Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DOS

DOS

KINABUKASAN, gising na si Maya, siya ang nagbabantay sa kaniyang tiyahin ngayon dahil umuwi muna ang Ate Jean niya at Kuya Ben.

“Maya…” pagtawag sa kaniya ng tiyahin.

“Tiya, mabuti naman at gising ka na,” sagot agad ni Maya at lumapit sa pwesto niya.

“Kumusta na ang pakiramdam mo, Tiya?” tanong agad ni Maya sa tiyahin.

“Sa awa ng Diyos, mabuti pa naman, Maya,” sagot ng kaniyang tiyahin.

“Kumusta naman si Kuya Danilo at Ate Faye?” pangungumusta naman ng tiyahin niya sa kaniyang magulang.

“Ayos lang naman si Itay at Inay sa probinsya, Tiya. Kaya no’ng tumawag si Kuya Ben sa bahay kasi dinala raw kayo sa hospital. Pinaluwas agad ako ni Itay para dalawin at samahan kayo rito,” sagot naman ni Maya at nakita niyang tumulo ang luha sa mata ng tiyahin niya.

Pinahiran naman agad ito ng Tiya niya.

“Sorry kung naabala ko pa kayo, Maya,” sabi pa ng Tiya niya.

“Naku, Tiya, hindi ka iba sa amin. Sino pa ba ang magtutulungan? ’Di ba pamilya rin lang?” sagot naman ni Maya at inabutan niya ang kaniyang Tiya ng binalatan niyang mansanas.

“Kumain ka muna, Tiya,” sabi ni Maya sabay bigay ng mansanas na binalatan niya sa tiyahin.

Nagkumustuhan lang sila ng tiyahin niya at nag-uusap ng kung anu-ano. Hanggang sa dumating ang usapan nilang dalawa sa trabaho ng tiyahin niya.

“Maya, may pabor sana ako, sa ’yo?” sabi sa kaniya ng Tiyahin niya.

“Ano po ’yon, Tiya?” sagot naman ni Maya.

“Nabalitaan ko kasi na naghahanap ka rin ng trabaho. May nahanap ka na ba?” sabi pa ng Tiya niya.

“Wala pa nga, Tiya, e,” sagot muli ni Maya.

“Bakit hindi na lang sa pinasukan kong trabaho? Ikaw muna pansamantala ang papalit sa akin hanggang puwede na ako makapagtrabaho. Para na rin makapag-ipon ka at may maipapadala sa probinsya?” suhesyon pa ng Tiya niya.

“Magluluto lang naman ang trabaho mo. At alam kong marunong kang magluto, Maya,” dagdag ko nitong sabi.

“Sabi kasi ng doctor sa akin. Hindi ko muna pwersahin ang sarili ko at dapat daw magpahinga ako ng tatlo o apat na buwan,” sabi pa ng Tiya niya.

Sa isip ni Maya, ayos na rin siguro ’yon. Kahit papano ay may trabaho na rin siya. Magada na rin at hindi na siya mahihirapan maghanap ng trabaho.

“Sige, Tiya. Kakausapin ko na rin muna sila Itay at Inay,” sagot naman ni Maya sa tiyahin niya.

Nginitian naman siya ng kaniyang tiyahin bilang sagot. Saktong bumukas naman ang pinto at pumasok ang kaniyang Kuya Ben.

“Maya, ako muna ang magbabantay kay Mama, samahan mo muna ang Ate Jean mo,” sabi sa kaniya ng kaniyang Kuya Ben pagkapasok nito sa loob ng kuwarto.

“Sige po, Kuya,” sagot naman ni Maya at tinungo ang pintuan ng kuwarto.

Pagkalabas niya at naghihintay na pala  ang kaniyang Ate Jean sa labas ng kuwarto.

ISANG linggo ang lumipas, tuluyan na ngang nakalabas ang tiyahin ni Maya sa hospital. Naka-usap na rin ang kaniyang magulang sa probinsya at pumayag naman ito sa sinabi ng kaniyang tiyahin.

Ngayon na rin ang unang araw niya sa mansyon na tinatrahuhan ng kaniyang tiyahin. Naghahanda na rin si Maya sa kaniyang mga gamit na dadalhin.

“Handa ka na ba, Maya?” ang tanong ng kaniyang Kuya Ben. Ito na rin kasi ang maghahatid sa kaniya sa masyon.

“Handa na po, Kuya,” sagot naman ni Maya pero sa kaniyang kaloob-looban ay may kaba siyang naramdaman.

“Aalis na tayo,” sabi pa ng Kuya Ben niya at tinulungan na siyang dalhin ang mga gamit niya. Pagkatapos, sinakay na ito sa tricycle.

“Teka muna, Kuya. Magpapaalam muna ako kay Tiya at Ate Jean,” sagot naman ni Maya at muling bumalik sa loob ng bahay.

Hindi naman agad siya nagtagal nang makapagpa-alam na rin siya sa Ate Jean at tiya niya. Lumabas agad siya sa bahay at tinungo ang nakaparandang tricycle ng Kuya Ben niya.

“Kuya, tara na,” masiglang sabi ni Maya nang makasakay siya sa tricycle.

Excited siya sa kaniyang papasukang trabaho na may halong kaba. Inayos niya agad ang kaniyang pag-upo sa loob ng tricycle.

Pina-andar naman ito ng Kuya Ben niya at pagkatapos, nilisan na nila ang bahay ng kaniyang tiyahin.

Mahigit kalahating oras din ang tinakbo ng tricycle bago ito huminto sa isang magarbong gate at malaking mansyon sa loob nito. Manghang-mangha si Maya sa kaniyang nakita.

“Narito na tayo, Maya. Sa mansyon ng mga Montemayor,” sabi ng kaniyang Kuya Ben ngunit hindi pa rin makapaniwala si Maya sa kaniyang nakita.

“Dito po ba talaga tayo, Kuya Ben?” manghang sagot naman ni Maya sa pinsan niya.

“Dito na nga, Maya kaya maghanda ka na,” sabi naman ng Kuya Ben niya.

Kinuha agad ni Maya ang kaniyang gamit at bumama sa tricycle. Tinulungan naman siya ng kaniyang Kuya Ben. Matapos nilang maibaba ang gamit ni Maya ay may dalawang katulong ang papalapit sa puwesto nila.

“Kayo po ba ang pamangkin ni Marisol?” tanong ng isang katulong kay Maya.

“Manang Louisa, ito pala si Maya. Pinsan ko. Ito muna ’yong papalit kay Mama habang nagpapagaling pa sa bahay,” sagot naman ng kaniyang Kuya Ben sa natanong.

“O, siya. Pumasok na kayo para maturuan na siya sa kaniyang gagawin,” sabi naman no’ng tiwanag na Manang Louisa ng Kuya Ben niya.

“Hindi na po ako magtatagal, bibili pa ako ng gamot para kay Mama. Maya, ikaw na lang ang sasama sa kanila sa loob. Mag-iingat ka rito huh. Huwag kang mag-alala, mababait ang mga tao rito,” sabi ng Kuya Ben niya.

“Salamat, Kuya. Pakisabi ni Tiya na magpapagaling na siya agad,” sagot naman ni Maya.

Umalis na agad ang Kuya Ben niya matapos itong magpa-alam. Habang siya naman ay binitbit niya ang dalang mga gamit niya. Tinulugan naman siya no’ng kasama ni Manang Louisa na bitbitin ang kaniyang mga gamit.

“Salamat,” sabi ni Maya rito.

Pumasok na talaga sila sa loob ng malaking mansyon. Hindi pa rin nawala ang pagkamangha ni Maya sa laki ng bahay na kaniyang pinasukan.

Ang una nilang pinuntahan ay ang maid quarters.

“Maya,” pagtawag sa kaniya ni Manang Louisa.

“Bakit po, Manang?” sagot naman ni Maya.

“Ito ang kuwarto mo,” sabay turo sa kaniya sa isang pinto. “Ito ang tinatawag na Maid's Quarters. Huwag kang mag-alala, mag-isa ka lang sa kuwarto mo,” dagdag pa na sabi sa kaniya.

Tumango naman si Maya sa sinabi sa kaniya. Binuksan naman ito ni Manang Louisa at pumasok silang tatlo sa loob. Muli na namang namangha si Maya pagkapasok nila sa loob.

Iniligay agad niya ang kaniyang mga gamit. Pagkatapos ay muli silang lumabas sa kuwarto.

“Nasabi na ba sa ’yo ng tiyahin mo kung ano ang gagawin mo, Maya?” muling tanong nito sa kaniya.

“Opo, Manang. Ang sabi po ni Tiya sa akin na ako po raw ang maghahanda sa pagkain at magseserve nito,” sagot naman niya.

“Mabuti naman,” sabi sa kaniya ni Manang Louisa.

“Pero, huwag kang mag-alala. Kasama mo naman ni Daisy sa trabahong iyan,” dagdag pang sabi sa kaniya at tinuro ang kaniyang isa pang kasama.

“Siya ang magiging kasama mo, Maya,” sabay turo sa kaniyang katabi.

Ngumiti agad si Maya kay Daisy at gano’n naman si Daisy sa kaniya.

“Hi,” pagbati niya kay Daisy.

“Hello, Maya,” sagot naman sa kaniya ni Daisy na sa tingin niya ay magkasing-edad lamang sila.

Dinala agad si Maya ni Manang Louisa sa kusina kung saan tinuruan siya sa kaniyang gagawin. Naroon naman si Daisy para gabayan siya. Agad namang naintindihan ni Maya ang itunuro sa kaniya.

Kaya naman, iniwan na sila ni Manang Louisa. Malapit na rin mag tanghali kaya naman, nag-umpisa na silang magluto ni Daisy ng tanghalian.

Habang naghahanda na sila ni Daisy ng mga sakap. Nagkukuwentuhan naman silang dalawa.

“Matagal ka na ba rito, Daisy?” tanong ni Maya habang hinuhugasan ang patatas na hawak niya.

“Mag-iisang taon na rin ako rito,” sagot naman sa kaniya ni Daisy.

Nang matapos na ni Maya hugasan ang patatas. Binigay niya ’yon kay Daisy para balatan. Habang si Maya naman ay tinungo ang kalan para buksan pero tumigil agad siya at nagtanong kay Daisy.

“Paano ba ito buksan?” tanong niya kay Daisy.

“Pasensya na, hindi kasi ganito ang ginagamit namin sa bahay. Hindi lang ako sanay,” dagdag pang sabi ni Maya.

Binitawan naman ni Daisy ang kaniyang hawak at pumunta kay Maya.

“Ganito lang ’yan,” sagot naman ni Daisy sa kaniya at pinakita kung paano ito buksan.

“Masanay ka rin kapag nagtagal ka rito,” dagdag pa ni Daisy na sagot sa kaniya.

“Salamat,” sabi naman ni Maya.

Nagluto silang dalawa ng tatlong putahe sa tanghalian. Sabi ni Daisy sa kaniya, tuwing tanghali. Umuuwi talaga sa bahay ang Sir Nico at Ma'am Cindy nila para mananghalian. Nakasanayan na raw nila na sa bahay kumain dahil ayaw ng ma'am Cindy nila na sa labas palaging kumakain.

“Handa na ba ang lahat?” tanong sa kaniya ni Daisy.

“Handa na, Daisy,” sagot naman niya at inalis ang apron na suot niya.

Nilinisan nila agad ang lamesa bago nilagay ang niluto nilang kare-kare, menudo at ginataang gulay. Saktong natapos nila ang kanilang ginagawang paghahanda ay siya namang pagpasok ng ma'am Cindy at sir Nico nila.

“Good Afternoon po ma'am and sir,” ang pagbati ni Daisy sa amo kaya naman ginawa na rin Maya ito.

“Ikaw ba ang pamangkin ni Marisol?” biglang tanong sa kay Maya.

“Opo, ma'am,” sagot naman ni Maya.

“Pasensya ka na kung hindi mo kami naabutan kanina. Maaga kasi kaming umalis ng asawa ko,” hinging paumanhing sabi nito kay Maya.

“Ayos lang po ’yon, ma'am. Napaliwanag naman po ni Manang Louisa at Daisy kung ano po ang aking trabaho,” sagot naman ni Maya.

“Mabuti naman kung gano'n. Halina na kayo at sabayan niyo na kami ng sir Nico niyo kumain,” naka-ngiting sabi nito sa kanila.

“Pero maiba ako. Nahatiran niyo na ba ang sir niyo ng pagkain sa kuwarto niya?” Tanong nito sa kanilang dalawa.

“Naku, ma'am hindi pa po. Nakahanda na po ang pagkain ni Sir pero hindi pa po nahatid,” sagot naman ni Daisy sa ma'am Cindy nila.

“Ikaw na maghatid, Maya. Tapos si Daisy na ang tatawag kay Manang Louisa para at sa iba para sabay na tayong kumain,” sabi pa nito kaya naman, kinuha agad ni Maya ang inihandang pagkain para sa anak nito.

Tinungo niya agad ang kuwarto nito. Mabuti na lang at naituro sa kaniya ni Manang Louisa ang kuwarto.

Bitbit ang pagkain, tinungo niya agad ang kuwarto nito. Nang nasa harap na siya, nilagay lang niya ito sa labas at kumatok ng tatlong beses. Ito kasi ang sabi sa kaniya ni Manang Louisa. Kakatok lamang siya nang tatlong beses at ilagay lang sa labas ang pagkain. Kukunin lang daw iyon ng sir nila.

Ginawa naman ni Maya ang sabi sa kaniya ni Manang Louisa. Pagkatapos niyang kumatok ay iniwan lang niya ang pagkain at nilisan na ang kuwarto. Maririnig lang naman daw ’yon ng kanilang, sir.

NATAPOS na ang tanghalian nila kasama ang kanilang Sir Nico at Ma'am Cindy. Pagkatapos nagpa-alam naman ito sa kanila na muling babalik sa kanilang trabaho. Isang business man ang Sir Nico nila at isa namang Doctor ang kanilang Ma'am Cindy. Si Maya naman ay binalikan niya ang kuwarto ng anak ng ma'am Cindy niya. Titingnan niya kung tapos na ba itong kumain.

Nakita niya agad na nasa labas na ang mga ito at wala nang laman. Tapos na rin pala itong kumain. Kinuha agad ito ni Maya, habang pabalik na siya sa kusina. Hindi niya napansin may nakasalubong siyang ibang katulong at hindi sinadyang nagkabungguan sila.

“Ano ba naman ’yan!” inis nitong sambit sa kaniya.

“Kabago-bago ang lampa naman!” dagdag pa nitong sabi.

“Pasensya na po,” sagot naman ni Maya. Mabuti na lang walang nahulog na gamit na bitbit niya.

Tinayaran lang siya nito at umalis na sa harapan ni Maya. Habang si Maya naman ay tinuloy na rin ang kaniyang paglalakad patungong kusina. Hindi na niya naabutan si Daisy sa loob ng kusina kaya naman, hinugasan na lang niya ang mga dala niyang pinagkainan na hawak-hawak niya.

Madali lang naman itong natapos ni Maya. Pinatuyo niya muna ito bago iniligay sa kaniya-kaniyang lalagyan. Pagkatapos ay hinanap niya agad si Daisy.

Nakita niya itong nasa swimming pool sa labas habang kinukuha ang mga dahon na nasa tubig. Nang makalapit si Maya sa tabi ni Daisy. Hindi agad siya nag-alinlangang tumulong kay Daisy. Kinuha niya agad ang natitirang ginamit ni Daisy panguha ng dahon na napunta sa swimming pool.

“Nagpahinga ka na lang sana, Maya,” sabi sa kaniya ni Daisy ng mapansin siya.

“Ayos lang, wala naman akong ginagawa e,” sagot naman ni Maya.

Hindi na lang umimik sa kaniya si Daisy at hinayan lang siyang tumulong. Naging madali lang naman ang kanilang trabaho. Agad nila itong natapos dalawa.

“Salamat talaga, Maya. Dapat kasi dalawa kami rito maglilinis. Kaso, ’yong isa ayaw tumulong,” paliwanag sa kaniya ng kasama habang binabalik nila sa lalagyan ang kanilang mga ginamit panlinis sa swimming pool.

Agad kumunot ang noo ni Maya sa sinabi sa kaniya ni Daisy.

“Gano’n ba? Pwede naman siguro na ako na lang ang tutulong sa ’yo?” sagot niya kay Daisy.

“May sarili ka namang trabaho, Maya. At isa pa, ayaw ni Ma'am Cindy na gagawin mo ang hindi mo naman trabaho,” sabi pa ni Daisy sa kaniya.

“Kaya ko na ito, ayaw lang kasi Ivy na tumulong sa akin,” dagdag pang sabi nito.

“Gano’n ba? Grabe naman ’yan. Trabaho niyong dalawa pero ikaw lang isa ang gumagawa,” sagot naman ni Maya.

“Wala akong magagawa, e. Ayaw niya talagang tumulong kaya ako na lang gumagawa. Baka magalit pa si Ma'am.”

Hindi na lang sumagot si Maya sa sinabi sa kaniya ni Daisy. Gustuhin man niyang tumulong pero baka magalit sa kaniya ang ma'am nila. Mabuti na lang at wala ito ngayon kaya naman malaya niyang natulungan si Daisy.

Pagkatapos nilang matapos ang paglilinis sa swimming pool. Bumalik na sila sa loob ng bahay dahil sinabi sa kaniya ni Daisy na gagawa sila ng meryenda para sa anak ng amo nila.

Nagtanong na rin si Maya kung bakit hindi ito lumalabas sa kuwarto at ang sabi s kaniya ni Daisy. Broken hearted daw ito sa fianceè kaya nagmukmok sa kuwarto. Hindi na nagtanong si Maya dahil wala naman siyang alam dito. Ginagawa na lang nila ang meryenda at pagkatapos, si Maya na ang naghatid nito sa labas ng pinto at kumatok ng tatlong beses bago siya umalis.

A/n: This story is already posted on YouTube as an audiobook version. If you have time to listen the audiobook version. Just click the link given below.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro