LNV: Chapter 6
LNV: Chapter 6
Dwayne's POV
"Natitiis mo na ngayon si Megan ah." Napaangat ang ulo ko sa sinabi ni Jimin. Andito kami sa dorm at abala ako sa pagrereview.
"Di ka ba tinetext?" Sumilip ako sa phone ko at nakita ang madaming message at tawag mula kay Megan.
"Nagtetext nga e..." It's been 2 weeks since the last time I talked to her. Mababaliw na ko kakaisip sa kanya. Kung ano ba ang ginagawa nila ni V sa condo niya. Gustong gusto kong pumunta sa condo niya at yakapin siya pero hindi ko magawa. Gusto ko ako naman ang suyuin niya ngayon. Gusto ko na siya naman ang maghabol.
Inakbayan ako ni Jin, "Pre, maganda si Megan... Sexy... Matalino... Yung para bang ideal type ng kahit sinong lalaki. Ingat ka. Baka mamaya ma-fall dyan si V. Kahit mahal na mahal niyang si V si Erin ay baka matukso 'yan."
"Ako nga type ko 'yang si Megan e. Tangina lang 'yan ni Dwayne. Inunahan akong pumorma." Binato ko ng libro si Joshua. Lahat naman ay sila nagtawanan.
Tinapik ako sa balikat ni Jin, "Alam naman nating lahat na hindi si Megan yung tipo na susuyuin ka. Kung ako sayo, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para magkabati kayo."
"Oh, bakit pre? Makikipagbreak ka na ba? Sabihin mo lang ng mas maaga para makipagbreak na ko bukas kay Kathleen at liligawan ko na kaagad 'yang si Megan." Naghiyawan sina Rap at Joshua sa sinabi ni Jimin.
Inis kong ginulo ang buhok ko at pinagtatadyakan silang lahat bago ako tuluyang umalis ng condo naming magbabarkada. Ang gago talaga ng mga 'yon. Type kasi nila si Megan noon pa lang. Minsan nga ay hindi ko malaman kung nagbibiro pa ba sila o hindi na. Basta pag nagkakaroon kami ng tampuhan ni Megan, para bang tuwang tuwa pa sila kung magbebreak kami.
Dumiretso ako sa parking lot at nagmaneho papunta sa condo ni Megan. Buti at alam ko na ang password ng unit ni Megan. Hindi na ako nagdalawang isip pa at binuksan ko na ang condo ni Megan. Isang malakas na tugtog ang narinig ko mula sa loob. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.
"V! Don't you dare!"
"Pag lumapit ka sa 'kin, papaalisin kita dito! Makikita mo!"
"Paano kung ayoko?"
"Wag kang lalapit! V – Ah!"
Unti unting humakbang ang mga paa ko papalapit sa may kusina. Sumilip ako dito at nakita si V na yakap yakap mula sa likod si Megan at pinahidan ito ng icing sa pisngi. They didn't even hear me getting inside. Mukhang abala talaga sila sa isa't isa.
Ang saya saya nila. Bibihira ko marinig ang ganitong tawa ni Megan. She looks so happy being with V. Para bang wala siyang pakielam sa away naming dalawa.
Napayukom ang palad ko at naglakad ng papaalis ng unit ni Megan.
Megan's POV
"For those who'll come in outreach event on Saturday in Cabuyao, Laguna, I'll be expecting you okay? You need to bring tent, food, clothes and pocket money. Wag kayo masyadong pasosyal. Pupunta tayo doon para tumulong sa mga mahihirap na pamilya ng dalawang araw." Lahat kami ay tumango sa Professor namin. Kung wala lang plus to sa quiz at exam ay hindi ako sasama. I prefer to just sleep in weekends. Kailangan ko 'yon ngayon. Ilang araw na kasi akong walang tulog dahil kay V. Lagi niya ako niyayaya maglaro sa xbox.
Binaling ko ang ulo ko sa direksyon ni Dwayne. Nakita ko siyang nagtetext sa may ilalim ng lamesa niya. Napairap na lamang ako. Sino ba ang katext niya? Nambababae ba siya? Kung gusto na niyang makapaghiwalay, sabihin niya lang! Mukha namang nagkakamabutihan na kami ni V e. Hindi ko na siya kailangan. Ginawa ko lang naman siyang boyfriend para makasama ako sa date nila V at Erin dahil mahilig sila sa double date. Gusto ko kasi mabantayan ang bawat gawin nila V at Erin. Mamaya maisip nila ang mag-sex at mababaliw na talaga ako. Ngayong malabo na kami at sa akin naman nauwi si V, hindi ko na kailangan si Dwayne.
Huminga ako ng malalim. Tama. Makikipaghiwalay na ko kay Dwayne... sa mismong outreach event. At gagawin ko ang lahat para mahulog sa 'kin si V. Pero bago ko magawa 'yon, kailangan kong alisin sa landas namin si Erin.
I gritted my teeth when I saw V and Erin holding hands under the table. Nabali ko ang pencil na hawak hawak ko. Napatingin pa sa 'kin si Cyndy sa may tabi ko.
"Wag ka ng tumingin. Sinasaktan mo lang ang sarili mo."
Nag-iwas na ko ng tingin. Tama si Cyndy. Hindi ko na kailangan tingnan ang bawat galaw nila V at Erin. Para bang pinapatay ko na din ang sarili ko.
Natapos ang Professor namin sa mga dadalhin at dapat lang na gawin sa outreach event sa sabado. Maaga nito kaming pinalabas kaya naman tuwang tuwa si V.
"Dwayne –"
Hinigit siya ng kanyang mga kaibigan na sina Lemuel. Tiningnan ko lang sila habang naglalakad sila palayo. Saan sila pupunta?
It's okay, Megan. At least you try. Kung makikipaghiwalay man ako kay Dwayne, gusto ko friends pa rin kami. Alam kong masasaktan ko si Dwayne pero naasa pa rin ako na mapapatawad niya ako. Dwayne will never leave me. Yun lang ang alam ko. Ganyan ako kamahal ni Dwayne. Kahit ang lahat ay talikuran ako, alam ko may Dwayne pa rin akong maaasahan.
"Megan, aalis na kami ni V. May lakad kami e."
Paalam sa 'kin ni Erin habang nakaakbay sa kanya si V. Nakatitig lang sa 'kin si V na may ngiti sa labi. Well, alam ko namang masaya siya dahil araw araw na niyang nakakasama ang magaling niyang syota. Galit na nga sa kanya ang magulang niya pero heto siya at nakikipagdate pa rin. Erin is really a bad influence. Kailangan ko na talaga siyang alisin sa buhay ni V. She'll just going to destroy everything around him.
"Ge. Ingat kayo..."
Parehas silang kumaway sa 'kin bago sila tuluyang maglakad palayo. If Dwayne and I are in good terms, baka nakasama at mabantayan ko pa si V. Hindi ko na alam ang ginagawa nila ni Erin. Pag inisip ko naman, hindi ako mapakali.
Niyaya ako mag-mall ni Cyndy. I really need this. Ito lang naman ang pampalabas ng stress para sa 'kin... ang gumastos. Habang nakasakay kami sa taxi ni Cyndy, hindi ko maiwasan ang hindi isipin si V. Ilang beses na akong nahiling kay lord na sana maubos na ang pera ni V para wala na siyang pangdate. Naiinis ako kay Kuya Calvix. Bakit niya pa pinapadalan ng pera si V? Should I talk to him?
"Megan... you're spacing out again."
Napaangat ang ulo ko ng tapikin ako ni Cyndy. Wala na naman ako sa sarili ko dahil kay V. "Naalala mo ba si Dwayne?"
Umiling ako kay Cyndy, "So... iniisip mo ba si V?" Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin ito. "Magkaaway kayo ni Dwayne pero si V pa din ang iniisip mo. Naaawa na talaga ako kay Dwayne. Makipaghiwalay ka na kaya?" Pumasok kami sa isang shop at namili ng mga damit.
"I'll be breaking up with him... soon. I just need more time." Sambit ko habang natingin ako ng mga damit. I really need time to think. Baka mamaya ay magbago na naman ang sitwasyon at magsisi ako. Dwayne is a best boyfriend. Ayoko lang naman na sayangin 'yon.
"You need more time kasi hindi ka pa handang pakawalan si Dwayne?" I was stunned for a moment. Hinawakan ni Cyndy ang balikat ko at hinarap sa kanya, "Mahal mo na ba si Dwayne?"
I don't know what to say. I can't even think straight. Mahal ko ba si Dwayne? Well... as a friend. But as a lover? Kagaya ng pagmamahal ko kay V? I don't even think so. Si V lang ang mahal ko. Mula pagkabata, si V na. At hindi na magbabago 'yon.
I shook my head, "No." Muli kong binaling ang atensyon ko sa pagpili ng damit. Nang may mapili ako ay pumasok na ako sa fitting room at sinukat 'yon.
"Look... Just give up on V. Wala kang mapapala sa kanya swear. Isang taon na lang at gagraduate na tayo. Don't you remember? He's planning to propose Erin on the day of our Graduation." Sabi ni Cyndy sa may labas ng fitting room.
I stared myself in the mirror while looking at the dress I fitted. Kahit naman anong paganda ko sa sarili ko ay hindi pa rin ako mapapansin ni V dahil andyan si Erin. I remember V's plan for our graduation. Yayayain niyang magpakasal si Erin.
Agad agad akong nagpalit ng damit ko. I won't buy this dress! Kahit anong isuot ko, si Erin pa rin ang prinsesa sa mata ni V.
Lumabas ako ng fitting room at nakita si Cyndy na nagph-phone. Tinaas niya ito at pinakita sa 'kin ang picture ni V at Erin. "Recently uploaded. Nagdedate na naman sila." Naiinis na tono ni Cyndy.
Si Cyndy lang talaga ang alam kong mapagkakatiwalaan ng sikreto ko. Yung galit ko kay Erin, pagmamahal ko kay V at ang panggagamit ko kay Dwayne.
Inis kong binalik yung dress. Damn Erin! Sira talaga ang araw ko pag siya ang pinaguusapan. I really want her out of our squad. Dati naman kasi talaga ay kami lang tatlo ni V, Dwayne at ako. Epal talaga 'yang si Erin simula't sapul pa lang.
"I really want her out of my life..."
I gritted my teeth. Napatingin naman sa 'kin si Cyndy dahil sa salitang lumabas sa bibig ko. "You want your friend out of your life?" Natatawang tanong sa 'kin ni Cyndy.
I just rolled my eyes on her. Inaasar na naman niya ako na ang plastik plastik ko pag andyan si Erin. Minsan nga ay natatawa nalang siya pag sweet ako kay Erin sa classroom.
"Aawardan na talaga kita ng best actress!" Biro niya pa sa 'kin.
We decided to eat our lunch in Spaghetti house. Dahil parehas naming iniingatan ang figure ng aming katawan, we don't eat rice.
"Si Dwayne ba 'yon?" Lumingon ako sa aking kaliwa ng ituro ni Cyndy ang isang grupo ng mga lalaki kasama ang tatlong babae. "Hindi ba sina Lemuel din 'yon?"
Mas tiningnan ko pang maigi ang mga tao sa labas at nakita nga sina Dwayne. "He's cheating on you?!" Napaawang ang bibig ko ng makita si Dwayne na may kasamang babae. Her arm is snaked into his waist and her head on his shoulder. What the fvck.
Gusto ko sanang higitin ang buhok ng babaeng 'yon pero nakalayo na sila. My jaw clenched and my hand formed into fist. I can't believe magagawa sa 'kin to ni Dwayne. Ang sabi niya ako lang! Wala ng iba!
I took a deep breath and sipped on my juice. "Wala ka man lang gagawin? Back up mo ko!" Umiling ako kay Cyndy.
I didn't know na may masakit pa pala bukod sa pagmamahal ko kay V. Sana nakapaghiwalay muna siya sa 'kin bago siya nambabae. Ayoko ng pinagmumuka akong tanga.
Agad na rin kaming umuwi ni Cyndy dahil nawala ako sa mood para mamili. Humiga ako sa sofa at chineck ang phone ko. Expecting Dwayne texted. Pero wala akong text message galing sa kanya. Huminga ako ng malalim at tinext si V.
Typing: Ano oras ka uuwi?
Pinikit ko muna ang dalawang mata ko habang inaantay ang reply ni V. Maya maya ay nag-vibrate na 'to. Excited akong buksan 'yon dahil kahit wala na si Dwayne, andito naman si V nagst-stay sa condo ko at may pampagaan ako ng loob. Pero nadismaya ako ng mabasa ko 'yon...
From: V
Gagabihin kami ni Erin e. Manonood pa kami ng sine at babantayan ko pa siya sa trabaho niya. Alam mo naman na madaming nagkakagusto kay Erin. Wag mo na kong antayin. Madaling araw pa ko makakauwi. Good night, Megan! Mwa mwa mwa xoxo
Sa haba ng text niya, puro kay Erin na naman tungkol 'yon. Binato ko yung phone ko sa may kabilang upuan. Nakakapagod na. Wala bang soulmate si Erin? Please lord... Ibigay niyo na kay Erin ang lalaking para sa kanya. Kasi ang lalaking para sa 'kin ay si V e... Hindi pa lang niya narerealize dahil nasa buhay namin si Erin. Kailan ba siya magigising?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa doorbell. Nahulog paa ko sa sofa dahil akala ko si V na. Pero pagbukas ko ay si Dwayne ang nakita ko.
"Dwayne..."
Bumaba ang tingin ko sa dala dala niyang bulaklak at chocolates. Inabot niya sa 'kin ito, "Sorry..." He whispered.
"Dwayne ako yung may kasalanan. Ako dapat ang mag-sorry..."
Bago ko pa tanggapin 'yon ay agad na siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako. He buried his face on my neck, "Mahal na mahal kita, Megan. I love you I love you I love you. Sorry hindi kita pinapansin. Nagtatampo lang naman ako e. Nagtext sa 'kin si Cyndy at nagbabalak ka na raw na makipaghiwalay sa 'kin." I can feel his tears on my neck.
"Dwayne..."
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa 'kin, "Sorry Megan... Hindi na 'to mauulit. Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya na wala sa 'kin. Walang iwanan di ba?" Niyakap ko pabalik si Dwayne. Unti unti ng nagtutubig ang mga mata ko. Naiimagine ko na ang pwedeng mangyari pag hiniwalayan ko si Dwayne. Mawawala ang nagiisang lalaki na andito palagi sa tabi ko, ang lalaking tinitiis ang lahat para lang sa 'kin... at hindi ko kayang mawala 'yon.
I pulled him lightly and use my finger to wipe his tears, "Oo, walang iwanan." I leaned my forehead against his, "Dwayne –"
Bago pa man ako magsalitang muli ay agad na niya akong hinalikan. I responded to his kisses. Pumulupot ang kamay ko sa leeg niya. His hands wrapped around my waist. It was a long passionate kiss. He broke the kiss and hugged me again, "If you leave... that will be the end of me."
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro