9 July
May mga nag-'Boo' sa mga tao sa club.
"Caloy, ano ba?"
Hindi ako pinansin nito basta hinatak lang ako pababa sa ledge.
"Ano yang suot mo?" Sita nya nung nasa baba na kami.
"Pangsagala!" Pabalang kong sagot. "Nasa Flores de Mayo ako eh. Hindi ba obvious?!"
"Uy, Dyosa!" Hindi ko sigurado kung sino sa mga minions ng hayup na Caloy na ito ang bumati.
Naitirik ko ang mata ko.
"Ang hot natin ah!" si Vugz na malisyosong tiningnan ako mula ulo hanggang paa, tapos bumalik sa boobs ko.
Letse lang! Ang sarap itusok sa mata nya yung stiletto ko.
Sa ngayon nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko sa mga demonyong ito.
Ang kakapal ng mukha na humarap sa akin na akala mo walang masamang balak sa akin.
Naalala ko na naman! Bigla ang pangingilid ng luha sa mata ko, kasabay ng pakiramdam na pinaasa ka tapos... Shit!
Marahas akong napabuga ng hangin.
"Jun? A-anong problema?" Biglang nag-alala ang mukha ni Caloy.
Nagulat ako.
May isang luha na palang kumawala sa mata ko.
"Wala! Masakit lang mata ko. Ang usok dito sa pwesto natin."
"Kanina pa mausok dito, Jun. Kanina lang enjoy na enjoy ka sa pagsasayaw sa ledge. Di mo pansin yan," sabi ni Caloy.
"Oo nga eh. Dahil sa pangengelam nyong mga ungas kayo, napansin ko na."
"Sayaw tayo!" Hinawakan ako ni Vugz sa bewang.
Hinawi ko iyon tapos tiningnan ko sya ng masama.
"Tangna, Jun. Kanina kung sinu-sino kasayaw mo eh," ngisi ni Vugz.
"Kanina pa kita nakita, di lang kita namukhaan kasi..." hindi nito tinuloy ang sinabi. Basta kumagat lang ito sa labi at tiningnan uli ako ng malisyoso.
"Bakit, Vugz? Ngayon ka lang nakakita ng babaeng nakasuot ng ganito? Di ba sa mga putangnang pagyayabangan nyo eh sawa na kayo sa hubad na babae dahil sa dami ng naikama nyo?" Maanghang kong sabi.
"Big deal sa inyong nagsuot ako ng ganito? Matagal na akong nagsusuot ng ganito. Grow up!" Pumiglas ako sa hawak ni Caloy.
"Jun, ano bang problema mo? Bakit bigla kang... you're so different tonight. Inside and out," si Caloy na di maipinta ang mukha.
"E ano ngayon sa 'yo? Tss! Tabi!"
"Teka muna, Jun. Mag-usap nga muna tayo," pinigilan ako ni Caloy sa braso.
"Caloy," pinahalata ko na nababagot akong makipag-usap sa kanila. "Nandito ako para sa party ng manager ko. Hindi para sa inyo. I was having a great time earlier, sa totoo lang. Then suddenly, eto kayo, being a party pooper to me."
"Jun!" Napalingon ako. "May problema ba?"
Yung mga ka-crew kong lalaki sa kitchen. Medyo kinabahan ako. Alam ko, kung magpapatuloy ako sa pagsusungit kina Caloy, baka magkagulo.
"Hindi, wala. Mga schoolmates ko. Yung nagpunta dati sa store," sabi kong nakangiti.
Nagdududa man, dumistansya sila pero yung tanaw nila ako.
Buti pa ang mga ito, kahit yung iba eh buwan ko pa lang nakakasama sa store, may concern.
"Ayos ah. Bakit ang bait mo sa mga yun? Are you flirting with them?" Maaskad na sabi ni Caloy.
"Huh? Ako, flirting? Excuse me ha? Hiyang-hiya naman ako sa inyo sa salitang flirting," sarkastiko kong sabi.
Parang nanggigil si Caloy sa akin. Dinaklot ako nito sa braso. Kahit sina Pat nagulat.
"Eh bakit sa kanila, sa labas ng school, ibang-iba ka. Pero sa amin—"
Piniksi ko ang braso ko.
"Una sa lahat, nagsuot ako ng ganito dahil party club ito. Hindi lang ako ang nakaganito dito. Meron nga dyan, mas malala pa. Pag sa akin, big deal?! Pangalawa, anong masama kung magpantalon at tshirt ako sa school lagi at sa naka-uniform sa trabaho? Yun lang naman ang tama. Alangan namang ganitong klaseng damit ang isuot ko sa campus. Gets mo? At ang pinakahuli sa lahat, hindi nyo na dapat tinatanong sa 'ken kung bakit ganun ako sa inyo. Dapat sa sarili nyo yan tinatanong. Wala kayong mga galang sa mga babae. Yun ngang naka-tshirt na 'ko, itong si Vugz kung tingnan ako minsan, akala mo hinuhubaran ako eh. Mali ba 'ko ha?" Tiningnan ko sila isa-isa.
Napaiwas ng tingin yung iba maliban kay Caloy at Vugz na tumiim ang panga.
"You're acting like a whore!" Namumula na sa pigil na galit si Caloy.
"For you I maybe acting like one but I'm not. Kayo ang manwhore. At mahilig rin kayong umarte, di ba, Caloy?" Patutsada ko.
Pasensyahan kami. Yun ngang di ako nakainom at badtrip ako, rumurepeke ang bibig ko, ngayon pang marami-rami na akong nainom.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Jun?"
"Wala. Sige na, sige na! Sa Sunday na tayo mag-usap. Business as usual. Nagpunta ako dito para magsaya. Minsan na nga lang ako mag ganito, iniistorbo nyo pa 'ko," pabale-wala kong sabi.
Umalis na 'ko.
"Jun, ano bang problema mo? You're acting weird. Are you drunk?"sumunod pa rin pala sila.
Mahabaging diwata ng mga tikbalang! Pakisipa nga ang mga ito isa-isa!
"No. You're taking too much of my time. I just lost my guy because of you," sinabi ko.
'Tragis na mga 'to! Feeling nila, sila lang pinagpala ng langit para sa mga babae. Letse!
"Guy? Kelan pa, Jun?" si Vugz. Letseng ngisi yan, sarap bangasan. "At nasaan?"
May pumulupot ang kamay sa bewang ko na lumapat ang palad sa bandang tyan ko.
Base sa pag-angat ng tingin ni Caloy, matangkad yung lalaki sa likod ko.
"Hey, babe! Kanina pa kita hinahanap. Nawala ka sa ledge?"
Shit! I know this guy! The one I danced with earlier with the orgasmic voice. Yung mabangong boylet!
Panalo naman ang timing ni Kuya!
Bigla akong napangiti ng pilya.
Humarap ako dito at tumingala. Alam ko naman kasing hanggang kili-kili nya lang ako dahil nakasayaw ko na sya kanina. Sorry naman, tulog ako nung nagpabagyo ng height ang mga diwata. Hamog na lang inabutan ko nung magising ako.
"Oh,hi bab—"
Nanlaki ang mga mata ko at di ko na natapos masabi yung 'babe'.
"Anak ng puta!" Napamura si Caloy.
"Holy fuck!"
Hindi ko alam kung sino sa mga kulugo ang chorus na nagsabi noon.
Dahil pagtingala ko, may labing sumalubong sa bibig kong nakabukas pa dahil nagsasalita ako!
Parang lumipad ang lahat ng kalasingan ko at bumalik uli na may kasamang posteng inihampas sa akin.
Hindi na ko nakapalag dahil hinigpitan nito ang pagkakayakap sa bewang ko at hinawakan ang pisngi para iayos ang anggulo ng paghalik nya sa akin.
Napakapit na lang ako sa leeg nya ng mahigpit din.
Napaungol na lang ako dahil kailangan ko na nang hangin.
Shit! Ano'ng nangyari? Parang lalo akong nalasing ah.
"Isa pa nga," sabi ko na parang wala sa sarili. "Di ako nakabwelo."
Ay syete! Ano ba yung nasabi ko? Nakakahiya!
Natawa ito. He winked then he tapped my nose, "Later, babe. Hinihintay na tayo ng mga kasama natin."
"Juno!" Nalingunan ko si Caloy na ang dilim na nang aura.
"Oh, kilala mo sila, babe?" sabi ni ... sino nga ba ito? Shit!
"Uhm... mga schoolmates ko," medyo kinabahan na ako sa mukha ni Caloy...pati ni Vugz.
Tsk! Kahit mas matangkad sa kanila si Mabangong Boylet, tsaka mas macho, walo naman ang tropang kulugo.
Lantod mo, Juno! Baka magkagulo kayo, kung anu-ano pang pumapasok sa utak mo!
Eh mabango naman talaga sya tapos ang tangkad tapos ang macho pati ng boses... tapos ang sarap humalik.
Napatingin ako sa mukha nito.
'Tragis! Kuya, bakit sinalo mo naman lahat? Gusto kong magreklamo.
Kung si Caloy e pogi sa paningin ko... ito gwapo! Alam mo yung pagkakaiba ng dalawa?
Gaga ka, Jun! Ang tagal nyong nagsayaw kanina tapos naglaplapan kayo ngayun-ngayon lang, di mo naisip na alamin yung itsura nyan? Kahit wag na muna yung pangalan eh. Yung mukha man lang sana inuna mong sinipat! Paano kung shonget? 'Tragis, lugi ang ka-dyosahan mo!
Napangiwi ako sa sermon ko sa sarili.
E gwapo naman! At least naka-tsamba! Full package nga eh. Depensa ko.
Haroooot! Tili ng utak ko.
"Sino yan, Jun?" Mabigat na tanong ni Caloy.
"Ah...eh... si July," sabi ko na lang. "Ka-date ko."
Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Caloy.
The guy beside me chuckled, "Common, let's go."
Hinila na ako nito.
"Mag-uusap tayo sa Linggo, Jun!" Sigaw ni Caloy.
Hindi na ako lumingon.
Nung pakiramdam ko e hindi na kami kita ng mga kulugo, huminto ako sa paglakad.
Nilingon ako nito at tinaasan ako ng kilay.
"E, ano, Sir," shemay, ang awkward. Pagkatapos ng malupit naming kissing scene at tawagan ng 'babe' biglang lumalagapak na 'Sir' ngayon.
Juno! Isa kang henyo!
"Dito na lang ako. Ayun na yung table namin ng mga kasama ko sa trabaho," turo ko. "Salamat na lang kanina."
"Salamat sa halik? Humihingi ka pa nga ng isa. Pwede na ngayon kung nakabwelo ka na," tukso nito.
Sarap nyang bigyan ng mag-anak ng sampal para pareho kaming mapula ang mukha.
Napangiwi ako, "Ano lang yun. Pinarinig ko lang kina Caloy. Para wag na 'ko kulitin."
Lumabi ito, "Nah... you're not a good liar. Do you know that?"
'Tragis! Lalo yatang namanhid ang mukha ko sa kahihiyan.
"Ano, sige na, ano... Ano nga palang pangalan mo?"
Henyo ka talaga, girl! Lalo mong pinagmukhang tanga sarili mo ke Kuyang Full package.
Syet! Padami ng padami ang tawag ko dito ah!
"Hhmm... I'm July," nakangiti nitong sabi.
"Weh? Di nga?"
Humalakhak ito. "I'm just kidding, of course. But, July will do. Jun and July. Not bad."
Natawa na rin ako, "Ano apelyido mo?"
"Agoncillo."
"Joke pa ba yan o ano?"
"That's really my last name."
"Jun dela Cruz," hinuli nya yung kamay ko nung akma akong makikipag-kamay.
He clasped our hands together tapos hinila ako palayo sa gitna ng dance floor.
"Later, babe. Your ex and his friends are still looking at us," kaswal na sabi nito. "It will be odd if they see us shake hands here."
Napasimangot kao, "Di ko ex yun. Ewan ko ba't umaarte ng ganun yun eh ang totoo nama—"
Natigilan ako. Umantak na naman ang pakiramdam ko.
"Totoong ano?"
"Ano, wala," napakamot ako sa tenga ko. "Teka, July. Pa'no ba 'to? Baka hinahanap na 'ko ng mga kasama ko."
"Inom na lang tayo sa bar counter para kita mo mga kasama mo," ang sabi.
Tiningnan ko ito ng masama.
Aba eh sinuswerte sya. E kung rapist 'to tapos i-droga nya inumin ko. Ayoko kayang tulog kapag first time. Di ko mapi-feel! Hoho!
Ang kiri mo talaga, Jun! Gusto mo talaga, gising ka, ganun?! Baka di mo kayanin. Ang laking lalaki nyan oh.
Pinigilan ko ang mata ko na bumaba ang tingin sa 'anes' nya.
Putsa, may amats na nga ako. Puro kaberdehan na tumatakbo sa utak ko eh.
Ang hirap nang walang lovelife since birth. Puro imagination na lang. Meron sana pero... ay letse!
Naramdaman ko na naman yung kirot sa dibdib ko. Yung dahilan na sinobrahan ko ang pagpapakasaya ngayon para di ko maramdaman yung impact ng sakit sa unang gabi ng pagkabigo.
Syet, pagkabigo talaga ang term! Parang naging kayo ah!
Ayun nga eh! Akala ko may something na kami. Meron nga...something fishy ang gagong Caloy at minions nya. Mga hayup!
"Alright, I get that look," sabi ni July. "Your concern is understandable."
Then he chuckled.
"Ano'ng nakakatawa?"
"Wala. It's just that...you're concerned about getting into trouble like getting your drink spiked pero ni hindi ka pumalag nung halikan kita kanina kahit di mo pa alam kung sino ako."
Gago ito ah!
"Well, di ka naman pala talaga humalik. Nanigas ka lang eh. You don't even know how to kiss. I wonder why you're asking for another? You want me to teach you?"
Ang animales!
"Wag ka mag-alala. Wala naman drugs ang labi ko, pero nakaka-addict din," sabi pa sabay kindat sa akin.
"Pak yu ka!" Sikmat ko dito sabay talikod.
Matangkad, mamula-mula ang balat, yayamanin sa itsura pa lang, coñotics, may face value. Pero kabalahibo rin ito nina Caloy eh. Naiba lang ng konti ang hugis.
Di bale na lang, Letse!
"Hey, I was just kidding," habol nito. "Hatid na kita—"
Napahinto ako kasi nasa dadaanan ko si Caloy at Vugz. Nakatingin sa amin.
Nabangga tuloy sa likod ko si July.
Putsa, para akong namimili sa pagitan ng dalawang demonyo. Pero sabi nga nila, 'Between two evils, choose the lesser one'. Kaya kumapit uli ako sa braso ni July.
Kay July na lang muna hanggang umalis sina Caloy. Di pa ko ready makausap si Caloy ngayon. Masyado pang fresh. Baka maubusan ng dugo ang puso ko ngayong gabi. Bago man lang magsimula ang pagda-drama ko sa mga susunod na araw, lulubus-lubusin ko na ang fun time ko ngayon.
Nakita rin nito sina Caloy kaya mabilis ako nitong kinabig sa ibang direksyon.
Pagdating namin sa table namin, nagsikuhan agad ang mga kasama ko tapos nanunukso yung mga tingin. Pero itong si Sir Abet, ang tabil. Palibhasa marami na ring nainom.
"Oy, Dyosa! Ang hunk nang nabingwit mo, girl! Sabi ko na, madami dito eh!"
Napangiwi ako, "Ano guys, si July. Na-meet—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil isa-isang nag-alisan ang mga ka-crew ko. Tapos nagsesenyasan at nagngingisngisan.
Ang mga taksil! Ibinenta ako.
Bumalik saglit si Sir Abet tapos, "Ay, July. May business card ka ba?"
Nagtaka kami pareho ni July, pero dumukot ito sa wallet at binigyan si Sir Abet.
Ni hindi iyon binasa ni Sir. Basta ibinulsa lang.
"Etong card ko. Dyan mo hatid mamaya si Jun. Kung sakaling magkahiwa-hiwalay kami. Ingatan mo ang muse namin, ha? Durug-durog pa puso nyan, kani-kanina lang."
"Sir Abet! Pinagsasabi mo!" reklamo ko, pero mabilis itong tumalikod at nakalayo.
Natawa si July. "Halika na sa bar counter. Pinayagan ka na nang boss mo. Wag dito, ang laki masyado ng table."
Wala na 'kong nagawa. Pero ok naman palang kausap ito. May sense, kahit laging sinusundutan ng kahambugan ang usapan namin.
Di ko na napansin ang oras at paligid. Napaparami na rin ang inom ko.
"Teka," sabi ko. Naramdaman ko na nag-vibrate ang cp ko sa loob ng black sequinned mini-wrist bag ko. "May nag-text. Baka importante."
Galing kay Sir Abet.
Dyosa, uwi na kmi.magd-drve p ko. Sulitin mo n c papabol. Pro wag mo sairin ang katas. Tirhan mo ko. Tas phatid ka sa hse ko. Matulog ka agad pagdating nyo. Ako na bahala kay hunk! LOL!
Napahagikhik ako. Ang harooot!!!
"Who's that?"
Eto na naman. Ingglesero masyado. Kakainis. Lalo ko lang naalala si Caloy. Syet!
"'La. Si Sir Abet lang."
Tuloy kami sa pag-inom at kuwentuhan.
Basta naalala ko na lang sa sinabi nya, may trabaho syang ginawa dito sa Palawan para sa kaibigan. Pero pauwi na rin sya sa Maynila bukas ng hapon. Tapos tungkol sa mga out of town travel nya. Ganun.
Nagtagal usapan namin tungkol sa mga hollywood movies at tv series. Pareho pala kami nang genres na gusto.
Tapos, natawa ako sa itsura nya na parang di naniniwala na architecture student ako.
Hanggang sa nag-umpisa akong umiyak. Di ko na maalala kung ano o alin sa usapan namin ang nag-trigger noon.
Basta ang alam ko, sinabi ko sa kanya ang kinakasama ng loob ko tungkol sa tropang Kulugo lalung-lalo na kay Caloy.
Ay sorry naman, nasobrahan sa alak. Di ko napigilan ang pag-iinarte.
Nakinig naman ito sa akin.
"Tama lang sinabi nung Sir Abet mo. Yun ang pinakamabigat na ganti ang magagawa mo. Pero di ako pabor. Drag racing is illegal and very dangerous. At wala kang experience sa race as the driver," sabi ni July.
Kahit hilo na ako, napaisip ako sa sinabi nya.
"Don't exert negative emotions to such bunch of idiots. Sayang ang energy at luha mo. Sa akin mo na lang ibuhos. Paiiyakin pa kita sa saya," sabay ngisi.
"Bastos!" sabi ko.
Napailing-iling lang ito na natatawa.
Malanding lalaki rin ito eh. May substance na sana mga pinagsasabi, biglang hahaluan ng kamanyakan.
"Ano, uwi na 'ko. Pahatid na lang ako. Ha-hunting-in ka ni Sir Abet pag di ako nakauwi sa kanila. Di mo gugustuhin ang gagawin nya sa iyo pag nahuli ka nya," sabi ko.
Ni hindi ko sigurado kung maayos kong nasabi yun kasi hilung-hilo na talaga ako.
Tumawa lang si July.
Nung tumayo ako, napagewang ako. Mabilis akong inalalayan nito.
"Teka, teka," sabi ko.
Naupo uli ako at hinubad ang stiletto ko.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Naghuhubad ng sapatos, I guess?" Papilosopong sagot ko.
"Geez, I can see that, lady. I mean what for?"
"Hilung-hilo na ko. Matatapilok ako sa paglalakad."
Tumawa na naman ito. Gusto ko na isipin kung maluwag ang turnilyo nito.
"I don't know if that's a genius thinking or a drunkard's brain working, Jun," napapailing pa ito.
Yumuko ito then scoop me up, carrying me bridal style.
"This is much faster to get us to my car," ang sabi.
"Putsa, ibaba mo ko. Nakakahiya!"
Pumiglas ako pero hinigpitan nya lang ang kapit sa ilalim ng tuhod at balikat ko.
"Stop wiggling, dammit! Mas nakakahiya yung nakikita underwear mo kanina sa ledge. Buti maputi kuyukot at singit mo," tapos tumawa uli.
"Pak yu ka, July!"
"Just sleep. I'll bring you to your boss's house."
Itinago ko na lang ang mukha ko sa dibdib nya.
Ang bango talagang nilalang nito. Sarap singhutin.
"July..."
"Hhmm..."
"Antok na ko. Wag mo ko momolestyahin. Papatayin kita!" Banta ko pa.
He just chuckled.
Yun na lang huli kong naalala.
===========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro