Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TRES

TRES


Lumipas ang ilang mga araw, halos mag-iisang buwan na si Maya na nagtatrabaho. Hindi niya pa rin nakikita ang anak ng kaniyang ma'am Cindy at sir Nico. Hindi kasi ito lumalabas sa kuwarto nito, kaya naging curious na rin si Maya kung ano ang itsura nito.

Sa ngayon, nasa out of town pareho ang kanilang ma'am Cindy at sir Nico. Nagpa-alam ito sa kanilang lahat na pupunta raw muna sila sa France to celebrate their wedding anniversary. Naiwan lang ang anak nito, nag-iisang anak lang naman nila ito.

“Ako na bahala maghatid nito, Daisy,” sabi ni Maya habang hinanda niya ang pagkain para ihatid sa kuwarto.

Hindi naman nangulit pa si Daisy aa kaniya at pinaubaya na lang ito sa kaniya. Dala niya ngayon ang pagkain, patungo siya ngayon sa kuwarto para ihatid ito. Nang humarang sa kaniya ang isang katulong na kasamahan din niya.

“Ibigay mo ’yan sa akin. Ako na ang maghahatid,” sabi sa kaniya ni Ivy.

Agad namang kumunot ang noo ni Maya sa sinabi sa kaniya. Kilala niya ito, ito ’yong sinasabi sa kaniya ni Daisy na masamang ugali na kasamahan nila.

“Hindi pwede, sa akin ito binigay ni ma'am Cindy na trabaho,” sagot naman ni Maya bago ito iniwan.

Mabuti na lang at hindi ito nagpupumilit na agawin sa kaniya kaya naman, naging matiwasay ang paghatid ni Maya.

“Sir, ito na po ang pagkain niyo,” sabi ni Maya sa labas ng pinto at iniwan ang pagkain sa labas ng pinto.

Bumalik agad siya sa kaniyang trabaho matapos niya itong maihatid. Dahil wala ang kaniyang ma'am Cindy, malayang makakatulong si Maya sa kaniyang kaibigan na si Daisy. Habang lumilipas kasi ang araw, naging malapit na siya kay Daisy.

“Nakita ko kayo ni Ivy kanina. Mabuti na lang at hindi mo binigay sa kaniya,” sabi sa kaniya ni Daisy nang makalapit siya.

“Trabaho ko naman kasi ’yon kaya hindi ko talaga ibibigay sa kaniya,” sagot naman ni Maya.

Nagkukwentuhan sila ni Daisy habang naglilinis. Natapos naman agad nila ito nang madali kaya naman, bumalik na sila sa loob ng bahay.

Dahil wala namang ginagawa si Maya pagkatapos nilang linisan ang swimming pool. Halos isang oras din nilang natapos linisan ang pool. Pinuntahan ni Maya ang kuwarto ng anak ng kanilang Ma'am Cindy at Sir Nico. Hindi ginalaw na pagkain ang bumungad sa kaniya nang makarating siya sa labas ng kuwarto nito. Kaya naman nakaramdam si Maya nang pangamba dahil baka kung ano na ang nangyari nito sa loob.

“Sir!” pagtawag ni Maya mula sa labas habang kumakatok sa pinto.

Ngunit wala siyang nakuhang sagot, kaya naman medyo kinakabahan si Maya dahil baka may nangyari sa loob. Hindi pa kasi nagagalaw ang pagkain na dinala niya.

“Sir!” muling pagtawag ni Maya pero wala talagang sumasagot.

Halos masira na ni Maya ang pinto sa sobrang kaba na kaniyang nadarama dahil kahit anong sigaw niya walang sumasagot sa kaniya.

“Sir! Naririnig mo ba ako? Buksan mo ang pinto, Sir!” sigaw ni Maya at tinulak ang pinto pero halos masubsob ang kaniyang mukha sa sahig dahil sa biglang bumukas ang pinto.

“Ano ba! Ang ingay naman!” sabi ng nagbukas ng pinto.

Nagulat si Maya nang makita niya ang mukha nito.

“Aries?” Hindi makapaniwalang sabi ni Maya.

“Maya?” sagot naman sa kaniya.

“Anong ginagawa mo rito?” dagdag pang sabi ni Aries sa kaniya.

“Dito ako nagtatrabaho,” nauutal namang sagot ni Maya.

“Kelan pa? At bakit hindi ko man lang alam?” sunod-sunod na tanong pa ni Aries sa kaniya.

“Matagal kitang hinanap. I even searched you sa social media pero hindi kita mahanap.” Halos hindi maka-sagot si Maya dahil sa sunod-sunod ang pagsasalita ni Aries.

“Gano’n po ba?” sagot naman ni Maya at mas lalo pa siyang nagulat dahil bigla siyang niyakap ni Aries.

“Sir!” nauutal at gulat na sabi ni Maya pero mas lalong humigpit ang yakap sa kaniya ng binata.

Ilang minuto nagtagal ang kanilang posisyon bago siya pinakawalan ni Aries sa mga yakap nito.

“Kumusta ka na?” sabi pa ni Aries sa kaniya.

“Ayos lang naman po, sir,” ang sagot niya rito.

Hindi alam ni Maya kung paano niya pakikisamahan ang kaharap niya lalo na’t anak ito ng amo niya.

“I told you, Maya. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko,” sabi sa kaniya ni Aries.

“Nakakahiya naman po na tawagin kabsa pangalan mo e katulong lang naman ako—” Hindi na siya pinatapos pagsalitain ni Aries dahil pinutol agad nito.

“Actually, kung natatandaan mo pa. ’Yong time na magkasama tayo sa isang bus and pagbaba natin. Binalikan pa kita e, kaso wala ka na roon. Hihingin ko sana ang number mo or Facebook para kahit papano may communication tayo pero hindi na kita, naabutan,” mahabang sabi sa kaniya ni Aries.

Nang pareho silang makabawi sa pagkagulat. Naging komportable na agad sila sa isa’t isa at ngayon ay nagtatawan na sila habang nagkukuwentuhan.

Lumabas na rin si Aries sa kaniyang kuwarto at ngayon ay nasa sala sila ni Maya. Nag-uusap sabay tumatawa.

“Talaga? HAHAHA!” pagtawa ni Maya habang kinukuwento ni Aries ang mga nakakatawang nangyari sa kaniya no’ng bata pa siya.

“Very epic nga iyon, e. Sobra!” sagot naman ni Aries sa kaniya.

At muli na naman silang nagtawanan. Ang hindi alam ni Maya ay may naka-tingin pala sa kanilang dalawa ni Aries. Galit na galit siyang tiningnan nito. Umalis agad ito sa kaniyang pwesto habang galit na galit kay Maya.

Hindi na nga nila namalayan pareho na matagal na pala silang nagkukwentuhan at nakalimutan na nila ang oras.


LUMIPAS ang mga araw ay mas lalong naging malapit ang loob ni Maya at Aries sa isa’t isa. Palagi silang magkasama kapag tapos na ang trabaho ni Maya. Samantala, hindi alam ni Maya na may nagagalit na pala sa kaniya nang palihim.

Patungo ngayon siya ngayon sa kuwarto ni Aries para dalhan ito ng pagkain. Siya mismo ang nagluto nito dahil si Daisy ay abala sa paglilinis ng swimming pool. Hindi niya muna ito tinulungan, kasi nilulutuan niya si Aries.

Bitbit ang niluto niyang pagkain, binaybay niya ang pasilyo patungo sa kuwarto ni Aries. Nang nasa tapat na siya ng pinto, kumatok muna si Maya bago pumasok.

“Aries…” pagtawag ni Maya. Hindi niya kasi ito nakita pagkapasok niya. Nilapag na niya ang dalang pagkain sa maliit na mesa sa loob ng kuwarto.

Inayos na lang ni Maya ang higaan nito. Sa isip ni Maya, nasa loob ito ng banyo dahil rinig niya ang maliliit na patak ng tubig sa banyo ng kuwarto ni Aries.

Ang ginawa na lang niya ay inayos ang kama ng binata. Tinupi niya ang kumot at inayos ang mga unan. Pagkatapos ay inayos naman niya ang bedsheet ng kama.

Nagulat na lamang si Maya nang may biglang yumakap sa likod niya. Ramdam niya ang mainit na balat nito.

“Maya…” Aries huskily said behind her.

Ramdam na ramdam ni Maya ang mainit na hininga ni Aries sa kaniyang leeg. Parang nakiliti at nakuryente si Maya sa bawat haplos at halik na ginawad ni Aries sa kaniya.

“Aries…” halos mapaos ang tinig ni Maya nang tawagin niya si Aries.

“I want you, Maya…” sabi sa kaniya ni Aries at tuluyan na ngang nagtapo ang kanilang mga labi.

Bawat halik sa kaniya ni Aries ay taos pusong tinanggap ni Maya.

NANG matapos na sila, pareho silang nasa kama habang nagyayakapan. Naka-unan naman si Maya sa braso ni Aries.

“Maya…” pagtawag sa kaniya ni Aries.

“Nagsisisi ka ba sa nangyari sa atin?” tanong agad sa kaniya.

Umiling naman si Maya bago sumagot.

“Hindi, Aries. Hindi ako nagsisi,” sagot naman ni Maya.

“Gusto kita, Aries…” pag-aamin ni Maya.

Wala na siyang rason para maglihim kay Aries dahil naisuko na niya ang sarili. At kung hindi man sila pareho ng nararamdaman. Handa naman si Maya na tanggapin ang desisyon ni Aries.

“Tama ba ’yong narinig ko? Gusto mo ako?” hindi makapaniwalang sabi ni Aries sa kaniya habang hinahalik-halikan ang buhok niya.

“Oo, Aries. Gusto kita. Wala na akong dapat ilihim sa ’yo lalo na sa nararamdaman ko,” sagot naman ni Maya.

“Thanks, God!” masayang sabi ni Aries at hinalikan siya sa labi.

“I love you, Maya!” dagdag pang sabi ni Aries.

At sa pangalawang pagkakataon, muli na namang nag-isa ang kanilang sarili.

Hapon na nang matapos sila. Hindi na pinalabas ni Aries si Maya sa kaniyang kuwarto. Natutulog kasi ito sa loob ng kaniyang kuwarto. Siya na lang mismo ang nagluto para pagising nito ay kakain na lamang.

Ganadong-ganado si Aries na lutuan si Maya. After nilang maghiwalay ng fiancée niyang si Vina ay halos ilang buwan din siyang nagmumukmok sa kuwarto niya dahil sa sakit na nararamdaman niya pero no’ng dumating sa buhay niya si Maya. Ramdam niyang safe siya at walang pangamba sa kung anong mangyari sa kanilang dalawa.

Ngayon lang din niya naramdaman na hindi siya parang sakal na sakal sa relasyon.

“Oy, si Sir, masayang-masaya. Ang lapad ng ngiti parang inspired na inspired.” Nagulat na lang si Aries ng tumabi sa kaniya si Manang Louisa.

“Magandang hapon po, Manang,” pagbati ni Aries dito.

“Magandang hapon din, Sir Aries,” sagot naman sa kaniya ni Manang Louisa.

Nag-usap lang sila pero madalian lang dahil ayaw namang pilitin ni Manang Louisa na umamin ang binata sa kaniya.

Patuloy lang si Aries sa kaniyang niluluto nang iwan siya ni Manang Louisa. Nagluto siya ng paborito niyang dish. Gusto niya kasing ipatikim kay Maya ang specialty niya sa pagkain.

Nang matapos na siya sa kaniyang pagluluto. Hinanda agad niya ito at bumalik agad siya sa kaniyang kuwarto. Pero, nakasalubong niya ang isang katulong niya.

“Hi po, Sir,” pagsabi nito sa kaniya at sa harap pa mismo inayos ang damit.

“Hello,” sagot naman ni Aries at nilagpasan lang niya ito. Wala naman siyang rason para tumigil at makipag-usap dito dahil alam niyang inaakit lang siya ng katulong.

Para sa kaniya, enough na si Maya. Mahal niya ang dalaga at wala siyang gagawin na ikakasira ng tiwala nito sa kaniya.

“Ang sungit nito talaga, sir. Kaya mas lalo tuloy akong ginanahan na paamuhin ka,” malanding sabi pa nito.

“Look, I'm not interested about you. At isa pa, wala kang paki-alam kung masungit ako. Sino ka ba para pagsalitaan ako nang ganiyan? Remember? Katulong ka lang, anak ako ng amo mo. Anytime pwede kitang paalisin sa trabaho mo,” sagot ni Aries at tinalikuran na ito. Hindi na siya muling lumingon kahit tinawag pa siya nito.

Alam na ni Aries na dati pa ’yong may gusto sa kaniya kahit sila pa ni Vina noon. Pero, wala talaga siyang interest sa babaeng ’yon.

Nang makapasok sa si Aries sa kuwarto niya, mukha ni Maya habang payapang natutulog ang bumungad sa kaniya. Napangiti agad si Aries habang tinitingnan niya ang magandang mukha ni Maya.

“Kahit saang angulo ka tingnan, ang ganda mo,” sabi ni Aries nang makalapit kay Maya na natutulog pa rin.

Napatawa na lang siya bigla nang marinig niya humihilik pa ito habang natutulog.

“Silly woman,” tumatawang sabi pa ni Aries saka pumunta sa kabilang side ng kama at tumabi sa mahimbing na natutulog na si Maya.

“Siguro napagod kita nang sobra, mamaya na lang kita gigisingin. For now, I want to spend the whole time with you. Gusto ko maramdaman ang init mo sa mga bisig ko,” sabi pa ni Aries bago tumabing humiga kay Maya.

“I love you,” dagdag pang sabi ni Aries saka hinalikan si Maya sa noo bago yumakap dito.

A/n: This story is already posted on YouTube as an audiobook version. If you have time to listen the audiobook version. Just click the link given below.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro