Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Agad akong umalis sa bahay ni Tristan at sumakay sa taxi. Walang ginawa kung hindi tumunog ng tumunog yung cellphone ko dahil sa chat at tawag ni Tristan. Dahil sa galit at poot na nararamdaman ko ngayon ay agad ko itong pinatay.

Hindi ko pa rin makalimutan lahat ng narinig at nakita ko kanina. I felt so betrayed and hurt. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Mabait naman ako diba?

Bumaba ako nang nasa tapat na ako ng condo ko at agad akong pumasok. Humiga ako sa aking kama at mapait na napangiti. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon. Hiwalay na kami pero bakit iniisip ko pa rin siya? Gusto ko na siyang maalis sa aking isipan. Dahil tuwing sumasagi siya sa isipan ko ay nasasaktan ako.

Bakit sa dami ng lalaking mananakit sa akin ay ikaw pa? Akala ko pa naman ikaw na ang makakatuluyan ko. Pinunasan ko ang luha sa aking mata bago ko ipinikit ang aking mga mata. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Hindi siya ang para sa akin at hindi ako ang para sa kaniya.

_

Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon. Kaka hiwalay lang namin nung nakaraang linggo tapos may bago na siya kaagad? Bakit ganito? Wala na ba talagang pag asang mag balikan kami? Bakit parang ang bilis naman niyang makalimot? Ganun ganun na lang ba yun?

Lahat kasi kaming mga SSG Officer ay pinapunta ni Tristan sa office niya dahil may bagong project kaming na pag uusapan. Kinakabahan ako kanina tapos makikita ko lang siyang may kayakap at kahalikang ibang babae? 

Aaminin ko nasasaktan ako dahil mahal ko pa rin siya. Ako nga hindi pa ako nakaka move on tapos siya may bago na agad? Ganun ba talaga ako kadaling kalimutan? Parang hindi naman ako mahalaga sa kaniya dahil sa ipinakita niya.

“What are you doing here Charise? Hindi ka naman member ng SSG Officer diba?” inis na tanong ni Crystal kay Charise.

“She's here because she's my girlfriend. Don't talk to her that way Crystal.” malamig at seryosong aniya niya dahilan para mas lalo akong masaktan? So naka hanap na nga agad siya ng kapalit ko?

“Wow Tristan, akala ko ba sabi mo sa akin hindi mo magugustuhan ang babaeng yan? Saka akala ko ba si Keisha ang girlfriend mo?” galit na aniya ni Crystal. Agad akong lumapit sa kaniya para pigilan siya pero hindi niya ako pinakinggan sa aking mga sinasabi.

“Bakit ba nakikielam ka? Pinsan lang kita at wala nang iba so just shut up Crystal. Start the meeting.” malamig na aniya niya kaya umupo na kami sa may table na pabilog at lumapit sa akin si Jiro.

“Okay ka lang ba Kei?” nag aalalang tanong nito sa akin. Nginitian ko lang siya bago ako nag salita.

“Okay lang ako Jiro, saka wala namang akong magagawa kung may bago na siya. Past is past kaya kalimutan na yon.” nakangiting aniya ko kay Jiro kahit deep inside ay gustong gusto ko nang umiyak at mag wala.

Tahimik akong nakinig sa pinag memeetingan nila. Hindi ako masyadong makapag focus dahil kahit hindi ko siya tinitingnan ay ramdam ko ang matalim niyang titig.

“About this meeting, the principal wants to have a have an activities on Valentine's Day. There is also color coding sa status ng mga students. I have here the list President.” aniya ni Galvin bago niya inabot ang papel kay Tristan at tiningnan niya ito. Agad niya itong pinasa sa lahat ng member at agad namin itong tiningnan.

Red: Taken
Blue: Single
Pink: Na sure thing
Maroon: Ginanon ganon lang
White: Study First
Gray: Broken Hearted
Brown; Walang label
Green: It's complicated
Yellow: Single and contented
Black: Bitter
Uniform: K*ll Joy

Bigla akong napangiwi nang makita ko ito. Parang alam ko na agad kung anong susuotin ko. It's either Gray or Black.

May mga maganda silang isinuggest na activities at mukang exciting ang mga ito. Kaso halos lahat ng magagandang activity ay para sa mga taken lang.

“Kaunti lang ba talaga ang pang single dito? Paano namin kaming mga broken at single?” pag paparinog ni Jaslyn kay Galvin. Pero sa totoo lang, itatanong kp din sana yun. Bakit nga ba wala kaming masyadong activities? Ano yun mag sta-stay na lang kami sa classroom? Parang ang unfair naman nun?

“I agree with Jaslyn.” maikling saad ko bago nakipag titigan kay Tristan.

“Well siguro dadagdagan na lang namin ni Galvin yung mga activities. Para nga naman fair.” aniya ni Business Manager. Mabuti na lang ay nag salita na siya kasi feeling ko mag aaway si Jaslyn at Galvin kung hindi pa siya sumingit.

Nag patuloy ang pag uusap namin tungkol sa mga activities at project na ipinapagawa ni Mr Principal. Hindi ako masyadong nag uusap dahil kanina pa ako naiinip. Napansin ko din na wala dito si Sevy ngayon kaya nag taka ako.

“That's all, meeting dismiss.” malamig na aniya ni Tristan kaya agad na kaming tumayo para kuhanin yung bag namin at umalis. Sa wakas, makaka alis na din kami. Kanina pa kase kami hinihintay ni Jiro ni Kuya Henden sa bahay. Kakauwi niya lang galing Cebu at inaya niya kaming mag food trip mamaya. Nakapag transfer na siya dito sa school at papasok na din siya kinabukasan.

“All of you can leave except Ms Secretary.” malamig na aniya niya dahilan para mapa hinga ako ng malalim dahil sa inis. Bakit ngayon pa? Hindi pa ba sapat na kailangan kong mag stay kanina dito sa sobrang boring na meeting niya?

“Bakit ako? Kung may iuutos ka pwedeng sa iba naman dahil may mahalaga akong gagawin.” inis na ani ko bago ako nakipag titigan sa kaniya.

“Ikaw ang inutusan ko diba? Kaya wala kang magagawa kung hindi mag stay dito at gawin yung inuutos ko.”galit na saad niya. Bigla na lang akong napa irap. Mukang hindi siya mag papatalo kaya wala akong nagawa kung hindi manatili sa opisina niya. Sinenyasan ko si Jiro na susunod na lang ako sa food trip namin mamaya.

Lumabas na din sila kaagad at ang natira na lang sa loob ng opisina ni Tristan ay kaming tatlo.

“Charise get out.” malamig na saad niya bago niya binuksan yung pinto at pinaaalis na niya si Charise.

“Pero babe diba sabi mo ihahatid mo ak—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang sigawan siya ni Charise.

“I said get out! Do uou want me to repeat it to you?!” galit na aniya niya. Kita ko ang takot sa muka ni Charise kaya tahimik siyang lumabas sa opisina ni Tristan. Nang makalabas na si Charise ay kami na lang ang natira sa loob.

“Anong ipapagawa mo? Ibigay mo na sa akin para matapos ko na at maka alis na ako.” inis na saad ko bago ko tinanggal yung suot kong bag at naupo sa may lamesa.

Nabigla ako nang may inilagay siyang isang kahon na puno nang mga papel na pinapapirmahan niya sa akin. Eto lahat ng kailangan kong pirmahan? Pero sobrang dami nito, baka hindi ako maka abot sa gala naming mag pipinsan.

Mag sasalita na sana ako nang lumabas na siya sa opisina niya at naiwan akong mag isa doon. Bakit niya pa pinaalis si Charise kung ito lang naman ang iuutos niya? Ang gulo din talaga nung lalaking yun.

Hindi na lang ako masyadong nag isip at sinimulan ko nang pirmahan yung mga papel na ibinigay niya sa akin.

_

“Teka bakit kulay pula ang damit na ipapasuot mo sa akin? Single ako beh, wala akong jowa kaya kulay black o gray ang susuotin ko.” pag tanggi ko nang ipilit sa akin ni Jaslyn na mag suot ng kulay pulang Offshoulder Top. Kanina pa talaga ako niya pinipilit pero hindi ako pumapayag. Nakakapag taka nga dahil kulay pula din ang suot niya. Kakahiwalay lang nila ni Galvin hindi ba? Ano to trip trip niya lang?

“Suotin mo na please, saka sigurado akong may magandang mangyayari ngayon sayo kapag sinuot mo iyan. Dali na Keisha, saka ako ang pumili niyan.” patuloy pa rin ang pangungulit niya kaya wala akong nagawa kung hindi suotin ito. Maganda ito pero parang medyo kita yung s*so ko dito.

Maganda ito at medyo revealing pero tutal bagay naman sa akin ay isinuot ko na lang ito.

“Pak girl bagay na bagay nga sayo, ang galing ko talaga pumili. Tara sasakay na tayo sa kotse, iniintay na tayo ni Jiro sa baba.” aniya nito. Nasa baba si Jiro? Akala ko ba hindi siya papasok ngayon? Nabigla na lang ako ng higitin ako ni Jaslyn hanggang sa makababa kami at kagaya nga ng sinabi ni Jaslyn ay nandoon si Jiro habang kasama si Kuya Henden.

“Anong ginagawa mo dito Jiro? Saka bakit naka pula ka? Hindi ba binasted ka lang nung nakaraan ni Xiarra diba?” tanong ko rito. Oops pasmado ang bunganga ko. Nagulat lang naman ako dahil naka pula siya.

“Grabe ka naman sa akin, bakit mo pa pinaalala. Saka naka pula ako ngayon dahil dyan s kaibigan mo. Kunwari ako daw yung bago niyang boyfriend dahil ayaw niyang mag mukang kawawa sa harapan ni Galvin. Ewan ko ba jan sa kaibigan mo baliw na baliw kay Galvin.” aniya nito bago irapan si Jalsyn. Natawa naman ako ng batukan niya si Jaslyn.

“Ikaw Kuya bakit ka naka pula? May girlfriend ka na ba?” tanong ko kay Kuya Henden.

“Kinunsinte ako niting mga kaibigan mo an mag pula at samahan ka para mag mukang mag jowa tayo. Gusto ata nilang inisin si Tristan kaya nila ako sinali sa kalokohang ito.” aniya ni Kuya Henden. Nang mapatingin ako dun sa dalawa ay nag panggap pa ang mga ito na walang alam.

“Bahala na, tara na at mag de-decorate pa tayo ng stage mamaya.” pag aaya ko. Sumakay si Jaslyn sa kotse ni Jiro at ako naman ay sa kotse ni Kuya Henden sumakay.

“So Kashi, bakit nga ba kayo nag hiwalay nung boyfriend mo? Tinanong ko na sa iyo ito noon pero hindi mo sinagot.” aniya ni Kuya Henden.

“Ginamit niya lang ako Kuya, akala ko totoo ang pag mamahal niya sa akin pero ginawa niya lang pala yun para kalimutan yung tunay na babaeng minamahal niya.” pag papaliwanag ko sa kaniya.

“Buti hindi alam yan nung Kuya mo Kashi, baka sugurin nun yung ex mo. Don't worry Kashi, alam kong makakahanap ka pa ng ibang lalaki na mag mamahal sayo. Huwag kang mag habol sa lalaking yon, i know that you deserve better.” aniya ni Kuya bago niya binuksan yung makina at nag simulang mag maneho.

Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa may parking lot at pinag buksan ako ni Kuya Henden ng pinto ng kotse at agad akong bumaba. Hindi pa rin talaga ako sigurado kung tama ba na isinuot ko yung damit na ito dahil hindi naman ako taken. 

Dapat pala nag dala ako ng kulay itim na damit na pang palit just in case. Pero wala nang urungan ito at pumasok na kami sa school.

“Wow naka pula ka Keisha, taken ka na pala ulit.” kinikilig na saad ni Bennise nang makapasok kami sa pinto. Kita ko rin na nagulat sila nang makita nilang may kasama akong gwapong lalaki.

“Ang gwapo naman ng bago mong boyfriend mo Keisha, mas bagay ka sa kaniya kaysa kay Tristan.” aniya ni Jelly habang nag aayos sila nang mga kurtina.

Nabigla ako nang biglang dumating si Tristan at naabutan niyang naka akbay sa akin si Kuya Henden. Mukang nagulat din siya nang makita niyang naka pula ako. Nakakapag taka dahil naka itim siya ngayon, hindi ba may relasyon sila ni Charise?

“Stop chatting and continue what your doing.” inis na saad niya bago matalim akong tinitigan. Napahawak ako nang mahigpit kay Kuya Henden, mukang nakuha naman niya ang gustong kong mangyari at agad niya akong niyakap sa harap nila bago niya ako hinalikan sa noo.

“Besh nandito na pala kayo, pasensya na kakarating lang namin ni Jiro.” aniya ni Jaslyn. Kita ko ang pagka gulat sa muka ni Galvin nang makita niyang naka pula si Jaslyn pero hindi siya pinansin o kahit tiningnan lang ni Jalsyn. Nakayakap ang babaita sa braso ni Jiro habang nakangisi siya.

Halatang halata sa muka ni Galvin na galit siya dahil nag sisimula na siyang mag dabog habang nag aayos sila ng mga kurtina. Natatawa ako dahil siya naman ang mag seselos ngayon. Yan ang kabayaran niya sa pag papaiyak sa kaibigan ko.

“Kung okay lang sa inyo, pwede ba akong tumulong para mapabilis. Mag da-date pa kase kami mamaya at balak din namin salihan yung mga activities.” nakangiting aniya ni Kuya Henden. Ang galing naman niya mag panggap, feeling ko pwede na siyang maging artista.

Habang inaayos namin yung mga gamit ay nag kwekwentuhan kaming lahat. Nag papanggap kaming sweet sa isa't isa ni Kuya Henden, hanggang sa padabog na siyang umalis sa lugar na iyon.

Hindi naman namin mapigilang tumawa ni Kuya Henden at Jiro nang bigla na lang sumigaw si Galvin at hinigit niya si Jaslyn papaalis. Mukang may nag seselos, bigla na lang kami napatawa dahil kitang kita ko na tuwang tuwa ang babaita habang pinapanood mag selos si Galvin.

Habang nag aayos ako ng mga tela sa mga lamesa ay bigla akong tinawag ni Crystal.

“Keisha, pwede mo bang kuhanin yung mga pins at mga bala ng stapler sa office ni Tristan? Nakalimutan ko kaseng kuhanin kanina at paubos na yung mga nandito.” aniya nito. Nang mapatingin ako sa mga kasama namin ay may kanya kanya silang ginagawa kaya agad akong pumayag at nag lakad na papunta sa opisina ni Tristan. Siguro na sa classroom pa din siya hanggang ngayon.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at nakitang kong nakapatay yung ilaw. Wala nga siguro si Tristan dito. Kaya hindi ko na binuksan yung ilaw dahil nasa may ibabaw lang naman ito ng lamesa. Agad ko itong kinapa kapa sa may lamesa.

Patuloy pa rin ako sa pag kapa nang may humigit sa akin at tinulak ako sa may malabot na upuan. Agad akong kinahbahan dito, sino ito? Bakit niya ako tinulak?

Nabigla din ako nang maramdaman kong may nag lakad papunta sa may pinto at dahan dahan niya itong sinarado at nilock.

“Sino ka? Bakit mo nilock yung pinto? May kukuhanin lang ako dito.” kinakabahang aniya ko habang kinakapa ko kung ano ang hahawakan ko.

Mas lalo akong natakot nang may nararamdaman akong mainit na hininga sa aking batok.

“Why are you wearing a red clothes? Naka hanap ka na agad ng ipapalit sa akin? Yun bang kasama mong lalaki kanina? Okay lang naman siguro kung kausapin ko siya diba? Usap lang talaga ang mangyayari Keisha.” aniya niya na may pag babanta sa boses niya. Bigla akong napako sa kinauupuan ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon bago niya hinalikan ang aking leeg.

“Anong ginagawa mo Tristan?! Palabasin mo na ako may pinapakuha sa akin si Crystal.” inis na aniya ko sa kaniya bago ko siya tinulak papalayo.

“Kasabwat ko si Crystal kaya hindi mo na kailangan pang bumalik doon. Ang kailangan mo na lang gawin ay maging mabait at behave habang kinakain kita mamaya.” aniya nito bago siya ngumisi. Hindi ko ito nakita pero ramdam ko ang pag ngisi niya.

It looks like, i fell into a trap.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro