Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

“Ano ang balak mong gawing palusot para hindi malaman ni Tristan na anak niya yung sanggol na dinadala mo?” malamig na tanong ni Kuya Kiello habang naka upo kaming lahat sa sofa. Kasama ko si Ate Tanya, Sir Tyler, Jiro, Kuya Henden at Jaslyn. Kausap namin ngayon si Ate Kamerine at Kuya Kiello pati na rin sila Mama at Papa.

Inamin ko na rin sa kanila na buntis ako at hindi naman sila nagalit. Masaya si Mama dahil matagal na niyang pinag aasawa si Ate pero ayaw pa nito kaya wala pang apo si Mama. Si Papa naman ay supportive at excited na daw siyang makita ang magiging anakko. Okay naman kay Ate Kamerine pero medyo malabo kay Kuya Kiello.

Muka kaseng hindi siya sang ayon na hindi malaman ni Tristan ang tungkol sa magiging anak namin at gusto ni Kuya na panagutan ako ni Tristan. Ilang beses ko na ipinaliwanag sa kaniya pero hindi ko pa rin siya nakukumbinsi.

“Huwag po kayong mag alala dahil handa kaming suportahan si Keisha kahit hindi alam ng kapatid namin. Nung una ay gusto din namin ipaalam kay Tristan pero nirespeto namin ang desisyon ni Keisha kaya handa kaming itago ito.” aniya ni Ate Tanya habang umiinom siya ng tubig. Medyo kinakabahan ako dahil naka simangot pa rin si Kuya.

“Handa naman kaming irespeto ang desisyon mo pero sigurado ka na ba? Kaya mo bang palakihin ng mag isa ang magiging anak mo? Kung kailangan mo nang tulong ay ichat o tawagan mo kami ng Papa mo” saad ni Mama bago niya hinawakan ang kamay ko. Alam king nagulat sila nang malaman nilang buntis na ako pero dalawang taon na lang ay matatapos na ako sa pag aaral.

“Opo Ma, sa ngayon kailangan ko na munang mag leave sa school at mag ho-home school na muna ako. Medyo lumalaki na din kase yung tiyan ko at kailangan ko na munang mag pahinga dahil mabilis akong mapagod.” aniya ko habang kumakain ng rambutan. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang pinaglilihian ko.

“Ako na ang bahala makipag usap sa Principal niyo. Kung sakali mang mag ho-home school ka, dito ka na lang ba sa bahay mag-iistay o sa ibang bahay natin?” tanong ni Mama. Marami kaming mga bahay na malapit dito pero mas gugustuhin kong lumayo dahil may chance na makita niya ako. Mayroon kaming bahay sa Batangas, doon sa pinuntahan ni Jiro nung nakaraan at doon ko na lang napag pasyahan na mag stay. Medyo malaki ang bahay namin doon at maaliwalas. Maari ko nga din pa lang bisitahin si Nay Dalia dahil medyo malapit ang bahay namin doon.

“Yung bahay natin sa Batangas Mama, doon ko napag pasyahang mag stay habang pinag bubuntis ko pa yung anak namin. Baka kase makita niya ako dito kapag dito lang ako nag stay. Kaya ko naman po alagaan ang sarili ko.” aniya ko.

“Okay, kung yan ang gusto mo. Pero kailangan mo nang makakasama, sakto uuwi doon si Janine kaya may makakasama ka. Saka si Henden ay may tatapusin na trabaho sa Batangas kaya may makakasama kang lalaki. ” aniya ni Mama dahilan para maging masaya ako. Si Ate Janine ay isa sa mga paborito kong Ate. Palagi niya akong sinasamahang mag gala noon at mag laro. Pero dahil kailangan ko munang umuwi ng Manila kaya hindi pa kami ulit nag kikita.

“Talaga ba Ma? Ilang taon na din since nung huli kaming nag kasama ni Ate Janine.” masayang aniya ko.

“Yung babae nanaman na yun?! Hindi ko pa rin makakalimutan nang bigla niya akong hampasin ng walis tambo dahil umiinom ako ng kape. Napag kamalan ba naman akong mag nanakaw. Tskk.” inis na aniya ni Kuya Henden. Bigla tuloy akong natawa nung maalala ko ang pang yayaring yun. Si Ate Janine ay pinsan ko sa mother side ko habang si Kuya Henden at Jiro naman ay sa side ni Papa.

Gabi na kase noon at kakauwi lang ni Kuya Henden, yun din ang araw kung kailan uuwi si Kuya Henden sa bahay. Natakot si Ate Janine nang may makita siyang tao sa kusina kaya agad niyang kinuha yung walis at hinampas niya si Kuya.

“Oh, naiinis ka ba talaga? Baka naman type mo di Janine.” panunukso ni Jiro dahilan para matawa kaming lahat. Para kaseng aso't pusa yung dalawa kapag nag kikita. Palaging mag kaaway at palagi ding nag sisigawan.

“Shut up Jiro, I would never like that girl. Hindi ako mahilig sa babaeng laging galit. Palagi na nga akong galit tapos mag jojowa pa ako ng palagi ding galit? No thanks.” pag tanggi niya. Kahit ilang beses mong itanggi yan Kuya Henden alam kong may gusto siya kay Ate Janine.

Nahuli ko kase siya na hinahalikan si Ate Janine habang natutulog ito. Nagiging bitter lang naman si Kuya Henden ngayon dahil sa nag karoon na ng boyfriend si Ate Janine bago pa man siya maka amin.

Itinuloy na lang namin ang pag uusap kung papaano ko papalakihin ang magiging anak namin ni Tristan. Bigla tuloy ako napapaisip, malalaman kaya ni Tristan na may anak kami?

_

Ilang linggo na din ang nakalipas simula nung lumipat ako dito sa Batangas. Binibisita ako nila Mama at Papa tuwing Sabado at Linggo habang sila Ate Tanya naman ay tatlong beses sa isang buwan.

“Nasaan yung cellphone ko Henden?!” sigaw ni Ate Janine habang nag luluto ito.

“Aba malay ko sayo! Huwag ka nang kung ano ano ang ginagawa at ituloy mo na lang yang pag luluto mo. Gutom na kami ni Keisha.” sigaw pabalik ni Kuya Henden kay Ate Janine. Napa taklob na kang ako ng kamay sa aking muka dahil mag sisimula nanaman sila. Simula nanaman ng Morning Routine nilang dalawa. Ang mag away.

Wala atang araw na hindi sila nag sisigawan. Palagi silang nag aaway kung sino ang mauunang gumamit ng cr, kung sino ang manonood at minsan pa ay kung sino ang paborito kong pinsan. Simula nung nanirahan kami dito ay palagi na akong nakakarinig ng away tuwing umaga. Away sa umaga, away sa tanghali, away sa gabi. Hindi na ata sila nag sawa sa pag aaway.

Napatigil ako sa pag iisip nang biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Jiro at Jalsyn habang kasama si Ate Tanya. Finally nakarating na din sila.

“Mukang nag aaway nanaman yung dalawa ah, wala bang araw na hindi kayo mag sisigawan?” tanong ni Ate Tanya bago niya inabot sa akin yung pinapabili ko.

Halos kuminang ang mata ko nang buksan ko ang supot at may laman itong napaka daming rambutan. Grabe nakakatakam, saad ko sa sarili ko bago ko itp inabot kay Jaslyn. Babalatan niya na ito para kakainin ko na lang.

“Kamusta ang mga SSG Officers?” tanong ko kay Jaslyn habang naka upo ito sa sofa at nag papahinga.

“Medyo nahihirapan na kami dahil palaging galit si President. Para siyang mainit ang ulo at sa amin niya ito binubunton. Sa totoo lang halos lahat kami ay wala pang pahinga dahil pinatapos niya sa amin yung tatlong expanded envelope na may mga papeles. Grabe pagod na pagod na ako.” pag rereklamo ni Jaslyn. Grabe naman yung pinapagawa sa kanila ni Tristan. Saka bakit naman kaya mainit ang ulo noon?

“Ano naman kayang problema nun?” tanong ko sa kanila.

“Hindi ko ba alam dun sa kapatid kong iyon, kapag nasa bahay siya ay walang makalapit na maid sa kaniya dahil sinisigawan niya ito kahit wala namang ginagawang masama.” pag kwekwento naman ni Ate Tanya.

“Kahit si Tyler ay hindi siya maka usap dahil palagi itong galit. Dinaig pa nga niya si Kuya eh.” dagdag pa nito.

“Palagi naman atang may mood swings si Pres ah, hindi pa kayo nasanay.”biglaang singit ni Jiro bago umupo sa upuan. Lumabas mula sa kusina si Ate Janine bago niya inabutan ng baso sila Ate Tanya at binigyan ng juice.

“Oo nga, palagi naman siyang ganun eh.” pag sang ayon ni Jaslyn sa sinabi ni Jiro.

“Oo na hayaan niyo na lang siya. Nga pala kamusta na kayo ni Galvin?” tanong ko kay Jaslyn. Nabigla ako nang mawala ang ngiti sa kaniyang labi at naging malungkot siya.

“Matagal na kaming wala Keisha, may bago na siya ngayon at wala na akong magagawa.” malungkot na saad niya bago uminom ng juice. Kita ko sa muka niya na nasaktan siya ng sobra. Kakaiba kase mag mahal si Jalsyn, kapag minahal niya ang isang tao mamahalin niya ito ng sobra sobra.

“Huwag na natin yun pag usapan, bumili na din kami kanina ng mga pag kain tara kumain na tayo.” pag aaya niya bago niya kinuha yung isang supot. Agad na lang akong tumango at nag handa na sila ng mga pinggan. Mukang mali na tinanong ko pa sa kaniya ang tungkol kay Galvin. Akala ko naman kase ay nagka balikan na sila at maayos na ang relasyon nila. Hindi ko gustong nalulungkot si Jaslyn dahil parang bunsong kapatid ko na siya.

_

“Sa tingin niyo, ano kaya ang magiging gender ng anak ni Keisha?” tanong ni Ate Tanya habang umiinom ng alak. Nag iinuman silang lahat ngayon habang ako naman ay gatas lang. Pinag bawalan ako ng doctor na uminom ng soft drinks at alak dahil hindi daw ito makakabuti kay baby. Siyempre sumusunod naman ako sa payo niya dahil gusto kong maging malusog at malakas ang katawan ni baby kapag lumabas na siya.

“Lalaki ang hula ko.” Jiro said confidently bago niya ininom yung alak. Si Jalsyn ay tulog na dito habang si Kuya Henden at Ate Janine naman ay nasa kwarto na. Parehas na kase silang lasing dahil kanina pa sila nag papadamihan ng maiinom na alak. Ang galing naman talaga nung dalawang yun. Pati alak ginagawang kompitesyon.

“Ako babae, tapos sigurado akong si Keisha ang kamuka nito. Nakikita ko na eh.” lasing na saad ni Sir Tyler habang umiinom pa din ito ng alak. Ang pinoproblema ko ngayon ay papaano ko sila ipapasok sa kwarto nila. Lasing na lasing na kase sila at nandito pa sila sa sala.

“Hindi ka sigurado jan Kuya, malay mo kambal ang magiging anak nila. Isang lalaki at isang babae.” pag sagot naman ni Ate Tanya.

“Malalaman pa natin yan sa susunod na buwan Ate Tanya, matulog na po kayo sa kwarto. Madaling araw na po at lasing na lasing na kayo” pag papaalala ko sa kanila. Kanina ko pa kase sila pinapapasok pero sabi nila hindi pa daw sila laseng.

“Hindi pa ako lasheng, diba Jiro? Diba Kuya?” lasing na saad ni Ate Tanya. Mukang hindi naman sila makikinig kaya hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Mag pahinga ka na Keisha, kami na ang bahala sa sarili namin.” aniya ni Sir Tyler kaya agad naman akong pumasok sa loob dahil malamig na at inaantok na ako.

Habang nag lalakad ako papunta sa kwarto ko ay napatigil ako nang may marinig akong ingay sa kwarto ni Kuya Henden.

“Ahhh... dahan dahan lang Henden. Huwag mong biglai—ohhhh.." ung*l ni Ate Janine dahilan para mapatigil ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Weyt!

May ginagawa silang kababalaghan?! Tama ba itong naririnig ko? Agad akong sumilip sa pinto at gulat na gulat ako nang makita kong naka patong si Kuya Henden kay Ate Janine habang hinahalikan niya ito sa leeg.

“Dahan dahan na yan Janine, just moan my name and let me pleasure you more.” he said in a seductively voice bago niya hinalikan si Ate Janine. Grabe naman itong dalawang ito. Dahil siguro sa kalasingan ay nakalimutan nilang isarado yung pinto. Grabe naman at gumagawa pa sila ng kababalaghan.

Akala ko ba hindi magugustuhan ni Kuya Henden si Ate Janine? Usap paloko lang talaga yung lalaking yun!

At dahil ayaw ko naman silang istorbohin ay agad akong nag lakad papunta sa kwarto ko at dahan dahang humiga.

Makakapag pahinga na din ako. Pero bago ko pa man maipikit ang aking mga mata ay tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong may nag message sa akin. Galing ito sa Unknown Number at tiningnan ko ito

From: Uknown Number

Ma'am good evening po. Nandito na po ako sa labas ng bahay niyo at hawak hawak ko na yung parcel. Kindly prepare 570 pesos para ipang bayad sa parcel.

Nabigla ako nang makita ko yung text. Teka parang late naman yung pag dedeliver ng parcel. Mag aalas dose na tapos ngayon lang dumating? Saka kakaorder ko lang nito kahapon ah? Dumating na kaagad ngayon?

Magagandang bedsheets kase yung inorder ko na pang baby. Para yun sa magiging anak ko kaya iba't ibang kulay ang binili ko. Hindi ko pa rin naman alam kung babae o lalaki yung magiging anak ko eh.

Muli akong tumayo sa aking kinahihigaan at bumaba para kuhanin yung parcel. Hindi ko pa rin tinatanggal yung suot kong hoodie dahil malamig.

Nang maka baba na ako ay agad kong binuksan yung gate at naabutan king nandoon yung lalaking may hawak ng parcel ko. Pero ang nakakapag taka ay hindi siya nag iisa doon.

Bakit siya nandito?

Paano niya nalaman na nandito ako?!

Anong gagawin ko?!

Halos maiga ang dugo sa aking muka nang makita kong kausap ni Tristan yung parcel delivery. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil nasa harapan ko na siya ngayon. Bigla akong kinabahan, papaano kung makita niya yung tiyan ko. Nang mapatingin naman ako sa tiyan ko ay hindi ito halata dahil naka hoodie ako.

“Anong ginagawa mo dito?” malamig na tanong niya sa akin.

“A—Ah dito ako nakatira ngayon. Ikaw bakit ka nandito? ” nauutal na tanong ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang pag kabog ng puso ko. Sobrang lakas na nito at parang sasabog na dahil sa kaba.

“Nakalimutan ni Ate yan sa mansion, i just came here to deliver it. Tutal malapit naman ang lugar na ito kung saan namin ice-celebrate yung 5th Monthsary namin ni Helinah. Paki bigay na lang kay Ate.” malamig na aniya niya bago inabot sa akin yung paper bag at umalis na din siya kaagad.

Monthsary nila ni Helinah? Hindi niya nakalimutan? Bakut yung amin nakalimutan niya?

Biglang sumakit ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin may relasyon pa rin sila hanggang ngayon. Paano na ako? Paano na kami ng magiging anak niya?

Hindi ko mapigilang maluha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Inabot ko na kaagad dun sa parcel delivery boy yung bayad at agad akong pumasok sa loob. Iniwan ko sa may tabi ni Ate yung gamit na naiwan niya at pumasok ako sa loob ng kwarto ko at doon ko ibinuhos ang aking luha.

Bakit ang sakit pa din?

Bakit nasasaktan pa din ako?

Dahil ba mahal ko pa rin siya?

Pero wala na akong magagawa dahil mukang seryoso na siya kay Helinah. Kailangan ko nang idistansya ang sarili ko sa kaniya. Masakit man pero hindi na ako eh. Wala naman akong magagawa doon.To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro