Chapter 5
Masaya ako sa mga oras na mag kasama kami ni Tristan. Simula nung gabing yun ay palagi na siyang mabait sa akin. Hindi na niya ako sinusungitan at palagi siyang malambing sa akin. Sobrang saya ko dahil mahal ko siya. Sa mga lumipas na araw ay palagi kaming mag kasama. Palagi kaming lapit kapag natutulog. Napapansin kong masaya si Nay Dalia dahil medyo nagiging close na kami ni Tristan. Sabi sa akin ni Nay Dalia na ipagpatuloy ko daw yan at may pag asang maging kami ni Tristan.
Ngayon na ang huling araw namin dito sa bahay ni Nay Dalia. Medyo nakakalungkot dahil sobrang saya namin dito simula nung nakaraang linggo. Pero kailangan na namin dumiretso sa may Laiya para makapag reserve na kami ng hotel na tutulugan ng buong klase kapag nag punta na kami doon.
Kasalukuyan akong nag iimpake habang si Tristan naman ay nasa may kotse na. Binigyan kami ni Nay Dalia ng mga prutas at gulay. Halos mamula ako ng parang kamatis ng bigyan kami ni Nay Dalia ng tatlong bote ng honey.
“Nay bakit parang andami naman po nung honey?” nahihiyang tanong ko. Tuwing nakakarinig ako ng honey o nakakakita bigla bigla ng honey, namumula ako dahil sa kahihiyan na ginawa ni Tristan.
“Paborito yan ni Tristan sinabi niya sa akin. Kaya kinuha ko siya ng honey sa tindahan para may maiuwi siya. Mag ingat kayong dalawa ha” saad ni Nay Dalia kaya tinanggap ko na ito kaagad. Baka kase itanong niya kung saan kinakain ni Tristan yung honey.
“Maraming salamat sa pagpapatira sa amin dito. Gusto ko pong sabihin na sa mga araw na nakasama namin kayo ay sobrang saya namin.” masayang wika ko bago ko niyakap si Nay Dalia. Binigyan ni Tristan si Nay Dalia kanina ng pera, nung una ayaw tanggapin ni Nay Dalia ito pero pinilit namin siya.
“Ipagpatuloy mo ang pag mamahal mo sa kaniya. Alam kong kayo ang nakatadhana sa isa't isa, huwag mo lang siya sukuan.” wika ni Nay Dalia bago ako lumabas sa bahay at sumakay na ako sa kotse. Nang makapasok ako doon ay naabutan kong umiinom si Tristan ng soft drinks.
“Nakapag paalam ka na kay Nay Dalia?” tanong niya bago niya binuksan yung makina ng kotse.
“Oo, sabi niya mag ingat daw tayo. At eto nga pala pinabibigay ni Nay Dalia.” aniya ko bago ko inabot sa kaniya yung tatlong bote ng honey. Nang makita niya ito ay bigla siyang ngumisi bago niya ito kinuha.
“Hmm binigyan na pala ako ni Nay Dalia. I was planning to buy some before we went home.” he said smirking. Kung ano ano nanaman iniisip nitong lalaking ito! Puro nanaman siya kamay*kan!
“Tumigil ka nga jan! Puro ko kalokohan!” pag sasaway ko sa kaniya. He just chuckled bago siya nag simulang mag maneho. Tumahimik na lang ako dahil medyo inaantok pa ako.
Habang nag mamaneho siya at nag ce-cellphone ako, naramdaman kong hinawakan niya yung hita ko. Agad kong inalis yung kamay niya pero agad niya itong hinawakan muli. Tatanggalin ko na sana ito muli pero sinimangutan niya ako. Para bang sinasabi niya na huwag kong tanggalin. Kaya ayun hinayaan ko na lang siya.
Nanonoos ako ng anime nang biglang nag ring yung cellphone ko. Napansin kong tumatawag pala si Jiro sa akin. Ngayon ko lang siya ulit makaka usap simula nung higitin ako ni Tristan at isinama ako dito sa Batangas. Agad kong sinagot ang tawag niya.
“Hello Jiro, napatawag ka?” pag bati ko rito. Biglang napatingin si Tristan sa gawi ko. Ramdam na ramdam ko ang madiin niyang titig habang kinakausap ko si Jiro.
“Ano na Kei? Isang linggo akong walang narinig sayo? Okay ka lang ba? Saka kasama mo ba si Tristan?” tanong niya mula sa kabilang linya. Agad naman akong napangiti dahil napaka protective talaga nitong pinsan ko. Akmang sasagot na sana ako ng hablutin ni Tristan yung hawak kong cellphone.
“Oo kasama niya ako at huwag mo kaming istorbohin.” galit na aniya nito bago niya pinatay yung tawag. Nabigla ako dahil kanina naman ay maayos pa siya pero ngayon ay parang galit siya. Tumawag lang naman si Jiro ah? Ano nanaman kayang problema nitong lalaking ito? Nabigla ako ng ipasok niya sa bulsa niya yung cellphone ko.
“Ibalik mo sa akin yung cellphone ko.” lakas loob na saad ko sa kaniya. Pero imbis na yung cellphone ko ang ibigay niya sa akin ay isang ipad ang inabot nito sa akin. Ano namang gagawin ko dito? Yung cellphone ko ang kailangan ko.
“Yung cellphone ang hinihingi ko Tristan. Saka anong gagawin ko dito, ibalik mo na yung cellphone.” pamimilit ko sa kaniya. Akala ko naman ay yung cellphone ko na ang ibabalik niya pero nabigla ako ng iabot niya sa akin yung cellphone niya. Yung I Phone 14 Pro Max niyang cellphone. I Phone 11 lang yung akin tapos siya yung latest ng I Phone. Perks of being mayaman.
“Anong gagawin ko jan?” taas kilay kong tanong sa kaniya pero hindi siya sumagot. Bakit ba ayaw niyang ibigay sa akin yung cellphone ko?! Nanonood pa ako ng anime eh.
“Dyan ka na muna manood, the password is 0-9-1-5-0-7-0-6” he said coldly. Hindi ako makapaniwala. Si Tristan Carl Valdez na crush ko ayaw ibalik yung cellphone ko at ipinahiram niya sa akin yung cellphone niya? Totoo ba ito? Teka baka nananaginip ako.
Ano kayang laman ng cellphone niya? Gusto ko makita ang laman ng gallery at messages niya kaya itinype ko yung password na sinabi niya at bumukas nga ito. Dahil sa hindi naman siya nakatingin sa akin ay agad akong nag punta sa gallery niya. Nang buksan ko ito ay puro picture niya lang ang nakalagay.
Hindi ko alam na mas marami pa pala akong picture niya sa gallery ko. Oo humigit kumulang 300+ ang picture sa cellphone ko at puro picture niya lang ang nakalagay doon. Pasimple ko kase siyang pinipicturan habang hindi siya nakatingin. Halos 60 lang ang picture niya dito. Nagtataka ako dahil 245 ang total ng photos niya pero 60 lang ang pwedeng makita. Para bang naka hide yung iba sa iisang album at may lock ito. Hindi ko alam kung ano ang ilalagay kong password pero naisipan kong i-try yung password ng cellphone niya. Kaya agad kong tinype yung password niya kanina at BOOM! Bumukas ito. Grabe ang galing ko talaga! I'm so proud of my self. Buti na lang naisip ko yun noh. Ano kaya ang laman nitong album na ito.
Agad ko itong binuksan, pero dapat pala hindi ko na itinuloy. Nagulat ako nang makita kong yung 180+ na picture sa cellphone niya ay puro picture pala ni Sevy. Picture nilang dalawa at mga stolen pic ni Sevy. Biglang kumirot ang puso ko nang makita ko ang mga picture na ito, saka ko lang ulit naalala na si Sevy nga pala ang nagugustuhan niya. Bakit nga ba ako nabigla. Baka kaya lang naman siya sweet sa akin ngayon dahil wala si Sevy.
Bigla akong nawala sa mood at nasaktan. Dapat pala hindi ko na ito binuksan, nasaktan lang tuloy ako. Ano nga bang magagawa ko kung si Sevy ang gusto niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mainggit kay Sevy. Bakit kase sa lahat ng babae siya pa? Talong talo ako kung pagkukumparahin kaming dalawa.
Ang sakit kapag iniisip kong hindi niya ako magugustuhan. Baka kaya lang siya mabait sa akin nung nakaraan ay para makalimutan niya si Sevy.
Agad kong pinatay yung cellphone niya at ibinalik ko ito sa kaniya. Napansin niya siguro na parang nalungkot ako kaya agad niya akong tinanong.
“Is there a problem Keisha? Parang malungkot ka ata? Nagugutom ka ba?” sunod sunod na tanong niya sa akin. Hindi ko na lang siya sinagot dahil hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Hindi ko namang masabi na nag seselos ako dahil wala naman akong karapatan. Nabigla ako ng hawakan niya ang baba ko at ihinarap niya ako sa kaniya.
“Ano nanamang ginawa ko? Bakit galit ka nanaman? May nakita ka ba sa cellphone ko na nag palungkot sayo? Tell me.” saad niya pero hindi pa rin ako nag salita. He just sighed before driving again. Simula noon hanggang sa makarating kami sa Laiya ay hindi na kami nag usap. Masyado akong malungkot para makipag usap sa kaniya.
Nang makarating na kami sa resort ay bumaba ako kaagad at kinuhayung shoulder bag ko. Lumabas din kaagad siya at nag tungo na kami sa reservation area. Walang masyadong nag pa-pareserve ngayon at kami ang nauna.
“Good Morning Ma'am and Sir, mag papareserve po ba kayo ng kwarto?”tanong nung babae. Agad namang sumagot si Tristan.
“Yes we're going to reserve 27 rooms para sa class vacation namin sa March 18. We're going to stay here for one week. How much will it cost?” tanong niya. Isang linggo pala ang class vacation namin? Akala ko three days lang? Baka libre nila yung para sa ibang araw.
“That will cost over 312,660 pesos. At dahil umabot po ito ng 100,000 plus may libre po kayong jacuzzi every room. You can use it 24/7.” Jacuzzi? Yun yung maliit na swimming pool na bumubula diba? Masarap daw maligo doon dahil nagiging mainit ang tubig doon. Bigla tuloy akong na excite dahil sa sinabi nung babae.
“Okay, we would also want to get a room now. Me and my girlfriend will stay here for tonight.” aniya ni Tristan dahilan para muntik na akong madapa. Anong sinabi niya? Girlfriend? Ako ba yung tinutukoy niya? Hindi ko alam kung kikiligin ako.
“Okay the total would 323,860 pesos. We'll immediately prepare your room but is it okay for both of you and your girlfriend Sir to explore the resort while we are preparing your room.” aniya nung babae kaya agad naman akong pumayag. Gusto ko kaseng libutin ito. Napaka ganda ng mga kubo at mga swimming pool dito. Bukod sa beach ay may mga swimming pool at spa para makapag relax.
May inutusan yung babae na mag guide sa amin habang nililibot namin yung resort. Ramdam na ramdam ko ang lagkit ng pag kakatingin niya kay Tristan. May pakagat kagat labi pa itong nalalaman habang nakatingin kay Tristan na nagpa inis sa akin. Mas lalo akong nainis nang kausapin siya ni Tristan and it looks like they were flirting with each other. Dahil sa inis ko ay binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang cafe sa loob ng resort. Sakto mukang masasarap yung pastries kaya naisipan kong pumasok para bumili ng kape at mga cupcakes. Agad akong umorder ng cappuccino at blueberry muffins sa kanila bago ako umupo sa isang upuan. Maya maya lang ay inabot sa akin nung lalaking waiter yung order ko at nginitian ko siya bago nagpa salamat.
“Ang ganda mo naman Ma'am, kakadating niyo lang po dito?” tanong niya.
“Yes kakarating lang namin kanina, medyo na bored ako kaya naisipan kong mag ikot ikot. Ang ganda pala dito sa resort na ito.” aniya ko na nag pangiti sa kaniya. At dahil wala namang masyadong dito sa cafe ay umupo siya sa may harapan ko at nag kwentuhan kami. Nag pakilala siya bilang si Samuel at masaya ako habang nakaka usap ko siya. Mabait siya at may respeto.
Habang nag uusap kami ay bigla akong napatingin sa may pintuan dahil parang may tao doon. Sobra akong nagulat nang makita kong nakatayo doon si Tristan habang masamang nakatingin sa amin ni Samuel. Agad akong napatigil sa pag sasalita nang mag lakad siya papalapit sa amin. Mukang galit na galit siya, mayayari nanaman ba ako nito?
“The staff said our room is ready, let's go now Keisha.” he said in a serious voice. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa dilim ng awra sa muka niya.
“A—Aalis na ako.” pag papaalam ko kay Samuel bago ako hinigit ni Tristan papalabas sa may cafe. Napa daing ako nang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso.
“Tristan n—nasasaktan ako.” aniya ko habang pinipigilan ko siya pero patuloy pa din siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may kwarto namin. Hindi ko mapigilang maluha dahil nasasaktan na ako. Nagulat ako ng itulak niya ako sa may kama.
“First, you ignore me after you use my cellphone and now your flirting with another guy? What is wrong with you Keisha? Wala naman akong ginagawang masama ah? Bakit parang bigla bigla kang naiinis sa akin? Kanina pa kita tinatanong kung may nagawa ba akong mali pero ayaw mo akong sagutin.” galit na aniya niya nang itulak niya ako sa kama.
“Flirting? Look who's talking. Ikaw nga itong nakikipag landian dun sa staff kanina diba? Nakikipag usap lang naman ako kay Samuel hindi nakikipag harutan.” galit na ani ko. Ano bang problema niya? Parang ako pa ang may kasalanan.
“Siya ang nauna makipag landian hindi ako.” pag tatanggol niya sa sarili.
“At nakipag landian ka naman. Gosh you should be careful Tristan. Nasasaktan na ako dahil sa ginagawa mo!” i said angrily. Sumosobra na siya eh. Namumula na yung braso ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya kanina.
“I don't care! Don't you dare talk back to me!” sigaw niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya.
*PAKKK*
“Your such a jerk Tristan! Sa susunod tingnan mo muna yung mga ginagawa mo. Tingnan mo muna kung may nasasaktan ka na ba!” galit na sigaw ko. Biglang nawala ang galit sa muka niya nang makita niyang namumula yung braso ko dahil sa ginawa niya. Dahan dahan itong lumapit pero agad akong umiwas sa kaniya.
“I—I'm sorry baby, i didn't mean to hurt you. I'm just jealous because you were talking to him” aniya niya bago niya hinawakan yung braso ko. Hinalikan niya ito habang paulit ulit siyang nag sosorry.
“Lumayo ka sa akin Tristan.” malamig na saad ko pero bigla niya akong niyakap.
“Ano ba bitawan mo ako.” inis na saad ko habang tinutulak ko siya pero hindi niya ako pinakinggan.
“Sorry Keisha.” he mumbled while hugging me. Gusto ko man siyang paalisin pero mas malaki siya sa akin.
Maya maya lang ay bumitaw na siya at bigla niya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako dahil bigla niya itong ginawa at hindi ko inaasahan. Hindi ako nag respond nung una dahil galit pa rin ako sa kaniya. Napansin niya siguro na hindi ako tumutugon kaya kinagat niya yung ibabang labi ko dahilan para maibuka ko yung bibig ko at kinuha niyayung opportunity na yun para ipasok yung dila niya. Habang tumatagal ay nagiging mapusok ang pag hahalikan namin hanggang sa bumitaw siya.
“I'm sorry again. Forgive me my love.” he said sincerely. Natunaw ako dahil sa ginawa niya kaya walang kung ano ano akong tumango dahilan para lumawak ang ngiti niya.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Yeliah Writes
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro