Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Hindi pa rin ako sang ayon na pumunta dito pero wala akong choice kung hindi sumama sa kanila. Akala ko nga ay didiretso na kami kaagad papunta sa bar pero nag diretso muna sila sa condo ni Hannah para mag palit ng damit. Pinag palit din nila ako ng damit kaya nag palit na ako para maka punta na kami doon.

Kasalukuyan akong naka upo dito habang umiinom ng cocktail nang lumapit sa akin si Hannah. Umiinom ito ng alak habang sumasayaw. Sila Jaslyn at Camille ay sumasayaw din habang umiinom ng alak.

“Bakit ganiyan lang iniinom mo girl? Diba broken ka? Tara mag lalasing tayo.” pag aaya niya pero tumanggi ako. Wala ako sa mood mag lasing dahil may kailangan pa akong tapusin na project at may pasok bukas.

“Kayo na lang, marami pa akong gagawin na project.” pag tanggi ko dahilan para mapanguso si Hannah.

“Saka bakit parang gustong gusto niyo mag lasing? Huwag mong sabihin na broken din kayo ni Camille? Parang nung nakaraang linggo lang ay may sweet post pa kayo ni Taler ba yun?” aniya ko habang inaalala yung pangalan nung jowa niya. Taler? Tamer?

“Tanner yung pangalan niya beh, oo broken ako ngayon dahil nung mag kaaway pala kami ay nagpapa comfort siya sa iba. Grabe noh? Habang siya kino-comfort ako eto nag iisip ng paraan para magka bati kami. Ang sakit lang talaga, akala ko pa naman siya ang unang mag sosorry pero parang wala lang sa kaniya.” kita ko ang lungkot sa mga mata ni Hannah pero pinilit niya pa rin ngumiti kahit alam kong nasasaktan siya. Grabe naman pala yung boyfriend niya, bakit niya nagawa yun sa kaibigan ko? Si Hannah ang pinaka mabait sa amin tapos sasaktan niya lang. Ang kapal naman ng muka niya.

“Okay lang yan Hannah, ako nga kinalimutan yung monthsary namin tapos mas inuna niya pa yung girl best friend niya kaysa sa akin. Basta ang alam ko lang, wala na akong pakielam sa kaniya.” malungkot na wika ko bago ko ininom yung cocktail. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay umorder na ako ng limang baso ng alak. Kailangan kong kalimutan lahat ng problema ko. Kailangan ko magpaka saya, para makalimutan siya.

“Yeashh! That's my girl!” masayang sigaw ni Hannah bago siya nag lakad papunta kila Camille at Jaslyn. Base sa boses niya ay halatang lasing na ito. Kaya napag pasyahan kong uminom lang ng kaunting alak para hindi ako masyadong malasing at maka uwi kaming lahat ng ligtas.

Habang umiinom ako ay napa baling ang tingin ko sa lamesa sa may tabi at may naka upo ditong apat na lalaki habang nakatingin sa amin. Napansin kong kanina pa nakatitig sa akin yung lalaking may kulay asul na mata habang umiinom ito ng alak. In fairness gwapo siya, napatigil ako sa pag iisip nang biglang lumapit sa akin yung waiter at may inabot ito sa aking mukang mamahaling cocktail na may kasamang rosas at note.

‘Hi Ms Beautiful you look so hot, mind if i join you drink?’

Yan ang nakalagay sa papel na ibinigay nung lalaki ko. Agad akong nakipag titigan sa kaniya bago ko siya nginitian dahilan para tumayo siya at lumapit sa akin. Ang ibig sabihin kase ng ngiti kong iyon ay pumapayag ako. Gwapo naman siya at mukang mabait, hindi naman masama kung makikipag kilala ako sa iba diba?

“Hi I'm Justin, what's your name beautiful?” pag papakilala niya bago niya ilahad ang kaniyang kamay. Agad ko naman itong tinanggap bago nag pakilala.

“Keisha Faye, nige to meet you Justin.” pag papakilala ko bago inumin yung ibinigay niyang cocktail.

“Hmm, ang sarap naman nito.” aniya ko nang matikman ko yung cocktail. Hindi siya masyadong matamis at maasim, sakto lang sa panlasa ko.

“You like it? That's great, hey bro give her another 3 glasses of that cocktail.” pag utos niya at agad namang ibinigay sa akin nung bartender yung masarap na cocktail. Agad akong nabigla dahil 500 pesos ang isang baso noon, tapos tatlo agad ang ibinigay niya? Mayaman siguro itong lalaking ito.

“Teka, bakit tatlo yung binili mo ang mahal kaya niyan. Saka may pera naman ako, hindi mo na ako kailangan ilibre.” nahihiyang ani ko. He just chuckled before drinking his wine.

“Don't worry Keisha, it's my treat.” aniya niya bago ko ininom yung alak at inaya ko siyang sumayaw sa dance floor.

Isinabay ko ang pag galaw ng aking katawan sa beat ng music habang nag sasaya ngayon. Hindi ko na siya iisipin ngayon, ano bang silbi kung iisipin ko siya?

Sumayaw kami ng sumayaw ng mga kaibigan ko at ni Justin hanggang sa mapagod kami. Si Jaslyn ay nakahiga na sa upuan habang si Camille naman ay sumusuka na sa banyo. Si Hannah naman ay pagewang gewang nang mag lakad habang akay akay niya si Camille. Hayss grabe kase yung ininom nilang alak eh. Umorder ba naman tapos yung pinaka matapang na alak sa menu yung binili. Ang lalakas din talaga ng tama nila eh.

Ang pinoproblema ko na lang ngayon ay kung papaano ko sila iuuwi. Pinaalis na kase ni Camille yung driver nila at wala namang kaming kotse. Siguro mag ta-taxi na lang kami.

“Tara na uuwi na tayo, gisingin niyo na si Jaslyn.” aniya ko bago kinuha yung mga gamit nila. Ginising na nila si Jaslyn at papalabas na kami sa bar ngayon.

Nag aantay kami ng taxi nang may tumigil na kulay gray na sasakyan sa may tapat namin at nang buksan nito yung bintana ay nagulat ako nang makita kong si Pearl ito.

“Ano nangyari jan sa kanila? Muka na silang basang sisiw.” natatawang saad niya bago lumabas at inalalayan niya si Jaslyn. Kita ko ang gulat sa muka ni Hannah nang lumabas sa kasunod na kotse si Tanner at masama itong naka titig sa kaniya. Sobrang revealing kase nung suot namin kaya alam kong mayayari siya dahil conservative pa naman yung lalaking yun. Inihiga ko sa likuran si Jaslyn habang si Camille naman ay naka upo sa tabi ni Pearl.

Doon ko lang napansin na wala akong uupuan. Naka alis na kase sila Hannah dahil sa mukang mainit na ang ulo ni Tanner.

“Teka saan ka sasakay Keisha?” tanong ni Pearl. “Wait itayo mo na lang kaya si Jaslyn para mag kasya kayo.” dagdag pa nito.

“Hindi na, mag ta-taxi na lang ako Pearl. Masarap na yung tulog ni Jaslyn at hindi naman ako masyadong lasing kaya sila na lang isakay mo.” pamimilit ko sa kaniya. Nung una ay hindi siya sang ayon at ayaw niya akong iwanan pero kalaunan ay napa payag ko na din siya at umalis na sila.

Mabuti naman at maayos na silang makakauwi. Ngayon sarili ko na lang ang iisipin ko muna. Paano nga ba ako uuwi? Parang wala na kasing dadaan na sasakyan dito eh. Mdaling araw na kase at halos lahat ata ng tao sa bar ay may sariling sasakyan.

Napatigil ako sa pag iisip nang may bumusina na sasakyan sa harapan ko. Nagulat ako nang makita kong si Sir Tyler iyon. Anong ginagawa niya dito?

“Keisha sumakay ka na, ihahatid na kita sa bahay mo.” pag aaya niya. Agad naman akong pumayag dahil mas maayos na yun kaysa mag antay ako dito sa wala. Kaya agad akong pumasok sa may backseat pero pinalabas niya ako at doon pinaupo sa may tabi niya. Agad kong binuksan yung cellphone ko nang maka pasok ako. In-off ko kase ito kanina para walang umistorbo sa amin. Si Jiro kase chat ng chat kanina pinapa uwi na ako. Ang kulit ayaw ako tigilan kaya pinat*y ko yung cellphone ko.

Nabigla ako nang tadtadin ako ng isang number ng text at missed call. Mas lalo akong nagulat nang makita kong galing ito kay Tristan.

From: Tristan.

Where are you Keisha?!
Answer my calls!
Why aren't you answering my calls?
F*ck! Reply to my messages!
I'm getting worried baby, go home now.
I'm sorry baby, i didn't mean to forgot our monthsary.
Promise I'll make it up to you.

“My brother keeps shouting at our maid tuwing hindi mo sinasagot yung tawag niya. Inis na inis na kami ni Ate kaya naisipan kong lumabas muna at saktong nakita kita. Patahimikin mo nga yung lalaking yun.” aniya ni Sir Tyler. Nabigla ako dahil sa sinabi ni Sir Tyler. Ska ito fin ang unang pagkakataon na naka usap ko siya.

“Ano pong ibig niyong sahihin?” nag tatakang tanong ko sa kaniya. Hinahanap ako ni Tristan? Eh diba mag kasama sila ni Sevy?

“Yung kapatid ko nag wawala na doon sa bahay, patahimikin mo dahil sobrang ingay.” aniya nito. Doon ko lang napagtanto na nadaanan na pala namin yung condo ko. Huwag mong sabihin na sa bahay nila niya ako dadalhin? Hindi pwede! Hindi ko siya gustong makita. Masyado akong nasaktan nang piliin niya si Sevy kaysa sa akin.

“Sir nalampasan na natin yung condo ko, doon niyo na kang po ako ihatid.” pamimilit ko sa kaniya pero hindi ako nito pinansin at nag maneho patungo sa bahay nila. Bumaba siya sa kotse at pinag buksan ako nito ng pinto. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kaniya kaya bumaba na din ako at nag lakad kami patungo doon sa may pinto. Habang papalapit kami sa pinto ay may naririnig kaming taong nag uusap. Biglang kumirot ang puso ko nang makita kong nag uusap si Sevy at Tristan. Hindi muna ako pumasok doon upang pakinggan kung ano ang pinag uusapan nila. Ano kayang pinag uusapan nila?

“Sevy please, alam kong hindi mo ako gusto pero just give me a chance. I know that i can be a better boyfriend than him.” nag mamakaawang saad ni Tristan habang hawak hawak niya ang kamay ni Sevy. Kitang kita ang pag dadalawang isip sa mga mata niya. Bigla akong nasaktan dahil sa narinig ko. Tama nga ang hinala ko, mahal niya pa rin si Sevy.

Ibig sabihin sa mga araw na mag kasama kami ay wala lang sa kaniya. Pam palipas oras niya lang ako? Ganun lang ba ako sa kaniya? Naging importante man lang ba ako sa kaniya?

“Pero Tristan, mahal ko si Tyler. Alam mo naman kumg gaano kalaki ang pag mamahal ko sa kapatid mo. Saka may girlfriend mo si Keisha, mahal na mahal ka niya.” pag tanggi ni Sevy sa alok ni Tristan.

“Pero hindi ko siya gusto Sevy, ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang gusto kong maka sama at mahalin, bigyan mo ako ng pag kakataon.” hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon. Hindi niya ako gusto? Ganun na lang ba talaga yun?! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binuksan ko na yung pinto at agad ko siyang sinampal ng malakas sa pisnge.

“Ang kapal ng muka mo Tristan?! Paano mo nagawa sa akin ito?” galit na sigaw ko. Kita ang gulat sa kanilang muka nang makita nilang nakikinig kami ni Sir Tyler sa usapan nila.

“All this time Tristan! All this time your just making a fool out of me? Minahal kita ng sobra sobra. Sa totoo nga mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko, tapos ganito ang ibabalik mo sa akin? Grabe ka na Tristan! Tiniis ko lahat ng pag papahirap mo sa akin noon. Hindi na ako natutulog matapos ko lang yung mga pinapagawa mo sa akin.” huli na nang mapansin kong tumutulo na ang luha ko. Ang sakit! Sobra an ang sakit na nang ipinaparamdam niya sa akin. Deserve ko bang masaktan ng ganito? Bakit ba hindi niya ako kayang mahalin? Yung totoo, walang halong biro o pag papanggap.

Akmang mag sasalita na si Tristan nang suntukin siya ni Sir Tyler.

“May gusto ka kay Sevy? Akala ko ba hindi mo siya aagawin sa akin? At ngayon kinukunsinti mo siya na ikaw ang piliin? Paano mo nagawa sa akin ito?” galit na sigaw ni Sir Tyler habang hawak hawak siya ni Sevy at pinipigilan niya ito.

“Keisha it's not what it looks like, alam kong matagal mo nang gusto si Tristan at wala naman akong balak na agawin siya say—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang sampalin ko ito. Agad siyang napahawak sa pisnge niya bago ako nag salita.

“Yun na nga eh, alam mo na. Ikaw kase ang problema dito Sevy. Bakit ba napaka halaga mo kay Tristan? Sa sobrang halaga mo para sa kaniya, nakakalimutan niya ako na girlfriend niya. Parang ikaw pa yung girlfriend niya eh, mas importante ka pa kaysa sa akin. Bakit ba kase kailangang ikaw pa? Hindi ko ba deserve na maramdamang minahal niya ako? Bakit kailangan ikaw pa ang magustuhan niya? Bakit hindi na lang ako?” hindi ko na napigilan at humagulgol na ako ng malakas.

“Keisha please, huwag kang magalit sa akin. Kahit naman anong pilit na gawin sa akin ni Tristan alam mong hindi ko siya sasagutin. Mag kaibigan tayo Keisha at wala akong balak na agawin yung lalaking minamahal mo.” pag papaliwanag niya pero hindi ko siya pinakinggan.

“Wala ka pa ngang ginagawa wala na talaga eh. Minsan na nga lang ako mag mahal tapos kailangan may kaagaw pa? At ang masaklap doon ay ikaw pa na kaibigan ko. Nasasaktan na ako ng sobra Sevy, sa totoo lang. Siguro kailangan na nating itigil ito. Mag panggap na lang tayo na hindi tayo nag kakilakilala para matapos na ang lahat ng ito.

“Huwag mong pag salitaan ng ganiyan si Sevy Keisha!” galit na aniya ni Tristan dahilan para mapait akong mapatawa.

“See what i mean Sevy? Mas mahalaga ka pa kaysa sa akin. Sa bagay sino ba naman ako para mahalin niya. Simula pa lang naman ikaw na talaga ang gusto niya. Akala ko pa naman may pag kakataon na maging ako pero wala na! Wala na! Nasasawa na ako! Grabe na yung pasakit na ibinigay niyo sa akin. Aalis na ako.” huling sigaw ko pero napatigil ako ng hawakan ni Tristan yung kamay ko.

“Keisha calm down, kausapin mo ako. Alam kong nakalimutan ko yung monthsary natin pero huwag mo naman sana paabutin nang ganito. Mahal kita at alam mo yan.” aniya niya dahilan para matawa ako.

“Mahal mo pala ako? Ang ganda naman niyang joke mo Tristan. Kung ako sayo tumigil ka na lang.” akmang tatanggalin ko na yung kamay niya sa braso ko pero mas lalo niya itong hinigpitan.

“Huwag mong balaking umalis dito Keisha kung ayaw mong pag sisihan mo ito.” pag babanta niya. Ano namang pag sisihan ko dito? Mas makakahinga pa ako ng maluwag kapag hindi ko na sila nakikita.

“Wala akong pakielam sa inyo kaya tigilan niyo na ako. Gusto mo si Sevy diba? Sige gustuhin mo siya hangga't gusto mo. Wala akong pakielam. At tutal ayaw mo naman sa akin diba? Sige mag hiwalay na tayo.” huling salita na binitawan ko sa kanila bago ako nag lakad papaalis sa bahay niya. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha yung lakas ng loob ko para masabi ko ang mga salitang iyon sa kanila. Kailangan ko na silang kalimutan. Yun na yun!

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro