Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

87 Turn Around


Rob's POV

"When are you going to tell her, son?"

Si Mommy yun.

We just barely came out of the Pedia ICU for that day's visit to my son.

We can't stay long inside, lalo at kasama namin si Robin sa pagbisitang yun. Sinasama talaga namin sya tuwing weekend.

Galing na rin kami kanina sa pedia ni Robin. Katatapos lang nang regular check up nito na every two weeks. We are preparing him for a possible bone marrow transplant.

Hanggang maaari sana, ayoko. Kaya nga still on-going kami sa paghahanap ng donor. Yet, we are preparing him, as last resort.

Kaya pa naman kasi ng blood transplant. There was a time na ako na nga ang nag-donate dahil naubusan ng stock sa blood bank ng St. Lukes. It was a time that there were also a lot of patients in the hospital needing blood that day. I told the doctor to extract a much blood as they can para sa anak ko.

And boy! I had to stay in bed for about three days because of that. Alam ko na ang pakiramdam ni Aris nung magbigay sya kay Reid.

Pinilit ko na nga lang makabalik sa villa that New Year kahit nirekomenda na mag-stay ako sa ospital kahit isang araw lang.

"I will, Mom. Soon. I know Jun is giving herself a chance to trust me again," sagot ko.

I am getting a good grasp of how Sorreinte felt before. Love lacking trust. The only difference we had, Juno didn't trust him before. He only had to build the trust because he only broke her heart. My case, I broke both her heart and trust.

It is indeed easier to mend a broken heart than restore a broken trust.

"I will kapag naayos ko na lahat. Baka magalit na naman sa akin si Jun kapag minadali ko tapos makikita nya ang kundisyon ni—"

"Sweetheart!"

Napalingon kami sa tumawag. Si Dad.

Humabol lang ito dahil may pinuntahan kaninang umaga.

Napangiti ako nung parang teenager ang mga magulang ko na nagyakap at mabilis na naglapat ang labi bilang pagbati.

"So, how's my boy?" he patted Robin's head na karga ko.

"He's doing good. One month more to go and he's done with his medication," sagot ni Mommy.

Patapos na kasi ang six months na gamutan nito for his primary complex. Disease he got because of Tamara's intentional neglect to spite me and Jun. It started as bronchopneumonia. Plus may strained muscles at bukol pa ito nung mahanap ko sila sa US. Walang pakialam ang babae kahit sariling anak ang mapahamak.

He even lost weight in that short span of time na itakas sya ng ina papunta sa Amerika.

Isa sa dahilan kaya nakuha ko agad si Robin sa legal na paraan, maliban pa sa ipinresenta kong ebidensya nang violent at criminal tendency ni Tamara sa court hearing namin sa US – ang pending na kaso na tuluyang inihain ni Andromeda sa babae dahil sa ginawa nya kay Jun. Kinumbinsi ko si Andie na gawin yun nung ikuwento ko ang kundisyon ni Robin.

Reasons Tamara was stripped off of all parental rights sa anak namin, at the same time, she was given a restraining order against coming close to my son, even any form of contact. Thanks to the fast judicial system in the US.

Well, that if she can step in the Philippine soil without getting arrested sa airport pa lang! At kung nakalabas na sya ng kulungan sa New York, which would take years. Unless, she'd behave and get qualified for probationary freedom.

Hinintay namin si Dad sa labas ng Pedia ICU as he went inside to greet and visit my son.

Then off we go para ipasyal sandali si Robin.

The next morning, tumulak na ako papunta sa villa.

It's a Sunday. Reid confirmed that Juno was there since yesterday. Tulad ng nakagawian, magkakasama silang magsisimba. And the Schulz family will visit Bernie's grave dahil birthday nito ngayon. Isa ito sa paraan nang mag-asawang Reid at Andie na kahit papaano ay makilala ni Hope ang biological father.

I got caught up on my way dahil sa isang road accident. I had to stay dahil nagkakainitan na yung mga involved na motorista. Hinintay kong dumating ang mga pulis bago umalis.

Lucky for me, I opted to use my big bike, pero sa simbahan na ako dumiretso.

Nagsisimula na ang misa. I found Reid's family sa bandang gitnang hilera ng mga upuan.

Of course, I sat beside my Dyosa, even if it means I have to squeeze myself between her at sa isang estrangherong katabi nya.

Nilingon ako nito saglit tapos tumaas ang kilay.

"Bakit di mo dala si Robin? Di ba sabi ko dalhin mo ngayon?" she hissed.

Napakamot ako sa batok, "He was still asleep when I left."

But deep inside, I am smiling.

Yes, Juno has already built fondness for my son. I mean, I know the dela Cruz sisters are soft hearted when it comes to children. But, Juno? I feel that she has a different bond now with Robin.

It all started when she took care of him during the New Year. Alam ko, pinipigilan lang ni Jun na ipahalata.

I used that to my advantage. My parents and friends were supportive of how I do it.

And it was because of Robin kung bakit nakakapasok na uli ako sa duplex.




It was one Saturday late morning that I went there bitbit ang anak ko. Ayaw kasing tumuntong uli ni Juno sa bahay namin sa Dasma kapag nire-request kong bisitahin si Robin.

Jeff tipped me na nagsabi si Juno na hindi mag-o-OT. Mula kasi nang pumasok ang taon, she reports to work on Saturdays para sa mga hinahabol nitong araw na na-miss out sa training nya.

Inabutan namin siya na nililinis si Augie.

I think that's the only thing left for her house chores. Ang OC talaga nilang magkapatid pagdating sa malinis na bahay!

Nakapamewang ito sa may gate nyang nakabukas ang car passage.

"Ang aga mo mambwisit, Agoncillo ha!" sikmat sa akin, pagbaba ko sa driver's side. "Di pa 'ko tapos ke Augie at maglalaba pa 'ko. Wag ngayon! Umuwi ka na!"

Umarte akong nalungkot. Tapos binuksan ko nang todo ang cardoor sa backseat ng gamit kong SUV.

"Baby, pinapauwi na tayo ng Dyosa," malungkot kong sabi pero may kalakasan.

Narinig ko pa ang mahinang singhap si Jun.

"Ay gago ka!" sabi pa.

I watched as she threw the dirty rag in her hands tapos naghugas nang kamay, braso at leeg sa garden faucet. Naghilamos pa nga ito.

At walang pakundangan na ipinunas ang basang parte ng katawan sa suot kong tshirt! Tss.

"Hello, Robin!" she bent into the car, greeting my son. "Pambihira, bakit nakapantulog ka pa? Susko, may mantsa pa ng gamot ang damit! Aga-aga maglakwatsa!"

Pagdiretso nito ng tayo, karga na si Robin. 

I can see that she missed him. The way he missed her.

"Ipasok mo yung baby bag. Maliligo kami nitong bata. Tsaka tapusin mo linisin si Augie," utos nito sa akin tapos pumasok na sila sa loob.

Ganun kasimple. Kung alam ko lang, noon ko pa ginawa ito.

My son and I stayed there until evening. She even cancelled her gym appointment that day. Sinusungitan pa rin ako ni Jun but she was really nice with Robin.

I suppressed a frown nung magbihis ito ng pang-alis at sumabay sa amin palabas ng duplex at sabihing, "Sabay na tayo umalis. Punta ako sa event. May laban si Paul tonight."

Di na lang ako kumibo.

Nasundan pa yun. I made it a point that my son and I visit her every Saturday.

I talked to Jeff about it. Kaya pinagbawalan na nitong mag-OT si Jun pag Sabado, sa katwirang di nito kailangang gawin yun at baka ma-stress masyado, lalo pa at di ito maawat bumalik sa KM at Kendo trainings. Buti hindi nakahalata ang babae.

Pasimple kaming umaakyat nang ligaw mag-ama kay Juno. Bad thing for me, mukhang naunahan na ako nang anak ko na mapasagot si Juno. Haha!

Nito nga lang Thursday na pumunta ako sa MonKho,

"Si Robin? Sana sya na lang dinala mo kesa bulaklak!" pagsusungit na naman pero kinuha rin ang roses na dala ko.

Well, I don't feel bad about it anyway. Mabuti nga na close sila.

Kami na lang talaga ni Jun ang di pa okay.

It's a pain in the ass taming this woman!

Yet, I owe my son a lot.

Sumasama na si Juno sa akin na mag-lunch out kapag pinupuntahan ko sya sa MonKho. Though masungit pa rin talaga, it is an improvement.




In the whole duration of the mass, iniirapan ako nito.

She even gave me her killer eyeroll nung parte na nang 'Peace be with you". 

Matapos ang misa, saglit kaming nagbatian ng pamilya nina Reid at Aris.

"Andie, pahiram muna si Jun," paalam ko.

"Wow ha! Pahiram talaga?" parinig ni Juno sa akin.

Nakangiting sumagot ang ate nya nang, "Sige lang," tapos nauna na.

Then I held Jun's arm para mahuli kami palabas.

"Problema mo?" mahina nyang angil.

"Ikaw, kasisimba mo lang..."

"Yun nga eh. Kakatapos lang ng misa, nagkakasala agad ako dahil sa iyo."

"Tss." Napakamot uli ako sa batok. "Teka muna, huy!"

Napasunod na lang tuloy ako dito nang lumakad na uli pasunod sa mga kasama namin.

Nilingon ako at tinaasan ng kilay, as if asking what I need.

"Uhm... aalis kasi sina Mommy before lunch."

"So?"

Sungit talaga.

"Uhm, may importante akong lalakarin eh. Alam mo namang ako ang personal na nag-aasikaso nung kay Madel," sabi ko.

Well, mainly, isa yun. Tsaka pupunta pa kasi ako sa ospital. Lagi akong sumasaglit dun araw-araw.

Saglit na lumamlam ang mata nya. 

"Sinabi ko kasi sa 'yo na dalhin mo na lang dito eh," maktol nito.

I sighed, "Di ko na nga ginising. May tantrums kasi kagabi."

There was a sudden worry that reflected in her eyes, then, "Tara na."

I knew it!

Kumaway na lang kami kina Reid dahil iba ang parking ng mga kotse sa motor.

We were nearing my bike when I asked if Robin can stay overnight with her. Nagtalo na naman kami.

"Aba, Rob, may trabaho ako bukas!"

"E di dalhin mo sa MonKho. Dun ko sya susunduin kapag di ako nakabalik mamaya."

"Juice colored naman, oo!" maktol nito pero sige ang pagsuot sa helmet na inabot ko.

Nangingiti ako nung nag-backride na sya sa akin.

"Wag mo 'ko tsansingan mamaya ha! Baka maaksidente tayo," sabi ko nung yumakap na sya sa bewang ko.

"Kapal mo! Pak yu!"

"Sure! Kelan mo gust—Ouch!"

Piniga nya ang dalawang tagiliran ko.

"Isa pa, Agoncillo! Bababa ako sa motor mo!"

Napahalakhak na lang ako.

Yes, I'm laughing because I'm happy. Di nya matitiis si Robin. I'm happy because she's back riding with me on my bike. I'm happy because I got to be wrapped around her embrace again, even though it has nothing to do about our feelings for each other.

Well, that was the reason I chose to use my bike, not my car. Para-paraan lang yan. Haha!

And I can feel her 'bumpers' pressed against my back! I smiled mischievously because Pikachu is kind'a waking up!

For Pete's sake, Juno dela Cruz! What did you do to me?

"Thank you so much, iha," sabi ni Mommy as we ate lunch together.

"Wala po yun, " medyo kiming sagot nito."Wala naman hong problema na sa akin muna si Robin."

I had to turn my face away from her sight dahil baka makita nya akong natatawa habang ngumunguya.

Hindi kasi ako sanay na ang bait ng aura nito.

Talagang nahihiya sya sa parents ko na di ko malaman kung bakit.

"Is it really alright na sa duplex muna si Robin? Dito na lang kayo kayo sa bahay? " si Daddy.

Nahigit ko ang hininga.

"Ayos lang po sa duplex. May gagawin rin kasi ako dun," tanggi ni Juno.

Nakahinga ako ng maluwag. Nahuli ko ang pigil na ngisi ni Dad na pasimpleng inaasar ako.

Yes, alam nila na umi-style lang ako kay Jun. And they are helping me with it, just like how Andie and our friends do. Except for Juno's sentinels, of course.

They do not know a thing. And I kept it that way since I really don't like them.

Because I am jealous of them. Una, Juno trusts them more than she does to me. Second, she'd always defend her best friends come what may. Third, magagalit sya sa mga ito pero agad ding pinatatawad.

The trio are pretty solid. Solid to the point that those two would be willing to marry Juno!

For heaven's sake! Ni ayokong ma-imagine! Umiinit ang ulo ko. Kasi, di ko makumbinsi ang sarili ko na walang gusto ang dalawang gagong yun kay Juno.

I'm a man. I know the way both assholes look at her.

Or maybe, I'm just paranoid!

Niyaya ko nang umalis si Juno pagkapanghalian.

Ang totoo, hindi naman talaga aalis sina Daddy. At makakauwi rin naman ako mamayang gabi. Sandali lang naman ang pakikipagkita ko sa isang agent ko na katulong ko sa paghawak ng pinapatrabaho ni Aris. And it would only take me an hour or two at the hospital.

But I will go back to the duplex around midnight. Siguradong tulog na si Robin nun at di papayag si Jun na umuwi pa kami.

Natatawa ako sa kalokohan ko.

"Paano si Apo? Naiwan sa villa," sabi ni Jun nung nasa duplex na kami at nagpaalam na ako na aalis. "Tsaka ano'ng gagamtin namin ni Robin bukas papunta sa MonKho?"

Kunwari akong nag-isip, "Uhm, Hiramin ko na lang si Augie ngayon. Iwan ko yung SUV para sa inyo. Then, commute na lang ako pagsundo kay Robin sa office nyo. Iiwan ko si Augie dito sa duplex."

"Oh, anong gagamitin kong sasakyan pauwi bukas?"

"Sunduin kita nang uwian, then punta tayo sa villa para kunin si Apo."

"Ang hassle naman nun!" reklamo nito.

"Uhm, then I'll go pick up Apo first. Yun na ang gagamitin ko pansundo sa iyo," mabilis kong salo.

Baka tawagan pa ang best friends nya para ang mga ito ang kumuha ng sasakyan nya sa villa.

Ayaw kasi nitong pinapamaneho sa kung sinu-sino ang mga sasakyan nya. Sa pagkakaalam ko, kami pa lang nina Paul at Troy ang pinayagan nyang makapagmaneho kina Augie at Apo.

Ganun nya ingatan ang mga sasakyan nya. She calls them her babies.

"Tsk! Sige," pagpayag nya.

Kinuha ang susi ng motor nya at binigay sa akin.

And that evening, my plan succeeded. Sa duplex kami natulog mag-ama.

At nagtalo pa kami ni Juno dahil sa kabilang kuwarto ako nito pinapatulog. Yet, I won in our argument.

"You want Robin to sleep beside you, Jun. Paano kung mag-uungot yan mamaya? Mapupuyat ka. May pasok ka pa. At least kapag andyan ako, ako na babangon para asikasuhin ang bata."

"Maiinitan ang bata. E sa laki mo, natural, sakop mo electric fan sa kuwarto ko. Aba, sanay sa aircon ang anak mo."

"Then we'll get the fan from the other room."

"Di tayo kasyang tatlo sa kama ko."

"Kaya yan. Ako'ng bahala."

"Naku, ewan ko sa 'yo!"

Iniwan na nya ako para umakyat sa kuwarto.

Inabutan ko sya na tila namomroblema sa magiging pwesto namin.

"Carry him for a sec," sabi ko.

"Bakit?"

"Just do it, Jun. I'm tired. I want to sleep," arte ko pa.

"Mahabaging langit, Agoncillo! Ibalik mo bukas sa dating puwesto ang kama ko ha!" she hissed at me habang ihinehele si Robin.

Inurong ko kasi ang kama nya padikit sa dingding ng bintana. Tapos nilagay ko ang isang electric fan sa paanan namin at ang isa sa isang gilid na kama.

"There," sabi ko. "Mas mahangin na aside from the fans. Then we don't need to worry about Robin falling over the other side."

"Meaning...?" buong pagdududa nyang tanong sa akin.

"Uhm... dun sya sa may bandang dingding. You in the middle—"

"At sa lapag ka!" asar nyang sabi. "Mga da moves mo, ha!"

Tinantuan pa ako sa baba.

Natawa lang ako.

Wala naman syang nagawa nung ipagpilitan kong magkatabi kami. Robin was stirring from his sleep because of our low-voiced argument, kaya asar na nanahimik na lang ito matapos akong pagbantaan.

"Yari ka sa akin pagwala anak mo sa paligid!" mahina nyang angil tapos patalikod na nahiga sa akin, na paharap naman kay Robin.

"Magigising si Robin. Wag ka na malikot," bulong ko nung ilang beses nyang inalis ang braso kong nakayakap sa bewang nya.

"Lintik na! Yang pikachu mo, kanina mo pa kinikiskis sa wetpaks ko ha!" Pigil na pigil nitong singhal.

"It can't be helped. Your bed is not big enough."

"Tangna naman kas—"

Marahas na lang syang napabuga ng hangin dahil umungot na ang anak ko.

Di na nga kumibo at gumalaw si Jun. Hanggang makatulog na ito.

It was me who prepped our breakfast the next day, while Jun bathe Robin.

It felt good. Yung pakiramdam na isa kaming pamilya.

And it seemed she forgot our argument last night.

Pinauna ko na syang maligo para bantayan si Robin.

"I bet you're having fun, right?" Kausap ko sa anak ko.

He only giggled then played that toy Juno gave him last New Year. It was his favorite. Jun said, my son handpicked it sa mall nung bilhin nila.

"Don't worry, baby. Malapit ko na sabihin sa Dyosa--"

"Ang alin?"

Shit! Di ko napansin na nakababa na sya. Nakabihis na ito para pumasok sa trabaho.

"Wala. Surprise yun."

Inirapan lang ako, "Maligo ka na at bilisan mo."

Luck is still on my side. Alam ko na namutla ako nung bigla syang magsalita, kasabay ng panlalamig at pagkabog ng puso ko.

Things that only this small framed woman can make me feel.

Tulad ng sinabi ko kagabi, hinatid namin syang mag-ama sa MonKho. Sinamaan pa nga ako ng tingin dahil aakyat din kami. As the elevator door was about to close to go up,

"Wait lang!"

Ang sekretarya ni Mike.

The guy in front of us held the door for her.

"Hi, Rob!" Perky na bati sa akin pagpuwesto nito sa loob ng elevator, katabi ko.

Tumango lang ako ng tipid.

Pasimple kong tiningnan sa gilid ng mata ko si Juno. Kitang-kita ko ang pigil na pag-asim ng mukha nya.

Gusto kong mapahagalpak ng tawa dahil sa kilig. Selosa talaga ito pero ikamamatay nya bago aminin.

At eto na nga.

"Ako na kay Robin," simpleng sabi sa akin at nagparinig. "Baka makaistorbo pa."

Ni hindi hinintay ang sagot ko. Basta kinuha na ang bata sa braso ko.

Di ko na mapigilang mapangiti lalo na nung akbayan ko at di ito pumiksi o nagreklamo.

Binalik nya lang sa akin si Robin nung papasok na sya sa office proper ng departamento nya, matapos bigyan ng gigil halik ito sa leeg.

"Wag kang gagaya sa tatay mong malandi," pabulong na bilin pa sa anak ko.

"Pambihira, siniraan pa ako sa anak ko. How about my kiss?"

Inismiran lang ako tapos tumalikod na papasok sa office nila.

Papalabas na kami sa gate ng MonKho nung makasalubong ang magkasunod lang halos na kotse nina Jeff at Mike. Bumusina lang kami sa isa't-isa bilang pagbati.

After I dropped Robin back to my parents' house, nagpahatid ako sa driver namin sa villa. Then I drove Apo on my way to the agency and made myself busy with Madel's case.

At mukhang na-sense ni Juno ang plano ko pagkasundo ko sa kanya gamit si Apo, "Ihahatid na kita sa Dasma para di ka na mag-commute pauwi."

Sayang!

Little by little, things were going smooth between us.

She even initiated an invitation for a mall strolling and simple dinner with me and Robin when she learned that my son finally finished his six months medication para sa primary complex nito.

"Konting celebration lang. Iti-treat ko yung bata. Ikaw magbayad para sa sarili mong dinner," ang sabi.

But of course, I didn't let her pay. Yet, hindi ko sya pinigilan na pumasok sa isang toy store at hayaan uli si Robin na kumuha ng laruan na nagustuhan. Gaya nang pinabayaan kong si Juno ang magbayad nun.

I remember the New Year they had a stroll together. Ganito rin daw ang ginawa nya bago bumili ng laruan ni Robin.

I realized, the dela Cruz sisters really value liberty to choose. I can see that Juno's doing it to my son sa pagpili pa lang ng laruan. She'd let him decide what toy he likes for himself.

Gaya kung paano nila igalang ni Andromeda ang desisyon ng bawat isa.

April came.

The Schulz family, including Sarah's plus Juno went on a summer vacation. It was supposed to be in one of SchulzAS resorts in Cagayan de Oro but due to a typhoon in the region, they ended up going to their hotel resort in El Nido, Palawan.

I went there, too. Nauna nga lang sila. Isinabay ko ang schedule nang pagbisita to check on the hotel's security and safety system and implementation.

Gabi na ako nakarating doon. One of my security staff told me na nasa rave party sina Juno. So, I went there.

Si Erol at Madel ang una kong nakita. Nasa may mobile bartender counter sila.

"Brod, asan yung iba?" tanong ko sa asawa ni Sarah.

Tumuro ito sa dance floor, "Andun si Reid at Andie. Si Sarah, nagpapahinga. Alam mo na buntis."

"Si Jun?"

"Uhm...nag-CR lang," si Madel ang sumagot.

As expected, Madel was just silent. Though it was my first time seeing her holding a bottle of beer. Kaya lang parang wala naman halos bawas.

"You drink?" umpisa ko.

Ngumiti ito ng tipid at tila nahihiya pa, "Uhm... second time pa lang. Ano kasi... si Juno eh. Kinukulit ako kanina. Sabay daw kami uminom."

"She's driniking again?"

"Eh ano, pinayagan na naman ni Ate Andie. Uhm, ano lang, uhm... wag lang daw marami."

Di na uli ako nagtanong. It's obvious that she's not comfortable talking to me. Kami ni Erol ang nagkwentuhan saglit.

"Madel, kanina pa ba si Jun umalis? Bakit parang antagal?" tanong ko uli.

"Medyo. Uhm, ano kasi..." nailang ito. "Uhm, humilab ang tyan. Ano kasi, ang daming kinain kaninang dinner."

Natawa ako ng walang tunog.

"Alam na," natatawang sabi ni Erol. "Oh, paano yan? Akyat na rin ako. Pakisamahan na muna si Madel." 

"Ano, Sir Rob," tawag ni Madel.

"Yes?"

"Pwedeng ano, ikaw munang humawak ng phone ni Jun. Ano kasi, iniwan nya sa akin. Uhm.... sasabay na ko kay Sir Erol."

"Uhm, alright," kinuha ko na ang cp ni Juno at sumabay na nga ito kay Erol hawak pa rin yung bote ng beer.

Sandali pa lang, tumatawag naman si Aris sa phone ni Jun.

"Sino 'to?" he sternly asked.

"It's Rob, you moron!"

"Tangna, ang ingay!" reklamo nito.

"Natural! Rave party. Alam mo yun?!" sarkastiko kong sabi.

"Bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Jun? Teka. Bakit andito ka?"

"Tinatanong pa ba yan? Syempre, andito Dyosa ko."

"Asan si Jun?"

"Nag-CR. Naiwan yung phone kaya ako na sumagot."

"Saan ka matutulog mamya? Full ang hotel."

"Sa suite nyo. May bakante pa raw sabi ni Reid. Tsaka kasama nyo si Juno, di ba?"

"Wala nang bakante. Dun matutulog si Emma tsaka yung nanny nya."

"Good. Dun ako matutulog sa kuwarto ni Jun!" nakangisi kong sagot.

May tinanong pa ito na mabilis kong sinagot. Kailangan kong pulutin ang tawag kasi heto na si Juno, matalim agad ang mata sa akin habang papalapit.

"Oh, bakit nasa 'yo phone ko? Sinong tumawag sa 'kin at ikaw ang sumagot?"

So I told her then handed the phone to her.

"Anong ginagawa mo dito? Kasama mo si Robin?"

Umiling ako, "Can't make him travel that much now. He needs more time to rest and gain additional weight."

"Di na naman sya payat ah," ang sabi tapos umorder nang isang beer.

Hinayaan ko na. Kumuha na rin ako nang para sa akin.

"He may undergo minor surgery. That's why," pilit kong pinakaswal ang pagkakasabi, then drank from my beer.

"Huh?! Bakit, ano'ng sakit nya?" bumukas agad ang pag-aalala sa mukha nito.

"H-he's not seriously ill ... but..."

Relief immediately scattered on her face hearing that. Kaya nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ang totoo. I mean, at least start telling her, little by little.

"Mabuti naman. Sabihan mo ako. Sama ako sa ospital," tapos tumungga uli sa beer nya.

Yeah, I think that would be the best time.

"Teka, ano yung 'but'?" bigla nyang naalala.

"N-nothing."

Tumingin ito lampasan sa akin. "Uy, panget na singkit incoming."

Natawa lang ako nung makita si Kho.

Nag-asaran sandali ang dalawa tapos hinanap sina Andie.

When he got the answers, iniwan na kami nito.

It was a good evening. We drank beer a little, chat and then danced with the crowd. Almost the same when we first met in that bar strip in Puerto Princesa.

Nagkatanawan pa nga kami ni Reid na kasayaw si Andie.

My bestfriend gave me a thumbs up. I returned it with a smug smile.

A few minutes later, nakita ko na ang mag-asawang Andie at Reid na kumakaway sa amin at sumenyas na babalik na sa hotel.

Nakadalawang bote pa uli kami ng beer ni Juno at bumalik sa dance floor. The night is getting older and some of the people there were getting rowdy. Malamang dahil sa daming alak na nainom.

Hanggang sa makirinig na kami ng mga nagsisigawan sa isang gilid ng party area. 

"Jun, stay here," bilin ko.

"Sama ako."

Saglit akong nag-isip. "Alright, but don't get involved."

Inabutan namin ang isang  grupo ng mga lalaking guests doon. At may dalawa pang babae na mukhang lasing na.

Nagtatalo sila dahil sa bastusan something. I saw a guy holding one of the woman's arm who was trying to get out of his hold.

But what really pissed me off was one of my security men being mugged by three guys on the other side. Probably he was the first staff na dumating at umawat sa gulo. And my guy's head was somewhat bleeding.

Looks like it was his head that took the blow from that broken bottle of beer on the sand.

Nakatawag na rin nang atensyon ang komosyon na yun.

"Tulungan mo," susog ni Jun.

"Stay here."

It was easy peasy subduing these four guys, lalo at nakainom. Yung dalawa pa, hindi naman lumaban o tumulong sa mga kaibigan nila.

Binigyan pa nga nang daan ang dumating pang limang na security people at apat na lifeguards ng resort.

"Dalhin nyo si Henry sa clinic," tukoy ko sa staff ko na nagulpi.

"Then bring these jerks to the security office," sabi ko na itinuro yung apat na nakalugmok na sa buhanginan. "Pati itong dalawa."

"Sige, boss. Kami na bahala sa kanila," sagot nung head ng security.

"Teka, sir. Di naman kami nakigulo dyan," reklamo nung isa.

"Still, you were with them assaulting these two ladies," sabi ko.

Nilapitan ko yung dalawang babae na nakaupo sa buhangin. Umiiyak yung isa na sa palagay ko ay ang talagang target ng pambabastos kanina.

"Miss," I reached out my hand. "You okay?"

Inabot nito ang kamay ko at nagpahila ito patayo na medyo mabuway pa. Lasing nga.

Nagulat ako na bigla itong yumakap sa akin, sabay sabi, "Thank you talaga!"

Her words were a bit sluggish.

Napatikhim ako at nailang.

"Uhm, miss. You better go with my men to the security office if you want to file--"

Di ako nakaiwas nung bigla nitong ipaikot ang isang braso sa batok ko at halikan ako sa labi.

Oh shit!

Nagdalawang-isip ako kung itutulak ko ba o ano. Baka matumba eh.

But then I didn't have to. Napahiwalay na ang labi namin.

"Ooouch!" Maarteng sabi nung babae.

Dakot na ito ni Juno sa buhok at saka itinulak palayo sa akin. Napaupo na nga ito sa buhanginan.

"Kaya ka pala nababastos. Talandi ka rin eh!" Maanghang sa sabi ni Jun na nakapamewang pa sa pagitan namin nung pobreng babae.

Pinigil ko ang matawa.

"You hurt my friend!" akusa ng kasama nito na dinaluhan ang babae.

"Isa ka pa eh. Tadyakan ko pa kayo pareho!" Pagtataray ni Juno at dinuro pa ang magkaibigan.

Boy oh boy! See what I mean? She's as jealous as fuck!

Pigil na pigil ko ang mapahalakhak.

"Magrereklamo kami sa management!" Ang sabi nung dalawang babae.

"Ahm, Ma'am," singit nung isang lifeguard na naiwan, "Si Sir Rob po ang may-ari nung security agency namin. Si Ma'am Jun po, kapatid nung may-ari."

"Asan sila?!"

Tinuro kami.

I have to do something para di lumaki ang gulo. Damage control is part of my contract with SchulzAS.

"Uhm... sorry for that, miss. I'll take care of your accommodation to have your stay free of--"

"Ano?!" sikmat ni Juno. "Type mo, Agoncillo?"

"Of course n—Ugh....F-fuck!"

Napaluhod ang isang tuhod ko sa buhanginan sapo ang 'gitna' ko at sikmura.

Damn! I didn't see that coming. That knee to my balls and the punch to my gut were executed like a flash.

Napasinghap ang mga nakakita lalo na at inaambaan pa ni Jun yung dalawang babae ng suntok.

"Ang aarte nyo! Sapakin ko kayo eh. Dapat i-ban ang mga katulad nyo dito! Letse!" sabay mabilis na nag-walk out.

Di na ako nakahabol.

"Boss, ayos ka lang?" tanong nung isang security staff ko.

"Tsk!" inut-inot akong tumayo.

"Tigresa pala nang kapatid ni Ma'm Andie. Wala kang binatbat, boss," tukso pa. "Battered husband ang kalalabasan mo."

"Lumpuhin kaya kita ngayon?" naasar kong sabi.

Tinawanan lang ako ng mahina.

Humingi ako ng dispensa sa dalawang babae na tila hindi ininda ang pagmamarakulyo ni Juno. They kept on flirting with me and to one of my life guards on our way to the security office.

Tss.

I just promised the women that I will just cover their three days stay at the hotel. Dumaan ako sa admin office to inform them that.

Hindi ako pinagbuksan ni Juno ng pinto ng kuwarto nya so picked the lock. Yet in the end, sa livingroom couch pa rin ako natulog because she threatened that she'll sleep somewhere else if I insist to stay in her room.

Ayos na eh! Biglang hindi na naman! Tss!

Nagising ako nung papalapit na ang pagsikat ng araw dahil kay Aris at Madel. Aalis ang bestfriend ni Andie papunta sa Bataan. Emergency raw involving Mike.

"Kailangan nyo ba ng tulong?"

"I don't think so. But I'll let you know if we will need your agency's service," sagot ni Aris.

Si Madel na ang nagsara ng pinto.

She offered me coffee but I declined. We had a short chitchat why I am sleeping in the couch then she went back to sleep.

Morning came, hindi ako pinapansin ni Juno. Pinagtawanan pa nga ako nina Andie at Reid nung sabihin ko ang nangyari sa party.

Even in the short hiking we had before leaving for Manila that evening, hindi ako kinakausap ni Juno.

Kaya laking tuwa ko nung makabalik sa Maynila. Alam kong naka-leave pa rin sa trabaho ang babae kinabukasan para makapahinga.

"Sleep well, Robin. Tulungan mo si Daddy bukas. Makikipagbati ako sa future mommy mo," parang tangang kausap sa anak ko nung dumaan ako sa kuwarto nya.

Badtrip lang kasi nung mag-check ako ng FB nya, nakita kong nag-post na sya ng mga pics doon ng bakasyon namin sa Palawan.

Ang daming mga comments doon, lalo na nang mga sentinels nya. Nagyayaya ang mga ito na out of town din silang tatlo.

At ang nakakainis, hindi isinama ni Juno ang mga pics na kasama nya ako.

Of course, as much as possible, I do not want my face on social media or magazines. But it could not be helped at times. Lalo na kung mga kaibigan ko ang magpo-post sa mga group pics namin.

Also, I already posted that explanation about Robin on my FB. I already thought about it. It was a risk I had to take basta wag na lang mai-stress si Juno.

Ang akin lang, I do not allow tags on my timeline. Anyway, wala naman talagang laman ang FB ko, maliban sa post ko ngang yun.

Just like before, Juno let me in sa duplex the afternoon we went there. Pero si Robin lang ang pinapansin nya. Napipilitan lang kausapin ako para pahawakan si Robin dahil magluluto ito ng hapunan namin.

Kahit anong sorry ko, puro irap lang ang inabot ko. Gaya na puro irap din ang binigay nito sa akin nung ipilit kong dun kami uli matulog mag-ama.

"Naku, bata ka! Tama na yung pogi ka. Basta 'wag ka gagaya sa tatay mong pasaway ha?"

Narinig ko pang litanya nito kay Robin habang pinapaliguan.

Nangingiti na lang ako.

Kinabukasan, hinatid namin syang mag-ama sa trabaho at sinundo ko nung uwian.

That evening, I also told her that I received a wedding invitation card. I told her it was for the two of us.

"Kanino galing?" taka nyang tanong.

"Si Laarni. She's marrying another volunteer sa isang affiliated NGO nila. Uhm, Canadian."

"Wow! Talaga? Sige punta tayo. Kelan ba?"

"Next month. Dito na pala uli sya Maynila. I mean, sa Novaliches."

I got busier the next days. Nadagdag sa iimbestigahan namin ang nangyari kay Mike sa Bataan. Pakiramdam ko talaga, may kinalaman ito sa kinasuungang problema ni Madel. Gaya nang nangyari na panloloob at tangkang pagpatay sa isang engineer ng MonKho sa Zamboanga.

Isa pa, may isa akong inaasikaso.

"S-sir," naiiyak na sabi nung babae na nagpakilalang Laila Centeno. "Sabi po ni Tatay, kayo raw po ang lapitan ko.Sinabi nyo raw po na kahit anong kailangan nya, tutulong kayo."

May inabot ito sa aking business card. Business card ko.

Nalaman ko na anak ito nung SUV driver na tumulong sa akin na dalhin sa ospital dati si Juno nung araw na mabaril ito.

Nung sabihin nito ang problema nang ama, tinawagan ko agad si Ralph dahil kakailanganin nila ng abogado.

"Oy panget!" si Juno yun. It was Saturday late afternoon.

First that she called me again after so many months.

"Sana man lang nag-text ka na di kayo dadating nung junior mo ngayong araw. E di sana kumuha ako ng extra session sa dojo o kaya sa KM!"

She waited. I couldn't help but smile.

"Sorry, love. Sobrang busy ako sa kaso ni Madel."

"Love mo mukha mo! Akala ko ba closed case na yan, ha?!"

"Pulis lang may sabi nun. We're still looking at another angle. I think connected yung insidente sa project ng MonKho sa Zamboanga at Bataan. Nasa Bataan nga ako ngayon."

"Oh!"

"Yeah... but if you want to, you can visit Robin. Sa bahay ka na mag-dinner."

"Uhm... hindi na. Basta dalhin mo sya sa birthday ni Hope. Ako na bibili ng costume nya. Dun na lang bibihisan."

"Okay, okay."

Ang demanding. Natatawa kong naisip.

But of course, I'm saying that not to complain. I'm very happy that she is like that to my Robin kahit bunga ito nang pagkakamali ko kay Tamara.

Came Hope's birthday, nauna akong dumating sa villa.

Maya-maya, dumating na rin si Jun. Kasama ang sentinels nya na may hawak na regalo.

Di ko mapigilan ang mapasimangot at uminit ang ulo.

Kailangan talaga eh nakaakbay si Paul sa kanya?!

At kailangang nakaangkla ang kamay ni Jun sa braso ni Troy?!

"Buti pa sina Paul at Troy, walang kahirap-hirap makalapit kay Jun," parinig ni Aris.

"Partida, di gumagamit mga yan ng anak at mga kaibigan," gatong ni Mike.

Tawanan ang mga kaibigan ni Andie na kasama ko sa table. Nag-high five pa ang mga ito.

I gave all of them a quick middle finger salute lalo't pati si Ralph eh nakikitawa sa kanila.

Mabuti naman at umalis agad ang dalawa matapos maibigay ang regalo kay Hope. Mukhang may lakad ang mga ito.

"Puta, hinatid pa talaga ni Jun paalis," sundot na naman ni Aris.

"Susuntukin na kita, Kho!" Asar kong sabi.

Hagalpakan na naman sila ng tawa.

Tang ina!

But it was my time to get back at Aris dahil pagbalik ni Juno, may kasama ito.

Napangisi ako.

Kinalabit ko ito na busy sa pakikipagkwentuhan sa mga kasama namin sa mesa.

"Hey, Douche," panggagaya ko sa petname sa kanya ni Reid. "Look who's here."

Tinuro ko ang direksyon ni Jun na malakas namang nagsalita.

"Madel! May bisita ka!"

Tawang-tawa ako sa mukha ni Aris!

"Oh, chill ka lang! Kanina ang lakas mong mang-asar eh," pangbubwisit ko dito. "Ganun talaga ng karma. Digital na."

"Fuck!"

Tumayo na ako dahil nagpalinga-linga na si Juno.

"Oh, nasaan yung bata?" tanong nya nung lapitan ko.

Napakamot ako sa ulo, "They're on their way here. Dumiretso na lang ako dito dahil galing pa ako sa biglaang meeti--"

Di ko na natapos dahil basta na lang ako tinalikuran at nagpaparinig na sinabing,

"Children's party nga eh. Asan yung child? Nauna pa yung tatay! Bwiset!"

Gusto ko na talagang magselos sa anak ko, oo!

"Teka naman!" Habol ko dito. "Tatawagan ko uli para alamin kung malapit na sila."

Huminto naman ito.

I called my Mom. It was busy. It was still busy the second time I called.

"Oh, problema?"

"Busy pa. Tara dun muna tayo," tinuro ko ang table namin.

Wala na si Aris doon.

Narinig ko ang pagbungisngis ni Juno.

"Why?"

"Si Kuya Aris, pasimpleng bumabakod."

Ayun na nga si Kho, kasama sina Andie at Madel na salubungin si Anton Domingo.

Napapailing na lang ako. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ko. It was Mom calling.

I slowed down to pick it up kaya nauna na si Juno sa akin papunta kina Mike.

Nakita ko pa ang pagbabatian nila at narinig ang pang-aasar ng mga ito sa babae.

"Mom, where are you now? Nagsisimula na yung party."

"Rob, baby," suminghot ito.

I got alarmed. "What happened, Mom?"

"We had to turn around," suminghot uli ito at impit na napaiyak.

"Where's Dad? Ano'ng nangyari?"

I heard the phone being passed.

"Son, Dad here."

"B-bakit? Ano'ng ... asan si Robin?"

"Pare, may problema ba?" Si Ralph yun.

Sa malapit nya ako huminto. Di ko na nagawang maupo sa katabing upuan sa pagitan nila ni Juno.

I raised my hand to stop him from talking dahil my sinabi si Daddy at ospital lang ang naintindihan ko.

"What's that again, Dad?!" Napalakas kong sabi.

Nakita kong naalarma na rin sina Juno at nakatingin sa akin.

"Son, we just got a call. We're heading to the hospital. It's Thunder. Sumunod ka sa amin agad."

Lumabo agad ang paningin ko. Hindi ako makahinga.

"Rob...? Ano'ng nangyari?" si Jun. Nakatingala sa akin mula sa pagkakaupo nya.

I felt her hand on mine, squeezing it tight.

I looked at her straight in the eye, eventhough my vision is blurred with tears.

"I'm going to the hospital. And ... you have to come with me, Jun."

===============

Cross over to CR 19, 23, 24 and 27

This chapter is also a preparation to a future story! :)  

===============

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj