Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Masaya kaming nag kwekwentuhan ni Sir Cyrus habang kumakain ng ice cream. Dahil sa sarap ng ice cream ay agad ko itong naubos. Inorder pa ako ni Sir Cyrus ng take out para daw may makain ako mamaya.

Kasalukuyan kaming nandito na sa loob ng kotse habang nag mamaneho na siya pauwi. Ang sabi niya ay ihahatid niya muna daw ako bago siya umuwi.

“Sir Cyrus maraming salamat sa pag libre mo sa akin ngayong araw. I just wanted to say that i had so much fun today with you.” i said happily before smiling sweetly at him. Kita ko ang pamumula sa muka niya bago niya ako nginitian.

“Nag enjoy din ako ngayon habang kasama ka, also don't call me Sir Cyrus next time. Instead call me Cyrus.” aniya niya kaya agad ko namang sinunod. Maya maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng mansion ni Tristan. Agad niya akong pinag buksan ng pinto at agad na din akong lumabas.

“Maraming Salamat sa pag hatid mo sa akin Cyrus. Pasok na ako sa loob, mag ingat ka pauwi.” nakangiting wika ko sa kaniya bago ko siya niyakap. Agad niya din akong niyakap pabalik bago niya hinalikan ang noo ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong namula. Medyo kinilig ako dahil hinalikan niya ako sa noo.

Pumasok na rin ako kaagad sa loob nang maka alis na siya. Nagulat ako ng makita ko yung kotse ni Tristan sa may garahe. Nandito na siya? Akala ko ba alas kwatro pa ang tapos ng school nila?

Binalewala ko na lang ito at pumasok na ako sa loob. Naabutan ko siyang naka upo sa may sofa habang umiinom ng alak. As always malamig nanaman niya akong tinitigan. Mukang wala naman siyang balak sabihin kaya nilampasan ko na lang siya at akmang hahakbang na ako papaakyat ng hagdan nang mag salita siya.

“Saan ka galing?” malamig na tanong niya.

“Galing ako sa may mall. Bumili lang ako ng lotion.” pag sisinungaling ko. Hindi naman siguro masama kung umalis ako kahit saglit sa mansion niya diba? Saka ano naman kung mag sinungaling ako? Wala naman siyang pakielam diba?

“Liar!” sigaw niya dahilan para kabahan ako. Alam niya kung saan ako nag punta?

“I know that you're with Cyrus. Why are you with him? Didn't i tell you that you can't leave the mansion without my consent?” galit na saad niya bago siya tumayo sa kinauupuan niya at lumapit siya sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot na nararamdaman ko.

“Naka salubong ko lang naman siya kanina tapos inaya niya akong mag ice cream. Saka ano naman sayo kung kasama ko siya?” hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis dahil siya pa ang may ganang mainis ha!

“Ano naman sa akin? Baka nakakalimutan mong nakatira ka ngayon sa mansion ko. Wala kang karapatang magalit or mag desisyon ng hindi ko alam.” inis sa asik niya bago niya mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

“Ano naman kung umalis o nag desisyon ako ng hindi nag papaalam sayo? Baka nakakalimutan mo din na dinadala ko ang anak mo Tristan. Saka lumabas lang naman ako at nakipag usap sa isang teacher ah. Hindi nga kita pinakelman nung nakikipag halikan sa mga babae diba?” hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya dahil sa inis. Nakaka inis dahil nakikielam siya sa buhay ko habang hinahayaan ko lang naman siya kahit nasasaktan ako.

“Wala akong pakielam sa batang dinadala mo. Sa totoo lang wala akong pakielam sa inyo. Kung bakit kase kailangan pa kitang panagutan dahil jan sa bwiset na iyan. Kahit kailan hindi ko kayo mamahalin dahil hindi niyo deserve yon.” hindi ako makapaniwalang sinabi niya sa akin ang bagay na iyon. Hindi ko deserve na mahalin niya? Hindi namin deserve ng anak niya ang pag mamahal niya? Wala na ba talaga kaming halaga ng mga anak niya sa kaniya?

“Pagkakamali lang naman yang dinadala mo eh. Hindi ko yan ginawa ng may pagmamahal. I'm just h*rny that day, sana pala wala nang nangyari sa atin. Dahil kung walang nangyari sa atin ay wala akong responsibilidad ngayon. Masaya pa sana ako ngayon at walang iniintindi.”hindi ko na kaya yung mga salitang binibitawan niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at malakas ko siyang sinampal sa muka. Sabihin na niya lahat ng masasakit na salita huwag lang yung sabihin niyang pagkakamali yung mga anak ko.

Tinitiis ko lahat ng sakit na ibinibigay niya sa akin. Pero sana naman huwag niyang sabihin na pagkakamali yung mga anak ko. Hindi niya kase alam yung nararamdaman ko kapag sinasabi niya iyon. Hindi niya nararamdaman yung sakit kapag sinasabing pagkakamali lang yung dinadala kong mga sanggol.

“Sabihin mo na lahat ng gusto mo pero huwag na huwag mong sasabihin na pagkakamali mo lang yung mga batang dinadala ko. Wala kang karapatan na sabihan ang mga anak ko ng ganiyan. Kung para sayo ay pagkakamali lang sila, pwes sa akin hindi. Para sa akin sila ay regalo ng diyos sa akin. Insultuhin mo na lahat, huwag lang ang mga anak ko.” galit na sigaw ko sa kaniya bago ko hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak niya at umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Bakit ganun? Napaka sakit. Kung buhay na siguro yung mga anak ko malamang galit na galit na sila sa ama nila. Ano nga bang magagawa ko? Wala diba? Yun na ang paniniwala niya at hindi ko na mababaho iyon.

_

Simula nung nag away kami ng araw na iyon ay mas lalo na siyang hindi umuuwi sa bahay. May araw ata na hindi siya umuwi sa mansion at minsan ay inaabot pa siyang isang linggo. Natatakot ako minsan dahil wala akong kasama kaya nag iistay lang ako sa kwarto ko at nilolock ko ang pinto at bintana nito.

Nag bibihis ako ngayon dahil may daily month check up ako para masiguradong healthy si baby. Last month ang kasama ko ay si Jalsyn kaya si Jiro naman siguro ang kasama ko. Agad kong kinuha ang aking cellphone para tawagan siya. Agad naman niya itong sinagot.

“Hello Kei. Bakit ka napatawag?” tanong niya mula sa kabilang linya.

“Hello Jiro, nakalimutan kong sabihin sayo na ngayon nga pala ang daily month check up ng mga baby ko. Masasamahan mo ba ako ngayon?” tanong ko sa kaniya. Wala kase si Jalsyn ngayon dahil binisita niya yung lola niya sa may Laguna kaya hindi ako makakapag pasama sa kaniya.

“Ngayon ba yun? Teka uuwi ako jan Kei, antayin mo ako.” aniya niya dahilan para magtaka ako. Wala siya sa bahay ngayon? Nasaan kaya siya?

“Wala ka sa bahay?” tanong ko sa kaniya.

“Nasa Batangas ako ngayon, pero uuwi na ako. Hintayin mo na lang ako jan at susunduin kita.” wika niya pero pinigilan ko siya.

“Huwag na Jiro, ang layo pa ng iba-biyahe mo kapag umuwi ka pa. Kaya ko naman magpa check up ng mag isa, mag stay ka na lang diyan.” pag pigil ko sa kaniya. Baka kase mahalaga yung ginagawa niya sa Batangas at maistorbo ko pa siya. Kaya ko naman ng walang kasama, sasakay na lang ulit ako ng taxi.

“Pero wala kang kasama, mabilis naman ako mag drive Kei sasamahan na kita.” pamimilit niya pero hindi pa rin ako pumayag.

“Ano ka ba okay lang ako ng mag isa. Saka ngayon lang naman ito, sasakay na lang ako sa taxi.”i said before smiling. Nakakatuwa dahil kahit busy siya ay handa pa rin siyang samahan ako.

“Sigurado ka? Kung iyan ang gusto mo, sige pero kailangan mong mag update sa akin.” wika niya dahilan para mapatawa ako. Akala mo naman mawawala ako kapag umalis ako mag isa eh.

“Alam ko na, para hindi ka mag alala kay Cyrus na lang ako magpapa sama.” aniya ko at agad naman siyang pumayag. Alam naman niyang mabait si Cyrus at may tiwala siya doon. Nag message din ako kay Cyrus na mag papasama ako at agad naman siyang pumayag. Ang sabi nito ay papunta din talaga siya dito sa mansion para manood ulit kami ng movie. Mukang hindi nanaman kase uuwi si Tristan kaya manonood na lang kami ng movie.

Nung nakaraan kase ay palaging wala si Tristan kaya palagi ko siyang pinapunta para may makasama ako at maka usap.

Nang matapos na akong mag bihis ay agad akong bumaba at naabutan kong nandoon na si Cyrus habang inaantay ako. Agad siyang ngumiti nang makita niya ako at kaagad niya akong sinalubong.

“Tara na?” pag aaya niya kaya agad akong tumango. Siya na ang nag buhay ng mga gamit ko at pinag buksan niya din ako ng pinto ng kotse niya.

“Pagkatapos ng check up mo, saan mo gustong pumunta?” tanong niya habang nag sisimula na siyang mag maneho. Saan ko nga ba gustong pumunta. Sakto naalala kong may kailangan nga pala akong bilhin na gamit nung kambal. Nung nakaraan kase ay bumili kami ng mga gamit nung kambal at may nagustuhan akong maliit na sapatos para sa kanila pero walang pang lalaki na ganoon. Ang sabi nung staff ay next week pa yung deliver ng bagong stock which is today kaya mag papasama ako kay Cyrus.

Nag chat nga din pala si Ate Kelly at gusto niyang makipag kita sa akin ngayon kaya sinabi ko sa kaniyang mag kita kami mamaya sa mall. Mabilis lang naman yung check up kaya marami kaming oras para mag usap at mamili ng mga gamit nung kambal.

Maya maya lang nakarating na kami sa hospital at pumunta kami sa office ng private doctor ko. Siya yung doctor na nag che-check up sa akin simula nung isang buwan pa lang yung kambal sa tiyan ko.

“Good Morning Ms Ferando, looking good as always. Kamusta na kayo ng soon to be born twins mo?” pag bati ni Doctora Gail bago niya kami pinaupo sa upuan.

“Okay naman po kami nung kambal. Medyo hindi po ako stress this days dahil wala si Tristan sa bahay. Saka palagi po akong kumakain ng healthy foods.” masayang saad ko. Chineck lang ni Doctora yung heartbeat ko at ng kambal at may mga tinanong lang siyang questions bago natapos ang check up.

Ang sabi niya ay malusog naman daw kami at mabuti daw na wala akong pinagka istress-an. Makakasama kase sa kalusugan nung kambal kapag palagi lang akong masaya.

Nang matapos na ang check up ay agad na kaming nag punta sa mall dahil kanina pa pala nandoon si Ate Kelly. Sabi ko kase sa kaniya mga lunch time siya pumunta pero pumunta na siya kaagad.

Agad akong bumaba at nag punta sa lugar doon sa mall kung saan kami mag kikita at naabutan ko siyang nag ce-cellphone habang kumakain ng french fries. Agad akong naglakad papalapit sa kaniya at niyakap ko siya. Huhu na miss ko siya ng sobra sobra. Kapatid siya ni Ate Janine at nasa Cavite siya nung nakaraan kaya hindi kami masyadong nag kikita. Agad niya akong niyakap pabalik pero hindi niya hinigpitan dahil baka maipit yung kambal.

“Yan na ba yung mga soon to be pamangkin ko? Grabe ang laki na ng tiyan mo Keikei.” masayang aniya ni Ate Kelly habang hinihimas niya yung tiyan ko. Kita ko ang pang lalaki ng mata niya nang maramdaman niyang sumipa yung kambal at halos mag tatalon pa ito dahil sa tuwa.

“OMG! Grabe excited na excited na akong manganak ka. Natatawa ako dahil naunahan mo pa si Kuya Kiello at Ate Kamerine. Mukang wala pang balak na mag jowa yung dalawang iyon eh. Puro aral si Kuya Kiello habang si Ate Kamerine naman ay adik na adik dun sa idol niyang si Darmien.” aniya ni Ate Kelly dahilan para matawa ako. Habang nag uusap kami saka ko lang napansin na wala pala si Cyrus. Saan naman kaya nag punta yun? Bigla akong natawa nang makita ko siyang lilingon lingon na para bang hinahanap ako. Muntik ko nang makalimutan, iniwan ko nga pala siya kanina habang nasa kotse pa siya.

Agad siyang nag lakad papalapit sa amin hanggang sa makarating siya sa lapit ko. Ipapakilala ko na sana si Ate kay Cyrus nang biglang napa sigaw si Ate Kelly. Nabigla ako ng ituro niya si Cyrus, magka kilala silang dalawa?

“Ikaw?!” sabay na sigaw nila habang naka turo sa isa't isa.

“Anong ginagawa mo dito?! Ang lakas ng loob mong mag pakita sa akin matapos mong pasukin yung locker room kung saan ako nag bibihis. Anong ginagawa mo ditong manyak ka?!” inis na tanong ni Ate Kelly habang ako naman ay natunganga dahil hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya.

Pinasok ni Cyrus yung locker room kung saan nag bibihis si Ate Kelly? Kailan at saan naman kaya yun?

“Ikaw nanaman? At ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko sinasadya yon! Galing kami sa ibang school, malay ko bang locker room yun. Saka hindi ako manyakis noh! Ang dami dami mong reklamo wala ka namang d"de.” inis na saad ni Cyrus dahilan para mapatawa ako. Grabe naman yung walang dede eh. Kita ko ang inis sa muka ni Ate Kelly bago niya hinampas ng paper bag si Cyrus.

“Ibig sabihin tiningnan mo nga yung katawan ko? Manyakis ka talaga! Ang kapal ng muka mong sabihan ng maliit yung d*de ko. Okay lang naman kahit maliit ang d*de atleast virgin! Akala mo naman malaki yang ano mo. Feeling ko kasing liit lang yan nung maliit na Tender juicy hotdog! ” pabalik na sigaw niya kay Cyrus habang ako naman ay nagpipigil ng tawa. Teka bakit nadamay yung d*de at hotdog sa away nila.

“Anong maliit? Para sa kaalaman mo malaki ang alaga ko! Tingnan ko lang kung hindi ka umungol kapag binayo kita ng walang pahiwatig. Saka totoo naman na maliit yang d*de mo. Baby bra pa ang gamit halatang walang d*de!” sigaw niya kay Ate Kelly dahilan para mag tinginan yung mga tao. Tang*na nakakahiya! Bakit kailangan pa nilang isigaw yun?! Hindi ba sila nahihiya? Grabe na talaga tong dalawang ito.

Napansin ko na wala silang pakielam kahit marami na ang nag titinginan kaya agad akong lumayo sa kanila ng kaunti dahil ako na ang nahihiya sa ginagawa nila.

“Napaka pakielamero mong lalaki ka! Manahimik ka na lang kung ayaw mong sapakin kita. Tandaan mo ito ha! Who you ka sa akin kapag lumaki ang d*de ko!” sigaw pabalik ni Ate Kelly habang ako naman ay napa taklob na lang ng kamay sa muka dahil sa kahihiyan na ginagawa nila.

“Hindi na yan lalaki, magiging maliit na lang yan habang buhay. Pero kung gusto mong lumaki yan, halika lalamasin ko.” aniya ni Cyrus habang nakakalokong ngumisi bago niya tinitigan si Ate Kelly. Parang gusto ko na lang mag pakain sa lupa dahil sa mga isinisigaw nilang dalawa. Grabe na yung kahihiyan na nararamdaman ko dahil sa ginagawa nila. Mag papanggap na lang siguro ako na hindi ko sila kilala. Tama yun na lang ang gagawin ko.

Kaya agad akong umalis sa lugar na iyon at hinayaan ko silang mag away habang pinapanood na sila ng tao. Bahala sila sa buhay nila! Hindi ako nag punta sa mall para panoodin ang kahihiyan na ginagawa nila.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro