Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Ayaw kong manirahan dito pero wala akong magagawa. Kailangan ko siyang pakasalan pagkatapos kong manganak kahit ayaw namin parehas. Mukang wala nang pag asang mag bago ang desisyon nila Tita kaya wala din kaming magagawa.

Kasalukuyan akong nag bibihis ngayon pagka tapos kong maligo dito sa mansion ni Tristan. Medyo natatakot ako dahil walang ka tao tao dito. Wala ba siyang maid dito? Buti hindi siya natatakot kapag mag isa siya dito.  Kakalipat ko lang dito kanina dahil sa kagustuhan nila Tito at Tita pati na rin nila Mom and Dad. Gusto nilang panagutan ni Tristan yung kambal at pakasalan ako. Baka raw kase kapag nag kasama kami ni Tristan muli ay mahalin na ako nito, yun ang sabi nila. Sa totoo lang ay hindi na ako umaasa dahil wala na naman talagang pag asa.

Simula kanina ay wala pa rin siya dahil umalis siya kaagad nang makarating kami dito. Alam kong hindi siya sang ayon sa kagustuhan ng mga magulang niya. Alam kong ayaw niya akong makasama pero ano nga ba ang magagawa ko. Kahit ako ay ayaw ko siyang makasama dahil sa sinabi niya.

Mag aalas nwebe na ng gabi pero wala pa rin siya. Nag sisimula na akong mag alala dahil kanina pa siyang tanghali umalis tapos hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Medyo inaantok na ako kaya agad akong pumasok sa kwarto ko para matulog. Naka kain na ako kanina kaya hindi ako gutom.

_

Nagising ako nang maramdaman ko ang pag tama ng sikat ng araw sa aking muka at agad akong tumayo. Umaga na, nandito na kaya si Tristan? Naka uwi kaya siya ng maayos kagabi?

Agad akong bumaba at naabutan ko siyang nag aayos ng coat at mukang papaalis na siya. Aalis na kaagad siya?

Teka bakit nga pala ako nabibigla kung aalis siya. Wala namang kami diba? Nandito lang naman kami dahil sa kagustuhan ng magulang naming dalawa. Saka wala na akong pakielam kung saan man siya pumunta!

Hindi niya man lang ako tiningnan o binati bago siya umalis ng bahay. Bakit pa nga ba ako umasa, napilitan lang din naman siyang patirahin ako dito.

Bigla akong napa isip, papaano ako kakain? Wala naman akong pwedeng utusan dito para ipag luto ako ng pag kain.

Kaya agad kong tinawagan si Jiro para magpa dala ng pagkain dito sa bahay ni Tristan. Agad naman niyo itong sinagot at sinabi niyang ibibili niya ako ng pag kain at hintayin ko na kang siya.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago siya dumating dito at may dala siyang sobrang daming pagkain pati na rin rambutan.

“Kei bumili na rin ako ng rambutan in case na gusto mo ulit kumain nito. Nasaan nga pala si Tristan?” tanong nito bago niya inilapag yung pagkain sa lamesa.

“Umalis na siya kanina, kaya wala akong kasama dito.” aniya ko bago kumuha ng rambutan at binalatan ko ito.

“Umalis na kaagad yung lalaking yun? Hindi ka man lang niya pinag luto ng pag kain o binili? Anong klaseng asawa siya!” inis na aniya ni Jiro.

“Hindi kami mag asawa Jiro saka wala siyang pakielam sa akin kaya hayaan mo na. Sa totoo lang mas gugustuhin ko pang maging single mom kaysa magpakasal sa lalaking yun.” aniya ko habang kumakain. Well totoo yung sinabi ko. Mas gugustuhin ko pang iwanan siya kaysa saktan niya ako ng paulit ulit.

“Hayaan mo na yun. Mas iistress ka lang kapag inisip mo pa siya. Kumain ka na kang para mabusog na kayo ng mga pamangkin ko.” aniya ni Jiro bago siya kumuha ng mga pinggan at inilagay niya doon yung mga pagkain na binili niya. Nakakatuwa dahil matanda na kami pero maaalagain pa rin siya. Ilang beses ko na siyang tinatanong kung kailan siya mag jojowa pero ang sabi niya lang ay hindi siya interesado.

Kumain kami ni Jiro habang nanonood kami ng TV. Papuntahin ko rin sana si Jalsyn pero may ginagawa siya ngayon dahil marami nanamang daw ibinigay na gawain si Tristan sa kanila at bukas na ang due date

_

Alas dose na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa rin nauwi si Tristan kahit madaling araw na. Nasaan kaya siya? Ang oras ng uwian ay alas kwatro ng hapon pero wala pa rin siya dito. Baka may pinuntahan pa siya.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon dito sa higaan nang marinig ko ang busina nang sasakyan ni Tristan. Sa wakas, nandito na rin siya. Mag hapon na kase siyang wala kaya siguro hinahanap hanap ko siya ngayon. Hindi ko alam pero bigla akong na excite kaya dali dali akong lumabas ng aking kwarto at bumaba sa hagdan.

Nawala ang saya ko nang makita ko siyang naka patong sa isang babae habang hinahalikan niya ito. Madiin silang nag hahalikan habang yung babae yung babae naman ay umuung*l ng umuung*l. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. M—May kasama siyang babae at nakikipag halikan siya doon.

Biglang sumikip ang dibdib ko habang pinipigilan kong tumulo ang kuha ko habang pinapanood ko silang dalawa.

Napahawak na lang ako sa aking tiyan habang tumutulo na ang aking luha habang silang dalawa naman ay sarap na sarap sa ginagawa nila. Mukang wala na talagang pag asa an maging maayos ang relasyon namin.

“Just like that Trista—ohh” ung*l nung babae habang minamasahe ni Tristan ang s*so nito. Gusto ko silang saktan! Gusto ko silang suntukin, sabunutan, saks*kin, pat*yin pero wala akong magagawa.

Nakita ata ako nung babae kaya agad niyang tinulak si Tristan at tinakluban niya yung katawan niya.

“Sino ka? Bakit mo kami pinapanood?! ” galit na sigaw nung babae bago ko pinunasan yung luha ko.

“Bakit gising ka pa? Matulog ka na at huwag mo kaming istorbohin.” malamig na aniya ni Tristan.

“Pasensya na sa istorbo, nauuhaw lang kase ako at hindi ko sinasadyang istorbohin ang ginagawa niyo. Babalik na ako sa aking kwarto.” wika ko bago mapait na ngumiti kahit tumutulo ang mga luha mula sa aking mata.

Hindi ko na sila hinintay na sumagot at umakyat na ako sa kwarto ko. Doon ko ibinuhos lahat ng luha na gustong gusto nang lumabas kanina.

Bakit ang sakit pa rin? Dahil ba mahal ko pa rin siya? Bakit ba hindi ko siya kayang kalimutan? Bakit hanggang ngayon grabe pa rin yung sakit nararamdaman ko tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba? Bakit ba hindi mawala wala itong nararamdaman kong pag mamahal sa kaniya. Kahit sobra na yung pananakit niya sa akin ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mahalin siya.

How could you be so reckless with my heart Tristan?

I love you so much that i always forgive you even if you hurt me so much. Why can't i just be happy? Hindi ko ba deserve na maging masaya? May makasalanang ba akong ginawa nung nakaraang buhay ko kaya hindi ako magiging masaya sa buhay kong ito?

_

Simula nung gabing yun ay palagi na siyang nag uuwi ng babae. Palagi rin akong umiiyak dahil nasasaktan pa rin ako. Mas tinatrato niya pa ng maayos yung mga babaeng inuuwi niya kaysa sa pagtatrato niya sa amin ng anak niya. Tuwing umiiyak ako ay niyayakap ko ang aking tiyan habang inilalabas ko lahat ng sakit nararamdaman ko.

Sigurado akong masasaktan ang mga anak ko kapag nalaman nilang walang pakielam ang ama nila sa kanila. Araw araw kong tinitiis ang sakit kapag nakikita ko siyang may kahalikang ibang babae. Nag sasaya siya habang ako naman ay palaging umiiyak sa kwarto ko.

Palagi rin maga ang mata ko tuwing gumigising ako ng umaga dahil sa kakaiyak kagabi.

Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ngayon ay napansin kong wala na akong lotion. Nag papahid ako palagi ng lotion sa aking tiyan para hindi ako mag karoon ng mga stretch marks.

Hindi ako pwedeng maubusan ng lotion kaya agad kong kinuha yung shoulder bag ko para pumunta sa may store para bumili ng lotion. Balak kong sumakay na lang sa taxi dahil wala dito si Tristan. As always palagi siyang wala tuwing nagigising ako.

Kaya agad akong nag suot ng hoodie at lumabas ng bahay. Nag lakad lakad ako ng kaunti bago makarating sa may malapit na paradahan ng taxi. Agad akong pumara at sumakay sa loob bago ko sinabi kung saan niya ako ihahatid.

Maya maya lang ay nakarating na ako kung saan ako bibili ng lotion. Agad akong nag bayad sa driver bago bumaba ng taxi.

Pumasok na din ako kaagad sa loob at pumunta sa may part na may mga lotion, sabon, shampoo at skincare. Agad kong hinanap yung lotion na ginagamit ko pero hindi ko ito nakita. Paulit ulit kong tinitingnan yung mga shelf hanggang sa makita ko ito.

Ang kaso nga lang ay mataas ito at hindi ko abot. Hindi naman ako pwedeng tumalon dahil buntis ako at baka maagasan pa ako ng wala sa oras. Walang malapit na staff dito sa may part na ito kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

Napatigil ako sa pag iisip nang may lalaking kumuha sa lotion na inaabot ko at nakangiti niyang inabot ito sa akin. Nabigla ako nang makita ko si Sir Cyrus.

“Keisha? Sabi na ikaw yan, malaki na ang tiyan mo. Kailan ka manganganak?” tanong ni Sir Cyruz habang hawak hawak niya yung push cart niya.

“Sa August pa po Sir Cyrus, bumibili lang po ako ng lotion ngayon. Eh kayo po ba anong ginagawa niyo dito?” nakangiting wika ko sa kaniya.

“Bumibili ako ng mga pang grocery ko ngayon. Matagal pa pala bago ka manganak, akala ko kase kabuwanan mo na dahil malaki na yung tiyan mo.” aniya ni Sir Cyrus dahilan para mapatawa ako.

“Kaya po malaki ang tiyan ko dahil kambal ang nasa loob nito. Dalawang lalaki po ang magiging baby ko soon.” aniya ko. Kita ko ang gulat sa kaniyang muka.

“Congrats, so kamusta na kayo ni Tristan? Inaalagaan ka ba niya ngayon?” tanong niya dahilan para malungkot ako. Mukang hanggang panaginip na lang yung sinabi niya.

“Hindi po eh, palagi nga siyang nag uuwi ng babae tuwing gabi.” aniya ko bago mapait na ngumiti. Nakita niya siguro na nalungkot ako kaya agad sitang humingi ng sorry.

“Sorry, huwag na lang natin siya pag usapan, by the way gusto mo ng ice cream? Mag alam akong gumagawa ng ice cream na malapit lang dito. Don't worry it's my treat.” pag aaya niya. Bigla aking na excite kaya agad akong pumayag na sumama sa kaniya. Kahapon ko pa talaga gusto kumain ng ice cream pero hindi ako makabili dahil bawal akong lumabas at wala namang ice cream sa ref niya. Agad naming binayaran yung mga binili namin at lumabas na din kami kaagad.

Inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya at inilagay niya sa may likuran yung mga gamit namin. Matagal na din since nung huli kaming nag usap dahil pinag bawalan ako ni Tristan na makipag usap sa kaniya dahil nag seselos ito. Ngayon pwede na akong makipag usap sa kaniya dahil wala namang magagalit.

Dinala niya ako sa isang cute na ice cream shop kung saan maraming flavor at topings na pwedeng pag pilian. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nag laway kaya agad kaming umorder.

“Mango graham with tapioca pearls ang sa akin, ikaw ano sayo?” tanong ni Sir Cyrus habang nakatingin pa tin ako sa menu. Nahihirapan akong pumili dahil mukang masarap silang lahat.

“Kahit ilan ang flavors na iorder mo pwede.” aniya niya dahilan para mapangiti ako.

“Talaga? Isang coffee jelly flavor, ube cheese, strawberry and cookies and cream flavor.” aniya ko dun sa waiter at agad na siyang umalis nang makuha niya yung order namin.

“Sir Cyrus bakit nga pala wala ka sa school ngayon?” tanong ko rito. Kanina ko pa talaga gusto itanong yun pero busy kase siya sa cellphone kanina.

“1 Month akong naka leave ngayon dahil sa away namin ni Tristan. Mag pe-present na kase ako ng report sa principal tapos hinack niya pala yung computer ko at nilagyan ng malalaswang video. Kaya ayun may biglang umung*l nung nag pe-present ako. Alam kong siya ang nag hack noon dahil nakita ko siya sa cctv ng office ko. Nag suntukan kami kaya naka one month leave ako. Bawal kase kaming manakit ng estudyante kahit sila naman angvmay kasalanan.” pag papaliwanag ni Sir Cyrus dahilan para mabigla ako sa kinuwento niya. Ginawa ni Tristan yun? May galit ba siya kay Sir Cyrus? Grabe naman kase yung ginawa niya.

“Pasensya ka na sa ginawa ni Tristan.” ako na ang humingi ng pasensya para sa ginawa ni Tristan dahil nakakahiya. Ang bait pa naman sa akin ni Sir tapos gaganunin niya lang.

“Okay lang yun saka huwag kang humingi ng pasensya dahil hindi naman ikaw ang may kasalanan. Kumain ka na lang para matikman mo na yung mga ice cream dito. Sigurado akong babalik balikan mo ang ice cream shop na ito.” aniya niya dahilan para mapatawa ako.

“Sir may nagugustuhan ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Hindi na siya awkward kumilos sa harapan ko kaya alam kong wala na siyang nararamdaman para sa akin.

“Meron na pero iba kase yung gusto niya.” aniya niya dahilan para mapatigil ako. May nagugustuhan na nga siya?

“Sino yan Sir, ireveal mo naman.” pagbibiro ko pero seryoso lang siyang tumingin sa akin.

“Ikaw pa rin talaga Keisha, alam kong malabo pero umaasa pa rin ako. May pag asa bang mahalin mo ako? Alam kong mag kakaroon na kayo ng anak pero kaya kitang itrato ng tama.” aniya ni Sir Cyrus dahilan para mapatahimik ako. Akala ko wala na siyang nararamdaman para sa akin. Mayroon pa pala. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil mahal ko pa rin si Tristan. Nakita niya siguro na naging uncomfortable ako kaya agad siyang nag salita.

“Huwag kang mag alala, hindi naman ako nag mamadali. Kahit abutin pa yan ng taon handa akong mag hintay Keisha. Take your time at nandito lang ako handang mag hintay sa isasagot mo.” aniya ni Sir Cyrus bago niya hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko na lang siya bago ako uminom ng tubig.

“Willing ka bang mag hintay kahit wala pang kasiguraduhan?” tanong ko sa kaniya at tumango naman siya bilang pag responde. Kung willing naman siya mag hintay, bakit hindi ko bigyan ng pagkakataon? Tutal mukang wala na kaming pag asa ni Tristan. Saka sigurado akong hindi matutuloy ang kasal na gusto nila Tita at Mama lalo na't hindi kami sang ayon.

Akmang mag sasalita na sana ako ng dumating na yung order namin. Agad kong nilantakan yung mga ice cream habang siya naman ay pinapanood niya lang ako.

“Ang amos mo naman kumain, parang baby eh.” natatawang aniya ni Sir Cyrus bago niya pinunasan yung ice cream sa may gilid ng labi ko. Agad ko siyang nginitian bago ko ipinag patuloy ang pag kain.

Napaka bait niya, hindi naman siguro masama kung bibigyan ko siya ng pagkakataong mahalin ako. Mahal naman niya ako, malay mo mahalin ko din siya.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro