82 Jr.
Again UD at 6k+ words.
Sorry, inabot halos ako nang 5 days!
Salamat sa walang sawang paghihintay!
Dedicating this chapter to Marga. :)
Ayan! Sobra pa sa premyong UD na request mo! LOLZ!
==============
"Jun... Love..."
Narinig ko si Rob sa phone, pero wala na sa kanya ang atensyon ko.
"Wait," yun lang ang sinabi ko.
May isang uniformed na babae ang kasunod pala nung doctor. Di ako sigurado kung nurse o yaya dahil puting slacks at blouse ang suot. Kinuha ang bata kay Tita Rhea.
"Wag lakwatsero, baby ha?" sabi pa nung doctor na inihatid sila sa parang common secretary/receptionist nang mga clinics sa loob. Ito pa mismo ang nag-abot nung baby record nung baby dun sa secretary na inilagay naman sa isang filing drawer.
Mukhang importanteng patient client nito ang mga Agoncillo para pag-aksayahan nya nang ganung oras.
Pinisil uli nung pedia ang bata pero sa bandang legs na, "You need to rest more. No travel for you."
Tumawa si Tita Rhea. "Oh no, he won't. Robin will be staying with us for good. His Mom's the one to visit, if she gets to step back in the country."
Naglakad na sila papunta sa pinto.
"Jun!" May kalakasang tawag na ni Rob.
"T-teka..." sabi ko uli.
Gusto ko sanang tumayo para lumapit kina Tita Rhea pero parang nanigas ang bewang ko pababa sa talampakan ko kaya nanatili ako sa pagkakaupo.
Isa pa, nauumpisahan nang pumintig ng ulo ko.
Kaya pilit ko na lang pinakikinggan ang pag-uusap ni Tita Rhea at nung pedia. Kaya lang putul-putol na ang narinig ko kasi malaiban sa may distansya na sila sa akin, medyo maingay din sa reception-waiting area dahil sa mga nag-uusap na mga tao at nakabukas yung wall-mounted LED TV.
"... I'm ... rounds later ... thunder... we'll call you... any changes..."
"Juno dela Cruz?" Tawag nung doctor ko na sumungaw sa pinto ng consultation room nya.
Sabay sa pagkabog ng dibdib ko ay ang paglingon ni Tita Rhea na nanlaki ang mata.
Narinig nyang tinawag ang pangalan ko!
Alam nya na may narinig ako dahil napatingin sya kung saang pinto ako malapit nakaupo.
"J-juno...i-iha..." puno nang pag-aalala ang boses nya.
Dahan-dahan akong tumayo at tumango sa kanya nang marahan, "G-good a-afternoon po."
Shit! Nahihilo ako!
Pinilit kong i-steady ang pagtayo, "Ano... uhm...pasok lang po ako sa loob."
Hindi ko na hinintay ang sagot nya. Tumalikod na ako at para pumasok sana sa loob nang clinic ng doktor ko pero tila tumanggi ang paa ko.
"D-doc..." tawag ko dahil nakatayo pa ito sa pinto nung clinic nya. "Uhm... paki... paki-cancel po muna."
Hindi ko kayang makipag-usap ngayon tungkol sa clearance ko.
Sari-sari ang mga pumapasok sa utak ko.
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong nung doctor kasi napahawak na ako sa noo ko.
"I-ipa-pa-charge ko na lang. S-sige po," sa halip ay sagot ko.
Naramdaman ko ang pag-vibrate nang phone ko. Sumisigaw na si Rob.
Pinatay ko ang tawag nya at mabilis na naglakad sa receptionist-secretary.
"P-paki-bill na lang yung cancelled appointment ko sa..."
Shit! Napapikit ako ng mariin.
"Juno... mag-usap muna tayo," si Tita Rhea,
Napatingin ako sa kanya.
Pero si Tamara ang nakita. Nakaluhod sa harap ko.
"Juno... Hindi... hindi ko kayang... mawawala sa akin si Robbie. Lalo na ngayong magkaka-baby na kami." Napahikbi ito, "I'm begging you, Juno...ibigay mo na sya sa akin ng tuluyan."
"A-ano?" Nalilito kong sabi.
Napapikit uli ako ng mariin. Si Tita Rhea uli ang nasa harapan ko.
"Let me explain, Jun," nanginig ang boses nito. "I'll...I'll call Rob."
Napahawak na ako sa desk nung receptionist. Nahihilo na ako dala siguro nang pagsakit ng ulo ko.
"H-hindi na p-po. Wal-walang mababago. K-kasal na po ang a-anak nyo..."
Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Kaya mabilis ko iyong natakpan.
"Oh my God!" mahina nyang anas.
"Ex-excuse po, Tita," sabi ko at nilampasan ito.
"Oh my God!" Sabi nya uli. "Juno... iha!"
Hindi ko alam kung sino o ano yung kinapitan ko para makarating sa pinto.
Nadaanan ko yung nakaputing babae na may karga dun sa baby. Saglit ko itong tiningnan.
"Tamara, yuko! Yuko!"
"JUN... WAG KA LUMAPIT SA KANYA!!!"
"Tamara, may tama ka!"
"Tamara, magsalita ka! Saan may masakit sa iyo?"
"Tamara, wake up! Ang baby mo! Saan ka tinamaan?!"
Napakurap uli ako ng ilang beses.
Inalog ko pa ang ulo ko gamit ang isa kong palad.
Humakbang na ako palayo sa lugar na yun na gumagabay sa dingding ng hospital hall.
Naririnig ko pa si Tita Rhea na tinatawag ako pero di na ako lumingon.
Nag-vibrate ang cp kong hawak.
Wala sa sarili na sinagot ko yun.
"Jun...love...nasaan ka?"
"Robinson... Jr... Robinson Jr..." wala pa rin sa sarili kong sabi sa kanya.
"Jun..." nanginig ang boses ni Rob. "Nasaan ka?!"
"Robinson Jr..." parang tanga kong ulit.
Shit! Umiiyak na pala ako.
"Love...wait for me. Pupunta ako dyan. Alam kong nasa St. Luke's ka pa. Wag kang aalis!"
Bigla akong nag-snap, "SINO SI ROBINSON JR.!?!"
Lalong nabasag ang boses nito, "I'll... I'll explain later. Wait for me, Jun. Please!'
"G-gagawin mo akong k-kabit mo, Rob?" otomatikong lumabas sa bibig ko.
Napasinghap ito, "Oh my God! .... Jesus!"
"Kaya ko ring gawin yun para sa iyo, Rob. Ang protektahan ang kredo ng pamilya nyo. Na ... na walang batang Agoncillo ang magiging... b-bastardo. Kaya mo nga pinakasalan si Tamara, di ba? Igagalang ko ang desisyon mo. K-kahit masakit. Kasi, gusto ko ring magkaroon ng pamilya ... mga anak ... pero kapag tayo ... bastardo ang kalalabasan nila."
Napahagulgol na 'ko sa palad ko.
Bakit ko sinasabi ang mga salitang ito?!
"Aaaaahhhh!!!" Sigaw ko na nag-echo sa hallway. Napasabunot ako sa buhok ko.
Pa-squat akong napaupo malapit sa may elevator. Ang sakit-sakit na nang ulo ko.
"JUNO!!!" malakas ni sabi ni Rob.
Pinatayan ko sya ng tawag. Saka ako nag-dial.
"Oh, Jun?"
"Troy...Troy..." hagulgol ko.
"Putang...! Ano'ng nangyari?!" Naalarma si Troy.
Humagulgol ako, ""May...i- ibang n-nakahuli sa hina-hunting kong p-pokemon."
"Oh, fuck!" bulong ni Troy.
"Wala. Wala kayong gagawin sa kanya. Kasalanan ko rin."
Parang ang nonsense na nang mga sinasabi ko. Kaya lang, 'matik silang lumalabas sa bibig ko.
"Nabigla lang si Rob. Maiisip nya rin na mali ang mga sinabi nya. B-bago pa lang kasi...d-dapat kasi... di na 'ko ... nagpilit na lumapit. Para b-buo na ang loob nya. S-sinira ko pa."
"Shit! Shit! Tatawagan ko si Paul. Pupuntahan ka namin! Nasa'n ka?!"
"Sa... sa Las Vegas..."
"Huh?! Ano'ng ... Bakit ka—"
"Sa Las Vegas sila n-nagpakasal. B-buntis si Tamara," tapos napahagulgol uli ako sa isang palad ko.
"Putang ina!"
"Ang ...sakit! Ang sakit-sakit!" iyak ko uli.
"Nasa'n ka?!"
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse.
Di na ako makasagot. Magkahalong matinding hilo, sakit sa ulo at sa dibdib ang nararamdaman ko.
Sumasakit ang ulo ko sa dami nang mga imahe na pumapasok sa isip ko.
Sarili kong boses ang huli kong narinig dala nang malakas na pagdaing.
Ang sunod, puro dilim. Tapos ang boses namin ni Caloy.
"You have to meet this person. Siya ang tutulong sa iyo para mawala kung anuman yang negatibong nararamdaman mo ngayon."
"Uhm... babae o lalaki?"
"Lalaki."
"Pogi?"
"Baliw ka talaga!"
"She's been out for more than twenty-four hours," boses ni Ate Andie.
Ganun katagal na naman akong tulog?
Hindi bale. Sa palagay ko, hindi na mauulit ito. Himala nga na wala akong nararamdamang kahit ano sa ulo ko.
Yun nga lang siguro ang nagpapasakit at nagpapahilo sa akin.
Ang matinding paglaban ng utak ko para i-deny ang lahat. Alam ko pala lahat. Sobrang in denial lang ako na pinaniwala ko ang sarili ko hindi ko naaalala. Kasi, sobrang sakit.
Sa sobrang sakit yung parang namanhid na ako. Kaya walang pagdadalawang-isip akong humarang para protektahan si Tamara... para sa anak ni Rob. Akala ko kasi, sa sobrang manhid, wala ako mararamdamang sakit kung ako ang tatamaan.
Well, hindi ko nga pala naramdaman. Hindi ko nga alam na tinamaan ako ... kung hindi pa hinawakan ni Tamara ang dugo sa leeg ko.
"All her vital signs are perfectly normal. Even her lab tests. Don't worry..." sabi nung doctor.
Dumilat ako. Nasa paanansila ng hospital bed ko.
"...she will wake up soon,"dumako ang mata nito sa akin tapos tumaas ang dalawang kilay at ngumiti. "Like now. Good morning," tuloy bati nito.
"Jun!"
Sabay na sabi ni Ate Andie, at tatlo pang lalaki na yung isa ay nasa tabi ko lang pala.
Si Rob.
Bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo sa isang stool, kapit ang palad ko.
Otomatikong binawi ko ang kamay ko. Lahat sila natigilan.
"L-love...?" may kinig sa boses nyang sabi.
"Wag mo na 'kong tatawagin ng ganyan..." matamlay kong sabi.
Tumagilid ako ng pwesto patalikod kay Rob.
"Bunso..." lumapit na si Ate Andie sa bedside ko."Musta na pakiramdam mo?"
Hinaplos nya ang buhok ko. Halata na galing na naman ito sa pag-iyak.
Hindi ko magawang magalit kay Ate kahit alam kong kasali sa paglilihim sa akin.
Naiintindihan ko. Kasi ganun din ang ginawa ko noon nung malaki ang problema nila ni Kuya Reid at Kuya Aris.
Ayoko kasing masasaktan sya at pakiramdam ko noon, mas tamang si Kuya Reid ang magsabi sa kanya nung totoo.
Pero, iba pala kapag ako na mismo ang nasa ganung sitwasyon. Alam kong may gustong ipaliwanag si Rob. Pero di pa ako handang makinig kung bakit sya nag-propose sa akin, ganung may asawa na sya. Nasa ibang bansa lang. Malamang sa Amerika. Kaya siguro sya nagpunta dun para kunin si Robinson Jr. at ayaw ibigay ni Tamara, kaya umabot sila sa korte.
"Ate... gusto ko na umuwi," sabi ko.
"May kalahati pa ang dextrose mo. Paubos muna natin, ha?" Malambing nyang sabi.
Napatingin ako sa kaliwang kamay ko kung saan nakakabit yung IV line. Nakita ko ang engagement ring namin ni Rob. Biglang umantak ang pakiramdam ko.
"J-jun..." sabi ni Rob.
Si Ate napasinghap.
Hinubad ko kasi ang singsing nya.
"Ate... pakibalik na lang."
Atubili syang abutin yun pero ginawa nya sabay tingin sa likod ko. Kay Rob.
"Jun naman..." gumaralgal na ang boses ni Rob na pinisil ang balikat ko.
Pinalis ko yun.
"Ate, palabasin mo sya. Ayoko muna syang makita."
"Juno..." si Kuya Reid
"Alam ko na, Kuya... Ate. Naalala ko na lahat," tapos napangiti ako nang mapait. "Malaki na pala sya. Tsaka ang cute."
Hindi sila nakakibo.
"At least... at least..." nanginig ang boses ko. "Hindi nasayang ang ... ang lampas isang taon kong pagtulog."
"Jun naman. Let me explain," pakiusap ni Rob.
Pero tinakpan ko ang dalawa kong tenga.
"She doesn't want to see you," nagsalita na si Paul.
"Stay out if this!" galit na sabi ni Rob.
"Sinabi namin noon sa iyo," singit ni Troy. "Pag gising ni Jun at ayaw nya, gigitna na kami ni Paul. Ngayon lang sya totoong nagising."
"We only agreed with your charades because she didn't remember. At bawal pa sa kanya ang magkaroon ng emotional stress," si Paul.
"YOU DON'T KNOW WHAT THE REAL FUCKING SITUATION IS!!!" Bulyaw ni Rob sa mga ito.
"TAMA NAAA!!!" Sigaw ko rin na lalong diniinan ang mga palad sa tenga ko. "PARANG AWA NYO NA, TAMA NA!!!"
Naiyak na ako.
"J-jun..."
Sabay na sabi ni Ate at Rob.
Hindi nagsasalita sina Paul at Troy.
Tumikhim ang doctor, "The patient can't be strained out."
Kinabig ako ni Ate sa dibdib nya, at hinimas sa likod.
"Okay ... tama na, Bunso," naiiyak nyang sabi. "I'm sorry din."
Yumakap ako pabalik, "Ate... Ate..."
"Rob, come," si Kuya Reid. "Let's talk outside."
Narinig ko ang marahas na pagbuga ni Rob ng hangin. Pumikit ako nung nasa line of sight ko na sya. Ayoko muna syang makita. Kahit likod nya. E ano pa kung nakatingin sya sa akin ngayon?
"Jun, look at me!"
'Tragis naman, oo! Lalo akong pumikit ng mariin at itinago ang mukha ko sa bisig ni Ate Andie.
"Ate, paalisin mo na sya."
"Juno!" tawag uli ni Rob.
"Lumabas ka na! Ayaw nga nya eh!" sabat na naman ni Paul.
"Shut up!" singhal ni Rob dito.
"Mr. Agoncillo, you need to go out for the meantime," sabi nung doktor.
"Half... Sige na... sige na!" Susog ni Ate sa asawa.
"Rob, halika na."
"Damn it!" madiing sabi ni Rob, kasabay ang paglagabog ng kung ano.
Medyo na tense ang katawan ni Ate pero lalo nya akong niyakap ng mahigpit.
"Ayos ka lang?" mahinahong sabi nya nung marinig kong sumara ang pinto.
"Ate...uwi na 'ko. Uwi na 'ko, please!" Parang bata kong sabi.
"Sige," bumaling si Ate sa doktor ko, "Doc?"
Mahigit-kumulang isang oras, tinatanggal na ang dextrose sa kamay ko. Pumirma lang ako ng waiver na ako ang kusang-loob na magpa-discharge na wala pang rekomendasyon galing sa doktor ko.
Nagbilin na lang ito na kung may mararamdaman uli akong kakaiba, lalo ang pananakit ng ulo o kahit pagkahilo, bumalik ako sa ospital.
Si Troy ang nagdala ng gamit ko. At kay Paul ako kumapit nung papalabas na kami ng hospital suite.
"Jun, wag ka na muna kaya umuwi sa duplex bukas ng gabi," si Ate Andie. Malapit na kami sa main entrance ng ospital kung saan naghihintay ang sasakyan naming. "Sa villa ka muna."
Ito ang dahilan kaya tumanggi ako gumamit ng wheelchair papalabas kahit standard yun ng ospital. Gusto kong ipakita na kaya ko na.
"Uhm... Ate..."
" J-jun..."
Si Rob. Andun pa rin pala sya. Akala ko umuwi na pagkatapos nila mag-usap ni Kuya Reid.
Na-tense agad ang katawan ko. Bigla akong kumapit ng mahigpit sa braso ni Paul. Kinalas naman nya ang kamay ko at inakbayan ako sa halip kaya sa bewang nya ako yumakap.
"Ate... kina P-Paul ako uuwi."
Napalingon sa akin si Ate Andie. "Jun?"
"A-ano kasi... ayokong makikita ako ng mga bata, lalo na si Hopia na ganito ako."
"Then let's talk. Hear me out first, please!" Singit pakiusap ni Rob.
"Hindi naming papabayaan si Juno, Andie," sabi ni Paul na di pinansin si Rob. "Andun naman si Mama sa bahay. May sariling kuwarto si Jun sa bahay."
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Ate sa akin, kay Paul at kay Rob.
"Ate..." mahina kong tawag. Isang salita na puno ng pakiusap.
Nagbuntung-hininga ito. "S-sige. Pero tatawag ka lagi sa akin. Araw-araw, ok?"
Napangiti ako at tumango, "Salamat, 'Te."
"Jun naman!" Reklamo uli ni Rob.
Natigilan ako saglit. "Troy...akina na muna yung backpack ko."
"Bakit? Ako na magdadala," sagot ni Troy.
"Ano... pakikuha nung cp dyan. Pakibalik kay ... sa kanya," saglit kong itinuro nang mata ko si Rob.
"For Pete's sake, Juno! Mag-usap naman muna tayo!" Frustrated nyang sabi.
Di ko sya pinansin. "Sige na, Troy. Pakibalik na. Tsaka, halika na. Nakaharang tayo sa daan."
"Damn it! Damn it!" mahinang mura ni Rob na sumunod na lang sa amin na hindi kinuha yung cellphone kay Troy.
"Jun, ano ba? Pakinggan mo naman muna ako!" hinawakan nya ako sa braso nung pagbuksan ako ng pinto ni Paul sa shotgun.
"Rob, ano ba?" Piksi ko.
"Ayaw nya. Wag mo ipilit!" halata ko na ang asar sa boses ni Paul.
Lumapit na rin si Troy matapos ilagay ang bag ko sa kotse nyang dala.
"Hindi ikaw ang kausap ko!" Singhal ni Rob pabalik.
"Mapilit ka eh!" Mainit na rin na sumingit si Troy.
"Paul...Troy..." awat ko.
"Stay out of this, you two!" Gigil na ring sagot ni Rob.
"Hindi pwedeng hindi kami makialam! Ayaw ni Jun. Sinabi namin sa 'yo—"
"Wala kayong karapatan at pakialam!" Umabante na si Rob palapit sa dalawa.
"Meron!" Matigas na sabi ni Paul. Kahit alam nyang lugi silang dalawa ni Troy kay Rob."Best friends kami ni Jun. At kung hihilingin nyang magkabalikan kami ngayon, oo na magiging sagot ko!"
"You fucki—"
Gumitna agad ako para harangan si Rob dahil umangat na agad ang kamao nito.
Huminto ang suntok nya sa ere pero umabante na rin sina Paul at Troy.
"PLEASE ... WAG!"
Napasigaw na ako. Sabay yakap kay Rob.
Hindi ko kayang awatin kung dalawa sina Paul at Troy.
Iba pala kapag malalapit na tao sa puso mo ang nag-aaway.
Maliban sa parang nanginig ako, baka masaktan ko ang best friends ko nang hindi intensyonal.
Tulad nang inaasahan ko, umatras sina Paul.
"Jun... come with me, please!" Mahinang pakiusap sa akin ni Rob.Bigla akong napabitaw sa pagkakayakap ko sa bewang nya pero nanatili syang nakayakap sa akin.
Tinulak ko sya sa dibdib, "Ayoko... hindi ... hindi na t-tayo pwede."
"Sino'ng maysabi sa 'yo?" Nagsimulang mamula ang mata nya kaya umiwas ako ng tingin at tinulak ko uli sa dibdib.
"Bitawan mo 'ko, Rob."
"Ako sa lahat ang higit na may karapatan sa 'yo, Jun!"
"ROB!"
Sabay na saway ni Ate Andie at Kuya Reid. Nahuli ko ang pagbabanta sa mga mata ng mag-asawa.
"Bitawan mo ang kapatid ko, Rob," malumanay lang yun pero ramdam ko ang tagong otoridad doon.
"Give her time. She's still in shock," sabi ni Kuya Reid. "Nag-usap na tayo kanina, di ba?"
"AYOKO!"
Napapikit ako ng mariin.
Naalala ko na naman kung paano nya tanggihan ang Daddy nya noon sa bahay nila na bitawan ako nung gabing malaman ko ang totoo.
Ganitung-ganito rin yun.
Nagmamatigas si Rob.
Kung nagawa nyang suwayin ang Daddy nya noon, ano pa si Kuya Reid at si Ate Andie?
Kaya, "Rob...wag ngayon. Promise, makikipag-usap ako sa 'yo. Di ko pa lang kaya ngayon. Kasi ... kasi ang sakit-sakit pa."
Napaiyak na ako sa palad ko.
"Ang tagal na nun, Jun. Marami na'ng nangyari," frustrated nyang sabi.
"Rob!" si Ate uli.
"Tulog ako. Parang kahapon lang sa akin yun," umiiyak kong sagot.
Saka nya ako niyakap ng mahigpit, "Kailan? Saan?"
"Ewan ko. Basta!"
Marahas syang napabuga ng hangin sa bibig, "Alright..."
Saka lumuwag ang yakap nya sa akin.
"Jun ... let's go," tawag ni Paul na pasimple na akong hinila sa braso.
Bago ako tuluyang bitawan ni Rob, nagbanta ito.
"Don't you dare, Paul dela Torre. Don't you dare snatch her away from me!"
"Or else?" Asar na singit ni Troy.
"I will kill both of you!"
"Robinson!" Saway ko.
Pati sina Ate Andie at Kuya Reid nabigla. "Ano?!"
"I will do it! Alam nyong pareho na kaya kong gawin. Malinis na trabaho. Walang magagawa ang drag racing community nyo kahit mga pulis!" Diretso nyang tiningnan sina Paul at Troy.
"Subukan mo, Rob!" Ako naman ang naasar. "Wag mong kakantiin ang mga kaibigan ko!"
Lalong nanliit ang mata ni Robinson kaya tinikom ko na ang bibig ko.
"Then don't even think of asking dela Torre to marry you!"
"At ikaw? Pwede magpakasal kung kanino mo gusto?! Putang ina!"
Kasabay nang pagtaas ng boses ko ay ang panginginig nun at pagtulo uli ng luha ko.
Bumuka ang bibig ni Rob pero may kung anong pumigil sa kanya para di ituloy ang sasabihin.
Tapos tumalikod na ito at galit na sumakay sa Audi nya.
Halos hingalin ako sa galit. Ang kapal ng mukha!
Lumapit si Ate sa aming magkakaibigan.
"Salamat sa loyalty nyo sa kapatid ko," sabi nya sa mga kaibigan ko. "Pero ... sooner or later, kailangan nilang mag-usap dalawa."
Hindi nakakibo sina Paul at Troy.
Tapos bumaling sa akin, "Give your self time to calm down, Jun. Then talk to Rob."
"Alam ko na namang lahat. Nag-usap na kami noong malaman ko. Kaya nga ako nagkasakit nang isang linggo."
Ngumiti si Ate nang may kung anong kahulugan sabay hinaplos ang buhok ko, "Matagal kang natulog, Bunso. Marami kang na-miss out."
"A-Ate...Ano'ng—"
Tinakip nya ang isang daliri sa labi ko, "Tulad ng ginawa mo noon sa amin ni Half, igagalang ko ang isang usapan na dapat e sa pagitan nyo ni Rob. Naalala mo ang sinabi ko sa iyo nung mamatay si Caloy?"
Kumunot ang noo ko.
"Jun... lahat ng inaalagaan ng tama, yumayabong. Hindi lang yan applicable sa pag-ibig. Kasama ang pagtitiwala, pagdadalamhati, at galit," ulit nya.
Napatingin ako sa paanan ko. Naalala ko ang mga pangaral na yun ni Ate. Mga pangaral na naisasantabi sa isip ko basta si Robinson na ang involve.
"A-ate ... kasi ... " nanginig ang boses ko.
"It's alright, Bunso. Parang bago uli sa iyo ang lahat. Take this time to think. Uulitin ko. Naiintindihan ko na nasasaktan at nalulungkot ka. Normal lang yun. But do not linger in misery. Mabigat sa pakiramdam. To be happy is a choice. Hindi ang paglimot ang mahirap dahil hindi totoong makakalimutan mo. Ang mga nangyari ang magsisilbing aral sa iyo. Yung pagpapatawad ang mabigat. Pero kung gusto mo, magagawa mo."
Nakasunod kami sa sasakyan nina Kuya Reid papunta sa villa para kumuha nang mga gamit ko, iniisip ko ang huling sinabi ni Ate sa akin.
Sinabi nya rin sa akin ang mga salitang yun noong namatay si Caloy. Pero may naiba. Hindi nya binigyang diin ang bagay na kailangan ko ngayon – ang pag-move on. Mas kailangan ko ngayon ang mga salitang yun, pero mas mabigat ang mga salita ni Ate Andie sa pagpapatawad.
Bakit?
Saka ko naisip.
Ganun nga rin pala ako noon kay Kuya Reid. Mas madali ko syang napatawad nung malaman ko ang pagtatapat nya. Hindi naman kasi ako ang taong karelasyon nya.
Pero teka. Ibig sabihin ba, may ipinagtapat si Rob kay Ate Andie na ...
Oo nga pala. Sinabi ni Ate na may may dapat kaming pag-usapan ni Rob na kami lang dalawa.
Kaya lang, wag nga muna. Tama rin si Ate. Parang bago lang uli sa akin ang lahat kaya gamitin ko ang panahon na hinayaan ako ni Ate sa poder ng mga kaibigan ko para makapag-isip.
Kumuha lang ako ng ilang damit ko sa villa para sa ilang araw.
"Ate, iwan ko na ito sa iyo. Bibili na lang ako ng bago," yung cellphone na pinalit ni Rob sa nasirang phone ko galing kay Caloy dati.
Kinuha naman nya yun.
"Jun, si Manang Delia na tumatao sa duplex, sasamahan ka muna nya dun nang one month pagbalik mo ha? Gusto ko lang na okay ka na talaga bago ka maiwan mag-isa uli."
Pumayag ako.
Nagpasalamat ako sa mag-asawa at humalik sa mga pamangkin ko bago umalis.
Hanggang makarating kina Paul, nakasunod sa amin si Rob. Although, di sya bumaba ng kotse nya pagpasok namin sa loob ng garahe.
Napakamot na lang ng batok si Paul dahil nailipat na pala ni Tita Pam ang ilang gamit nya sa guestroom.
"Pambihira naman, oh! Ako pa naging bisita sa bahay namin!"
"Ano kayong dalawa? Kayo na ba uli?" Simpleng sabi ni Tita Pam sa amin.
Napatingin ako sa kanila. Nahuli ko ang tago nilang pag-uusap sa tingin.
Kaya inungkat ko na, "Oo nga, Paul. Bakit mo sinabi yun kay Rob kanina?"
Nagtinginan uli silang tatlo bago tumango si Troy kay Paul.
"It was the night you were shot, Jun," ang sabi ni Paul matapos magpakawala ng malalim na buntunghininga. "I was so pissed off."
Biglang tumikhim si Troy at ito ang nagtuloy, "Sinabi ni Paul na dalawang beses ka nang nagsabi na kayo na lang uli. At paggising mo, papayag na si Paul... ano... kahit kasal pa hilingin mo."
Napadiin ako sa pagitan ng mata ko.
"Tsk! Sira tuktok ka rin eh. Kaya pala ganun sinabi nung halimaw na yun kanina. Buti di ka sinapak?"
"Well..."
"Well, ano?!"
"Tss, magpahinga ka na nga," si Troy na ang nag-dismiss sa usapan.
At tahimik akong umiiyak sa pagtulog nung gabing yun. So, maga ang mata ko kinabukasan.
Hindi nagkokomento sina Tita Pam at Paul nung dumulog ako sa hapag nung agahan. Sumabay akong magsimba sa mag-ina nung umaga. Pinahiram na lang ako ni Paul ng Ray Ban aviator para di makita ang eye bags ko.
Tapos hinatid namin si Tita Pam sa bahay nang isang kaibigan, bago kami nag-malling ni Paul. Bumili kami ng bago kong cellphone pero prepaid na lang ang kinuha ko para di madaling ma-trace ni Rob. At para madali ring magpalit ng number.
Lumipat ka na rin nang bahay, gaga! Alam nun kung saan ka nakatira. As if naman, di yun makakapasok sa bahay mo.
Ayan na naman ang kaaway kong utak!
Muntik akong mapairap.
Pero nagkaroon ako ng ideya.
Nagpunta kami sa Ace Hardware at bumili ako ng mga boltlocks para sa pinto sa maliit na veranda at sa mismong pinto ng kuwarto ko sa duplex. Hayaan na kahit di ako sanay mag-lock ng kuwarto ko.
Kahit makapasok si Rob sa bahay, at least sa kuwarto ko, hindi.
Para di ako mainip at masyadong magmukmok, hinahatid ako ni Paul sa shop namin tuwing umaga sa buong linggo na yun. Ito ang linggo na dapat eh pupunta kami ni Rob sa Palawan para mag-ocular visit sa dati naming practice area ni Caloy at alamin kung kanino dapat magpaalam sa 'joke' naming kasal. Pati dun sa bar kung saan kami unang nagkita. Tapos, pupunta kami uli kay Ninong Art.
E wala eh. Joke nga lang kasi. Biggest joke of my life! Tangna lang!
At lalong umantak ang pakiramdam ko nung sabihin ni Paul na ako ang magda-drive papunta sa shop at pauwi sa bahay nila kapag sinundo na nya ako.
Si Rob dapat yun eh. Yun ang usapan namin ni Rob kapag pumapasok na ako sa MonKho!
Sabi nga sa isang kanta ni Alanis Morissette yata yun: Life has a funny way of sneaking up on you when you think everything's okay and everything's going right.
Sa unang dalawang araw, kasama ko si Troy sa shop. Pagdating nang Miyerkules hanggang Biyernes, yung shop supervisor na lang ang kasama ko para tumulong slash makialam dun.
Kailangan din kasi nitong bumalik sa showroom nila.
At dahil freelance financial advisor, paminsan-minsan, pasulput-sulpot si Paul sa shop in between business hours para tingnan kung nagpapasaway daw ako.
Sira ulo din.
Pero alam ko ang totoo. Pareho sila ni Troy na tsine-check ako kung ayos lang ako. At kung ginagamit ko si Augie.
"Subukan mo, kutos ka sa 'ken!" Banta ni Troy nung tumawag ito sa shop mula sa showroom nila.
"Maayos naman akong nakapag-motor kahapon paikot dito sa block natin."
"Yun nga eh! Kaya pinatago ko yung susi ke Cris!"
"Kakainis naman eh!" reklamo ko.
Sinusungitan ko na kasi si Cris, yung shop supervisor dahil wala sa key vault ang susi ni Augie.
Malamang itinawag nya kay Troy kung ibibigay sa akin.
"Puta naman, Jun! Maghintay ka!" Asar na sabi. "Pag-uwi mo sa duplex sa Sunday, imaneho mo si Apo. Ako kay Augie para magamit mo na pagpasok sa MonKho. Angkas na lang ako kay Paul pauwi. Pero practice muna tayo ngayong weekend sa pagmomotor."
"Pramis yan ha? Pag di ka tumupad, susungalngalin talaga kita!" banta ko pa.
"Oo nga! Kuliiit!" nasusuyang sabi.
At sa mga araw na nasa shop ako, palaging may mga taga-DR scene na nagpupunta doon.
Yung iba, legit na may ipapaayos. Yung iba naman, ako talaga ang sinadya para kumustahin.
"Dami na namang kotse sa atin," sabi ni Cris. "Ayos yan. Parang advertising na rin. Mas mapapansin tayo kahit puro tambay mga tropa nyo dito."
Aliw naman dahil may dalang pagkain ang mga ito, lalo na at ice cream.
"Wow, saya naman! Daming tsibog!" sabi ko nung nagsipag-upuan kami sa mahabang bench na may mahaba ring upuan sa shop.
"Eh common knowledge naman sa community na malakas ka kumain," ang biro ni Rom.
Tropa ito ni Troy.
"Mga paksyet kayo!" sikmat ko pero nabuksan ko na agad yung isang pint ng ice cream dun.
Limang kotse ang dumating na taga-community pero dalawa lang may pagawa. Change oil nga lang eh.
"Sa'n sina Paul at Troy?"
"Si Troy, andun sa showroom ng pamilya nila. Si Paul, ewan ko. Malamang client meeting. Pero mamayang bago mag-six, susunduin na ako nun."
Nakunot ang noo nila, "Bakit di si Rob?"
Nagkibit ako ng balikat, "Uhm ... ganun eh."
Napatingin sila sa kamay ko dahil susubo ako ng ice cream. Inunahan ko na sila.
"Wala na kami ni Rob."
"Ha?! Eh... kaka-engage nyo lang wala pang two weeks ah," nagualt nilang sabi.
Kahit ang bigat sa dibdib ng pinag-uusapan namin, di ako nagpahalata.
"Ahm... basta. Pag di nga raw ukol, di talaga bubukol," sabi ko na lang.
Saglit silang natahimik, tapos...
"Nagkabalikan na ba kayo ni Paul?"
"No, they're not!"
Nanigas ang leeg ko. Ayoko lumingon.
Kasi ayokong umiyak. At pag umiyak ako, malamang ma-trigger itong mga taga-community.
Syete! E ayan na nga at nangilid agad ang luha sa mata ko.
Akala ko, tuwing gabi lang naa-activate ang tear glands ko. At akala ko rin, nauubos ko ang luha ko bago ako makatulog.
Akala ko lang pala!
"Uy, brod!" Tumayo agad ang isa sa kanila at kinamayan si Rob.
Alam ko namang nakakuha na rin si Rob ng respeto mula sa community ng drag racing mula pa noong huling karera namin ni Caloy at nung huling karera ko na ginulpi ko nang wagas si Danny.
Yung iba, tumayo din at tinapik lang si Rob sa balikat at yung ilan, tumango lang.
Tapos, ang mga animales, sabay-sabay pang tumikhim na nakatingin sa akin.
Sinamaan ko agad sila ng tingin.
Di ako makareklamo o makapagsalita.
Maliban sa hindi ako makahinga sa sobrang kabog ng puso ko at parang may nakabarang bato sa lalamunan ko, walang alam ang mga taga-DR scene na kasal na sa iba si Rob.
Pamilya at very close friends pa lang ang nakakaalam ng totoo... at wala akong balak na sa akin manggaling kung sakaling lumabas ang impormasyon na yun.
Napayuko ako para itago ang pagtulo ng luha ko nung yung isang ungas na tropa ni Troy na katabi ko eh umurong tapos...
"Dito ka na maupo," alok kay Rob.
"Salamat."
Naku talaga! Mapagsamantala rin ang halimaw eh!
Mabilis kong pinunasan ang luha ko tas napabilis ang pagkain ko sa ice cream.
"Mabulunan ka, love."
May mga nagpigil ng tawa.
Pinanaliman ko ng tingin kaya nag-shut up sila. Yun nga lang nahuli ko ang pagsisikuhan ng mga gago.
Kinikilig ba ang mga sira-ulong ito?
'Tragis! Parang mga babae rin pala ang mga lalaki kapag ganito.
Susko! E kung malaman kaya nilang may asawa na itong katabi ko, baka pumalo ang mga BP nang 200 over 120 ng mga tarantado!
Dinedma ko si Rob.
May nag-alok sa kanya ng pagkain na di nya tinanggihan. Tapos nilapag sa harap ko.
"Inuna mo pa yung ice cream. Eto muna oh."
Kakainis!
Sarap isampal sa fezlak nya yung fetuccine na nasa styro box tas isaksak ko sa ilong nya yung garlic bread!
"I'm good! No, thank you!" Pasuplada kong sagot.
May mga nagpigil na naman ng tawa.
'Tadong mga ito! Ginagawa kaming entertainment showcase ni Rob!
"Nag-i-English ka pala, Dyosa?" Natatawang tanong nung isang taga-DR.
"Paksyet ka ha!"
May natawa na talaga. Asar na asar ako. To the point na naiiyak na ako.
Kaya ang napagbuntunan ko si Rob, "Ba't andito ka?!"
Nagkibit lang ito ng balikat, "Eh... andito ka rin eh."
"Ayyiiiieee!" Tuksuhan nila.
Tapos ang mga animales, mahinang kumanta, "Muling ibalik ang tamis—"
"Tang ina hah!!!"
Natahimik sila kasi namumula na ako sabay tayo.
Iniwan ko sila dahil nag-init na rin ang mata ko.
"Luh... kayo kasi eh."
Narinig ko pang sisihan nila.
Padabog akong pumasok sa opisina ng shop at pinanlisikan ko na talaga ng mata si Cris.
"AKINA SUSI NI AUGIE KUNDI BABANATAN NA TALAGA KITA!"
Siguro nagulantang dahil may kausap sa phone at nakita nyang malapit nang tumulo ang pigil na pigil kong luha, binuksan nito ang drawer at kinuha dun ang hinihingi ko.
Pagkaabot nun, pumasok ako sa isa pang mas maliit na kuwarto dun na syang exclusive office para sa aming tatlo nina Paul at Troy. Dinampot ko sa couch yung hoodie cotton jacket na hinubad ko kanina at backpack ko. Tapos kinuha ang helmet ko sa ibabaw ng steel filing cabinet dun.
Napapakamot na lang ng batok si Cris nung madaanan ko uli habang ibinabalik ang handset ng phone sa cradle nito.
Binubuksan ko pa lang ang pinto, nagba-vibrate na ang cp ko. Saglit akong huminto para tingnan. Si Troy.
Pinatay ko ang tawag at ini-off ang cp ko.
Di ko yun sinagot. Basta nilingon ko si Cris, "Ambilis mo magsumbong ha!"
Napapailing na napasapo na lang ito sa ulo nung lumabas na ako ngang tuluyan.
Natanaw ko pa si Rob na may sinasabi sa mga taga-DR kasi tumatangu-tango ang mga ito.
Buti sa kabilang side ng shop naka-park si Augie.
Pinahid ko uli yung luha ko sa mata bago isuot ang helmet ko.
"Uy, si Dyosa!"
Narinig kong sabi nung isa dun nung alisin ko na ang trapal na cover ni Augie.
"Juno!" Malakas na tawag ni Rob. "Oh fuck!"
Di ko na pinansin. Ini-start ko kaagad si Augie at nag-U-turn para sa back entrance lumabas dahil humarang agad si Rob sa front entrance.
LAKOMPAKE!
Basta gusto ko munang malayo kay Rob. Masyado syang agresibo sa paglapit sa akin porke wala sa Pilipinas ang asawa nya.
Ayokong maging homewrecker. Lalo na at nakita ko na ang anak nila.
Parang gusto kong magalit pati sa sarili ko tuwing maiisip ko na um-oo ako sa proposal ni Rob. Pati sa mga nakakaalam na may asawa ito kasi wala silang ginawa para pigilan ang walanghya!
E kaso, di ko naman magawang magalit din. Una, di ko pa kasi naaalala. Pangalawa, di rin magawa nina Ate na salungatin ang ginawa ni Rob dahil sa iniiwasan nilang ma-stress ako since di pa talaga ako magaling that time.
Nagmenor ako at binuksan ang visor ng helmet para pahirin ang luha ko. Mahirap nang maaksidente.
Ayoko na uling mag-Sleeping Beauty at baka matuluyan na ako.
Kailangan ko pang makita yung boylet na sinabi ni Caloy.
Baka yun ang magiging poreber ko talaga!
Tangna ni Rob! Di lang sya ang lalaki sa mundo!
Weh! Pero si Rob lang ang gusto mo!
Ayan na naman ang kontra-bida kong utak.
Letse!
Napatingin ako sa side mirror ko.
Pucha naman! Ang bilis namang makasunod nang halimaw!
Naiiyak na naman tuloy ako. Mabilis kong sinara ang visor at huminga nang malalim. Ilang beses para di tumulo ang luha ko.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko at pinatatatag ang hawak ko sa manibela.
Nagtatalo ang isip ko.
Saan ako pupunta? Saan?
Di pwede ke Paul o Troy. Magpapang-abot talaga ang mga ito.
Sa duplex kaso baka di ako kilala nung Manang Delia eh hindi pa ako papasukin sa sarili kong bahay.
Masusundan at masusundan ako ni Rob eh!
Hanggang sa pumasok na ako sa gate nang Galaxy Resort... diretso sa gate nang villa.
Si Ate Andie at Kuya Reid lang ang pwede kong gawing pansalag ngayon kay Rob na walang bugbugang magaganap.
Pagtingin ko sa side mirror ko, nakasunod pa rin ang Audi ni Rob pero yung distansya, ganun pa rin mula kanina. Hindi sya nagtangkang mag-overtake or what. Basta nakasunod lang.
Takbo agad ako sa main door pag-park ko kay Augie malapit sa may front yard fountain.
Narinig ko na may tumutugtog ng piano.
"Ate! Ate Andie!" Tawag ko pagkahubad ng helmet ko.
Syet! Basang-basa pala ng luha ng mukha ko.
Tama ako. Si Ate nga.
Buti wala ang mga bata sa living room.
Napatayo agad sya nung makita ako.
"Ano'ng nangyari?" nag-aalala agad nyang tanong.
Yumakap ako sa kanya.
"Ate... si Rob... si Rob..." parang tanga kong sabi habang umiiyak. "Sunud sya nang sunod!"
Naramdaman ko ang pagbuntung-hininga ni Ate habang hinahaplos ang likod ko.
"JUN!"
Eto na nga ang halimaw!
"Paalisin mo sya, 'Te! Ayaw ko syang makita!"
Di ko ma-imagine na yung pinagkatapang-tapang ko dati, eh eto. Pagdating ke Robinson Sr, ubos!
"Jun naman!"
Ayan na yata ang paboritong linya ni Agoncillo.
"Ate...!" Naiyak na naman ako habang napapapadyak na ako habang nakayakap dito.
Ayoko kasing lingunin si Rob.
"Mag-usap naman tayo, Jun! Please! Ang tagal ko nang naghihintay!" Frustrated na sabi pa.
"Mag-iisang linggo pa lang!" Asar kong sagot.
"Jun, wag ka sumigaw sa tenga ko," saway ni Ate Andie.
Oo nga pala! Nakayakap pa ako sa kanya.
Bwisit kasing Agoncillo ito.
"No, Jun. Not one week. I've been waiting for more than a year now to tell y—"
"Rob!" Sansala ni Ate. "Dun tayo sa library."
"Ate! Ayaw!"
"Juno! Para kang bata ha!" sermon na ni Ate Andie. Pero nakayakap pa rin at hinihimas ako sa buhok at likod.
Napaiyak na lang uli ako sa leeg nya.
"Sige na, Bunso," biglang paglambing ng boses ni Ate na bulong sa akin. "You have to hear him out. He's been waiting for you to wake up. He never gave up on you kahit yung mga doktor, dini-discourage na sya."
Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko sa sinabi ni Ate. Pero naiisip ko pa lang si Tamara ... lalo si Robinson Jr...
Umiling-iling ako, "Wag ngayon... Di ko pa kaya."
"The more reason for you to hear him out, Bunso, " malumanay na pangungumbinsi ni Ate.
Umiling lang ako uli sa leeg nya.
Di na nakapagpigil si Rob, "Jun... I'm no longer married to Tamara."
Bigla akong napadilat at marahas na napalingon kay Rob.
Namumula na rin ang mata nito sa pigil na emosyon.
Nakatingin ito ng diretso sa mata ko, "I divorced her a week after Robin was born."
=====================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro