Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LNV: Chapter 3

LNV: Chapter 3

Megan's POV

"Megan!" Papasok palang ako ng room ng sunggaban ako ng yakap ni Vince. "Megan, galit sa kin si Mommy at Daddy! Pinalayas ako kagabi! I stayed in a hotel tuloy." He said while hugging me.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap na iyon. Huminga ako ng malalim at nagsalita, "Tapos?" I just gave him a stare. Feeling ko maiiyak na naman ako nito. Mugto na nga halos ang dalawa kong mata kakaiyak kagabi. May nangyari sa kanila. She's in his bed. They did it.

Hinawakan ni Vince ang magkabilang balikat ko, "Condo mo muna ako." He even pouted his lips and did the puppy eyes.

Dahan-dahan ko ding tinanggal iyong pagkakahawak nya sa balikat ko, "Stay in Dwayne's condo for a while." Tapos ay naglakad na ko papasok ng room.

I sat down and opened my notes. "Babe." Humalik sa pisngi ko si Dwayne.

Ngumiti lang ako sa kanya at binaling na ulti ang atensyon ko sa pagbabasa. "Megaaaaan!" And again, ginulo na naman ako ni Vince. Umupo sya sa may lamesa ko at pinaglaruan ang buhok ko. "Condo mo ko ha?" Nakangiti nyang sabi sa kin.

I closed my notes and faced him, "Stay in your Kuya Calvix's house." I calmly said.

I hate him! I really hate him! Nakikita nya lang ako pag may kailangan sya o kaya pag may problema! Palagi nalang ganito.

Umiling-iling sya, "I can't. Pinagbawalan ni Mommy at Daddy na patirahin ako kina Kuya at Ate. I' m all alone now. Huhuhu!" And he fake cry.

Agaw-atensyon na naman kami sa buong klase. Minsan ay natatawa nalang sila dahil sa kakulitan at pagiging isip bata nitong si Vince.

Huminga ako ng malalim at pinanlakihan sya ng mata, "Kasalanan mo 'yan! Nakipag -" I stopped. Tumingin ako sa iba naming ka-classmate na baka nakikinig sa min. Unfortunately, madaming nakatingin sa ming mga mata pero malayo kaya hindi maririnig ang usapan na 'to. "Nakipag-sex ka sa girlfriend mo sa mismong bahay mo pa at talagang sinakto mo pa na wala ang magulang mo." I whispered on him.

Inis na ginulo ni Vince ang buhok nya at malakaw na sumigaw, "Wala ngang nangyari sa min ni Erin! Bakit ba walang naniniwala sa 'kin?!" Nagsimula ng magbulungan ang lahat.

I furrowed my eyebrows, "W-Wala?"

Tumango sya ng ilang beses, "Wala talaga! Promise! Nakatulog lang sa kama ko si Erin! Inantok kami parehas dahil nag-laro kami ng xbox!" Saad nya.

"Okay."

Hinawakan ni Vince ang balikat ko, "Anong okay?"

"Okay. Sa condo ko ikaw muna." I said, "But please, ayokong sa condo ko kayo naglalandian ni Erin, okay?"

"Yes yes!" Tapos ay nagtatalon at nagsusumayaw sya. Napailing nalang ako. Childish talaga.

"Megan, let's talk." Dwayne said a serious tone, "Follow me."

Tumayo naman ako at sumunod sa kanya, "Ano 'yon?" Tanong ko ng makalabas kami ng room.

"Bakit ka pumayag?" Naiinis na sabi sa kin ni Dwayne, "Pwede naman nating pakiusapan sina Tito Nathan na patawadin nalang si V. Kasi wala naman talaga nangyari!" He almost shouted at me.

"He's a friend, Dwayne. Saka, hindi rin naman natin makakausap sina Tito Nathan ng maayos! They have work! We have class! We're both busy!" I said in defense. Well ang totoo, gusto ko naman talaga na sa condo ko muna mag-stay si Vince. Solo ko sya.

"Ako nga ayaw mong papuntahin sa condo mo. Tapos si Vince dun mo papatuluyin?! That's unfair!" He said.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, "Nagseselos ka ba?" I asked, with my cross arms.

Inis nyang ginulo ang buhok nya at sinabing, "Oo! Pakiramdam ko may mali!"

"Mali?! Mali san?! I'm just being a nice friend, Dwayne! Walang matutuluyan ang kaibigan ko, he asked me if he can stay at my place, and I said yes. Anong mali don?!" Pakikipagtalo ko. Umagang-umaga nag-aaway kami. This is our first fight.

"May nararamdaman akong mali! Basta! Hindi ko maipaliwanag!" Saad nya.

"Eh bakit ba kasi hindi nyo nalang pinatuloy sa condo nyo si V?" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Puno na kami sa condo. Ayaw na nina Jin na magdagdag pa." Sagot naman nya sa akin, "Megan, wag mo ng patuluyin si V sa condo mo. Isipin mo nalang kung anong mararamdaman ni Erin!"

I don't care about her at all.

Wala akong pake sa kung anong maramdaman nya.

Singit lang naman sya sa min ni Vince ah?

"Ayaw kong pulutin kung saan si V. Saka, kung mahal nya si V, maiintindihan nya 'yon." I said. Inis akong napakamot sa may batok ko, "Dwayne, let's not talk about this anymore, okay?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap ito, "You're just jealous. I love you, Dwayne." And I need to lie for him to feel okay and have no doubts.

He hugged me back and rested his head on my shoulder, "I love you too, Megan. So much." He whispered.

"Get a room." Napahiwalay kami ni Dwayne ng marinig ang boses na 'yon.

"Hi S-Sir! Hehehe." Parehas nalang namin syang nginitian ni Dwayne at kaagad na ring pumasok ng room.

**

"May balita ka ba kay Erin ngayon?" Tanong sa akin ni Vince mula sa likod ko. Napaharap ako sa kanya na kunot noo. Nagluluto kasi ako ng hapunan naming dalawa.

"Kanina ka pa nagtetext dyan. Hindi ba sya katext mo?" I asked.

"Si Kuya Calvix katext ko." Tapos ay umupo sya dun sa lamesa. Ang hilig talaga nitong lalaking 'to na umupo sa may lamesa kahit may bangkuan naman.

Napantango ako, "Wow. Nakakausap ko si Calvin hindi nya nakakatext ang Tatay nya. Samantalang ikaw, textmate kayo."

"Syempre love ako non!" He pouted, "I'm glad he accepted it." Nakangiti nyang sabi habang nakatitig sa phone nya.

"Accepted what?" I asked, confused.

"Erin's scholarship." Nawala ang mga ngiti nya, "Nakausap ko kasi yung dean kanina. May narinig daw sya kanina tungkol sa pagtanggal ng scholarship ni Erin. Kaya next month, babayaran na ni Erin ang tuition nya. Pinatanggal yata nila Daddy scholarship ni Erin. Eh hindi nila alam na susuportahan ni Kuya si Erin!" At ginawa nyang drum ang lamesa ko.

Napabuntong hininga lang ako. Dahil sa kanya, nagkaroon ng ingay ang tahimik kong unit. Nang dahil sa kanya, unti-unti na naman akong dinudurog.

Nabaling ang tingin ko sa kanya na hinahampas ng dalawang kamay ang lamesa na parang tambol at nakapikit pa na nakanta. Lahat talaga gagawin nya kay Erin. Bigla ko tuloy naalala ang lahat,

-Flashback-

"Vince -" He cut me off, "Bakit?!" Iritado kong tanong sa kanya.

"It's V, k?" He corrected.

I just rolled my eyes on him, "Whatever. Btw, anong kukunin mong course?" I asked him while he's busy on his phone playing that stupid game 'Clash of Clans'. I'm asking about his course dahil gusto kong sumunod sa kanya.

Napailing nalang ako sa kanya. Habang kami lahat ay abala sa pagre-review para sa entrance exam ng Howard University, samantalang sya ay inuuna pa ang paglalaro. Narinig ko pa nga kanina na may laro sila mamaya ng Dota 2.

"Civil Engineering." He said didn't even bothering to look at me. "Ikaw ba?"

"Civil din." I smiled.

"Ay joke! Chemical Engineering pala!" Napakamot sya ng ulo, "Yun kasi ang kukunin ni Erin. Peram nga ng chemistry at physics book. Makapagbasa-basa." Tapos ay tinago nya yung phone nya sa may bag nya at kinuha yung book ko. I just stared at him while he's reading my book.

Basta talaga para kay Erin.

He can even give up his real dreams for her.

-End of flashback-

Tbh, my dream is to be a fashion designer. Pero wala e. Gusto kong sundan si Vince. Gusto ko palagi akong nasa tabi nya kahit si Erin ang palagi nyang nakikita. Nagtaka nga si Vince kung bakit naging Chemical din ako. Ang sabi ko nalang, gusto kong sumunod sa yapak ni Tito Trevor. Ikinagulat ko nga din na biglang naging Chemical si Dwayne. Dahil ang alam ko, Mechanical Engineering ang gusto nya.

"Megan!"

Nanlaki ang mata ko ng mapansin na malapit na pala ang mukha ni Vince sa kin, "Anong nasa isip mo ha? Pinagnanasaan mo ba ko?" Nakangiting pilyo nyang sabi sa kin.

I chuckled and pinched his cheek, "Feelingero!"

"Gwapo kamo!"

Tinaasan ko lang sya ng kilay at napamewang nalang, "Si Erin lang naman yata nagugwapuhan sa'yo." Asar ko sa kanya.

Kumunot ang noo nya at tinitigan lang ako ng masama, "Excuse me! Isa ako sa mga heartthrob!" He pouted his pinkish lips.

"Isa ka sa mga heartthrob?" Napaisip ako, "Parang hindi naman yata." I laughed.

Binalik ko ang atensyon ko sa pagluluto. Tinolang manok ang niluluto ko dahil paborito nya ito. Buti nalang talaga ay napag-aralan ko ng lutuin ito simula high school pa lamang ako kaya alam kong masarap.

"Timpla kang iced tea!" He requested.

I shook my head, "Wala akong iced tea." Sabi ko habang tinitikman yung niluluto ko.

"Strawberry juice?"

I shook my head again as answer. Inilagay ko na yung talbos ng sili at sayote. Tinakpan ko iyong muli para makuluan at lumambot ng maigi yung karne.

"Four seasons?"

This time, I faced him, "Ang arte mo."

"Nagtatanong lang e." Tapos ay nag-tungo naman sya sa refrigerator.

"Mag-tubig ka nalang!" I said.

"Ow, mango juice!" Nilabas nya yung tang powdered na mango flavor sa may refrigerator ko, "Favorite mo nga pala 'to! Eto nalang!" Sabi nya at inabot sa kin 'yon.

Tayo yung simula sanggol pa lang, magkasama na, Vince. Halos sabay na lumaki. Naaalala mo ba? Favorite mo din ang mango juice nung mga bata pa tayo. Pero nung dumating si Erin sa buhay natin, naging iced tea at four seasons na ang naging favorite mo dahil favorite nya yung dalawang 'yon.

Mapait akong ngumiti habang tinitimpla ang juice na 'yon. Tinulungan naman nya akong maghain. Sya yung kumuha ng pinggan, baso at placemats.

Tinanggal ko yung afron na suot ko at naunang umupo dun sa may lamesa, "Spoon at fork nga." Utos ko sa kanya.

"No no no. Magkakamay tayo." He said habang nilalagyan nya ng kanin at ulam yung pinggan ko. Sinalinan nya din ng juice yung baso ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa nya 'yon.

Lord, kung panaginip lang 'to. Please, let me stay on this dream. I don't want to wake up.

"Buti nalang pumayag si Tito Lucas na dito muna ako ano?! Ang laki talaga ng tiwala nun sa kin!" Saad nya ng simula na kaming kumain.

"Kasi alam nya na simula pagkabata, magkaibigan na tayo. Kaya syempre, malaki tiwala nun sa'yo." Sabi ko sa kanya.

Sinasaw naman nya sa patis yung chicken na kinakain nya at humigop ng sabaw sa maliit na bowl nya, "Kawawa si Dwayne. Ayaw man lang patungtungin ni Tito Lucas dito." He laughed, "Wala e. Walang tiwala kay Dwayne. Kawawang Dwayne. Hindi man lang makasama ng hanggang gabi girlfriend." Napailing nalang ito.

"Palibhasa, sanay kayo ni Erin na gabihin. Wag nyo nga kaming igaya sa inyo ni Dwayne. Iba kayo, iba kami." I said in a irritated tone.

"Hala sige. Mamaya makahanap ng iba si Dwayne." He said after he drank his mango juice.

Eto na naman tayo. Erin na naman.

"Wala akong pakielam." I whispered.

"Megan?" Inangat ko ang ulo ko at nahuli ko syang nakatitig lang sa kin. Nagagandahan na ba sya sa kin? Oh god. Eto na yata ang pagkakataon na matagal ko ng hinihintay. "May itatanong ako. Ayos lang ba?" He said in a serious tone.

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi mawala ang titig namin sa isa't isa. Jusko, Vince! Kinakabahan ako! Panaginip lang ba ang lahat ng 'to?

Huminga sya ng malalim at sinabing,

"Mahal mo ba talaga si Dwayne?"

- - - - - - - - - - - - -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro