Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Ilang oras din ang nakalipas bago kami nakarating dito sa Cebu. Pagka baba ko dito ay agad akong namangha dahil ang ganda ng lugar na ito. Sila Tito at Tita ang sumalubong sa amin dito sa airport.

“Laki na pala ng tiyan ng maganda kong pamangkin. Na miss kita.” masayang aniya ni Tita bago niya ako niyakap.

“Na miss din po kita Tita” masayang saad ko.

“Mommy patulong po sa gamit ni Keisha, medyo mabigat po kase at bawal siyang mag buhat.” aniya ni Ate Kelly habang buhat buhat niya yung gamit ko at inilagay niya sa may likod ng sasakyan.

“Nga pala Mom, where's Kuya Kivan?” tanong ni Ate Kelly habang papasok na kami sa loob ng sasakyan.

“Ayun nasa bahay at nag babasa ng libro. Hindi na siya sumama dahil may tinatapos pa siyang project. Kamusta ang buhay sa Maynila anak? Naka hanap ka na ba ng boyfriend? May ipapakilala ka na ba sa amin? Bibigyan mo na ba kami ng apo?” aniya ni Tita Kylie dahilan para matawa kami. Apo agad?

“Mama naman. Alam mo naman hindi ako interesado sa mga ganiyang bagay.” nakangusong aniya ni Ate Kelly kay Tita.

“Kase naman matagal ko nang gusto magka apo. Ayaw mo pa mag boyfriend tapos yung Kuya mo walang pakielam sa babae. Mas gugustuhin pa ata non mag basa ng libro kaysa mag jowa.” kita ko sa mata ni Tita Kylie na gustong gusto na niya magka apo.

“Nararamdaman ko Tita magkaka apo ka na soon.” nakangising aniya ko habang umiinom ng juice. Kita ko ang pagka gulat sa mata nilang tatlo at sinenyasan ako ni Ate Kelly na huwag maging maingay.

“Talaga?! May boyfriend na si Kelly? Sa wakas malapit na akong magka apo.” masayang saad ni Tita habang si Tito naman ay tuwang tuwa din.

“Mama!” nahihiyang ani ni Ate Kelly habang ako naman ay nag pipigil ng tawa.

“Sino nga pala yung boyfriend mo anak? Kailan mo siya balak ipakilala sa amin ng Papa mo?” sunod sunod na tanong ni Tita.

“Teacher po ang boyfriend ni Ate Kelly. Palagi nga po silang nag da-date nung nandoon pa kami sa Manila.” pag sisinungaling ko dahilan para mamula si Ate Kelly. Feeling ko may something sa kanilang dalawa. Bigla bigla na lang kase namumula kapag mine minemention ko si Cyrus. What if may relasyon na sila? Nung nakaraan kase habang nasa mall kami ni Tristan ay nakita ko sila sa isang restaurant at mukang ang sweet sweet pa nung dalawa. Pinupunasan ni Cyrus yung gilid ng labi ni Ate Kelly.

Mag kaaway lang sila noon tapos mag jowa na? Wow sana all.

Maya maya lang ay nakarating na din kami sa mansion nila Tita Kylie at may sumalubong sa amin na mga maid para kuhanin yung mga gamit. Pinagbuksan ako nila Tita ng pinto at agad kaming pumasok sa loob. Doon namim naabutan si Kuya Kivan na umiinom ng kape habang nag babasa ng libro. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at niyakap ako.

“Hi Keisha, i miss you so much.” masayang aniya ni Kuya Kivan bago niya ako niyakap. “Oh ang laki na ng tiyan mo Keisha, kailan ka manganganak?” tanong niya.

“Baka mga tatlong linggo pa bago ako manganak. I miss you too Kuya.” aniya ko bago naupo sa sofa.

“I'm surprised that your brother didn't k*ll that guy for getting you preganant. Alam mo naman si Kiello, handa siyang gawin ang lahat para sa napaka cute niyang kapatid.” aniya ni Kuya bago niya pinisil ang aking pisnge.

“Kuya I'm not a kid anymore.” nakangusong saad ko. He always treats me like a kid. Siya palagi ang kalaro ko noon. Natatawa nga ako dahil pumapayag siyang makipag laro sa akin kahit barbie ang mga laruan ko.

“You always treat her like a kid Kuya. For god sake magkaka anak na siya oh.” aniya ni Ate Kelly dahilan para mag tawanan kami. I miss living here, sobrang saya kase dito. Dati when both my mother and my father are always on a business trip dito lagi ako nag s-stay. Napangiti na lang ako habang pinag mamasdan ko sila.

_

Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula nung tumira ako dito. Pinatay ko yung cellphone ko nung papunta pa lang kami dito at ngayon bubuksan ko na ito. Baka tinadtad na ako ng chat ni Jaslyn at Jiro. Hindi kase ako nakapag paalam sa kanilang dalawa. Agad kong pinindot ang power button at nag bukas ito kaagad.

Pero nabigla ako ng makita kong hindi sila Jaslyn at Jiro ang tumadtad sa akin ng chat. Nagulat ako nang makita kong tinadtad ako ni Tristan ng chat at missed calls. 1,500 Messages and 900 missed calls? Grabe ang dami naman? Ano bang kailangan niya sa akin? Mas lalo akong nagulat nang mabasa ko ang mga chat niya sa akin.

_

From: Tristan

Keisha where are you? Please go home. I miss you.

Why aren't you answering my calls? Please answer it baby, i miss you.

Keisha come home please. I can't take it anymore. I miss you so much baby. Gustong gusto ko na kayong makita ng mga anak natin. Umuwi ka na please.

Gusto na kitang mayakap Keisha. I felt so depressed when you left. Please comeback love. I miss you so much.

Dalawang araw na simula nung iwan mo ako dito. I can't stop crying love, please come home. I want to see your beautiful face love. I miss you so much, I can't help it.

_

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nabigla ako dahil hindi naman chat at tawag niya ang inaasahan ko. Saka bakit pinapauwi na niya ako? Diba ayaw niya na akong makita? Ginawa ko lang naman yung gusto niya diba? Akmang mag babasa pa ako ng mga messagses niya ng biglang tumawag si Ate Tanya. Agad ko naman itong sinagot.

“Oh gosh finally natawagan na din kita Keisha. Tulungan mo kami, palagi na lang nag wawala si Tristan at hindi siya kumakain. Kahit anong pilit namin ay hindi siya pumapayag. Kapag pinipilit namin siya ay mas lalo siyang nagagalit at nag babasag ng mga gamit. Mag li-limang araw na since nung huli siyang kumain Keisha. Please tulungan mo si Tristan. Hindi pa siya nagkaka ganito noon. Gustong gusto ka na niya makita, umuwi ka na.” nag aalalang aniya ni Ate Tanya dahilan para magulat ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ako naniniwala na ako ang dahilan non. Gustong gusto niya na mawala na ako noon diba? Ngayong wala na ako pababalikan na niya ako? Para ano? Para masaktan niya muli ako? Grabe na siya!

“Baka hindi ako ang dahilan kung bakit siya nagkaka ganiyan Ate Tanya. Saka siya na ang nag sabi na gusto niyang mawala na ako sa buhay niya at binigay ko ang gusto niya. Masaya na ako ngayon kaya huwag niyo na akong guluhin.” inis na saad ko bago ko pinatay yung tawag. Pilit na tumatawag si Ate Tanya pero hindi ko ito sinasagot at kalaunan ay pinatay ko na yung cellphone ko.

Maganda na sana yung mood ko pero nasira lang yung mood ko ngayon.

Buong mag hapon akong bad mood at nag stay lang ako dito sa loob ng kwarto. Naiinis ako dahil gusto niya akong pabalikan matapos niya akong saktan. Oo mahal ko siya pero handa na akong kalimutan siya.

Kakatapos lang namin kumain at nakahiga na ako dito sa loob ng kwarto. Nabigla ako ng nag mamadaling pumasok si Ate Kelly sa kwarto ko habang may kausap siya sa cellphone at mukang kinakabahan siya. Anong nangyayari?

“Keisha, si Tristan n—naaksidente.” kinakabahang aniya ni Ate Kelly. Halos madurog ang puso ko sa balitang ibinigay sa akin ni Ate Kelly. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako makapag salita. Naaksidente si Tristan? Pero bakit?

“Naka usap ko si Ate Tanya kanina at umiiyak siya at papunta na daw sa hospital. Nag lasing daw si Tristan sa at papauwi na siya nang sumalpok ang kotse niya sa truck na kasalubong nito. Nasa critical na kondisyon ngayon si Tristan.” aniya ni Ate Kelly. Hindi pa rin ako makapag salita pero naramdaman ko na lang ang pag tulo ng luha ko. Si Tristan?! Hindi ito maari. Hindi siya pwedeng mamat*y.

“Ate kailangan nating bumalik sa Maynila. Kailangan ko siyang makita Ate huhu” hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol na ako. This is all my fault. Ako ang may kasalanan nito. Kung umuwi na ako at kinausap ko siya, hindi siya maaaksidente. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala si Tristan.

Nalaman na din nila Tita ang balita kaya agad na nilang ipinahanda ang kotse para sa pag alis namin. Mabuti na lang ay may kakilala si Tita sa may airport at naka kuha kami agad ng tiket at nakasakay papauwi sa Manila.

Nanginginig ako sa buong biyahe at umiiyak. Gustong gusto ko na siyang makita. Huwag kang bibitaw mahal ko, hintayin mo ako malapit na ako. Pinapakalma ako ng pinapakalma ni Ate Kelly habang patuloy pa rin ang pag iyak ko sa eroplano. Medyo mabilis kaming nakarating sa Manila dahil gabi ang flight namin at walang masyadong eroplano ang nasa himpapawid. Inabot lang kami ng isa't kalahating oras bago kami bumaba sa eroplano at agad na dumiretso sa hospital na sinabi ni Ate Tanya.

I was still shaking dahil sa nerbyos. Kinakabahan akong makita siya. Nang makarating kami sa hospital ay agad kaming nag tungo sa kwarto na sinabi ni Ate Tanya.

Nang buksan ko iyon ay nagulat ako nang makita kong naka upo si Tristan sa kama at kausap niya si Ate Tanya at Sir Tyler. Hindi siya naaksidente? Mabuti naman.

“Hindi ka naaksidente? ” gulat na tanong ko sa kanila. Kahit si Ate Kelly rin ay gulat na gulat nang makita niya si Tristan. Pero imbis na sumagot si Tristan ay agad sitang lumapit sa akin at mahigpit niya akong niyakap.

“Keisha you're here. I miss you where have you been? I keep calling and texting you but you are not responding.” humahagulgol na saad niya habang ako naman ay nakatulala lang dito. Did he just f*cking lie to me? Dahil sa galit ay agad ko siyang tinulak at sinigawan.

“Umuwi ako mula Cebu dito sa Manila dahil naaksidente ka tapos malalaman kong niloloko mo lang ako? Are you insane Tristan?! Alam mo ba na para akong tanga na umiiyak kanina sa eroplano dahil sayo. Gabing gabi na pero umuwi ako tapos prank lang pala? Sira ulo ka ba?!” galit na sigaw ko sa kaniya.

“Don't be mad about that Keisha. I have no choice, alam kong hindi ka uuwi kahit anong sabihin ko kaya i have to do this. I miss you so much Keisha, comeback to me.” malambing na aniya niya pero dahil sa galit at inis ko ay itinulak ko siyang muli.

“Pinag muka mo lang akong tanga Tristan. Saka bakit mo pa ako pinabalik dito ha? Akala ko ba ayaw mo na sa akin. Saka ikaw naman ang may gusto na umalis ako diba? Para maging maayos na kayo ni Helinah diba? Bakit mo pa ako hinahanap ngayon?” galit na sigaw ko sa kaniya.

“Nag muka akong tanga Tristan. Huwag na huwag kang mag papakita sa akin.” galit na aniya ko bago ako nag lakad papa alis doon. Feeling ko kapag nag stay pa ako doon ay baka mapa anak ako ng wala sa oras. Mahal ko pa siya pero masyado akong galit at inis para patawarin siya kaagad. Kinabahan at umiyak lang pala ako sa wala. Napahilot sentido na kang ako bago kami lumabas ng hospital.

_

Mag iisang linggo na rin simula nung bumalik kami dito sa Manila. Hindi na muna ako babalik dahil ang gusto nila Mommy at Daddy ay dito na lang ako manganak. Si Ate Kelly ay hindi na muna bumalik at nag stay na lang sa bahay kasama namin. Simula nang makarating ako dito sa bahay ay palagi na akong binibisita ni Justin. Okay lang naman kila Mommy at Daddy kaya araw araw ko siyang pinapuputa dito para mag food trip at manood ng movie.

Pilit pa rin akong china-chat ni Tristan pero hindi ko siya nirereplayan. Binlock ko yung number niya at mga social media accounts niya para hindi na niya ako kulitin. Kasalukuyan akong nag aayos ng mga pag kain habang hinihintay ko si Justin. Kanina pa dapat siya nandito eh, anong oras na late na siya.

Ito yung unang beses na nalate siya kaya nakakapag taka. Minsan kase kapag hindi siya sa eksaktong oras pumunta ay mas maaga. Lumipas ang minuto at oras pero wala pa rin siya. I'm starting to get worried pero baka busy lang siya ngayon. Wala din siyang text or message sa akin kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong kabahan. Wala sila Mommy at Daddy ngayon dahil sa meeting. Si Kuya Kiello ay nasa sleep over ng mga tropa niya at si Ate Kelly naman ay nasa bahay ni Cyrus. Mag isa lang ako ngayon dito at kasama ko yung mga maids.

Habang nakahiga ako ngayon sa sofa ay biglang tumunog ang cellphone ko at lumiwanag ang muka ko nang makita kong si Justin iyon. Finally tumawag na siya. Medyo kinabahan ako dun ah. Agad ko itong sinagot at binati siya.

“Justin nasaan ka? Kanina pa kita hinihinta—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang mag salita. Nakakapag taka dahil hindi naman ganito ang boses ni Justin.

“So palagi nga kayong mag kasama? Your really making me jealous huh? First hindi mo sinasagot yung tawag ko at binlock mo pa yung mga account ko tapos malalaman kong palagi mong kasama itong lalaking ito?” he said coldly. Teka? Boses si Tristan ito ah?

“Tristan?! Bakit nasa iyo ang cellphone ni Justin? Anong ginawa mo sa kaniya?” kinakabahang aniya ko bago ako tumayo.

“Oh don't worry baby, nandito lang siya sa tabi ko ngayon, dug*an dahil lapit siya ng lapit sayo. Alam mo namang akin ka lang diba? Lumalapit siya sayo kaya tinuruan ko siya ng leksyon.” he said in a serious tone before laughing like a maniac. Anong nangyayari sa kaniya? Bakit siya nag kakaganito?

“Tristan pakawalan mo si Justin! Bakit mo ba ginagawa ito?” inis na saad ko habang siya naman ay tawa lang ng tawa sa kabilang linya.

“It's his fault not mine baby. Akin ka lang kase, kapag may lumapit sa pagmamay ari ko, pinaparusahan ko. Kung gusto mo pa siyang mabuhay, makipag balikan ka sa akin Keisha. Gustong gusto na kitang mayakap pleasure, comeback to me.” hindi makapaniwalang aniya niya.

“Nababaliw ka na ba Tristan? Itigil mo na ang kalokohang iyan at pakawalan mo na siya o tatawag ako ng pulis.” pag babanta ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

“Kapag tumawag ka ng pulis, tutuluyan ko na siya ngayon. Pero kung gusto mong pakawalan ko siya, kailangan mong makipag balikan sa akin. I'm not joking Keisha, i can k*ll him right Infront of you.” pag babanta niya sa akin dahilan para matakot ako. Ako ang may kasalanan kung bakut nadadamay si Justin ngayon. Ayaw kong mapahamak siya pero ano pa nga bang magagawa ko.

“Papakawalan mo siya kapag bumalik ako sayo diba?” tanong ko. Mabigat man sa puso ko at natatakot ako pero wala akong magagawa.

“Yes baby, so makikipag balikan ka na ba sa akin?” tanong niya sa akin. I have no choice but to obey him.

“O—Oo.” maikling aniya ko bago siya tumawa.

“Okay get ready, I'll come over and pick you up right now tapos kapag nasa akin kana, papalayain ko na si Justin.” aniya ni Tristan bago niya pinatay yung tawag.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro