77 Both of Them
Hinga uli nang malalim, mga chichi!
================
Lalong bumakas ang takot sa mukha ni Tamara. Tuluyan na itong napaiyak.
"I-I took a c-cab..."
"FUCK! FUCK!" I groaned.
Nagkabuhul-buhol ang daloy ng mga sasakyan palabas at papasok nang ground parking dahil sa pag-uusyoso sa nangyari sa amin.
I parked my car at the other side of the establishment for safety purposes and it's now an inconvenience for me.
"SOMEBODY GET ME A CAR! I'M BUYING ANY CAR NOW!" sigaw ko sa sobrang desperasyon.
Binuhat ko na si Juno na parang batang kipkip ko sa dibdib ko, sapo pa rin ang dumudugo nyang ulo.
Tumatakbo na ako papunta sa kalye doon. Manghaharang na ako ng sasakyan.
May ilang tumulong naman sa akin, hawak pa nga nung isang lalaki ang helmet ni Jun at yung iba, nangharang nang sasakyan.
"Salamat! Salamat!" naiiyak kong sabi nung may nakuha agad silang isang UV Express van na pinababa nila ang mga pasahero.
Ang alam ko lang, sumakay rin sa van yung may hawak ng helmet ni Juno, dalawa pang lalaki at ...
"I'm... I'm so s-sorry.... I'm so sorry..."
Si Tamara. Umiiyak na naupo sa tabi ko. Naghahalungkat sa bag nya tapos naglabas ito ng panyo.
"I-ito pa. G-gamitin mo," simusigok na sabi.
Pinupunasan nya ang kamay kong nakahawak sa ulo ni Juno, na nakapatong naman sa balikat ko. Pati ang leeg ni Jun.
Doon ko lang napansin na basang-basa na rin ang panyo ko sa dugo ni Juno. Pati ang leeg ko dahil dun ko isiniksik ang mukha ni Jun. Ayoko kasing ihiga sya dahil lalong aagos ang dugo.
Napatingin ako sa bag ni Tamara. Nanliit ang mata ko nung may makita akong gun butt doon. Nakita nya ang reaksyon ko kaya napatingin sya sa bag nya.
"R-robbie," napaiyak sya. "H-hin-hindi ako...h-hindi a-ako..."
Napatiim ang bagang ko. Ayoko munang magsalita. O mas tamang sabihin, hindi na ako makapagsalita. Mas binuhos ko ang atensyon kay Juno at pagdadasal.
Mabuti at may presence of mind ang mga dumamay sa amin. Binuksan nila ang mga bintana ng van at kumukumpas sa labas para ipaalam sa mga kasabayan at kasalubong na mga sasakyan na may emergency kami. Panay rin ang busina ng driver.
Ni Hindi ko na inalam kung saang ospital kami napadpad. Basta pagkahintung-pagkahinto sa tapat ng ER,
"Open the door! Open the damn door!" Malakas kong sabi kay Tamara.
Pagkababa, takbo agad ako sa loob.
"PLEASE! HELP US! HELP US!" Sigaw ko sa may pinto pa lang ng ER.
Nauna na pala sa akin yung isang lalaking kasama sa van kaya may nakahanda agad na stretcher.
"Sir, yung backpack po," sabi nung nurse.
Patigilid nilang inihiga si Juno dahil dun kasi nakasukbit pa rin pala sa likod nya. At mantsado na rin ng dugo.
Ang backpack ni Juno ang yakap-yakap ko nung ipasok sya sa operating room.
"Brod," tapik sa akin nung isang lalaking may hawak ng helmet ni Jun. "Tumawag na ako kay Paul. Sya na tatawag kay Troy. Di mo ba tatawagan ang pamilya ni Dyosa?"
Ilang segundo bago nagrehistro sa utak ko ang sinabi nya, "P-paano mo—"
"I'm Chad. Taga-DR ako. Nakita ko lahat dahil kabababa ko lang din sa kotse ko. Nakilala ko agad si Juno nung paparada pa lang sya ... at ikaw. Di namin makakalimutan ang partisipasyon mo nung mamatay si Caloy at sa huling karera ng Dyosa ng DR scene."
Naalala ko na naman tuloy ang nakaraan. Lalong nag-init ang mata ko.
"Uhm...sir," napalingon ako dun sa isa pang lalaki. May inabot sa akin. "Kinuha ko. Baka may iba kasing dumampot."
Ang baril ko. Ni hindi ko naalalang nilapag ko sa lupa para daluhan si Jun sa parking kanina.
"S-salamat."
Ipinunas ko ang duguan kong kamay sa pantalon ko bago yun kunin.
Binigyan ko nang business cards ko ang dalawa pang dumamay pati yung van driver, "Call me if you need anything. S-salamat..." huminga ako ng malalim dahil pipiyok na ako sa pagpipigil ng iyak. "... ng marami sa pagtulong."
Tinapik lang nila ako sa balikat at nagsipag-alis na.
"I'll wait for Troy and Paul," ang sabi nung Chad.
Saka ako tumawag sa mga magulang ko, kay Reid at Ralph.
Kailangan ko nang moral support ngayon. Nang taong dadamay sa amin ni Juno. Or else, I will lose it!
"Juno and I need you now. It's urgent. Please go to..." sinabi ko ang pangalan ng ospital.
Maikli lang ang sinabi ko, kasi hindi ko pa kayang magpaliwanag ang mga nangyari. Binabalikan ko pa lang sa isip ang senaryo kanina, parang mapapatid ang katinuan ko.
Lumabas nga uli ang isang nurse para ibigay ang mga suot ni Jun.
Parang piniga na naman ang puso ko na kasama doon ang anklet na binili ko para sa kanya noong magpunta kami sa Australia almost two years ago. Halatang hindi nya yun hinuhubad dahil kupas na yung ethnic beads.
Guilt feeling enveloped me because I removed the Alibata leather bracelet she gave me. Hinubad ko yun nung magpakasal ako kay Tamara sa Las Vegas.
Para akong wala sa sarili na nakatingin sa pinto nang operating room. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig dun.
"Brod," sabi nung Chad. "Hiningi ko sa isang nurse."
May inabot itong puting mini-towel. Medyo basa-basa yun, "Wipe up."
Naunang dumating ang mga magulang ko.
"Baby," naiiyak na si Mommy, "What happened?"
Napailing lang ako habang nakayakap sa kanya. Umiiyak. Yumakap din si Dad sa amin.
Eto na naman ako, parang batang nagsusumbong sa mga magulang ko.Umaamot ng lakas.
Tapos, "What is she doing here?" Mom suddenly was stern.
She saw Tamara sitting at the furthermost chair in the waiting area.
Napapailing na lang ako. Wala pa rin akong masabi. Ayokong idiin si Tamara ngayon. Baka makasama sa pinagbubuntis nya.
"I... I don't know, Mom. Everything happened so quick. Never had the chance to ask anyone."
Lalong nagpakayuku-yuko si Tamara. Mabuti na hindi ito nagsasalita o kung ano pa.
"Were the police informed, son?" si Dad.
Umiling ako. "I ... w-we prioritized b-bringing Jun here."
I looked at him, "D-dad, I c-can't focus now. C-can you –"
"Of course, son. I'll do it."
I heard him making calls. Saka ko naalala si Jack. So I went out of the hospital to call and inform him of what happened.
Mahina itong napamura, "No need to tell me. I know what to do. Just stay with her, Boss."
After that call, tahimik uli akong umiyak sa gilid ng ospital. Naroon ang malaking takot na baka pagbalik ko...
Fuck! Fuck!
Ayokong isipin!
Dun ako inabutan ni Paul at Troy. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nila. Namumula rin ang mga mata nila, sa pigil na luha.
"Nasa'n sya?!" Mabigat na tanong ni Paul.
"Still ... in the operating room," nakayuko kong sabi. Nakaupo pa rin ako sa sementadong plant box doon.
"R-robbie..."
Napalingon kami lahat sa entrada ng ospital.
"What the hell?!" si Troy.
Bigla ako nitong kinuwelyuhan, "You have the nerve to bring your wife here?!"
"I did not!" Asar kong sabi at pinalis ang kamay nya sa akin, pero di sya bumitaw.
"E bakit narito yan, ha?! Ang kapal ng mukha mo!"
"Narito ang asawa ko kaya narito ako!" Sigaw ni Tamara.
Lumapit na rin si Paul, "E bakit ang kuwento ni Chad, ikaw ang humila kay Juno sa parking? Bakit mo sya nilapitan kung kasama mo ang asawa mo, ha?" gigil na sabi.
"Kami ni Juno ang magkikita. Hindi ko alam na dadating—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil dumapo na ang isang suntok mula kay Paul habang hawak ako ni Troy.
Napaupo ako sa semento sabay ng tili ni Tamara. Hindi ko yun inaasahan since sa dalawa, mas kalmado si Paul.
"You're an asshole!" Duro sa akin ni Paul. "You're fucking married!"
Dadaluhan sana ako ni Tamara pero, "Don't come near me!" galit kong sabi.
"Tangna ka!" biglang akong sinipa ni Troy. "Bakit di ka dyan sumiksik sa asawa mo at ginugulo mo si Juno! Hirap na hirap na sya sa pag-iwas sa 'yo!"
Naisalag ko na lang ang dalawang braso para di ako tamaan sa mukha. Pero dalawa na sina Paul at Troy na kumuyog sa akin. Gumulong ako sa lupa. Hindi ko lumaban. Maliban sa tila na-drain ako sa mga nangyari, ayoko silang patulan. Una, ayaw ni Juno. Pangalawa, baka madagdagan ang maospital ngayon. Pangatlo, hindi ko sila masisisi. Pang-apat, hindi ito ang tamang oras at lugar para magbugbugan kami.
Ilang pagsigaw ni Tamara ang narinig ko.
"Robbie, lumaban ka!"
"Tama na! Wag nyong saktan si Robbie!"
Pero di ako lumaban gaya nang di nila pagtigil.
Nahinto lang ang komosyon dahil may mga umawat na sa dalawa.
Sina Aris, Mike at Jeff ang umawat sa mga kaibigan ni Juno. Si Ralph ang nag-abot ng kamay sa akin para makatayo ako.
Si Reid, yakap si Andie na umiiyak.
"What the fuck are your problems?!" Galit na sabi ni Aris.
"Ask that goddamn asshole!" nagsimula na namang sumugod sa akin ni Paul.
Kinapitan na ito nang mahigpit nina Aris at Mike.
"Bakit si Agoncillo?" si Jeff.
"Jun won't be there if he didn't ask her out. Putangna! May-asawa na yan eh!"
Napatingin sa akin ang mga kaibigan ni Andie.
Umiling ako, habang pinapagpag ang suot ko, "I did not."
"May KM training ngayon si Juno. Bakit sya pupunta sa lugar na yun sa Pasay na puro mamahaling resto? Hindi mahilig kumain mag-isa sa mga ganung lugar si Jun!" Singit ni Troy.
"Worse, andun ka at asawa mo!" gatong ni Paul.
"R-rob..." si Andie.
Paglingon ko, nakita ko ang sumbat sa mata nito, "I told you—"
Pero sumingit si Kho, "Andz, princess. Pinuntahan kanina ni Tamara si Juno sa MonKho."
Lahat ng mata napunta kay Tamara.
Napasinghap ito sabay iling at pangingilid ng luha, "H-hindi ako. Hindi—"
Kahit na masakit pa sa katawan ko dala ng mga sipa nina Paul at Troy, humarang ako sa harapan nya.
"Don't pressure her. She's pregnant."
Kumapit si Tamara sa braso ko pero pinalis ko yun.
"Don't touch me!" I hissed at her.
Napaatras uli ito sabay tulo na ng luha.
"I'm not yet done with you, Tamara!" I warned. "It's just that you're pregnant."
Saktong dumating ang mga pulis.
Sabay-sabay kaming nagpunta sa waiting area malapit sa operating room.
"Wala pang lumalabas na doctor for advice," sabi ni Mommy.
Hindi na nila pinansin ni Dad ang sugat sa gilid ng labi ko dala ng suntok ni Paul. Pati ang dagdag na dumi sa damit ko nung pinagsisipa ako nung dalawa. Palagay ko, alam na nila nung makita ang mga kaibigan ni Juno.
Tinapunan lang nila nang saglit na masamang tingin ang dalawa.
Doon na nagsimulang magtanong ang tatlong pulis sa amin.
I told them my side of the story, same as Chad as one of the witnesses.
Napaiyak na si Tamara nung sya ang tanungin kung bakit sya naroroon. Ayaw nitong magsalita nung una.
Kaya inulit ni Aris na galing si Tamara sa MonKho kanina para kausapin si Juno. At pinatotohanan yun nina Mike at Jeff.
"I just got a confirmation na credit card mo ang gamit sa reservation sa House of Chefs, Tamara," sabi ko.
"Oh my God!" sabay pang sabi ni Andie at Mommy.
Wala na itong magawa kundi ang umamin kung ano ang sinabi nya kay Juno at ang pinag-usapan nila.
"Pero h-hindi ako...ang bumaril," naiiyak na sabi ni Tamara.
Inabot nya ang bag nya sa akin, "I have a gun t-there, Robbie. B-but never had a c-chance to e-even take it out."
"H-hindi ko kilala yung b-bumaril kay Juno. My p-plan was to do i-it myself. K-kasi i-inagaw ka nya sa—"
Umiyak na rin si Mommy. Si Andie, napayakap kay Reid.
"She did not!" Sigaw ko. Galit na galit ako. "You fucking drugged me! Ikaw ang –"
Si Dad ang nagpakalma sa akin, "Rob, son. She's pregnant... with your baby."
Ilang beses akong huminga ng malalim.
Hindi nakatiis si Chad, "I saw and heard it dahil tumakbo rin agad ako papalapit sa kanila. I'm pretty sure that Juno tried to protect you after she tackled Rob down," sabi nya kay Tamara.
"Narinig ko si Juno na tinatanong ka kung saan ang tama mo at nagbanggit si Jun nang 'baby'," ang dugtong pa.
Alam ko ang sinasabi ni Chad. Narinig ko ang mga sinabi ni Juno kay Tamara.
"How could you!" Di nakatiis na sabi ni Andie sa mataas na boses. "You baited my sister so you could kill her. Tapos... tapos..."
Niyakap ito ni Reid. "Mine... calm down, please."
"I really can't believe this!" my Mom exclaimed. "You should be ashamed of yourself, Tamara!"
"Excuse me..."
Napalingon kami. Doctor.
"The patient's family...? "
Napatayo kami lahat.
"We were able to stop the bleeding, but she has to be transferred to another hospital with a more advance facility, immediately."
Napaiyak ako. Pati si Andie.
Pinaliwanag ng doctor na hindi nila basta maalis ang bala sa bumaon sa ulo ni Juno dahil maaring lalo iyung makasama since kulang sila sa kagamitan.
"And we are not expecting her to wake up soon."
"Is she out of danger?" kinakabahan kong tanong.
"For now, yes. But she has to be transferred immediately," ulit nito.
And we did arrange for that.
Nakiusap ako kay Andie na huwag nang magsampa ng kaso kay Tamara for attempted murder dahil maaring makasama sa dinadala nito.
Alam kong malambot ang puso nito sa mga bata. Laking pasasalamat ko nang pumayag ito sa kundisyong si Juno ang huling magpapasya kapag nagising na ito.
Reid's wife will always think of the positive. And I hope so, too... that Jun will wake up soon.
"Make sure she doesn't leave the country until we get this case cleared out," ang sabi ni Reid.
Galit din ito. Tumango ako.
Yun din naman ang iniisip ko.
Nagpaalam na rin ang mga pulis. Ganun din si Chad na nangakong tetestigo kung kailangan.
Nagpasalamat kami dito.
Hinatid sya nina Paul at Troy palabas sa ospital.
Mabilis kong tinawagan ang pamilya ni Tamara para ipaalam kung nasaan kami at kung maaring sunduin nila ito. Wala akong planong umalis sa tabi ni Juno.
Bago mailipat ng ospital si Juno, dumating ang mga magulang ni Tamara.
Katakut-takot na sumbat ang inabot nila kay Mommy.
Halata ang sama ng loob ni Tamara at maging nang mga magulang nito dahil harap-harapang sinabi ni Mommy na ayaw nito sa babae at ang bata lang ang habol namin. Hindi nga naawat ni Dad ang pagsasalita ni Mommy ng masakit.
Kahit si Andromeda na mas may karapatang magalit ngayon, hindi na rin sana magsasalita. Pero nung magsalita ang ama ni Tamara,
"We will shoulder the medical expenses to compensate—"
"Compensate?! Compensation ba ang kailangan ng kapatid ko?!" tumaas ang boses nito. "Buntis lang ang anak nyo kaya hindi ako magsasampa ng kaso dahil pinakiusap ni Rob!"
"We can very well manage," singit ni Reid para sa asawa. "We don't need your money. Just leash your daughter and keep her away from my family. She has done so much. Kapag lumapit pa uli sya sa amin, we will pursue the case."
Bumaling ito sa akin, "I'm sorry, pal. But I will. Huli na ito. If you want to protect your child, I am also protecting my family. Keep your wife away from us."
Wala akong maisalag sa sinabi ni Reid.
Tamara broke me and Juno ... she's also about to break my bond with my best friend. Damn it!
"She won't, Reid... Andie. I'm really sorry."
Juno was transferred to another hospital.
Kinapalan ko na ang mukha ko. Kahit alam kong tila mali na naroon ako, I stayed. Wala namang pumigil sa akin. Kahit ang sentinels ni Juno, hindi na uli nagsalita.
Aabutin nang ilang oras ang operasyon ni Juno, ayon sa mga doktor. Pinilit ko na si Andie na umuwi dahil kailangan din ito ng mga anak lalo na nang kambal na dalawang buwan pa lang.
"Hindi ako aalis sa tabi ni Jun, Andie," nabasag na naman ang boses ko. "I'll call you ... as soon s we hear from the surgeons."
Sumabay na sa mag-asawa ang mga kaibigan namin. Nagpaiwan pa rin sina Paul at Troy doon.
Hindi kami nag-uusap tatlo.
Parang walang katapusang paghihintay ang ginagawa ko. Tuwing may lalabas sa OR na nurse, hindi sila nagbibigay ng komento. Maliban sa,
"Hindi pa po tapos ang operasyon."
Nakita kong umalis sandali ang dalawa. Pagbalik may dalang kape na may tatak nang isang sikat na coffee shop.
Ni hindi ko napapansin ang oras. Lampas agahan na pala. At ni hindi ako makaramdam ng gutom.
Dumating ang isa sa mga drivers namin sa Dasma. May dala itong pamalit ko nang damit. At binilinan ni Mommy na huwag umalis para kung kailangan ko nang mauutusan or something.
Saka ko naalala ang Audie ko at ang motor ni Juno. Yun ang pinakuha ko sa kanya sa parking ng House of Chefs. Binilin ko na unahin ang kotse ko na dalhin dito. At yung motor ni Jun, sa bahay muna i-garahe.
Bumalik sina Reid, Andie, at Aris bandang alas-diyes ng umaga. Dinalhan nila ako ng pagkain at maiinom. Si Andie mismo ang nag-abot nun.
"Sigurado akong di ka pa kumakain."
Gumaan ang pakiramdam ko kahit papa'no.
No wonder, Reid adores his wife so much. She doesn't hold grudges for long and she's easy to forgive. Not that I'm saying she has forgiven me totally, but at least, she has mellowed.
Masarap magluto si Andie, alam ko. Pero hindi ko malasahan. Parang ayaw pa ngang tumanggap ng pagkain ng tyan ko. Pero pinilit kong ubusin yun. Kailangan ng katawan ko at nakakahiya kay Andie.
She exerted effort to cook and bring me food kahit ... kahit ganito ang nangyari sa amin ni Juno.
Malapit mag-alas dose ng tanghali nung lumapas sa OR ang head surgeon.
Lahat kami sa waiting area, napatayo.
"Doc..." sabay pa naming pagtawag ni Andie.
Tumikhim ang doctor, "You're the patient's family?"
Tumango kami.
"We have managed to pull out the bullet out of her head."
"She's ... out of d-danger, right?" tanong ko.
"Yes... as of this time. Fortunately, in this situation, it appears the bullet stayed on one side of the brain or grazed the surface instead of going through the brain itself. But if that bullet passed from one side of the brain to the other ," umiling ito.
Nakahinga kami nang maluwag.
The doctor added, "Thing is, we still cannot tell now the extent of the damage the gunshot wound will be."
"A-ano pong ibig nyong sabihin?" si Andie.
"Hihintayin pa natin syang gumising. Doon natin malalaman if it has affected her cognitive abilities... that also includes her memory or thinking skills."
Saglit kaming hindi nakapagsalita.
At pareho kami nang gustong sabihin ni Andie, "Ang importante po buhay sya."
Tumikhim yun doctor,"That's actually one of our concerns."
"What do you mean, doc?" tanong ko.
"She fell into coma. We can't tell when she will wake up. And sometimes, it also depends on the patient if she wants to wake up."
Napatingin sa akin sina Paul at Troy. Puno ng pag-aakusa.
"Also, reason we took long more than necessary was to make sure we can save both of them."
"Both?"
"Them?"
Halos pare-pareho ang tanong naming anim doon.
Pero kumabog agad nang malakas ang dibdib ko. Napabuka ako sa bibig. Hindi ako makahinga ng maayos...dahil nag-init agad ang mga mata ko. Lumabo ang tingin ko sa paligid dahil sa luha.
"You're not aware that the patient is ... going five weeks pregnant?" tanong nang doctor.
I heard Andie gasped.
"The fuck!" sabay na mura ni Paul at Troy.
Napatabi agad ang doctor dahil susugurin na naman ako nung dalawa. Mabuti at naawat agad nina Aris at Reid.
Mura ng mura ang mga kaibigan ni Juno.
Napaluhod agad ako sa harap ni Andie, at napahagulgol,"Andie... H-hindi ko a-alam...I'm so ... so sorry..."
Pero isang malakas na sampal ang inabot ko sa kanya. Nanginginig ito sa galit.
"I told you... stay away from her!" Mabagal at madiing sabi nya.
"Mine..." awat dito ni Reid. "Not now, please."
"Hindi mo alam katulad nung una?!" Sabat ni Paul. "Putang ina!"
"You two," sikmat ni Reid sa sentinels ni Juno. "Stop talking and stay seated. Or else, I will not allow you to visit here anymore!"
Saka nya itinulak si Paul. Ganun din si Aris kay Troy.
Nagdadabog na nagpalakad-lakad ang dalawa, paroo't-parito sa hallway ng operating room.
Si Reid, niyakap si Andie dahil iyak na ito ng iyak.
Tumikhim uli yung doctor, "We will do our best to keep the baby while the patient is in coma."
"Yes, please. Anything you need, just let us know," si Reid.
"We will just clean her up then you can see her but only for a few minutes. You cannot stay long in the ICU," nagpaalam na ang doktor.
Hindi ako makatayo mula sa pagkakaluhod ko sa tiled floor. Nakayuko ako at umiiyak.
Bakit? Bakit?
What will happen now? Paano ang baby namin ni Jun? Sa kanya pa ba masisira ang kredo naming mga Agoncillo? Ang kredo na si Juno mismo ay pinoprotektahan?
"Hey, get up," tapik ni Aris sa balikat ko.
Inut-inot akong tumayo at naupo sa may waiting area. Halos sabunutan ko ang sarili ko habang nakatukod ang mga siko sa tuhod.
Narinig kong kinakausap ni reid ang asawa.
"You can't blame any of them, Mine. Rob learned about Tamara's pregnancy just about three or four weeks ago."
"Kahit na. He could have at least ... Tang ina! Ganito rin ang nangyari noon sa unang baby nila, di ba?" mahina pero gigil na sagot ni Andie.
Napapikit ako ng mariin. Galit talaga si Andromeda. Hindi ito palamura.
"Rob has been wanting to marry Juno... noon pa. Mahal na mahal ni Rob si Jun. Alam natin pareho yan, Mine," mahinahong sabi ni Reid.
Gusto kong magpasalamat kay Reid na kahit ganito, ipinagtatanggol nya pa rin ako sa kabila ng lahat.
"Kaya sinadya nyang magbuntis ang kapatid ko?!"
Hindi na nakakibo si Reid. What Andie said was a spot on.
Mabibilis ang hakbang na lumakad sa harapan ko si Andie, "Ano ngayon, Rob? Masaya ka na? Buntis na naman ang kapatid ko. Yung sinasabi mong mahal na mahal mo, magkakaanak sa iyo pero di mo pwedeng panagutan kasi kasal ka na! So, paano ang kapatid ko ha?! Agrabyadong-agrabyado na sya!"
"She won't be," sumagot si Paul. "I will marry Jun once she wakes up."
Marahas akong napatingin dito.
Determinado ang mukha nito at tila alam ni Troy ang sinasabi ni Paul.
"Ano?" nagulat sina Andie.
"NO, YOU WON'T, YOU BASTARD!" Malakas kong apela pero madiin akong kinapitan ni Aris na katabi ko lang kaya hindi ako nakatayo.
"Bakit? Gusto mong ikaw?" sarkastikong sabi ni Paul. "Kasal ka na sa iba."
Mariin kong nakuyom ang palad ko. I want to kill him now!
"Oo, bastardo ako., Rob. Kaya alam ko ang pakiramdam. Di ako papayag na mangyayari kay Juno ang nangyari sa nanay ko. At sa anak nya ang naranasan ko."
"In fact, Tita Pam would be delighted. She likes Juno a lot," gatong ni Troy. "At dalawang beses nang si Jun ang nagyaya kay Paul na sila na lang uli. Una, dahil kay Caloy. Pangalawa, nito lang malaman nyang kasal na sa iba si Rob."
Putang ina talaga!
"Why, Paul? Mahal mo ba ang kapatid ko?"
Tumingin ng diretso si Paul kay Andie, "Yes... though not in a romantic way. But I do, same as Troy to her. And her to us. We won't let any of us fall without doing anything."
"And if Paul is no longer free, I'd be happy to take the responsibility," salo ni Troy. "Juno had been behind and supportive of us, too. We can't fail her now."
Napaiyak na naman si Andie.
Nagsalita uli si Troy, "You see, Rob, you're an asshole! She loves you even before. It was just that there was Caloy first. But she loves you more than him since months ago. And it was very difficult for her to say that three-word phrase to you dahil gusto nyang maayos nyang iiwan ang alaala ni Caloy. If Juno is showing her cranky side to you but at the same time, she's nice to you, that's her way of saying she cares and she loves you. That's her, you idiot! Paul and I were even fucking rooting for you. We were pushing her to tell you what she feels. Noon pa man. But I guess we were wrong. Now, I feel guilty, kasi kami ang nagtulak sa kanya sa iyo noon pa mang nakatira sila sa Palawan."
"Rooting for me? You were siding with Caloy then, when he was still alive," asar kong sabi.
"Because he told me his real intentions first! He was going to Netherlands. But before he leaves, he planned to propose to Jun and come back to marry her. That was the day Jun had miscarriage with your first baby. We learned about your proposal to Jun nung ma-discharge na sya sa ospital, gago!" sagot nito.
Sumabat si Paul, "You thought you know her, Rob? Well, you don't! We, her best friends, sometimes do not even know how she ticks. Isa lang ang sigurado ako. Once she'd set her mind into doing something, she will do it. Gaya ng gaganti sya para kay Caloy. And she did it, right? And she did this for you, jerk. Isaksak mo yan sa utak mo. She can kill for him but she is willing to die for you and your child! Even if that child of yours is with another woman!"
"Ipagdasal mo na lang na paggising ni Juno, hindi sya galit sa iyo. Dahil ito ang ipapangako namin ni Troy sa iyo. Kapag nagdesisyon si Juno na lumayo sa iyo, susuportahan namin sya. Gaya ng pagsuporta namin na kalimutan nya si Caloy dati."
May isang nurse na nagpasintabi, "Pwede na pong bisitahin ang pasyente."
We were all required to change into hospital gowns, too, bago pumasok sa ICU.
Hindi ko na naman napigilan ang tahimik na pag-iyak nung makita ko sya.
Si Andie, napahagulgol kaya niyakap ni Reid.
There she was. Her eyes closed. Ang daming nakakabit sa kanyang aparato at kung anu-anong IV lines for dextrose, blood and others. May nakatakip na oxygen masked maliban pa sa mga tubo sa ilong at bibig. Her head is covered with bandage. Looks like all her hair was shaved.
But still, she's the most beautiful woman I've seen in my entire life.
Lumapit agad si Andie sa bedside at mahigpit na kinapitan ang kamay ni Jun. Si Reid, nasa likod ng asawa. Sa kabilang side ng kama si Aris. Paul and Troy, nasa bandang paanan ni Juno. Hinawakan nila ang talampakan nito nanatatakpan ng kumot at pinisil-pisil.
Ako. Hindi ko alam kung paano ako lalapit. O kung may karapatan ba ako. Nahihiya ako. Lalo na kay Andie. Kaya sa mga aparato ako lumapit.
"Miss," mahina kong tawag sa nurse sa ICU. "Bakit dalawa ang heart monitor nya?"
"Uhm, yung isa po na mas mabilis ang heart rate, para po sa baby."
Nasapo ko ang bibig ko dahil napaiyak na ako ng may tunog, sabay hawak sa screen ng monitor na yun.
My baby. Our baby. Ang batang hinihintay ko noon pa.
"Bunso," narinig ko si Andie. "B-birthday ko na sa isang araw. W-wag mo i-iwan si Ate. K-kahit w-wag ka m-muna gumising sa birthday ko ... basta ... wag mo iiwan si Ate. Y-yun lang hinihingi ko sa 'yong regalo, Jun. W-wag mo 'ko iiwan sa b-birthday ko t-tulad ni Mama."
Niyakap uli ito ni Reid mula sa likod kasi iyak na naman ng iyak si Andie.
"P-pero 'wag ka matutulog ng matagal ha?. P-para sa baby mo. Naghihintay si Hope at yung kambal sa pinsan nila. May k-kalaro na syang naghihintay sa villa."
"Pati ninong na pogi," singit ni Aris na namumula rin ang mata. "Ako yun. Gumising ka na kaya, Jun. Iyak na naman ng iyak ang Ate mo oh! Di ba ayaw mo syang umiiyak? Kaya mo nga ako ginulpi dati sa airport."
Matipid akong ngumiti kahit nalulunod ang mata ko sa luha.
"Oo nga, Jun. Wag ka matutulog ng matagal. Di ka naman papayag na tawaging Sleeping Beauty. Wala namang Sleeping Dyosa. Wag kang pauso," si Troy.
Si Paul, "Jun, yung dalawang beses mo sa aking inuungot na tinanggihan ko. Sige, payag na 'ko, kahit pakasal pa tayo. Basta gumising ka na."
PUTANG INA TALAGA!
Lumabas ako sa ICU nang wala sa oras, tiim-bagang at kuyom ang mga kamao.
Oo, walang batang Agoncillo ang magiging bastardo! Pero hindi dahil ibang apelyido ang dadalhin nya!
Hindi ako papayag! Hindi ako papayag lalo at sa anak namin ni Jun!
Tinawagan ko si Jack.
"I may have a crack on the case, Rob. Pero di pa sigurado. I need men on the ground. Mahirap na online lang ako."
"Ilan ang kailangan mo para mapabilis?"
"Two agents."
"Okay. I will let them report to you directly. But in case you find something or someone, don't touch the bastards. Just report back to me."
"Why? What are you going to do?" tanong ni Jack.
"Just do it."
Pinatayan ko na ito nang telepono. I immediately called my secretary to find two agents na available para kay Jack.
Hinintay ko lang na lumabas sina Reid sa ICU tapos nagpaalam ako na aalis sandali.
"Akala ko ba hindi ka aalis sa tabi ni Jun?" sarkastikong sabi ni Paul.
"Aalis ako dahil ilalaban ko ang pwesto ko sa buhay ni Juno at anak namin, Paul. Babalik agad ako. Wag ka na umasa sa sinabi mo kanina. Not happening!"
May nakita akong kakaibang kinang sa mata nito, pero di naman ito ngumiti. "Tss."
"Rob... ano'ng gagawin mo? Ayoko nang magulo pa si Jun," si Andie.
"Aayusin ko ang ginulo ko, Andie. I'll be back."
Hindi ko na hinintay na may magsalita pa uli sa kanila. Umuwi ako sa bahay namin sa Dasma.
I called Mom on the way to make sure Dad is home too.
When I got there, Dad said that there's still no update on Juno's case sa side ng mga pulis. Yung bumaril kay Juno, namatay sa ospital. At hindi na inabutan sa bahay ang kilalang ka-partner nito as riding in tandem. I told them about what Jack and I talked about.
"Dad, can you look after my agency while I have my COO take over for the meantime?"
"Why? Something happened?" Si Dad.
"How's Juno, anyway?" si Mommy.
I told them what the doctor said and, "She's in coma and ... she's pregnant with my baby."
Bahagya lang nagulat ang mga magulang ko. Alam ko namang si Juno talaga ang inaasahan nila sa ganitong sitwasyon, hindi si Tamara.
"I think, she wasn't aware, too. Just like before," naiiyak na naman ako nung maalala ang una naming baby. "The big difference is that my baby now is giving it a good fight. That's why ... I ... I want to stay beside Jun along the way ... while she's still in coma. And ... "
Huminga ako ng malalim sa bibig, kasi parang may nakabara sa lalamunan ko , ".. And I want to be there and be the first person she sees once she o-opens her eyes."
Niyakap ako ni Mommy, "Oh, baby... Of course, you do."
Dad tapped my shoulder, "Alright. I'll do it. But how about Tamara?"
I told them my plans. "I've already consulted Ralph about it. I ... I know it will be first in the family, Dad... Mom. But ... I ... I can't live without her."
Tumulo na ang luha ko, "I ... I hope you'll understand and approve."
Ilang segundong hindi nagsalita si Daddy. I was waiting for what he has to say. I was so nervous because even if they disapprove, I will still do what I plan. Susuwayin ko pa rin ang mga magulang ko.
"We can't stop you, can we?" he said then.
I looked at my Dad's eyes, "Your right, Dad. No one can. Even Juno can't stop me this time."
"How can she? She's asleep," napapangiti si Dad."That's the reason you're saying that now, son. I know that look in your eyes. She's the only one who can stop you but you're taking advantage that she's currently not capable."
Napatingin ako sa paa ko. Tama naman si Dad. Sinasamantala ko na tulog si Jun.
I heard him chuckle then he tapped my shoulder, "Anything that will make you happy, Rob. You're old enough to make decisions."
"How about my grandchild with Tamara?" Si Mommy.
"I will talk to them to make arrangements. I will let you know."
Nagpaalam na ako na aalis para bumalik sa ospital pagkatapos kumuha ng ilang damit.
"We will visit at the hospital later tonight, baby," habol ni Mommy.
Pagbalik ko sa ospital, nalaman ko na pinapalipat na ni Reid si Jun sa isang suite room na kumpleto sa facility gaya nang sa ICU. May tatlong private nurses si Juno na palitan ng shift.
I insisted on my share for the expenses in the argument na anak ko rin ang nasa kritikal ngayon sa kundisyon ni Juno. Saka lang pumayag ang mag-asawang Schulz.
That evening, nakatulog na ako nang nakahiga, sa isang couch na hinila ko sa tabi nang hospital bed ni Juno.
Hindi na ako umalis doon. Ako na lang ang naiwan. Umuwi na muna sina Reid at mga kaibigan ni Juno.
Bumalik naman sila kinabukasan para dumalaw.
Kahit may separate kitchen at dining sa suite, kumakain pa rin ako sa couch na katabi ni Juno.
Ilang araw na ganun.
May mga dumating na bisita na rin si Juno. Karamihan galing sa DR scene. May ilang galing sa MonKho at yung mga naging kaibigan nya sa Charleston.
"Hala ka, Jun. Wag tulog ng tulog. Mag-aabay ka pa sa kasal ko, di ba?" sabi nung Lia, if I remember it right.
Walang nakakaalam sa kanila na buntis si Jun at ang sitwasyon namin. We have agreed na kami lang muna ang makakaalam. Tingin ko, kinausap na rin nina Paul at Troy si Chad kaya walang lumabas na impormasyon.
It was in the second week that she's in coma. Bumaba ako sandali para sumagap ng hangin sa labas ng ospital at the same time, para magyosi.
Nakakalahati ko na ang sigarilyo ko nung tumawag si Jack, "Rob, go back inside the hospital!"
"Bakit?"
"We've just traced our person of interest. "
"Which one?"
"Yung kasama nung bumaril kay Jun. One of our agents is on his way there."
"What?! Why?"
"The bastard's phone is pinging inside that hospital. Maybe to finish the job!"
===============
Sorry to keep you waiting, mga chichi! Hayahay po ako kahapon at ninamnam ang 1 yr anniv ko as author wannabe sa WP. One year old na rin ang Claiming Andromeda.
Also, kanina, I had to research on some medical info about gunshot wounds on the head and the survival rates and the effects. Including pregnancy while in coma.
Anyway, I already wrote about these researches I do before I write sa WP journal ko.
===============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro