86 His Post
"Saang cheap tabloid mo nabasa yang balitang yan?"
Iritable agad ako sa unang nagtanong sa aking empleyado ng MonKho. Nakasabay ko papasok pa lang ako umagang-umaga! My ghaaaad!
Medyo na-awkward tuloy.
"Eeer... ano, sa FB. Alam mo na, friend-friends nung mga engineers ang mga boss. E family friend nyo sina Boss, di ba?"
"Ano'ng pic at kelan?" Pasakay na kami sa elevator.
May ilan empleyado doon na mukhang alam na rin ang tungkol dun. Obvious na nakikinig sa usapan namin.
"Birthday nang mga pamangkin mo. Kaninang umaga ko nakita."
Naparolyo agad ang mata ko. "Porke karga ko, anak ko agad-agad?"
"Huh? Kamukha ni Sir Rob eh."
"E sya pala ang kamukha. Bakit di sya ang tanungin nyo? Ay ewan!" pagsusuplada ko.
Nailang yata yung babae kaya di na nagsalita uli. Wala ring nagtangkang magtanong sa mga naroon.
Kakasuya lang na nakasabay ko pa sa lobby ng floor namin ang secretary ni Kuya Mike at ilang empleyado na papasok na rin. Sa kabilang elevator sila nanggaling.
"Uy, Jun! Ikaw, malihim ka ha!" Tukso nung isang engineer dun.
Alam ko agad ang ipupunto nila, pero ayoko maging assuming.
"Ano na naman yan?"
"May baby na pala kayo ni Rob."
"Oo nga. Bakit mo pa kinansel ang engagement nyo?" galing yun sa isang admin department.
Pati yung mga naroong iba, napahinto para makinig.
"Ano yan, sa FB galing? Sino nagsabi sa FB na anak namin yun? Oh, assuming lang kayo?"
Natahimik sila. Halata nilang badtrip na ako.
"Engineers kayo, di ba? Hindi kayo mga showbiz chismis reporters," pasaring ko.
"Aw!" may ilang nagsabi na natawa para itago ang pagkapahiya.
"So... di nyo talaga baby yun? Kaya ba kayo naghiwalay?" singit nung secretary ni Kuya Mike.
May kakaibang ningning ito sa mata. Nairita ako.
"Malamang pupunta dito si Rob mamaya. Sa kanya mo itanong yan. Para may dahilan ka kausapin sya," panonopla ko.
"Whoa..." mahinang ugong sa mga naroroon.
"Sobra ka naman..." parang naiiyak na sabi.
"Wag kasing assuming para di kayo nari-realtalk," ismid ko pa. "Lalo na yung pagsawsaw sa personal ng iba."
May tumikhim. Nakita ko si Kuya Mike. Kararating lang.
"Ano'ng meron, Bunso?"
"Di mo alam? Eh sa mga FB nyo raw nina Kuya Jeff at Kuya Aris galing yang tsismis!" sikmat ko.
"Ano'ng ginawa namin?" gulat na sabi.
"Ewan ko se'nyo!" asar kong sabi sabay talikod.
Narinig ko pang nagtanong si Kuya Mike sa mga naroroon.
Bago ako makarating sa cubicle ko, tumawag na si Paul.
Ganun din ang sinabi.
"XG, pati sa community ganun ang balita."
"Paanong nakalabas?"
"Eeeh... naka-tag tayo sa mga pics."
"Sino'ng source?"
"Karamihan sa Ate Andie mo."
Napaisip ako. "E teka. Paanong lalabas sa community? E sa RA ko lang kaibigan si Ate."
"E mga boss mo, friend mo rin sa second account mo. Tsaka ano..." tumawa sya ng hilaw. "May nai-post kami ni Troy s—"
"ANO?!"
"E nawala sa isip namin eh. Ang cute kasi nung pics natin kasama yung bata. Tsaka ano, naisama namin sa pics natin kahapon nung mamasyal tayong tatlo."
Ilang beses akong napahinga ng malalim.
"Sorry na. Kami na magpapaliwanag sa mga nagtatanong," lambing ni Paul.
"Tsk! Wag na kayo magkomento. Hayaan nyong si Rob ang magpaliwanag nyan. Wag sa 'tin manggagaling," inis kong sabi. "Libre nyo ko ng dinner buffet mamya! Same time and place!"
Di ko na hinintay ang sagot nya. Pinutol ko na agad ang tawag.
Pigil na pigil akong magbukas ng FB ko. Actually, di pa nga ako nagbubukas since kahapon. After ko kasing mag-send ng greeting sa FB accounts ko nung Pasko, nagpatay na ako nang data sa phone ko. Tunug kasi ng tunog sa dami ng notif.
Kaso di ko rin napigil. At ang dami ngang nagtatanong. Isang bagong comment ang medyo nakakuha sa atensyon ko.
Wow! Sabi ko na nga ba, baby nila yung nakikita ko dating dinadalaw ni Papa Rob sa pedia-ICU nung tulog pa si Jun. Ang healthy na nya. Kelan pa sya na-discharge sa hospital?
Kaya siguro panay-panay pa rin ang follow-up check sa doctor ni Robin. May sakit kaya ang bata sa dugo? Naalala ko na hematologist ang kausap daw ni Rob nung makita sya nung taga-DR scene na may suot syang wedding ring.
Mukhang healthy naman talaga si Robin, though nalaman ko nung dalawang araw silang mag-ama sa villa during Christmas, meron itong primary complex. Ako pa nga ang nagpainom ng gamot. Yun pala ang dahilan kaya natagalan bumalik si Rob mula sa pagbili ng gatas at diaper. Umuwi pa sa bahay ng parents nya para kunin ang gamot ni Robin. Baka kumplikasyon yun nung ma-confine ang bata.
Pinatay ko ang cp ko dahil ayokong ma-distract sa trabaho sa mga tawag o kung ano pa.
Hindi tamang sa office ako mag-iinarte. Mamayang gabi na lang sa duplex. Raratratin ko talaga sa phone si Agoncillo.
Tahimik ang issue hanggang mag-lunchbreak. Mukhang napagsabihan na yata ni Kuya Mike ang mga naroroon o baka nakaramdam sila na di ko trip ang issue kaya wala na uling nag-ungkat.
Nagsalubong agad ang kilay ko nung makita si Rob sa receiving area sa floor namin. Kausap nya si Kuya Mike at Kuya Aris. Tinapik ito sa balikat nung dalawa nung makita nila ako.
"Mag-lunch tayong dalawa," deklara ko nung paglapit nya.
Halatang di nya inaasahan ang sinabi ko. Though hindi rin ngumiti. Alam nyang bad mood ako. At sa palagay ko alam nya rin kung bakit.
"Alright," yun lang ang sinabi sabay abot nung bulaklak na dala nya.
Wala kaming kibuan papunta sa parking. Di ko pinagpapansin ang tinginan sa amin ng mga empleyado sa MonKho.
Sa isang malapit na resto kami humantong.
"Jun," sya ang unang nagsalita pagkaalis nung kumuha ng order namin. "I ... uhm... I already took care of it."
"Alin?"
"Reason of your bad temper today."
Ini-slide nya ang phone nya sa table papunta sa akin. Naka-log in sya sa FB nya. Sa mismong wall nya. Di lang ang RA at second account ko ang naka-tag, pati ang mga kaibigan ko at ni Ate Andie. Alam kong mababasa yun ng mga nasa friendlist namin.
Mahaba yung post nya. Tahimik akong naiyak nung basahin ko yun.
"Jun..." ginagap nya ang kamay ko matapos lumipat ng upuan sa tabi ko.
Wala akong sinabi nung akbayan nya ako. Basta tahimik akong umiyak sa balikat nya. Di na uli ako nagsalita. Di ko na pala kailangang magsayang ng laway para awayin si Rob. Sapat nang hindi nya hinayaang ma-stress pa ako lalo sa susunod na mga araw.
"Thanks for having lunch with me, love," sabi nya.
Nasa receiving area na kami nun sa floor ng office namin sa MonKho.
Napahinga ako ng malalim. Na-appreciate ko naman ang ginawa nya, so, "S-salamat di—"
Sa bibig na nya natapos yung sasabihin ko kasi bigla nya akong hinaklit sa batok at bewang. Nanlaki na lang ang mata ko. Di ko sya maitulak dahil nakatupi ang braso ko na hawak ang bigay nyang bulaklak kanina tapos yakap ako nito ng mahigpit.
"Ayos ah!"
"Guys, get a room!"
"Geez!"
Boses ng tatlo kong boss.
Saka lang ako binitawan ni Rob.
Namanhid yata ang mukha ko nung makita ang mga ngisi nina Kuya Aris.
Lalo na at may ilan ring empleyadong kasabay nilang lumabas sa elevator.
"Tarantado ka!" galit kong sigaw ke Rob sabay hampas sa kanya nung bouquet ng bulaklak.
Nalagas ang ilang dahon at bulaklak nun.
"Aw!" Nagpipigil ng ngisi si Rob nung salagin yun.
"Oh, akala ko okay na kayo?" si Kuya Aris.
"WALANG OKAY!" sikmat ko. "I-ban nyo nga yang halimaw na yan!"
"Can't do that, Bunso," sabi ni Kuya Mike.
"Mas mahal nyo na sya kesa sa 'ken?! Kuya Aris?!"
Napakamot ng ulo si Singkit. "Eeh..."
"Isusumbong kita ke Ate Andie!"
"Jun," si Kuya Jeff. "Mike and Aris just signed a contract with Agoncillo Agency for MonKho's security and safety—"
"Kelan pa?"
"Before lunch. And it's effective January first, so that's less than a week from today," si Rob ang sumagot.
"Tang ina!"
"Hey, language!"
Lakompake sa pagsaway nila sa akin at kahit may mga empleyado doon.
Tinalikuran ko na sila.
"Ba't mo kasi hinalikan?" Sisi ni Kuya Jeff.
"I thought we're okay," sagot nung halimaw.
Narinig ko pa yun bago maisara ang pinto ng Archi Department.
Letse!
Nag-uumpisa na sana ako kumalma kay Rob dahil finally, the truth is out in the open.
Sa post ni Rob, sinabi nya ang totoo. Na anak nya si Robin sa ibang babae. Kung bakit nangyari yun. At kalian. Sinabi nya na pinakasalan nya yung babae sa Las Vegas but divorced her after Robin was born because he really intended to go back to me. Na ang intension nya lang ay bigyan nang legitimate name ang bata. Sinabi nya rin na alam ko na yun bago pa ako mabaril at ma-comatose. One of the strong reasons he was able to immediately file the divorce and later, get full custody ni Robin, dahil si Tamara nagpapunta sa akin sa Pasay kung saan ako nabaril almost two-years ago. At ang engagement naming kumalas ako, dahil naalala ko ang lahat. Na ang alam ko ay kasal pa rin sya kay Tamara. It was like a confession, and the same time a big request to ask.
Humingi sya ng pang-unawa sa lahat ng mga kakilala ko na hayaan na muna ako o huwag tanungin dahil sobrang stressed na ako. Na kagagaling ko lang sa matagal na pagkaka-ospital. Na kailangan ko ... naming dalawa ng privacy sa isyung ito na masyadong personal.
At kung anuman ang opinyon nila sa sitwasyon namin, kung sinisisi nila si Rob o ako sa mga nangyari, walang pakialam si Rob. Na ang mahalaga sa kanya ay kung ano ang nararamdaman o iniisip ko. Yun lang.
Na kung may malalaman syang magpapa-stress sa akin, makikialam talaga sya.
Isa iyung silent warning.
Na-touch talaga ako sa nabasa ko kanina. Na ngayon eh gusto kong ismiran.
Ayaw nya palang nai-stress ako nang iba kasi sya lang ang pwedeng mang-stress sa akin.
Nyetah!
But in fairness, wala na talagang nag-ungkat sa office nung issue.
Yun ang naging topic naming power trio habang kumakain sa paborito kong buffet resto.
"I guess may maganda ring dinulot yung issue," si Troy.
Nagkibit ako ng balikat sabay isang tipid na ngiti.
"How do you feel about it, XG?"
Ibinaba ko yung kutsara ko, "Relieved...kahit papa'no."
"Not happy about him telling everyone about his intentions?"
"H-hindi ko alam eh. Di pa rin mawala yung sakit kapag naiisip ko na nagtaksil sya sa akin."
"Wala pang 'kayo' that time, XG. Dahil ayaw mo pa nga hangga't di ka tapos kay Caloy, di ba? Kaya, technically, walang pagtataksil na nangyari. Pinapaalala ko lang sa 'yo."
Kay Troy ako bumaling, "Naiintindihan mo naman siguro ako, Troy, di ba? Mas kahawig tayo ng naging sitwasyon. Umasa kasi isang kembot na lang, ayun na.."
Di nakakibo si Troy kasabay ng paglungkot ng mukha. Na-guilty tuloy ako na na-brought up ko yung sa kanila ni Nancy.
"S-sorry, Troy," kagat-labi kong sabi.
"N-no, it's alright. Ganun eh." Tumikhim sya. "Jun, malaki pa rin ang pagkakaiba. Walang Nancy. Di na 'ko umaasa na babalik sya since ako na ang pumutol sa communication namin. Yung sa 'yo, ayan sya. Halos magpakamatay sa harap mo."
"Mas .. mas kinakampihan nyo na ba si Rob?" may pagtatampo kong sabi.
"Tange, hindi!" kambyo agad ni Troy. "Syempre, solid pa rin tayong tatlo."
"Ang akin lang, XG, we're trying to be rational. To look at his side. It takes a lot of guts ang mag-post nang ganun sa FB nya. Tagging everyone of us. Isipin mo na lang, that is the only content of his FB, aside from his profile and cover pic na di rin sya makikilala."
Totoo naman. Sinabi sa akin ni Rob na wala pala talagang laman ang FB nya. Since hindi recommended sa nature ng trabaho nya. Nag-create lang sya ng account sa FB dahil sa akin. What he did today was a risk.
Parang bulang nawala ang issue kinabukasan at mga sumunod na araw.
Tulad ni Rob na hindi nagpupunta sa tapat ng duplex o sa MonKho. Daddy mode pala ito dahil nag-holiday trip sina Tita Rhea at Tito Robert. Ayaw nyang yaya at mga katulong lang ang kasama ni Robin.
Paano ko nalaman? Sya mismo ang tumawag at nagsabi. Nag-text muna ito na sagutin ang tawag nya dahil madalas, dedma ako sa tawag nya. Importante raw, tungkol kay Robin.
"Ano'ng issue mo. Agoncillo? Pambihira namang...nasa banyo ako eh!"
"Ahm... wala sina Dad. On holiday trip. Si Robin kasi..."
"Oh?"
"Di namin mapatulog ng diretso. Iyak ng iyak."
"Sino'ng 'namin'?"
"The nanny and other househelps."
"Baka gutom o may kabag."
"Uhm, naggatas naman. He already burped. We checked his nappy. Di naman puno. I think, hinahanap yata ni Mommy or si Dad."
"Eh anong kinalaman ko dyan?"
"Uhm... pwede ka bang pumunta dito? Ikaw magpatulog."
"Wow ha!" sabi ko.
Ayoko na ngang pumunta sa kanila at disaster lagi.
"Sige na, please. Di ko na alam ang gagawin ko."
Ayun nga at narinig ko ang iyak ni Robin tapos yung mahinang boses ng yaya na pinatatahan ito.
"Jun..."
Nag-aalangan ako. Kaya lang, yung iyak ng bata, parang binabalian na ng buto.
"Love, sige na. Tapos sabay na tayo sa house warming ni Kho bukas."
"Ahm... Eh kasi..." nagtatalo ang isip ko. Tapos maririnig ko na naman ang iyak nung bata. "H-hind—"
"Kami na lang ang pupunta dyan ni Robin kung—"
"Hindi na. Sige, ako na ang pupunta dyan," bigla ko nang nasabi.
Pucha talaga, oo! Balak ko pa namang magpuyat ngayon dahil Rizal Day naman bukas at walang pasok. E tanghali pa yung house warming.
Nagpambahay na lang ako since nakakotse naman. Dinala ko na rin ang isusuot ko bukas para sa housewarming ng bagong bahay ni Kuya Aris sa Southwoods bukas. Pati ang bagong damit na binili na ko isusuot sa New Year dahil didiretso na ako sa villa.
Di ako nagplano ng holiday vacation dahil sa dami nang araw na na-miss out ko sa training ko sa MonKho.
"Juice colored!"
Yun na lang nasabi ko nung makita ko si Robin. Maga na ang ilong at mata nito kakaiyak. Karga ito ni Rob na sumalubong sa akin sa maindoor ng bahay nila.
Kinuha ko agad sa kanya ang bata.
"Pakikuha na lang nung bag ko sa backseat," sabi ko kay Rob tapos dumiretso na ako sa malaking sala nila karga si Robin.
Medyo nahirapan din akong patahanin ito. Makakaidlip lang tapos mag-uungot.
"May damit ba dyan si Tita Rhea o kaya si Tito Robert na gamit na?" dun kami sa isang guestroom.
Sinabi ko kay Rob na sa akin ko na itatabi ang bata sa pagtulog.
"Uhm... para saan?"
"Baka hinahanap nga si Tita or si Tito eh. Ikukumot lang sa kanya."
"No. I had everything washed yesterday. Ganun ba yun?"
"Ganun gawa namin dati nung bago pa lang pinapaalagaan si Hope. Yung amoy nung nakasanayang nag-aalaga ang hanap. Kaya nag-iiwan kami ng damit namin hanggang masanay na sya ke Ate Leleng. Paano ba ito? Tsk!"
Napakamot ako sa ulo, "Akina na yung baby powder nya."
"Bakit?"
"Ang dami mong tanong. Basta, akina," naiinis kong sabi.
Idinapa ko si Robin at inalisan ng tshirt. Saka ko nilagyan ng baby powder sa likod, braso at legs. Tapos, marahan kong minasahe habang nagha-hum ng tonong di ko alam kung ano.
Magagawa ko? Si Ate Andie ang talented sa music.
Di ko na lang pinapansin ang tatay nito na nakaupo sa sahig at nakapalumbaba sa kama paharap sa amin.
Dun lang tuluyang nakatulog ang bata.
Yung inaasahan ko na ie-endorso ni Rob ang sarili na matutulog kasama namin ng anak nya, hindi nangyari.
Kusa itong nagpaalam nung masiguradong mahimbing na si Robin.
Naalimpungatan ako bandang alas-tres nang madaling-araw sa halik sa noo ko.
Pagdilat ko, likod na lang nya ang nakita ko. Nakapanlakad ito.
Di ko na pinaalam na nagising ako. Baka may emergency sa trabaho.
Akala ko, kami na lang ni Robin ang pupunta sa Southwoods, pero pagbaba namin para sa agahan, nasa baba na si Rob. Tulog sa malaking sofa sa sala.
"Ano'ng oras dumating yan?" tanong ko sa yaya ni Robin na inabutan na namin sa baba.
"Kanina pa pong bago mag-six, Ma'm Jun. Kunin ko na si Robin."
Inawat ko yung isang katulong nung gigisingin si Rob nung mag-aagahan na kami.
"E Ma'm, bilin nya po na gisingin sya para sabay sya sa inyong mag-agahan."
"Basta wag. Hayaan nyo sya magpahinga. Puyat yan."
Isang nakasimangot na Rob ang nagmamadaling napunta sa dining kalagitnaan ng agahan namin.
"I told you to wake me up," may bahagyang igting na sabi sa isang katulong doon na pinilit kong sumabay na ring kumain sa amin.
"Eh S-sir—"
"Pinigilan kong gisingan ka. Puyat ka eh. Kain na," kaswal ko lang na sabi.
Napabunting-hininga na lang ito bago dumulog. Sa tabi ko pa talaga naupo.
Kinalabit ko yung yaya, "Pakilipat yung high chair ni Robin dito."
Tinuro ko sa gitna namin ni Rob.
"Po?"
"Ako na nga."
Walang imik ang mga katulong. Kahit si Rob.
"Oh," inabot ko ang baby plate ng bata sa halimaw. "Minsan lang kayo mag-bonding mag-ama. Para maging close naman kayo."
In-assist ko naman si Rob, lalo na kung sa palagay ko eh may laman pa ang bibig ni Robin tapos susubuan nya agad.
"Hintayin mong wala nang laman ang bibig," saway ko habang pinupunasan ang bibig ni Robin.
Nagpahinga kami sandali bago naghanda para sa house warming ni Kuya Aris.
Bago mag-lunch nasa Southwoods na kaming tatlo.
Binigyan ko nang malupit na eyeroll ang mga barkada ni Ate Andie nung pagpasok sa livingroom. Lakas mang-asar ng mga ngisi eh. Ako kasi ang may karga kay Robin. Si Rob sa baby bag.
Close friends lang naman ang mga bisita. Wala kasing makukunsiderang kamag-anak si Kuya Aris since sya mismo ang nagputol sa ugnayan nya sa pamilya dahil sa nangyari sa kanila noon ni Ate Andie.
Isang bagay na minsan, pinagtatalunan nila ng kapatid ko hanggang ngayon.
"Hawakan mo muna si Robin," sabi ko ke Rob nung makapanghalian na kaming lahat at nagsi-siesta.
Nakikipaghuntahan ito ke Kuya Reid at Ralph habang nagkakape sa front porch.
Nakatulog ang bata na karga ko.
Inirapan ko rin yung dalawa dahil di man nakangisi, pero yung mga mata, nanunukso. Sarap tusukin nung barbeque stick na nasa mesa.
"Bakit? Sa'n ka pupunta?" tanong ni Kuya Reid nung kinuha na nang kaibigan nya ang anak.
Di namin kasama ang yaya nito dahil naka-schedule din magbakasyon sa pamilya para sa Bagong Taon. Isinabay nga namin kanina palabas ng Dasmariñas Village.
"Mag-iikot. Pipintasan ko'ng bahay ni Singkit."
Natawa silang tatlo sa narinig.
Nasa may backgarden ang mga anak nina Ate Andie at Ate Sarah. Naroon lang rin ang mga magkakaibigan na nagbabantay sa mga bata.
"Oh, Bunso? Yung alaga mo?" Kaswal na bati ni Ate Andie.
"Binigay ko sa tatay nya. Nag-ikot ako."
"So," si Kuya Jeff. "What do you think of the house's design?"
"Bagay sa may-ari. Panlalaki ang structure, pati interior décor," kaswal kong sabi.
Tumangu-tango ang tatlo kong boss, pati si Kuya Erol.
Tapos napataas ang kilay nila sa idinugtong ko, "Bagay in the sense na boring."
Napatawa sina Ate Andie at Ate Sarah.
"Why is that?" sabay na sabi ni Kuya Aris at Kuya Jeff.
"Ikaw nag-design nito, ano?" sabi ko kay Kuya Jeff. "Grabe ka maka-react eh."
"Apprentice lang kita tapos ganun ang komento mo?!" nanlaki ang mata nito.
"Take that as a compliment, Kuya Jeff," tinapik ko pa sa balikat. "Sabi ko nga, bagay sa may-ari. Ibig sabihin, you did well since kuha mo yung taste at personality ang client mo."
"So boring ako, ganun?" di makapaniwalang tanong ni Singkit.
Tumango lang ako.
"Alisan kaya natin ito nang transpo at clothing allowance," suhestyon nito.
"Teka lang. Ang ibig kong sabihin kasi, di ba, ni wala ka yatang ibang hobby maliban sa man-chicks."
Nagtatawanan sila.
"I mean, naggigitara ka pa ba? O kaya, kayong tatlo? At least si Ate Andie at Kuya Reid, jamming sila sa pag-piano. Ganun. Kaya ayan, nagre-reflect sa taste mo sa design. Boring. Understandable na yung dominant color ng bahay. Panlalaki pero walang touch of art. Dapat meron kasi music is art. Gitarista ka."
"Wow! Ang haba nung lecture," natatawang komento ni Kuya Erol.
Tinuro ko ang malaking espasyo sa backgarden
"Ang laki ng likod, bakit di mo palagyan ng swimming pool?"
"Di naman ako lagi dito. Sino'ng gagamit?"
"E di mag-asawa ka na. Para may titira na dito tsaka lagi kang uuwi."
Nahawi kami saglit dahil dumaan ang mga nagtatakbuhang mga bata.
"Tulad nyan oh. Para may tatakbo nang mga bata dito," dugtong ko pa.
"Tigilan mo nga 'ko, Jun. Kesa ako tinutulak mo sa ganyan, bakit di kayo ni Agoncillo? Tutal ikaw maraming ideas sa designing na pampamilya," sikmat sa akin.
"Letse!" Asar kong sabi sabay layas.
Narinig ko pa ang hagalpakan nila nang tawa.
Dun na rin kami nag-dinner. After nun, saka kami naghanda sa pag-uwi.
"Jun," nilapitan ako ni Ate nung papasakay na kami sa dala nilang van. "Sa villa muna si Robin."
"Ha?"
"Nagpaalam si Rob. May importante syang pupuntahan. Baka sa January first nang gabi na sya makabalik."
"So, sinasabi mo sa akin kasi ako ang mag-aalaga, ganun?"
Ngumiti si Ate ng matamis.
"May lakad ako sa a-uno eh."
"E di isama mo yung bata. Alam mo namang maliban sa pamilya nya, sa 'yo lang ipinagkakatiwala ni Rob ang anak nya."
"E bakit nga kasi ako?"
"Dahil itataya mo ang buhay mo para sa anak nya, tulad nang ginawa mo noon," malumanay na sabi ni Ate Andie.
Natahimik ako.
"Pwede namang ako ang mag-alaga kung ayaw mo," dugtong na lang nya.
Napakamot ako sa batok, "H-hindi. S-ige, ako na."
Ngumiti uli ang kapatid ko. Tapos tumango na nakatingin sa likod ko.
Andun pala ang halimaw. Napaismid ako nung lumapit na ito.
"Thanks, Jun, " nakangiting sabi.
Kinuha ko sa kanya si Robin, "Ba't di ikaw ang magsabi?" Pagsusungit ko.
"Baka magtaray ka. Dalawang binata ang mapapahiya," tipid na ngiting sabi.
"Binata, my ass."
"Juno!" Saway ni Ate.
"Baby pa si Robin. Di—"
"Ass," biglang sabi nang karga ko.
"Ay kamote! Sorry," napatakip ako sa bibig nito. "Naku, bad yun, baby."
"JUNO!"
"Sorry na! Sorry na!" Nag-peace sign pa ako sa kapatid ko.
Natawa sina Kuya Aris dahil magkakatabi lang ang mga sasakyan naming naka-park sa loob ng frontyard.
"Tara, hatid ko kayo sa villa," si Rob.
Nung inakbayan ako nito, "Aayiiiee!!!"
Mga walanghya talaga ang mga barkada ni Ate!
"Alisin mo nga yang kamay mo sa balikat at baka matutong magmura ang anak mo nang maaga," gigil-bulong ko ke Rob.
"Tss."
Bumalik muna kami sa Dasma para kumuha nang dagdag na gamit ni Robin pati ang gamot nya.
Hinatid lang kami ni Rob sa villa tapos umalis na rin matapos humalik sa anak nya at nakawan na naman ako ng halik.
Gago talaga!
Dakilang yaya ako ng anak nung halimaw bisperas at mismong Bagong Taon!
Kasama ang pamilya ni Ate Andie, dumalaw kami kina Papa at Mama, a-uno ng Enero.
Humiwalay na ako nang lakad after nun tutal pinahiram ako ni Kuya Reid nang kotse. Naiwan pa kasi sa Dasma si Apo.
Kay Caloy ako sumunod na pumunta.
"Oy, Kulugo! Happy New Year!" bati ko dito. "Ang pogi ng kasama ko, ano? Kaso, di ako ang nanay eh."
Pabiro yun, pero deep inside, nag-aamplaya talaga ako.
Naglatag ako nang picnic cloth sa may Bermuda grass para may pwesto si Robin mag-iikot o magpagulung-gulong habang para akong tanga na nagkukwento kay Caloy.
After an hour, lumarga ako sa bahay ng mga Sorriente dahil in-invite nila akong dumalaw dun.
Di sila nagkomento nung makitang dala ko si Robin. Alam nila. Nabasa nila ang post ni Rob dahil friend ko ang magkapatid na Carlo at Claire sa RA ko sa FB.
Nakakatuwa nga, kasi halatang sabik sila sa bata. Kinuha sa akin ni Claire si Robin at isinali sa ilang batang bisita rin nila. Mga kamag-anak.
"Kumusta na kayo ni Rob?" kaswal na ungkat ng Daddy ni Caloy.
Nagkibit ako ng balikat, "Civil lang po."
"Pero nasa iyo ang anak nya."
"Di ko naman po matitiis yung bata at walang mag-aalaga na tiwala si Rob."
Ngumiti ito. Ngiti na parang may kahulugan.
Di ko na lang pinagtuunan ng pansin. May edad na ito. May mga tinatawag na matured wisdom na maaring nasa isip nito ngayon pero di pa ako handang pakinggan.
Bago mag-alas kwatro ang hapon nasa mall na kami ni Robin. Cancel ang plano kong manood ng sine. May dalawang movie pa naman sa Manila Film Fest ang gusto kong panoorin. Isang horror at isang tungkol sa isang bading na namatay.
Eh alangan namang bitbitin ko si Robin sa sinehan. Ang ending, stroll kaming dalawa. Anyway, parang exercise na rin sa akin. Wala akong dalang stroller. kaya karga kung karga kapag ayaw na nitong maglakad.
Binilhan ko na rin ito ng late Christmas gift. Better late than never.
Around eight ng gabi, nakabalik na kami sa villa. Saktong maghahapunan na.
At naroon na si Rob. Mukhang puyat pa ito at pagod.
Gaya ng ama, antok na agad si Robin pagkakain ng dinner.
"Isha-shower ko lang tapos bihisan ko na nang pantulog," sabi ko. "Ako na magmamaneho pabalik sa Dasma. Matulog kayong mag-ama sa byahe."
Hindi nito sinalungat ang sinabi ko.
Wala namang problema pagdating sa bahay ng mga Agoncillo dahil naroon na ang mga magulang ni Rob.
Ginising ko pa si Rob na pinilit kong maupo sa backseat kasama ng anak na tulog din sa baby car seat nito.
"Dito ka na rin kaya matulog, iha," alok ni Tito Robert.
"Ahm, salamat na lang po, Tito. May pasok na kasi ako sa trabaho bukas."
Hindi na naman sila nagpilit. Kinuha ko na ang maliit kong travelling bag sa guestroom.
"Jun," mahinang tawag ni Rob nung sabayan nya 'ko papunta ke Apo. "Salamat. Pasensya na, di na kita maihahatid. Masama ang pakiramdam ko. Baka maaksidente tayo kapag nagmaneho pa ako."
Otomatikong umangat ang kamay ko sa leeg nya. Pinapawisan ito ng malamig.
"Tsk. Wala yun. Kaya ko sarili ko. Sige na," taboy ko. Binuksan na kasi nung guard nila ang gate.
"Love, dito ka na lang matulog. Alagaan mo 'ko," ungot pa.
"Wow ha! Itulog mo lang yan," sabi ko. "Karma yan kakatawag mo sa 'kin ng love. Kaya tigilan mo na."
Sumakay na 'ko sa kotse at walang lingun-lingong nag-drive paalis.
Tinatakpan ko ang umuusbong na pag-aalala sa dibdib ko sa pagsusungit. Para nga kasing mas maputla na ito kesa kanina nung nasa villa pa kami.
Nahirapan tuloy akong matulog pag-uwi sa duplex.
Walang tawag o kahit ano sa kanya kinabukasan. Ine-expect ko pa naman na magpapakita sya dahil nga agency na nya ang may hawak ng security and safety operations ng MonKho. Though nakita ko na nag-umpisa na nang pag-i-install ng mga security cameras at kung anu-ano sa building. Ito siguro ang pinagkaabalahan nya nung iwan sa akin si Robin. Kaya lang, bakit maputla nga kasi? First time ko syang makitang ganun.
Huwebes bago ko uli nakita si Rob sa office.
"Not even a single text from you," pagtatampururot nito.
"May sakit ka. Makakaistorbo 'ko sa pahinga mo," sagot ko na lang nung kunin ko ang bigay nyang bulaklak at isang paper bag na pasalubong daw nang parents nya from trip abroad para sa akin.
Balik kami sa dating routine. Pati yung pagpunta nya ng gabi sa duplex na basta lang tatambay sa labas. Ang pagkakaiba lang, kung dating twice to thrice a week, naging isa o dalawang beses na lang.
Nanibago ako.
Well, baka busy sa trabaho. Pang-aalo ko sa sarili.
Bakit mo aaluhin ang sarili mo, ha, Juno? Di ba nga ayaw mong makikita, tapos ano ngayon yang iniisip mong kaartehan?
Ay letse!
Naitakip ko na lang ang unan sa mukha ko.
Hindi dumating si Rob nang gabing yun. Baka may iba nang nakita chicks?
So, what kung man-chicks sya? Wala namang kami!
Paksyet naman talaga! Ang gulo mo, Jun!
Asar na naihilamos ang palad ko sa mukha.
Ayokong mag-isip na naman nang kung anu-ano.
Dumaan ang mga araw, may pagkakataon na sa villa kami nagkikita nung halimaw kapag weekends.
Minsan, andun ang mga barkada ni Ate Andie. Kagulo kami sa simpleng bonding lang. Lalo na kung makikigulo ang mga ito sa paglalaro namin ng Tekken ng mga pamangkin ko sa den.
"Mga papansin kayo eh!" reklamo ko kay Kuya Mike.
"Asus! Mga bata lang kinakaya mo pati ni Aris. Tara laban tayo. Magkampihan pa kayo ni Kho. Kampi kami ni Agoncillo," ang sabi ni Kuya Mike na kinandong si Phoenix.
Lumabas kasi ito sa den na papaiyak na. Nung sundan ko, nagsusumbong sa mga naroon sa sala at naghahanap ng makakatalo sa akin sa Tekken.
Ayun at nakikigulo pati ang mga isip-batang barkada ni Ate.
"Geh nga! Pag nanalo si Mike, sasagutin mo na si Rob!" sundot ni Kuya Jeff.
"Bakit napasok sa usapan yan?" napipikon kong sabi.
"Tsaka bakit pati ako nadamay?" reklamo ni Singkit.
"Takot ka, Bunso?" si Kuya Erol.
"Hindi yun. E batang Play Station yan si Kuya Mike. Tsaka, bakit nga nasali yang halimaw na yan sa usapan? E magaling din yan sa PS." turo ko pa kay Rob. "Kayo yata may crush dyan. E di inyo na!"
Naiinis ako kasi palagi akong tinutulak ng mga animales na ito kay Rob.
"Wag na. Selosa ka kaya. Selos ka nga lagi sa secretary ko," pang-aasar ni Kuya Mike.
Namula yata mukha ko, pero di ako basta magpapatalo. Excuse me!
"Sige, pustahan tayo pero sa kalye natin pag-usapan. Racing, hindi sa Tekken. Larong pambata ang Tekken. Oh ano? Partidahan ko kayo. Kayo pumili ng lugar."
E di hindi sila nakakibo agad.
Narinig kong tumawa si Kuya Reid, "Oh, sino lalaban kay Amasona? Unbeatable ang record nyan sa drag racing."
"FREIDRICH!" Saway ni Ate Andie. "Para kang sira. Kinukunsinti mo eh!"
"Hindi ah! May punto si Juno. Mabigat na pusta para sa kanya na sagutin ang kaibigan ko. E di pagbigyan natin sa laro na gusto nya. So, sino ang lalaban kay Jun? Pupusta ak—Ouch!"
Kinurot ito ni Ate Andie sa ilalim ng braso.
"I will," sagot ni Rob. "Pero kasal ang gusto ko."
Biglang hiyawan sina Kuya Aris. Pumapalakpak pa!
"AYOOOWN!"
Mga bwiset!
"Ayoko!" Asar kong sabi.
Pati si Ate Andie, natatawa na.
Nag-about face na ako pabalik sa den, "Phoenix, 'lika na sa den."
"Takot sa akin ang Dyosa ng Drag Racing?"
Pinanliitan ko ng mata si Rob. Nagpipigil ito ng ngiti.
Bigla akong bumalik at tinantuan ang halimaw, "Pag ako ang nanalo, tatantanan mo na ako, deal?"
Natahimik uli sila. At nabura ang pang-asar na ngisi ni Rob.
Parang gusto kong magsisi sa sinabi ko nung may hapdi na dumaan sa mata nya, na agad nya ring nabawi.
Tumikhim ito, "Well... that is something I have to think about."
Dinaan ko na lang sa pag-irap. "Ge, take your time. Pag-isipan mo."
Kinuha ko na si Phoenix pabalik sa den.
Hindi na uli na-brought up ang usapang yun. Although, balik pa rin kami sa routine ni Rob at mga pang-aasar nung mga barkada ni Ate.
Minsan nga nagsusumbong ako kina Paul at Troy.
"Ikaw naman. Di ka na nasanay," sabi ni Paul.
Nasa shop kami. Katatapos lang mag-usap tungkol sa progress ng business naming tatlo.
"Bakit ba masyado kang apektado? Gusto mo naman kasi, ewan ko sa inaarte mo. Aray naman!"
Sinuntok ko kasi sa balikat.
"Nakakainis kaya. Kahit may ibang tao. Nakakahiya."
Kinuwento ko sa kanila yung pang-aasar nina Kuya Mike sa akin nung birthday ni Ate Andie two days ago sa Galaxy Resort. At may mga bisita pa man din. Ang nakakasuya lalo, pati yung ibang bisita, nakikiasar din ng pasimple. Sarap pagtatadyakan! Ito namang si Rob, grabe pa sumakay. Nag-walk out tuloy ako ng wala sa oras. At di ko sya pinagpapapansin buong araw sa villa kahit dun din sya natulog. Isa pa, naiinis ako dito. Sana isinama nya si Robin para may kalaro yung anak nya. Tsaka kahit papano, nami-miss ko naman yung bata. Maaga akong umalis sa villa para takasan sya. Hindi ko na hinintay ang paggising nina Ate tutal pupunta silang mag-anak sa Baguio.
Muklang di na pinapansin ni Rob ang mga topak ko. Basta ganun pa rin ang gawi.
Ang sama nito, nakakasanayan ko na talaga na para na lang syang kabute na susulpot sa office, sa duplex o sa villa. Nagiging routine na namin ang susungitan ko sya tapos tatawanan nya lang ako.
Lord, ano bang gagawin ko sa halimaw na ito?
Gaga, sagutin mo na kasi tapos pakasal na kayo! Ang dami mong arte!
Eto na naman ang utak ko na si Rob yata ang naglagay sa ulo ko. Laging sa halimaw nakakampi.
Willing ka nang bigyan ng second chance, di ba? Overhaul and restart again, yun nga ang nakasulat sa birthday card mo para sa kanya, di ba? Di ba?!
Eh bakit kasi naglilihm sya sa wedding ring nya?
Bakit di mo tanungin, aber?!
Naitakip ko nang madiin ang unan sa mukha ko.
Di ko magawang itanong. Natatakot na akong alamin. Kailangan ko munang mag-ipon ng tatag ng loob.
Hindi ko lang inaamin kina Ate, Paul at Troy, parang apa ng ice cream ang pakiramdam ko sa nangyari sa amin ni Rob. Isang pitik na lang, durog na talaga ako. Kaya, di ko kayang magtanong pa muna.
Pinagtatakpan ko lang nang pagsusungit. Isinasantabi ko at ginagawa kong busy ang sarili ko para di ko masyadong maisip.
Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. Yung training ko sa MonKho. Dapat this year, kukuha na ako ng licensure exam eh. Parang back to square one ako. Ang dami kong hahabulin. Kahit sa KM at dojo, feeling ko, bumaba pati ang skill level ko.
So far, nagagawa ko naman ang mga yun nung mga sumunod na araw. Si Paul at Troy, hindi na rin kumontra nung kumuha ako nang tatlong session sa isang race track para makapag-practice ng driving.
Nung feeling ko eh nagsisimula na akong maging steady sa personal goals ko, muntik na naman kaming magsabong ni Rob sa isyung pinag-aawayan din ni Ate Andie at Kuya Aris.
"Ano'ng ginawa mo kay Ate? Tumawag sa akin, umiiyak!" galit na bungad ko nung sugurin ko si Singkit sa office nya.
Kasunod ko lang ang dalawa ko pang boss.
"Kayo, tinawagan din kayo ni Andz?" ang tanong ni Singkit sa dalawa.
Umiling sila.
"Nasalubong namin si Bunso eh. Namumula, pasugod dito. Baka magulpi ka uli," natatawang sabi ni Kuya Mike.
"Sinundan namin, para may referee," sundot ni Kuya Jeff.
Nag-dirty finger sa kanila si Kuya Aris.
"Ano na, Kuya Aris?" Mainit ko pa ring sabi.
Pinaupo nya kami at nagsabi kay Kuya Mike na magli-leave sya para pumuntang Negros. May kinalaman sa iniiyak at kinagagalit ni Ate Andie sa kanya. At may pinabasa sya sa aming email galing sa Agoncillo Agency.
Ayun nga muntik ko syang mabato ng laptop kung di pa ako inawat nung dalawa nyang kaibigan.
Gusto ko na ngang sumama sa Negros!
"Hindi pwede. Guguluhin mo lang ako. Tsaka ayusin mo muna yang lovelife mo bago ka makelam sa personal ko," pambabara sa akin.
"Tangnang lablayp yan!" ang sabi ko lang.
Saka ko tinawagan si Rob. Ayaw nya rin akong bigyan ng impormasyon.
"Don't meddle with Kho's and your sister's war, Jun."
"Tangna! Parang kapatid ko na rin si—"
"Instead of sticking your nose into their business, yung sa atin na lang pag-usapan natin," putol nya sa sasabihin ko.
"Letse!"
Kahit si Ate Andie, pinayuhan ako na sya na ang bahala sa isyung yun. Malapit na akong mainis kasi,
"Mas bigyan mo nang time ang goals mo ngayon, pati si Rob. Bisitahin mo rin si Robin. Nami-miss ka rin nun."
Asar!
Makalipas ang ilang araw, nabalitaan ko na nasa villa na pala si Madel.
Nagpunta ako dun para kumustahin sya.
Hindi ko pinahalata ang pagkabigla ko nung makita sya at anak nito.
Ginawa naming maging maganda ang atmospera para kay Madel at Emma.
Atmosperang nasira dahil sa isang komento na naman ni Rob na ang ending sa aming dalawa na naman napunta ang tuksuhan. Nabato ko nga ng throw pillow si Kuya Aris. Tuksuhan na lumala nung sumunod ang halimaw sa den nung yayain ko ang mga bata na maglaro ng Tekken.
Pasimple kaming nag-aaway ni Rob na hindi halata ng mga bata. Mabuti at busy ang mga ito sa paglalaro.
"Ni hindi nyo ako sinabihan na ngayon nyo susunduin si Madel!" nasa may wine and bar counter kami nag-uusap.
"I won't risk your safety again, Jun."
"Pero lalaban ka sa akin ng karera na sabi mo noon eh delikado? Inconsistent ka rin eh!"
"I'm not, Jun. Ikaw ang inconsistent. Mahal mo naman ako pero lagi mong tinatanggi."
"Kapal mo!"
"I have a proof. I got the birthday card you made for me. You left it on the floor in your room before you went on your weeks of road trip."
Napatanga ako sa kanya.
"Close your mouth, love. Or I'll make it shut with a kiss."
Pinanliitan ko sya ng mata.
"I just don't know why a fucking picture of me wearing a wedding ring suddenly changed your 'overhaul and restart' proposition."
Di ako nagkomento.
"The problem with you is you don't ask. Nung mga pagkakataon na gusto kong sabihin sa iyo ang lahat, ayaw mong makinig."
"Dahil hindi ko kayang marinig!" Napataas ang boses ko.
"Tita Dyosa, are you mad?"
Nakagat ko ang labi ko sa tanong ni Hope. Nakatingin na rin ang lahat ng bata sa amin.
"Hindi, baby. Sige, laro lang kayo," kaswal kong sabi.
Saka ko binalingan si Rob, "Shut up ka na ha!"
"No, Jun. I will still pursue you because I have all the aces. And one day, I'll drag you somewhere so you'd know you should have listened. I'm just waiting for you to be ready," seryoso nyang sabi.
=============
Cross over with CR 2, 7, 11 and 16 (part of Aris' flashback)
=============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro