Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

“Mommy i want to eat napo ng cookies.” masayang aniya ng anak ko habang naka buntot sa akin dito sa may kusina. Nag ba-bake kase ako ng cookies at kanina niya pa gusto tumikim pero hindi pa luto.

“Thyne malapit nang matapos si Mommy, wait lang po.” aniya ko sa anak ko kaya tahimik itong naupo sa may upuan habang pinapanood ako.

“Mom, is it already baked?” tanong naman ni Thyme habang nag babasa ng libro. Limang taon na ang nakalipas at malaki na silang dalawa. Limang taon na din kaming kasal ni Tristan dahil pinakasalan na niya ako kaagad nung pag katapos kong manganak. Medyo nakaka nosebleed nga itong si Thyme dahil palaging English ang salita niya at minsan lang mag tagalog.

“Wait lang mga baby ko malapit na siyang ma bake.” aniya ko kaya naupo din siya sa tabi ng kapatid. Ilang minuto din ang nakalipas bago tumunog ang oven at agad kong inilabas yung mga cookies at inilagay ko ito sa isang lagayan.

“Punta na kayo sa living room. Dadalhin ko na lang ito dun.” wika ko at agad naman silang sumunod sa akin at nag punta doon. Sumunod na din ako sa kanila at inilapag ko sa lamesa yung cookies.

“Thank you Mommy.” sabay na ani nung dalawa bago nila ako hinalikan sa pisnge at kumuha ng cookies.

“Mommy could you tell us a story about you and Daddy. I'm curious paano po kayo nag kakilala?” tanong ni Thyme habang kumakain ito ng cookies.

“We have a long love story anak, pero i-kwekwento ko sa inyo ang isa sa pinaka masayang araw naming dalawa.” aniya ko at agad naman silang naupo sa sofa para pakinggan ang i-kwekwento ko.

“Your Daddy and I are just School Officers. Noon pa lang ay may gusto na ako sa Daddy niyo kahit hindi niya ako pinapansin. Palagi siyang naka simangot at minsan ay galit pero kahit ganun ang ugali niya ay mahal ko pa rin siya. Minahal ko siya ng sobra kaya kahit nasasaktan na ako ay hindi ko siya sinukuan. Tinitiis ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko para lang makasama ko siya. Nasaktan ako pero I'm glad that i stay by his side dahil nabuo kayong dalawa. Kayong dalawa ang tanda ng pag mamahalan namin ng Daddy niyo.” pag kwekwento ko sa kanila.

“That means po bad po si Daddy because he's always mad?” tanong ni Thyne sa akin.

“He's not bad baby, ganun lang talaga ang personality ng Daddy mo.” pag papaliwanag ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango tango at mukang naintindihan niya ito.

“Naaalala ko pa noon na lagi kong kinukulit ang Daddy niyo at tinititigan. Ang gwapo gwapo niya kase at aaminin ko na pangarap ko siyang maging asawa noon.” namumulang saad ko sa kanila. Bigla tuloy bumabalik yung mga memories ko noon. Kung papaano ako nag papapansin kay Tristan at kung papaano ko siya tinititigan. Ang masasabi ko lang ay inlove na inlove ako sa kaniya noon.

“Mom your blushing.” natatawang saad ni Thyme habang nakatingin sa akin. Nakita niya pa yun? Mag sasalita na sana ulit ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Tristan.

“Daddy!” sabay na ani nila. Agad na tumakbo yung kambal papalapit sa kaniya at nagpa kalong.

“Good Evening mga anak. Good Evening Mahal.” pag bati niya sa amin bago siya naupo sa tabi ko.

“Kamusta ang trabaho?” tanong ko sa kaniya bago kami nag halikan sa labi.

“Okay naman, may panibago akong project with business partners. Kamusta naman kayo dito?” tanong niya bago ibinababa yung kambal.

“Okay naman, kakatapos ko lang mag luto ng cookies.” aniya ko bago ko pinunasan ang pawis niya.

“Daddy is it true that Mommy likes you first?” tanong ni Thyne habang may hawak hawak siyang gatas.

“Yes she fell in love with me first, but i fell harder for her.” malambing na aniya ni Tristan dahilan para mamula ako sa kilig. Hanggang ngayon ba naman ay papakiligin pa din ako nitong lalaking ito? Grabe naman mahal.

“Bakit niyo po minahal si Mommy? Ano po ang dahilan kung bakit mo siya minahal?” tanong muli ni Thyne sa kaniyang ama. Aba anak ang usisa mo naman.

“I love her just the way she is. Kahit na ang sama ng ugali ko ay hindi niya ako sinukuan. Kahit paulit ulit ko siyang sinaktan ay minahal niya pa rin ako.”aniya ni Tristan dahilan para ma amaze yung dalawa.

“Ang Mommy niyo lang ang mamahalin ko habang buhay at sa kabilang buhay.” he said before kissing me. Agad namang nag takip ng mata yung kambal dahilan para mapatawa kami.

_

Papaalis na ako sa bahay ngayon dahil pupunta ako sa restaurant kung saan kami mag kikita ni Tristan. Nag chat kase siya kanina na tapos na ang trabaho niya kaya mag date na lang kami muna. Sumakay na ako kaagad sa kotse at nag pahatid kay Kuya Kanor sa restaurant kung saan kami mag kikita.

Habang nag mamaneho si Kuya Kanor ay naka silip ako sa bintana. Excited na ako dahil ngayon lang kami ulit makakapag date dahil nung nakaraan ay palagi siyang busy at inaalagaan ko naman yung kambal. Mabuti na lang ay may pasok yung kambal kaya wala akong inaalagaan ngayon.

Habang naka silip ako ay nabigla ako nang makita ko si Tristan sa loob ng isang restaurant. Agad kong pinatigil si Kuya Kanor doon at tama nga ang hinala ko, si Tristan na iyon. Biglang kumirot ang puso ko nang makita ko siyang may kausap na babae habang masaya silang nag uusap. Dali dali akong bumaba sa kotse at nag lakad papunta doon.

Hindi ako makapaniwala. Akala ko ba ako lang ang mamahalin niya? Bakit ngayon may kasama na siyang bago? Akala ko ba hindi na siya mag loloko. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang pag tulo ng aking luha bago ako pumasok sa restaurant at lumapit sa kanila.

Kita ko ang gulat sa muka nila nang makita nila ako. Hindi niya siguro ine-expect na mahuhuli ko sila.

“Akala ko ba mag da-date tayo? Bakit nandito ka ngayon at kasama mo yang babae mo?” inis na tanong ko sa kaniya nang makalapit ako doon.

“Keisha, what are you doing here?” gulat na tanong niya sa akin.

“Hindi mo siguro inaakala na mahuhuli ko kayo noh? Bakit mo pa ako inaya makipag date kung makikipag kita ka lang pala sa babae mo?” galit na saad ko sa kaniya dahilan para mag tinginan ang mga tao dito.

“Hindi sa ganun Mahal and I'm not cheating on you.”  aniya niya pero hindi ko siya pinakinggan at sinampal ko siya.

“Huwag ka ng mag paliwanag. Bahala ka na sa buhay mo.” galit na saad ko sa kaniya bago ako lumabas ng restaurant na iyon at sumakay sa kotse.

Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko at inilabas ko na lang ito. Sinabihan ko si Kuya Kanor na sa bahay ako ni Jiro ihatid. Umiiyak ako sa buong biyahe ko papunta doon. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito sa akin. Maayos naman kami kahapon diba? Bakit siya nag hanap ng iba? Nag sawa na ba siya sa akin?

Agad kong niyakap si Jiro nang makarating ako doon at humagulgol. Kita ko ang gulat sa muka niya bago niya ako niyakap pabalik.

“Anong nangyayari Kei? May masama bang nangyari sayo?” nag aalalang tanong ni Jiro habang patuloy pa din akong umiiyak.

“Jiro si Tristan, nahuli ko siyang may kasamang babae sa restaurant kanina. Bakit niya nagawa sa akin toh? Naging mabait at loyal naman ako sa kaniya diba? Bakit ganun?” umiiyak na saad ko sa kaniya habang pinapakalma niya ako.

“Nasaaan yung lalaking yun? How could he!” galit na sigaw ni Jiro bago niya ako pina upo sa may upuan at ikinuha ng tubig. Akmang mag sasalita na sana ako ulit nang biglang bumukas yung pinto at iniluwa noon si Tristan habang kasama yung babae niya.

“Mahal listen to me, I'm not cheating on you. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko at may anak na tayo.” aniya niya habang papalapit sa akin pero agad akong lumayo sa kaniya. Ang lakas naman ng loob niyang dalhin pa dito yung babae niya noh! Nagulat si Jiro nang makita niya yung babae.

“Millae? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa meeting ka?” nag tatakang tanong ni Jiro dun sa babae. Millae? Kilala niya yung babae?

“Wait kilala mo siya? Paano?” tanong ko kay Jiro.

“Well she's my girlfriend. Millae bakit kasama mo yung asawa ng pinsan ko? Don't tell me you're cheating on me?” aniya ni Jiro dahilan para magulat ako. Girlfriend niya yung babaeng yon? Pero papaano?

“Listen Keisha, I'm not cheating on you, Millae is my cousin. We are talking about the house na gusto mong ipagawa sa Laguna. Siya ang gusto kong kumuha nung project na iyon at isinekreto ko ito dahil gusto kitang surpresahin. Hindi ako mag loloko Keisha at mahal na mahal kita. Alam mo yan.” aniya ni Tristan habang hindi pa rin ako makapaniwala.

“Wait mag pinsan kayong dalawa?” gulat na tanong ni Jiro kay Tristan at Millae.

“Yes my mother and his mother are sisters.” aniya ni Millae bago siya tumingin sa akin.

“He's not cheating on you Keisha, he loves you so much.” nakangiting aniya niya bago siya lumapit kay Jiro. Bigla tuloy akong namula sa hiya. Bigla bigla na lang kase akong nanisi. Huhu anong gagawin ko?

_

Yan ang mga pang yayari last year. Puro ako selos noon at paiba iba ang mood dahil buntis na pala ako sa ikatlong anak namin. Ipinanganak ko siya last month at sobrang saya ko ng malaman kong babae ito. Pinangalanan ko siyang Trisha Kalinah Valdez.

Masaya na ako ngayon habang namumuhay kasama ang asawa kong si Tristan Carl Valdez at ang tatlo naming anak na sila Thyme Kieshan Valdez, Thyne Kirsten Valdez at Trisha Kalinah Valdez. Masasabi ko talagang kapag hindi ka sumuko, makukuha mo ang gusto mo. Marami akong naging problema, nasaktan ako at umiyak pero ang ending ay kami pa rin ni Tristan ang nag katuluyan. Mahal na mahal ko siya at mahal na mahal niya rin ako.

I, Keisha Faye Valdez and my husband Tristan Carl Valdez is now signing off. Maraming Salamat sa pag babasa ng love story namin. Ilalabas na din ni Author ang susunod na story kaya abangan niyo na. Yun lang at Maraming Salamat ulit.

The End×

× Comment for the next story×
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro