Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Napaka bilis ng oras at ngayon na ang ikalimang araw ng deal naming dalawa. Masaya ako pero mas kinakain ako ng lungkot dahil sa ito na ang huling araw naming dalawa na mag kakasama. Ayaw ko mang umalis sa tabi niya pero kinakailangan ko dahil sa deal namin. Nakakalungkot man pero umaasa pa rin ako na baka mag bago ang isip niya. Baka hindi na niya ako paalisin at ipagpatuloy na lang namin kung ano kami ngayon.

Kasalukuyan kaming nasa isang restaurant ngayon at kumakain nang mapansin niyang medyo malungkot ako.

“What's wrong Keisha?” tanong niya habang kumakain. Gusto ko mang sabihin sa kaniya na malungkot ako dahil ito na ang huling araw na mag kasama kami pero hindi ko kaya. A deal is a deal.

“O—Okay lang ako.” pag sisinungaling ko bago ko kinuha yung kutsara at sumubo ng pag kain. Akala ko pa naman ay kakausapin niya pa ako pero hindi pala. Ipinagpatuloy niya ang pag kain niya at hindi na ako kinausap.

Habang kumakain kami ay may isang waitress ang lumapit sa amin at may inabot siyang pag kain kay Tristan. Kita ko ang lagkit nang pagkaka tingin niya kay Tristan kaya alam kong may gusto siya dito.

“Hi Sir, it's been a long time since nung kumain ka dito, hindi mo ba ako na miss.” malanding aniya nung babae sa kaniya. Akala ko naman ay papaalisin ito ni Tristan dahil kasama niya ako pero nabigla ako nang ngitian niya yung babae at hinalikan sa pisnge.

Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko dahil sa aking nasaksihan. At talagang hinalikan niya yung babaeng yun? At sa harapan ko pa talaga ha?!

“Of course i miss you gorgeous.” nakangising saad ni Tristan dun sa babae. Bigla akong nasaktan dahil matagal na silang mag kakilala?

Biglang napabaling ang tingin ko dun sa may dessert na hawak ni Tristan. Mukang masarap ito, hindi naman siguro masamang mang hingi diba?

“Tristan pwede ko bang tikman yan?” mahinang aniya ko habang nakatingin ako dun sa pag kain na hawak niya.

“No you can't girl! I only made that dessert for Sir Tristan. Saka sino ka ba para manghingi kay Sir Tristan?!” inis na saad nung babae sa akin. Nabigla ako dahil hindi naman ako sa kaniya nag tatanong.

“Yeah, she only made this for me. Kung gusto mo umorder ka na lang ng iba.” he said before rolling his eyes at me. They keep talking dahilan para mainis ako. Hello! Ako yung kasama niya dito pero bakit parang siya pa yung kasama niya? Kung makapag usap sila parang mag jowa sila. Nararamdaman ko ang malamig na titig nung babae sa akin habang kumakain ako.

Habang kumakain ako, biglang tumunog yung cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakita kong nag chat si Justin.

_

From: Justin

Keisha? Nakikita kita ngayon. Huwag ka nang mag stay dyan. Sumama ka na lang sa akin.

_

Agad akong napangiti nang mabasa ko ang message niya. Mukang busy naman si Tristan sa babaeng yun at mukang wala naman siyang pakielam sa akin kaya agad akong nag paalam sa kanila na mag c-cr ako at tumakas ako sa kanila. Naabutan kong naka sandal si Justin sa kotse niya kaya agad akong lumapit sa kaniya.

“Mabuti na lang at lumabas ka. Akala ko mag s-stay ka pa doon sa loob kung saan nakikipag landian si Tristan dun sa waitress. Bakit nga ba mag kasama kayo? Kung ako sayo hiwalayan mo na yun. Mais-stress ka lang sa kaniya.” aniya ni Justin nang makalapit ako sa kaniya. Sa totoo lang, mas okay na tinakasan ko na si Tristan. Mas gugustuhin ko pang sumama kay Justin kaysa mag stay doon at panoodin siyang makipag landian dun sa waitress.

“Saan mo gusto pumunta?” tanong ni Justin bago niya ako pinag buksan ng pinto. Siyempre agad akong pumasok dahil nakita ko mula sa restaurant na napansin na ata ni Tristan na matagal ako sa banyo at tumayo na siya.

“Tara na baka mahuli ka pa nung lalaking yun.” natatawang aniya ni Justin bago siya pumasok at nag simula nang mag maneho.

Kung saan saan kami nag punta ni Justin. Pumunta kami sa mall at mga iba pang lugar. Parehas kaming natawa nang may matandang lumapit sa aming dalawa at sinabing napaka buting asawa naman daw ni Justin sa akin. Napag kamalan pa kaming mag asawa ni Justin. Hindi ko lang masabi na yung totoong ama nung anak ko ay nandun sa restaurant habang nakikipag landian sa waitress.

Inabot na ata kami ng gabi dahil sa pag gagala ni Justin. Ang huli naming pinuntahan ay yung paborito niyang tambayan sa may likod ng parke. Nag latag siya doon ng banig ay parehas kaming naupo sa banig. Nakakapag taka dahil bakit niya naman ako dinala dito lalo na't wala nang tao sa parke at gabi na rin.

“Keisha, naranasan mo na bang ma fall sa isang tao nung unang beses mo pa lang siya nakita?” biglaang tanong niya habang nakatingin siya sa may buwan. Ma fall? Para bang love at first sight?

“Oo, kay Tristan ko yan naranasan. Hindi ko din inaasahan yun pero nung una ko siyang makita, bigla na lang tumibok ng malakas ang puso. Siya ang unang lalaki na minahal ko at siya din ang unang lalaki na nanakit sa akin. Nakaka inis man isipin pero, mahal ko pa rin talaga siya hanggang ngayon. Gustong gusto ko na mawala na yung nararamdaman ko sa kaniya pero hindi ko kaya eh. ” malungkot na aniya ko sa kaniya bago ko ibinaling ang tingin ko sa langit.

“The moon is beautiful isn't it?” tanong niya dahilan para kabahan ako. Alam ko ang ibig sabihin ng sinabi niya. Pero bakit? Nakita niya siguro sa ekspresyon ng muka ko na alam ko ang ibig sabihin nun dahilan para malungkot siya.

“Mukang alam mo pala ang ibig sabihin nun. Pasensya na, I can't help it. Simula nung pumasok ka sa entrance ng bar na iyon, nakuha mo na agad ang atensyon ko. Akala ko pa naman na ikaw na ang babaeng mamahalin ko pero, mahal mo pa rin siya. Hindi naman kita masisisi dahil siya talaga ang lalaki na gugustuhin ng lahat.” malungkot na aniya niya bago siya nakipag titigan sa mata ko. Pati ba naman ikaw Justin? Hindi ko alam ang isasagot ko dahil kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. I also love him pero hanggang kaibigan lang talaga kami.

“I'm sorry Justin but I can't love you the way that you want me to. Mahal kita pero hanggang kaibigan lang talaga eh. Your a nice and gentle man guy, sigurado akong may babaeng nakatadhana sayo at hindi ako yun.” i said before smiling at him. He deserves better.

“It's okay Keisha, alam ko namang siya talaga ang mahal mo. Dapat noon pa lang pinigilan ko na ito, I'm sorry.” aniya niya. Nabigla ako nang makita kong lumuluha siya. Agad siyang tumawa at pinunasan ito.

“Pasensya ka na sa akin, gusto mo na bang umuwi?” tanong niya at agad naman akong tumango. Nilalamig na din kase ako at napagpasyahan kong umalis na din sa mansion ni Tristan ngayong gabi. Wala din naman naging saysay yung limang araw dahil hindi naman niya ako minahal. Kaya lang naman siya pumayag ay dahil gusto na niya akong mawala sa buhay niya kaya gagawin ko na ang gusto niya. Kailangan ko na ding lumayo sa stress dahil tatlong linggo na lang ay manganganak na ako.

“Okay lang ba kung antayin mo ako sa mansion, kukuhanin ko lang yung mga gamit ko at ihatid mo na din ako sa airport.” aniya ko at agad naman siyang pumayag. Agad na kaming bumalik sa kotse at umalis sa lugar na iyon.

“Bakit nga pala sa airport ka nag papahatid? Aalis ka ng bansa?” tanong niya dahilan para matawa ako. Grabe naman yung aalis ng bansa eh. May bahay sila Ate Kelly sa Cebu at doon na muna ako maninirahan. Ang sabi ni Ate Kelly ay papunta na din daw siya sa airport at doon niya ako hihintayin. Bukas pa sana ang flight namin pero binago namin yung schedule at ngayon na kami aalis.

Napagpasyahan ko din na huwag sabihin kahit kanino kung saan ako pupunta. Sinabi ko sa mga magulang ko at kay Jaslyn at Jiro pero hindi kila Ate Tanya at Sir Tyler. Soon ko na lang siguro sasabihin sa kanila kung nasaan ako dahil kailangan ko muna ng space.

Nang makarating na kami sa mansion ni Tristan ay sinigurado ko munang wala pa siya doon bago ako pumasok. Muka namang wala pa siya sa mansion kaya kinuha ko na yung opportunity na iyon para makapag impake ng mga damit ko at inilagay ko ito sa aking maleta. Nag pasama ako kay Justin doon dahil hindi ko kayang mag buhat kaya siya na ang nag dala nung mga bag at maleta ko.

Pero bago ako umalis ay kumuha ako ng papel at ballpen. Balak ko siyang iwanan ng sulat bago ako umalis. Mag papasalamat ako dahil sa mga masasayang ginawa namin sa loob ng limang araw.

_

Hello Tristan, sigurado akong wala na ako dito kapag nabasa mo ito. Maraming Salamat nga pala dahil ipinaramdam mo sa akin na mahal mo ako kahit sa loob ng limang araw. Pasensya na kung palagi kitang iniinis noon, gusto ko lang talaga na mapansin mo ako. Hinding hindi ko makakalimutan yung mga araw na pinag samahan natin. Sana maging masaya ka sa buhay mo ngayon lalo na't wala na ako. Mahal talaga kita eh, pero ano nga bang magagawa ko. Alam mo palagi akong umaasa noon na baka sakaling mahalin mo ako. Natatawa ako dahil palagi ko pang pinag dadasal iyon tuwing gabi, hoping na baka sakaling matupad pero hindi eh. Siguro nga hindi talaga ako ang para sa iyo, sana lang ay mahalin ka ng babaeng minamahal mo katulad ng pag mamahal ko sayo. Huwag kang mag alala dahil hindi mo na kami makikita kagaya ng gusto mo. Aalis na ako at hindi na tayo mag kikita. Alam kong malulungkot yung kambal kapag lumaki silang walang ama pero ako na ang bahala doon.

Sana maging mabuti kang ama sa magiging anak mo soon sa babaeng mamahalin mo. Hindi mo man ako minahal pero kailangan ko pa rin sabihin sa iyo kahit sa huling pag kakataon. Mahal na mahal kita Tristan at hindi ko pinag sisihan na minahal kita. Hindi ako nag sisi na sayo ko ibinigay ang pagka birhen ko at nabuo ang mga batang ito.

Nag mamahal,
Ang babaeng sinaktan mo, Keisha.

_

Habang sinusulat ko ang liham na iyon ay naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. I guess this is my goodbye to you Tristan. Iniwan ko ang liham na iyon sa kama kung saan ako natutulog. Sana huwag mo akong makalimutan. At sana mahanap mo na ang babaeng para sayo.  Nakakalungkot mang isipin dahil hindi ako yun pero sana intindihin ka niya kagaya ng pag intindi ko sayo.

Yan ang mga nasa isip ko bago ako nag lakad papalabas ng mansion niya. Masakit man pero kailangan kong lumayo sa iyo. Kailangan kong gawin ang pinag kasunduan natin at heto na nga iyon. Nasa labas na ang mga gamit ko at hinihintay na ako ni Justin doon. Agad akong pumasok sa loob ng kotse at pumasok na din kaagad si Justin.

_

TRISTAN CARL'S POV:

F*ck! Kanina pa ako paikot ikot dito dahil hinahanap ko si Keisha. Where did that girl go? Kanina lang ang paalam niya sa akin ay mag babanyo siya tapos nawala na. Tinakasan pa ata ako nung babaeng yun.

Nakakailang ikot na ata ako dito pero hindi ko pa rin siya makita. I'm starting to get worried, what if something bad happened to her? Hindi dapat ako nag aalala ng ganito pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? I was about to drive again when Helinah called me. I immediately answered it and sighed.

“Hi babe, ngayon na ang huling araw na mag kasama kayo nung babaeng yun diba? What if mag beach tayo bukas? I-celebrate natin yung pag alis niya sa buhay mo dahil sa wakas ay hindi ka na niya guguluhin.” Helinah said happily. I didn't know why but i didn't feel happy about Keisha leaving me. Bakit ako nagkaka ganito? I should be happy right? She's finally leaving my life at magiging masaya na kami ni Helinah. But i wasn't.

Instead i felt nervous. There's a part of me that I don't want her to leave me. Why am i feeling this way? Is it because naging close ulit kami nung nakaraan na palagi kaming mag kasama? Arghh! I don't know what to think!

“Babe? Are you still there?” tanong ni Helinah dahilan para mabalik ako sa wisyo. F*ck!

“I'm kinda busy right now Helinah, we'll talk later?” i said before started driving again. I have to find her.

“Helinah? Why are you calling me by my name Tristan? Are you ang—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang pat*yin ko yung tawag. I keep thinking kung saan siya pumupunta? I already look for her at the park but she wasn't there. Patuloy pa din akong nag iisip hanggang sa may biglang sumagi sa utak ko. There's a possibility na nasa mansion na siya.

Kaya nag mamadali akong nag maneho papunta sa bahay dahil baka nandoon lang siya. Ilang minuto din ang nakalipas bago ako nakarating sa bahay at napahinga ng maluwag nang makita kong bukas ang ilaw. Pinakaba naman ako nung babaeng yun. Agad kong ipinarada ang sasakyan ko sa garahe at pumasok sa loob. Nabigla ako nang makita kong walang tao sa sala. Nasa kusina siya? Pero bumalik ang kaba na nararamdaman ko nang makita kong wala siya doon.

“Keisha?!” pag tawag ko sa pangalan niya pero walang sumagot.

“Keisha?” tinawag ko muli ang pangalan niya pero hindi pa rin siya sumagot. F*ck! Nasaan kaya yung babaeng yun! She's making me nervous and i don't know what's the reason. Nag mamadali akong pumasok sa kwarto niya pero wala siya doon. That's when i realized that all of her stuff was nowhere to be found.

Habang inililibot ko ang aking mata sa kwarto niya ay nakuha ng atensyon ko ang isang papel na nasa ibabaw ng higaan niya. Agad ko itong kinuha at binuksan. I gasp, it's a letter she wrote for me. Kinakabahan akong basahin ito pero nilakasan ko ang loob ko.

Tears started streaming down my face while I'm reading the letter she left me. In the letter she said that she's going to left me because of our agreement. 

No! She can't! Please Keisha, yell me it was just a prank! She can't leave me!

I started calling calling her but she's out of reach. It seems that she turn off her phone. Tinawagan ko na rin sila Jiro at Jalsyn pero hindi nila alam kung nasaan si Keisha. Ang alam nila ay kasama ko pa si Keisha. I felt so hopeless, i wanted to see her face. I don't want her to leave me, please tell me this is just a prank.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro