Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8 Motibo


Ang gaan ng pakiramdam ko nang gabing iyon na bitbit ko hanggang kinabukasan.

Napansin nga ni ate nung nag-aagahan kami, "Oh, ganda ng ngiti natin ah."

"Naku, ate. Di ako maganda. Dyosa ako!" biro ko.

Natawa lang ito sa akin, "Ngayon yung lakad mo, di ba? Dahan-dahan sa pag-inom, Bunso ha? Pero kung di maiwasan, makitulog ka na lang sa bahay kasama mo sa trabaho kesa bumiyahe ka nang lasing. Basta mag-text ka sa akin."

Napangiti ako. Hindi talaga ako hinihigpitan ni Ate sa ganito.

Medyo bulky than usual ang backpack kong dala dahil nagbaon ako ng damit. Gusto kasi ni Sir Abet, nakapang-party clubbing ang get ups namin para feel na feel daw ang despedida nya.

Kaya dinala ko yung pula kong body hugging na halter mini-dress na hanggang gitna ng hita ko ang haba at yung red strappy-stiletto ko na three inches ang taas. Designed ito for ballroom dancing kaya kampante ako dito.

May thirty minutes pa ako pagdating sa school, kaya naisip kong dumaan muna sa canteen.Ewan ko kung bakit bigla akong inatake ng hiya nung makita ko yung ilang kulugo kahit wala si Caloy dun. Buti hindi nila ako nakita. Isinuot ko yung hoodie ko sa ulo tapos umatras. Pero may umakbay sa akin galing sa likod.

"San ka pupunta? Maaga pa para sa klase natin ah."

Napapikit ako ng mariin at napakagat ng labi.

Ang taong gusto at ayaw ko ring makita muna ngayon. Which reminded me, classmate ko sya sa first at second subjects ko. Tsk!

He guided me back sa loob ng canteen habang nakaakbay sya.

"Caloy, yung kamay mo," gigil bulong ko.

"Really now, Jun!"

Inilapit pa yung mukha nya sa mukha ko. Lalo tuloy akong nailang. Sabay bulong, "Kung hinahalikan kaya kita dito ngayon, katulad kagabi? Subukan mo 'ko."

Napanguso ako na humakbang sa kinauupuan ng mga kulugo.

Hindi nakaligtas sa akin yung patago nilang kindatan. Pati ang makahulugan nilang tinginan. Kasabay ng pagkaasar sa mukha ni Vugz.

Nagkaroon ako nang masamang isipin.

Hindi naman siguro. Hindi nila gagawin yun sa akin.

Pagkatapos nung last subject ko, naghihintay si Caloy sa labas ng classroom ko.

"Hatid na kita. May gym ka ba ngayon?"

"Skip rin ako today. Maaga duty ko sa McDo para sa lakad namin mamaya," sagot ko.

Nandun sa tambayan sa parking yung mga kulugo.

At tulad kaninang umaga, may kakaiba sa tinginan nila.

Di na ako nakatiis, "Ano'ng meron sa tinginan nyong yan?"

Nagulat pa ang mga kulugo.

"Ahm, wala, Dyosa," si Kiko.

"Kanina pa kayong umaga eh," asar kong sabi.

"Wala nga. May biglaang lakad din kami ngayon," salo ni Caloy. "Tara na."

Nawala na sa isip ko yun. Lalo na nung matapos ang shift namin.

Lahat kami excited sa despedida ni Sir Abet. Sa store na kami nagpalit ng damit.

"Wow naman, Jun! Ikaw ba yan?" Sabi ni Jen. Naglalagay ito ng make up. "Lalong lumabas pagkatisay mo."

Naka-mini-dress din ito pero itim at backless.

"Hinde! Isa akong aparisyon," biro ko.

Nagtawanan ang mga kasamahan naming babae na nagpapalit ng damit na sasama kay Sir Abet.

Naglagay lang ako ng light make-up pero gumamit ako ng bloody red ng lipstick.

"Ang taray! Ikaw na!" Sabi ni Sir Abet paglabas namin.

May mga kasamahan akong nagsisipulan.

Pabiro kaming nag-model sa harap nila, sabay irap.

Nagtawanan ang mga ito.

"Sir Abet oh!" Pabiro kong sumbong sabay kapit sa braso nya.

"Naku, Juno, swerte mo, di tayo talo," baklita talaga ito si Sir Abet.

May dalang van si Sir Abet. Dun kami sumakay.

Nasa gitna na nang kasayahan sa club strip. Weekend kasi at sakto pang araw ng sweldo. May pailan-ilan na nga kaming nasalubong na mga lasing at maingay. Kunsabagay, pasado alas-diyes na.

Natagalan kami sa pagbibihis at pagpapaganda eh. Bakit ba?! Haha!

Si Sir Abet ang pumili kung saang club kami papasok. Gaya ng inaasahan ko, doon kami sa kung saan mas maraming 'eye candy' ang pumapasok.

"Kids, pwede kayong hindi mag-behave tonight! Last day ko na!" Maharot na sabi nya sa amin nung makakuha na kami ng dalawang table. Lumabas na naman ang kabadingan nito.

"Sinong may sabing magbe-behave kami, Sir?!" Sigaw nung isang kitchen crew namin.

"Woohooo!" Sabay-sabay naming sigawan at palakpakan.

Yung iba sa amin, nagpuntahan agad sa dance floor. Kaming naiwan sa table, pinaorder na ni Sir Abet. Sya na rin ang umorder para sa mga nagsayaw na.

Nakakadalawang bote na ako ng San Mig Light nung maalala kong di pala ako nakapag-text kay Ate.

"Sir Abet," kinalabit ko ito. "Pwedeng mahiram susi sa van? Iniwan ko bag ko dun eh nasa loob yung cp ko. Di pa ko nagte-text kay Ate."

"O, eto. Kung may hahablot sa 'yong men, wag magkakalat sa van ha?" ang sabi.

Natawa ako, "Grabe ka!"

Tumawa lang ito. "Pasama ka sa isang ka-crew mo."

"Wag na, Sir. Sus, para dyan lang," natawa kong sabi.

Ayoko ring makaabala. Busy na ang ilan sa pag-inom at pagsasayaw.

Ang dami nang tao sa club at siksikan sa dance floor pagdaan ko.

May kamay na pumulupot sa bewang ko, "Sayaw tayo,babe."

Pag-angat ng tingin ko, pogi...pero... Caloy pa rin. Hehe!

"Uhm, wait lang, pogi. Balik ako. May pupuntahan lang ako sandali," sabi ko lang.

Binitawan naman ako. "Hintayin kita," kumindat pa ito at nagpakawala ng flying kiss.

Natatawa akong lumayo.

Bago ako makarating sa pinto, may lalaking biglang gumiling-giling sa harap ko.

Napahawak ako sa noo ko na natatawa. Nagsipulan ang mga kasama nito sa table.

"Ay!" Bigla ako nitong hinatak tapos saka sumayaw uli na magkadikit ang katawan namin.

Pinagbigyan ko at sandali kaming sumayaw.

Nagpalakpakan ang mga kasama nya.

"Wait lang," sabi ko. "May pupuntahan kasi talaga ako sa labas."

Natawa ito. "Sorry, naharang pa yata kita." Game namang sabi na binitawan ako.

Ang haharot talaga ng mga tao pag nakainom.

Mas marami nang tao sa labas na maiingay at lasing kumpara kaninang pagdating namin.

Hindi ko na pinansin yung mga sumisipol at mga nagha- 'Hi, Miss!' na nadaanan ko papunta sa van.

Medyo nahirapan akong hanapin yung bag ko sa loob dahil nagkahalu-halo ang mga gamit namin sa loob.

Napilitan akong isara ang pinto, dahil papaalis na yung dalawang kotseng katabing namin sa parking, at ang usok ng tambutso nito.

"Bwiset!" bulong ko.

Nakita ko ang bag ko at kinuha ang cp ko doon. Saktong kaka-send ko lang nang text kay Ate nung may dalawang kotse na nag-park sa inalisan nung katabi namin kanina.

Kotse ni Vugz at ni Caloy!

Shit!

Mabilis kong pinatay ang ilaw sa loob ng van. Ayokong makita nila na nagsusuot ako ng ganito. Aasarin ako ng mga ungas na ito. Mabuti at bahagyang tinted ang salamin ng van. Sumandal ako ng maigi para hindi mahalatang may tao sa loob.

Lumampas ang kotse ni Kiko. Malamang maghahanap nang mapagpa-parking-an.

Kasama sa bumaba sa kotse ni Caloy sina Larry at Pat. Sina Long at Ben kay Vugz. Malamang kasama ni Kiko si Charlie.

"Ano, Caloy?" Si Vugz. "Sigurado ka na ba sa January?"

Tumango ito. "Oo, nag-confirm na rin ng participation si Danny. Yun lang naman hinihintay ko."

May laban na agad sa January? Parang ang aga naman para pag-usapan.

Kunsabagay, magpa-Pasko. Maraming rich kids ang magbabakasyon.

"Tara na," sabi ni Pat.

"Teka, usapan hintayin dito si Kiks at Charlie," sabi ni Long.

Shit, bakit di na lang sila umalis?

Sumandal pa si Caloy sa van. Sa side ko pa man din.

"Talagang kakalabanin mo yung kuya ni Anne eh, ano?"

Anne? Sino'ng Anne?

"Kaya ko nga pinilit na makilala dito sa Palawan. Sakto naman yung pustahan natin ke Jun. Di ko ine-expect na magiging top 1 navigator sya dito. Nakatulong sa ranking ko para mapansin ako nang grupo nina Danny," sabi ni Caloy.

Nahigit ko ang hininga. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko.



"Tangna, dakilang babaero ka, wala pa rin? Sabi ko na sa 'yo, matatalo ka sa pustahan."

"Ulul mo, Vugz. Wag mo itulad manok ko sa iyo... Alam nyo namang espesyal yung target. Syempre, pinapakagat muna ni Caloy."

"Tangna, kung ako ang unang lumapit dun. Tapos agad ang boxing."

"Ang bagal mo kasi. Naunahan ka tuloy. Tsk! Hina nang manok natin, Charlie eh. Lipat na kaya ako kay Caloy?"

"Slowly but surely ako. Kita nyo naman. Konti na lang kakagat na yun."



Ako pala! Ako pala ang pinag-uusapan nila. Sarili ko pala ang sinabihan ko ng 'kawawang nilalang'!

Parang may dumukot sa puso ko at unti-unti iyong piniga sa harapan ko.

Nagsimulang lumabo ang paningin ko sa luha. Kinagat ko nang madiin ang labi ko para hindi ako mapahikbi ng malakas.

Silang walo. Pinagkaisahan ako. Wala ni isa sa kanila ang nagkaroon ng pag-iisip na hindi na ituloy iyon. Lampas isang taon? Putang ina!

"Bakit tinuruan mo pa si Juno magmaneho?" si Pat.

"At least, may iiwan ako sa kanya bago ko sya bitawan. Kahit papaano, maayos naman sya sa trabaho nya sa 'kin. Tatapusin ko lang this sem, balik na 'ko sa Manila, sabi ni Dad," sagot ni Caloy.

Aalis na sya?

"Tangna mo, Caloy! Bibitawan mo rin pala, sana ako na lang pinauna mo ke Jun," inis na sabi ni Vugz.

Caloy just chuckled, "Ulul! Wala kang mapapala dun. Andun na nga kami kagabi eh. Tangna, nakapagpigil pa!"

"Puta, tinanggihan ka uli?" Si Larry.

Nagtawanan ang mga ito at nagsipag-high five.

Ang mga hayop! Ginagawa akong pulutan sa mga usapan nila!

"Grabeng control talaga ng mga tibo kapag lalake eh," sabi ni Caloy na napapailing pa. "Pero iba 'to si Jun. Tss! Yung putangnang tibo na pinalit sa 'kin dati ni Anne, tangna, isang buwan lang bumigay rin sa 'kin eh. Kailangan rin pala ng lalaki, e bakit si Anne ko pa ang tinalo? Sumpain ang mga putangnang mga tibo at bakla yan, di na lang mamatay lahat!" Halata ang galit sa mukha ni Caloy habang may parang sinisipa-sipa sa lupa.

"Try ko nga pag-alis mo," mayabang na sabi ni Vugz. "Cariño brutal ibibigay ko ke Jun. Ewan ko lang! Baka habul-habulin ako nun. Gagawin ko syang babae uli."

Nagtawanan ang mga ito.

"Caloy, bakit di mo iwanan ng anak?" Ngisi ni Long.

"May anak na nga di ba? Dadagdagan ko pa? 'Tragis, di ko nga malaman kung bakit nagpapa-virgin pa amputa!"

Pa-virgin? Anak? Sinong—

"Sigurado ka bang anak nya yun?" Si Pat.

"Oo, maputi rin at kulot katulad nya. Galing silang ospital eh. Kaya siguro matindi pangangailangan. Medyo payat yung anak eh. Baka may sakit," sagot ni Caloy.

Si Hope. Si Hope ang tinitukoy nya. Minsan, ako lang ang nagdadala sa kanya sa monthly check up nya kapag may naka-schedule na tutorial si Ate.

"Tangna! Ang tagal naman ni Kiko at Charlie," reklamo ni Ben.

Gustung-gusto ko nang magpakita sa kanila, pero may parte nang isip ko na umaawat sa akin.

"So, anong plano mong itaya sa kina Danny? Mabigat kung ang hihingin mo eh payagan nya kapatid nyang makipag-relasyon uli sa 'yo. Di papayag si Danny Boy na pera lang ang usapan. Syempre, sa kotse mo na sasakay si Anne kapag ganun," sundot ni Vugz.

Di agad nagsalita si Caloy.

"Depende." Huminga ito ng malalim. "Di ko kasi ma-gets si Anne kung ako ba talaga ang gusto o tibo. Tangna kasi. Bakit pa nauso yang third sex na yan!"

"E pa'no kung hingin nyang tapyasan record mo?" Susog ng gagong Vugz.

"Bakit? Takot sya sa 'kin? Tangna nya, kaya lang naman zero loss pa rin sya dahil kay Anne."

"Bakit? Ikaw rin naman kay Jun, ah."

"One-on-one na laban ang meron sa January. Walang navigator. Mga zero loss lang ang pwedeng sumali," sa halip ay sabi ni Caloy.

"Sa Maynila ba?"

"Olongapo raw eh. Ipa-finalize pa ang venue ngayong Christmas vacation. Kaya uuwi ako kay Dad itong Christmas break, para dun. Sisiguraduhin kong mananalo ako sa January. Magaling na navigator at training partner si Jun. Nalampasan nya ang expectation ko sa kanya. She served more than what I want her sa motibo ko. Yun lang wala pa yung sa pustahan natin," tapos ngumisi ako. "Di bale, may ilang buwan pa naman bago matapos ang second sem. Kukwentuhan ko kayo bago ako bumalik sa Maynila"

Tawanan uli ang mga demonyo. Nag-high five pa si Long, Ben at Caloy.

"E paano nga kung ang gusto ni Danny—"

"Ang kulit mo!" Asar na sabi ni Caloy kay Vugz. "Pag ganun hiningi nya, sige. Ipapatalo ko. Tulungan ko pa sya manalo sa ibang sasali. Basta sisiguraduhin nyang di na sya haharang sa 'ken ke Anne."

"E kasalanan naman ni Anne yun ah. Bakit di mo sabihin ke Danny kung bakit talaga kayo naghiwalay? Na siya ang nang-iwan dahil dun sa tibo," singit ni Pat.

"Di pwede. Lalong mawawalan ng gana sa 'kin si Anne. Kita mo ngang ayos na kami lately kahit papano."

"E pa'no si Jun?" Si Vugz uli.

"Bah, malay ko. Bahala na. Gusto nyo saluhin nyo. Kailangan nun ng pera. Di yun tatanggi," sagot ni Caloy.

Putang-ina nyong lahat! Mura ko sa isip ko.

Alam kong panay ang tulo ng luha ko pero walang lumalabas na hikbi sa bibig ko kahit wala na ang kamay kong nakatakip doon.

"Ayun na si Kiko. Tara!" Si Ben.

Para akong naubusan ng lakas pag-alis nila.

Pinasakay lang nila ako lahat. Lahat sila. Lalung-lalo na si Caloy!

Mula cloud nine kagabi para akong bumulusok sa purgatoryo sa mga narinig ko.

Tangna! Muntik na 'ko kagabi. Shit! Shit!

Hindi ito ang inaasahan ko.

Dahil ba mas challenging ako kesa sa mga fantards nila sa campus?

Tapos si Caloy, pinlano nya lahat. Ginamit nya pa 'ko para dun sa Anne.

Yun ba yung sinabi nya noon kay Neri na gusto nya?

Tangna, Jun! Dahil sa lalake, nakalimutan mo na ang utak inilagay sa itaas, mas mataas sa putangnang pusong yan! Sermon ng isang parte ng utak ko.

Kasi akala ko... akala ko... Kasi, mahigit isang taon... tapos ganun?! Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Oh, eh ano ka ngayon?

Napasubsob ako sa sandalan ng kinauupuan ko.

Doon ako umiyak ng umiyak. Hindi nga ako sigurado kung malakas ang pag-iyak ko o kung dinig ako sa labas.

Di yata talaga kami swerte ni Ate pagdating sa lovelife. Pero at least, si Ate, matitino ang mga kaibigan. Yun lang, kailangan naming lumayo para di sila madamay.

Natigil lang ako kasi may kumatok sa bintana ng van. Si Sir Abet!

Mabilis kong inayos ang sarili ko bago buksan ang sliding door.

Pero nahalata ni Sir Abet na galing ako sa pag-iyak.

"Antagal mo bumali— Ay, anyare?!"

Ewan ko, pero isang tanong pa lang niya, naiyak uli ako at sinabi ko ang natuklasan ko. Nagulat ito hindi lang sa nalaman kundi pati sa pagsali ko sa drag-racing.

"Mga letseng homophobic mga yan ah!" Nanggagalaiting sabi nito. "Ano'ng plano mo?"

"Hindi ko pa alam. Ayokong malaman nila na alam ko na. Pero may laban kami ni Caloy sa Sunday night," sagot ko sa pagitan ng paghikbi.

"Bakit ayaw mong ipaalam? Gusto mo gumanti?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Natigilan ako at napaisip sa sinabi ni Sir Abet.

"Gusto ko sila lahat gulpihin," sabi ko. Napayuko ako dahil nagsimula na namang mangilid ang luha ko.

Inangat ni Sir Abet ang baba ko, "Tama na yan, Juno."

Pinahid nito ang luha ko, "Ikaw na ang may sabi, dyosa ka! Di dapat pinag-aaksayahan ng luha ang mga putangnang mga lalaking yan na sobrang mapanghusga sa tulad namin sa third sex. Kung panggugulpi sa kanila ang naiisip mo, parang medyo malabo, girl. Walo sila base sa kuwento mo, eh nag-iisa ka lang. Tsaka, kung hahanap ka ng gugulpi sa kanila, baka ikaw pa ang makasuhan. Gets?"

Napatango ako.

"Kung gusto mo may suggestion ako pero..." ngumusu-nguso ito.

"Ano?"

"Vicious kasi yun, girl. Pero pak na pak pag na-execute mo nang wagas!" Tumawa pa ito ng parang bruhang bakla. Tss. Palibhasa, nakainom na eh.

"Ano nga? Baka kaya ko."

"Bigyan mo nang loss ang record ng mga gago! Matindi pa sa pagsipa sa balls nila yun kapag ikaw mismo ang makakagawa nun! Tapos masosorpresa sila na ikaw pala yun! Yung tipong dramatic ang pagre-reveal mo. Antaray, di ba?" Humalakhak uli ito.

Napatanga ako dito. Pero unti-unti akong napangiti.

"Aaayyy! Ayan, bet ko yang ngiti mo, Dyosa!" Pumapalakpak na sabi nito.

Pero biglang bumagsak ang balikat ko, "Wala akong kotse."

"Oo nga, noh!"

Nag-isip ito sandali. Tapos,

"Hhmm... gusto mo yung Honda ko. Wala pa namang bumibili. Iiwan ko lang muna sa pinsan ko pati yung susi ng bahay namin, " ang sabi.

"Ha?! Naku, Sir Abet, kailangan ko pa ipa-set up yun."

"E di ipa-set up mo kung may pera ka. Tataas nga value nun eh. Tapos saka mo ibenta. Basta ideposit mo yung asking price ko sa bank account ko," pabale-walang sabi.

"Lasing ka na eh. Wag ka na nga," sabi ko.

"Gaga! Kaya kong ubusin lahat ng alak sa bar bago 'ko malasing!" Tumawa ito.

"Tara, magpakasaya na tayo. Sayang ang gabi, alak at mga papabols. Magsimula ka na maghanap-hanap ng iba sa bar. Tangnang yan! Ganda-ganda mo, umiiyak sa gago! Kung ako ang nasa posisyon mo. Sila lahat ang luluhod sa 'ken. Nakakasawa na kaya na ako lagi ang lumuluhod... hhhmm... well, ok lang rin pala. Masaya rin!" Malandi itong humagikhik.

Natawa rin ako. Na-gets ko ibig nyang sabihin. Ang laswa!

"Sa bahay ka na matulog. Nagpaaalam ka naman sa ate mo ,di ba? Pag-usapan natin bukas tutal wala ka namang pasok sa store, korak?"

Tumango ako.

"Retouch ka. Nabawasan ang pagk-dyosa mo! Gusto kitang makita mamaya kasayaw lahat ng yummy men sa dance floor! Syeeet!" Kinikilig na sabi.

Hinila na ako nito pagkatapos ko mag-ayos. Sya na rin ang nagsara ng van.

I was glad I had a talk like that kay Sir Abet. Malaking kabawasan sa nararamdaman ko kanina ang nawala. Kaya sa lahat ng managers namin sa store, ito ang paborito ko.

Tama naman si Sir Abet. Magpapakasaya kami ngayong gabi.

Bukas kami magpaplano. Limited na ang araw nya at lilipad na ito sa Australia. I should grab the opportunity. It was his plan after all. Galit din kasi ito sa mga taong nanghuhusga sa mga katulad nya.

Nagpalakpakan mga kasamahan namin pagbalik ko. Nagkanya-kanya na kami ng inom. Halu-halo na beer at cocktail na ang nainom ko.

Panay ang pag-thumbs up sa akin si Sir Abet lalo na nung may magyaya sa aking sumayaw. Medyo nahihilo na ako pero wala akong pakialam.

Tangna! Freedom night ko ngayon! Pakyu ka, Caloy! Pak yu kayong lahat ng mga tropa mong kulugo!

Napansin ko na si Sir Abet, may nilalandi nang lalaki sa table namin. Sya na lang naiwan doon. Yung mga kasamahan ko, nakakalat na kung saan sa dance floor.

Hindi ko na nga malaman kung nakailang partner na ako sa pagsasayaw.

"Jun?"

Napalingon ako. Si Charlie.

Nagulat ito. Natawa lang ako tapos inirapan sya.

"Teka, Jun. Ikaw yan?" Hinawakan pa ako sa braso.

Piniksi ko ang kamay 'ko.

"Hindi! Anino lang nya. Bitaw nga!"

Tangna nyo! Sa isip-isip ko. Kung wala akong alam sa inyo, ganun din kayo sa akin.

Umalis si Charlie. 'La na 'kong pake kahit ibalita nya kina Caloy na nakita nya ako dito ngayon.

Mga letse sila!

Magaling ang kasayaw ko. Feeling ko nga D.I. ito. Kaya nakaagaw na kami ng atensyon habang nagsasayaw kami. Pinalibutan kami ng mga naroroon para bigyan kami ng mas malaking espasyo.

Ang bango naman ng boylet na ito! Sabi ng kiring parte ng utak ko habang magkadikit ang katawan namin na sabay na gumigiling. Napahagikhik ako sa sarili ko.

"Nice moves, lady" bulong nito sa akin pagkatapos nung tugtog.

Syeeet! Pati boses orgasmic. Ang lantod ko! Haha!

Ni hindi ko na nakita sa liwanag ang mukha nito kasi may humatak sa akin. Si Jen at Karen, "Jun, ledge tayo!"

"Tara!"

Napadaan pa kami sa table namin tapos inabutan ako ni Sir Abet ng Margarita. Inisang lagok ko lang iyon.

"Go girl!" Hiyaw nito. "I love it!"

May humila sa amin paakyat sa makitid na ledge.

Doon kami humataw ng husto nina Karen at Jen. May mga pumartner pa sa amin.

"Jun!" Narinig ko iyon. Parang si Caloy. Pero puta, hu u uli?!

May naghamon ng showdown, di kinaya nina Jen At Karen. Bumaba ang mga ito sa ledge.

Ako pa! Ako pa hinamon?! Move over, bitch!

Nagsigawan ang mga nanonood habang nagsho-showdown kami nung dalawa pang babae doon.

Nakadagdag sa magaan na pakiramdam ng ulo ko ang pagche-cheer ng mga kasama ko at mga narooon, tapos yung ilaw pa sa buong club.

The hell I care! I'm here to have fun, duh!

"JUNO!"

Nangibabaw iyon lalo na at nasa ibaba ko lang ang nagsalita.

Si Caloy! Ang dilim ng mukha nito.

Kasama nya ang buong tropa na nakanganga sa akin at di makapaniwala na naririto ako ngayon sa ledge at ganito ang suot.

Inirapan ko ang mga ito.

"Bumaba ka nga dyan! Kita na panty mo oh!" Singhal ni Caloy.

"At least hindi brief!" Sigaw ko pabalik.

Nagtawanan yung mga nakadinig.

Tuloy lang ako sa pagsayaw.

"Ay kamote!"

Umakyat na pala ito sa ledge at hinatak ako pababa.

===========

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj