Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Kinakabahan at natatakot, yan ang nararamdaman ko ngayon dito sa labas ng bahay namin habang hinihintay ko si Tristan. Natatakot ako na baka kapag sumama ako sa kaniya ay saktan niya ako at mapahamak kami ng mga anak ko. Iniisip ko rin ang kalagayan ni Justin ngayon, okay lang kaya siya?

Habang naka tayo ako dito ay narinig ko na ang sasakyan ni Tristan na papalapit sa akin. Agad siyang lumabas sa kotse niya at nakangising lumapit sa akin.

“Aww my baby looks beautiful as always.” aniya niya nang makalapit siya sa akin at niyakap niya ako. Maingat niya ding hinimas ang aking tiyan bago niya hinalikan ito.

“Na miss niyo ba ako mga anak ko?” tanong niya sa tiyan ko na para bang kinakausap niya ito.

“N—Nasaan si Justin?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Nabigla ako nang makita kong naging seryoso ang emosyon niya bago siya nag salita.

“Don't mentioned another man's name Keisha.” malamig na saad niya bago niya binuksan yung pinto ng kotse. Sinenyasan niyang pumasok ako doon pero hindi ko siya sinunod. Kailangan niya munang sagutin ang tanong ko bago ako sumunod sa kaniya.

“Sagutin mo muna ang tanong ko Tristan, nasaan si Justin?” muling pag tatanong ko sa kaniya. Kinabahan ako ng inis siyang nakipag titigan sa akin habang umiintig ang mga panga niya. Akala ko naman ay sasaktan na niya ako ng igalaw niya ang kamay niya pero kinuha niya lang pala ang cellphone niya bago siya may tinawagan.

“Hello Christian? Release him now, I'm with Keisha now.” he said coldly before ending the call.

“Pinakawalan ko na siya. At dahil tinupad ko na ang pinagkasunduan natin, it's your turn.” aniya niya sa akin kaya agad akong pumasok sa loob ng kotse niya. Hindi pa ako sigurado kung naka uwi na nga ba si Justin pero sumunod na ako sa utos niya at pumasok sa loob ng kotse.

Tahimik lang ako habang siya naman ay nakahawak sa tiyan ko. Naririnig ko ang pag tawa niya kapag nararamdaman niyang sumisipa ang anak namin. Habang nag mamaneho siya ay nabigla ako nang mapansin kong hindi na pamilyar sa akin yung lugar kung saan kami papunta.

“S—Saan tayo pupunta?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Saan niya ako dadalhin?

“In my new mansion, i trashed my mansion when you're not responding to my calls last week. Sira sira na yung mga gamit doon kaya bumili na ako ng bago.” aniya niya habang nakatingin pa rin sa daan habang nag mamaneho. Ano? Bumili siya ng bagong mansion dahil lang dun? Pwede pa namang linisin yun diba?

“Ibig sabihin totoo yung sinabi sa akin ni Ate Tanya na nag wawala ka?” tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya iyon.

“She told you that?! Well it's true because i can't help it. I miss you too much that i can't even control myself from missing you. I regret that i agree to our 5 days agreement. I don't want to lose you Keisha.” malungkot na wika niya.

“Please tell me you can still forgive me Keisha. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin.” he said sincerely before kissing my hands. Hindi ako makapag salita dahil sa mga sinabi niya.

“I am willing to do anything, just come back to me Keisha. Hindi ko hahayaang mag mahal ka ng iba. Ako lang dapat ang lalaking mamahalin mo.”saad niya bago tumigil sa pag mamaneho. Tumigil ito sa isang napaka gandang mansion. Pinag buksan niya ako ng pinto kaya bumaba na din ako kaagad. May apat na gwardiya dito sa may labas na agad tumungo nang makita nila si Tristan.

“Let's go inside baby.” pag aaya niya sa akin bago niya hinawakan ang kamay ko.

“Baby? Magkaka anak na ako Tristan.” nakangusong aniya ko but he just chuckled.

“You're still my baby Keisha” aniya niya dahilan para matawa ako. Dahan dahan na bumukas ang pinto at bumungad sa amin sila Mama, Papa, Tita Celine, Tito Thomas, Ate Tanya at Sir Tyler. Nandoon din sila Jaslyn at Jiro pati na rin si Cyrus at Ate Kelly sa loob.

“Welcome home Keisha!” masayang pag bati nilang lahat sa akin nang makapasok kami sa loob. Nagulat ako dahil nandito sila Mommy at Daddy, akala ko ba may meeting sila?

“Welcome to our house, Mahal.” masayang wika niya bago niya ako niyakap at hinalikan sa labi. Nag sigawan naman silang lahat ng gawin iyon ni Tristan.

“Teka? Mahal? Para naman ang dami mong tawag sa akin. Noon love, kanina baby tapos ngayon Mahal?” taas kilay kong tanong sa kaniya.

“Mahal, love, baby, babe, honey, sweetheart ikaw lang naman lahat ng iyan eh.” nakangusong aniya niya dahilan para mag tawanan kaming lahat. Akmang mag sasalita na sana si Tristan nang bumukas yung pinto at iniluwa noon ang iba pang mga SSG Officer. Kasama rin doon si Galvin kaya agad akong napatingin kay Jaslyn na ngayon ay naka simangot. Eto namang babaeng toh napaka bitter!

Nagsaya kami buong gabi. Kumain, nag kwentuhan at nag palaro pa sila Mommy at Daddy. Nag paagaw sila Tita Celine ng anim na isang libo kaya tuwang tuwa ang mga tao dito.

Isa isa na din silang nag uuwian nang matapos na kasiyahan. Umuwi na sila Mommy at Daddy dahil may meeting pa sila bukas. Sila Tita Celine naman ay may pupuntahan bukas, habang yung mga SSG Officer ay umuwi na rin. Umuwi na silang lahat hanggang sa ang maiwan na lang dito ay si Tristan, ako, si Jalsyn, si Jiro at si Galvin.

“Kayo, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ni Tristan sa kanilang tatlo habang umiinom ng juice.

“A—Ah uuwi na ako Keisha, gabi na baka hinahanap na ako nila Mama.” aniya ni Jaslyn kaya agad kong sinenyasan si Jiro.

“Hatid na kita.” sabay na saad nung dalawa at nagka tinginan sila. Opps!

“Kanino mo gusto mag pahatid?” nakangising tanong ko kay Jaslyn bago ako nakipag titigan sa kaniya sa mata.

You know what I'm thinking girl.

“Nakita niya siguro ang gusto ko ipahiwatig kaya agad siyang ngumisi bago sumagot.

“Kay Jiro na lang.” maikling saad niya bago siya nag lakad papalapit kay Jiro pero bago pa man siya makalapit doon ay hinigit na siya papalabas ni Galvin.

“Napaka seloso niya rin talaga haha.” natatawang ani ni Tristan bago niya ako niyakap mula sa likuran.

“Mana sayo.” natawa ako ng sabay namin binigkas ni Jiro ang salitang iyon.

“Hindi ah. Hindi kaya ako seloso, mabait ako noh!” pag tanggi ni Tristan dahilan para mapatawa kami ni Jiro.

“Kei aalis na ako. May kailangan pa akong kuhanin sa kumpanya ngayon.” pag papaalam ni Jiro baho siya umalis. Kami na lang ni Tristan ang nandito at yung mga maid na kasalukuyang nag lilinis.

“Now that we're alone here.” aniya ni Tristan. Mukang alam ko na ang nasa isip niya. Pero hindi kase pwede eh.

“Bawal pa Tristan.” pag tanggi ko sa kaniya.

“Paano naman naging bawal? Alam mo bang t*gang na ako?! Ilang buwan na din akong walang s*x dahil hindi ako ginaganahan noon kapag kay Helinah.” aniya niya. So nag s*x na sila ni Helinah?

“Ibig sabihin may nangyari na sa inyo?” malamig na tanong ko sa kaniya bago ako umalis sa pagkakayakap niya. I suddenly felt jealous, dahil bukod sa kaniya ay wala na akong ibang naka siping.

“Wala po Mahal. Saka paano may mangyayari sa amin kung hindi nga tumatayo.” nakangusong ani niya bago niya ako hinalikan sa pisnge.

“Wait don't tell me you get jealous?” nakangising ani niya habang ako naman ay namumula. Well I can't help it. Alam niya namang mababaw ang damdamin ko dahil buntis ako diba?

“Ano naman kung nag selos ako? Parang ikaw hindi ka nag seselos.” lakas loob na saad ko bago ko siya inirapan.

“Nag seselos din ako, like kahapon nung nakita kong niyakap mo siya.” nabigla ako dahil sa sinabi niya. Pati yun alam niya? Ibig sabihin nag babanatay siya sa may harapan ng bahay namin?

“Ikaw ha stalker ka.” pang aasar ko at tumawa naman siya.

“Siguro nga, pero sayo lang.” nakangising aniya niya bago niya halikan ang tungki ng ilong ko.

“Halika na mag papahinga na tayo.” pag aaya niya bago ako tumango kaya agad kaming pumasok sa kwarto para mag pahinga. Nakakamangha dahil ang ganda ng bagong mansion na binili niya. Hindi ako makapaniwalang maayos na ang relasyon naming dalawa. Sana mag tuloy tuloy na ito dahil gusto ko siyang makasama habang buhay.

_

Nakahiga na ako dito ngayon dito sa loob ng kwarto ng hospital habang nag papahinga. Naipanganak ko na yung anak namin ni Tristan at dadalhin na nila sa akin ito mamaya. Naka upo si Tristan sa may tabi ko at mugto pa rin ang mga mata niya. Naiyak kase siya kanina habang nanganganak ko.

“Okay na ba ang pakiramdam mo Mahal? Masakit pa ba yung ano mo?”tanong ni Tristan habang hawak hawak niya ang aking mga kamay.

“Okay na ako Tristan, gustong gusto ko nang makita yung dalawa.” i said excitedly. Nakita ko na sila kanina pero saglit lang dahil nakatulog ako. Mag sasalita na sana si Tristan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon yung mga nurse at doctor. Dala dala nila yung mga anak ko. Agad akong umayos ng upo para masilayan ko na ang muka nila.

Hindi ako makapaniwalang ganito ang hitsura nila nang makita ko sila. Nakakatuwa, ang cute nila pareho. Ang kaso lang ay....

HINDI AKO YUNG KAMUKA!?

Tuwang tuwa si Tristan dahil kahawig niya yung kambal habang ako naman ay naka simangot dito sa gilid. Natutulog yung isa habang yung isa naman ay gumagalaw galaw. Naka pikit pa rin ang mga mata nila kaya hindi ko pa makita. Nabigla ako ng maunang mag bukas ng mata yung natutulog kanina at nag simula itong umiyak. Napangisi naman si Tristan dahil kulay berde din ang mata nito.

“Siya po ang unang lumabas sa inyo Ma'am.” aniya nung doctor bago niya kinalong yung anak kong umiiyak at ibinigay niya ito sa akin.

“Thyme Kieshan” aniya ko habang tinititigan ko ang napaka gwapo niyang muka. Nakakalungkot man isipin pero hindi talaga ako yung kamuka nila. Pero nakuha niya yung balat ko sa may dibdib. Yun ang magiging palatandaan ko sa kaniya. Maya maya lang ay naka tulog na ito at ibinalik ko na sa higaan niya. Ang susunod naman na inabot sa akin ni Doc ay yung anak kong makulit. Kanina pa siya pagalaw galaw at mukang magiging sutil ito katulad ng kaniyang ama. Bigla itong napatigil sa pag galaw ng makita niya ako at nginitian ko ito.

“Thyne Kirsten.” pag bibigay ko sa pangalan niya bago ko hinawakan ang maliliit na kamay nito.

“Napaka gwapo po ng anak niyo Ma'am at Sir.” pag kumplemento ng isang nurse habang pinag mamasdan niya ang muka nung kambal.

“Siyempre naman. Mana kaya sila sa akin.” pag mamayabang ni Tristan bago niya pinicturan yung kambal.

“Kapag isinend ko ito kay Ate mamaya nandito na iyon.” nakangising ani ni Tristan. Mamaya? Diba nasa Amerika si Ate Tanya?

“Iiwan na muna po namin yung kambal dito. Mamaya po ay babalikan namin sila para ibalik sa nursery room nung kambal.” aniya ni Doc. Nursery nung kambal? Hindi ba nursery yun nung mga baby na ipinanganak ngayon?

“May sariling nursery room yung kambal Mahal.” aniya ni Tristan na para bang nabasa niya yung nasa isip ko. Lumabas na kaagad yung mga nurse at doctor. Hawak ko si Thyme habang si Thyne naman ay kalong kalong ni Tristan.

“Ang pogi naman ng mga anak ko.” aniya niya habang nakatingin sa kambal. Kagaya niya ay hindi rin ako mag sasawang titigan yung dalawa. Ang gwapo nila parehas.

“Sana pag laki niyo huwag kayong maging heartbreakers katulad ng tatay niyo.” aniya ko dahilan para mapatingin sa akin si Tristan.

“Hindi naman ako ganiyan Mahal. Ang bait bait ko nga eh.” pag papalusot nito. Hindi daw eh! Palagi niya nga akong sinasaktan noon eh. Pero past is past at masaya na ako kahit palagi akong nag hahabol sa kaniya. Nabigla kami ng bumukas ang pinto at iniluwa noon sila Galvin at Jaslyn.

“Wow yan na ba ang mga baby. Ang cu-cute naman.” masayang ani ni Jaslyn bago siya lumapit sa akin at pinag masdan yung kambal.

“Yung hawak ni Tristan si Thyne Kirsten tapos itong natutulog ay si Thyme Kieshan” aniya ko.

“Napansin ko lang Galvin, bakit parang abot hanggang langit ang ngiti mo?” nakangising aniya ni Tristan kay Galvin.

“Ginawa ko yung advice mo President at yung mga tinuro mong posisyon para maka buntis. Ngayon confirmed, buntis na si Jalsyn.” masayang aniya ni Galvin na kukang na lang ay tumalon talon. Ano? B—Buntis si Jaslyn?

“Ano?! Buntis kang babaita ka?!” gulat na tanong ko sa kaniya.

“O—Oo Keisha, 2 weeks na.” nahihiyang ani niya habang tuwang tuwa si Galvin.

“Binuntis ko na pinag seselos ako eh.” nakangusong ani ni Galvin dahilan para matawa si Tristan.

“Gumana yung advice mo President, may hihingin pa akong advice sayo soon, pero secret lang muna baka magalit.” bulong niya kay Tristan pero narinig namin ito ni Jalsyn.

“Sira ulo ka talagang lalaki ka! Puro ka kamanyakan! Lapit lang daw kami matutulog tapos nagising na kang ako ng madaling araw na kinakain mo na ako! Huhuhu, paano ko sasabihin kay Mama ito.” wika ni Jalsyn.

“Nasabi ko na kay Tita love, tuwang tuwa nga eh.” aniya ni Galvin dahilan para magulat kami. Ang bilis naman.

“Nasabi mo na kaagad?” gulat na saad ni Jalsyn habang si Galvin naman ay pangisi ngisi lang.

“Oh sya ilagay niyo na muna yung kambal sa may higaan.” aniya ko bago ko inabot si Thyme na ang sarap ng sarap ng tulog.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro