Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

UNO


UNO

Patungo ngayon si Aries sa kaniyang fianceè na si Vina. Dadalawin niya si Vina sa probinsya nito. Ilang buwan na lang kasi ay ikakasal na sila. Nagpa-alam ito sa kaniya na uuwi muna sa probinsya para ipaalam sa magulang at pamilya nito na ikakasal na sila. Hindi sumama si Aries dahil hands on siya para sa kasal niya. Siya lahat ang gumawa sa mga dapat gawin para sa kasal.
"Pick up, Vina!" inis na sambit ni Aries habang nasa loob siya ng kaniyang kotse. Tinatawagan niya kasi si Vina ngunit hindi pa rin ito sumasagot sa tawag niya.

Tinawagan niya muli ito baka sakaling sumagot na sa kaniya. Tumutunog lang ang cellphone nito pero hindi talaga siya sumasagot.

"Vina!" inis na sambit muli ni Aries sa sarili. Nasa hindi niya kabisadong lugar kasi siya ngayon kaya naman tinatawagan niya ang fiancée para malaman nito na pupunta siya. Ngunit hindi siya nito sinasagot.

Habang naiinis si Aries sa loob ng kotse niya. Tumunog muli ang kaniyang cellphone at nakatanggap ng isang notifications galing sa kaniyang email.

Agad niya itong tiningnan kung ano ang laman. Halos matapon niya ang sariling cellphone dahil sa galit na kaniyang nararamdaman sa mga oras na 'yon. Kitang-kita niya s screen ng cellphone ang larawan ng kaniyang fiancée na may katabing lalaki at wala itong mga damit. Natutulog ang kasama nitong lalaki habang ang fiancée niya ay sobrang lapad ng mga ngiti.

"What the hell are you doing, Vina!" galit na sabi ni Aries sa loob ng kotse.

Tinapon niya ang hawak niyang cellphone sa driver's seat at pinaandar ang kaniyang kotse at pinatakbo kung saang direksyon. He was in pain and devastated. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Gusto niyang magwala sa sobrang inis at galit. Pero, hindi niya alam kung paano. Nagdadrive siya sa kaniyang kotse.

Wala siya sa sariling katinuan habang nagdadrive sa kaniyang kotse. Kaya naman hindi na niya alam kung siya na lugar na padpad. Tapos bigla pang tumirik ang kaniyang sasakyan at kahit anong paandar niya, hindi ito gumagana.

Sinuntok niya tuloy ang manibela ng kotse niya at padabog na bumaba sa kaniyang kotse. Tiningnan niya agad kung ano ang sira nito ngunit hindi niya alam paano ayusin.

"Kung minamalas nga naman!" saad ni Aries at kinuha sa loob ng kotse ang cellphone.

May tinawagan agad siya nang makuha niya ang cellphone.

"Sir, saan po ba kayo?" tanong agad sa kaniya nang sumagot ang tinawagan niya.
"Hindi ko alam ang eksaktong lugar pero siguro somewhere in Cubao ito," sagot naman niya rito.
"Pwede niyo ba isend sa amin ang eksaktong location, sir? May signal naman diyan sa lugar mo?" muling tanong sa kaniya.
"Meron naman, nasa highway pala ako patungong Cubao," sagot naman ni Aries.
"Naku, sir. If patungong Cubao 'yan. Matagal ka namin masusundo. Malayo kasi," sabi naman sa kaniya.
Napasabunot naman si Aries sa buhok niya dahil sa inis. Sunod-sunod ang kamalasang nangyari sa kaniya. Una, ang picture na kaniyang nakita na nagtataksil ang kaniyang fianceè. Hindi 'yon unang beses ginawa sa kaniya ni Vina. No'ng magkasintahan pa lang sila ay nahuli na rin niya ito, sleeping with other guy.

Palagi niya itong binigyan nang isa pang pagkakataon dahil mahal niya ito pero this time. Hindi na niya pagbibigyan pa. Pinatay na lang ni Aries ang tawag at sinipa-sipa ang gulong ng kaniyang kotse dahil sa galit at inis na nararamdaman niya.
Dahil nasa highway lang naman siya, alam niyang may dadaan na bus. Siguro sasakay na lang siya kapag may dadaan na.

Hindi naman nagkamali si Aries, ilang minuto lang ang lumipas at saktong may dumaan nga na bus. Hindi na siya nagsayang ng kaniyang oras.

Pinara ito ni Aries, at sumakay sa bus. Huminto naman ito sa tabi niya. Unang bumungad sa kaniya pagbukas ng pinto sa bus ay ang konduktor ng bus.

"Saan po kayo bababa, sir?" ang tanong ng konduktor sa kaniya.
"Maynila po," sagot naman ni Aries at umakyat sa bus.

Nakita niya pagpasok sa bus ang bakanteng upuan sa pinakadulo ng bus. Sa isip ni Aries, saktong spot 'yon para makapag-isip-isip din siya sa nangyari.

Tinungo agad ni Aries ang pinakadulong upuan sa bus at umupo. Muli namang tumakbo ang bus na sinakyan niya.

Nagpakawala agad si Aries nang isang malalim na hininga bago inalala ang mga masasayang nangyari sa kanila ni Vina pero sa tuwing pumapasok sa isip niya ang mga nagawang kasalanan ni Vina sa kaniya. Walang-wala talaga ang mga magandang memories nila sa masasamang memories na ginawa ni Vina.

"Bakit, Vina?" mahinang bulong ni Aries sa kaniyang sarili.

"Ano bang nagawa ko sa 'yo?" dagdag pang sabi ni Aries habang pinipigilan ang mga luhang babagsak sa kaniyang mga mata.

Sa sobrang lalim nang kaniyang pag-iisip, hindi na namalayan ni Aries na may umupo sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin at pinabayaan na lamang niya pero habang patuloy ang kanilang biyahe. Hindi na talaga napigilan ni Aries ang kaniyang damdamin at tuluyan na siyang napaluha.

Hindi alintana ni Aries kung may katabi ba siya o wala. Punong-puno talaga nang hinanakit ang buong puso niya. Iyak lang siya nang iyak.

HALOS hindi naman gustong iwanan ni Maya ang kaniyang pamilya sa probinsya pero dahil sa tawag na natanggap nila mula sa kaniyang tiyahin. Walang magawa si Maya kun 'di ang pumunta sa Manila para bisitahin ang tiyahin.

"Anak, tawagan mo agad kami ng papa mo pagdating mo sa Maynila," saad naman ng ina ni Maya at niyakap siya nang napakahigpit.

"Oo naman, ma," sagot naman ni Maya habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata niya.

"Mag-iingat, anak. Sige, umalis ka na, baka mahuli ka pa sa biyahe," saad naman ng mama niya habang ang papa naman niya ay tahimik lang pero alam ni Maya sa kaniyang sarili na ayaw rin ng papa niya na umalis siya.

Pero dahil sa paki-usap ng kaniyang Tita, na nasa hospital ay napapayag din ang kaniyang Papa na aalis siya.

"Mag-iingat din kayo, Ma at Pa," sagot naman ni Maya at umalis na.

Tinungo agad ni Maya ang highway kung saan siya maghihintay ng bus na sasakyan ni patungong Maynila.

"Kaya ko ito!" sabi ni Maya sa sarili niya at naghihintay ng bus.

Sa 'di kalayuan, tanaw na ni Maya ang bus kaya naman naghanda na si Maya para pagdating ng bus sa pwesto niya. Hindi na siya mahirapan pang bitbitin ang dala niyang mga gamit.

Sumakay agad si Maya sa bus at humanap ng pwede niyang pwestuhan. Ngunit wala na siyang mahanap dahil halos mapuno na ang bus. Kaya naman tiningnan ni Maya ang pinakadulo ng bus. Saktong nakita niyang may bakanteng upuan, kaya tinungo agad 'yon ni Maya habang bitbit ang dala niyang mga gamit.

May nakita siyang isang pasaherong lalaki nang marating niya ang pinakadulo. Nakayuko ang ulo nito kaya naman hindi na lang ito pinansin ni Maya. Umupo na lang siya sa tabi nito.

Pero, habang patuloy ang pagtakbo ng bus. Rinig ni Maya ang mahinang hikbi sa tabi niya. Tila pinipigilan ang pag-iyak nito.

"Kuya, ayos lang po ba kayo?" Ang tanong ni Maya ngunit hindi siya sinasagot.

Dahil dakilang makulit si Maya, kahit hindi siya pinansin nito. Kinukulit niya at palaging siyang nagsasalita.

"Kuya, maganda ba ang Manila?" tanong ni Maya rito ngunit hindi pa rin ito sumagot sa kaniya.

"Alam mo, Kuya?" sabi ni Maya kaya naman napatingin si Aries kay Maya.

"Ang gwapo mo pala," nahihiyang sabi agad ni Mayai at animo'y kilig na kilig siya.

Napatawa na lang si Aries sa kakulitan ng babae sa tabi niya. Hindi naman sana gustong kausapin ni Aries ang dalaga pero napapangiti talaga siya kapag naririnig nito ang boses ng dalaga.

"Kuya," pagtawag sa kaniya ng dalaga.

"Bakit?" sagot naman ni Aries.

"Nakapunta ka na sa Maynila?" sabi naman ni Maya sa kaharap niya.

Tingnan siya nito nang maigi bago tumawa sa kaniya.

"First time mo ba pumunta sa Manila?" sagot naman ni Aries sa babae na ikinapula ng mga pisngi nito.

Tumawa tuloy si Aries dahil nakyukyutan siya sa mukha ng babae.

"By the way, huwag mo na akong tawaging Kuya. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. I'm Aries, and you are?" sabi pa ni Aries.

Nahiya tuloy si Maya ng sabihin sa kaniya ang pangalan nito. Para sa kaniya, bagay na bagay ang pangalan nito. Lalong gumwapo sa paningin ni Maya si Aries nang marinig niya ang pangalan nito.

"Hala, nakakahiya naman, Kuya. Ang gwapo naman ng pangalan mo. Bagay na bagay sa inyo, gumwapo ka lalo sa pangalan mo," sagot naman ni Maya.

Halos mawala ang mata ni Aries dahil sa pagtawa niya.

"Naku, bolera ka pala. Ako gwapo?" tanong ni Aries sa kaharap niya.

"Oo kaya. Ang guwapo mo, kuya. Matangos ang ilong, tapos mapupula pa ang labi mo sarap halikan siguro." Napatakip agad si Maya sa kaniyang bibig nang marinig niya ang kaniyang sinabi.

Habang si Aries naman ay lalong tumawa dahil sa kakulitan ng kaharap niya.

"Oo na, guwapo na ako pero it's your turn to introduce yourself. So, ano name mo?" sabi naman ni Aries.

Hindi naman masyadong naintindihan ni Maya ang sinabi sa kaniya ni Aries dahil hindi naman siya gaano kagaling mag English pero alam niyang pangalan niya ang tinatanong sa kaniya.

"Ako po pala, si Maya, Kuya Aries," sagot naman ni Maya.

"Ayan na naman tayo sa Kuya, e. Mukha na ba akong matanda?" pabirong sabi ni Aries kay Maya. Saka siya tumawa ng konti.

"Ay hindi pa ba kayo matanda?" sagot naman ni Maya.

"Twenty seven pa lang ako, Maya," sabi naman ni Aries na hindi makapaniwala na pinagkamalan siyang matanda.

"E, bente uno pa lang ako, kuya. Matanda ka pa sa akin," sagot naman ni Maya kay Aries.

Kaya muling tumawa si Aries. Kahit papano ay nawala 'yong sakit na kaniyang nararamdaman habang kausap niya si Maya, hindi niya alam kung bakit magaan ang kaniyang nararamdaman para kay Maya. Siguro dahil sa personality nito kaya, gano'n.

Ang kulit niya kasi kausap kaya talaga mapapatawa ka sa kaniya.

"Aries na lang, Maya. 'Yan na lang ang itawag mo sa akin," sabi naman ni Aries kay Maya.

"Sige po, A-Aries," nauutal pang sagot ni Maya dahil sa pagtawag niya sa pangalan nito.

Hindi nila namalayan pareho na dumating na pala sila sa terminal. Nang maramdaman ni Maya na huminto na ang bus na sinasakyan niya. Kinuha agad niya ang kaniyang mga gamit. Ngunit, may kumuha rin nito kaya ang nangyari ay parehong kamay nila ang nagtama.

"Sorry..." hinging paumanhing sabi ni Maya at kinuha ang kamay nito.

Pero, hindi muna ito binitawan ni Aries.

"Ako na magdadala," sagot naman ni Aries sa kaniya.

Walang magawa si Maya kun 'di ipaubaya kay Aries ang gamit ni Maya hanggang sa sila ay makababa sa bus na sinasakyan nila.

"Nice to meet you, Maya. Mauna na ako sa 'yo," sabi ni Aries sa kaniya at ibinigay ang gamit niya.

Tinanggap naman ito ni Maya at nagpa-alam na rin kay Aries.

"Salamat, Aries. Nice to meet you, rin," sagot naman niya.

Tumalikod na agad sa kaniya si Aries matapos magpaalam sa isa't isa at siya naman ay hinanap niya rin ang pinsan na susundo sa kaniya.

Hindi naman nagtagal ang paghahanap ni Maya, nakita niya agad ang kaniyang pinsan na si Ben.

"Kuya Ben!" pagtawag agad ni Maya.

Nakita naman siya ng Kuya Ben niya kaya sinalubong din siya nito.

"Maya!" sagot ng kaniyang Kuya Ben.

At nagyakapan nga sila nang magkaharap na.

"Ang laki mo na, Maya!" sabi ng Kuya Ben niya matapos sila magkayakapan.

"Naku, Kuya Ben, edad ko lang ang lumaki pero ang tangkad ko forever young!" sagot naman ni Maya at sabay silang tumawa pareho.

"Hanggang ngayoy, makuwela ka pa rin. Hindi ka talaga nagbago," sabi muli ng Kuya Ben niya.

"Kuya Ben kung sila nagbabago, ako hindi," sagot naman ni Maya.

"Kaya ikaw talaga ang pinakapaboritong kung pinsan, e," sabi naman ng kaniyang Kuya Ben.

Napasimangot tuloy si Maya sa sinabi ng Kuya Ben niya.

"Kuya Ben naman e. Ako lang naman ang pinsan mo wala nang iba. Baka nakalimutan mo?" sagot ni Maya sa Kuya Ben niya at napanguso na lang.

"Ay oo nga pala, ikaw lang pala ang pinsan ko," sabi naman ng Kuya Ben niya at kinamot ang batok nito.

"Kuya Ben naman e!" maktol ni Maya at nagtawanan na naman sila.

Pagkatapos ng kulitan nila ay kinuha na ng Kuya Ben niya ang dala niyang gamit. Hinanap muli ni Maya si Aries ngunit hindi na niya nakita pa.

"Sayang naman. Sana magkita pa kami," sabi naman ni Maya sa kaniyang sarili at sumunod na sa kaniyang Kuya Ben.


SA hospital agad ang diretso ni Maya nang dumating siya sa Maynila. Natawagan na rin niya ang magulang sa probinsya. Masaya naman ang magulang niya dahil ligtas siyang nakarating sa Maynila. Konting kumustahan lang ang ginawa nila at tinapos na rin dahil pupuntahan pa ni Maya ang kaniyang tiyahin sa hospital.

"Kuya Ben, malayo pa ba tayo?" sabi ni Maya habang sakay sila ng tricycle na si Kuya Ben niya ang nagdadrive.

"Malapit na, Maya," sagot naman sa kaniya ng Kuya Ben niya at muling tumingin sa kalsada.

Hindi naman muling nagtanong si Maya at tumingin na lang siya paligid. Naninibago siya sa kaniyang mga nakikita. Kung dati kasi puro puno, halaman, hayop, preskong hangin at malawak na bukirin ang nakikita niya sa probinsya nila. Dito naman sa Maynila ay ibang iba; maraming sasakyan, matataas na building at polluted na hangin.

Kaya naman, napatanong si Maya sa Kuya Ben niya.

"Ganito ba talaga ang Maynila, Kuya?" tanong niya habang naka-tingin sa paligid.

"Masanay ka na sa nakikita, Maya. Kung sa probinsya iba ang nakalakihan mo. Dito sa Maynila iba, rin. Talamak dito ang mga iba't ibang masasamang gawain kaya mag-iingat ka talaga," sagot naman ng Kuya Ben niya.

Nakaramdam naman ng takot si Maya para sa sarili niya pero winaksi na lang niya ron. Ang ipununta lang naman niya sa Maynila ay para sa tiyahin at wala nang iba.

Nagmamasid lang siya sa buong biyahe at hindi na siya nagtanong. Halos isang oras din ang naging biyahe nila Maya bago makarating sa hospital kung saan naka-confine ang tiyahin.

"Pumasok na tayo," sabi agad sa kaniya ng Kuya Ben niya at nauna na itong pumasok sa entrance ng hospital.

Sumunod naman si Maya kung saan pumunta ang kaniyang Kuya Ben.

Hindi naman sila nagtagal ay dumating na sila sa kuwarto kung saan nasa loob ang tiyahin niya.

Pumasok agad sila sa loob at tumambad kay Maya ang tiyahin nitong natutulog.

"Maya!" pagtawag sa kaniya ng isa pang pinsan. Kapatid ng Kuya Ben niya.

"Ate Jean!" sagot naman ni Maya at yumakap sa pinsan niya.

"Salamat at dumating ka na. Sana hindi ka na nagpunta. Pagod ka pa naman sa biyahe, nagpahinga ka na lang sana," sabi pa sa kaniya ng Ate Jean niya.

"Gusto niya raw makita si Mama, e. Pinasama ko na," sabat naman ng Kuya Ben sa usapan nila ng Ate Jean nila.

"Kumain na ba kayo?" pag-iiba naman ng usapan ng Ate Jean niya.

"Tapos na po, Ate Jean," sagot naman ni Maya at lumapit sa tiyahin niya.

"Ayos na po ba si Tita Ate?" sabi pa ni Maya at hinawakan ang kamay ng kaniyang Tita.

"Bukas pa sasabihin ng doctor kung ano talaga ang nangyari kay Mama, Maya," sagot naman ng kaniyang Ate Jean.

Tumango naman si Maya sa sabi ng kaniyang Ate Jean. Nanatili lang siyang naka-upo sa tabi ng kaniyang tiyahin.

"Maiwan ka muna namin, Maya," sabi ng kaniyang Kuya Ben. "Lalabas lang muna kami ng Ate Jean mo."

"Sige po, Kuya," sagot naman ni Maya.

Nang makalabas na ang Ate Jean at Kuya Ben niya. Hindi pa rin siya umalis sa tabi ng tiyahin niya. Malapit kasi siya sa Tita niya. Kahit pamangkin lang siya at tinuring parang sariling anak na rin siya ng Tita niya no'ng mga panahong wala ang magulang niya dahil sa trabaho.

"Pagaling ka po, Tita," sabi ni Maya sa tiyahin na natutulog.

Habang nagdaan ang mga oras, dinalaw na rin ng antok si Maya at hindi na niya napigilan ang sarili kaya siya nakatulog. Dala na rin siguro sa pagod mula sa kaniyang pagbiyahe.

Hindi naman siya inabala at ginising ng kaniyang Ate Jen at Kuya Ben niya no'ng nakabalik na ito. Pinabayaan na lang nila muna si Maya para makapagpahinga ito.





A/n: This story is already posted on YouTube as an audiobook version. If you have time to listen the audiobook version. Just click the link given below.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro