Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Pinakalma ako nila Ate Tanya at Jaslyn bago namin napag pasyahang lumabas na. Pero bago pa man kami lumabas nila Ate Tanya at Jaslyn ay bigla akong nakaramdam ng pag suka at agad akong tumakbo papunta sa may sink at doon ko na inilabas ang suka ko.

“BWACCHH!” pag suka ko habang hinihimas ni Ate Tanya yung likod ko at hawak hawak ulit ni Jaslyn yung buhok ko.

“Anong nangyayari sayo Keisha? Hindi ka pa kumakain pero sumusuka ka na agad?” nag aalalang tanong ni Ate Tanya habang patuloy pa din siya sa pag himas ng likod ko. Hindi ako makapag salita dahil hindi pa rin ako tumitigil kakasuka.

“Aye Tanya nahihilo po ako at ang sakit ng ulo ko.” lumuluhang saad ko kay Ate Tanya. Sa mga oras na yun ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Ito na ata ang unang beses na sumakit ng ganito ang ulo ko at saktong medyo sumasakit pa ang tiyan ko.

Kaagad na tinawagan ni Jaslyn si Jiro at maya maya lang ay dumating na siya at dahan dahan niya akong binuhat papalabas.

“Anong nangyari sa kaniya?” nag aalalang tanong ni Jiro habang pinupunasan niya ako ng pawis. Agad niyang hinipo ang ulo ko at pinunasan niya ito ng pawis.

“Bigla na lang siyang nag suka at sumakit ang ulo. Dalhin natin siya sa hospital.”nag mamadaling aniya ni Ate Tanya habang nag ta-type siya sa cellphone.

“Sasabihin ko na lang kay Mommy na hindi maganda yung pakiramdam mo kaya umuwi ka Keisha. Don't worry maiintindihan naman ni Mommy yun. Jaslyn dalhin niyo na kaagad siya sa hospital, susunod ako mamaya. Iisip lang ako ng paraan kung papaano ako makakatakas dito nang hindi nalalaman ng mga relatives namin. Ingatan niyo si Keisha ja.” pag papaalala ni Ate Tanya bago kami lumabas sa venue at isinakay na nila ako sa kotse. Mas lalong nagiging malabo ang aking paningin habang tumatagal.

Naging mas malabo ito hanggang sa kainin ako ng dilim at naka tulog ako.

_

“Seryoso po ba kayo sa sinabi niyo Doc?”

“Paano naman po nangyari sa kaibigan namin iyon?”

Yan ang mga salitang naririnig ko habang naka pikit pa ang aking mata. Pilit ko itong binubuksan pero inaantok pa rin ako.

“May naging boyfriend na ba siya?” tanong nang Doctor nang imulat ko. Naabutan kong naka higa ako sa kama ng hospital habang nasa tabi ko si Jaslyn at Jiro habang may kausap silang Doctor at Nurse.

“Ms Ferando, finally your awake. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” kaagad na tanong ng doctor habang nag lalakad siya papalapit sa akin.

“Nurse pakitawag si Nurse Delliah para icheck ang kalagayan ni Ms Ferando.” pag uutos niya dun sa Nurse at agad itong sumunod at lumabas.

“Ako na ba ang mag sasabi sa kaniya o kayo na?” dagdag na tanong niya dahilan para mag taka ako. May sasabihin sila sa akin? Ano naman kaya iyon?

Mesyo maayos na ang pakiramdam ko at hindi na ako nasusuka ngayon kaya masaya na ako.

“Ako na po Doc.” aniya ni Kaslyn bago siya huminga ng malalim at lakas loob na tumingin sa akin. She's acting strange, may problema ba?

“Keisha huwag kang mabibigla ha, promise me na hindi ka sisigaw kapag sinabi ko na sayo ito.” aniya niya dahilan para mas lalo akong ma curious sa sasabihin niya. Ano ba kase yung sasabihin niya? Bakit kase pinapatagal pa eh!

“Keisha this is unexpected pero...” aniya niya dahilan para mainis ako. Hindi pa niya tinuloy?

“Pero ano?!” inis na aniya ko sa kaniya. Kita ko sa mata niya na ayaw niya pang malaman ko ang tungkol sa sasabihin niya pero wala siyang choice.

“You're pregnant.” maikling saad niya dahilan para masamid ako sa sarili kong laway.

Ano?!

Buntis ako? Teka bakit parang imposible naman ata yan! Paano ako nabuntis?!

“Ano?!” gulat na sigaw ko sa kanila. Hindi ko lama ang mararamdaman ko ngayon. This is too much. Kaya ba lagi akong nahihilo at tulog dahil buntis ako?!

“Totoo po ang sinabi ng kaibigan niyo Ms Ferando. You are indeed pregnant. Having head ache, always asleep and vomiting, and craving for weird foods. That's the sign that you're pregnant. Congratulations Ms Ferando, you are having a baby soon.” masayang ani ni Doc habang ako naman ay napatigil dahil sa pagka gulat. Papaano—i mean sino ang ama ng baby ko?

“You have to rest Ms Ferando, don't stress yourself because it's bad for the baby's health.” pag papa alala ng Doctor bago siya lumabas mula sa kwarto ko

“Jaslyn? Sigurado ka bang hindi prank ito? Saka paano naman ako mabubuntis?” nag tatakang tanong ko sa kanila nang biglang sumingit si Jiro.

“Malamang buntis ka dahil gumawa kayo ng bata ni Tristan nung Valentines Day.” biglaang singit ni Jiro dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Tang*na?! Paano niya nalaman yun?

“Paano mo nalaman na may nangyari sa amin nung Valentine's Day?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

“Yung pinapakuhang pins at thumbtacks sayo ni Crystal hindi na dumating kaya inutusan ako ni Crystal na sundan ka. Tapos nang makarating ako doon ay narinig kong inuung*l mo ang pangalan ni Tristan. Kaya bumalik na lang ako sa kanila at sinabi ko kay Crystal yung ginagawa niyo.” aniya ni Jiro dahilan para mamula ako sa hiya. Tang*na sinabi niya kay Crystal ang tungkol sa ginagawa namin?! Sira ulo ba siya?!

Mag sasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Sir Tyler at Ate Tanya at mukang gulat na gulat sila. Mukang alam na nila ang tungkol sa pag bubuntis ko.

“B—Buntis ka Keisha?!” kinakabahang tanong ni Ate Tanya dahilan para kabahan ako. Paano kung hindi nila tanggapin yung baby ko? Paano kung sabihin nila kay Tristan ang tungkol sa sanggol na nasa sinapupunan ko? Hindi ko alam ang gagawin ko.

Napagpasyahan ko na rin na huwag sabihin kay Tristan ang tungkol sa anak ko dahil may girlfriend na siya na soon to be future wife niya. Baka magalit lang siya sa akin kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa sanggol at gustuhin niyang ipa ab*rt ang bata. Hinding hindi ko hahayaang mangyari yun.

“O—Opo Ate Tanya, buntis po ako at si Tristan ang ama.” ayaw ko mang sabihin pero ito ang katotohanan. Saka wala na din namang saysay kung itatago ko pa ito sa kanila. Alam na nila at si Tristan ang naka una sa akin at siya pa lang ang nakaka s*x ko kaya alam kong kay Tristan ito.

“Wahhhh! Talaga?! OMG magiging Tita na ako!” masayang sigaw ni Ate Tanya dahilan para mabigla ako. Hindi ko inaasahang magiging masaya siya dahil may girlfriend na ang kapatid nila.

“Nice one, mag kakaroon na pala ako ng pamangkin.” nakangising aniya ni Sir Tyler habang naka pamewang ito.

“Ibabalita ko na ba kay Tristan na magiging Tatay na siya?” tanong ni Sir Tyler pero agad ko siyang pinigilan.

“Sir Tyler, Ate Tanya okay lang po ba kung huwag niyo na lang sabihin kay Tristan? May girlfriend na po siya at mukang masaya na siya dun sa babaeng iyon. Gusyo ko lang na maging masaya siya at alam kong magiging sagabal lang ang anak ko sa kaniya.” nakayukong aniya ko sa kanila na nag pagulat sa kanilang apat.

“What do you mean by wala kang balak sabihin sa kaniya Keisha?” tanong ni Sir Tyler. Napa buntong hininga na lang ako bago ko sinagot ang tanong niya.

“Hindi naman ako minahal ni Tristan kaya alam kong hindi niya magugustuhan ang sanggol na ito. Sa tuwing nag se-s*x kami ay hindi siya nag papakita ng pag mamahal sa akin. Baka kamunhian niya lang ang anak ko at itaboy niya ito. Ayaw kong masaktan ang magiging anak ko kapag nalaman niyang hindi siya mahal ng ama niya.” saad ko bago ko pinabuksan kay Jiro yung tubig at uminom ako. Lumalakas kase ang kabog ng dibdib ko at medyo hinihingal ako kakaisip.

Papaano ko nga ba ito itatago kay Tristan? Siyempre malalaman niya ito kapag nag stay ako dito sa manila. Anong gagawin ko?

“Kumalma ka Keisha, pero sigurafo ka ba sa desisyon mong yan? May karapatan si Tristan na malaman ang tungkol dito dahil anak niya din yan.” nag dadalawang isip na ani ni Jaslyn. Agad akong napatingin sa aking tiyan at hinawakan ko ito kahit wala pa itong umbok.

“Alam kong may karapatan siya pero sigurado akong wala siyang pakielam kung dinadala ko man ang anak niya. Baka isipin niya pa na nagpa buntis ako sa iba para ipaako sa kaniya ang responsibilidad. Aya wkong mag mukang t*nga sa harapan niya kaya buon na ang desisyon ko. Hindi ko sasabihin kay Tristan ang tungkol sa anak ko.” aniya ko bago kumalam ang tiyan ko.

“Nagugutom ka na ba? Mayroon akong pag kain dito, gusto mo bang kumain?” tanong ni Jaslyn at tumango ako bilang pag responde.

“Narinig mo yung sabi ni Keisha, Kuya? Hindi daw sasabihin kay Tristan ha! Halata ko na kase sa muka mo na balak mo sabihin kay Tristan ang tungkol sa sanggol na nasa sinapupunan ni Keisha.” pag papaliwanag ni Ate Tanya kay Sir Tyler.

“Sir Tyler, please huwag niyo pong sabihin kay Tristan.” pag mamakaawa ko sa kaniya. Napa buntong hininga lang ito bago tumango.

“Hindi ako sanay na mag tago ng sikreto pero kung para sa inyo naman yan ng future pamangkin ko, sige.” aniya ni Sir Tyler. Nang sabihin niya iyon saka lang ako naka hinga nang maluwag. Kumuha silang lahat ng tubig para uminom pero ako hindi, patuloy lang akong kumakain dahil sa gutom pa rin ako.

“Ate Tanya parang gusto ko nung prutas na mabuhok. Yung bilog na mabuhok, ano nga yung tawag doon.” tanong ko sa kanila dahilan para maibuga ni Sir Tyler yung iniinom niyang tubig.

“A—Anong sabi mo Keisha?! B—Bilog na m—mabuhok?!” nauutal na tanong niya. Nabigla naman ako dahil sa kinilos niya. May mali ba akong nasabi sa kanila?

“May prutas bang ganun Kei?” kinakabahang tanong ni Jiro habang pinapawisan siya. Pinapawisan yung dalawang lalaki habang si Ate Tanya at Jaslyn naman ay natatawa.

“Mayroon naman kase talagang prutas na ganoon eh. Yung bilog na may buhok. Matamis tamis iyon at minsan ay may katas pa sa loob nito”aniya ko dahilan para mapahilot ng sentido si Sir Tyler.

“Sandali lalabas muna ako, kayo na muna ang bahala kay Keisha.” aniya ni Sir Tyler. Bakit siya kumikilos nang ganun? May maki ba talaga akong nasabi?!

“Ako din sasama ako.” aniya ni Jiro at lumabas na silang dalawa habang ako naman ay naiwan habang nag tataka dito.

“Sa tingin ko Keisha rambutan yung tinutukoy mong prutas.”natatawang ani ni Jaslyn at Ate Tanya.

“Oo tama yun nga yung tinutukoy ko. Bakit sila umalis? Hindi ba nila alam yung rambutan?” nag tatakang tanong ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

“Mag pahinga ka na muna, aalagaan ka namin hanggang sa mailabas mo si baby.” aniya ni Ate Tanya bago ako nahiga sa aking higaan. Sabi pa nito na ibibili niya ako ng rambutan bukas dahil sarado na ang mga tindahan ngayon.

_

“Jiro yung rambutan ko ubos na.” nakangusong saad ko kay Jiro habang nasa klase kami ngayon. Alam kong may klase pa pero gusto ko pa talaga ng rambutan.

“Sandali lang Kei.” aniya ni Jiro bago siya sumenyas kay Sir Tyler na gusto ko pa nang rambutan.

“Okay Jiro kuhanin mo nga yung nasa may office ko. Nandoon yun sa may ibabaw ng drawer ko.” aniya ni Sir Tyler bago tumayo sa kinauupuan niya si Jiro at lumabas. Kita ko ang pagtataka sa muka ni Tristan pero hindi ko siya pinansin. Malapit nang mag two months itong tiyan ko at medyo lumalaki na nga pero dahil lagi akong naka hoodie ay walang nakakahalata.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na din si Jiro habang may dala dalang isang supot ng rambutan. Agad niya itong inabot sa akin at kumain ko. Nag tinginan sa akin ang mga kaklase ko pero wala akong pakielam at kumain na lang ako.

“Hayaan niyo lang si Keisha, itutuloy ko ang discussion ko.” aniya ni Sir Tyler habang ako naman ay kumakain lang.

Sa totoo lang wala pa akong napapakinggan na lesson dahil kain lang ako ng kain. Kapag naman hindi ako kumakain ay tulog ako minsan.

Itinuloy ni Sir ang discussion hanggang sa mag lunch break na at kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon habang kasama ko si Jaslyn at Jiro.

“Anong kakainin mo ngayon?” tanong ni Jalsyn sa akin habang buhay buhat ni Jiro yung bag at expanded envelope ko.

“Parang gusto ko nang fried chicken at chicken salad.” i said happily bago kami pumasok sa cafeteria at naabutan naming naka upo sa isang lamesa si Tristan habang sinusubuan siya ni Helinah.

Bigla akong nasaktan dahil mukang seryoso na talaga siya kay Helinah. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang ipakilala niya si Helinah kay Tita Celina pero hindi pa rin sila nag be-break.

“Huwag mo silang tingnan, alam mo namang bawal ka ma stress diba?” aniya ni Jiro bago siya pumunta sa may lunch lady at naiwan kami ni Jalsyn sa may lamesa. Napansin kong matalim siyang naka titig kay Galvin na ngayon ay may kasabay na babaeng kumakain. Mukang nag seselos nanaman ang babaitang ito.

Nag simula na din kaming kumain nang dumating na si Jiro. Ata kagaya nga ng sinabi nila ay hindi na kao tumingin sa gawi nila Tristan at masaya akong kumain.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro