Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

79 Caloy

Juno's POV

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit. Pero napakunot ako ng noo nung maramdaman ko ang pagdapo ng hangin sa pisngi ko. Tapos parang nakikiliti ang tenga ko.

Pinalis ko kung ano yung andun. Buhok ko pala sa nilalaro ng hangin.

Dumilat ako nang konte. Malabo nung una. Pero alam ko agad kung ano ang nakikita ko kaya bigla akong napadilat.

Dashboard. At alam kong gabi dahil madilim sa loob at labas ng kotse.

Kilala ko kung nasaang kotse ako. Mula sa tissue box at mga decors sa dashboard.

At sobrang give away ang baseball cap doon.

Napasinghap ako at kumpirmado! Kilala ko pa rin ang cologne na yun.

Bago pa ako nakalingon sa driver's seat, "Sorry, nagising ka yata nung buksan ko yung bintana. Alam ko kasing mas gusto mo ang hangin nang probinsya kesa sa aircon."

"C-caloy..."

Saglit akong tiningnan nito patagilid. Tipid syang nakangiti. Tapos binalik uli ang mata sa daan.

Napatingin na rin tuloy ako sa dinadaanan namin. Pamilyar ako ... mali. Alam ko ang kung saan ang punta namin pero gusto kong makasiguro.

"S-saan tayo pupunta?"

Nahuli ko ang pigil nyang ngiti. "Matandain ka sa lugar at daan, Jun. Dalawang beses na kitang dinala dito."

Saglit akong napaisip. Dalawang beses nga ba?

"S-sa tambayan mo? Nung mag-video call tayo sa mga Kulugo?"

"Uhuh. Usap tayo."

Ibinuka ko ang bibig ko at doon pasimpleng huminga. Kailangan ko ng hangin. Parang kulang ang oksihenang pumapasok sa ilong ko. Ang lakas kasi ng kabog ng puso ko.

Naglakas ako ng loob na hawakan sya sa braso. Yung nakakapit sa kambyo.

Pigil na pigil ko ang panginginig ng kamay ko.

Nung mahawakan ko sya, pasimple akong huminga ng malalim sa bibig ko.

Nahahawakan ko si Caloy. Hindi sya multo.

Saglit na tumingin sa akin si Caloy na nangingiti at bahagyang kunot ang noo.

"What's wrong, Jun?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naguguluhan ako.

Nananaginip ba ako o nagising ako galing sa panaginip?

"C-caloy...?"

"Hhmm...?"

"Yung karera... tapos na ba?"

Parang nawi-weirduhan pero natatawa ito sa akin na sumagot, "Oo. Nakalimutan mo na? Nanalo nga tayo. Nalipasan ka ba ng gutom? Ginugutom ka ba ni Agoncillo?"

Si Rob!

Biglang parang may tumusok na matalim na bagay sa dibdib ko. Nahirapan akong huminga. Nangilid nga ang luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Napatitig ako kay Caloy. Unti-unti kong inabot uli ang kamay ko at kumapit sa braso nya. Dahan-dahan kong pinisil yun. Kinuha nya yun at pinagsalikop ang palad namin matapos bitawan ang kambyo.

Nandun pa rin yung pamilyar na pakiramdam ko para sa kanya. Yung mahal ko sya. Pero may nabago. May nabago, sigurado ako.

"Stop staring, Juno dela Cruz. And stop acting weird. Naiilang ako. I'm driving."

Kaya tumingin ako sa labas ng sasakyan. Pilit kong inaalala ang mga nangyari.

Ang alam ko, wala na si Caloy. Lampas isang taon na. Pero bakit... bakit narito ako sa kotse nya ngayon? Nakakausap ko sya... at nahahawakan. Eto nga at di ko binabawi ang kamay ko sa palad nya.

At si Rob. Ang alam ko, maayos na kami... well, sort of. Uhm, may tinatapos lang akong gawin na may kinalaman kay Caloy.

At naghihintay si Rob na tapusin ko yun.

Wait. Ang alam ko, tapos na nga rin yun. Ang alam ko, hinahanap ko ang halimaw na yun kasi tinataguan ako. Sa sobrang pagtatago eh nakakasama na talaga ng loob. Paano pinuntahan ko sa condo tapos pina-ban nya 'ko. Tapos pati sa agency, ganun din.

Tapos ... tapos...

Teka. Tsk! Ano na nga bang nangyari?

Teka... nangyari ba talaga yun?

Napasapo ako sa ulo ko.

"You look tired. Idlip ka muna. Medyo malayo pa tayo," sabi nya.

Napakunot ang noo ko. Ang alam ko rin kasi, di ganun kalayo ang tambayan nya mula sa event site.

Sumakit bigla ang ulo ko. Umidlip nga muna ako.

Though feeling ko ang tagal kong nakatulog. Nagising uli ako dahil sa hangin.

Di dahil malakas ang dapyo nun, kundi dahil sa amoy. Amoy ng dagat.

Dumilat ako. Nakahinto na ang kotse ni Caloy.

"Tulo-laway ka pala kapag mahimbing ang tulog."

Napaangat ako ng tingin sa driver's seat since dun rin ako nakapaling. Medyo nanlaki pa yung mata ko kasi di na ako nakaiwas nung abutin ni Caloy ang gilid ng labi ko ang punasan yun.

NYETAAAAHHH!

NAKAKAHIYA!!!

Natatawa ito na napapangiwi tapos pinunas sa tshirt nya yung ... syeeet talaga!

Nag-init ang mukha ko.

"Tsk, nahiya ka pa sa akin ng lagay na yan ha," tudyo nito.

Hinampas ko nga, "Naman eh!"

Napaiwas ito mula sa pagkakatukod ng siko sa manibela, salo ang ulo sa palad.

Tumawa ito ng mahina.

Suddenly, "Caloy..."

"Hhmm...?"

"Na-miss kita."

Totoo yun sa loob ko. Bigla kong naramdaman nung marinig ko ang tawa nya.

"Kanina pa tayo magkasama, Jun... but, yeah. I miss you a lot, too."

Pero pakiramdam ko matagal na eh. Sinarili ko muna ang nararamdaman kong yun. Pati ilang tanong sa isip ko.

Kasi baka mali ako eh. Kaya lang, parang totoo talaga yung naalala ko. But at the same time... totoo rin si Caloy sa tabi ko.

Nakakausap. Nahahawakan. Nakakabiruan.

At yun. Nakaramdam ako nang kaba. Di ako mapamahiing tao. Kaya lang, baka premonisyon lang ang lahat. At ngayon pa lang mangyayari... ang gabing yun. Pagkatapos lang rin yun ng huling karera namin ni Caloy.

Tama. Oo nga pala. Mag-uusap kami. Baka ... baka premonisyon. O baka masyado lang akong nape-pressure at nate-tense.

Baka iba talaga ang mangyayari ngayon. Baka totoong makakapagpaalam ako ng maayos kay Caloy na lumayo muna sya. O kaya yung plano kong closure.

Baka, talagang si Anne ang mahal na. Hindi ako. Mas ok na yun. Kesa ang ... kesa ang mamatay sya. Sila ni Anne. Mas gusto ko pang buhay silang dalawa.

May malaking pagbabago mula nang magising ako kanina.

Yung pagkalito ko sa pagitan nila ni Rob, may malinaw na akong sagot ngayon. Kung sino ang mas matimbang.

Kung magpo-propose si Caloy sa akin ngayon, masasaktan lang sya.

Hindi na ang magiging sagot ko... kasi si Rob.

Ewan ko. Nung maalala ko si Rob, ayun na naman yung hindi maipaliwanag na sakit at bigat sa dibdib ko ngayon. Natatakot na tuloy ako.

May nangyari ba kay Robinson?

Sa pagkakakilala ko kasi sa halimaw na yun, imposibleng di sya sumunod ganitong itinakas ako ni Caloy after ng karera.

"Uhm, ano'ng pag-uusapan natin?" tanong ko kay Caloy.

Tapos pasimple kong binuksan ang dashboard. Sa pagkakaalala ko, dito nya kinuha yung singsing.

Wala doon. Pero medyo kinalkal ko. Makalat yung loob eh.

"Anong hinahanap mo, Jun?"

"Ha?" Napahinto tuloy ako.

"Uhm... wala. Baka may makakain," palusot ko.

Natawa uli ito ng mahina. "Takaw mo talaga. Kunsabay, expected na dapat yan."

Ano'ng ibig nyang sabihin?

Kaya lang wala na syang idinugtong.

Lumingon ako sa likod namin. Kaliwa at kanan.

Wala yung itim na Fortuner. Nakahinga ako ng maluwag. At wala rin yung kotseng umaalog.

Gusto kong mapabungisngis sa naalala ko.

"Jun..."

Napatingin ako kay Caloy.

Eto na. Eto na yata yung pag-uusapan namin tungkol sa pag-alis nya sa Netherlands.

Naging uneasy ako. Baka kasi paparating pa lang yung Fortuner.

Napalingon tuloy uli ako sa likod namin.

"...Hindi darating yung inaabangan mo sa likod," sabi nya. "So, please. Calm down. Kanina ka pa eh."

"Huh? Uhm... hindi ko naman inaasahan na makakasunod si Rob sa atin dito basta-basta."

Napangiti uli si Caloy ng tipid. Though, wala naman akong nakitang bitterness sa ngiting yun.

In fact, may iba kay Caloy. Kanina ko pa napapansin.

Parang ang peaceful ng aura nya.

"Di naman talaga makakasunod yun sa atin. Imposible," tapos natawa uli ng mahina. "Mahal na mahal mo na talaga sya, ano?"

Mas tunog statement yun, kesa sa tanong.

"Ha?"

Kaya lang, nahuli ko ang panunukso sa mata ni Caloy. Nag-init na naman ang mukha ko.

Para na akong tanga.

Unconsciously napatingin uli ako sa likod namin.

"Hindi nga dadating yung kinakatakot mo, Jun," sabi ni Caloy.

Alam nya ang iniisip ko?

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.

"At yung hinahanap mo dyan sa dashboard, isinoli mo na kay Kuya Carlo, di ba?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ako makahinga. Tapos tuluy-tuloy na yung agos ng luha ko.

"Jun... calm down... please ...calm down..." masuyo nyang sabi.

"Paano ako kakalma, Carlito? Sinusundo mo na 'ko!"

Umiiyak kong sabi.

Hindi ko maawat ang sarili ko sa pag-iyak.

Si Ate...si Hope... ang kambal .... at si Rob... si Rob...!

Mabilis na inalis ni Caloy ang seatbelt nya at yung sa akin.

Tapos niyakap nya ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang palad nya sa likod ko na hinihimas yun pataas-baba.

"I'm not, Jun. Not yet. Sinasamahan lang kita ngayon."

Napagahulgol na ako.

Not yet daw. Parang ganun pa rin ang ibig sabihin. Delayed lang!

"Hush now, Dyosa. Rest. Your heart and mind are tired," bulong nya.

"Ayoko! Ayoko!" Yumakap na rin ako sa kanya. "Ayoko na uli mag-isa!"

Saglit syang di nakakibo.

"Hindi ako aalis. Paggising mo, andito pa rin ako. Magpapaalam ako nang maayos kung di na kita pwedeng samahan."

"B-bakit? Sa ... sa l-langit ba ako mapupunta?"

Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat nya sa pagtawa ng pigil. Tapos bumitaw sya ng yakap sa akin.

"Alam mo, hanggang ngayon, simpleng lait ka pa rin eh," napapalatak pa ito sabay iling.

"Ha?"

"Sa takbo ng usapan natin, parang sinasabi mong sa impyerno ang bagsak ko. Ibang klase ka talaga," nakangisi nyang sabi.

Di ko rin sya ma-gets kung bakit nagagawa nya pang ngumisi ngayon. Patay na kami pareho!

Hello!

"And you're not yet dead, Juno. That's why I'm here with you. Stop being a pessimist now."

Syeeet!

Mind reader na rin sya!

"Caloy ... bakit ako nandito... tapos... tapos ... kasama pa kita?"

"It was a result of a choice you willingly made, Juno. That's the answer for your first question."

"A-ano?"

Ngumiti uli sya nang tipid tapos tinapik nya ang ibabaw ng ulo ko gaya nung dati. Yung kinakainisan ko kasi pakiramdam ko ang bansot ko talaga kapag kasama ko sya.

"Tsk! Naman eh!" Pinalis ko ang kamay nya.

"Sungeeet! Same old, same old," sabi nya lang.

"Caloy, ano'ng ibig mong sabihin na resulta nang desisyon ko?"

Umiling lang sya sa akin, "I can't tell you. Maalala mo rin. Baka paggising mo."

"Paggising?"

"Tss. Wag ka na nga makulit," tas ginulo na naman ang buhok ko.

"Yung pangalawang tanong ko?"

Tiningnan nya ako, "I accompanied you because, subconsciously, you want to let go. Katulad ngayon."

"Ha?"

Inayos nya uli ang seatbelt ko. "Hindi ko dapat inalis ito sa iyo."

Tapos isinandal nya uli ako sa shotgun, "Sleep, Jun. Dito lang ako. Babantayan kita."

Hinaplos nya ang noo at pisngi ko. Ewan ko pero biglang bumigat ang mata ko. Kasabay ang dibdib ko.

Kaya pumikit na ako.



"BP is dropping!"

"We're losing her! We're losing her!"

*toooooooot*



Biglaan ang paggising ko. Para kasi akong nakuryente.

Ano yun? Parang mga foreigner. Mala-Harry Potter ang accent.

Tapos napakurap ako nang ilang beses. Na-conscious ako kasi nakatitig si Kulugo sa akin. Ni hindi umiwas ng tingin.

Ngumiti pa at kumindat ang animales!

Syeeet!

Tumikhim ako tapos umayos ng upo, "Caloy..."

"Hhmm...?"

"Alam mo bang nagdadalawang-isip ako kanina kung nananaginip lang ako o galing ako sa panaginip? Kasi, nahahawakan kita eh."

"Alam ko."

"E bakit di mo agad sinabi?!" Sikmat ko.

Tumawa uli, "Ang cute mo kasing obserbahan. Yung para kang tanga. Aw!"

B-in-ack hand ko nga sa dibdib. "Tado!"

"Kasi ang kwentuhan, di ba, yung tipong may maliwanag kang makikita. Kaya nga nauso yung 'Don't follow the light'. "

Tawa na naman ito ng tawa. "So, talagang feeling mo, sa langit ka mapupunta, Jun?"

"Natural! Tiwala lang!" Irap ko dito. Tapos napabuntunghininga ako, "Bakit... bakit dito mo 'ko dinala? H-hindi maganda ang pinapaalala sa akin ng lugar na 'to."

Saglit syang tumingin sa harap ng kotse. Sa madilim na dagat. Tapos huminga sya ng malalim.

"Jun, I'm really sorry if I left you very untimely. Ayoko rin naman. It never hit my mind to leave you again... alone. It's just that, oras ko na talaga yun eh. Gusto ko ring magpasalamat sa iyo. Kasi, sa ilang minutong yun. Ginawa mong maging masaya ako. Kahit napakasakit sa akin na hinigitin ang huli kong hininga nung gabing yun. Yun pa rin ang kinokonsidera kong pinakamasayang sandali ng buhay ko. Alam mo kung bakit? Kasi sinuklian mo yung pagmamahal sa nararamdaman ko para sa iyo. At yung huling hangin sa baga ko... hangin mo yun, Jun. Hangin na binigay mo sa akin. Yun ang huling laman ng isip ko nun. Gagawin mo ang lahat para mabuhay ako. Na kahit sarili mong hangin, ibibigay mo sa akin. You were not selfish to give me your air, that was why I pushed you away, because I didn't want to pull you down with me to death. I loved you that much, I couldn't bring you with me. Ako na lang. May tsansa ka pang mabuhay that night. Isa pa, andyan si Agoncillo. Mahal ka nya. Baka mas higit pa nga sa kaya kong ibigay."

Ayun na naman ang di maipaliwanag na parang tusok sa puso ko nung marinig ko ang pangalan ni Rob. Binalewala ko na lang.

"Loved? H-hindi mo na ba ako mahal, Caloy?"

Napangiti sya, tapos mahinang pinitik ang ilong ko.

"Sira! Syempre, mahal pa rin kita. Ganun pa rin ang intensidad... but something has changed in its original form. Parang ikaw... sa nararamdaman mo sa akin."

"Ha?"

"You cannot lie to me now, Jun. I'm not the same Caloy you know. Alam kong mahal mo pa rin ako. At pareho tayo ng naramdamang pagbabago, Jun. Iba na kasi ang sitwasyon. We may be in the same river but we're riding two different boats. And our boats will be flowing different currents ... soon."

"Ang lalim naman nung sinabi mo, Kulugo. Di bagay sa 'yo," pabiro kong sabi.

Pabiro kasi bigla akong nalungkot sa sinabi nya. Kaya,

"Maghihiwalay uli tayo, Carlito?"

Nagkibit sya ng balikat, "It's not your time yet. May mga naghihintay sa iyo, Jun. Ate mo, si Hope, si Agoncillo..."

"P-parang ayoko nang b-bumalik," bigla kong nasabi.

Kasi ayun na naman yung masakit na pakiramdam sa akin nung marinig ko ang pangalan ni Rob.

"Bakit?"

"Gusto ko dito. Payapa."

"Pangalawa lang yan sa dahilan mo, Jun."

Saglit ko syang sinilip patagilid tapos tumingin uli ako sa dashboard.

Ewan ko. May naiba na nga kay Caloy. Di na ako basta makatingin ng diretso sa mata nya.

Nahihiya ako na di ko mawari.

"N-natatakot akong bumalik, Caloy," umamin na ako. "K-kasi, may mabigat at masakit akong nararamdaman kapag naririnig ko ang pangalan nya."

Narinig ko na naman ang malalim nyang paghugot ng hangin.

"Kaya nga kita sinamahan, dahil dyan. Hindi mo pa oras, Jun. At matagal-tagal ka na rin dito."

Napatingin uli ako sa kanya, "Gaano na katagal?"

Ngumuso lang sya.

Natahimik ako sandali, "Caloy, gusto ko nang makita si Rob na ayoko. Uhm, alam mo ba kung... kung bakit?"

Tumingin lang sya sa akin.

"Ah... I see. Di mo pwedeng sabihin."

Tumikhim sya, "Pero... may pwede akong sabihin sa iyo. Para makumbinsi kang bumalik."

"Ano yun?"

"You have to meet this person. Siya ang tutulong sa iyo para mawala kung anuman yang negatibong nararamdaman mo ngayon."

"Uhm... babae o lalaki?"

"Lalaki."

"Pogi?"

Tumawa ito. "Baliw ka talaga!"

"Sige na!" Lambing ko. "Sinumulan mo na eh.

"Di ka naman nahihiya nyan sa akin? Ex-fiance mo ako tapos nagmamaktol ka sa akin tungkol ke Agoncillo, then you're asking me about another guy kung pogi. Ibang klase! Tsk!"

"Kainis naman ito eh!" Nasusuya kong sabi.

"Oo, pogi," nangingiting sabi.

"Mas pogi ke Rob?"

"Oo naman. Sobra. Aray!"

Hinampas ko kasi sa balikat.

"Kita mong asal nito! Nung sinabi kong mas gwapo pa kay—"

"E mas pogi sa iyo?" Putol ko sa sasabihin nya.

"Ah... ah..." tinantuan ako ng hintuturo nya. "Hinuhuli mo ako eh. Pero, di ko masasagot yan. I'm done with the comparison stuff. Isa pa, I'm on a different boat, remember?"

Sumimangot ako.

Ginulo nya uli ang buhok ko.

Bago pa ako makareklamo, "It's time, Jun."

"Ha?"

"You have to go back now."

Binalot na naman ako nang matinding lungkot. Nangilid agad ang luha ko.

Kunulong nya ang mukha ko sa dalawang palad nya, "Hey... no more crying, alright? Sobra-sobra na yung pinabaon mong luha sa akin dati. Ang sakit din sa akin nun, Juno. Tama na. Masaya na ako na naka-move on ka na tapos eto ka na naman."

Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nyang nasa pisngi ko. Tumulo na ang luha ko.

Hinalikan ko ang mga palad nya, "Mami-miss kita, Kulugo."

"Me, too, Jun. I'll miss you."

Ayan na. Para na namang Pagsanjan Falls ang mata ko.

Kakainis!

Sya rin ang nagpahid nun gamit ang mga hinlalaki nya.

Tapos, bumaba ang mukha nya. Napapikit ako nung magaan nya akong halikan sa labi.

Di ko maintindihan, pero yun ang nagpahinto sa pag-iyak ko.

"Ayos ka na?"

Tumango ako.

Inayos na nya yung seatbelt nya at ini-start ang kotse nya.

"Juno..."

"Oh?"

"Do you trust me?"

"Oo naman. Wala naman akong ibang driver na pinagkatiwalaan. Ikaw lang. Ikaw lang ang driver ko, Caloy."

Ngumiti ito ng malapad, "Alam ko na yan. I mean... do you trust me?"

Napatingin ako sa mata nya. Nakita ko uli yung ekspresyon nya doon noong panahon na hinihingi nya ang tiwala ko.

"Oo, Carlito. Di naman ako sasagot nang 'OO' sa proposal mo noon kung hindi."

At ayun uli. Nakita ko ang kaparehong kinang sa mata nya nung gabing tanggapin ko ang proposal nya.

"Salamat, Jun. Maraming salamat."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"We're jumping off that same cliff."

"Ha?!"

"Well, you said you trust me."

"Aba, Carlito! Bawal magulat?! Nakakagulat naman kasi talaga ang sinabi mo, tapos seryoso ka pa!"

"Tss. Carlito na naman!" Reklamo nito.

Natawa ako nang walang tunog. Hanggang ngayon, allergic pa rin sa pangalan nya!

"Magkikita pa ba tayo, Caloy?"

Ngumisi ito, "Gusto mo dalawin kita sa gabi? Yung gigisingin kita sa gitna nang tulog mo. Yung tipong 'The Grudge'."

"Tado ka! Subukan mo! Malaman mo ang ibig sabihin ng grudge."

This time tumawa ito nang malakas. "Bayolente ka pa rin. Iwasan mo na nga yan. Kaya ka..."

Huminto ito sa sasabihin.

"Kaya ano?"

"Wala."

Dinedma ko na.

"Huwag mo na ako dalawin. Ako na lang dadalaw sa puntod mo."

"Bakit, takot ka sa multo? Ang alam ko, sa ipis ka takot eh."

Napangiti ako. Naalala ko kasi noon sa Palawan pa. Nung minsang biruin ako at bigyan nang laruang ipis, isang linggo ko itong sinusungitan kaya di kami maka-practice ng ayos sa driving lesson ko sa kanya.

"Hindeeh! Naka-tshirt at panty lang ako matulog."

"E di... mas ayos pala! Aray ko naman! Nakakarami ka na ha!"

Pinagsusuntok ko kasi sa balikat.

"Tanamoka, Carlito! Ngayon ka magtataka kung bakit sa impyerno ko naiisip na mapupunta ka!"

Humalakhak ito habang sinasalag ang suntok ko.

Hanggang matawa na rin ako sa takbo ng usapan at pinaggagagawa namin.

Ito yung hindi namin na-enjoy noon... kung maaga kaming nagkaayos noon.

Sayang din talaga.

Well, at least, nabigyan kami ng pagkakataon ngayon. Yun nga lang, gaya nung tanggapin ko ang proposal nya, the fun was short-lived.

Unti-unti akong napatigil sa harutan namin.

Naramdaman yun ni Caloy. Napahinto din sya tapos nagkatitigan kami.

At halos sabay naming inalis ulit ang seatbelts namin.

And we kissed!

The kiss that we never got to really enjoy when I accepted his proposal ... sa mismong lugar na ito ... at kotseng ito.

Ang unang matagal naming halik as engaged couple ... at sa pakiramdam ko... ang huli na rin.

Ito pala.

Hindi yung ginulpi ko si Danny at sunugin ang kotse nya.

Kasi iyun, punung-puno ako ng galit.

Ito pala ang totoong closure na hinahanap ko.

Nakaramdam ako nang totoong kapayapaan ng loob.

Kasi, sa halik na yun, ramdam ko na pareho kaming nagpapaalam nang maayos sa isa't-isa.

Naramdaman ko na basa ang pisngi ko ng luha. Umiiyak pala ako... at si Caloy din.

Basa ng luha ang mga mata nya.

Dahan-dahang naghiwalay ang labi namin.

"I love you, still," sabay pa naming sabi na magkadikit ang noo sa isa't-isa.

At sabay pa kaming napangiti.

Alam namin ang ibig naming sabihin. May iba nang kahulugan ang "I love you' na yun.

Nakangiti akong pinunasan ang luha sa pisngi at mata nya... at ganun din sya sa akin.

Umayos ako nang upo.

"Tsk!"

Napalingon ako sa kanya, "Bakit?"

Mabilis nyang ikinabit uli ang seatbelt ko, "Hindi ko dapat hinayaang alisin ang seatbelt mo."

"B-bakit?"

"That's what is keeping you holding on, Jun. Ilang beses mo nang tinangkang hubarin yan nung tulog ka. Pinipigilan lang kita."

Napakunot ako ng noo.

"Let's go. You're running out of time, Dyosa ko."

Nag-shift sya nang gear tapos kinuha ang kamay ko. Pinagsalikop nya ang mga palad namin. Mahigpit ko rin yung pinisil.

"Ready?" Nakangiti nyang lingon sa akin.

"Uhuh!" Kumapit na rin ako ng mahigpit sa grab handle. Sa side ko.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Ganitung-ganito ang naramdaman ko nung unang beses nya akong isakay as his navigator, na hindi naman talaga ako nag-navigate. Angkas lang talaga, in the real sense.

Nung umabante na ang kotse ni Caloy, napapikit ako nung malapit na kami sa gilid ng bangin.

"Jun, open your eyes!" Sigaw nya. "Feel the speed... and us, flying!"

At halos ganun din ang sinabi ny sa akin noon.

Dumilat ako. Sabay tukod ng dalawang paa ko nang madiin sa flooring dahil pabagsak na kami sa tubig.

Hindi kami nagbibitaw ng kamay ni Caloy. Naramdaman ko ang pagtagtag nya sa kamay ko.

Bago kami bumagsak sa tubig, nagawa ko pang lumingon sa kanya at mahuli ang ngisi nya at kindat.

Loko rin talaga!

Taliwas sa unang pagbagsak namin ni Caloy noon, walang batuhan kaming tinamaan. Puro tubig lang.

Nakalog kami sa loob at mabilis na pumasok ang tubig sa loob ng kotse.

By reflex, kakalasin ko sana ang seatbelt ko.

"Jun, no!" sigaw ni Caloy. "Wag mong aalisin yan. You'll be lost if you do."

"Ano'ng gagawin ko? Malulunod tayo!" Sigaw ko pabalik.

Hanggang leeg agad namin ang tubig.

"I won't let you drown, Jun. I promise. Trust me."

Tapos inalis nya ang seatbelt nya.

"I do, Caloy. I trust you."

Yun ang huling salitang nasabi namin dahil natabunan na kami ng tubig dagat.

Hindi ko na napansin na di namamatay ang mga ilaw ng mga meters sa dashboard. Kasi nakatingin lang ako kay Caloy na gumapang-langoy palapit sa akin.

Kinulong nya uli ang mukha ko sa mga palad nya. Tapos iginala ang mata sa buong mukha ko. Parang kinakabisado ang itsura ko. Ganun din ang ginawa ko.

Last na ito. Kung magkikita uli kami, matatagalan na talaga.

Nagsisimula nang bumigat ang dibdib ko. Kinakapos na ako nang hangin.

Nagsisimula na akong mag-panic. Kinapitan ko uli ang seatbelt lock ko.

Pinigilan ako ni Caloy at umiling sa akin.

Tapos ngumiti.

Kahit parang sasabog na ang dibdib ko sa kawalan ng hangin, ngumiti ako pabalik sa kanya.

'See you when I see you, Juno'.

Yun ang basa ko sa buka ng bibig nya.

Napaubo na ako. Ang huling oksihena sa baga ko.

Pero si Caloy, bumaba ang labi sa labi ko. Isang mabilis na halik ang binigay nya. Napakapit na ako sa isang braso nya, at ang isang kamay ko sa pisngi nya.

At nanlaki ang mata ko nung bugahan nya ako ng hangin sa bibig.

Alam kong umiyak ako. Umiiyak uli ako sa ilalim ng dagat. Gaya noong pinipilit kong mabuhay si Caloy.

Pero sa pagkakataong ito, sya ang gumagawa nun sa akin. At ang kakaiba lang, parang hindi sya nauubusan ng hangin sa binibigay sa akin.

Pumikit na ako at tinatanggap lang ang lahat ng hangin na yun.

Naramdaman ko na lumuluwag na ang paghinga ko.

Hanggang makahinga ako nang mas maayos.

"We got a pulse!"

Tapos narinig ko yung pamilyar na tunog na yun. Yung katulad kay Mama nung nasa ICU sya.

"Heart rate is getting steady!"

Tapos ang sunod kong naramdaman, may parang cap na inilagay sa ilong at bibig ko....at ang pagbuga ng malamig na hangin mula doon.

Malamig na hangin na mas nagpaluwag pa sa paghinga ko.

Nakarinig ako nang mahinang iyakan.

Magkahalong babae at lalaki.

Tapos kalansingan nang kung anong mga metal.

Kahit ang bigat ng mata ko, pinilit kong dumilat.

Para akong nasisilaw. Ang liwanag masyado ng ilaw sa kisame. Tapos puti pa yung pintura nun. Kaya pumikit uli ako. Hindi ko kasi maiangat ang kamay ko.

Nanlalambot ako, sobra.

May mahinang singhap akong narinig.

"Doc... dumilat sya..."

Doc. Nasa ospital ako. Sa akin yata yung heart monitor na naririnig ko.

"Ano?"

Nawala yung ingay nang mga metal at parang mga gamit na inuurong.

"Dumilat na sya...Pero pumikit uli."

"Are you sure?" boses nang lalaki.

Boses na kilalang-kilala ko.

Ayun na naman ang di ko maipaliwanag na pagbigat sa dibdib ko.

Kumabog ang puso ko. Kasunod nang pagbilis ng tunog ng heart monitor ko.

"She's awake. She heard you, Mr. Agoncillo.Kausapin mo sya."

May humawak sa kamay ko. Mahigpit.

Kilala ko rin ang hipo nang palad na yun.

Nag-iba ang ritmo ng puso ko, kasabay nang heart monitor ko.

"Love..." basag ang boses nya. "Please, open your eyes."

May humawak din sa isa ko pang kamay, "Jun... bunso..."

Si Ate Andie. Umiiyak ito.

Hindi ko maidilat ang mata ko.

Pero naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng dalawang mata ko.

May nagpunas nun.

Kamay nya.

"It's alright, love..." nanginginig ang boses ni Rob. "Wag mong pilitin. I know... you're awake now. And can hear me."

Pinilit kong dumilat pero hindi ko na magawa. Parang yung pagdilat ko lang kanina, naubos na ang lakas ko.

Pero,

"Gumalaw ang daliri nya," si Ate Andie. "Naramdaman ko."

Natatawa ako sa isip ko.

Kailan pa naging konektado ang mata sa daliri?

May mainit na dumapo sa noo ko. Labi.

"Welcome back, love. And thank you for finally waking up."

Yun ang huli kong narinig.

Nilamon uli ako ng dilim.

Hindi ko alam kung gaano katagal yun.

Basta ang sunod kong narinig, parang mas maraming tao sa paligid.

Mga pamilyar na boses.

Si Ate Andie at yung aso nya.

Tapos yung pasaway na Singkit.

Narinig ko rin sina Kuya Mike at Kuya Jeff.

Paputol-putol ang mga salitang naririnig ko, pero sigurado akong sila yun.

Tapos may pintong bumukas.

"Gumising na uli?"

Si Paul!

"Hindi pa," sagot ni Ate Andie.

"Tsk! Dalawang araw na mula nung una, di ba?"

Si Troy!

May tumikhim sa bedside ko.

Nag-iba na naman ang ritmo ng puso ko. At kasunod nun ang heart monitor ko.

Natahimik sila.

Tapos mga yabag na papalapit sa akin.

"XG, musta na? Dilat na. Kunwari ka pa."

May naghagikhikan ng pigil. Mga lalaki.

May bumukas uli na pinto, "Hello everyon— Gising na?"

Si Ate Sarah yun. Sigurado ako.

"Yeah, but not yet opening her eyes again," si Rob.

Nag-iba uli ang ritmo ng heart monitor ko.

"See? She's awake. She can hear us," dugtong pa nito.

Gustong-gusto ko nang dumilat. Kasi, gusto ko nang makita ang mga mukha nila.

Miss ko na eh... lalo na si...

Ayun na naman! Bakit ganito ang nararamdaman ko ke Rob?

"Her fingers moved!" si Troy.

Letse talaga!

Kung yung daliri ko kaya ang pilitin kong igalaw, didilat kaya ako?

Natatawa ako sa isip ko.

Ilang araw na ganun. Naririnig ko lang sila.

Pati yung doktor.

"That may be one of the effects of her head injury."

"Is it possible that she'd be in a vegetative state?" si Kuya Reid yun.

"I don't think so. Nagagalaw na nya ang daliri nya. As per my observation, the movements of her fingers are getting stronger each time she does try. And that's a good sign ... for now."

Napansin ko rin na may mga pagkakataong naririnig ko lang na mahina silang nag-uusap pag alam nilang gising ako.

Hindi ko alam kung pang-ilang araw yun.

Tahimik lang sa paligid ko nung magkamalay ako.

Kusang dumilat ang mata ko.

Medyo dim ang ilaw sa paligid. Inikot ko ang mga mata ko. Walang tao sa paligid.

Wala ba akong kasama ngayon?

Anak ng siopao naman! Kung kelan ako dumilat, saka walang tao.

Binuka ko ang bibig ko para magsalita o tumawag nang atensyon.

Saka ko na-realize, tuyung-tuyo ang lalamunan ko.

Puro hangin ang lumabas.

Bumwelo ako.

"T-tu-b-big..."

Pero hangin pa rin ang dating sa tenga ko.

Tsaka naiilang ako sa tubo ng oxygen sa ilong ko.

Nakikiliti ang nostrils ko, e di ko makamot.

Parang wala pang lakas ang braso ko. Tsk!

May narinig akong umingit sa gilid ko.

Syeeet!

Tarantado ka, Caloy! Subukan mong totohanin ang biro mo sa 'ken na mumultuhin mo 'ko! Ganitong di ako makakilos! Letse!

Pagtutungayaw ko sa isip ko.

"J-jun...?" Magaspang na boses yun.

Kumabog ang dibdib ko. At ang taksil kong heart monitor, ini-spluk na ako.

Kaya lang, talagang uhaw na uhaw ako.

"T-tub-big..." ulit ko.

"Love..." nanginig ang boses ni Rob.

Bigla itong tumayo. Mukhang may hinihigaan sya sa tabi ng kama ko.

Dumukwang sa akin. Dun ko nakita ang buong mukha nya.

Parang piniga ang puso ko. Sa dalawang dahilan.

Yun una, dahil dun sa hindi ko maipaliwanag na rason.

Pangalawa, dahil parang nangayayat si Rob. Tsaka, nanlalalim ang mata.

May papatubo pa ngang balbas. Tapos gulo ang buhok.

Napakurap ako. May tumulo sa pisngi ko.

Luha?

Umiiyak si Rob, habang nakatunghay sa 'kin, tapos yung labi nya, nakangiting nakangiwi.

"Hello, love..." bati nya sa akin sa basag na boses.

Lalo ngang nangiwi ang mukha nito.

Kumurap ako nang ilang beses.

Tumulo na naman ang luha ni Rob sa pisngi ko na sya rin ang nagpahid habang kagat ang labi nya para ipitin ang may tunog na iyak.

"I... miss those two brown marbles of yours ... looking at me, Jun," malambing nyang sabi, habang nagpupunas ng luha.

Tapos yumuko sya. Nanlaki ang mga mata ko nung lumapat ang labi nya sa labi ko.

NYETAAAAHHH!

Wala pa akong toothbrush... ilang araw na!!!

Marahang pa nga nyang kinagat at tila inalis ang pagkatuyo nang lips ko. Ang saklap!

Kahit may nararamdaman akong di maipaliwanag na malalim na hinanakit sa kanya, nakakahiya pa rin, 'noh!

Oo, nitong mga araw na may malay na ako, dun ko napagtanto. Naghihinanakit ako kay Rob, kasi tinaguan nya ako nang husto.

Hanggang sa napapahiya na ako. Tapos ngayon, makikita ko na sobrang nag-aalala naman pala sya. At yan nga, aarte nang ganya na konti na lang, pati sipon nya, tutulo sa mukha ko!

Yun nga lang, nabawasan na yun nung makita ko itsura nya ngayon.

Ang di ko maintindihan, bakit may natitirang bigat sa kalooban ko.

"T-tu-big," sabi ko uli. Mas malinaw na.

Para itong nagising mula sa trance.

"Oh, shit! Oo nga pala!"

Sandali lang sya nawala sa paningin ko. Pagbalik, may dalang baso nang tubig na may straw.

Kaso, di pa ako makahigop. Kaya kumuha sya ng bulak para ipatak sa bibig ko at basain pa ang nanunuyo ko na namang labi.

"Padating na ang Ate mo at si Reid," kwento nito. "Madalas ganitong mga between four to five nang hapon sila dumadating."

Ah... akala ko, gabi na.

"Uhm, I'll call the doctor pagdating nung mag-asawa. Ano..." parang nagiging uneasy ito. "... g-gusto ko pang masolo ka muna."

"T-tubig p-pa."

This time, sumisip na ako sa bulak. Para kasing nakaramdam ako nang lakas nung makatikim uli ako ng tubig. At parang natakam ako talaga!

Halos makalahati ko yung isang baso.

"Wait, love."

Ni-recline nya yung kama ko. Tapos nilagyan nya ng straw yung baso ng tubig.

"Try mo kung kaya mo na," sabi nya at itinapat sa bibig ko.

Huminga ako ng malalim bago ako sumipsip.

Napapikit ako habang wala halos putol kong sinipsip yun hanggang maubos.

Syeeet! Ang pinakamasarap na tubig sa balat ng lupa, pramis!

"J-jun..." simula nya.

Ayan na naman, halatang uneasy na naman sya.

"I'm sorry," nabasag na naman ang boses nya. "I'm very sorry. Hindi ko—"

"Oh my God! Juno!"

Si Ate Andie... at si Kuya Reid.

Sa isip ko, ngumiti ako... pero feeling ko, hanggang dun lang. Di ko yata naramdamang gumalaw ang pisngi ko.

Yumakap si Ate sa akin at umiyak.

Saka pinatawag ni Rob ang doktor sa private nurse ko raw na naroon lang pala sa receiving area nitong hospital room ko. Antaray naman, naka-hospital suite ako. Di naman kasi ako lumilingon. Parang di pa kaya ng leeg ko. Stiffneck yata.

Ineksamin ako nung doktor.

Nagtatanong sya. Kaya ko lang sagutin nang paisa-isang salita.

"It's normal that she still cannot move much of her body. Her being able to answer simple questions is a good sign. But don't stress her out yet. That includes questions that may trigger emotional outbursts."

Kinabukasan, dumating na sina Paul at Troy. Mukhang nasabihan na ang mga ito sa bilin ng doktor. Pati mga kaibigan ni Ate Andie, nung bumisita.

Ilang araw pa uli ang lumipas. May pailan-ilan nang mga kakilala at kaibigan akong bumisita. Pati sina Tita Rhea, Tito Robert at Tita Pam, dumalaw na rin.

Hindi sila masyadong nagtatanong, kahit nakakasagot na ako nang mas maraming salita. Isa sa napansin ko, walang nagkukuwento sa kanila na may kinalaman sa amin ni Rob.

Kapag kami lang ni Rob, madalas itong magkukuwento nang kung anu-ano lang o kaya movie marathon kami. Kaya lang, hanggang dalawang movie lang, nakakatulog uli ako.

At gaya nang mga naging bisita ko, wala ring kinukwento si Rob tungkol sa amin.

Minsan nga natutukso na akong magtanong kung ano ba'ng nangyari kung bakit ako naospital. Kaya lang, sa hindi ko na naman maintindihang dahilan, natakot akong isatinig ang nasa isip ko.

Dalawang beses pa lang syang umalis sa ospital mula nung magising ako. Di ko na sya nagisnan nung magising ako. Naisip ko baka nagpunta sa agency. Sabi nya kasi, may COO sya na ang tumatayong temporary big boss ngayon. At si Tito Robert, ang paminsan-minsan na nagte-take over.

"I wanted to stay beside you. Gusto kong ako ang una mong makikita paggising mo, love."

At may isa pa akong nadiskubre. Nagising ako isang beses na minamasahe ako Rob ang mga braso at legs ko. Pati nga likod eh.

"I've been doing this since you fell into coma. Para di mag-stiff ang muscles mo at iwas bed sores," sabi nya.

Sobra nya akong asikaso. Parang ang hayahay nga nang buhay nung private nurse ko eh.

Pero sa kabila nang lahat na yun, hindi ko pa rin sya kinakausap.

Ewan ko kung bakit.

Isang linggo mula nang magising ako nung tanungin na ako ng doktor. Siguro, hinintay nilang mag-clear muna lahat ng lab tests ko. Isa pa, mas conversant na ako at wala na halos utal. Naigagalaw ko na rin ang ulo, leeg at mga kamay ko that time. Pero, hindi pa ako nakakatayo nang walang alalay.

"Ano ang huli mong naaalala bago ka magising sa ospital?"

"Uhm..." napapikit ako. Pilit kong inaalala.

"Kung sasakit ang ulo mo, wag mo na pilitin, Bunso," sabi ni Ate Andie.

Nandoon ang mag-asawa, si Rob at mga bestfriends ko.

"Ahm... ano... P-palabas ako nang agency compound nila," tinuro ko si Rob. "Matapos akong ... ihatid ni Jack sa kotse ko."

Naroon ang pagkabigla sa mukha nila.

"B-bakit? Dun ba ako naaksidente?"

Nagkatinginan sila.

Tumikhim yung doktor, "What's the date of your last memory, Ms. dela Cruz?"

Tumango ako, "Mga ano .. uhm ... January yun this year."

"I see. Good at least you still remember dates. But..."

Binitin nito angsasabihin.

"'But' what?" tanong ko.

"Hindi sya nangyari ngayong taon, Jun," si Ate ang sumagot.

"A-anong ibig mong sabihin, 'te?"

"Bunso... lampas isa't kalahating taon kang natulog."

"ANO?!" Napalakas ang boses ko.

===================

Don't forget to comment and vote!

===================

Hi, mga chichi!

Thank you sa mga tear-jerker comments nyo sa FAVOR ko sa LJ 78.

I was only asking for all of you to comment yung mga stories ko na nabasa nyo na. But you did more than that. 

My purpose was to know kung ilan ang nakabasa na nung CA, HEA at CR. May mga PM kasi akong natatanggap sa FB at WP about things na nasa CA at HEA na... at nagkaroon na nga ng spoiler ang CR. Alam nyo na tuloy kung ano ang general outcome ng LJ.

It was actually my mistake na pagsabayin dati ang LJ at CR. 

And lastly, I want to know my silent readers. Between 40-50 lang kasi ang mga pamilyar ako sa WP UN.

But anyway, thank you so much.

Your wonderful comments inspire me.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj