76 Hole
Anak ng pokemon! 6,400+ words! Nakakalokah! Walang edit-edit! Hahaha!!!
==================
Rob's POV
Hindi agad ako nakatayo dahil maliban sa malakas na tumama ang mukha ko sa suot nyang helmet, tumama ang gilid ng batok at tenga ko sa isang metal chair nang dambahin ako ni Juno. Medyo nahilo ako at bahagyang nabingi.
Saka rumehistro sa utak ko ang putok nang baril na narinig ko nung dambahin ako ni Juno.
Parang huminto ang mundo ko nung makita ko ang likod ni Juno papalayo sa akin... patakbo sa direksyon ni Tamara.
Sinasabi ko na!
May baril ang daddy nito. Kahit anong galing ni Juno sa KM o anupaman, wala syang laban sa baril.
Hinugot ko agad ang baril sa ankle holster ko.
"JUN... WAG KA LUMAPIT SA KANYA!!!"
"I already married you, Tamara. Don't ask for more," matabang kong sagot sa kanya.
Palabas na uli ako sa bahay kung saan ko iniuwi si Tamara. Mula nang umuwi ako ng Pilipinas, kasama ito, hindi ako natulog sa bahay na ito.
Ang bahay na nakalaan para sa pamilya kong inaasam.Ang bahay na binili ko para sa amin dapat ni Juno at magiging pamilya namin. Ito dapat ang Christmas gift ko sa kanya.Binili ko ito nung nararamdaman ko na malapit na syang maka-move on. Pina-renovate ko ang bahay. Hindi pa nga tapos ang bahay dahil di pa maayos ang likod at wala pa ang swimming pool. Ipapaubaya ko na dapat kay Juno ang pagde-design sa likod bahay. Pero dahil sa nangyari, gumuho ang lahat. Dahil sa kagaguhan ko! Dahil sa ilang linggo na hinayaan kong lamunin ako ng selos, galit at hinanakit!
Dun pa rin ako sa condo ko sa BGC umuuwi.
Aminado ako, pinakasalan ko ito dahil lang sa bata. Dahil nung nasa Amerika pa kami at makumpirma kong buntis ito at ang malaking posibilidad na akin yun, nagbanta ito na magpapa-abort.
Ang akin naman, my child or not, I couldn't afford that the baby will die without any fight dala nang kakitiran ng isip ni Tamara.
"Saan ka uuwi? Kay Juno? Sa babae mo?!" Sigaw nya.
Bigla umakyat ang gigil sa ulo ko at bumalik. Dinaklot ko ito sa magkabilang balikat, "Babae ko, Tamara? Nagpapatawa ka. Nag-iisang babae si Juno para sa akin. Ikaw lang ang sumingit. You don't even measure up to her! Wala ka nga dapat sa bahay na ito dahil alam mong para sa kanya ito."
Dala kasi ng kalasingan, depresyon at frustration ko, nasabi ko dito na may binili na akong bahay para sa amin ni Jun. At nagpumilit itong sumama pauwi sa Pilipinas, gaya nang pag-i-impose nya na dito sya titira.
"Pwes, ako ang legal mong asawa, Robbie. Kaya, babae mo na lang sya! At akin ang bahay na ito! Atin!" Sigaw nya pabalik sabay marahas na hinawi ang kamay ko sa balikat nya.
Tangna! Bakit ko ba napatul-patulan uli ang babaeng ito!
"It's just yours," sabi ko. "This house is the only thing you can get from me."
Napatiim ang bagang nito. Alam nya ang ibig kong sabihin. We signed a pre-nup agreement.
"You know very well I married you to father my child, but never to be a husband to you!"
"At kanino ka magpapaka-asawa? Sa kanya?!" Nakaismid na sabi.
"Kung pwede lang. Pero, hindi mo katulad si Jun. She'd despise me if she learns about this fucking marriage!"
"Then, I will tell her!"
I smirked, "What would I expect? As desperate as you are... tss!"
Umalis na ako sa kabila nang pagsisigaw nya.
Lalo akong nahihiya at natatakot na makipagkita kay Juno. Ilang beses na itong kumokontak sa akin. At isang beses lang akong sumagot.
I knew, she didn't take it seriously. Akala nya, parte pa yun nang biruan namin bago ako lumipad sa Amerika nang hindi nya nalalaman.
Reason, she was persistent.
Persistence that is killing me slowly. Because I don't want her to run after me.
If the situation wasn't like this, baka sinasalubong ko pa sya sa paghahabol nya. Hindi yung umiiwas ako.
Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung kakayanin kong makita syang nasasaktan uli.
Yung pa nga lang sa pag-iyak nya kay Sorriente, para na akong mamamatay sa sakit, paano pa kung ako mismo ang dahilan nang panibagong pagkadurog sa kanya.
And fate was really playing a joke on me.
Pag-uwi ko sa BGC, tumawag si Jack afte I took a shower.
"Boss, she's there. Maybe sa reception."
My knees literally wobbled. Ni hindi ko nagawang magpaalam kay Jack nung putulin ko ang tawag. Nataranta ako.
Fuck it! Only Juno can make me tremble like a cowering dog!
Now, I perfectly understand Reid. Nung panahong natatawa kami ni Ralph kapag napapakamot na lang ito nang batok kapag sinisimangutan ni Andie. O yung natataranta ito dahil sa babae.
Kasi, pakiramdam ko, mas malala ako ngayon!
Nagmamadali akong tumawag sa reception para magbilin. Naroon na nga raw si Juno. At nung tumawag uli ang receptionist dahil nag-request si Juno na kausapin na lang ako, napagtaasan ko ito ng boses.
I knew it was unreasonable. And I have been unreasonable for the past days. And I know I will be in the next days.
Kalat-kalat talaga ang resolve ko.
I even blocked her in my CP and social media dahil di ko mapigilan ang tumulo ang luha ko everytime na magte-text sya kung ano ang problema. Na lulumpuhin nya ako kapag nakita nya ako, na alam kong pabiro lang. Yung pagsusungit nyang panunumbat na nasa Pilipinas na pala ako.
I had to, because there was a time, I got her message and I was talking to one of my agents. Di ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko. Damn it!
I had to ... because I'm already married to someone else.
Yet, I couldn't stop myself stalking her. I knew her conversations with her bestfriends who were also asking about me. I got to understand about the Catch the Pokemon thing. They also knew Juno was 'hunting' me. And the way she answered them, naroon ang tagong tampo.
I was a bit relieved that she got a bit busy because of a new business she entered with her sentinels. That should keep her busy kahit konti.
Yet, she found time to visit me at the agency. Jack gave me a heads up she was on her way so I immediately called the reception ang security not to let her in. It was Jack who went downstairs to meet her up.
"She brought a gift for you. It was her Christmas gift."
"Where is it?" Suddenly, I got excited.
"Di nya binigay. But she has a message for you."
"And that is...?"
"Man up and talk to her."
Tumalikod na si Jack. I know he was disappointed at me. Just like how Ralph and Reid were. Muntik nga akong suntukin ni Reid. Sobrang pagpipigil lang nito.
"Fuck you, Agoncillo! Para ka na ring si Kho noon kay Drew!"
"I'm sorry, Reid. I just can't now. I will soon. Not now. Kapag nakita kong umiyak si Jun, baka... baka... itakas ko siyapalayo. Ayokong ilagay sya sa isang estadong kabit lang sya," umiiyak kong sabi.
Doon lang nag-mellow down si Reid. Slam nyang kaya kong gawin. At kahit si Juno, walang magagawa kapag pwersahan ko syang tinangay. Because I definitely can.
"Paano yan, dude? Sabi mo, gusto ng mga magulang ni Tamara na magpakasal din kayo sa Pilipinas. Did you tell your parents?" si Ralph.
Napabuga ako sa bibig. Wala akong planong magpakasal sa simbahan kay Tamara. At ang gusto pa ng mga magulang nito eh yung magarbo pa. That would only add insult to Juno's injury. Ayoko!
"I'll talk to Mom and Dad, this Sunday."
That Sunday, I had this bad feeling about something I couldn't explain.
"Nasa Antipolo sya, sa villa," ang sabi ni Jack nung tawagan ko.
Kinakabahan ako na baka sinabi na ni Reid kay Jun. But I know he wouldn't. It was him who told me he won't. That it is my obligation to tell her.
"Alright. Just let me know—"
"Yeah, yeah. I'll let you know if she's near or whatever," halata ang disgusto sa tono ni Jack.
I couldn't blame him. He likes my girl. It's just that he loves his gadgets more. Yun ang totoong lovelife ni Jack. Kung pwedeng pakasalan ang teknolohiya, gagawin nang ungas na ito.
Napansin agad ni Mommy na may mabigat akong iniisip. Balak kong magsabi sa kanila pagkatapos ng dinner pero hindi ko napigilan si Mommy na paaminin ako.
We were not able to eat dessert when I told them that I'm already married to Tamara.
Pinaligpit agad ni Mommy ang pagkain at nagpadala ng kape sa porch.
Pigil na pigil ang emosyon nya.
Alam ko kung bakit. Ayaw nito kay Tamara. At si Daddy, alam nyang si Juno ang gusto kong pakasalan.
Kahit hindi nila sabihin, alam kong sobrang disappointed sila, lalo na nung itanong nila kung saan ngayon si Tamara at sabihin ko.
They knew about the house I bought, that it was for Juno. They knew that Juno was only tying loose ends about Caloy and the Quimbos, because I told them before I flew to US to spend Christmas with Kuya Bert's family. What they didn't know was that I was actually devastated with Juno's way of 'cleaning up the clutters' of her past. I was depressed that I couldn't stop her. She wouldn't let me. She was too stiff and hard-headed.
My parents were actually looking forward to her becoming part of the Agoncillo clan. Alam nila ang pinagdaanan namin ni Juno. Malibanlang sa huling karera nya. Ayokong masira sya sa pamilya ko dahil pamilya kami na nasa panig lagi ng batas. Hindi nila gugustuhing malaman na inaako ng babae ang pagganti para kay Caloy, kay Anne at kay Laarni.
Hanggang sa pag-amin ko na nagpakasal ako kay Tamara, sinabi ko na nalasing ako at lahat. Hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit ako umabot sa estadong hindi ko na alam halos ang ginagawa ko dala ng alak.
"So they want you to get married again in the Philippines?"
"Yes, but I don't want to, Dad."
"Why?"
"I don't see the need for it. I only married Tamara because of the baby. What's the extravagant wedding for? To show off? No, Dad. I won't ... I won't do it. It's ...gonna tear Juno apart," napaiyak na ako sa harap ni Mommy at Daddy. "Just this marriage with Tamara is too much. I ... can't add more."
I felt Dad tapping my shoulder, "When is her family expecting us?"
"Saturday dinner, Dad," mabigat ang tono ko.
"Nagalit ba ang mga magulang nya nung malaman?"
Umiling ako.
"Are you really sure Tamara's baby is yours, Rob?" Seryosong tanong ni Mommy. Kahit sya in denial. "Or are you really sure she's even pregnant?"
I'm sure she was pregnant. I made sure I was there when she had her ultrasound. Heard the baby's heartbeat. And based on the age of the fetus, it was the days I was in the US.
"You know our family's rule, son. No Agoncillo baby –"
Ako na ang nagtuloy nang sasabihin ni Dad, "... will be born illegitimate, Dad.That's why I married Tamara in Las Vegas. She threatened to abort the baby if I won't."
"And still, her family wants you to get married in the Philippines, huh?" Napapailing na sabi ni Mommy.
"Yes. Kaya ... kaya nga sa Saturday sana, uhm, gusto nilang pormal na pag-usapan—"
"We will go. That's my grandchild we're talking about. How about Juno? Does she know?" si Dad.
Napailing ako sabay ng pagtulo uli ng luha ko.
"When do you plan to tell her?" Mom asked. "You owe it to her, Rob. You told us, she was only finishing her issues with her past. So, both of you can be together in harmony. And both of you did a good fight for your relationship to happen but what's done is done."
"I don't know, Mom. I can't even look at her," nabasag ang boses ko. "I feel guilty. And I ... can't bear to see her hurt and cry again."
"No need to worry, Rob. Alam ko na."
Halos sumabog ang ulo ko nang marinig ko ang boses nya. At parang may sampung kamay na pumiga sa puso ko nung makita ko ang luhaang mukha ni Juno.
That alone already killed me. Lalo na sa naging takbo nang pag-uusap namin.
Alam kong ayaw ni Juno tumuntong sa bahay namin mag-isa, lalo't walang imbitasyon. Pero ginawa nya. Para makita at makausap ako. Ginawa pa nitong dahilan ang regalo noong Pasko, na pwede namang di na nya ibigay o kahit ipabigay na lang kay Reid. Pero, heto sya sa bahay namin.
Nung may kunin syang regalo sa paper bag, alam kong akin yun. Nakita ko na yun sa cabinet nya sa duplex. Nawala lang sa isip ko na ipaalala sa kanya.
Para akong sinaksak sa dibdib sa sinabi nyang, "Mali na matanggap mo pa 'to, Rob. Ayokong... a-ayokong makadagdag pa sa k-kumplikasyon."
At that moment, gusto ko nang hablutin si Juno at sabay kaming lumabas sa bahay ng mga magulang ko. Papunta sa malayo. Malayo na walang makakakilala sa amin.
Pero ayaw nya talagang mag-usap kami sa kabila ng payo nina Mommy at Daddy na mag-usap kami. Hinabol ko sya pagtalikod nya. Hindi ko pala kaya. Hindi kop ala kayang makikita syang tumalikod palayo sa akin.
Nung abutan ko si Jun, mabilis at mahigpit kong niyakap sa likod. Ayoko na syang pakawalan. Lalo na nung marinig ko ang pakiusap nya na bitawan sya dahil kaunti na lan, ito na ang magyayang umalis kami pareho. Na malapit na itong tumalikod sa moralidad, nagtitimpi lang.
Kahit sa pakiusap ni Dad na bitawan ko sy, hindi ko ginawa. Kahit ang sabihin ni Mommy na dumating si Tamara nang walang pasabi. Kahit mismong si Tamara na ang nagbabaklas ng kamay kong nakayakap kay Juno. AYOKO! AYOKO SYANG BITAWAN!
Yet, it was Juno's words which made me let go.
"N-narinig mo, Rob..." napahikbi na naman ito. "For the s-second time and second man I love, I became an op-option a-again. Worse, your w-wife just called me your m-mistress. Is that ... is that h-how you want to value me, M-maw?"
Nagising ako sa mga salita nya. Ang dahilan ko kung bakit ko sya iniwasan nitong mga nakaraang araw.
Nung makaalis ito, walang kahihiyang nagsisigaw si Tamara sa bahay namin. Sa harap ng mga magulang ko. Mga bagay na ang laki ng pagkakaiba nila ni Juno.
"Pinatuntong mo pa talaga ang babae mo dito."
"Hindi ko babae si Jun!"
"At nagpapakunsinti ka sa mga magulang mo! Dito kayo nagkikita kaya hindi ka umuuwi sa bahay!"
"Oh my God, Tamara!" Mom exclaimed in disbelief. "She didn't know about you and your stunt. She just learned it a while ago."
"At least you could have shooed her away when she came. I am the Agoncillo. She has no right to come here, Mommy!"
Napikon si Mommy, "Don't call me, Mommy, Tamara. I can never accept you in this family. You may be an Agoncillo now, but I am not allowing you to call me Mommy!"
"Rhea, sweetheart," pagpapakalma ni Dad, "That's enough."
Bumaling itokay Tamara, "Let me remind you, young lady. You are in MY and MY WIFE's house. Not yours. You already have your own house provided by my son. We will accept any visitors we want without your consent. You don't raise your voice to my wife or anyone here. Know your position. Now I understand why Rob is still running after Juno. The difference is very clear."
Natameme si Tamara.
"If you came here to pick me up, no, I am not coming with you!"
With that, tumalikod na ako para sundan si Jun. Pero mukhang nakalayo na sya.
Tumawag ako kay Jack, "Bakit di mo sinabi na pupunta si Jun sa amin sa Dasma?!"
Pasigaw kong sabi.
"What?! I didn't know. Her phone wasn't pinging since five in the afternoon but the tracker I put on her car's side mirror says she's still in Antipolo!"
Oo, yun ang dahilan kaya sya bumabanung pumunta si Jun sa agency.
"Damn it! Try to trace her location. And her bestfriends."
Pinatay ko ang tawag.
Ibig sabihin, Sasakyan ni Reid ang gamit nya!
I called Reid but I couldn't make a reasonable argument.
"I kept my promise, Rob. I didn't tell her. But I never promised that I won't help her find out. In the first place, dapat sya ang unang nakaalam nang sitwasyon mo. You know how Andie and Jun value trust."
SA duplex ako dumiretso. Pero wala pa sya doon. Kaya ipinarada ko ang kotse ko sa kabilang kanto para hindi nya makita.
I waited in the bedroom. Sabi ni Jack, walang natatanggap na tawag sina Paul at Troy galing sa babae.
Di nga ako nagkamali, wala pang kinse minutos, dumating si Juno. Pero tumakbo uli sya papalayo sa akin. Sa banyo ito nagkulong.
Ayaw nyang makipag-usap sa kabila nang pagmamakaawa ko. Binuksan nya ang shower para hindi ako marinig. Naiintindihan ko naman na sobra ko syang nasasaktan. Gusto lang ring ipaalam sya kanya na ganun din ang nararamdaman ko ngayon ... at walang kapantay ang pagsisisi na katapat nun.
Gusto kong magpaliwanag. Para maintindihan nya ako kahit konti. Pero, mas lalo lang akong sinampal nang maraming beses sa pag-uusap naming. Na pinamukha nya sa akin ang kawalan ko ng tiwala sa kanya. Ang insekyuridad ko. Kaya lang tao lang naman ako. Hindi naman kasi ako baton a walang pakiramdam.
Hindi ko lang inaasahan na sa kabila nang nagawa ko, nagawa pa ring sisihin ni Juno ang sarili nya. Kahit may punto sya, gusto kong mahiya. Pinipilit nyang pagaanin ang loob ko sa pangyayari. Na kahit nasaktan ko sya, ayaw nitong solohin ko ang bigat ng konsensya.
Lalo nung napagtibay ang ayaw kong paniwalaan noong umalis ako pa-Amerika na mahal ako ni Jun. Na mahal na mahal nya ako.
Tang ina, Rob! Bakit ka kasi nagduda?!
Saka ko sya niyayang umalis kami. Para magsama kami pareho. And yet again, she slapped me hard with her words.
"G-gagawin mo akong k-kabit mo, Rob?"
"It was just a paper, Jun."
"K-kabit pa rin, Rob."
Umiling ito. "Mahal na mahal kita, Rob. Mas m-mahal pa kesa ke Caloy. Pero ... w-wala na eh. Hindi ka na a-akin. I-iba na ang may-ari sa iyo. Sarili ko na lang ang m-meron ako. Hayaan mo na lang na p-pahalagahan ko yung sarili ko sa paraang alam ko. Wag mo na akong p-pababain sa pagiging k-kabit."
"Iginalang mo ... yung ... desisyon kong tuparin ang pangako ko kay Caloy at bilin ni Anne, kahit masakit sa loob mo. In a way, prinotektahan mo ang legacy ng mga magulang ko sa akin. Ang importansya ng pagtupad sa pangako ... dahil kakambal nun ang tiwala. Kaya ko ring gawin yun para sa iyo, Rob. Ang protektahan ang kredo ng pamilya nyo. Na walang batang Agoncillo ang magiging bastardo. Kaya mo nga pinakasalan si Tamara, di ba? Igagalang ko ang desisyon mo. Kahit masakit. Kasi, gusto ko ring magkaroon ng pamilya ... mga anak ... pero kapag tayo ... bastardo ang kalalabasan nila."
"Jun, ayoko... hindi ko kaya..."
"Kaya mo! Kaya mo, Rob. Para sa akin na lang. Kayanin mong panindigan ang pagkakaroon ng ibang pamilya! Kasi kinaya mong sumiping kay Tamara noong Kapaskuhan na ikaw ang iniisip ko pero andun ka sa kanya! Kaya mo yan kasi kinaya mong gawin yan na hindi mo iniisip ang pwedeng maging dahilan ng pagkakahiwalay natin. Chew it up like I'm trying to digest everything, you fucker!"
"... kasi pinipilit kong kayanin. Na naiwan na naman ako. Isang namatay sa harap ko ... at isang napunta sa iba habang ... habang ... Putang ina!"
Mga salitang hindi ko kayang lunukin. Nagmamakaawa na ako kay Jun ... humihingi ng tawad ... na tanggapin nya ako uli.
But she went hysterical. More hysterical than the night Sorriente passed away. I couldn't stop her trashing the bathroom. She was hurting herself punching the wall.
All I can do is leave.
I called Paul and Troy.
They were surprised alright. Di ko kasi tinatawagan or what. They knew I don't like them. Na mas pipiliin kong ako ang kasama ni Jun kesa sa kanila. But Here I am, asking them to come to the duplex and stay with her. I didn't explain why. I just told them it's very urgent.
As expected, they immediately came. Umalis rin din ako agad. Ayoko mang aminina pero sa kanila ko pupuwedeng ipagkatiwala si Juno ngayon.
On my way home, my Mom's questions and Juno's words were playing repeatedly in my mind.
How sure I was that the baby is mine?
Oo nga, I could have stopped doing Tamara but I did not. That night, I was only thinking of Jun. I knew I was calling her name while doing the thing with Tamara. Why did I not stop? In my history of drinking, kahit gaano ako kalasing, I know when to stop. Like my agents, Iwon't go out of control just because of alcohol.
Pagdating sa condo, I called Jack again.
"Jack, can you trace Tamara's activities from the day I went to the US to present?"
"Bakit? Dahil nagkita kayop ni Jun, pinagdududahan mo na na sa iyo yung bata?"
"I just want to confirm something and make sure?"
"Isn't that a little too late now? You already married her."
"Just do it!"
The next morning, I learned from Reid that Juno called in sick sa Monkho. Itinawag daw ni Aris kay andie na isang lingo itong nag-leave. Sinabi ni Reid na kahapon pa masama ang pakiramdam nit pagpunta pa lang sa villa. Tapos matagal itong nababad sa tubig galing sa shower nung magkakomprontahan kami.
The more guilty I felt.
Gusto ko mang pumunta sa duplex, sinabi ni Jack na naiwan doon si Paul. Malamang para alagaan si Juno.
At ang isa pang balita ni Jack, "I found out some stuff about your wife."
He first handed me a recording of a phone conversationof Tamara and Peralta.
***
"Talagang ginawa mo. Naghahabol ka sa isang tao na may ibang gusto. Bakit pinababa mong masyado ang sarili mo, Mara?" parang maiiyak na sabi ni Peralta.
"Akala mo kung sino ka magsalita, John. Ikaw rin naman. Wag mo na akong guguluhin! May asawa na ako at magkakaanak na kami!"
"Sasabihin ko kay Agoncillo, anak ko ang bata!"
Napigil ko ang hininga ko.
"E di sabihin mo. You were never in the US last Christmas, John. Nasa African Safari ka kasama ang pamilya mo. It was all over your FB account. Sino'ng lolokohin mo?! My family won't even believe you. They knew I don't and never really liked you! I was even hiding from you last summer break when I went to the Philippines for vacation. Si Robbie ang binabalikan ko sa Pilipinas, hindi ikaw!"
Bumagsak ang balikat ko.
So, the baby is really mine.
Biglang na namanakong na-guilty. This time, para sa anak ko.
Walang syang kasalanan.Hindi ko dapat sya idamay sa pagkasuklam ko sa ina nya.
He or she is an Agoncillo no matter what.
"Then meet me," demanded Peralta.
Napakunot ang noo ko. Ano ang karapatan ng isang ito para mag-demand nang ganun kay Tamara?
"... or else, I will tell your husband that you got a help from your friend, Anastasia, to put roofies in his drink so you can share bed with him!"
"DAMN YOU, JOHN! MAMATAY KA NA!" Sigaw ni Tamara.
Madiin kong nakuyom ang mga palad ko.
Kaya pala! Putang ina lang!
Yet, I still have a fault. Tama si Juno. Una pa lang dapat umiwas na ako. Pero, hindi. I made myself a vulnerable victim because I accommodated Tamara's company on that night. Hindi ko lang inaakala na makkayang gawin ni Tamara ang ganun. Wala sa pagkakakilala ko sa kanya.
***
Tumikhim si Jack at may inabot sa aking envelop, "Here are other proofs that John Louie Peralta and your wife met more than once."
I opened the envelop.
History of credit card transactions of Peralta for two hotel accommodations and restaurant receipts. Then some pictures of him and Tamara together in the said hotels and restaurants.
"And this flash drive contains CCTV footages of those hotels and restaurants where both of them checked in and ate. By the way, Rob, isa sa mga resto footages, Juno and her bestfriends were there. They witnessed one of the arguments of Peralta and Tamara. Juno didn't even suspect anything because she trusted that you're coming back to her, I guess."
Ang sarap suntukin sa mukha ni Jack sa mga sinasabi nya. Ang lakas mangonsensya!
Mabuti at tumayo na ito at lumabas ng opisina ko.
Naiwan ako sa malalim na pag-iisip. Then I called Ralph to see if he's available for an urgent consultation. He immediately cancelled his afternoon appointment for me. Perks for being a bestfriend.
"Of course, you can. Kahit wala pa yang mga ebidensya mong hawak.But those incriminating proof you have will definitely put Tamara's hands in chains. I was thinking of that, too, Rob. But I don't want the idea coming from me. Your case is way too personal and sensitive," sabi ni Ralph nung sabihin ko ang iniisip ko. "You think your family will approve? And if yes, how about Jun and Andie?"
"I'll talk to them."
"You will sweat blood, I guess," napapalatak pa ito.
That evening, I went to Antipolo. Reid went home early dahil tumawag na ako dito na dadating ako para kausapin si Andie.
Alam kong nakaramdam na si Andie na may problema. And that proved na kapatid ito ni Juno na malaki ang pagpapahalaga sa pamilya, lalo na sa mga bata. Hindi ito nagtatanong habang kumakain kami ng hapunan. Hinnitay niyang umakyat si Hope atdalhin nang mga yaya ang kambal sa itaas bag,
"Ano'ng problema nyo ni Juno, Rob?"
Muntik akong mapailing, kasi gaya ni Jun, walang ligoy itong magtanong. Kaso, nauna ang matinding kaba. My knees started to tremble because when I looked at Andie, it felt like I was also looking at Juno's eyes. They have the same brown eyes.
And so I told her. In the middle of it, I couldn't help my tears. Especially when I saw anger in her eyes. Though, compared to Juno, di hamak namas composed si Andie, pero ang epekto nilang magkapatid kapag galit, parang pareho lang. O baka, dahil guilty lang talaga ako.
"Hindi ko alam kung maawa ako sa iyo o magagalit, Rob. Alam kong may pagkukulang ang kapatid ko pero parang sobra-sobra naman yata ito. Pinaasa mo sya. Ngayon ko nararamdaman ang saloobin noon ni Juno nung panahong pinaasa ako dati si Aris," malamig nyang sabi sa kabila nang pagluha nya."And I don't even know what to think or feel about your plans. But it feels wrong somewhere."
Ni hindi ako makatingin kay Andie. Nakayuko lang ako.
"Half, I'm going to bed," bigla itong tumayoat nagpaalam sa asawa.
Halata sa tono ang matinding pagkadismaya.
"Andie," tawag ko dito. Napapiyok na ako sa pagpipigil nag iyak.
Saglit akong nilingon ni Andie. Nagkaroon ng lambot ang mata nito, pero
"Tumayo ka, Rob. Huwag kang lumuhod sa akin at humingi ng tawad. Una, hindi ako Diyos. Pangalawa, kay Juno ka may pagkakamali. Bumalik ka sa akin at humingi ng tawad kung napatawad ka na nang kapatid ko. Sa ngayon, wag mo syang lalapitan. Hindi ko hawak ang kalooban nya, pero natatakot ako sa maari nya maging desisyon. Tandaan mo na may asawa ka na. Bigyan mo nang kahihiyan ang kapatid ko."
Sunod kong narinig ang pagsara ng pinto sa office library ni Reid at naramdaman ang kamay ng kaibigan ko sa balikat ko.
Umalis ako sa villa na mabigat ang puso.
Katulad kagabi, gustuhin ko mang pumunta kay Jun, hindi ko ginawa. Naroon pa sa duplex ang best friends nito, according to Jack. I'm sure they already know what happened. Me going there is equivalent to trouble with her sentinels. Ayoko nang dagdagan ang stress ni Jun.Alam ko naman na aalagaan nila ang babae.
Pangatlong araw, si Jack na ang nagsabi na umalis ang mga kaibigan ni Juno pagkapanganghali, base sa lokasyon nang signal ng mga cellphones ng mga ito.
Kaya nagpa-order agad ako ng pagkain para sa kanya. Ayoko syang magpapagod pa para magluto. Bumagsak ang balikat ko nung malaman kong di nya yun tinanggap. Ni hindi nito sinagot ang tawag at text ko. She even blocked me but, of course, I have Jack to connect me back to her.
Hindi ako nakatiis, that night, I went to the duplex. I just stayed outside, looking up at her room. Sarado ang ilaw nya, pero ramdam ko ang bigat ng mata ni Juno. Alam kong naroon lang sya sa likod ng kurtina.
Hindi ako nagkamali dahil may miminsan akong narinig na mahinang hikbi. Parang piniga ang puso ko.
Gusto kong magpaumaga dun para may kasama sya kahit ditto lang ako sa labas, kaya lang ramdam ko na kung di ako aalis, hindi rin sya matutulog. Kailangan nyang magpahinga. Di ako sigurado kung magaling na talaga sya.
Natuwa ako kinabukasan na tinanggap nya na ang mga pina-deliver kong pagkain. Ayos lang na di sya nagre-reply sa mga text ko. Nagbabakasali lang naman ako. At kinagabihan, nagpunta na naman ako sa duplex, katulad kagabi.
Sa isip at puso ko, nakangiti ako kahit malungkot. Masayang malungkot. Kasi, heto kaming dalawa, ilang hakbang lang ang layo sa isa't-isa, nagtatanawan, sya sa dilim ng kuwarto nya ... ako dito sa madilim na kalye sa tapat ng duplex... pero hindi kami pupuwedeng lumapit sa isa't-isa.
The poetic phrase: Malapit nga pero malayo din.
FUCK!
Yet, kakayanin ko! Kahit gaano pa katagal na ganito kami ni Juno. Basta wag syang bibitaw.
Soon, I will talk to her. Sa pagkakataong ito, ako naman ang hihingi sa kanya nang panahon at malaking pang-unawa... para sa aming dalawa!
Wag lang muna ngayon. Sobrang stress na ito. Baka mabinat.
I watched over my Juno the following days. It brought happiness to me kahit papaano. I can't ask for more... as of this time.
Despite Tamara's ranting and nagging me on the phone to go home, I did not. Hindi ko na kasi ako nagpakita sa kanya mula nung magpunta si Juno sa bahay ng mga magulang ko.
I can't even stomach looking at her. It disgusts me to the core imagining things she has been having with Peralta, with my baby in her womb.
I'm still fighting with myself when to confront Tamara about what I found out. If I do it now, she may harm my child. But if I wait until she gives birth...
But God forbid!
Though Peralta is blackmailing her, couldn't she think first about the baby in her womb? What if that asshole has STD?
So, I made up my mind, kahit sinabi ko kina Dad na ayokong pumunta sa dinner nang mga pamilya namin, pumunta ako. My parents were glad I did, though inako na nila na sila ang magsasabi na ayokong magpakasal uli kay Tamara.
Of course, Tamara's family were aghast with my decline.
Umiyak si Tamara na akala mo ay aping-api.
"Hindi nyo makikita ang bata!" Banta ng daddy nya.
My parents' faces were stoic. They knew I have something up under my sleeves why I came.
"Go ahead. And see your daughter in jail," inilapag ko ang mga kopya nang mga binigay sa akin ni Jack.
Inisa-isa ko kung anu-ano ang mga iyon. I showed them the photos, receipts and even let them listen to the phone convo between Tamara and Peralta.
"Feel free to watch the CCTV footages," sabi ko."Then tell me why my intention is only to father my child."
"If Tamara does not take care of my baby, I will sue her for adultery and child endangerment. And for drugging me. Kaya kong kaladkarin ang kaibigan nyang si Anastasia sa Pilipinas para umamin sa totoo."
Nabaligtad ang sitwasyon.
"So," si Dad. "We won't be saying much as well. We will also think about bringing to the court the child's custody once your daughter gives birth."
Pahiyang-pahiya ang pamilya ni Tamara.Hindi na nila ipinilit ang gusto.
Mom, as she was, was furious. "Wala kayong karapatang mag-demand nang kahit ano! Rob was supposed to marry someone else but ... Por Dios por Santo! My son marrying your ... your daughter, is more than enough. She was even provided a big house and all. And that's only for my grandchild. My God! Ang apo ko!"
Nakahinga ako nang maluwag. At least my Mom has already acknowledged my child. She was still skeptical about the paternity of the child kanina bago kami pumunta dito.
I'll definitely give Jack a bonus eventhough he's been an ass about this matter!
As courtesy, I told Tamara na ihahatid ko na sya pauwi, pero hindi pumayag ang pamilya nito.
"She will stay with us," matalim ang tingin dito nang ina. "Just to make sure that she won't be seeing John again."
"I won't!" Mataas na boses sa sagot ni Tamara. "Everyone of you already knows now. He can't blackmail me anymore!"
"No! You stay here!" Galit na na sabi ng ama nito.
Wala itong nagawa ... nang gabing yun.
Dahil kinabukasan nang hapon, tumawag ito. Isang napakaikling tawag.
"Robbie, honey. If you think you've won, think again."
Ni hindi ako nakasagot dahil dial tone na ang kasunod.
May kakaibang takot akong naramdaman. Dahil kahit malambing ang pagkakasabi nun ni Tamara, naghatid yun sa akin ng kilabot.
I immediately called Jack to monitor on Juno.
"Nasa bahay lang. She only went out to go to church. Nagkulong na sya uli."
"Is there a way for you to know if—"
He cut me off, "She's doing the design for their shop. She's online accessing the internet, I guess, for guide or help."
Napabuga ako nang hangin, "Si Tamara?"
"Home, too. I mean, her parents' house. On social media. Chatting with people about pregnancy and all."
"Let me know if she leaves the house."
"Which 'she'?"
"Tamara."
That evening, I went to the duplex again. I stayed in front of it until one in the morning para matulog na rin si Juno. Nagbabantayan kasi kami.
Pero ang totoo, naroon lang ako sa malapit na kanto, yung tanaw ko pa rin ang gate nang duplex. Hindi ako mapakali sa sinabi ni Tamara.
Pumasok na si Juno kinabukasan. Si Augie ang ginamit nito at hindi ang kotse ni Reid. I think I know why.
Natulog pa ako sa condo bago pumasok sa agency after lunch.
Five minutes after six in the evening nung makatanggap ako ng text mula kay Juno.
Dinner tonight 7pm. House of Chefs Pasay. May reservation na.
Parang tumalon ang puso ko sa tuwa. Tapos, bigla akong napaisip.
Why so sudden?
And most importantly, Jun isn't a fan of fine dining restaurants.
Nagduda agad ako.
I tried to call Juno but it appears her phone is switched off. Damn!
But when I called Jack, "Tamara didn't leave the house based on her phone location."
"How about calls made today?"
"None."
"Find out who made the reservation for Jun at House of Chefs sa Pasay ngayong seven ng gabi. Make it quick. I'll call you back."
Pero di pa man ako tumatawag kay Jack, alam ko na agad kung sino.
Tumawag ako sa reception ng MonKho. Kinumpirma doon na may dumating na bisita si Juno. Pangalan ni Tamara ang sinabi. Pati ang deskripsyon.
Nagmamadali akong pumunta sa Pasay. Wala pa si Juno nung ikutin ko ang parking area sa paligid nang resto.
Saktong pabalik ako malapit sa outside dining tables, nung matanaw ko itong pumaparada. Kilalang-kilala ko ito kahit naka-helmet.
Well, aside from Augie na nag-i-stand out sa mga motr na kahilera nito. Mabilis ko syang hinablot at hinila sa isang tabi.
"Why did you come here, Jun?!" Di ko mapigilang magalit pero di ko alam kung kanino.
Nagulat na lang ako nung bigla myaa akong daluhungin.
Pero nalito ako sa sinisigaw ni Juno.
"Tamara, yuko! Yuko!"
Akala ko susugurin nya si Tamara dahil binaril kami.
Saka ko nakita ang isang lalaking naka-half-face helmet. May handgun itong hawak, sumunod kay Jun. Nakatutok direksyon nang dalawang babae.
Sino ito?!
Fuck! Juno is the first person to be hit because she already covered Tamara in her embrace.
What is she doing?!
Inangat ko ang baril patutok sa lalaki. I pulled the trigger first, but only for a split second. The hitman also fired his gun.
Hindi ko na nagawang makita ang pagbagsak nito nung tamaan ko sa leeg dahil ang mata ko, nanlalaking napatingin sa helmet na suot ni Juno.
May butas na yun sa bandang taas.
"JUNOOO!" sigaw ko.
Nagkaroon ako nang pag-asa dahil hindi naman natumba si Juno.
Parang sinisipat pa nga nito si Tamara na natulala.
Tumakbo ako sa direksyon nila.
"Tamara, magsalita ka! Saan may masakit sa iyo?" Tarantang tanong nya.
But my heart stopped.
Mula sa maliwanag na mga poste sa paligid, nakita ko ang pagkalat ng dugo sa batok at leeg ni Juno.
"Tamara, wake up! Ang baby mo! Saan ka tinamaan?!"
She wasn't aware she was hit. O hindi pa nagre-register sa utak nya sa bilis ng pangyayari.
"Jun... Jun..." Nanginginig ang boses ko papalapit sa kanila.
"H-hindi a-ako..." nanginig ang boses ni Tamara.
"Huh?!"
It was Tamara who reached for Jun's neck dahil hindi ito makapagsalita para sabihin.
Saka lang kinapa ni Juno ang sarili...and saw the blood.
Then she started shaking and her knees gave in. Ni hindi ko na sya nasalo.
"JUNOOOO!!!"
I knelt down to her as she fell into a quick seizure in my arms.
Lumabo agad ang tingin ko sa luha lalo na nung tumirik ang mata nya.
"Jun... love ... hang on ... please..." umiiyak kong sabi. "Don't sleep... please..."
Mabilis kong hinubad ang helmet nya. At halos panawan ako nang bait nung mas maraming dugo ang bumuhos sa kandungan ko.
Kinuha ko agad ang panyo ko sa bulsa para takpan ang tama nito sa kanang likd ng ulo.
I shivered upon feeling the hole in her head.
Alam kong may dugo na rin sa mukha ko kakapunas sa luha kong nakakahilam sa akin.
Hindi na gumagalaw si Juno. Kinapa ko ang pulso nya sa leeg. Meron pa.
MERON PA! OH MY GOD, PLEASE NOT HER! NOT MY JUNO, LORD!
"CALL A FUCKING AMBULANCE!"
Sigaw ko sa lahat nang nakiusyoso, kasama si Tamara na maputlang-maputla ang mukha at napaupo na rin isang dipa mula sa amin.
Paulit-ulit itong nagsasalita, "H-hindi a-ako... wala... wala pa a-akong g-ginagawa..."
No, mas matatagalan kung maghihintay kami nang ambulansya.
"I NEED A CAR! TAMARA, WHERE THE FUCK IS YOUR CAR?!"
==================
This chapter is also a preparation to a future story! :)
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro