goods sa mga bahay bahay. Pero, saan siyang bahay na-assign? Aysh! Hahanapin ko nalang siya.
Binuksan ko na ang payong ko at papatakbo na sana ako sa may ulan ng biglang may kumuhit sa likod ko, "Kuya Dwayne..."
"Oh, Trix bakit?" I know her. She's also a Chemical Engineering Student, 2nd year. At sa pagkakaalam ko, may gusto siya sa 'kin dahil napapansin ko 'yon sa pang-aasar ng mga kaibigan niya pag andyan ako.
"Pinapatawag po kayo ni Sir Roque."
Napakunot ang noo ko, "Bakit daw?"
"May ipapayos daw po ata sa'yo." Nahihiya niyang sabi sa 'kin. Tumango na lamang ako at sumama sa kanya. Hindi pa din ako mapakali. Baka maulanan si Megan. Sakitin 'yon. Pagkatapos na pagkatapos akong makusap ni Sir Roque, hahanapin ko kaagad si Megan. Hindi pwedeng nawawala siya sa paningin ko.
Megan's POV
"This is not me anymore, Megan. Can't you feel?"
"It's still you, V... The old V I grew up with." Mapait akong ngumiti sa kanya, "And to be honest... Yeah... You're slowly changing."
I can feel V's heavy breathing. See? Ayan ang nagagawa sa kanya ni Erin. She's changing him into a different person. That's why I want to get rid of her. That's why I want her out of my life... our life.
"I feel bad to your parents..." I whispered but he still heard it that's why he stared at me for a second before looking away. As he looked away, a grinned formed in corner of my lips. I'll make him realize everything. That Erin is a bad influence. "They are not looking at you anymore. Unti-unti na silang nawawalan ng paki sayo." I know it may sound harsh but I need to say this for him to wake up.
"Lumaki naman ako ng wala silang paki sa 'kin e." He even fake smile, hiding his tears. I know him. I know him better anyone else. Mas kilala ko pa nga siya kesa sa sarili niya.
Umiling ako, "You grew up with all the attention, V. Ikaw ang walang paki sa magulang mo simula pagkabata palang natin. Remember? Your mom is sick and you chose to play with Erin in their house that time! Remember when your Dad got into car accident? Asan ka ng panahon na nasa hospital kami? Di ba nasa bahay ka nila Erin?" I clenched my fist. "Yung araw na naligaw ako? Natatandaan mo ba?" I bit my lower lip, stopping myself to be in tears.
"Megan..."
Hinawakan ni V ang kamay ko pero iniwas ko 'yon. "I'm asking you. Naalala mo ba?" I sounded like a mad dog here.
Napatungo si V at para bang inaalala ang memorya na pilit kong pinapaalala sa kanya. "W-Wala akong maalala. K-Kailan 'yon?"
I looked away, "Forget it."
Tngna, Megan. How can you bring that up? Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. That time... I got lost. Ako dati ang third wheel sa date nila ni Erin noon sa Manila Ocean Park. Napahiwalay lang ako dahil may binili akong souvenir. Pagtingin ko, wala na silang dalawa. Ilang oras akong paikot-ikot doon. I looked like I lost child!
I'm not familiar in that place that's why I got lost. Kung saan saan ako nakarating kakahanap sa kanila. I even texted them pero walang reply. Pilit ko rin silang tinatawagan pero walang nasagot.
After hours, Dwayne found me. Hindi ko alam kung bakit siya andon. Basta siya ang nakakita sa 'kin. I'll never forget how Dwayne's hug made me feel warm in his arms.
Si Dwayne ang naghatid sa 'kin noon pauwi. Pagkacheck ko naman ng phone ko ay puro tadtad ako ng texts nina Erin at V. Nag-sorry sila dahil nawala ako, na hindi nila ako nahanap at nauna na silang umuwi. Ang gago, di ba?
Kinabukasan noon ay parang walang nangyari. Si Erin lang ang nag-sorry sa 'kin at para bang walang kaalam-alam si V na naligaw ako. He's really a jerk. Damn bastard.
"Megan... I-I'm sorry... How can I make up to you?" Lumambing ang boses ni V. Umusod pa siya sa 'kin ng kaunti dahilanan para magtama ang braso naming dalawa. Inakbayan niya ako at ngumiti, "How can I make up to you, huh? Madami na rin akong pagkukulang sayo e..."
I just gave him a blank stare.
Will you break up with her?
Will you forget her for me?
Will you love me?
"Uy! Ano na? You're always spacing out!"
Muli akong nag-iwas ng tingin, "Make up with your parents. That's what you can do for me. Wag ka ng bumawi sa 'kin. Sa magulang mo ikaw bumawi." Words that made you stared at me.
I mean it, V. I really mean it. Hindi sa gusto ko na gumaan ang pakiramdam mo sa 'kin dahil sa sinabi ko. I really want you to make up with your parents. Your family first before anything else.
Ilang minuto rin siguro siya sa 'king nakatitig dahilanan para mailing ako. V never stared at me for a long time like this. Nakakailang.
"Baka matunaw na ko nyan..." Biro ko dahilanan para mapaiwas siya ng tingin at natatawang napakamot sa may batok niya. "Can't believe you'll open up like this... Lumayo na kasi ang loob mo sa 'kin e." Saad ko.
Hindi ko talaga alm kung anong sumagi sa isipan ni V at bigla nalang siyang mag-open up sa 'kin. These past few months, ni-kahit anong problema ni V ay wala siyang sinasabi sa 'kin. Kahit magkasama kami sa condo unit ko, hindi siya nagkukwento o hindi napupunta sa seryosong usapan ang usapan naming dalawa. Palagi lamang kaming biruan.
"Nakakamiss rin kasi na may taong nakikinig sayo..." He said while didn't even bothered to look at me. Nakatingin lamang siya sa kung saan at para bang ang lalim ng iniisip. Umayos siya ng upo at pinaglaruan ang kanyang mga daliri habang nakatungo. "Hindi ko naman masabi kay Erin dahil alam kong pipilitin niya akong umuwi. Eh hindi ko naman matiis na hindi sundin 'yon..."
Napamura ako sa 'king isipan. So that's why he's not opening up with her? Dahil alam niyang pipilitin lang siya ni Erin na umuwi? Tapos wala siyang choice kundi ang sumunod? Fvck! I thought I was special! Akala ko ay sa 'kin niya lang talaga sinabi 'to!
"Ah..."
Yun nalang naman ang sinabi ko. Nawalan na ko ng gana na magsalita. Para bang nakakatamad ng magsalita at kahit maibuka ko man lang ang bibig ko ay hindi ko magawa.
"Nagugutom ka na ba? Tara balik na tayo sa cover court..."
Tumango na lamang ako at nauna ng maglakad. He even run para lang masabayan ako. "Pag balik natin sa Manila, double date tayo ah? Para wala ng curfew si Erin! Pag kasi kasama ka, ayos lang kina Tito Erick at Tito Annalyn e."
"Oo na..."
That's why they really like to have a double date. Para walang curfew si Erin. Kahit gabihin sila, basta kasama kami ni Dwayne, ayos lang sa magulang ni Erin. Ang kinakatakot lang naman nito ay kung palaging nagsosolo si V at Erin. They are 4th year students! Mamaya ay kung anong gawin nila! Uso ngayon ang buntisan at naiimagine ko palang na magiging ama si V ay nanggagalaiti na ko.
Nang makabalik kami sa cover court ay mayroong hiyawan na nagaganap. Naglalaro ang mga 5th year na sina Kuya George kasama ang kanyang barkada kalaban ang mga binatilyo dito sa outreach.
"Go George!"
"Isa pang shoot, Ryan!"
"Pakitaan na lang ng abs ano?!"
"Paputian nalang ano?!"
"Sus! Lamang lang naman kayo ng mga ligo sa mga 'yan pero mas magaling sila sa inyo!"
Malakas na hiyawan nina Hera na siyang ikinatawa ko naman. Nilingon ko si V sa 'kin katabi at napansin ang malikot niyang mata. I looked away. I know he's looking for Erin. Anong bago di ba?
Gusto ko ring makihiyaw. Gusto ko ring maki-cheer. Kung pwede lang na isigaw ko ang galit ko kay Erin, gagawin ko ng gumaan gaan naman 'tong kinikimkim ko sa puso ko.
Pahakbang na sana ako papunta sa direksyon nila Hera ng nagulat ako dahil sa paghawak ni V sa may magkabilang balikat ko mula sa may likuran ko. "S-Saan tayo pupunta?" Pilit ko siyang nililingon sa may likod ko pero hindi ko makita ang reaksyon niya.
Mas binilisan ko pa ang paglakad ko dahil ang bilis niyang maglakad sa may likod ko na para bang may hinahabol kami. Umupo kami sa isang bakanteng upuan na kung saan may kakaalis lang na mag-ina. "Gusto mong tubig?"
Tumango lamang ako sa kanya. May kinapa siya sa bulsa niya at may kinuhang pera. "Teka ibibili kita." Bago pa man makatayo si V ay bigla ng sumulpot na para bang kabute si Erin.
"Loves! Kanina pa kita hinahanap!" Malambing na boses na sabi ni Erin kay V at yumakap dito. Nagkaroon ng konting bulungan ang mga dalagita at binatilyo na nakikinood sa laro ng basketball. "Nawawala yung necklace na binigay mo sa 'kin..."
Pasimple akong umirap. Burara mo kasi! Palibhasa hindi mo alam kung gaano katagal pinagipunan 'yon ni V para lang mabili niya 'yon nong 18th birthday mo!
"Hahanapin ko lang si Dwayne." Sabi ko sa kanila ng makatayo ako sa kinauupuan ko. Hindi naman sila sumagot parehas. Well, expected na 'yon. Si V? Mapansin ako pag andyan na si Erin? No way! That's a miracle! Option lang naman ako sa buhay ni V. That's my role.
Hinanap ko kung kani-kanino si Dwayne. Ang nakakainis ay wala man lang makapagsabi sa 'kin kung nasan ito. Nang hindi ko mahanap si Dwayne ay nagtungo ako kung nasaan sina Hera.
"Uy, yung Dwayne mo bantayan mo!"
Ayan kaagad ang bungad sa 'kin ni Nikki na nasa gawing kaliwa ni Hera, "Si Dwayne yung tipo ng lalaking hindi na dapat binabantayan. He's more loyal than to my dog!" Nagtawanan sina Andrew at Jd. Sinamaan ko lamang sila ng tingin at malakas na hinampas ni Hera ang braso ng dalawa. How can he compare Dwayne to his dog?
"Why?! I'm telling the truth!" Natatawa pang sabi ni Jd.
I just rolled my eyes on him at binaling ang atensyon sa naglalaro ng basketball. Saktong pagtingin ko ay nakita ko si Ryan na hawak hawak ang kanyang braso. I think he's injured! Nilapitan siya ni Coach Sta. Maria at pinahinto muna sa paglalaro. Nakahinga naman ako ng maluwag don. Ryan is a good friend of mine. Siya ang dahilan kung bakit nakapasa ako sa Organic Chemistry noon. I used his old notes at madalas akong nagtatanong sa kanya tungkol sa acads.
"Oh... wala si Trix?"
Napalingon ako kina Nikki at Hera na nakatingin sa may kabilang bleachers. Napansin ko na wala iyong 2nd year student na sinasabi nina Hera. She's the prettiest in her batch. Aminado ako don. Nakakalaban ko siya noong 3rd year ako samantalang siya ang 1st year lamang. She has this brain and beauty that can made boys drooled over her. Pero dahil andito pa ko... She can't please them. I'm every guy fantasies here.
"Syempre wala dyan si Trix! Magkasama sila ni Dwayne e..." Bulong ni Nikki kay Hera na rinig ko naman.
"Magkasama?"
Sabay silang napalingon sa 'kin at napakagat ang labi, "O-Oo. Nasa office sila ni Sir Roque. May inaayos yatang donations..."
My jaw clenched. Trix likes Dwayne. That's a fact. I know she set up this! Para magkasama sila ni Dwayne! Nagmadali akong nagtungo papunta sa barangay hall kung saan andon ang office ni Sir Roque.
Binati ko ang mga guro at ang kapitana pagkapasok na pagkapasok ko. Tumakbo agad ako sa may silid kung saan ang office ni Sir Roque. Balak ko sanang kumatok dahil baka nasa loob rin si Sir Roque ng marinig ko ang usapan sa loob.
"Kuya Dwayne, sorry talaga..."
"Okay lang... Hindi mo naman sinasadya..."
"Sorry pa rin po talaga! Nakakahiya po!"
"A-Ayos lang. I-Is that your first k-kiss?"
Nanlaki ang mata ko at napaawang ang aking bibig. Tama ba talaga 'tong naririnig ko? W-Wait! T-They kissed!?
"O-Opo..."
"I'm sorry that I was your first kiss..."
Lumayo ako sa may pintuan at napayukom ang aking palad. Bakit ganito? What's wrong with me? Dapat masaya ako. Kasi may babae na na unti-unting napasok sa buhay ni Dwayne. They even kissed. Kahit aksidente lang 'yon, nag-kiss pa rin sila.
I want to get inside. I want to confront them and accused him cheating on me. It's a good opportunity for us to break up anyway. But I just found myself walking away with the feeling of a heavy heart.
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro