LNV: Chapter 1
LNV: Chapter 1
Megan's POV
"Seriously, V?! Ugh!" Nakakairita! Kanina pa nya yakap-yakap yung unan. 4th year college student na kami ngayon at may dala-dala pa syang unan.
"Ang lambot~!" Sabi nya habang niyayakap at hinahalik-halikan yung unan na yon. And I forgot to mention, mukha lang naman ni Erin ang naka-print dun sa unan na yon. Kaya halos sumabog na ko dahil sa sobrang selos.
"Babe!" Nagulat ako ng biglang may humalik sa pisngi ko. Medyo nakaramdam ako ng pandidiri sa sarili ko dahil hindi ko naman talaga gusto si Dwayne. Two weeks na kaming dalawa ni Dwayne pero pakiramdam ko, dalawang taon na akong nasasakal sa relasyon na'to.
Tila nagulat ang lahat dahil sa sigaw ni Vince at ng ibato nito ang unan kay Dwayne, "Sinong may sabi sayong pwede mong halikan si Megan?! Kahit bestfriend kita hindi mo pwedeng halikan si Megan!" At para namang naging isang tigre itong katabi ko dahil sa galit.
Natawa nalang kaming dalawa ni Dwayne at hinawakan ang kamay ko para dalhin sa likod dahil dapat tabi kami, "Oh san mo dadalin si Megan?! Ah ah naman Dwayne! Tabi kami eh!" At nagwala naman na parang bata si Vince na halos guluhin ang buhok, binato ulit ang unan at nagiyak-iyakan.
Napakamot nalang kaming dalawa ni Dwayne sa ulo. Palagi syang ganyan. Fourth year college na kami pero sya pa ring ang Vince noong elementary kami. May isa pa kaming taon sa college dahil engineering ang course namin. Bakit isip-bata pa din sya? Para bang hindi na-develop yung utak nya. Haha! Joke! Kahit ganyan yan at minsan naiinis ako, mahal ko pa din yan. Oo, mahal ko si Vince. Sobra sobra. Kaya kahit ang gamitin ang bestfriend nya para mas mapalapit ako kay Vince, ginawa ko.
"Ganyan ka naman Megan eh! Pag may boyfriend ka na, nakakalimutan mo na'ko! Huhu!" Kumuha pa ito ng tissue at suminga doon. Napakamot nalang ulit ako ng ulo at the same time, natatawa ako kay Vince. Pakiramdam ko tuloy, napaka-espesyal ko sa kanya.
"V –"
"ERIN!" We all both turn our heads and we saw her. Great! She smiled and walked towards to us.
"Sige Megan, dyan ka na! Andito na naman si Erin eh! At least sya hindi nya ko iiwan! Hmf! Di ba loves?" At niyakap nya si Erin ng mahigpit na mahigpit.
Hinawakan ni Dwayne ang kamay ko at nasimulang mag-kwento ng kung ano-ano. Pilit lang akong ngumingiti. Dito naman ako magaling. Ang magpanggap.
Nasilip-silip ako sa pwesto nila Vince at Erin. Ang saya-saya nilang nagkukwentuhan. Bakit ganon? Iba ang tawa ni Vince pagdating kay Erin? Yung kahit ba 1 word lang sabihin ni Erin, ang saya-saya pa din nya.
"Babe?" Bumalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Dwayne. "Okay ka lang?" Hindi ako okay, Dwayne.
Ngumiti ako, "Oo naman. Umm, cr lang ako." Nagpaalam ako at tumayo na.
"Sama ako." Akmang tatayo din si Dwayne pero pinigilan ko sya.
"Wag na. Kaya ko na." Pagpipigil ko sa kanya at dali-daling lumabas ng room.
Nakatungkod ang dalawang kamay ko sa may tiles na lababo ng banyo. I was staring myself in the mirror when my eyes watered. I pity myself for falling in love with him – Vince. Napapagod na ko. Simula pagkabata, gusto ko na sya. Close kami pero parang may wall pa din sa aming dalawa. I closed my eyes and memories flashed through my mind,
-Flashback-
~~Play the music
"Merry Christmas, Vince!" Akmang yayakapin ko sya pero kaagad syang umiwas.
"Call me, V! Only Erin can call me 'Vince'!" He pouted at kinuha lang yung regalo ko sa kanya.
I'm a 15 year-old girl, who's deeply in love with Nathan Vince Aranillo since I was 8 years old.
Umupo ako sa tabi nya, "Asan si Erin?" Tanong nya sa akin habang sinasawsaw nya yung stick-o nya dun sa nutella.
"A-Ah, di daw makakadating e. D-Di daw pinayagan ng nanay nya na lumabas." I lied. Pinapasundo kasi sa kin ni Vince si Erin sa kanila. Dahil parehas na kaming pupunta dito, isabay ko na daw si Erin. Kesa naman maglakad na naman daw si Erin ng mag-isa. Hindi kasi sya pinapayagang lumabas ng bahay ni Tito Nathan dahil grounded sya. Paano ba naman, sinuntok nya iyong nanliligaw kay Erin.
"Sayang. May ibibigay pa naman ako sa kanya." Malungkot nyang sabi habang nakatingin sya don sa isang malaking box. "Umm, Megan, wala nga pala akong regalo sa'yo. Kay Erin lang nagkasya yung inipon ko e."
Ngumiti lang ako, "Ano ka ba. Ayos lang!" Hinampas ko sya ng mahina sa braso.
"Salamat dito." Sabi nya sa akin at binato nalang yung regalo ko don sa may kabilang sofa, "Cake gusto mo? Kukuha kita sa ref." Alok nya sa akin.
"Gusto ko din nitong stick-o." Kukuha na sana ako pero nilayo nya ito sa kin.
"Hindi pwede. Baka maubusan si Erin. Baka pumunta pa sya dito bukas e. Alam mo namang favorite nya 'to." Huminga ako ng malalim. Megan, si Erin lang 'yan. Mas boto sa'yo sina Tito Nathan, Tita Aliyah, Ate Nathalie, Ate Alison at Kuya Calvix ni Vince. Walang panama sa'yo si Erin.
Muli akong ngumiti, "Oo nga pala."
"Vince!"
Napatayo sa kinauupuan si Vince at malawak na ngumiti nang makita si Erin sa may pintuan nila, "Erin!" Tumakbo sya papalit kay Erin at iniwan akong mag-isa.
Sanay naman na ko. Pag talaga dumating na si Erin, nababaliwala na lang ako. Naiiwan nalang ako. Nagiging invisible na ko sa mata ni Vince.
"Megan!" Niyakap ako ni Erin at humalik pa sa pisngi ko.
"Hello." I said in a cold tone. I checked her out from face to toe. God! Wala talagang ka-fashion fashion sa katawan 'to! It's Christmas! Not Halloween's day! Bakit pang-semena santa ang suot nya? She's wearing a simple black dress for god's sake! Kahit yata sa divisoria ay hindi na binibenta yung suot nya!
Umupo sya sa tabi ko. Mali pala. Umupo sya sa pagitan namin ni Vince. Panira talaga.
"Megan, para sa'yo nga pala." May inabot sya sa king plastic.
"What's this?"
"Gift."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon. Should I laugh or what? Oh my god. It's a hairpin! I think it suits more to my puppy! Ang cheap nya talaga.
"Ah, thanks." I said, "Sorry wala akong gift. Wala na kong pera e."
"Ayos lang. Picture lang tayo palaging dalawa lang ayos na 'ko." Tapos tumawa sya. Gustong-gusto nya talagang magkakapicture kami. Picture naming dalawa nga ang profile picture nya sa may facebook. Pati cover photo nya ay kasama ako. Bakit? Kasi pag kasama nya ako sa pictures nya, ang daming likes!
"Erin, picture tayo!" Tapos ay inakbayan sya ni Vince at nag-picture silang dalawa.
"New phone?" I asked.
Tumango lang sa kin si Vince, "Erin, isa pa dali! Hehehe." Tapos ay nag-peace sign si Erin don sa picture. Ang jeje talaga e.
"Sya nga pala! Erin, regalo ko sa'yo." Inabot ni Vince yung malaking box kay Erin.
"Thank you, Vince." Nakangiting sabi ni Erin dito.
"Sabay nating buksan. Game?" Pagkatapos ay masaya nilang binuksan yung regalo nila para sa isa't isa. Ang regalo ni Erin kay Vince ay simpleng shirt lang na binili lang yata dun sa may plaza pero ang saya-saya na ni Vince. Samantalang yung akin paper bag na ng 'triba'l, nagawa nya lang ibato don sa may kabilang sofa. Tas yung kay Erin, halos gawin na nyang unan kakayakap.
I can't take my eyes off Erin while she's opening Vince's gift. She looks so happy. Vince was also staring at her that made me feel pain.
"Vince, thank you!" Napayakap si Erin dahil sa ganda ng regalo ni Vince. It was a white dress, with a doll shoes, and a necklace.
Nagulat si Vince sa ginawa ni Erin pero kaagad din naman nyang binalikan ang yakap na 'yon. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Vince. Yung ngiti na hindi nage-exist pag kami ang magkasama.
I just sit there and watched them like a fool. I guess I'm trying to kill myself watching the someone I love, loving someone else.
-End of flashback-
Yun ang araw na halos paulit-ulit akong nagdadasal kay God na sana talaga hindi nalang nag-exist sa mga buhay namin si Erin. I'm a backstabber. Pag kaharap ko si Erin, puro papuri at magaganda ang sinasabi ko sa kanya. Pero sa isipan ko, ilang beses ko na syang pinatay.
Kada-magkasama kaming tatlo, lagi nalang akong baliwala. Kaya nga tuwang-tuwa ako pag kasama ni Vince si Dwayne, ang bestfriend nya. Si Dwayne lang kasi ang nakakapansin sa kin. Pag OP ako, andyan sya palagi sa tabi ko. Nagagawa kong tumawa, maging masaya at the same time nasasaktan dahil ang saya ni Vince kay Erin.
-Flashback-
"V, Ano ba kasing meron? Pagod na pagod na ko kakapabalik-balik dito dahil sa mga foods na pinaluto mo sa min ni Tita Aliyah!" Iritado kong sabi kay Vince. Kakahatid ko lang kasi nung wine na pinadapala nya. Andito kami sa malaking garden ng bahay nila at para bang may okasyon dahil nagkalat ang mga balloons at petals ng roses sa damuhan.
"Ayos na ba ko? Pogi na ba, Megan?" Tanong nya sa akin.
You're perfect, Vince.
"Uy, Megan!" I was imagining things when Vince called out my name. "Text mo nga si Dwayne. Yung cake kasi nasa kanya."
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Dwayne. He replied that he's now on his way. Muling nabaling ang tingin ko kay Vince na para bang kinakabahan o ano. He's biting his thumb finger, a sign that he's nervous.
We're 17, young & in love. Hindi ko alam kung para san ba 'tong pinaghandaan namin. Alam ko namang para kay Erin 'to. Pero hindi ko alam kung bakit, kung anong meron at bakit ganito ka-espesyal 'tong gabing 'to.
"Bespren!" Dumating si Dwayne at nilagay na din kaagad yung cake sa may table, "Si Erin, asan na?" He asken as Vince lighting the candles on.
Narinig namin ang pagbukas ng gate, knowing that she's here now. Hindi ako nagkamali. She started to walked towards Vince directions. Ang lapad ng ngiti nya, kulang nalang ay mapunit yung mukha nya.
"Erin, will you be my girlfriend?" My world stop.
"Yes!"
And tears streamed down on my face.
"Megan, you're crying, too? Oh my god! Finally, nagka-girlfriend na si bunso!" Naiiyak na sabi ni Ate Nathalie.
"He already found his princess." Naluluhang sabi din ni Tita Aliyah. Umakbay sila parehas sa kin ni Ate Nathalie, "We're really his family. Pati kahit ang pagkakaroon nya ng girlfriend, naiiyak tayo." They smiled, so do I.
And that night, everyone thought that my tears were tears of joy when it's not.
-End of flashback-
Inis kong pinunasan ko ang mga luha ko. Eto na naman ako. Palihim palagi ako kung umiyak. Pag sa harap nila Vince, wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti. Ang hirap magpanggap na masasaya ako para sa kanila. It's been 2 years na maging sila. Ang tagal ko ng kinikimkim itong sakit.
I dialed Tita Janelle's number and called her,
"Hello, Tita? Can you pick me up later? I want to have shopping with you."
[Sure, baby. Sama ko si Andre, ayos lang ba?]
"Oo naman, Tita. Matagal na din po kaming hindi nagkaka-kwentuhan ni Andre e."
[Okay, baby. I love you.]
She's my Tita Janelle. Pinsan sya ni Dad at mommy na din ang turing ko sa kanya. Namatay ang tunay kong mommy ng ipanganak ako nito. Kaya siguro uhaw din ako sa pagmamahalng isang tunay na ina.
Hindi ako pumasok ng next na subject at tumambay nalang sa may outdoor field.
"Sabi na nga ba dito kita makikita." Napamulat ang dalawa kong mata ng marinig ang pamilyar na boses.
Napangiti ako, "Cyndy, tabihan mo ko." Sabi ko sa kanya. She's Cyndy Villanueva, daughter of Tito Christopher & Tita Deishen. She's a friend of mine at mas feel ko syang kasama kesa kay Erin.
Tumabi sya sa kin at hinawakan ang balikat ko, "Narinig ko nga pala sina Erin at V kanina sa may locker room."
I furrowed my eyebrows, "What are they talking about?" Si Cyndy ay ka-close din sina Erin. Minsan, sya ang spy ko kina Erin pag wala ako.
Hinawakan ni Cyndy ang kamay ko, "Masasaktan ka lang, Megan."
By looking at Cyndy's eyes, alam kong masasaktan na naman ako. Saka, ano namang bago? Sanay na ko sa sakit. I used to the pain. Kung ano mang malalaman ko, I know na kakayanin pa nitong puso ko. Matatag 'to. Hindi 'to basta nabigay. Basta para kay Vince, handa akong mag-tiis sa sakit.
"Matagal na kong nasasaktan." Pilit akong ngumiti. Ako si Megan. Malakas ako. Hindi ako iiyak sa kung sino man. Ayokong umiyak sa harapan ng isang tao.
Cyndy took a heaved sigh and said, "They're planning to spend a night together." And with that words, it's feels that a knife piercing in my heart.
- - - - - - - - - - - - -
[A/N: Yung music sa flashbacks lang 'yon. Hahahaha.]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro