Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

81 Clinic


Here's a 6k+ words UD. Wala pa pong edit.

I'll try (try lang ha?) na makapag-UD uli bukas. See if I can make my target na umabot sa LJ 82 hanggang bukas dahil busy ako from Tuesday to Friday.

==================

"May problema ba?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Wala," si Troy na inakbayan agad ako palayo kay Rob. Ni hindi pinansin ang pagsasalubong ng kilay nung halimaw ko.

Taray mo, Juno! Halimaw ko. Iyo na! Wahaha!

Syeeeeet! Kinikilig pa rin bumbunan ko.

Tapos bumulong si Troy, "Di ka na nasanay na lagi naming inaasar Pikachu mo. Aw!"

B-in-ackhand ko nga sa tyan.

Pinagitnaan nila ako ni Paul nung naglakad na kami papunta sa kotse nila, "Uwi na kami, XG. Next week, duplex ka na uli?"

"Oo," tapos tinabig ko yung kamay ni Paul na parang nakasaklob sa ulo ko. "Naman eh!"

"Beybing-baby ka nang Ate mo eh. Tinatakpan ko lang bumbunan mo, baka malambot pa," tas tumawa sila ni Troy.

"Gago!" sikmat ko. "Si Augie ko ha?"

"Kahit kunin mo sa shop si Augie, di naming ibibigay sa 'yo. Pag magaling ka na talaga saka naming ibabalik ang bunso mo," sabi ni Troy.

Katakut-takot na irap ang binigay ko sa dalawa, but deep inside, I'm happy. Iniingatan lang naman ako ng mga ito.

Isang malakas na tikhim ni Rob ang narinig naming nung magkasunod na yumakap at humalik sa pisngi ko ang sentinels ko.

As usual, di nila pinansin yun. Sumakay na ang dalawa sa kotse ni Paul.

Umakbay agad si Rob sa akin nung kumaway ako sa dalawang kulangot nung umandar na sila paalis.

"Aray ko naman!" reklamo ko.

Kasi ang halimaw, sige sa pagkuskos ng panyo nya sa magkabilang pisngi ko.

"Tsk! Yumakap at akbay na, kailangan pa ba humalik?" asar na bulong nito. "Ni walang pasintabi na isang hakbang lang ako sa likod nyo!"

Natatawang yumakap ako sa bewang nya, "Ang seloso mo! Arte!"

Tiningnan nya ako, "Bakit, ikaw, hindi?"

Napanguso ako, "Hindi kaya!"

"Talaga lang, huh? Aw!"

Kinurot ko sa likod gamit ang dalawang kamay kong nakapulupot sa bewang nya.

Tumawa ang halimaw, "Nah, no need to get jealous about anything. Wala namang iba.Ikaw lang Dyosa ko."

Tapos k-in-iss nya yung bumbunan ko.

Syeeeet! Maiihi yata ako sa kilig! Nyeta lang!

Tumingkayad ako. Kaso ang tangkad nga kasi, kaya sa leeg nya lang umabot yung kiss ko.

"Ma'm, wag po! Baka makita tayo ni Sir!" pabiro nyang pagmamakaawa.

"Ay sira ulo! Ano'ng feeling mo, minomolestya kita?! Ano ka!"

Tawa ito ng tawa, "Kunwari, hardinero nyo 'ko!"

"Gago!" Natawa na rin ako.

"Jun...?"

"Hhmm?"

"Mamaya ha?"

"Di pwede. Dito matutulog sa villa parents mo. Nakakahiya. Tsaka baka di pa kaya ng legs ko."

"Bakit di kaya ng legs mo? Ano ba'ng iniisip mo? Gusto ko lang tabi tayo matulog,"natatawa nyang sabi. "Ikaw ha!"

Ampotaaah!

Namula ang mukha ko.

'Tragis kasi! Bakit ba 'thundebolt' agad pumasok sa utak ko!

Tigang na tigang na nga yata ako!

Maryosep!

Eh kasi naman!

"Gusto mo?" Tudyo pa nito.

"Hindeeeh!"

"Yung totoo, Jun? Pwede naman. Higa ka lang. Ako na bahala."

"'Tanamoka!" Asar na asar kong sabi sabay iwan dito.

Narinig ko pa ang halakhak nito.

Kakainis!

Kung bakit kasi 'yun' ang pumasok sa isip ko!

Pumasok ako sa clubhouse.

Wala na sina Ate Andie. Nauna na umuwi sa villa nung makapagpaalam ang karamihan sa mga bisita ko, at ang mga kaibigan nya.

Sina Kuya Mike at Kuya Jeff, na tila umiiwas nang tingin sa akin kanina nung magpaalam na uuwi na.

Ganun din sina Kuya Erol, Ate Sarah at mga magulang ni Kuya Reid. Di ko nga ma-gets kung bakit di na lang sila dito matulog. Sabado naman bukas. Para makalaro na rin ni Eric ang mga pinsan nya. Si Eric, yung anak nina Ate Sarah at Kuya Erol.

"Juno, iha," si Tita Rhea. Naroon pa pala kasama siyempre si Tito Robert.

Syete! Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ngayon lang ako lumapit mula nung tanggapin ko ang proposal ni Rob. Kasi nga, nadya-dyahe ako.

May kamay na umakbay sa akin.

Medyo nakahinga ako ng maluwag. Buti nakasunod agad si Rob sa akin.

Napansin ko na tumingin ang mag-asawa sa anak nila. Ayun na naman yung tingin nilang may kahulugan. Masaya pero merong something else. Kaya nilingon ko si Rob. Ngumiti lang ito sa akin nang malapad tapos kumindat.

"Come. Tawag ka nang future-in-laws mo," mahina nyang sabi.

Napanguso na lang ako. Pero... syet lang!

Future-in-laws daw! Pinigil kong kiligin pero alam mo yung feeling na di mo kayang awatin ang mapangiti?

Ganun ako ngayon. Haha!

"Tita Rhea," tawag ko pabalik.

Niyakap ako nito paglapit ko.

"Finally..." bulong nito sa akin na parang maiiyak na ewan.

May lumukob sa aking pakiramdam na para rin akong maiiyak. Napayakap din ako dito.

"Kahit ano'ng pagsubok, anak, wag kayong bibitaw ni Robinson..."

Anak.

Napangiti ako. Wala akong magiging problema sa mga magiging in-laws ko.

"Marami pa ... marami pa kayong pagdadaanan," mahina nyang sabi habang nakayakap sa akin.

Hindi ko alam kung baka ako lang pero parang may laman ang sinabi nyang yun.

Nawaglit lang sa isip ko ang isiping yun nung tapikin ako ni Tito Robert sa balikat.

Pagtingala ko dito, nakangiti rin sya sa akin. Ngiti na katulad kay Tita Rhea, may something.

Something na naitabi uli nung buksan nya ang mga braso at sabihing, "Welcome to the Agoncillo family."

Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nung yumakap din ako dito. Bigla kong na-miss si Papa.

"Thank you po," sabi ko sa pagitan ng paghikbi.

"No, iha. Thank you for making my son very happy," ang sinsero nitong sabi habang tinatapik ako sa likod ng dalawa nyang kamay.

"That's true," si Tita Rhea na hinaplos naman ang buhok ko. "Anyone who can make our boys happy deserves gratitude from us. So better start calling us Mom and Dad, alright?"

Lalo akong napaiyak.

"You're making her cry, Mom," reklamo ni Rob na inakbayan uli ako nung bumitaw na ang mag-asawa sa akin. "Baka mamaya nyan, di na magpakasal sa 'kin si Jun."

Natawa kami sa biro nya.

Biro na di ko na pala matatawanan in the near future.

Sabay-sabay na kaming nagpunta sa villa. Hinayaan na namin ang mga tao nang catering at resort ang maglinis doon.

Nauuna ang mga magulang ni Rob sa paglakad.

"Gusto ko, mas sweet tayo kina Dad pagdating ng panahon," bulong ni Rob.

Napatirik ang mata ko sa kakornihan nya. Kanornihan na sa totoo lang, kinikilig ako. Pero, syempre, di ako papahalata.

Sobra-sobra na ang pagka-obvious ko kanina nung bigla syang sumulpot. Lalo lang may dahilan ang halimaw na ito na tuksu-tuksuhin ako.

At oo, natulog kami ni Rob sa kuwartong palagi kong inookupa dito sa villa.

Sa pagkainis ko, inungkat na naman nito yung maling interpretasyon ko kanina sa inungot nya na 'Mamaya'.

"Love..."

"Hhhmmm?"

Nakahiga na kami nun. Nakaunan ako sa balikat at nakasubsob sa dibdib nya.

"Ano, pagbibigyan kita."

"Saan?" Taka kong tanong na tiningala sya.

"Yung sinabi mo kanina. Wag mo na alalahanin ang legs mo."

Kinurot ko nga nang madiin.

"Ouch! That's my freaking nipple!"

"Letse! Ang manyak mo!" Asar kong sabi sabay talikod ng higa.

"Ako pa talaga ha?" natatawang sabi na yumakap sa bewang ko sabay subsob sa leeg ko at suminghot-singhot. "Na-miss ko ito, Jun."

Ako rin naman. Pero di ko na isinaboses. Aasarin ako lalo.

Pisil ito ng pisil sa balakang, braso at balikat ko. Tas yung pikachu nya, para na akong hini-holdap sa likod.

Ang hirap i-dedma pero at least, nakatulog naman ako.

"And Jun, do it today. He's gonna tell his parents about the issue because he already made up his mind after battling with himself for weeks. See if you can do something about it."

Napakunot ang noo ko.

Paano at kailan ako bumaba sa office library ni Kuya Reid at nag-uusap kami ngayon?

Iniwan ko ba si Rob sa kuwarto o gising na rin sya?

Tumayo si Kuya Reid at inabot nya sa akin ang isang susi. "Here's the car key."

"Salamat, Kuya," naiiyak kong sabi.

Di ko alam kung bakit ako umiiyak.

Inakbayan nya ako, "Jun ... whatever you'll find out, don't be rash. Try to understand the situation, and my bestfriend, ok?"

"Alam ba ni Ate?"

Umiling ito.

Lalo akong nangamba.

Hindi hahayaan ni Kuya Reid na mag-aalala si Ate Andie basta-basta.

Teka ... ano ang dapat ipag-alala ni Ate Andie?

Next thing I knew papasok ako sa pamilyar na bahay.

Bahay ng mga Agoncillo.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang nangyari na ito ah!

"Ay, Ma'm Jun!" Nakangiting sabi nung isang katulong nila na nakasalubong ko sa main door. "Bakit di kayo sabay dumating ni Sir Rob?"

"Uhm, galing pa ako sa kapatid ko. Andyan pa ba sya?"

"Nasa likod sila. Sa porch. Naku, kinikilig talaga ako sa inyo!" Tapos bumungisngis.

"Huh? Bakit?"

"Pinag-uusapan nila ang kasal nyo. Narinig ko ngayun-ngayon lang nung dalhan ko sila ng kape."

Nagulat ako.

Napasapo ito sa bibig, "Ay naku! Hindi mo pala alam. Sorry. Wag ka maingay na sinabi ko na sa iyo."

Napangiti ako. Nag-iba na ang kabog ng puso ko. Tipong nagha-happy dance na sya!

Gagong Agoncillo yun! Tinakot pa ako! Mga trip nun sa buhay?!

Pati si Kuya Reid.

Naku! Pag-uuntugin ko sila pareho! Pramis!

"De, okay lang. Wag ka mag-alala. Di ko sasabihin. Sa'n ba daan papunta dun?"

Tinuro nga sa akin. "Wag ka na sumama. Ako na lang."

"Jun... love..."

May tumapik sa pisngi ko.

Nakangiting mukha ni Rob ang una kong nakita pagdilat. Mukhang nakaligo na ito. At ang bango na nya! Fresh na fresh ang amoy! Hehe!

Talandi ka talaga, Juno! Ke aga-aga!

Saway ng utak ko.

"Good morning!" Masaya nyang bati. Sabay kiss sa lips ko.

Susko! Wala pa akong toothbrush!

Pasimple kong tinulak sa dibdib. Tapos tinakpan ko ang bibig ko.

Tumawa ito nang mahina, "Jun, even if you eat poop, I will still kiss you on the lips."

"Tado! Bakit naman ako kakain ng tae?!" sikmat ko pero namula ako sa sinabi nya.

Tungnung mga banat talaga ng halimaw na 'to!

Lalo itong tumawa, "Kunsabagay."

Hinila na nya ako sa braso, "Sorry if I have to wake you up. You need to eat breakfast and drink your meds. Come."

Oo nga pala.

Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit.

Pagbaba namin sa dining, ako na lang pala ang hinihintay. Nahiya naman ako kina 'Mom and Dad'.

Naks! Mom and Dad' na talaga. F na F eh!

Tukso ng utak ko.

Muntik ako mapairap buti napigilan ko, kung hindi, mukha akong tanga.

Eh kasi naman! Parents naman ni Rob ang may sabi.

"Good morning!" ako na ang bumati sa lahat para pantakip sa hiya na nararamdaman ko ngayon.

Iba talaga ang aura sa akin ng parents ni Rob. Lumalabas ang kakarampot kong hiya sa katawan. Haha!

E bakit ka nga kasi nahihiya? Ang bait nga nung mag-asawa at botong-boto sa 'yo!

Duro sa akin ng kontrabida kong isip.

Well, that's the point. Itong kawalanghiya ko sa anak nila, pero ganun ang treatment nila sa akin.

"Ga'morning, Tita Dyosa!"

Ako na ang lumapit kay Hopia at humalik dito. Ganun din sa kambal na nasa high chairs nila.

Medyo nanibago ako sa agahan namin. Papasang lunch or dinner.

At nalaman ko kung bakit... at bakit dito na natulog ang parents ni Rob.

"Juno, iha," sabi ni Tita Rhea.

Ayan, balik na nga muna ako sa Tita Rhea. Lakas mang-asar ng utak ko eh.

"Po?"

"Consider this as our pamamanhikan."

Medyo shock ako. Napatingin ako kina Ate at Kuya. Ganun din sa mag-amang Agoncillo.

Well, mukhang aware silang lahat. Ako lang ang hindi!

"Ahm... ganun po ba? Eh ..." napatingin ako kina Ate.

Tumango lang ang dalawa sa akin. So, ganun na nga ang nangyari. Tumagal ang agahan namin than usual. Yung mga pamangkin ko, pinauna nang tumayo pagkatapos kumain para makapaglaro.

As expected, gusto nila church wedding. Tapos sa isang hotel ng SchulzAs ang reception. Pero, may iba akong gusto kaya...

"Uhm, sa Palawan ko po sana gustong mangyari yung mismong wedding at reception," singit ko sa palitan nila nang mga suggestion.

Napatigil sila sa pag-uusap.

"Ano ... gusto ko munang pag-usapan namin ni Rob. Ano kasi..."

Syete! Ang awkward! Di ko masabi kung saan yung sinasabi kong mga lugar.

Mukhang na-gets agad ni Ate Andie at Rob ang pakiramdam ko. Kaya,

"Sure, love. Kelan mo gustong puntahan natin yung lugar?"

"Uhm, next week? Tapusin ko muna ang therapy ko this week tsaka gusto kong umuwi sa duplex."

"Alright."

"Bunso," si Ate. "Si KC na rin ang kunin nyong wedding coordinator, ha?"

Tumango ako. "Sila rin nasa isip ko, Ate."

"Can they do that in six weeks time?" Si Tito Robert.

"Oo nga," salo ni Tita Rhea. "We still have the gowns prepared from the bride down to the flower girls. Not to mention the men."

Gusto kasi ng mga ito na makasal kami ni Rob in two months time, before or early November.

Nagmamadali silang lahat na ewan.

Di naman sa ayoko. Aarte pa ba ako, e si Rob na ito? Naghabulan at nagtaguan na kami. At tinulugan ko pa nga na inabot nang lampas isa't kalahating taon, di ba?

Pero, may maliit na parte ng utak ko na nagsasabing 'kaya lang'.

Feeling ko kasi. Di ako kumpleto. Ayoko namang isipin na dahil lampas isang taon akong natulog. Wala na akong magagawa dun. Comatose nga eh.

Yung dahilan kasi nang mahabang panahon na tulog ako. Dahilan na dinidikta ko na sa utak ko na hayaan ko na. 'Kaya lang' ... Ayan na naman sya!

Ang maliit na boses nang 'kaya lang' na kagabi pa paulit-ulit bumubulong sa isip ko.

Kaya napunta na lang kung sinu-sino ang mga suggested nilang mga abay, ninong at ninang.

"Jun, puntahan nyo rin si Ninong Art. Kung kaya pa nyang bumiyahe para ihatid ka sa altar," si Ate Andie.

Tumango ako, "Uhm, paano kung di na pwedeng bumyahe si Ninong nang malayo?"

"You have someone else in mind?" si Kuya Reid.

Tumango uli ako, "Pero saka na yun. Si Ninong muna."

Nagpaalam ang mga magulang ni Rob kalahating oras matapos mag-agahan.

Bandang ten nang umaga, dumating ang therapist ko para sa session ko na dalawang oras. Sa villa na ito pinagtanghalian.

Nagpahinga kami sandali. Bandang alas-tres, ginising ako ni Rob.

"Let's go out. Pasyal tayo," sabi nya.

"Uhm, sige. Magsasabi ako kina Ate."

"Umalis sila. Mamamasyal din. Di ka na pinagising."

Mabilis lang ako'ng naghanda.

"What's the smile for?" sabi ni Rob ilang minuto pa lang kaming nakalabas sa gate nang villa at resort.

"Wala. Ano..."

Syete! Nahihiya akong aminin. Baka asarin ako eh.

"Ano?" saglit nya akong tiningnan bago binalik ang mata sa pagmamaneho.

"Ano kasi, first date natin, na mag-jowa."

Tumawa sya nang walang tunog, "Love, we're not just 'mag-jowa'."

Syeeet! Oo nga naman!

Dinaan ko na lang sa pagnguso ang kilig ko.

Kakainis!

Nagkwentuhan kami in random. Yung pagbalik ko sa training sa MonKho na dapat ay next week pero dahil pupunta kaming Palawan, malamang two weeks pa bago ako bumalik sa training. Nag-volunteer din ito na sya ang maghahatid sundo sa akin sa unang linggo ko sa MonKho.

"I will let you drive going to work and back home. Para masanay ka uli," ang sabi.

Ngumiti ako nang malapad. Sasabihin ko pa lang sana.

"Rob?" tawag ko sa kanya nung mapansin ko ang dinadaanan namin.

"We'll visit him. You said you wanted to paglabas mo sa ospital and I said I'll go with you."

Nangilid ang luha ko na napatingin kay Rob. Inabot ko ang kamay nya na nasa gear stick. Pinisil ko yun.

"Thanks, Maw."

"Anything for you, Jun," ngiti nya pabalik. "And I owe that jerk a visit, too. Whatever you said about him when you were in coma, I guess he deserves my gratitude."

Tumulo na talaga ang luha ko. Inabot nya sa akin yung tissue box sa dashboard ng Audi nya.

Saglit kaming huminto sa isang maliit na flower shop sa tapat ng sementeryo. Apat na ang binili kong simpleng baskets ng bulaklak at mga kandila.

"Why four?" Tanong nya nung pagbaba sa kotse sa loob ng sementeryo.

"Saglit tayo kay Mama at Papa mamaya."

"Yung isa pa?"

"Uhm... dalawa kay Caloy. Ano kasi ... para sana kay Anne. Di ko naman alam—"

"The Quimbos cremated her in the US but brought her back here. I'll bring you to the columbarium where they placed her."

"A-alam ba ni Laarni?"

"Ahm, I had one of my staff inform her. She visited Dianne bago sya nagpalipat sa probinsya as volunteer dun sa NGO."

Alam rin pala ni Rob. Alam nya yung mga bagay na gugustuhin kong gawin. At ginawa nya nung panahong tulog ako.

Napahinto si Rob sa pagkuha nung mga bulaklak sa trunk pagbaba sa kotse nya malapit sa puntod ni Caloy.

Niyakap ko kasi sya sa bewang mula sa likod. Naiyak ako.

Tangna kasi!

"Hey...what's wrong?" Humarap sya sa akin saka itiningala sa kanya.

"Maw... why so perfect?"

Lumamlam ang mata nya. May emosyon dun na di ko agad nabigyan nang pangalan dahil nawala agad.

"I'm not perfect, love. I just want you happy," tapos binigyan ako ng mabilis at magaan na halik sa labi.

Syeeet naman talaga!

"Come," ang sabi na pinagsalikop ang kamay namin papunta sa puntod ni Caloy.

"Hello, Kulugo," bati ko nung ilapag ko yung basket ng bulaklak sa puntod nya habang sinisindihan ni Rob ang isang kandila.

"Ayan, tinupad ko na sinabi ko na dadalaw ako. Kaya yung sinabi mong mumutuhin mo 'ko sa gabi, tigialn mo na," Napatingin si Rob sa akin. "Dalawa kami ni Rob gugulpi sa iyo."

Napangiti si Rob, "Yeah, I'm gonna beat the crap out of your ghost, jerk! Aw!"

B-in-ackhand ko kasi sa sikmura. "Loko mo, multuhin ka nyan."

Natawa lang si Rob nang walang tunog.

"Carlito," nilapat ko ang kamay kong may engagement ring namin ni Rob. "He proposed last night. I said yes. Ito oh."

Naiiyak ako sa pagkakaluhod ko sa tapat ng puntod nya, "Masayang-masaya ako, Caloy. Salamat...salamat na sinamahan mo ako sa loob nang lampas isang taon para siguraduhing makakabalik ako sa halimaw ko."

Naramdaman ko na pinisil ni Rob ang balikat ko, "Yeah, thanks a lot, jerk. That's why I came here with her. To say that. We both got what we wanted, jerk. We both won, sa magkaibang panahon lang. She got to wear your ring like you were bragging to me about before. She wore that for more than a year. Because she loved you so much then. But ... it's me whom she loves dearly now. That's why she's wearing my ring now ...and that would include my wedding ring very soon. So... don't you dare visit her in the evening. I am really going to kick your ass."

Natatawang hinampas ko si Rob sa balikat, "Baliw!"

Di naman kami nagtagal.

"Alis na kami, Carlito. I will still visit you. Though, it may not be as often as before," hinaplos ko ang lapida nya.

"Uhm, Caloy... kapag di pwede si Ninong Art na maghatid sa akin sa altar kay Rob... pwedeng hiramin ang daddy mo?"

Inakbayan ako si Rob at hinalikan ako sa tuktok, "Of course, Sorriente's fine with it. And I'm fine with it, love, if this is your way of asking my permission."

Nahihiyang napatingin ako kay Rob. Nag-smile lang ito sa akin. Sinsero naman sya.

Naiyak tuloy uli ako na napasiksik sa kili-kili nya.

Syeeet! Ambango!

"Umiiyak ka na naman."

"Nakakainis ka kasi."

"They said : Happy wife, happy life. And I want us happy, Jun."

Tumikhim ako, "Rob...?"

"Let's go?"

"Saglit lang. May request kasi ako. Kung okay lang. Tutal andito na tayo?"

"About what?"

"Sa kasal... kung sana yung ceremony sa ano..."

"Saan?"

"Yung overlooking na practice area namin ni Caloy," napagat ako sa labi nung biglang magseryoso ang mukha nya.

Nagseselos ito.

"Tapos ... tapos yung reception ... dun sa bar kung saan tayo unang nagkakakilala. Yung July pa ang alam kong pangalan mo."

Unti-unti itong napangiti.

Medyo nakahinga na ako nang maluwag. At least nawala na yung selos sa mukha ni Ron. Alam ko na-gets na nya ang nasa isip ko kaya ngumiti na sya. Kaya lang yung ngiti nya ... nagiging ngiting pilyo.

"Kasi naman eh!" Nagmamaktol akong tumayo. "Caloy, alis na 'ko!"

Sabay talikod papunta sa kotse na nakaparada lang sa malapit.

"Hey..." habol nito. "Jun..."

Dedma!

Hinila ako sa braso, "Wala naman akong sinasabi ah."

"Pero yung ngisi mo, Agoncillo!" Duro ko sa nguso nya.

"Sorry na. Kinikilig lang ako. Kasi ..." tas nagingiti na naman.

"Kitams! Kitams!" Dinutdot ko nga ang nguso.

Kinagat nya yung daliri ko sabay yakap sa bewang ko, "Ang seksi-seksi mo kasi nun. Tapos, ang tapang mong humingi nang second round ng halik eh di ka naman marunong."

AMPOTAAAAH!

Pinagtutulak ko nga sa dibdib pero, wala lang. Ganun pa rin. Nakayakap pa rin.

"Kakairita ka na ha!"

Tumawa lang ito tas, "I love you, Juno dela Cruz," malambing nyang sabi.

Syeeet! Nalusaw lahat ang inis ko. Inis kong pabebe lang naman, actually! Hehe!

"I'm not sure kungyang pangnguso mo e dahil nagpipigil ka nang kilig o gusto mo ng halik," sabi nya.

Anak ng ... mind reader talaga sya!

"Pwedeng both?" Biro ko kasi natawa na ako.

E ayun! E di k-in-iss nya ko.

Aarte?! Aarte pa 'ko?!

"Ayan, ang dami nating audience," sabi nya.

Napatingin ako sa paligid. Wala naman.

"Puro kaluluwa, kasama na yung ex mo. Halika na nga," yaya nya.

Natatawang nagpahila ako dito papasok sa kotse.

"Ang corny ng joke mo, Maw."

"Napansin ko nga, kaya nga nagyaya na ako umalis," nakangising sabi tas pinaandar na yung Audi nya.

Mas malapit ang columbarium kung saan inilagak si Dianne. Pagkalagay nung bulaklak at pagkasindi nung kandila na para sa kanya, nag-alay lang ako ng maikling dasal. Umalis na kami ni Rob.

Ang huli naming pinuntahan, si Papa at Mama.

"Pa...Ma... si Rob," pakilala ko. "Ahm... sya po yung daddy nung apo nyo na kasama nyo na ngayon."

Sinilip ko patagilid si Rob. Nakayuko lang sya sa magkahawak naming kamay.

"Kagabi sya nag-propose sa akin. Ano, yung kasal namin, sa susunod na dalawang buwan. Sayang, wala kayo. Magaling din sya sa self-defense. Tsaka ampogi nya, 'noh?" nahuli ko na napangiti si Rob. "Pero, Pa. Mas magaling at pogi ka pa rin."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Rob at bulong, "Daddy's girl pala."

"Pa, oh... may sinasabi," pabirong sumbong ko.

Nag-squat si Rob sa harap ng puntod nina Papa at Mama. Pinanood ko lang sya na linisin ang ibabaw nun sa mga tuyong dahon at alikabok.

Alam ko, kinakausap nya ang mga magulang ko sa isip nya.

Ayaw nyang iparinig sa akin. Parang shunga lang!

Naupo ako sa tabi ni Rob. Tahimik akong nagdasal. Pagdilat ko uli,

"Let's go?" yaya nya.

Kinuha ko ang kamay nito na nakalahad. Hinila nya ako patayo.

"Babalik po uli kami bago ang kasal," yun ang paalam ni Rob.

Kumain muna kami ng dinner sa isang Thai resto tapos movie date.

Nyeta talaga, kinikilig ako!

Yung nakaakbay sya tapos isang malaking popcorn bucket lang kami kumukuha. Minsan sinusubuan nya ako, o kaya ako sa kanya.

I mean, kami nina Paul at Troy, ganito rin kapag nanonood ng sine. Pero syempre, iba yun!

Robinson Agoncillo ang kasama ko. Maw ko!

"Jun..." bulong nya.

"Oh?"

May nilagay sya sa palad ko, "Time for your meds."

Tungnung yan! Ako ngang may katawan, nawala sa isip ko kasi nanonood kami ng sine, pero sya...

Di ko napigilan. Tumingala ako at humalik sa ilalim ng panga nya. Hello naman! Yun lang ang abot ko lalo't nakaupo kami.

"Thanks, Maw."

Tsaka ko ininom yung dalawang capsule na binigay nya.

Almost eleven na kami nakauwi sa villa.

Antok at pagod na ako. Ang tagal ko kasing nawala sa routine ko na active lifestyle.

Nasa mga kuwarto na ang mag-asawa at mga bata. Alam naman nina Ate Andie na magde-date kami ni Rob.

Tinukso nga ako nito sa phone kanina nung sabihin kong first date namin.

Nakatulog ako agad. Pero nung madaling-araw naalimpungatan ako na may kausap si Rob sa phone sa may veranda ng kuwarto ko.

".... masakit.... Uhm .... Doctor .... Punta ko .... "

Di ko masyadong maintindihan.

Di na ako lumapit at baka sa trabaho. Hinintay ko syang bumalik.

"Maw..."

Nagulat ito na nakaupo ako pasandal sa headboard ng kama.

"Aalis ka?"

Medyo nag-alumpihit ito. Ewan ko kung bakit.

"Ayos lang, Maw," sabi ko. "Mukhang importante naman. Okay lang ako. Kasama ko naman sina Ate."

Saglit syang tumingin sa akin. Kahit dim ang ilaw sa kuwarto ko, kita ko ang sobrang pag-aalala sa mukha nya.

Naawa naman ako, "Sige na."

Tumayo na ako, "Ay kamote!"

'Tragis kasi. Natisod paa ko sa kumot na nakapulupot sa paa ko. Kasi naman, naka-aircon lahat ng kuwarto sa villa.

Natatawang itinayo ako ni Rob sa pagkakaluhod ko sa paanan ng kama.

"Ba't ka pa kasi tumayo."

"E parang nag-aalangan ka pa kasing umalis. Tsaka ihahanda ko isusuot mo."

Nahuli ko ang pagngisi nito na itinago sa pagkagat ng labi.

"Ano na namang nginingisi mo?" sikmat ko.

"Wala. Parang misis na misis Agoncillo eh. Ihahanda mo yung isusuot ko."

"Ewan ko sa 'yo. Wag na nga!"

Eh bakit ba? Bawal mag-practice?!

Pero syempre sa isip ko lang sinabi yun. Aasarin uli ako nito.

"Di na. Sige na. Shower lang ako nang mabilis."

Yung mabilis e literal na mabilis. Wala pa yatang three minutes.

At ang animales, walang habas na lumabas ng banyo sa kuwarto ko na nagpupunas ng tuwalya sa buhok at walang tapis!

Juice colored! E nagbukas na ako ng ilaw sa kuwarto!

Ang abs, biceps at higit sa lahat ... yung pikachu! Pakalat-kalat!

My ghaaaad!

Ang laway mo, Juno! Ang laway mo!

Pasimple akong tumalikod, kunwari kinuha ko yung tshirt at pants nya sa kama.

Kakasuya lang, tumayo sa gilid ko para kunin yung boxers nya at dun nagsuot!

Mahabaging diwata ng mga taong burles!

Gusto kong panginigan ng laman!

'Tragis! Ganito na ba 'ko katigang?! Feeling ko, bumalik na hymen ko!

Pumunta ako sa vanity mirror para kumuha ng suklay para sa kanya.

Kailangan kong dumistansya at baka sunggaban ko na ang halimaw na ito at magkaalaman kung talagang bumabalik ang hymen kapag matagal na walang thunderbolt. Eh hindi na makaalis si Rob!

Aba'y kawawa naman yung agent nya yata na dinala sa ospital.

"Why are you blushing?" puna nito pagharap ko.

Pucha naman, oo! Lalo tuloy akong namula!

Super pretend ako na dedma lang sa porn show nya kanina pero ini-spluk pala ako ng dugo at balat ko!

"Wala," pasimple kong pagtataray. "Oh!"

Kinuha nya yung suklay pero kinapa ako sa leeg.

"You're warm, love," nagkaroon ng pag-aalala sa mukha nya.

Tangna! Hindi ako warm!

Hot na hot ang pakiramdam ko ngayon kaseh nagburles ka sa harap ko! Gusto kong ibulyaw sa mukha nya.

"Are you feeling well?"

"Oo. Sige na. Ako na nga magsusuklay sa 'yo habang nagsasapatos ka!"

"Juno!"

"Ano?! Magsapatos ka na!"

"Look at me."

Pagtingin ko, nakita kong nahaluan ng kapilyuhan ang pag-aalala sa mata nito.

Lalo akong naiinis. Kasi alam kong alam na nya bakit ako namumula.

"You're blushing because I was—"

"Oo na. Letse!" amin ko na. "'Tragis naman kasi, Agoncillo! Nun ngang di pa ako na-comatose, di ako sanay makita yang pikachu mo basta-basta. E paano pa yang ang tagal kong na-Dyosa rest?!"

Bigla nya akong hinapit sa bewang sabay isang mabilis at madiing halik sa lips ko.

"In two months time, masasanay ka na, promise!"

Ampotaaaah! Nangamatis na yata ang mukha ko sa pamumula.

Tumatawa itong nagsapatos.

Patay-malisya ko na lang na sinuklayan. Di pa rin sya nagpapagupit ng maikli.

Mukhang walang nabago sa hairstyle nya mula nung makatulog ako. May konting kahabaan ang buhok.

"Wag mo na akong ihatid sa baba. Go back to bed."

Sa may pinto na lang kuwarto ko sya hinatid. Naka-score ang halimaw nang malupit na halik sa akin.

Baliw talaga! Muntik akong maubusan ng hangin.

"I love you," at bago pa ako maka-I love you pabalik, sya na ang nagsara ng pinto.

Nagmamadali talaga. E paano, lalaking malandi rin! Haha!

Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag kay Rob nung after lunch. Palabas kami ng simbahan para mag-mall nang pamilya ni Ate.

"Love, baka di ako makapunta today sa villa. Di ko pa maiwan dito eh."

"Sige, ayos lang. Tapusin mo yung dapat mong tapusin. Ang tagal kitang inagaw sa trabaho mo."

Natahimik ito sandali, tapos, "Juno, mahal na mahal kita. Tandaan mo lagi."

"Uhm... oo naman, mah—"

Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi may nagsalita sa background nya, "Are you the patient's relative?"

Nasa ospital nga.

"Sige na, Maw. Kailangan ka na dyan."

"Thanks, love. Tawagan uli kita later."

Nawala na ito sa linya.

Ang kukulit nung kambal nung nasa mall na kami. Pinaglaro namin sa isang pay per hour playpen kasama ang ilan pang mga bata.

Tapos, "Tita Dyosa, can we play driving again?"

Napakagat ako sa labi. Di nya pa rin nakakalimutan. "Sige."

Nagpaalam kami kina Ate Andie, "Kaya mo na ba, Jun?"

"Oo naman. Sama naming yung nurse nya para makalma ka," sabi ko.

Ganun na nga ang ginawa namin.

"Tita, where's Tito Caloy?"

Aw! Di pa pala alam ni Hopia.

"Uhm... he went somewhere far with no phones," naalala ko ang sinabi naming palusot dito noong magulo pa si Ate Andie at Kuya Reid.

"Oh, I see. Did you meet there? Mommy said you went to that place din po."

Napangiti ako, "Oo. Bonding kami. Pero pinauwi na nya ako. Kasi miss mo na raw ako eh."

Humagikhik ito, "Not just me. Mommy, too. Tas Tito Rob. I saw him talking to Mommy and Daddy. He was crying."

"Talaga?"

Syeeet! Kahit wala ang halimaw na yun, kinilig naman ako.

"Kelan yun, baby?"

Pero di na ako nasagot nito kasi, "Tita, there oh! No one's playing there po!"

Excited nitong sabi.

Hinayaan ko itong maglaro ng driving. Tapos pinagbigyan ko na lumaro din ako.

I found out, andun pa rin ang galaw ko sa pagmamaneho. Medyo may ngawit nga lang ang isang paa ko.

Kunsabagay, sinabi ko na yun sa doktor at therapist ko. In-advice naman nila na isa yun sa mga expected sa naging kundisyon ko.

Nag-i-improve naman ako. Konti na lang, pwede na akong bumalik sa gym at training. Wag lang daw muna masyadong mabigat. Paunti-unti lang para di mabigla ang katawan ko.

After nang isang oras, umalis na kami sa arcade.

Naalala kong tanungin uli si Hope, "Hopia, baby, kelan yung nakita mo si Tito Rob na kausap si Mommy at Daddy mo?"

Saglit itong nag-isip.

"Long time na po, Tita Dyosa. One Christmas already passed na po and Mommy's birthday and Daddy's birthday and my birthday and Ashley and Phoenix's birthday."

Naloka naman ako sa timeline ng pamangkin ko. Puro birthday tsaka and. Pero na-gets ko naman na isang taon na yung nakakaraaan.

"Ano'ng sinabi nya?"

Anak ng pokemon! Sumasagap ako ng tsismis sa isang bata!

E kasi, ang bata, di yan magsisinungaling! Lalo pa at si Hopia namin!

"Uhm.... Uhm...." Nag-iisip ito. Tapos humagikhik uli.

"I didn't hear much po kasi Daddy saw me peeking into the library eh pero... uhm..."

Ano ba ang batang ito? Naiihi na ako sa excitement!

"Tito Rob said he wanted to marry you immediately..."

Asus! Kaya pala nagmamadali ngayon!

"... then I heard he said about baby junior."

Ewan ko pero parang nakaramdam ako bigla nang hindi maipaliwanag na pagpiga sa dibdib ko. Pilit ko yung isinantabi.

Inisip ko na lang, gustong-gusto na talaga ni Rob magka-baby kami. Yung kapalit nang nawala sa amin noon. Tapos ayun na naman. Parang bumigat ang pakiramdam ko na di ko mawari.




"When is her family expecting us?"

"Saturday dinner, Dad," mabigat ang tono nito.

Masama ba ang loob ng lalaking ito na magpakasal sa akin?




"Will you have baby junior, Tita Dyosa?"

Parang bigla akong nagising sa isang pananaginip ng gising. Naipilig ko ang ulo ko. Pumikit uli ako.

Syete! Nahihilo ako. Tsaka pumintig ang ulo ko.

Sinenyasan ko yung nurse ni Hopia, "Pakihawakan muna si Hope."

"May problema po, Ma'm Jun?" tanong nung nurse. "Namumutla kayo."

Parang gustong sumakit lalo ng ulo ko. Sinabi nang wag akong ima-Ma'm eh.

"Ahm, wala. Ano, upo muna ako dun," turo ko sa hilera ng mga benches. "Punta na kayo kina Ate Andie. Susunod ako. May ano..."

Syete! Nahihilo na talaga ako. Pati sakit ng ulo ko parang ...

"Tita Dyosa..." nagkaroon na bahid pag-aalala sa boses ni Hopia. "Are you okay?"

Ngumiti ako sa kanya, "I'm fine, baby. Ano, tell your Mom na dito ko kayo hihintayin."

Pag-alis nina Hopia at nurse nya, kinuha ko ang phone ko pero nagbago ang isip ko na tawagan si Rob para sabihin ang nararamdaman ko ngayon.

Ayoko syang abalahin. Nasa ospital ang isang agent nito. Siguradong iiwan nya yun kapag nag-inarte ako sa simpleng bagay.

Biglang nag-ring ang phone ko. Si Ate Andie.

"Jun, asan ka? Anong nararamdaman mo?" Nag-aalala ang boses nito.

Malamang nakapag-report na yung nurse sa naobserbahan sa akin.

"Ano, medyo nahilo lang ako tsaka sumakit ang ulo ko. Wala ito."

"Bakit? Ano'ng nangyari? May naaalala ka na ba?"

Natigilan ako.




"... once she gets to remember stuff, headache and dizziness are things to look forward to. It may range from mild to severe..."




Ang narinig kong sinabi nung doctor.

Nakakaalala na ba ako? Yung mga biglang pumapasok sa isip ko na parang nag-iiba ang paligid ko. Ang mga kakaiba at di ko maipaliwanag na bigla kong nararamdaman?

"Ahm ... hindi ... hindi ako sigurado. Wala naman," sabi ko kay Ate Andie.

"Wag kang aalis sa pinag-iwanan sa iyo nina Hope, Jun. Babalikan ka namin. Uuwi na tayo."

Bigla akong nakonsensya. Lampas dalawang oras pa lang kami sa mall.

"Ano, wag na, Ate. Ako na lang—"

"Jun," si Kuya Reid na yun. Mukhang kinuha ang phone kay Ate. "Stay there. We're going home."

"Ah eh... sige pero, Kuya...?"

"Yes?"

"Huwag mo na paratingin kay Rob. OA yun mag-alala. May importante syang inaasikaso ngayon. Ayokong makaabala."

"I know. Don't worry. We won't tell him... yet."

"Naman eh!"

"We will tell him pagbalik nya sa villa. He ought to know, Juno. He has all the right to know."

Parang may laman na naman ang sinasabi nito.

O baka paranoid lang ako dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Maaga akong pinatulog nina Ate.

Hindi ko na nga nahintay ang tawag ni Rob kasi nakatulog nga agad ako dahil sa hilo at sakit ng ulo.

Hindi na ako nagtaka na Martes na nakabalik sa villa si Rob.

Nalaman na nya ang nangyari sa akin nung mag-mall kami. As expected, ang OA nya.

Tanung ng tanong. Parang si Ate Andie.

"Wala nga akong naaalala!" Nakukulitan kong sabi. "Natural, sasabihin ko sa inyo kapag meron!"

Inis na tumalikod ako ng higa. Tumahimik na rin ito. Tapos yumakap sa bewang ko at sumubsob sa leeg ko.

"Sorry na."

Napabuntung-hininga ako," Sorry din."

Kinuha ang kamay nya sa bewang ko at hinalikan sya sa palad, "Goodnight, Maw."

"G'night, love."

Buong linggo na yun, pumapasok na uli sya sa agency, pero sa villa sya umuuwi. Tabi kami matutulog. Hindi naman nagkokomento sina Ate Andie at Kuya Reid.

Natapos ang therapy ko Friday nang umaga.

"Pwede na ba akong kumuha ng clearance kahit mamaya?" tanong ko sa therapist.

"Pwede naman po. Itatawag ko na lang po kay Doc."

At dahil excited ako, nagpaalam ako kina Ate na aalis ako.

"Sige, basta may driver ka muna. Wala ka pang practice mag-drive uli."

Napanguso na lang ako. Wala naman akong magagawa.

Nagpunta muna ako sa salon para magpakulay uli nang pula sa buhok saka ako nagpahatid sa St. Luke's sa BGC.

Dito kasi uli ako na-confine. Kunsabagay, andito ang family doctor ng mga Agoncillo.

Nagpunta ako sa OPD section para alamin ang room number ng clinic nung doctor ko.

Medyo maraming tao. Pagpasok ko sa loob nung malaking kuwarto. May mga pinto dun. Shared room ang mga clinics. Halu-halo ang mga naghihintay. Mula sa babies hanggang sa mga middle aged.

Dumampot ako nang magazine at nagbasa muna habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko.

Naramdaman ko ang phone ko na nag-vibrate.

Si Rob.

"Hello, Maw?"

"Love..." bakit parang kabado sya?

"May problema ba, Maw?" Nag-alala tuloy ako.

"... where are you?"

"Huh? Ahm, sa St. Luke's. Kukuha ako ng clearance—"

Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi bumukas ang pinto ng clinic sa tapat ko at lumabas si Tita Rhea dun. May karga itong baby na lalaki, base sa suot nitong cute na damit.

Kasunod ang isang middle-aged na babae na sa palagay ko eh pediatrician dahil naka-doctor's coat ito.

Kinurot pa nang magaan ang pisngi nung baby. Ang cute naman kasi. Hawig ng mga Agoncillo. Baka anak ng Kuya ni Rob.

Sabay sabi nung pedia, "See you next week, Robinson Jr."

Bumagsak ang panga ko!

Literal!

================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj