Chapter 22
DAY 1
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Ngayon na ang unang araw kung kailan kami mag sisimula sa pinag kasunduan naming dalawa. Medyo kinakabahan ako pero agad akong bumangon sa aking kinahihigaan at nag lakad pababa. Umagang umaga ay naramdaman ko agad ang pag sipa ng anak ko habang nag lalakad ako dahilan para mapangiti ako.
“Good morning mga anak.” masayang bati ko sa kanila habang hinihimas ko ang aking tiyan. Kinakailangan ko nang kumain dahil kumakalam na ang tiyan ko. Agad akong pumasok sa kusina at nagulat dahil nakita kong nandoon si Tristan. Anong ginagawa niya dito? Hindi ba may pasok siya?
“Gising ka na pala. Here, i made breakfast for you in case you're hungry.” he said softly habang inilalagay niya yung niluto niyang ulam sa lamesa. Agad akong umupo sa lamesa at inamoy ang mga masasarap na pag kain na nasa harapan ko. Ang bango.
“Tikman mo.” masayang ani niya kaya agad akong kumuha ng kutsara at nag sandok ng kanin at ulam. Medyo a-awkarda-an ako dahil tinititigan niya ako habang kumakain ako. Hindi kase ako sanay nang may naka titig sa akin.
Kaagad ko itong tinikman at nagustuhan. Kagaya ng dati ay masarap pa din siya mag luto. Agad ko siyang nginitian at sinabihan na masarap ang niluto niyang pag kain. Kita ko sa muka niya ang pagka saya bago siya umupo sa may harap ko at nag sandok na din siya ng kanin at ulam.
“Nga pala, bakit nandito ka pa? Hindi ba may pasok ka?” tanong ko sa kaniya habang kumakain ako.
“Hindi ako papasok ngayon at bukas. Medyo tinatamad ako at nandoon naman si Crystal at Galvin para mag bigay ng utos sa mga SSG Officers.” aniya niya habang nakatingin sa akin.
Hindi na ako nag salita pa at tumahimik na lang. Itinuloy na lang namin ang pag kain namin dahil wala naman akong masabi at hindi din siya nag sasalita.
Nang matapos na kaming kumain ay siya na ang nag ligpit ng mga kinainan namin at agad kong kinuha yung twalya ko dahil maliligo na ako. Medyo pinapawisan na kase ako at bawal ako maligo ng hapon kaya maliligo na ako.
Pumasok na ako sa banyo at isinabit ko sa sabitan yung twalya ko at nag hubad na din ako ng mga damit. Akmang huhubarin ko na din sana ang aking mga undies nang biglang bumukas ang pinto at nagulat ako nang makita kong si Tristan iyon. Nabigla ako ng bigla siyang pumasok sa loob ng cr ng walang pasabi bago niya ito nilock.
“Sabay na tayo maligo.” aniya niya bago siya nag hubad ng sando. Halos tumulo ang laway ko nang makita ko ang masasarap niyang pandesal at maskuladong katawan. Nang mapababa ang tingin ko sa suot niyang boxer ay kitang kita dito na bakat ang malaki niyang alaga dahilan para mapa kagat labi ako. Agad akong tumalikod mula sa kaniya at pumasok na ako sa shower room para makapag simula na.
Dahan dahan kong pinihit ang bukasan ng shower at dumampi sa katawan ko ang malamig na tubig na nag mumula doon.
Habang nag kukuskos ako ng aking katawan ay bigla akong napa igtad nang maramdaman ko na may mainit na kamay ang yumakap sa akin mula sa likuran.
“Tristan.” mahinang saad ko habang hinihimas niya ang aking katawan.
“Shh. Ituloy mo na lang yang paliligo mo.” bulong niya sa aking tenga. Sa bawat pag lapat ng kamay niya sa tiyan ko ay nag bibigay ito ng kiliti. Para bang gugustuhin ko ito kahit hawakan niya pa ang aking tiyan ng matagal.
Napatigil ako sa pag iisip nang maramdaman kong sumipa ang mga anak ko habang hawak hawak ng ama nila ang tiyan. Para bang masaya sila dahil hinahawakan sila ng ama nila. Narinig ko ang mahinang pagka gulat niya nang maramdaman niya ito.
“Keisha?” pag tawag niya sa pangalan ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.
“B—Bakit?” nauutal na tanong ko sa kaniya. Bakit niya ako tinawag? May itatanong ba siya?
“Naisipan mo na bang ipalaglag yung anak mo?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong nasaktan dahil sa sinabi niya. Anak ko? Anak ko lang? Baka nakakalimutan niyang anak namin tong dalawa. Hindi niya man lang ba itinuturing na anak yung mga anak ko?
“Hindi, at kahit kailan ay hindi. Alam kong ayaw mo sa magiging anak ko pero hindi yun dahilan para ipalaglag ko sila. Wala akong pakielam kung ayaw mo sa kanila handa akong alagaan sila dahil para sa akin, blessings sila.” aniya ko. Nasasaktan ako, alam ko namang nag papanggap lang siya ngayon pero sana man lang tinawag niya na anak niya yung mga anak ko.
_
DAY 2
Wala naman kaming masyadong pinag usapan nung day 1 dahil sa nag kulong ako sa kwarto ko simula nung nag usap kami sa banyo. Masyado akong galit sa kaniya nung hapunan kaya hindi na rin ako bumaba. Mabuti na lang ay may tinapay ako dito sa kwarto at iyon ang kinain ko.
Nagising ako kanina na wala siya kaya inakala kong baka pumasok niya. Naiinip siguro siya dito kaya pumasok na lang siya. Kasalukuyan akong nanonood ng Tv nang biglang bumukas ang pinto ng mansion niya at iniluwa noon si Tristan na may hawak na mga pag kain at prutas. Napangiti siya nang makita niya ako at agad siyang nag lakad papalapit sa akin at ibinaba niya sa lamesa yung mga dala niyang pag kain.
“Good morning, k—kumain ka na ba?” tanong niya bago umupo sa tabi ko pero malamig ko lang siyang tinitigan bago sumagot ng...
“Hindi pa, wala akong gana.” i said coldly bago ko ibinalik ang paningin ko sa Tv at itinuloy ang panonood. Nabigla ako ng pumwesto siya sa pagitan ng hita ko at tinitigan niya ako sa mata.
“Galit ka ba? Kahapon mag hapon kang nag kulong tapos ngayon hindi mo ako pinapansin. May nagawa ba ako para magalit ka?” tanong niya pero hindi ko siya sinagot.
“Keisha, kausapin mo ako. Bakit ka ba galit?” muling tanong niya sa akin.
“Ano ba nanonood ako. Pwede bang huwag kang humarang jan ” inis na saad ko sa kaniya. Napatigil ako nang makita kong nakatingin siya sa tiyan ko dahan dahan niya itong hinalikan dahilan para mapa igtad ako.
“Sorry mga anak ko, may nasabi bang masama si Daddy? Galit kase sa akin Mommy niyo eh.” malambing na saad niya bago niya hinawakan ito.
Nawala lahat ng galit ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa ginawa niya. Kung sana ganito siya palagi ay hindi ako magagalit. Kita ko ang saya sa muka niya nang maramdaman niyang sumipa nanaman ang anak namin habang pinakikiramdaman niya ito.
Napansin niya siguro na natahimik ako kaya agad siyang tumingin sa akin at nginitian niya ako.
“May binili akong takoyaki, pastries at ramen. Anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin habang hawak hawak niya ang tiyan ko. Nung sinabi niya ang word na ramen ay bigla akong nag laway. Para bang gustong gusto ko itong kainin.
“Yung ramen na lang.” aniya ko sa kaniya at agad naman siyang pumunta sa kusina para isalin sa mga lalagyan yung mga pag kain at agad siyang bumalik dito. Inabot niya ito sa akin at agad ko itong tinikman.
Ang sarap. Ngayon lang ulit ako naka kain ng ramen pero mas masarap ito sa mga una kong natikman. Kumuha din ako ng takoyaki at masarap din ito. Nabigla ako nang lumapit sa akin si Tristan at pinahid niya yung sauce sa gilid ng labi ko.
“May sauce ka sa labi mo.” aniya niya. Halos malaglag ang panga ko nang isubo niya ang kamay niya na ginamit niya para kuhanin yung sauce sa bunganga ko. Agad akong tumalikod sa kaniya para itago ang pamumula ng pinge ko dahil sa ginawa niya. Kung nakikita niya ako ngayon ay matatawa siya dahil sa pamumula ng muka ko dahil sa hiya.
_
Mag aalas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung normal lang ito o dahil lang sa masaya ako. Marami kaming ginawa na masasayang bagay ni Tristan kanina. Sa totoo lang, handa akong gawin ang lahat maging ganito lang kami habang buhay. Sobrang sweet niya at maaalagain.
As much as gusto kong maging masaya, napapa isip pa rin ako. Palagi kong ipinapaalala sa sarili ko na hindi ito totoo. May part kase sa akin na pakiramdam ko ay totoo ang mga sinasabi niya at hindi siya nag papanggap. Gustuhin ko mang isipin yun pero wala akong magagawa dahil that's just an act.
Nandito ako ngayon sa terrace habang pinakikiramdaman ang simoy ng hangin nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Agad akong napakunot ang noo, gising pa siya.
“Pumasok ka na, bukas pa iyan. ” aniya ko at agad naman siyang pumasok at nag lakad papunta sa may tabi ko.
“Bakit gising ka pa?” tanong niya bago niya ako sinuotan ng suot niyang jacket. “Saka bakit ka nandito? Malamig na ah? Baka mag kasakit ka.” nag aalalang saad niya dahilan para mapangiti ako. Kung totoo lang sana yung pag aalala niya bago natulog na ako kaagad.
“Hindi pa ako inaantok.” maikling aniya ko sa kaniya. Narinig ko ang mahinang pag buntong hininga niya. Nabigla ako ng hawakan niya ang aking kamay at hinigit niya ako papasok sa loob at pina upo sa may kama. Agad niyang inayos yung mga kumot at unan doon bago niya ako pinahiga. Alam ko naman na pipilitin niya akong matulog kung hindi ako hihiga kaya humiga na din ako.
Humiga na ako sa kama pero sinigurado kong malayo ako sa kaniya dahil ayaw kong magka dikit ang aming katawan. Tahimik lang akong pumikit at niyakap ko yung unan na kalapit ko nang bigla siyang mag salita.
“Keisha bakit dyan ka pumwesto sa gilid? Baka mahulog kayo dyan. Halika nga dito.” aniya niya bago niya ako inisod sa may gitna kung saan magka lapit kaming dalawa. Mag kaharap kaming dalawa kaya agad akong tumalikod. Nabigla ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Dahil sa ginawa niya ay naramdaman ko na lang ang malakas na pag tibok ng aking puso habang nakayakap siya sa akin. Anong gagawin ko? What if alisin ko yung kamay niya?
“I miss hugging you like this Keisha.” paos na ani niya habang mabigat siyang humihinga sa aking leeg. Mabuti na lang ay hindi ako nakaharap sa kaniya dahil makikita niya ang pamumula ng muka ko. He miss hugging me? Kahit ako naman ay miss ko na rin ang yakap at halik niya. Masaya kong ipinikit ang aking mga mata at doon na ako kinain ng dilim at nakatulog.
_
DAY 3
“Natirinig mo ba? Diba sumisipa?” masayang sigaw ni Ate Tanya habang pinapakinggan nila ni Sir Tyler yung tiyan ko. Sila Jaslyn at Jiro naman ay nag uusap habang kumakain. Biglang nawala ai Tristan? Nasaan na kaya siya? Kanina lang ay nandito pa siya sa tabi ko.
Nang iikot ko ang paningin ko ay naabutan ko siyang nakasimangot habang nakatingin kay Sir Tyler at Ate Tanya.
“Ate bitawan niyo na yung tiyan ni Keisha, baka naiinis na yung mga anak namin dahil wala kayong ginawa kung hindi hawakan yung tiyan ni Keisha.” inis na saad ni Tristan habang naka simangot siya dahilan para mapatawa kaming lahat.
“Ito naman galit agad, pinapakinggan lang naman namin yung sipa ng anak mo eh galit ka na agad.” aniya ni Ate Tanya habang umiinom ng juice.
“Oo nga, pag bigyan mo na si Tanya. Alam mo namang single pa yan at walang boyfriend.” pang aasar ni Sir Tyler kay Ate Tanya.
“Kasalanan ko ba kung bakit wala akong jowa? Hindi ba pwedeng hindi ko pa nakikilala yung taong para sa akin kaya wala pa akong jowa. Palibhasa kayo ay may mga jowa na ang yayabang niyo.” nakangusong aniya ni Ate Tanya habang kami naman ay nag tatawanan. Agad na lumapit sa akin si Tristan at hinawakan niya yung tiyan ko.
“Besh malapit ka nang manganak diba? Kinakabahan ka ba?” tanong niya sa akin. Well, hindi naman ako kinakabahan dahil natatakot ako.
“Medyo dahil baka hindi ko mailabas ng maayos yung kambal. Pero lalakasan ko ang loob ko para mailabas ko sila ng malusog.” lakas loob na saad ko habang hinihimas ko ang aking tiyan.
“Nga pala, may naisip ka na bang pangalan?” tanong ni Jiro dahilan para mapa isip ako.
“Wala pa eh, gusto ko sana yung medyo magka tugma o magka tunog dahil kambal silang dalawa. Sa ngayon mag iisip muna ako.” masayang aniya ko. Gusto ko sanang name ay yung katunog ng pangalan ni Tristan. Ipinagpatuloy namin ang pag kain at pag kwekwentuhan. Sobrang saya ko at nararamdaman kong masaya din yung mga anak ko ngayon. Kung pwede lang sana ay huwag matapos ang kasiyahan sa buhay ko.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Yeliah Writes
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro