69 Albums
I don't know what to feel first or choose to feel about our vacation in Palawan.
Reid had Juno use his penthouse suite sa Casa Alicia. Naturally, I stayed there, too. And she was allowed to use the BMW car that Reid uses when he's in Palawan. And her food is free sa resto ng hotel.
That goes the same kung pupunta si Jun sa Schulz Hotel and Resorts sa El Nido.
Reid and Andie are really spoiling this woman. That's beside from a handsome amount of money Reid deposited in Juno's account for her pocket money, when I checked Juno's account.
Bumabawi ang dalawa kay Juno sa panahong wala sila nung nasa krisis ito.
But it seems Jun is not really spending her money just for herself.
She went shopping again buying gifts on the day we arrived. Then we went to their former neighbor's house to visit. Binigyan nya ng regalo yung mag-ina na nakatira dun. Inabot nya rin ang regalong pinadala ni Andie.
"Boyfriend mo, Jun?" tanong nung Leleng nung ipakilala ako.
"I wish," ako ang pabirong sumagot.
We stayed there for about an hour as they chatted, then off we went to her previous works, sa McDonald's at sa Tommy's.
Again, she had gifts for her friends who still work there. Even the guards.
"Magkakilala kayo ni Boss Matt?" tanong sa akin ni Juno nung papauwi na kami sa Casa Alicia.
"Yeah. He's Reid's business partner. And by January, Tommy's will become our client, kasabay ng pag-e-expand nila," sabi ko.
"Gaya sa RC?"
Tumango ako. "Tinatapos lang ni Matt yung contract nya sa current security service provider nila. When Reid entered partnership with him about more than two years ago, Matt was already under a three-year contract with that security agency."
"Ah, I see."
Kinabukasan, inabot nya ang regalo ni Andie sa mga naging ka-close nito sa Casa Alicia. Partikular ring binigyan ng regalo ni Juno yung Vina at Myra.
"Uhm, Rob. May meet up kami nina Pat mamayang hapon."
Nasa resto kami nang Casa Alicia, eating lunch.
"May laban sila?"
"H-hindi. Ano, inuman, ganun. Uhm, kung pwede sana, ako na lang ang pupunta. Medyo awkward kasi."
It hurts, you know, but I understood. She made plans na hindi ako kasama. Di naman nya alam na bigla akong sasabit.
"Hatid na lang kita, then pick you up later."
"Bukas na ako makakabalik."
Napatingin ako dito.
"Overnight swimming kami sa Aborlan," sabi nya na umiwas ng tingin. "Susunduin nila ako dito mamaya."
"They are all guys, Jun."
"Pinatunayan na nila sa akin ilang beses na pwede silang pagkatiwalaan."
May isa pang bagay akong pinag-aalala. Kapag nalasing nang husto si Jun, sino ang magbibihis nito kapag nagsuka ito at ... napabuga ako ng hangin.
"Alright. Just keep your phone line open."
Simple kaming nagbatian ng mga kaibigan nya nung sunduin nila si Jun.
I followed them using a different car from the hotel service. Napakunot ang nook o nung makita kong nagpunta sila sa university kung saan nag-aral dati si Juno. Ang alam ko, dito pa rin nag-aaral sina Pat.
Papadilim na nung lumabas sila ng campus. Saka sila nagpunta sa Aborlan.
The resort's name they went to was familiar.
So, while watching them having fun in the beach, I researched. I found the answer in her second account's video file.Ang video na tinulungan nya si Troy nung makabanggaan nito ang grupo ni Danny. At kasama sa video na humarang si Caloy para hindi galawin ng babae si Danny. This was the same resort where drag racers from Manila were booked to stay during their event here summer of last year.
Bakit dito? Wala na bang ibang resort?
Nung madaling-araw, nakita kong halos buhatin na ni Pat si Jun, papasok sa malaking cottage na inupahan nila.
Halos manliit ang mata ko. Sinasabi ko na nga ba!
Sumunod ako sa kanila. Di ako papayag na sila ang mag-aasikaso kay Jun kapag...
"Tawag kayo nang babaeng staff nang resort para mapalitan ng damit si Jun," narinig kong sabi nang isa sa kaibigan nya mula sa loob ng cottage. "Nagsuka na naman eh."
Nagtago uli ako sa gilid kasi may lumabas sa pinto. Yung Larry yata sa pagkakaalala ko.
"Ako na maglilinis nung kalat nya," may nagsalita pa sa loob.
Bumalik nga yung Larry na may kasamang dalawang babaeng staff. Nung umalis ang babae pagkaraan ng ilang minuto, saka ako lumayo sa cottage.
Before lunch nila naihatid si Jun sa Casa Alicia. Nauna syang umakyat sa penthouse dahil hinintay ko syang makapasok sa lobby bago ako pumarada sa harap ng hotel at ibigay ang susi sa valet attendant.
"Kakarating mo lang?" Patay-malisya kong tanong nung datnan ko syang nakahiga sa kama.
"Oo," sagot nya na umiwas ng tingin. Tapos nahiga patalikod sa akin. "Idlip muna ako. Nag-early lunch na kami."
Alam ko naman yun. I also grabbed a light meal while they did since I'm expecting this.
"Alright. Idlip rin ako."
"Uhm... nag-lunch ka na ba?"
"Late breakfast," ang sabi ko na lang.
"Rob...?" tawag nya sa 'kin nung nakahiga na rin ako.
"Hmm?"
"'Punta 'ko mamya sa dati kong gym. Sama ka?"
"You're the reason I'm here. So, yes."
Nauna pa rin akong magising sa kanya. While waiting for her to wake up, I noticed that her eyes were a bit swollen.
Did she cry last night while drunk?
A familiar pain hit me.
We had light meal pagkagising nya bago kami nagpunta sa dati nyang gym.
Pinakilala ako ni Juno sa may-ari at ilang naroroon na kilala nya.
"Ah, ikaw yung nakikita ko sa FB page dati ni Bunso," ang sabi nung Bart. "You joining the session? I heard you're good with the art."
Nakangiti akong umiling, "Just came here to watch her."
She had a two-hour session there.
"May naiba o nadagdag sa galaw mo ah," puna nung tinawag nyang Kuya Lee na ka-spar nya ngayon.
"Kendo," nakangising sabi ni Jun.
"Ikaw talaga," tapos bigla nitong inatake si Juno, who was taken by surprise.
Napatayo ako nung bumalibag si Juno sa matting.
"Si Kuya Lee!" reklamo nito habang bumabangon sapo ang nasaktang hita at pang-upo.
"I thought we taught you well, Bunso. Never lose your focus on a fight," tatawa-tawang sabi nung Lee, pati yung ibang nanonood. "Di ba ikaw ang nag-request noon na laging full contact spar, basta wag lang sa mukha?"
Then I saw the glint in her eyes hearing that, like the excitement I saw when we had our Kendo spar. She really became serious with the spar. It was a good match, after all.
Napapailing na lang ako. So, ganito pala nila i-train si Juno noon. Her training here is for the real thing. Kahit pa pare-pareho silang black belt, she's still a woman, yet they do not give a damn. Kaya siguro na-bore ang babae sa unang kendo lesson nya na pangkompetisyon.
After the session, Bart handed her a capsule and a bottle of water. I found out, it was pain killer.
Yeah, I guess, she needed that. Alam kong masakit kay Jun kahit ang pagsangga sa mga atake sa kanya. At sa mismong mga tama nya sa ka-spar nya. And as much as I wanted to punch that guy Lee on the face for hitting Jun many times without reservation, I just can't.
Sa nakikita ko, ganun sila dito. And Jun enjoyed the session.
And the guys from the gym insisted to treat us for dinner. Bago mag-uwian, she handed them her Christmas gifts.
"Ayan! Kapalit ng panggugulpi nyo sa akin ngayong gabi," pabirong sabi ni Jun.
"Wag ka na. Dami mo ngang nakain. Daig mo pa kaming mga lalaki," tukso nung isa doon.
"Wala namang bago dun," salo pa nung isa at pati ako natawa.
Pagdating sa hotel, I prepared the tub with warm water para makapagbabad sya. Pakatapos nun, tila tamad na tamad itong magbihis ng paborito nyang pantulog na malaking tshirt.
"Don't wear it yet. I'll give you a massage," sabi ko
Saglit syang napatingin sa akin, tapos, "Wag mo 'ko momolestyahin."
Natawa ako, "You have oil or lotion?"
She just pointed at her travelling bag tapos dumapa na sa kama.
"Rob..." she called me as I was in the middle of massaging her back.
"Hhmmm..."
"Thank you."
"You're welcome."
Doon na ito tuluyang nakatulog.
Kinabukasan, naghanda agad kami paalis after breakfast. Nakita kong bitbit nya yung DSLR na regalo ko sa kanya nung birthday nya.
"Where to today?" I asked as we drove away from the hotel lobby.
"Road trip. Ituturo ko kung saan," ang sagot nya.
We went to random places. She'd ask me stop for a while and she'd just take pictures without getting off the car. Kadalasan mga kalye or roadside ang kinukuhanan nya ng pictures. That was until the last day of the year.
"Where do you want to go later para salubungin ang Bagong Taon?" Tanong ko sa kanya.
That was about seven in the evening. Kagagaling lang naming manood ng sunset sa isang public park along the seaside.
Huminga sya ng malalim. Nakita ko uli ang lungkot sa mata nya na nakita ko kanina habang pinapanood ang paglubog ng araw.
"Sa outskirt ng city proper. Nood tayo ng fireworks sa isang overlooking," sabi nya.
"Like on a picnic?" tanong ko dahil nakita kong may hinahanda syang isang makapal at isang manipis na kumot.
Ngumiti sya nang matipid, "Oo. Tumawag na 'ko sa resto kanina para sa babaunin nating pagkain."
That got me excited . But it began to fall apart as we reached the overlooking she said. That was about past ten in the evening.
It was almost a replica of the cliff where she and Caloy fell which ended his life. There are only two differences. May malaki at mahabang open area bago dumating sa overlooking. Pangalawa, nasa Batangas yun, at nasa Palawan kami ngayon.
Questions were flooding my mind.
Anu-ano nga ba ang mga ginawa nya mula ng dumating kami? Sinu-sino ang mga pinuntahan nya? Saan-saan sya nagpunta? At ang pinakamabigat na tanong, bakit sya nagpunta sa Palawan?
But I kept everything in. We unloaded our stuff from the car. I watched her spread the blanket on the thin layer of grass.
We only have the stars, moon, and a far off lamp posts to light us. Yet, I see sadness on her face kahit hindi ganun kaliwanag.
"Rob...? Pakidala nung food dito," tawag nya.
"I have fireworks in the trunk," sabi ko sa kanya pagkalapag ko nung pinaglalagyang plastic box ng mga pagkain namin at mallit na Coleman na puno ng yelo, canned juice at beer.
Tapos nilabas nya uli yung DSLR. She started taking pics of the area, and the beautiful scenery of the night overlooking the sea and nearby islands. Hinayaan ko lang sya hanggang maupo uli sya sa tabi ko.
Then, we ate in silence until she spoke.
"Rob...?"
"Hhmm...?
Magkalikuran kami nun, nakasandal sa isa't-isa.
"Hindi ka ba nahihirapan?"
"Saan?"
"Sa ginagawa mo?"
"Alin? Trabaho?"
"Hindi. Sa paghihintay. Sa pagsama sa akin ngayon."
Natahimik ako sandali. So, I think this is the time to ask. She's trying to open up.
"Mahirap. Most of the times, it hurts, Jun."
Huminto ako magsalita. Nag-init kasi ang mata ko.
Tangna! I felt like a gay!
"...But, it's worth it, Jun. Ikaw ang magiging kapalit nang lahat."
Then I felt her body shake. Humarap ako at niyakap sya mula sa likod habang naka-Indian sit sya sa picnic cloth, enclosing her between my legs.
"Why are you crying?"
"Ikaw kasi," sabi nya sa pagita nang pag-iyak. "Di ko alam kung anong gagawin ko sa iyo. Kung saan kita ilalagay."
Sa puso mo. Yung ang gawin mo. Ilagay mo 'ko sa puso mo.
Gusto ko sanang sabihin. Kaya lang, ayoko syang lalong ma-pressure. Ang mapilitan.
"Hayaan mo lang ako, Jun. Masaya naman ako sa ginagawa ko eh."
"Sabi mo, nahihirapan ka.. tsaka nasasaktan kita."
"Ganun talaga. Nagmamahal eh. Ikaw rin naman di ba? Kaya ka narito sa Palawan."
"Rob..." lalo syang umiyak. "A-alam mo?"
"Kanina lang naging malinaw sa akin. Pagdating natin dito."
Tapos sinabi ko sa kanya lahat ng obserbasyon ko mula nung dumating kami sa Palawan. And I asked her the questions in my mind earlier.
Hindi sya agad nagkomento. Nagbukas sya ng isang beer in can. Mabilis nyang tinungga. Nasa panglimang lata na sya nung,
"Tama ka. Nagpunta ako dito para balikan lahat. Reminiscing, ganun. Dito nagsimula lahat. Nagpunta kami nina Pat sa campus kung saan ako nag-aral dati. Dun kami nagkakilala. Nakarating na si Caloy sa McDo at gym. Sa Tommy's... wala na si Caloy sa Palawan pero dinadalaw ako ng mga Kulugo dun, kasi nagkaayos na kami nina Pat. Yung roadtrip natin, mga lugar yun kung saan kami lumaban na dalawa. Yung ... yung resort kung saan kami huling nag-usap ... at nag-away bago sya bumalik sa Maynila. At yung pinanggalingan nating public park kanina, dun ang tambayan ko nung umalis sya nanga Palawan... dun ko iniyak ang sama nang loob ko sa kanya at sakit nadulot nang una nyang pag-alis," kalmado nyang sinasabi yun pero tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha nya, habang yakap na rin ang tuhod nya.
And I couldn't help tearing up, too. But I made sure she doesn't hear or see it. Nakatalikod naman sya.
"Nung...nung gabing yun na hindi na sya gumagalaw sa ilalim ng tubig, alam ko namang in denial lang ako. Hindi ko matanggap. Nag-sink in lang talaga lahat nung nakaburol na sya, pero di ko pa rin matanggap, Rob. Ang tagal kong kinimkim yung nararamdaman ko sa kanya. Tapos, wala pa yatang sampun minuto..." di na nya napiglan ang paghikbi.
"... Tapos, galit na galit ako na hindi ko sya magawang mailigtas, lalo nung makita ko si Danny. Sya talaga ang pinagbibintangan ko. Lahat, bitbit ko sa puso ko. Denial, galit, depresyon, guilt, ang mga bangungot. Hanggang kinausap ako nang mga miyembro ng basketball team at cheering squad. Tama lahat nang sinabi nila. Pero, parang... parang nakakakonsensya. Hindi ko magawan bumitaw agad."
"Kaya lang...si Ate Andie. Sya nagpamulat sa akin na hindi maling malungkot at umiyak. Ang mali, alagaan ko ang ganung pakiramdam, lalo ang patagalin. Naisip ko rin, ano kaya ang nararamdaman ni Caloy ngayon kung nakikita nya ako? Naalala ko ang mga sinabi nya sa akin bago kami mahulog sa bangin. Ayaw nya akong masasaktan. Pero, parang ako na rin an nananakit sa sarili ko ngayon. Hindi naman nya gustong iwan ako."
Ipinatong ko ang baba ko sa balikat ni Juno. Hinayaan ko syang magsalita. Kailangan nya ito. At kailangan ko ring marinig.
"Kaya...kaya, niligpit ko na yung jacket,baseball cap at cologne nya na katabi ko lagi sa pagtulog. Medyo nahirapan akong makatulog, kaya lang ganun talaga un. Parang yung training ko lang dati. Sa unang, mahirap. Masakit sa katawan. Hanggang nakasanayan ko na. Kaya naisip ko, paunti-unti lang. One step at a time. Gaya sa KM, grabeng sakit ng katawan ang inabot ko, pero nakuhak oan blackbelt ko. Kaya alam ko, makukuha ko rin ang blackbelt ko sa sitwasyong ito. Yung maka-move on totally."
Napangiti ako. "So, sa tantya mo, ano'ng belt ka na ba ngayon?"
"Green?"
"Bakit green?"
"Tapos na ako sa denial and anger stages. Pinangako ko sa sarili ko, hindi ko na bitbitin sa Bagong Taon ang depresyon ko. Kaya nga andito ako ngayon sa Palawan, para alalahanin lahat. Para maramdaman lahat. Para mamayang pagputukan na, tapos na rin ako sa stage na yun. Blue belt na 'ko mamaya."
Pareho kaming natawa ng mahina.
"Bukas, malamang nasisimulan ko nang tanggapin totally... and start letting go. Ang dalawang pinakamahirap na parte. Ang bumitaw ng totohanan. Hindi kasi ako makakausad nang maayos kung may mga mabibgat akong bagahe na dala-dala. Yun ngayon ang kinakatakutan ko. Kaya ko bang bumitaw sa lahat nung alaala? May nabasa ako sa internet na article. How to unlove a person. Ang kaso walang applicable sa akin. Sa amin. Tungkol kasi yun sa paglimot sa jowang nangaliwa or something. Madali lang yun. Hindi naman ... hndi naman nagnaliwa si Caloy," naiyak sya uli. Iyak na naging hagulgol.
"Iniwan nya ako sa oras kung kalian nagkaaminan na kami ng totoong nararamdaman naming sa isa't-isa. Kung kailan tinanggap ko na sya... kung kalian binigay ko na sa kanya yung tiwala na matagal nya nang inaasam mula sa akin."
Hindi ko alam na pandalas na rin pala ang pagtulo ng luha ko habang nakikinig sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang masakit. Ang marinig ang mga sinasabi nya na mas mahal nya si Sorriente kesa sa akin... o yung marinig syang nasasaktan.
Unti-unti nang nasasagot ang tanong ko dati sa sarili ko nung nasa ospital si Reid at kritikal. Yung ipangako ni Andie kay Aris na pakakasalan ito basta magbigay ito ng dugo sa kaibigan ko.
Ganun magmahal si Andie... at ganito si Juno. Ganito nga ba?
On the brighter side, I'm still happy and honored. Sinasabi nya ito lahat sa akin.
Pasimple akong nagpahid ng luha.
"Rob..."
"Hhmm..."
"B-baka... baka matagalan ako. Paano ka?"
"Don't mind me, Jun. Just focus on what you want and need to do."
Yung nakayakap nyang kamay sa tuhod nya, ipinatong nya sa kamay kong nakayakap naman sa binti nya. Tapos sumandal na sya sa dibdib ko.
It felt good. She's getting some strength from me.
"Jun...?"
"Oh?"
"Ano'ng... ano'ng meron sa lugar 'to?"
Huminga sya ng malalim, "Palagi kami dito. Gabi-gabi kapag walang laban. Practice area namin ni Caloy ang lugar na ito. Dito nya rin ako tinuruang magmaneho. Dyan sa malaking open area sa likod natin. Tapos, dito kami tatambay kapag magpapahinga kami o kaya bago umuwi," tapos tumikhim sya. "Dito nya rin ako pinuwersa noon. Sa loob ng kotse nya, dahil... dahil nakipaghalikan ako kay July... sa 'yo sa club strip. Hindi nya lang tinuloy."
"I see," mahina kong sabi.
I realized, sagrado sa kanilang dalawa ang lugar na ito. KAya siguro nakahanap si Sorriente nang halos kamukhang lugas sa Batangas at doon ito tumatambay.
Nagsimula na ang putukan.
"Ten minutes na lang," sabi ko. "I'll get our fireworks in the trunk."
"Rob," pigil nya nung patayo ako. "Salamat sa pakikinig....kahit... kahit..."
I kissed her on the forehead, "No, Jun. Thank you... for trusting me your thoughts and feelings."
As I get the fireworks, I saw her stood up near the cliff. The took pictures again. Pati yung fireworks na kita mula sa malayo.
I let her be. This is what she wanted to do. I will help her plans to materialize. Not just for me, but primarily because she needs to stop hurting.
Because the more pain I feel when I see her aching.
True to her words, her aura was a bit lighter when the clock hits twelve. The New Year.
We had fun lighting up the fireworks together. She even took pics ... of me... of us.
We stayed a bit longer. She made sure we finish the food we brought, including the beer.
Ang takaw talaga!
Maybe because of the beer, emotional and psychological stress, nakaidlip na ito pabalik sa Casa Alicia.
Antok na antok nga pag-akyat namin. Ibinilin ko na lang sa valet attendant na isoli sa resto kitchen ang laman ng trunk ng kotse.
Magtatanghali na kami nagising. Mabilis kaming naghanda at kumain ng lunch sa resto. Bago mag-alas tres ng hapon, nasa airport na kami, heading to Samar.
Naroon ang Ninong Art nila. Matapos daw kasi itong maospital bago ang kasal nina Andie at Reid, umuwi na ito ng probinsya para dun na tumira sa isa pang kapatid. Kailangan daw nito ng preskong hangin at kapaligiran.
"Nobya mo si Juno?" ang tanong nung matanda matapos akong ipakilala.
Ngumuso si Jun. "Si Ninong talaga!"
"Aba eh, hindi ka sasamahan ng isang lalaki at magbibitbit ng mga pasalubong mo sa akin nag ganun-ganon lang. At ang layo ng Samar sa Maynila. Ako pa bang paglalakuan nyong dalawa sa tanda ko ito."
Napakamot na lang ako sa batok. Hindi ba ito tatay ni Juno? Like her, he's really straightforward, too.
"Pasensya na kako kay Andromeda. Hindi na ako nakapunta sa kasal nya at nasa ospital pa ako," sabi nung matanda.
Naghahapunana kami nun.
"Alam naman po ni Ate. Hindi na lang nakapunta kasi nya sinorpresa namin. Tsaka nagtagal sila sa honeymoon nila."
Doon kami natulog. At kaunti na lang na magmaktol ako dahil sa kuwarto natulog si Jun tapos ako sa sala.
Mahigpit ang Ninog Art nila. Gaya ng sabi dati ni Reid. Haha!
Pagkaagahan, kinabukasan, nagpaalam na kaming aalis.
"Kailan ba ang balik nyo sa Maynila?" Tanong nung kapatid nung Ninong Art.
"Bukas pa po ng hapon. Mamasyal lang kam isa mga tourist spots dito," sagot ni Jun.
"Aba'y magandang mapuntahan nyo yung dagat sa Sila. Malabnaw na pula ang buhangin dun."
Namutla at natigilan si Jun.
"Ahm, sa susunod na lang po siguro," salo ko. "May listahan na kasi kami nang pupuntahan."
Napatingin sa akin si Juno. Alam naming pareho na wala kaming listahan o kung anupaman na pupuntahan.
Buong araw hanggang kinabukasan kaming nag-roadtrip ni Juno gamit ang car rental na kinuha namin. Palitan kami sa pagda-drive at paggamit ng DSLR habang namamasyal. We also enjoyed eating the local delicacies of the province. And we stayed for a night at a lodge na gawa sa bahay-kubo.
That holiday trip was like a roller coaster ride of emotions. Yet in the end, I see a silver lining in the horizon.
Dahil sa unang gabi pagbalik sa Maynila, nakita ko ang mga posts ni Juno sa magkapareho nyang FB accounts. There were two albums.
The first one was in Palawan.
She put the title Palawan : Where it all started.
I felt a pang of pain as I look at the title of the album. Lalo na yung mga pictures. She's really good with the camera. But what made the album special was it was well compiled with captions. Ang istorya nila ni Sorriente sa Palawan, sa ganoong paraan nya ikinuwento. Andun din ang pictures nila nina Pat.
May picture din doon ng kamay nya na suot ang singsing ni Sorriente with caption :
At least we get to be together even for the shortest span of time. Still wearing your ring, Kulugo. Kahit ito na lang ang tumagal nang kaunti sa daliri ko.
But the album description made my heart hum in good beat. She put :
A tribute to a wonderful person. My number one and only driver. A vacation intended for reminiscing. A step towards letting go and moving on... leaving heartaches and sadness as the year ends.
Ang daming likes, magagandang reaction at comments nang album na yun. She even got some encouraging words.
The second album was titled: Dyosa at ang Halimaw : New Year visit to Ninong Art in Samar.
Our vacation. She put captions on every picture, too. Yet she made sure that the captions are just really friendly or makulit. Hindi mahahalata sa album na nagdadaan sya sa matinding sakit nang loob ngayon.
Like the first one, it got a lot of likes and all... in addition sa mga biro at panunukso.
At kumalat agad ang mga albums na yun sa fan page na gawa para sa kanya.
Ganun din ang mga comments and reactions.
But she never said a word to reply. She just wants to be heard and understood.
She's been doing her best to keep on the path of her goal.
I wide smile broke in my lips after looking at her posts.
Kakauwi ko lang sa condo ko nun dahil ako na mismo ang nagsabi kay Juno nas uuwi ako so she could take a rest seeing my face from that almost two weeks vacation with me.
"Buti alam mo!" birong pagsusungit nito.
Before I got in my car, she hugged me tight and said, "Salamat nang marami, Rob!"
And she sobbed again.
Muntik akong hindi makaalis.
Kahit pagod sa byahe, magaan ang pakiramdam ko natulog.
Why?
Because despite the sadness in Juno's eyes, there's a spark of her old aura back. And I trust her will power. Tulad nang sabi nya, kailangan nya lang nang oras.
With that, I minimized the time I spend monitoring her moves. I stopped following her around, and my agent, who I assigned to her, kapag tied up ako sa agency.
From school, training, social media activities, phone usage... even the secret visit when she's asleep.
I know she still visits Sorriente's grave, from everday, it became thrice a week. And recently, it went down to twice a week. Maybe because she has a lot of things to do at school since she's graduating. But still, not bad at all.
Pinabayaan ko na rin na sumama sya kapag may laro ang sentinels nya o kaya sina Kevin, para sumoporta. She isn't racing anyway. Isa pa, bantay sarado nya ng mga kaibigan nya. Na minsan, pati sa akin, binabakuran si Juno.
Mga assholes din si Paul at Troy!
Kailangan ko ring ipahinga ang utak at emosyon ko. Sabi nga ni Ralph at Reid,
"You're over stressing yourself, Rob. Take a break, too. Let her be. She's working on making herself better," si Ralph.
"Trust Juno. She's a dela Cruz. She can do it," si Reid.
Na-relax din ako kahit papaano. I just made sure to check on her social media accounts without hacking.
Binibisita ko na lang ang wall nya to get news. And of course, I contact her thru calls or messaging. I know, her socialization skills were improving. Or let's say, yung sinabi ni Reid na dating Juno noong buhay pa ang mga magulang nito, bumabalik na. Nadagdagan ang mga kaibigan nya sa FB second account nya. And she added Lia, Katya and Pete in her original account. I remember those people during the final match sa basketball invitational.
Kaya lang, di na talaga nawala ang attitude nyang may kasungitan at mahilig mambara.
Talagang motto na nya yung 'Stupid questions get sarcastic answers'.
I visit her at the duplex at least thrice a week. Minsan, nakakahirit akong makitulog na magkatabi kami.
And no. No intimacy. Not even kissing on the lips. I won't, hanggang suot nya ang singsing ni Sorriente.
But once she takes it off, I will make sure to replace it with mine.
Kahit bilhin ko lahat ng singsing sa buong mundo para walang ibang makakapagbigay sa kanya.
Came Andie's birthday in February, umalis uli ang mag-asawa for another round of honeymoon. Hindi nga kasi nila na-enjoy yung una dahil sa aksidenteng inabot nila.
They returned mid of April, with the good news that Andie is pregnant.
"Ay dapat nang asahan yan. Pinondohan ba naman ng husto. Dalawang buwan!" si Sarah.
Nagtawanan kaming naroroong naghahapunan sa villa.
Yun rin ang unang beses na nagpakita uli si Aris Kho mula nang ikasal sina Andie at Reid.
The way he looks at Andie, I know he still loves her. But he has already accepted the fact that it wasn't him. Not sure if he has completely moved on.
Though it was pretty evident that his goal now is to piss off Reid big time.
Yeah, they have an unspoken best frenemy connection now. I was even surprised that Reid just gave Monkho two big projects.
Pero, naroon pa rin ang pag-iinisan nila sa isa't-isa.
"Aristotle, tigilan mo ngang pang-aasar ke Half," nasisimulang mairita nung buntis, tapos bumaling sa asawa, "At ikaw naaso ka, patul ka naman nang patol!"
Tatahimik na yung dalawa pero mahuhuli naming nagdi-dirty finger sa isa't-isa kapag di nakatingin ang babae.
Parang mga gago lang! Haha!
"Bunso," baling nito kay Juno na kain lang nang kain. "Malapit na graduation mo. Two weeks na lang. Ano'ng plano mo?"
Ngumuso muna ito, "Bakasyon muna ako nang isa o dalawang buwan. Tapos start na 'ko sa two years training ko para sa licensure exam."
"Saan mo balak mag-training?" si Aris.
"Sa kumpanya nyo. Di ba dun ka na rin nag-o-office, Kuya Jeff? Ikaw magte-train sa akin."
"Consultant lang ako dun," si Jeff.
"Kahit na. Considered Architect's office pa rin dahil may mga tao ka. Bakit ayaw nyo 'ko tanggapin? Ikaw, Kuya Mike?"
Napangiwi ang tatlong lalaki.
"Ate Andie, oh!"
Akala ko nagsusumbong, yun pala, "Balaan mo mga kaibigan mo, gugulpihin ko mga yan!"
Natawa kami.
"Agoncillo, natatagalan mo ito?" sabi ni Aris na nakaturo kay Jun.
Napakamot ako sa batok. Umirap lang si Juno.
"Tsaka maayos akong magtrabaho kaya dapat mabait kayong mga boss. Kundi susunugin ko'ng building nyo!"
"Jun!" Saway ni Andie. "Andito si Hope!"
"Ay, sorry!" Napatakip ito sa bibig.
Napatingin si Aris sa kamay nya, "Oy, Jun! Kelan ka pa nahilig sa singsing. Vintage style pa!"
Halatang natigilan si Juno. Tapos nag-iba ang timpla nang mukha nito. Nanahimik.
Lahat kami, napamulagat kay Aris.
"What?" takang tanong nya.
Tumayo si Jun, "S-sige, tapos na akong kumain."
Ang sarap sapakin sa mukha ng ex ni Andromeda!
"Excuse me," tumayo na rin ako para sundan si Juno. Palabas na ako sa dining nung marinig kong magsalita si Reid.
"Douche, we need to talk to you about something after dinner."
"Daddy, why call Tito Aris douche? What's douche?"
"Freidrich!" asik ni Andie.
Sa malaking veranda nang second floor ko nakita si Juno. Nakaupo sa malapd na railing doon. May hawak na bottled juice.
It has been weeks... I think months since I last saw her like this. Fending off that pained feeling. She has been doing good, so far. Until tonight.
Damn Aris Kho!
"Hey..." bati ko tapos naupo sa tabi nya.
Saglit nya lang akong tiningnan, "Sorry... nabigla ako,"sabi nya agad.
"I want to punch his face."
"Tange," tumawa sya nang bahaw. "Di naman nya alam. Ngayon lang biglang nagparamdam si Kuya Aris."
Tumikhim ako, "Jun, remember what I told you before?"
"Alin dun? Marami ka nang sinabi sa akin?"
Napangiti ako. Bumalik na talaga pagiging pilosopo nito.
"My grad gift for you. Vacation in Australia."
Bahagyang napabuka ang bibig nyang napatingin sa akin, "Ang tagal na nun ah? Seryoso ka pala talaga nun?"
"Seryoso naman talaga ako sa 'yo. Ikaw langa ng hindi sa akin," pabiro kong sabi.
I caught her rolling her eyes.
Yup, nakakabanat na uli ako nang mga paramdam sa kanya. Pabiro o medyo pabiro nga lang. And her usual reaction is roll her eyes plus,
"Tado!"
Natawa ako nang walang tunog.
"So, ano? You told Andie you want to go on vacation."
"Libre mo 'ko?"
"Hindi. Ikaw manlilibre!" Pang-aasar ko. Nakatikim ako ng hampas sa balikat. "Of course, my treat! You little twerp!"
"Talaga?!" Excited nyang pangungumpirma.
It was nice to see na madali na syang nakakabawi sa ganitong sitwasyon.
"Oo nga. We can stay there for a week or two. Kung walang problema sa agency, maybe more."
"Ay sige. Bet ko yan!"
And starting that night, I looked forward to that another vacation with her.
I made sure to finish what has to be done at the agency, and cleared my calendar after her graduation date for three weeks.
She was very excited, too. Kaming dalawa ang nagplano na three days after nang graduation day nya kami aalis. Kasi makiki-party pa ito sa mga kaibigan to celebrate. Dalawa kaming nagplano nang mga pupuntahan namin sa Australia. Pati kung saan kami mag-i-stay.
On her graduation day, kahit hirap sa paglilihi, kasama si Andie na umakyat sa stage para isabit ang medalya ni Juno na nagkamit nang magna cum laude Latin award.
Hindi ko inaasahan na mahahabol nya ang grade na kailangan sa kabila nang pinagdadaanan nya.
Maybe because she was also given all the time and resources, unlike before.
I saw how the dela Cruz sisters teared up lalo na nung isabit ni Jun ang medalya nya sa Ate nya.
Andie radiates pride for Juno.
At wala man kaming relasyon, I was really proud of her.
At kahit hapon na, walang nakaawat kay Juno na mag-drive suot po rin ang toga nya, papunta sa puntod ng mga magulang.
I followed her and watched her from a distance. I saw her cried as she puts her diploma on top of her parents' tombstone . Para nga itong baliw na nahiga sa damuhan at nag-selfie kasama ang puntod ng mga magulang nang nakatoga pa rin.
The sweet and loving sister and daughter that Juno rarely shows to anyone.
Kahit inaasahan ko na ang susunod nyang pupuntahan, my heart still crumpled when she drove to Sorriente's grave and had selfie with 'him'.
She included that pic in her graduation album in FB. Ang she captioned important photos.
The one with Sorriente was : Grad pic with my driver. Kulugo, graduate na ako. Magna cum laude. Sayang, di mo nakita. Ako kaya kelan ga-graduate sa iyo? Paunti-unti... aakyat rin ako sa entablado para kunin ang diploma ko sa 'yo.
That gave me a reason to breathe out a good sigh.
She's working on it ... and very hopeful to be successful, sooner or later.
I hope... sooner.
Reid had a party for her at his hotel ballroom in Makati evening of the following day.
Marami rin ang dumating na inimbita niJun. Mostly, from the drag racing scene.
It was a concert party with live band.
Andie and her bandmates did a surprise performance for Juno.
Ang daming nagtitiliang mga bisita ni Juno, lalo na yung mga babae.
"Grabe, Jun. Ang ganda ng boses ng Ate mo!"
"Ganun talaga pag lahi ng mga Dyosa!"
Nagtawanan sila.
"Pakilala mo naman kami dun sa bokalista, Dyosa," sabi nung isa.
"Nakow! Matulis yan si Kuya Mike. Goodluck kayo dyan. Wag din yung lead guitarist."
"Yung singkit? Bakit?"
"Uhm ... baka di pa yan ready."
"Ha?"
"Katatapos lang nyan sa matinding heart break."
"Paano mo nalaman?"
"Nagpakasal ang Ate ko sa bayaw ko last September lang."
"Aw!"
"E yung drummer?"
"Mabait lang nang konte yan, pero isa pa yan. Wag na wag yung isang gitarista. May asawa na yun. Kapatid nang may-ari nitong hotel."
"Ano ba yan!" Reklamo nung mga babae.
Tatlong kanta lang naman ang ginawa nina Andie. Tapos ibang banda na ang naroroon.
Puro sayawan at inuman ang nangyari.
Nauna nang umuwi sina Reid at Andie dahil ayaw nung buntis ang amoy nang alak.
May sarili kaming table nina Ralph at mga kaibigan ni Andie. Pero si Jun, mas madalas sa mga kaibigan nya naglalagi o kaya sa dance floor.
"Hyper na hyper si Bunso ah!" si Aris.
"Mabuti nga yun. You haven't seen her after Caloy Sorriente died," sabi ko.
Natahimik si Aris. Alam nya ang pakiramdam. Sa magkaibang sitwasyon nga lang.
"Yeah, Andz and Schulz told me," ang sabi nya, napapailing pa. "Tsk!"
"So, how about you?" bigla nyang tanong.
Nagkibit ako ng balikat. "Getting there. Sabi nya nga, one step at a time. She's doing a great progress, though."
"Who are those guys she's getting clingy with, then?" nguso nito.
Napasimangot ako nung makita kong nakasabit ang kabilang ang kamay ni Juno sa bewang nang mga ito.
"Her bestfriends," it was almost a grumble.
"Oh, Paul and Troy, right?"
Tumango na lang ako ng tipid. Naasar na naman kasi ako sa nakikita ko. Hanggang ngayon, di pa rin mawala sa akin ang pakiramdam na yun kapag ang dalawang ito ang nakadikit kay Jun.
Then, Mike and the other guys filled in Aris Kho about Juno's sentinels. And her involvement in drag racing.
"Baliw talaga!" Nasabi na lang na natatawa. "But if she's that popular in their group, then, she must be really good. And that Caloy guy, I guess."
Sapakin ko na talaga kaya ito sa mukha?
Halos alas-kuwatro na nang madaling-araw natapos ang party. Nakauwi na sina Mike that time.
I was the one who drove Juno back to the duplex and slept there, too.
Kinabukasan, we both stayed home resting and preparing for our flight the next morning to Australia.
==============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro