Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LNV: Chapter 11

LNV: Chapter 11

Erin's POV

"Water please!"

"Yes, Sir!" Agad akong tumakbo sa may table 4 at binigyan ang dalawang nakain na mag-syota. Part time job ko ngayon sa Mcdo. 2pm-10pm ang shift ko. Hindi na naman ako nakakaattend ng last 2 subjects ko sa school. Hayaan na. Kukunin ko nalang sa second sem. Mas mahalaga na kumita ng pera.

"Ate Leyra, may alam ka pa bang part time job? Yung may mataas sanang pagkakakitaan." Sabi ko kay Ate Leyra habang naglilinis ako ng sahig.

"Oh, sinugod na naman ba sa hospital si Echo?" Nag-aalalang niyang tanong.

Huminga ako ng malalim, "Kinulang na naman kami sa pambili ng gamot e..."

Echo has cardiomegaly. It was diagnosed when he was 8 years old. Now that he is 10 years old, kailangan na siyang operahan. Tama na ang dalawang taon na pagpapahirap sa kanya.

"Nako... Wala na kong alam. Scholarship may alam akong pwedeng pagkunan. Gusto mo ba?"

Umiling ako, "Kuya ni Vince ang nagbabayad ng tuition ko..."

Nanlaki ang mata ni Leyra at bumulong sa 'kin, "Sino? Yung Calvix? Yung matangkad na gwapo na maala-Christian Grey ang dating?!" Tumango naman ako. Tito Calvix is really every girl fantasies. Kahit yata nasa mid-40s na ito ay marami pa rin siyang nahuhumaling na babae. Tita Alison should guard her husband.

"Ang swerte mo talaga dyan sa boyfriend mong si Vince! Kulang nalang yata ay itanan ka non!" Hindi na ako muling nakaimik pa ng sitahin kami ni Manager.

Bumalik ako sa paglilinis ng sahig. Hindi ko maiwasan ang hindi maisip siya. It's been 1 week since the last time I saw him. Ni-hindi na rin naman siya nakakapasok sa school dahil sa nangyari sa kanyang paa. As I heard from Dwayne, he's healing fast. He should be. Nalalapit na ang midterms. Ayokong bumaba ang grades niya.

I miss him.

Siya lang yung taong nasasandalan ko sa panahon na walang-wala ako. Siya lang din yung taong kaya akong pasayahin sa kahit anong paraan. That's Vince. He may be a childish but he's worth of loving.

I won't give up on him. It's my decision. Every night, napunta ako sa bahay nila. Natanaw sa malayo. He's finally home... again. Sa wakas ay pumayag na ulit siyang umuwi. I'm just standing there for about 2 or 3 hours. Well, it depends. Basta pag namatay na ang ilaw ng kwarto ni Vince, saka ako aalis.

I love him. I'm so inlove with him.

Sa ngayon, wala pa akong maipagmamalaki. But someday, I'll make them proud of me. I'll make Tito Nathan will approve of me.

"Ingat ka Erin sa daan!" Paalam sa 'kin ni Ate Leyra na sumakay na ng jeep. Kumaway naman ako at nagsimula ng maglakad pauwi. Hindi naman malayo-layo ang bahay namin. Kung masipag ka, lalakadin mo. Kung tamad ka, magtr-tricycle ka. Eh sayang ang sampung piso. Dagdag pera na rin para sa pagpapagamot kay Echo.

Tumingin ako sa orasan ko at tiningnan ang orasan. "Tulog na kaya siya?" Huminga ako ng malalim at mabilis na tumakbo. Sanay na rin naman ako mapagod. Wala lang 'to. Wala akong pakielam kung malayo ang bahay nila V. Basta matanaw ko lang siya na nakasilip sa terrace ng kwarto niya habang nakaupo sa kanyang wheelchair ayos na ang gabi ko.

Tumagal ng trenta minutos ang pagtakbo ko. Malamang hiningal ako kaya bumili rin ako ng tubig sa nadaanan kong 7-eleven bago pumasok ng subdivision nila Vince. Kilala naman ako ng mga bantay doon dahil madalas akong dumalaw kay Vince noon.

Napangiti ako ng matanaw si Vince na nakatingin sa kalangitan habang nakaupo sa kanyang wheelchair. Sa kanyang bandang kanan ay nakatayo ang isang guard. Hope he's now okay. It's been 1 week, Vince. I really miss you. I miss everything about you.

"I love you..." I whispered as I stared at him from afar.

Konting tiis nalang, Erin. Pag gumaling na ulit si Vince, makakasama mo na ulit siya. He misses you too. Kinuha lang ni Tito Nathan ang phone niya kaya hindi ka niya matext o matawagan. Bantay sarado din siya ng isang guard ni Tito Nathan kaya baka hindi ka rin niya matawagan sa landline.

Pinaalis ni V saglit ang guard na nakabantay sa kanya. Binalik niya ang kanyang atensyon sa pagtitig sa kalangitan. Ngayong mag-isa na siya, pwedeng-pwede ko na siyang tawagin para makita niya ako.

Akmang hihiyaw na ko ng makita ang isang matangkad na babae na pamilyar sa 'kin. Her height, her wavy hair, her curves are seemed so familiar to me.

"Megan..."

She's here. At least, alam kong merong akong kaibigan na mapagkakatiwalaan sa tabi ni Vince. Alam kong hindi niya pababayaan ito. Sunod kong nakita si Dwayne na may hawak hawak na gitara. Ngumiti ako ng mapait. Andito pala sila. I'm the only one who's not welcome in here.

Huminga ako ng malalim at niyakap ang aking sarili dahil sa lamig. Tumalikod na ko at naglakad papaalis habang naririnig ang kanilang malalakas na tawanan.



Megan's POV

"You want juice?"

"Bread?"

"How about fruits?"

"I'm really not hungry, Megan..."

I pouted my lips, "But you need to eat something. Sabi ng nurse ayaw mo raw kumain. Pagkauwi dito nila Tita Aliyah, paniguradong papagalitan nila yung nurse. You want that to happen? You hate making others life miserable because of you..." Pangongosensya ko naman. Hope he'll take it seriously.

Nagpakawala ng buntong hininga si V na kuhanin ang hiwang mansanas at kinain ito. Nag-okay sign naman si Dwayne doon sa may nurse na tinatanaw kami mula sa sliding door. Nagsulat ito sa isang bond paper at tinaas ito upang mabasa namin.

[After a few bites of fruits, made him take his meds.]

Kahit hindi na namin sabihin ni Dwayne sa kanya ang pag-inom ng gamot ay kusa na niyang ininom ito. Natuwa naman kami ni Dwayne dahil doon kaya ilang sandali lang ay iniwan na kami ng nurse na nagbabantay sa may sliding door.

"Ah... Siya nga pala. Erin's asking you... I think she wants to sneak in..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dwayne. WHAT?! Bakit hindi ko alam 'to? I'm with her with all day! Wala siyang sinasabi sa 'kin sa binabalak niya!

Tiningnan ko si V. His face expression is now cold. Na para bang wala siyang pakielam sa sinabi ni Dwayne. Am I really seeing this? Si V, wala ng pakielam kay Erin? Maybe, I'm wrong.

"Tell her to wait for me... H-Hindi pa ko handa."

Parehas na napakunot ang noo naming dalawa ni Dwayne. Nagkatinginan pa kaming dalawa ng ilang segundo bago ibalik ang tingin kay V na tahimik ngayon nakatitig lamang sa kalangitan.

"Pagod na kong sawayin sina Mommy at Daddy... I need to think about our relationship for awhile. Nakakapagod rin palang lumaban..."

Hearing those words from him is really unbelievable. Si V ba talaga itong kaharap namin? Or, just his doppelganger?

"Bro, naririnig mo ba ang sinasabi mo? It's like you want to break up with her. Not now, bro. She needs you. Her family needs you. Just not now..."

"Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung kailan mas malala na ang kayang gawin ni Tito Nathan kina Erin? Can't you see? Wala na siyang scholarship. Wala ng trabaho ang Tatay niya. Konting kilos pa ni Tito Nathan, they'll end up in the street." I said in a raise tone. Hindi ako payag na mabago pa ang isip ni V. Kung pinagiisipan na niya, ibig sabihin ay may parte sa utak niya na nagsasabing Erin is not good for him. That she's bad for her. That she's just his nightmare.

Dwayne was speechless. That's what he is. Kapag ako na ang nagsasalita, hindi na siya nasingit o tinututulan pa ako. That's how he loves me. Kahit na alam niyang mali ako, hindi na siya iimik pa.

"Y-You want to talk to her?" Pagbubukas ko ng usapan. Maybe, he wants to hear her voice. It's been one week already. I don't want V to suffer so much. But I really hope that he doesn't want to talk to her. That he needs more time.

V shook his head, "Ayoko."

"Just text her if you don't want to hear her voice. Malaman niya lang na pagaling ka na." Malamig na tugon ni Dwayne. He really want the two of them to talk! Nakakainis!

"I don't have my phone with me..."

Tumayo si Dwayne mula sa kanyang kinauupuan, "Should I call Tito Nathan and ask where he put your phone?"

V furrowed his eyebrows, "What?"

"Kung tatawagan ko ba si Tito kung saan niya nilagay ang phone mo para matext mo na si Erin?" Paguulit ni Dwayne kay V.

Nakakunot pa rin ang noo ni V. Tila ba hindi alam kung anong sinasabi ni Dwayne. "It's in my drawer. Wala kay Dad..." He said in a low tone playing with his fingers.

"WHAT?! Ang buong akala ni Erin ay kinuha ni Tito Nathan ang phone mo kaya hindi ka makapagtext sa kanya. You mean... sinasadya mo na hindi talaga sya kausapin all this time?" Dwayne sounded mad. Really mad.

"Dwayne, just stop it." I held his wrist, "Kakasabi niya lang di ba? Na kailangan niya ng oras para makapagisip that's why he's avoiding her..." I explained behalf of V. Alam kong hindi na niya kaya pang makipagtalo pa kay Dwayne.

"But she's waiting for you, bro..." This time, naging mahinahon na ang boses ni Dwayne na tila ba kinukumbinsi na si V na magbago na ang isip.

"I'll be coming for her. But not now..."

Nanahimik kaming tatlo. V just keep eating his fruits and drinking his water with the miracle drop. After an hour, napagdesiyunan na namin ni Dwayne na umalis. Bago kami lumabas ng kwarto ni V ay sinigurado muna namin na nakahiga na siya sa kanyang kama at nakapikit na.

Nang makababa na kami ay nakita namin kaagad sina Tita Aliyah at Tito Nathan na mukhang kakadating lang. They looked so tired and really tortured from work. Handling business problems.

"That girl is really getting in my nerves, hon..."

We stopped for a moment and tried to hide ourselves. "Tumigil ka na, Patrick. Hindi ka na nakakatuwa. She's your son's girlfriend! She's Erin! Tumayo tayo na magulang niya noong bata pa sila ni Vince! Just please... stop?" Tita Aliyah's voice cracked. Hinimas niya ang likod ng asawa.

"How can I stop? Tell me! Isa pang tungtong ng babaeng 'yan sa subdivision natin ipapakulong ko na 'yan!" Mas galit na tono ng boses ni Tito Nathan. Tumayo ito at inis na ginulo ang buhok.

"Patrick hon... Alam na ni Vince ang ginagawa niya. Mahal niya si Erin. Nagmamahalan sila. Hayaan na natin sila. Mabait na bata si Erin. Hindi siya masamang impluwensya sa anak natin..."

"Hindi masamang impluwensya? Hindi mo ba naririnig ang sinasabi mo? Our son ran away from home and chose to be with her!" Dahil sa malakas na boses na aming narinig, mas sumiksik pa kami ni Dwayne sa aing pinagtataguan na malaking cabinet.

"He didn't run away! You kicked him out!" Naiiyak na na sabi ni Tita Aliyah sa asawa. I want to run to her and hugged her. She's like my mother and I hate her seeing cry.

Ilang beses na nagpakawala ng buntong hininga si Tito Nathan dahil sa naiyak na asawa. Ilang sandali lang ay niyakap niya ito at hinalikan sa noo. "I'm sorry, hon..."

Patuloy pa rin sa paghikbi si Tita Aliyah. Akmang aalis na kami ni Dwayne sa aming pinagtataguan pero parehas kaming napahinto ng marinig muli si Tito Nathan na magsalita.

"If the results is negative, hindi ko na papahirapan pa ang pamilya ni Erin." What? Negative?

"N-Negative?"

"If it's positive, then fvck her!"

"Wait hon! What are you talking about?!" Gustong-gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan namin at itanong nalang kina Tito Nathan kung ano ba ang ibig niyang sabihin. What is it? Resulta ng ano?!

"I asked a doctor... a specialist HIV doctor actually... to test him."

WHAT?!

TEKA ANO TO?!

"W-What? Why? Bakit hindi ko alam 'to? Kailan 'to?! Is this why you tell his nurse to inject him diazepam so he won't wake up while he's being tested for an HIV disease?!" Tita Aliyah sounded panicked.

"It's just nucleic acid test and combination or fourth generation test! There's nothing to worry about!"

"But you tested him without my permission!"

"You don't understand, hon. Erin may be carrying a disease. I'm not sure if they slept with each other but I need to be sure if our son have it or not." Hinawakan ni Tito Nathan ang magkabilang balikat ni Tita Aliyah at sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahan, "Erin is a prostitute."

- - - - - - - - - - - - -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro