80 Welcome Back
"Bunso... lampas isa't kalahating taon kang natulog."
"ANO?!" Napalakas ang boses ko.
"Totoo, XG," si Paul.
Napapikit ako nang mariin.
"Kaya nga kita sinamahan, dahil dyan. Hindi mo pa oras, Jun. At matagal-tagal ka na rin dito."
Biglang nag-flashback sa akin ang sinabing yun ni Caloy, sa panaginip ko.
O panaginip nga ba talaga?
Gusto ko tuloy pagdudahan kung ito eh panaginip pa rin.
Kaya lang ako na rin ang kumontra sa sariling kong iniisip. Ilang araw na akong gising at nakikipag-usap sa mga kaharap ko ngayon.
Eh yung kay Caloy, isang gabi lang. Pakiramdam ko nga ilang oras lang kaming magkasama. Yun lang, parang totoo rin, kasi nahahawakan ko sya. Hanggang ngayon, alam ko pa ang pakiramdam nang palad nya sa mukha ko... yung labi nya sa labi ko... yung hanging binigay nya sa akin.
"We even flew you to a hospital in Birmingham, UK," sabi ni Rob.
"B-bakit?"
"You were in critical condition, Jun," Si Kuya Reid. "We almost lost you twice here in the Philippines. We can't afford that bec—"
"Half..."
"Reid..."
Si Ate yun at si Rob. Tila hindi nila gustong ituloy ni Kuya Reid ang sasabihin.
"Dahil, ano, Kuya?"
Sinibat sya ng tingin nung dalawa. Pagtingin ko kina Paul at Troy, nag-iwas ang dalawa ng tingin.
Tumikhim si Kuya Reid, "Drew just gave birth to the twins for just two months at that time, Jun. Your condition may trigger a postpartum depression on her."
Bigla akong nakaramdam ng guilt.
"S-sorry, Ate," kagat-labi kong sabi sabay yuko.
Hinawakan ako ni Ate sa kamay. "It's alright, Jun. It wasn't your fault. Ang importante, maayos ka na. On your way to recovery."
Nangilid ang luha ko. Nahihiya ako kay Ate. Ang bait-bait nya sa akin, tapos ganito pa.
"G-gaano 'ko katagal dun sa U.K.?"
"More than a year," si Troy. "Kakabalik mo lang dito four months ago."
Tumingin ako sa kanila nang may pagtatanong.
"Bunso," malumanay na sabi ni Ate. "The doctors in UK said, the chances of you waking up is only fifty percent after ... after they miraculously revived you on your seventh month there."
"BP is dropping!"
"We're losing her! We're losing her!"
Ang mga narinig kong British accent na mga boses! Kasabay ng matinis na tunog nang ... heart monitor. Heart monitor ko!
"And as months passed by, that percentage was declining. You went flatline twice again," dugtong ni Rob. "Umaasa pa rin ako ... kami na gigising ka."
"We decided to bring you home, Bunso. I was thinking na baka, hinahanap mo ang Pilipinas. Kasi narito lahat ang para sa iyo," nanginig ang boses ni Ate. "Pinabisita namin lahat. Kasi baka may hinahanap ka. Kahit ang mga bata. Kahit ..."
"N-nakita ako ni H-hopia?" nag-aalala kong sabi.
Tumango si Ate, "Kinausap naman namin sya. Para di sya mabibigla."
"Ano'ng sabi nya?"
Napangiti si Ate, "Baka gigising ka raw kung gagawing pula uli ang buhok mo."
Nagkaroon ng mahinang tawanan. Pati nga yung doktor, nahuli kong nagpigil ng ngiti.
Kaya napahawak ako sa buhok ko.
Oo nga. Ngayon ko lang napansin. Maikli na sya.
Napangiti na rin ako, "Bakit di nyo ako pinapulahan ng buhok. Malay nyo naman."
"Magmumukha kang babaeng Hanamichi Sakuragi," tukso ni Paul.
"Pak yu ka, Paul!"
"Juno!" saway ni Ate.
Nakagat ko ang labi ko.
"Papagaling ka na nga, Jun," sabi ni Troy. "Ang lutong nun eh!"
Pati yung doktor, natawa nang walang tunog. Nagpaalam na rin ito.
Paglabas nito ng pinto, tinawag ko yung nurse ko na nag-aayos nang clutters sa bedside table ko.
"Pwedeng mamaya mo na ayusin yan?"
"Po?"
"Labas ka muna sandali. May pag-uusapan lang kami."
Nahuli ko ang pasimpleng tinginan nina Ate.
Tumango yung nurse, "Sa nurse station lang po ako."
Ang tahimik namin nung kami na lang anim sa kuwarto.
Humugot ako ng malalim na hininga.
"Ate...?"
"Hhmm?"
"Alam mong hindi tayo pinalaki nina Papa at Mama na mapamahiin o ano pa, di ba?"
"O-oo. Bakit mo naitanong?"
Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat... pero si Rob, saglit na saglit ko lang tiningnan.
Huminga uli ako nang malalim, "Nung buong panahon na tulog ako... akala ko... nagising lang ako galing sa panaginip. H-hindi ako sigurado kung ilang oras. Kasi... kasi nagsimula yun na gabi lang at natapos na gabi rin."
"And...?" si Ate.
"Si ... si Caloy ang kasama ko that whole time," nagyuko ako ng ulo.
Napatikhim sina Paul at Troy.
"Then what?" si Rob.
Naramdaman ko sa tono nya ang bigat at hinanakit.
"S-siya ang nagsabi na kailangan kong bumalik... kasi... a-ayaw ko na raw."
Natahimik silang lahat.
Kinuwento ko na nung magmulat ako ng mata, nasa loob ako ng kotse nya. Na parang yung gabi pagkatapos ng huling karera namin. Na natapos sa mismong bangin kung saan kami nahulog.
"Pumayag akong ihulog ni Caloy yung kotse sa bangin kasi sabi nya, wala nang oras. Kailangan ko nang bumalik sa inyo. Tsaka ilang beses nyang sinabi na wag kong huhubarin ang seatbelt ko. Na yun daw ang parang nagho-hold sa akin sa inyo. Na ilang beses ko raw tinatanggal yun nung tulog ako sa kotse nya pero pinipigilan nya ako. At kahit nung napupuno na nang tubig yung kotse, pinigilan nya ko."
"That bastard!" mahina pero madiing mura ni Rob.
Dun ko lang tiningnan nang matagal si Rob, "Si Caloy ang nagbigay nang hangin sa akin, Rob. Ginawa nya sa akin kung ano ang ginawa ko sa kanya nung nalulunod sya. Ang pagkakaiba lang, hindi sya nauubusan ng hangin sa bibig para ibigay sa akin. Pagdilat ko, eto na. Naririnig ko na kayo."
Napipilan si Rob.
Kahit sina Kuya Reid, Paul at Troy, hindi nakapagkomento.
"Jun..." si Ate. "Nung araw na sinabi nung nurse na dumilat ka sandali ... yun ang isa sa pinakamatagal na ni-revive ka nang mga doktor mula nang ma-comatose ka."
"Ate, gusto ko sanang dumalaw kay Caloy kapag pwede na 'kong lumabas."
"Sure, Jun," si Rob ang sumalo. "Sasamahan kita."
Inirapan ko sya tapos tumingin ako kina Paul at Troy.
"Alam ba nina Kuya Carlo?"
Tumango si Paul, "They visited a day before you were flown to UK. And on the first month pagbalik mo. Hindi pa lang sila informed na gising ka na. Gusto mo ba'ng sabihin na namin para makadalaw sila?"
Ilang segundo akong hindi nagsalita. Gusto ko sanang makausap kahit si Claire tungkol kay Caloy pero I dismissed the idea. Iniisip ko rin kung sasabihin ko ba ang lahat kina Ate tungkol sa panaginip ko kay Caloy pero napagdesisyunang wag na rin. I'm starting to feel weird sa mga sinasabi ko. Pero tinanong ko sila dun sa hindi sinagot ni Caloy.
Umiling ako kay Paul. Tapos, "Ate, bakit ako naaksidente?"
Umiwas sya ng tingin sa akin pero kay Rob sya bumaling.
"Uhm..." tumikhim si Rob. "There... it was not an accident, Jun."
Kunut-noong kumiling ang ulo ko.
"It was a result of a choice you willingly made, Juno."
Umalingawngaw sa isip ko ang sinabing yun ni Caloy.
"S-sinadya ko bang i-ibangga ang kotse ko?" Yun lang ang naiisip ko ngayon dahil sa sinabi ni Rob at Caloy.
Kasi alam kong masamang-masama ang loob ko kay Rob.
Kaya lang, parang mababaw na dahilan yun para magpakamatay ako. Hello!!!
Umiling si Rob. At ayun na naman ang tinginan nila. Nauumpisahan kong mainis.
"Eh ano?!" Napahawak na ako sa noo ko dahil nagsimulang pumintig ang utak ko. "Akala nyo hindi ko napapansin na may tinatago kayo sa akin?!"
Asar ko nang sabi.
"Bunso... hindi ka pa kasi totally nakaka-recover," sabi ni Ate.
"Lalo akong hindi makaka-recover kasi isip ako nang isip kung ano ang nangyari," pigil ko ang inis ko. Hindi ko kayang magpakita ng ganitong attitude patungkol kay Ate Andie.
Kaya ang napagbalingan ko, "Kayo, Paul... Troy... maglilihim din kayo sa akin?"
Saglit nilang tiningnan si Rob.
"Mahal ka namin, Jun. And our loyalty is still yours," sabi ni Troy. "But—"
"So, hindi nyo rin sasabihin?!" Putol ko sa kanya sa mataas na boses.
"Baka makasama sa kundisyon mo ngayon, XG. That's what we are all trying to point out," katwiran ni Paul.
"Putang ina!" Galit kong sigaw.
"Juno!" Saway ni Ate.
Pero hindi na nun napigil ang pag-shoot up nang matinding frustration sa akin.
"Kung ayaw nyong sabihin," asar kong sabi, na tinatanggal ko ang ang sandakmak na micropore sa dextrose na nakatusok sa kanang kamay ko. "Ako na ang lalabas par—"
"I'll tell you! Jesus!" sabi ni Rob na nanlaki ang mga mata, sabay kapit sa kamay ko papigil sa pag-aalis ko sa dextrose. "Just... damn it, Jun. Wag mong aalisin ito. All your meds are coursed thru your I.V."
"E di sabihin mo na!" Halos isiginaw ko na sa mukha nya.
Napatitig sya sandali sa mukha ko.
Bakit... bakit parang may nakita akong guilt at lungkot sa mga mata nya?
"Rob...?" si Ate, na parang sa huling sandali, pinagbabawalan ito na magsalita.
Nakita ko sa Kuya Reid na mahigpit itong inakbayan at parang may ibinulong. Naiiyak na tumango si Ate sa kung ano'ng sinabi ng asawa.
"Jun... love..." nanginig ang boses ni Rob. "Tandaan mo, mahal na mahal ki—"
"SABIHIN MO NA!!!" sigaw ko.
"S-someone shot you. Y-you were hit at the b-back of your head," sabi nya na tila hirap na hirap. "A small metal plate has to be used to cover the h-hole made by the bullet there."
Biglang nanigas ang leeg ko kasabay nang pag-angat ng kamay sa likod ng ulo ko.
Kaya...kaya pala. Kaya pala yung tahi ko sa ulo, parang iba ang pakiramdam kapag hinihipo ko, gaya ngayon.
At otomatikong napahawak ako sa leeg ko sabay tingin sa kamay ko. Maraming dugo!
Nanginig ako. Hindi ko makontrol!
"JUN!" sabay-sabay na sigaw nina Ate Andie.
Nagblangko na lahat.
"That's her brain shutting itself to avoid any emotional outburst that could cause harm not just to the head but to the whole body. One kind of unconscious defense mechanism."
"Doc, maaalala na nya kaya paggising nya?" si Ate Andie yun.
Hindi ako nagpahalata na gising na ako.
"That is something we can only find out when she wakes up. It still depends if she will remember or if the brain permits it. Her temporary amnesia can be correlated to two factors. The effect of the head trauma and ... or could be another defence mechanism of the brain. Repressing memories that are too painful for the individual. Her subconscious is dictating it to protect her emotionally."
"Anything that we need to remember?" Si Kuya Reid.
"My advice, take it slowly. Forcing her to remember may have negative effect on her. Anyway, once she gets to remember stuff, headache and dizziness are things to look forward to. It may range from mild to severe. Also, avoid additional emotional stress for her."
Naghihintay ako na may iba pa silang mababanggit pero nagpaalam na yung doctor.
Naghintay pa ako nang ilang minuto bago nagparamdam na gising na ako.
"Ate...?" tawag ko.
"Jun..."
Lumapit agad sya sa bedside ko.
Kasunod yung aso nya. At sina Paul at Troy.
Andito pala sila.
Saglit kong inikot ang mata ko. Wala si Rob.
"Musta pakiramdam mo?" tanong ni Ate.
"Medyo parang magaan ang ulo ko... uhm, keri lang naman."
Nagpapakiramdaman kami. Ayokong magsalita muna sana pero may kalakasang kumulo ang tyan ko.
Natawa sila ang mahina.
"Takaw mo talaga. Kaya ka pala gumising after four days," sabi ni Troy.
"Four days?!" Nagulat ako.
"Uhm..." napakamot sa batok si Troy.
"Apat na araw ka uling natulog, XG," salo ni Paul.
Napakagat ako sa labi ko. "Kain ako."
"Sandali, Jun. Tawagin muna natin yung doktor."
Bumalik yung private nurse ko na kasama na yung doktor. Sa boses nito, sya rin yung kausap ni Ate Andie kanina.
Tinanong lang ako kung may kakaiba akong nararamdaman. At inulit nya sa akin ang bilin nya na narinig ko na kanina. Tapos nagpaalam na rin.
Naupo si Ate sa tabi ng kama ko habang kumakain ako.
"Kung pwede lang, Jun, wag mo munang pilitin maalala. Kasi..." nabasag ang boses nya. "baka mag-shutdown ka na naman. T-takut na takot ako nung mag-seizure ka four days ago. Sabi ni Rob, parang naulit yung nangyari nung g-gabing yun. Ganun na ganun daw ang nangyari."
Tumikhim ako pagkatapos uminom ng tubig, "S-sorry, 'Te. Uhm... so delayed na pala nang dalawang araw ang therapy ko."
"We will have it start tomorrow," sabi ni Kuya Reid.
Bandang seven ng gabi, nagpaalam na umuwi ang apat.
"Bilisan mo magpagaling, XG," sabi ni Paul bago umalis. "Marami nang nagtatanong sa iyo sa community. Miss ka na dun."
"Kung pwede ka lang naming isama ngayon sa laban namin," si Troy.
"Kakarera ako nang naka-wheelchair," natatawa kong sabi.
Salitan na yumakap at nagbeso ang dalawa sa akin. Tapos narinig kong tumikhim ng malakas si Kuya Reid.
Napanguso ako.
Papalabas na silang lahat sa pinto nung, "Ahm...ano..."
Napalingon sila sa akin.
Syete! Nag-chicken out ako na magtanong kung nasaan si Rob. Wala kasing nagbabanggit tungkol sa kanya. Eh bigla akong nahiya kasi di ko nga pinapansin si Rob pag nandito tapos magtatanong ako ngayon.
"Ano... ingat," sabi ko na lang.
Biglang ang lungkot ng atmospera sa suite ko. Ayoko namang kausapin yung private nurse ko.
Kung andito pa sana sa amin si Madel, sana sya na lang ang nurse ko. At least yun, kumportable ako kausap kahit sobrang tahimik na tao. May tiwala ako dun maliban sa parang kapatid na rin namin ni Ate kung ituring.
Kumusta na kaya sya? Ilang beses kong tiningnan dati ang FB nya at nag-pm, kahit seen wala.
Baka sobrang busy sa pag-aaral maging doktor.
Bilib din ako sa isang yun. Striving talaga sa pangarap nya kahit ulila na.
Pinakisuyo ko sa nurse ko yung remote nung malaking LED TV sa tapat ng kama ko.
"Ma'm Jun," tawag sa akin.
Isa pa yan. Sinabi ko na wag akong tatawagin nang Ma'm. Jun na lang. Naiilang kasi ako.
"Wag po kayo masyadong magbababad manood, ha? Bilin nung doctor. Kasi baka ma-strain kayo."
"Sige," sang-ayon ko na lang.
Wala akong matipuhan na palabas sa cable. Kaya nanood na lang ako ng talk show ni Jimmy Fallon.
"Ma'm Jun," yung nurse. May hawak itong cp, inabot sa akin. "Si Sir Rob po."
Tumalon yata puso ko sa lalamunan. Muntik pa akong masamid.
Letse!
Ngayon ko lang naalala. Nasaan na kaya yung phone ko? Yung bigay ni Kulugo nung huling birthday ko na buhay pa sya. Tsaka di pa ako nakakapagbukas ng FB mula.... Syeeet! Lampas isa't-kalahating taon. Kaya ang boring eh. Puro pahinga kasi ginagawa ko at palagi akong kinakausap ni Rob kahit di ko sya masyadong kinakausap pabalik. Tsaka, palagi dito sina Ate at best friends ko.
"Uhm, hello?" bati ko.
"Hey, love," parang pagod ang halimaw. "'Mustang pakiramdam mo?"
Syeeet! Medyo nanginig ang kamay ko na may hawak sa cp.
"Uhm... ayos lang. Medyo ano... uhm... bored...ganun."
Letse! Mixed emotions na naman ako. Naasar ako dito na ewan, pero nami-miss ko rin.
"Reid called me that you're finally awake again. Sorry, I was not around."
"Uhm... ayos lang. Ano, a-asan ka ba?"
Anak ng pokemon! Yung ayaw kong itanong ke Ate Andie, direkta ko pa tuloy natanong dito.
Narinig ko syang natawa nang mahina, "Miss me?"
Buti di ito video call. Makikita nya pamumula ng mukha ko.
"Di lang ako sanay na wala ka dito."
Natawa na talaga ito, "It's saying yes with more words, love."
Potaaah!
"Ewan!"
Tumikhim ito, "Sorry, can't make it for your therapy tomorrow. But I'll be back as soon as I'm done with what I need to do here in the US."
"US?"
Natigilan ito saglit, "Uhm, yeah. May inaasikaso lang ako."
"Sa agency?"
Natigilan na naman ito, "Uhm, personal."
"Ah... okay."
"Ano'ng ginagawa mo ngayon?" tanong nya.
"Kausap ka?"
Tumawa na naman. "Okay, point taken. Before I called, I mean."
"Nanonood nang Jimmy Fallon show. Pero tapos na. Uhm, Rob?"
"Oh?"
"Yun phone ko..."
"It was broken when... when you hit the ground after t-that shot."
"Ah..."
Syete! Medyo nanginig na naman ako nung maalala ko. Pero at least, konti na lang.
"But that phone you have now, it's yours. Pinalitan ko para may pantawag ako sa iyo."
"May data 'to?"
Stupid question. Malamang. Ang ganda nitong phone tapos prepaid? Tsaka di ako kinukuripot ni Rob.
"Uhuh, why?"
"Mag-e-FB ako. Nami-miss ko na eh."
Natahimik ito sandali bago, "Jun...?"
"Bakit?"
"I hope you won't get mad."
Parang alam ko na ang sasabihin nya. "Dine-activate mo FB ko?"
"Uhm, yes. Just the second account. I also changed the password kahit yung email add na naka-link doon."
Mautak si ungas. Para di ko makapag-reset nang password.
"Bakit?" medyo asar kong sabi. "Akin yun, Agoncillo."
"I know... I know," napabuga ito ng hangin. "I have Andie's permission to do so. "
Gagong ito. Alam kung sino ang kukuning kakampi!
"Kakairita ka, alam mo yun?!"
"Hey... hey. Calm down," pasensyoso nyang sabi. "I just can't afford it, love. Yung magtatanong ka dun sa mga kakilala mo sa nangyari. Then you'll be shocked and have another seizure. And ... I'm away. I can't, Jun. Iniisip ko pa lang, mapupugto na hininga ko."
Syeeet! Nalusaw agad ang asar ko sa sinabi nya.
"But, promise. Pagbalik ko, ia-activate natin uli. Ngayon, tyaga ka muna sa personal FB mo. At least doon, alam nila lahat na di ka pwedeng biglain."
"Uhm, sige."
"And Jun?"
"Ano na naman?!" sikmat ko.
Natawa ito ang mahina. "Mukhang malapit ka na ngang gumaling. Masungit ka na uli."
"Yun ang sasabihin mo. Na masungit ako?"
"No... no," natatawa uli. "Don't create another account. I'm watching."
Napatirik ang mata ko. Si Jack!
"So, kelan ka babalik?"
"Miss mo na talaga ako."
"Halimaw ka, ibabato ko na 'tong cellphone mo!"
Tumawa ito, "In a week's time. Basta walang dagdag na aberya."
At yung a week's time na yun, naging two weeks na walang Rob na bumalik. Though, tumatawag ito araw-araw. Na natagalan sya dahil umabot daw sa court hearing yung kaso na dapat eh naroroon sya.
Naisip ko, baka may investigation syang hinawakan dun at kailangan ang presence nya.
So, puro 'Ah ganun ba?' o kaya 'Okay' lang ang sagot ko.
Di ako demanding na tao, at wala akong karapatang mag-demand. Walang jowa label sa pagitan namin.
Napanguso ako. Walang jowa label pero ... Syeeet!
Susko! Ngayong araw pa lang uli ako nakakalakad nang walang saklay, kaberdehan na naman ang pumapasok sa utak ko.
Di bale, pagbalik nya, sigurado naman kaming mag-uusap na kaming dalawa. Di na nya ako tinataguan eh.
Sampalin ko sya nang saklay ko pag umarte uli ang halimaw! Kahit baliin ko pa sa kahahampas sa kanya. Tutal di ko na gagamitin.
Sa dalawang linggo na puro therapy ako, may mga taga-DR na rin na dumalaw sa akin. Mga ka-close lang namin sa grupo nina Paul at Troy. Dumalaw na rin sina Kevin. Iba na pala ang lider nang grupo nila dahil nag-asawa na si Kevin at pinagbawalan nang napangasawa. Minsan na lang ito nagpupunta sa mga event para lang sumuporta. Ayos naman yung pumalit dito. Kilala ko ring loyal sa grupo. Si Lia, Katya at Pete, nagpunta na isang beses. Sabay-sabay sila. Nakakatuwa lang na dala pa ni Lia ang anak nito na tatlong buwan pa lang.
"Ang cute naman ng baby mo. Sarap kagatin sa pisngi. Ang botchog! Nakuuu!" Nanggigil kong sabi.
"Pag nagkaanak ka ng baby girl, i-partner mo," sabi ni Katya.
"Naku! Sasakit ulo ni Lia kapag si Juno ang balae nya," biro ni Pete.
"Grabe kayo sa 'kin ha!"
"Eh, Jun," kalabit ni Lia. "Kelan ba ang kasal nyo ni Papa Rob mo?"
Ewan ko. Nung marinig ko ang salitang kasal, parang may biglang pumiga sa puso ko at pumintig ang ulo ko.
Iba ang naging interpretasyon nila sa pagngiwi ko.
"Baka magsasabi pa lang," pang-aalo ni Lia. "Siyempre, baka ma-shock ka. On your way to recovery ka pa lang. Di ba nga nung malaman mo ang nangyari—"
Siniko ito ni Pete.
Naintindihan ko naman. Nasabihan na pala sila. Hindi na ako nagtanong. Kay Ate ko na lang aalamin yung ilang gusto kong malaman.
Tatlong beses naman akong binisita nang mga magulang ni Rob. Nahihiya nga ako kasi parang sobrang attentive nila sa akin. As usual, nagdadala si Tita Rhea nang pagkain na sya mismo ang nagluto or nag-bake. As in maraming pagkain.
Mucho-mucho nga ang private nurse ko kasi syempre, magshe-share ako sa kanya. O kaya si Paul at Troy kapag sila ang kasama ko.
"Pucha, Jun! Halos dalawang taon kang tulog, pero di nawala sa isip nang nanay ni Rob na masiba ka," si Paul. Kakaalis lang nung mag-asawang Agoncillo.
"Tado!" sikmat ko. "Pero kayo, ang lakas nyo rin kumain. Keme pa kayong bait-baitan kanina nung andito yung dalawang matanda. Pwede pa yan hanggang bukas ko eh mukhang di na aabot kahit midnight snack ko."
"E ang sarap pala talaga magluto eh," salag ni Troy. "Sana sinabi mo damihan sa susunod. Para pwede kami mag-take home."
"Tapos ako lalabas na patay-gutom? Di na, oy!"
Napangiti ako sa naalala habang nakalingon sa iiwan ko nang hospital suite.
"Let's go?"
Si Paul at Troy. Sila ang maghahatid sa akin pauwi sa villa. Dun muna ako nang isang linggo. Then, may therapy pa rin ako pero yung physical therapist ko, sa villa na pupunta.
Ang dalawa na ang nagprisintang susundo sa akin. Ako na rin ang nagsabi kay Ate Andie na wag na sila nung aso nya. Sinabihan ko na rin naman silang mag-asawa nung nakaraan na kahit di na sila araw-araw magpunta sa akin nung nagpapa-therapy na ako. Masyadong malaking oras na ang inagaw ko sa mga pamangkin ko na dapat eh kasama nila ang mga magulang nila.
Habang nasa byahe, nagkwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano lang.
"Si Apo, dinala ko na sa villa kahapon," sabi ni Troy. Yung kotse ko ang tinutuloy nito.
Nitong nasa ospital ko lang naisipang bigyan ng pangalan yun. Hinango ko sa Olongapo, kung saan ko ito unang ginamit.
"Si Augie?" Tanong ko.
"Saka na namin isosoli sa 'yo kapag sigurado na kaming makagaling ka na talaga," si Paul.
Napanguso ako.
Sa shop na business naming tatlo ginarahe ang kotse ko at si Augie. Salitan nilang ginagamit ang dalawa para di ma-stuck up ang makina.
Natuloy pa rin pala yung business naming auto repair parts and accessories. Tinupad naman nina Kuya Aris ang sinabi na bibigyan kami nang magandang presyo sa materyales at labor.
Yung duplex, may kinuhang katiwala sina Ate na titira doon habang wala pa ako.
May nadaanan kaming mall.
"Uy," untag ko kay Paul na syang nagmamaneho. Kotse nya ang gamit naming tatlo. "Daan tayo sa mall. Magpapagupit lang ako. Di ko na gusto ang tubo ng buhok ko."
Nag-eyeroll sila ni Troy. "Gupit lang ha? Wag ka na magpapakulay."
Ngumuso ako. Kainis. Alam agad nila ang tinatakbo ng utak ko.
Pero napasimangot yung dalawa kasi pagkatapos ko magpagupit nang layered bob cut na medyo pudpod sa batok pero lampas sa baba ko naman ang haba sa harap eh, nagpa-semi rebond naman ako.
"Miss, matagal pa ba yan?" Tanong ni Troy dun sa nagbo-blower ng buhok ko.
"Uhm, sine-set na lang po yung buhok ni Ma'm," pa-cute na sagot nung babae.
"Tss," halatang inip na sagot nito.
"Asan si Paul?" tanong ko.
"Lumabas. May kausap sa phone."
"Pang-apat na yata na tawag yun ah."
"Nagpa-rebond ka pa kasi," bulong nito pero narinig ko yun.
Inirapan ko ito.
Gusto ko sanang asarin na palibhasa walang girlfriend. Pero di ko na tinuloy. Baka ma-offend. Naikwento kasi nila ni Paul na sa tinagal na niligawan nito si Nancy, walang nangyari. Akala nya malapit na syang sagutin, pero namukat-mukat nya, nag-apply pala ito nang trabaho pa-abraod. Sinabi lang sa kanya dalawang araw bago umalis.
Na kung makakapaghintay pa raw sana si Troy dahil gusto nitong mapag-aral at makatapos muna ang mga kapatid bago pumasok sa relasyon. Para walang maisumbat ang ina at stepfather nito. Na-badtrip na si Troy kasi feeling nya pinaasa sya tapos ganun. Hindi na sya nagpakita uli kay Nancy, ni ang komantak dito sa tawag o social media.
Si Nancy ang binansagan naming si 'Almost' ni Troy. Sad life!
Asus! Maka-Almost at maka-sad life ka. Eh kumusta kayo nang halimaw mo?!
Napaismid ako sa isip ko.
'Tragis! Na-comatose na ako at lahat, di pa rin pala ako iniwan ng kontra-bida kong utak.
Hintay lang sya. Pagbalik nya. Dedma na ang tampu-tampo ko. Kaya ko namang isantabi yung hinanakit ko sa kanya. Di bale na kahit wala akong mahagilap na dahilan kung bakit may parang malalim akong sama ng loob sa kanya.
Ang importante, ayusin na ang lablayp! Long overdue na! Baka malosyang na ang ka-dyosahan ko eh, silat pa rin!
Maryosep!
"Sa wakas!" sabi ni Paul na nasalubong namin sa entrance nung salon paglabas namin ni Troy.
"Tado ka rin eh. Talagang lumabas ka nung malapit nang matapos si Jun para ako magbabayad nung bill nya sa salon," sikmat dito ni Troy.
Tawa kami ng tawa ni Paul.
Napansin ko na panay ang text ni Troy sa byahe namin papunta sa villa.
"Ano yan? Dakilang fuckboy ka na naman?" sita ko dito.
Tumawa lang ito pati si Paul. Magkatabi ang dalawa sa unahan.
Oo, balik ang dalawang ungas sa pagiging chickboy.
Parehong mga bigo sa babaeng sineryoso nilang ligawan. Ay mali, si Paul pala, pinagpaplanuhan pa lang ang kaso, sobrang bagal. Naunahan tuloy nang iba kay Lauren.
Hay naku! Lovelife it is!
"Uy, daming guests sa resort ah!" puna ko pagpasok namin sa unang gate which is yung Galaxy Resort na regalo ni Kuya Reid kay Ate.
Napatingin ako kay Troy dahil imbes na pumasok kami sa pangalawang gate na papunta sa villa, sa resort kami dumiretso.
Nginisihan lang ako ni Troy. Ganun din si Paul nung magkatinginan kami sa rearview.
Napatakip ako sa bibig nung mabasa ko ang tarp doon.
Welcome back, Dyosa!
"Kanina ka pa hinihintay nang mga bisita mo," sabi ni Paul.
"Kaya sya labas nang labas kanina sa salon, tumatawag na sila kung nasaan na tayo," imporma ni Troy.
Napaiyak na ako.
Lalo na nung pagbaba ko sa kotse.
Andun yung mga kakilala namin sa DR scene. Pati sina Pat, kumpleto. Si Kuya Bart at Kuya Lee. Pati ang baklang Dino! Mga kaibigan ko sa Charleston, sa MonKho, ang pamilya Sorriente, yung apat na kaibigang lalaki ni Ate Andie, si Tita Pam at mga magulang ni Rob, mga pamangkin ko .... basta, marami.
Sayang. Sana, andito yung halimaw ko!
Nagkausap kasi kami kaninang umaga. Sabi nya sure na raw na makakauwi sya next week. Hingi ito nang hingi ng sorry.
Sinalubong ako nina Ate Andie at pamilya nya, "Welcome back, Bunso!"
Umiiyak din ito.
Niyakap ko agad sya, "Ate... Ate ko..."
Para kaming tanga na tumatawa na umiiyak.
Tapos may yumakap sa bewang ko, "Tita Dyosa..."
Si Hopia!
Kahit nangangatog ang tuhod ko, lumuhod ako para magpantay kami, "Hello, aking Hopia!"
Niyakap ako nito, "You're pretty with your short hair kahit not red."
Natawa ako. "Siyempre! Lahi natin!"
"Ibang klase ka talaga mag-brainwash ng bata," pagtingala ko, si Kuya Reid.
Malapad itong napangiti.
Pabiro ko itong inirapan tapos yumakap din, "Thanks, Kuya."
Nilapitan ko agad yung kambal na karga nung mga yaya nila, tapos pinupog ko ng halik.
"Naku, naku! Ang popogi! Wag gagaya sa mga ninong paglaki. Tsaka sa mga bestfriends ni Tita Dyosa!"
"Ayos!"
"Magaling na nga. Pintasera na uli eh!"
"Ba't kami nadamay dyan?"
Sabay-sabay na reklamo nung mga pinatutungkulan ko.
Nagtawanan kami.
Papunta pa lang sa clubhouse, inabot na ako ng syam-syam, kasi nga ang daming sumalubong.
Ang saya-saya ko nung gabing yun.
May mababang stage silang ginawa malapit sa pinakamalaking swimming pool.
Kumanta si Ate Andie kasama ang mga dati nyang kabanda. At meron naman na si Kuya Reid ang nag-piano.
Ang lantod pa rin nilang mag-asawa magtinginan. Wala silang pake kahit nakikita namin. Parang silang dalawa lang ang andun kahit yung pagtugtog at kantang yun eh para talaga sa akin. Kakaumay!
Pero, tuwang-tuwa ako. Kasi nakikita ko sa kanila si Mama at Papa.
Tapos nun, naging parang party na.
Sinamantala ko na makipagkwentuhan sa mga naroroon nung kainan na.
Nung maupo ako sa table ng pamilya Sorriente, naiiyak akong nagkwento sa kanila tungkol kay Caloy.
"Hindi po ako mapagpaniwala sa mga ganun," sabi ko sa Daddy ni Caloy. "Pero, pakiramdam ko, siya talaga ang tumulong sa akin para gumising na."
Tinapik ako nito at ni Kuya Carlo sa balikat. "We're happy that you're back."
Tumikhim ako matapos magpunas ng luha, "Uhm, Kuya Carlo..."
"Oh?"
"Napakulong nyo na ba?"
Medyo nalungkot ang mukha nila, "Yung tatay na Quimbo lang. Si Danny, nakatakas pero hindi na nakita. Yung huling lugar na pinagtaguan nyang nalaman namin, ang sabi, may sumundo raw na tatlong lalaki. Tapos sumakay sa van. Yun lang."
"Ah, ganun ba? May maitutulong ba kami?"
"Wag mo na isipin yun. Sobra na ang nagawa mo para sa amin. Just continue with your life. Ang tagal nang nasayang na dapat na-enjoy mo nung tulog ka."
"Si Laarni?"
"She's doing fine. Actually, great. Stay-in volunteer sya sa mismong NGO na pinagdalhan mo sa kanya. Pero sa probinsya sya nagpa-assign."
Natuwa ako sa balitang yun.
Sinabi ko rin na isa sa mga araw na ito, dadalaw ako kay Caloy. Na hinihintay ko lang si Rob kasi gusto nitong sya ang kasama ko papunta doon.
Ayokong pagselosan na naman nung halimaw na yun si Caloy. Maayos na ang closure ko kay Caloy, sa pagkakaintindi at nararamdaman ko ngayon.
SI Tita Pam naman, "Aba, parang di ka galing nang mahabang panahon sa ospital ah! Talagang nagpa-salon ka pa pagkalabas na pagkalabas."
"Siyempre, Tita. Na-demote ako sa Sleeping Beauty nang matagal. Dapat pagbalik ko, Dyosa uli!"
"Ikaw talaga!" Natatawang sabi.
Nakabuti yung tatlong beses na pagbisita sa akin nina Tito Robert at Tita Rhea. At least di ako awkward na chumika sa kanila nung sila ang puntahan ko.
Though, may ilang pagkakataon akong nakikita silang nag-uusap sa mata lalo na nung makatanggap nang tawag si Tito Robert galing sa isa nilang katulong.
Dedma na lang.
Nagtagal ako nang konti kina Pat. Awa naman, graduating na sila this coming end of school year. Although, si Long, may-asawa na pala.
"Matulis eh. Nakabuntis," kantyaw nina Larry.
Natawa ako. "Pupunta ako sa Palawan. Attend ako sa graduation nyp. Pramis!"
"Aasahan namin yan."
Si Kuya Bart at Kuya Lee naman, pasimple pa akong pinintasan.
"Mag-gym ka uli. Medyo lumaki ang bewang mo. Tsaka nangayayat ka nga."
Napanguso ako. "Oo nga eh. Ang tagal ko kasing walang exercise. Pakiramdam ko, di na masyadong firm ang laman-laman ko. Kapag may clearance na 'ko sa therapist ko, gora agad sa gym. Tsaka magana na naman uli akong kumain nito nakaraang dalawang linggo."
Totoo naman yun. Medyo may loose skin akong nakakapa sa puson at tagiliran ko. Tsaka halata na pumayat ako kesa dati. Eh ganun talaga. Sanay ang katawan ko sa gym tsaka maganang kumain. Iba syempre ang dextrose at yung fluid nutrition na pinapadaan sa nasogastric tube.
Bago mag-alas-onse nang gabi, tinawag ako ni Ate dun sa mababang stage. Sinabihan naman ako na hanggang eleven lang ang party dahil mahigpit si Ate Andie na di ako mapupuyat nang husto. Kanina pang alas-nueve pinauwi ang mga pamangkin ko sa villa.
Nagbigay ako nang maikling speech. Puro pasasalamat lang naman halos.
"... Sobrang saya ko. Na kahit ang suplada ko at masungit—"
"Buti alam mo!" Sigaw nina Kuya Aris at Kuya Mike.
Umugong ang tawanan.
Inirapan ko nang pabiro at itinuloy ang sasabihin ko.
"... hindi ko inaasahan na ..." huminga ako nang malalim kasi naiiyak ako. " ... na marami pala akong kaibigan. Nalaman ko... nalaman ko na maraming nagpunta sa inyo bago ako dalhin sa U.K."
"Na kahit ... ang sungit ko sa inyo ... andun kayo kahit di ko alam..."
Napaiyak na ako. Wala akong dalang panyo kaya yung neckline nang tshirt ko ang ginamit kong pamunas ng luha.
"Tss. Here. Use my handkerchief."
Sumikdo yung puso ko, kasabay nang hiyawan at palakpakan sa paligid.
Pabigla akong napalingon.
"M-maw..."
"Hi, love..." malambing na bati.
Anak ng pokemon! Di na nyakailangang magpa-cute sa akin.
Otomatikong umangat ang kamay ko at nasampal sya.
Nagulat ito.
"WHOOAAAA..." umugong sa mga naroroon.
Pero pabigla ring halos lundagin ko sya at iniyakap ang dalawang braso ko sa leeg nya.
"Tarantado kang paksyet ka!" Umiiyak kong sabi habang nakayakap sa kanya. "Sabi mo... sabi mo..."
Umalog ang balikat nang halimaw! Pinagtatawanan pa ako!
Gago talaga!
"Cariño brutal talaga!" Si Troy at Paul yata yun.
Naghiyawan uli ang mga naroroon.
Naramdaman ko ang kamay ni Rob na hinihimas ang likod ko, sabay bulong, "Surprise!"
Humagulgol ako sa leeg nya. "Gago ka! Gago ka!"
Paulit-ulit kong sabi.
"E di inamin mo rin na na-miss mo 'ko?"
"Ulul!"
Tumawa lang ito, "What did I say about you cussing, Jun?"
Bigla akong napatingin sa mukha nya.
"Oy... oy .. ang daming tao—"
Eh ayun na!
LASYAMPAKE!
Basta ang alam ko, ang sarap nung kiss nya!
At LANARINAKONGPAKE!
"Hoy...awat na!" Sigaw ni Kuya Jeff.
Sabay nagkaroon nang malakas na tawanan.
Dun lang naghiwalay ang labi namin ni Rob. At biglang namula nang husto ang mukha ko, hanggang leeg pa nga yata!
Juice colored!
Andito Mommy at Daddy ni Rob!
"Ay sus! Ngayon pa nahiya!" Kantyaw nina Pat.
Gusto ko silang bigyan ng dirty finger. Kaya lang, andito nga kasi sina Tita Rhea ... tsaka si Tita Pam at Ate Andie.
Nakuuuu!!!
At nanigas ako sa kinakatayuan ko nung biglang lumuhod si Rob sa harap ko.
Lalong lumakas ang hiyawan kasabay nang panlalaki ng mga mata ko nung ilabas ni Rob sa bulsa nya ang kahita na kilalang-kilala ko.
Hanggang ngayon... nasa bulsa nya pa rin pala yun!
Hindi pa nagsasalita si Rob, napaiyak na ako sa palad ko.
"Hoy, Juno! Wala pang tinatanong!" Si Kuya Aris. "Baka mangungutang lang yan!"
"E di lalong umiyak si Jun!" si Pete yata yun.
Hagalpakan uli nang tawa.
Buti napigilan ko ang bibig ko na sumigaw sa kanila nang malutong na 'PAK U!".
"Jun... love ..." dinig ko ang panginginig ng boses ni Rob. "Will you marry me?"
Di na ako makapagsalita. Basta, tangu na lang ako nang tango.
Lumakas lalo ang sigawan nung isuot ni Rob ang engagement ring sa daliri ko.
And we kissed again.
Nakakainis!
Ganito pala ang feeling!
Di ako makasalita sa sobrang saya.
Akala ko, ako na naman ang mag-i-initiate na mag-usap kami para magkalinawan na.
Diretsong engagement pala agad!
Syeeeeet! Finally!
Nung maghiwalay ang labi namin at tumingin ako sa mga naroon, sobrang tuwang-tuwa sila para sa amin ni Rob!
Kaya lang napansin ko sina Ate Andie, Kuya Reid, Kuya Aris, si Ralph at mga magulang ni Rob, na nakangiti pero andun ang tagong pag-aalala sa mga mukha.
At ang malaking palaisipan sa akin, sina Paul, Troy, Kuya Mike, Kuya Jeff, Ate Sarah, Erol, Tita Alice at Tito Frank.
Bakit pagtutol ang nakikita ko sa mga ekspresyon nang mga mukha nila?
At bago mag-uwian ang mga bisita ko, nakita ko na parang may pagtatalo sa pagitan ng bestfriends ko at ni Rob.
Nung lumapit ako, nag-pretend sila na kaswal lang silang nag-uusap.
Ano'ng meron?
==================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro