Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LNV: Chapter 7

LNV: Chapter 7

Megan's POV

"Megan tabi tayo sa bus!" Masayang bungad sa 'kin ni Cyndy pagkadating ko. Nang makita niya si Dwayne sa likod ko at dala dala ang mga gamit ko ay sinundot niya ako sa tagiliran. "Bati na pala kayo ah!" Kinikilig na sabi ni Cyndy sa 'min.

Napakamot nalang ako sa may batok ko. Ganoon din naman si Dwayne at parehas kaming napangiti. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay Dwayne. I know that I'm not inlove with him... but I can't let go of him. Para bang iniisip ko palang na hawak ng iba si Dwayne hindi ko na kaya. Hindi ko kayang makita na may ibang nagpapasaya kay Dwayne. Yeah, I'm a selfish person. That's why I hate myself.

"Lovebirds na ulit!"

Lahat kami ay inaasar ng aming mga kaklase. Ang ibang block section ay na disappoint dahil ayos na ulit kami ni Dwayne. Well, kahit naman maghiwalay kami ni Dwayne ay wala naman silang pag-asa. Dahil kahit anong tulak ko kay Dwayne, alam ko na sa akin pa rin ang balik niya.

"You texted him that night..."

I said while gritting my teeth on Cyndy. Nag-peace sign lang siya sa 'kin at bumulong, "Gusto ko kasi na magkabati na kayo."

Hindi gusto ni Cyndy si V para sa 'kin. She hated V so much. Kaya niya ayaw sumama sa grupo namin dahil naiinis siya kay V at Erin. Masyado raw PDA. Plus, V never looked at me. Ako yung palaging andyan sa tabi niya pero nababaliwala na lang ako pag andyan na si Erin.

"Ikaw talaga ang kupido pagdating sa 'min ni Dwayne 'no?" Parehas kaming natawa ni Cyndy.

Siya rin kasi ang naglakad kay Dwayne sa 'kin. Halos isang taon siyang nagkukwento sa 'kin sa lahat ng magagandang bagay kay Dwayne. Dahil sa tulong ni Cyndy, naging kami.

"All I want is for you to be happy, Megan. You deserve Dwayne. He can makes you happy. Unlike that guy." Ngumuso siya kay V na pinapayungan ngayon si Erin. They looked so happy... as always. As they looked into each other's eyes, andun pa rin yung sparks. Damn that sparks! Nagsisimula na namang mag-init ang dugo ko.

Umakbay sa 'kin si Dwayne at bumulong, "Pinagpapantasyahan ako ng mga block 402 oh..." Binaling ko ang tingin ko sa grupo ng mga babae na nakatingin kay Dwayne. Kinikilig sila at naghahampasan pa.

"Pinagseselos mo ba ko?"

Natatawang umiling si Dwayne, "Ofcourse not. Sinasabihan lang kita na pag hiniwalayan mo ko madami ang gustong pumalit sayo." Hinampas ko siya ng mahina sa kanyang braso. Alam ni Dwayne na ayoko sa lahat ay yung inaagawan ako ng pwesto. If it's mine, that's mine. I'm the only one who can have it.

"Joke lang. Alam mo namang ikaw lang..." Sumandal siya sa balikat ko, "After our kiss last night, I don't think I can let you go..." Kinurot ko naman siya sa tagiliran. Buti nalang ay malayo na sina Cyndy sa 'min. Nakakahiya pag narinig nila!

"Megan!"

"Dwayne"

We both turned our heads and saw V & Erin coming... the love of my life and the witch. Yumakap sa 'kin si Erin, "I'm glad bati na kayo ni Dwayne... I'm so happy for you guys..."

Umakbay naman si V kay Dwayne, "Bati na pala kayo! Ayos 'yan! Double date, game?" One side of my lips curved. Yes! Makakasama na ulit ako sa date nila! Malalaman ko na rin kung ano ba ang ginagawa nila. I want to know more why V is bewitched by Erin.

Dumating na ang service namin na bus. Tinulungan ako ni Dwayne dalhin ang mga gamit ko. Hindi ko kasi kaya ito gawa ng mga can goods, old clothes na dala ko para sa mga pagbibigyan ko don. I even have toys for them. I may be bad but I'm good to others. I'm only bad when it comes to Erin.

Umupo ako sa may tabi ng bintana at si Dwayne naman sa tabi ko. Sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko, "Pagod ka ba?" Tanong ko sa kanya. Wala namang dahilan siya para mapagod o kaya mapuyat. Maaga rin kaming naghiwalay kagabi. Pagkatapos lang naming mag-usap ay pinauwi ko na siya dahil ayoko siyang gabihin sa daan.

Tumango siya sa 'kin habang nakapikit, "Because of our kiss, I can't sleep all night." I heard his silent laughed. Gusto ko siyang kurutin pero hindi ko na magalaw ang kamay ko dahil sa nakapatong niyang ulo sa may balikat ko.

Sumilip ako sa may bintana at napangiti. That's our very kiss. Normally, we just always did peck kiss on the lips and kissed on the cheeks. Last night was the very first kiss that we shared. I can't help but to smile.

Nabaling naman ang ulo ko sa kanan kung saan andon si V at Erin. Erin is sleeping on V's shoulder. Parang kagabi lang nakalimutan ko yung sakit dahil kay V. Ngayon, nabalik na naman ang lahat. I'm starting to feel this emptiness again. Wishing that I should be in Erin's place. Na dapat ako 'yon at hindi siya dahil singit lang siya sa 'min. Kami ni V ang tinadhana. Simula bata palang, kami na ang magkasama. But she came... and ruined everything.


-Flashback-

17 YEARS AGO...

"Megan... Will you help me to build this castle?"

Binaba ko yung manika na hawak hawak ko at lumapit kay Vince. We're here at his room and playing toys. I helped him just like he asked me to do.

"This is me..."

Tinaas niya yung prinsipeng laruan na hawak niya. Kakatapos lang namin mabuo yung castle. "And this is you..." Sabi niya ng itaas niya ang prinsesang laruan.

"You're my prince?"

He nodded, "Yes. And you're my princess..."

"Daddy said my prince should be a grown man... But you're just a small kid!"

He pouted his lips, "I can be a grown man someday said Daddy!"

I nodded as I pouted my lips, "Why am I your princess? I'm not pretty... Daddy said a princess should be pretty."

Vince suddenly kissed me on the lips, "You're pretty, Megan... Someday, I'll marry you and take you to this castle. Will you come with me when that time comes?"

I nodded my head as I smiled on him.

-End of flashback-


Napangiti ako ng maalala ang first kiss ko. We were both young that time. We're just a 3 years old kid who knew nothing in this world. I'm not yet inlove with him back then. Narealize ko nalang yung feelings ko noong 8 years old ako at andyan na si Erin sa mundo namin.

We met her at the age of 5 years old. At the age of 5, mabilis na akong nagmature dahil nagkaroon na ako ng insecurity sa sarili ko. I hated Erin for stealing V.

V, kung wala siguro si Erin sa mga mundo natin ngayon ay masaya na tayo. Tayo na... Sabay na nangangarap... at nagmamahalan. Did you remember what you said when we were young? That you'll marry me and take me to your castle. Nakalimutan mo na ba? Napayukom ang palad ko. Ofcourse, hindi mo na tanda 'yon. Because a witch stole you away from me.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na rin pala ako. Nagising ako na ang ulo ko sa may balikat ni Dwayne. Kung hindi dahil sa ingay, hindi ako magigising. Andito na pala kami kaya nagkaroon na ng ingay dito sa loob ng bus.

Nagunat unat ako at niready na ang bag ko. Nang makababa kami sa bus ay may agad na yumakap sa may hita ko. I looked down and I saw a little boy. "He seems to like you..." Ginulo ni Dwayne ang buhok ng maliit na bata na 'yon. Lumuhod ng kaunti si Dwayne at binigyan ng lollipop yung bata, "Anong pangalan mo?"

"David po..." Binalatan ni Dwayne yung lollipop at muling binalik dun sa bata. "Girlfriend niyo po siya?" Turo sa 'kin ni David.

Natatawang tumango si Dwayne, "Oo."

"Crush ko po siya!" Pagkatapos ay tumakbo na papalayo sa 'min si David. Naiwan kami ni Dwayne na nagtatawanan.

"Hanggang sa probinsya ba naman may kaagaw ako..." Inakbayan niya ako nang makita na nakatingin sa 'kin ang mga binatilyo sa may tindahan doon.

"Wala e. Niligawan mo ang magandang tulad ko. Magsisi ka." Natatawa kong sagot sa kanya. It's his fault. He fell for a beauty like me. A beauty like no one can resist. No, scratch it. A beauty that V never noticed.

Nagtipon tipon muna kaming lahat at inannounce ng president ng HowardChEss ang dapat gawin. Dun kami sa may malawak na bakuran magtatayo ng tent. Pinagiingat rin kami doon sa may katabing gubat dahil nababalitaan na marami raw ang nawawala doon. Ang mga ka-classmate ko naman ay na-curious at pinaguusapan ng pumunta sa gubat mamayang gabi.

Ang mga lalaki ang na-assigned na magtayo ng tent. Kaming dalawa ni Cyndy ang magkasama sa tent dahil pinagbabawal ng President na magtabi ang lalaki at babae. Naisip ko sina V at Erin. Sinong makakasama ni Erin sa tent? She doesn't have any friends. Kami lang tatlo ang kanyang kaibigan.

Kaming mga babae naman ay na-assigned na tumulong sa pagaayos ng groupings. Sina Dwayne, Cyndy, V at Erin ang ka-grupo ko. Sinama ko si Cyndy para tulungan akong magbigay ng can goods. We're supposed to tke a rest for this day and played with some other kids. Bukas namin gagawin ang task kung saan tutulong kami sa pagiigib, paglalaba at pagluluto.

"Ate Megan..."

Muli na namang niyakap ni David ang mga hita ko. Papalabas na kasi kami ng bahay nila at awang awa ako sa sitwasyon nila. Kahoy lamang ang bahay at lupa ang kanilang sahig. Lumuhod ako ng kaunti at ginulo ang buhok nito, "Gusto mong sumama sa 'kin?"

Masasaya siyang tumango sa 'kin. Si Cyndy muna ang pinabigay ko ng mga can goods sa iba pang natitirang bahay. Nagpasama ako kay David sa kanilang palengke. Maputik, mabaho... Ayan lamang ang masasabi ko. Kung alam ko lang na ibang iba pala ang pamilihan ng pagkain sa probinsya eh di sana nag-sapatos na ko. I'm just wearing a doll shoes. Pakiramdam ko ang lansa lansa ko na.

"Maganda ba?" Tanong ko kay David ng isuot sa kanya ang tsinelas na binili ko para sa kanya. Nagtatalon ito at niyakap ako. I didn't know that I would feel this comfortable to be with this little kid. Ayoko ng mabaho, madungis... David was like that. Kung hindi ko pa siya pinaliguan kanina, hindi siya babango ngayon.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin, "Tama nga po talaga si Kuya V. Ang bait bait niyo raw po."

Napakunot ang aking noo sa sinabi ni David, "Kuya V?"

"Opo. Yung alien po. Hehe."

And I smiled... He's talking about V... my Vince. "Paano mo siya nakilala?" Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya habang naglalakad kami.

"Binigyan niya po ako ng chocolate kanina. Ang sabi niya po lumapit ako kay Ate Megan dahil bibigyan niyo raw po ako ng madaming pagkain." I laughed. Hindi man ako pinapansin palagi ni V, I know that there's inside him that knew everything about me. He always hides his feelings and that made me feel that may be... somewhere in his heart... I'm in there. He doesn't even realize it yet dahil andyan pa si Erin.

Nang maiuwi ko siya ay para bang ayaw niya pang iwan ko siya sa mga magulang at kapatid niya. His family looks nice. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magpaiwan. "Babalik ako. Promise. May aayusin lang si Ate Megan saglit." His crying that made me doesn't want to leave him. Para bang gusto ko nalang siya isama doon sa tent namin ni Cyndy. "Ah... ganito nalang. Nakita mo yung malaking duyan don sa may puno? Pagkabalik ko dito, babasahan kita ng story at hihiga tayo don. Gusto mo ba 'yon? Tapos, magdadala rin ako ng maraming maraming pagkain!" And that made him stopped crying. Mukhang pagkain lang ang katapat nito ah.

"Sorry hija... Malalapitin lang talaga ito sa dalaga." Yakap ni Tita Denise sa kanyang anak na si David. Nagpaalam na ko sa kanila ng kumalma na ito. Pagkalaba sko ng bahay nina Tita Denise ay naabutan ko si V na may dala dalang payong. Ngayon ko lang napansin na naambon pala.

Tumakbo siya sa 'kin at pinayungan ako, "Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya. I didn't expected him. Ang mga lalaki ay nagawa ng tent dun sa may cover court. Dun rin naman ang punta ko dahil magaayos ako ng gamit.

"Sinusundo ka. Pag lumakas ang ulan, hindi ka makakabalik dun sa cover court. Pag naman tumakbo ka sa ulan, magkakasakit ka. Sakitin ka pa naman." He pinched my cheeks that made me groaned.

I miss this. Yug tipong kaming dalawa lang. Walang epal. Walang bruha. Wala si Erin.

"Asan si Erin?"

"Natutulog... Pagod 'yun sa trabaho niya." Napatango nalang ako sa sinabi niya. Biglang lumakas ang ulan kaya naman naramdaman ko ang kamay ni V sa balikat ko at nilapit pa ako ng kaunti sa kanya. I was stunned for a moment at ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Sumilong muna kami ni V sa may tindahan doon. Bumili siya ng softdrinks. Ako naman ay inaapa ang bulsa ko kung may dala ba akong panyo. Nabasa kasi ng kaunti ang buhok ko. But damn! Wala akong dalang panyo at wallet man lang. Tanging pera lang. Pinasadahan ng kamay ko ang buhok ko at tinaas ito nagbabaka-sakaling matuyo ito.

Napaharap ako kay V ng abutan niya ako ng panyo, "Nabasa ka pala. Sorry..." He said as he sipped his softdrinks. Tinaggap ko 'yon at pinunasan ang buhok ko pati na rin ang nabasang kamay ko.

Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa din natila ang ulan. Tahimik lang kaming dalawa at nahihiya ako na mag-usap. I didn't know that it'll be this awkward.

"Megan... Did you believe in forever?"

Napaangat ang ulo ng tanungin sa 'kin ni V 'yon. Hindi siya nakatingin sa 'kin. Nakalahad ang kanyang kamay ay nagiipon siya ng tubig ulan sa kanyang kamay. "I mean, naniniwala ka ba na kayo pa din ni Dwayne sa huli?" This time, he looked at me... with his confused eyes.

"Oo..." I wanted to say no. I don't believe in forever. I don't believe in happy ending. I'm still young and I'll meet new people in life. Hindi pa ako sigurado sa mga bagay.

"Buti ka pa sigurado na. Ako kasi naguguluhan e. Hindi na ako sigurado."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni V. We're talking about love... That's one thing for sure. Is he having a second thoughts about Erin? Hindi na siya sigurado sa feelings niya?

"What do you mean?"

"I've been blinded by love and I hate it. Nagagawa ko ng sawayin ang magulang ko. Ilang linggo na akong hindi nauwi at hindi man lang sila kinakausap. This is not me anymore, Megan. Can't you feel?"

And finally, you realized it. It's not you anymore, V. Nalason na ni Erin ang utak mo kaya kahit ang sawayin mo ang magulang mo nagawa mo. You've been blinded... I think it's time to get rid of her spell on you.

- - - - - - - - - - - - -


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro