Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LNV: Chapter 4

LNV: Chapter 4

Dwayne's POV

"May biogesic ba kayo? Kanina pa nasakit ang ulo ko dito sa kaibigan natin na hindi mapakali kakalakad." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko na nagsalita si Raphael, you can also called Rap.

Ginulo ko ang buhok ko at umupo sa sofa kung saan sila nakaupo, "Mga bro, hindi talaga ako mapakali e." Saad ko habang kagat-kagat ang labi ko.

"Puntahan mo na kasi." Payo nilang lahat.

Napakamot ako ng ulo, "Mayayari ako kay Tito Lucas. Hindi ako pwedeng tumapak sa condo ni Megan."

"Eh di hanggang labas ka lang ng pintuan!" Binato naman ng unan ni Joshua si Jimin. Hays! Ano ba 'tong mga to! Mga walang kwentang kausap!

"Gusto ko kasing makita kung ano ang ginagawa nila ni V e."

Nagkatinginan lang silang lahat, "Maybe, playing with each other?"

"Anong klaseng laro ha?" Tapos ay nagsigawan at nagtawanan silang lahat.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kin. Hindi ako mapakali simula kagabi. Hindi ako makatulog ng ayos. Alam kong mali ang pag-isipan ng kung ano ang kaibigan at ang girlfriend ko.

"Pero ang unfair nga naman bro. Yung boyfriend hindi pwedeng pumunta sa condo tapos yung kaibigan lang don pa nagii-stay. Life is so unfair nga naman ano?"

Tinitigan ko nalang sila ng masama habang nagtatawanan. Kinuha ko ang cellphone ko sa may bulsa ko at tiningnan kung may message ba galing kay Megan. And as always, walang text. Kailan nga ba ang siya ang unang nagtetext? Kung hindi pa ako ang unang magtetext, hindi kami magkakatext. Bibihira lang at pag nasa classroom lang talaga kami nagkakasama.

To: Megan

Baby. I miss you.

"Pustahan ise-seen ka lang niyan!"

"Pakyu bro!" Pagkatapos ay tumayo na ko at lumabas ng unit namin. Pupuntahan ko si Megan. Magalit man si Tito Lucas wala akong pakielam. My thoughts are killing me and I think I'll be going crazy.

Pero bago ko pa man ako makapasok ng elevator, isang text message ang natanggap ko,

[Bwestfwend! Alam mo ba kung nasan si Megan? Wala kasi siya sa kwarto niya e. Gutom na gutom na ko. Huhuhu. Hindi ko naman siya ma-contact.]

Ilang beses kong tinawagan ang phone ni Megan pero cannot be reached. Nag-desisyon kami ni V na mag-meet up sa Jollibee dahil mamamatay na daw siya sa gutom.

"Sinasagot ba ni Megan tawag mo?" Tanong ko kay V habang pinapanood siya na kumakain. Para bang hindi siya kumain ng ilang araw sa dami ng laman ng bibig niya.

Umiling ito, "Umalis siya ng madaling araw kanina. Narinig ko kasi ang pagbukas at sara ng pintuan. Hindi ko naman na pinansin dahil antok na antok ako."

Asan ka ba Megan? Kinakabahan ako. Baka kung ano na ang nangyari sa'yo.

"May kilala ka bang Theo?"

Napakunot ang noo ko, "Sinong Theo?"

Napaisip din si V, "Hindi ko din alam e. Pero nakita ko kasi habang nagchacharge si Megan sa sala kahapon, may tawag ng tawag na Theo ang pangalan."

--

Kung saan-saan kami nakarating ni V. Tinawagan na namin ang lahat ng kaibigan ni Megan. Pinuntahan na rin namin ang lahat ng lugar na pwede niyang puntahan. Nababaliw na ko kakaisip kung saan ko siya mahahanap. Galit ko hinamapas ang manibela ng sasakyan.

"Bwestfwend, chillax lang."

Pagpapakalma sa 'kin ni V. Pakiramdam ko, naluluha na ko. Matatag akong tao. Matapang sa lahat ng bagay. Pero pagdating kay Megan, nanghihina ako sa lahat ng bagay. Para bang kahit anong gawin niya, ang lakas ng epekto sa 'kin.

Kinuha ko yung cellphone ko sa may bulsa ko. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Muli ko siyang tatawagan.

[Hello, babe?]

Sobra akong nakahinga ng maluwag. [Babe, asan ka?!]

[Ako? N-Nasa ospital ako.]

[Anong ginagawa mo sa ospital?]

Kaagad ko ng pinaharurot ang sasakyan ko sa may ospital na kung saan andon si Megan. Pag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko.

Pagkatapos ng mahigit trenta minutos, nakadating kami sa ospital. Magtatanong palang kami dun sa nurse kung nasan yung lobby ng makita na namin si Megan na naglalakad papalabas. Kumirot ang dibdib ko ng makita ang girlfriend ko na may pasa sa may kamay, sugat sa labi at hirap maglakad. Kaagad akong tumakbo papunta sa kanya at inalalayan siyang maglakad.

"Fvck Megan! Anong nangyari sa'yo?!" Galit kong ginulo ang buhok ko at inis na napasapo ang dalawang kamay sa mukha ko, "Sinong gumawa nito sa'yo, Megan?! Tell me." I tried to calm myself. Nanghihina ako. Ang sakit na makita na ganito ang itsura ng babaeng pinakamamahal ko at wala man lang akong kaalam-alam sa nangyayari.

Humigpit ang pagkakakahawak sa akin si Megan kaya nakaramdam ako ng sobrang pag-aalala kung may masakit pa sa kanya. Nakita ko ang pagkagat niya ng ibabang labi niya na senyales na may masakit sa kanya.

Tinulungan ako ni V sa pag-akay kay Megan hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. Gustong-gusto ko siyang kusapin kung ano ba ang nangyari.

Si V ang nagmaneho. Parehas kaming umupo sa may likod ni Megan. Nakayakap ako sa kanya at nakasandal naman ang ulo niya sa may balikat ko.

This is driving me crazy. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya. Pinadaan ko ang haplos ng kamay ko sa mga sugat niya sa braso. Kita ko ang pag-inda niya sa mga sakit na kanyang natamo.

"Megan, hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang nangyari sa'yo." I closed my eyes trying to calm myself. 1 word, the name of that fvcking bastard, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.

"You don't know h-him..." Megan almost whispered because of the pain. Her eyes are still closed at pawis-pawisan ang ilong niya.

I clenched my fist. I want to know him. I want to hear his name. Fvck that bastard!

Inangat niya ang ulo niya, "I won't say his name. I don't want you to get in trouble." Muli ko siyang niyakap. Damn, Megan, I'm so inlove with you. Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari pang masama ulit sa'yo.

*

"Are you even her boyfriend?!!!"

Napatungo na lamang ako sa sigaw sa akin ni Tito Lucas sa may sala ng condo ni Megan. "It's your responsibility to protect her!!!"

Galit na hinampas ni Tito Lucas ang lamesa, "I trusted her with you!!!"

Wala man lang akong magawa. Nakatayo lang ako at hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga pasa at sugat sa katawan ni Megan. Wala akong kwenta. Wala akong kwentang boyfriend.

Tito Lucas calmed himself, "I'll call a private doctor that will check up on her."

"S-Sorry po." I almost whispered. Galit ako sa sarili ko. Kahit mismo ako, tinatanong ko sa sarili ko kung mabuti ba akong boyfriend.

"You're worthless." Tito Lucas words that left me speechless that moment.

"Tito Lucas wait!" Habol ni V kay Tito Lucas ng umalis ito. I was just standing there for minutes. Ang tagal kong hinintay na sagutin ako ni Megan. I'm madly inlove with her for 8 years. Kahit tutol sa kin si Tito Lucas, gusto ko pa rin ipaglaban ang pag-ibig ko kay Megan. Tito Lucas didn't like anyone for Megan. I was the only one who got his permission to date her. Ayoko na mawala nalang ng basta ang tiwala na binigay sa akin ni Tito Lucas.

Hindi ko na naabutan pa si Tito Lucas. Inis kong ginulo ang buhok ko. Ang tanga tanga mo, Dwayne!

Bumalik akong muli sa unit ni Megan. Ni-wala akong mukha para maiharap ky Megan. Hiyang-hiya ako.

"Ang pangit mo na."

Napahinto ako ng marinig ang usapan sa loob ng silid. Alam kong gising si Megan. Gustong-gusto kong pumasok pero ni-hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko papasok sa loob.

"You look mess, Megan."

"Sino ba ang gumawa nito sa'yo?"

Sumandal ako sa pader at pilit na pinapakinggan ang usapan nila. I know Megan. Kung may mas pinagkakatiwalaan man siya sa 'min ni V, si V 'yon. She can't hide secrets from him and that made me feel useless.

"Napagalitan na naman si Dwayne ni Tito Lucas."

"Where's Dwayne?"

"Hinabol yata si Tito Lucas. Bakit? May kailangan ka ba? I can get it for you."

"I need someone to be with me tonight. Uuwi ka ba?"

"I was kicked out. Remember?"

Narinig ko ang mahinang tawanan nila sa loob. Napayukom ang palad ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"Can you stay in my room this night?"

"Why not, Dwayne? Baka magselos 'yon."

"He won't."

I closed my eyes and took a deep breath. Nagseselos ako kay V. Matagal ko ng gustong ipaalam kay Megan pero natatakot lang ako na baka magalit lang sa 'kin si Megan. Dahil in the end, alam kong mas matimbang pa rin si V sa kanya.

"Bestfriend, andito ka na pala. Ikaw muna magbantay sa loob kay Megan. Tatawagan ko lang si Erin." Sabi sa 'kin ni V nang makalabas siya ng kwarto. I didn't even notice his presence because I was in deep thought.

Pumasok ako sa loob gaya ng sabi ni V. Binigyan ako ng ngiti ni Megan kaya ngumiti rin ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "May dadating daw dito na private doctor sabi ni Tito Lucas."

"No need for that. Nagamot mo na ang mga sugat ko. I'm okay now." She said while playing with my fingers.

"Megan..."

"Uhm?"

"Gusto kong malaman kung anong nangyari sa'yo." That made her stopped from playing my fingers.

"You don't need to know. You'll be in trouble, Dwayne. I know you'll –"

"Ofcourse, I will! Girlfriend kita! Ipaghihiganti kita!"

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Megan. "Let me revenge for you, Megan."

I want to protect her. I want to kill that bastard who did this to her.

Niyakap ako ni Megan at naramdaman ang kanyang luha sa may leeg ko. Binalikan ko ang yakap na 'yon at hinawakan ang kanyang ulo. "Hush. Andito lng ako, Megan. Kakampi mo ko." Hinimas ko ang kanyang likod.

Inangat ni Megan ang kanyang ulo. Pinunasan ko ang kanyang luha gamit ang daliri ko, "You know Samuel, right?" Pinagisipan kung mabuti kung may kakilala nga ba akong Samuel o ano. At iisang tao lang ang pumasok sa isipan ko.

I nodded, "Samuel Orchivas? Yung stalker ni Erin noong 4th year high school tayo?"

"And V almost killed."

Lahat ng alaala noong 4th year kami ay biglang pumasok sa isip ko. Ang stalker ni Erin na muntikan na siyang gahasain at nakita namin ni V 'yon. V almost killed that man. Muntikan ng makulong si V dahil don pero dahil minor siya, nagpiyansa nalang sina Tita Aliyah.

"And how about him? Is he back?"

Sa pagkakaalam namin, nawala nalang ng parang bula si Samuel. Anak kasi  siya ng Mayor at napabalita ang muntikan nitong panggagahasa kaya pinadala ito sa ibang bansa ng kanyang ama.

"He changed his name. He's Theo Orchivas now and he's back to get revenge."

"He came for V! Pero bakit ikaw 'tong napahamak, Megan?!" Lumakas na ang boses ko dahil sa galit. I feel like I'm burning inside.

"I let him hurt me for V to be safe. He won't come anymore, Dwayne. V is now safe." I don't know what to say and I can't explain what am I feeling. She's hurt because she doesn't want him to be in danger. All I know is... I can feel my heart breaking into pieces right now.

- - - - - - - - - - - - -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro