Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

67 Sisterly Talk


Si Paul at si Tita Pam ang nag-offer ng maiiyakang dibdib sa akin habang ibinababa ang kabaong ni Caloy sa lupa.

Nakahiyaan kong kumapit kay Troy dahil nariyan si Nancy.

At lalong nahiya akong lumapit kay Rob... kahit alam kong sa kanya ako mas makakaramdam ng kapanatagan ng loob kapag si Caloy ang nagpapagulo sa pakiramdam ko.

Isa pa, ayokong umasa sya sa ngayon.

Lugmok na lugmok ako. Baka mahila ko sya sa paglubog ko sa estado ng emosyon ko. Tama na muna yung sakit na dinulot ko sa kanya nung piliin ko si Caloy.

Kasama ang pamilya Sorriente, kami ng mga kaibigan ko ang mga huling umalis sa sementeryo.

Nagpaunlak kami sa imbitasyon ng mga ito na magtanghalian sa bahay nila. Ngayon pa lang ako nakarating dito. Ganun din daw sina Pat. Sina Kevin pa lang ang nakapunta dito.

Pagkatapos kumain, nagkwentuhan pa kami sa lanai habang nagkakape. Pasimple akong hinatak ni Claire at niyaya paakyat sa second floor ng bahay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Ngumiti sya, "Sa kuwarto ni Kuya Caloy."

Magkahalong lungkot at excitement ang naramdaman ko.

Pagbukas pa lang ng pinto, halata ko na'ng kuwarto nya yun. Mahilig sa dark green at dark blue si Kulugo. At maraming poster ng sasakyan sa dingding.

Himala, walang poster ng mga babaeng naka-bikini!

"Dati may mga posters si Kuya ng mga naka-bikini o kaya naka-topless na chicks dito," si Claire. "Inalis nya nung liligawan ka na nya. Nakakahiya raw na makita mo kapag dinala ka nya dito."

Lokong yun! Siguradung-sigurado na madadala nya ako dito.

Napangiti ako ng malungkot.

E hindi nga ba, Juno? Kung buhay ngayon si Caloy, malamang sya ang nagpapakita sa iyo ng kuwarto nya, hindi ang kapatid nya.

Nagsimulang lumabo ang mata ko kaya ilang beses akong huminga ng malalim.

Hinayaan nya akong magtititingin sa loob ng kuwarto ni Caloy.

"Ok lang?" turo ko sa damitan ni Caloy.

"Sige lang," sagot nya na nakaupo lang sa kama ng kapatid.

Pagbukas ko sa cabinet nya, nangilid agad ang luha ko, dahil sumalubong agad sa akin ang pamilyar na pabango nya.

May stock g paborito nyang cologne sa cabinet.

Pinaraan ko ang kamay ko sa mga damit nyang nakatupi at naka-hanger. Hanggang huminto ang kamay ko sa isang naka-hanger na hoodie jacket nyang pula.



"Mukha tayong sasayaw nito ah!" sabi ni Caloy.

"Gaya-gaya ka kasi," pagsusungit ko.

"Happy dance pagkatapos nating manalo mamaya," mayabang na sabi.

"Conceited ka rin eh. Panalo agad-agad?"

"Siyempre! Tayong dalawa pa. Basta, happy dance tayo mamaya, sali natin mga Kulugo!"

"Wag na! Magmumukha kayong amateur kapag sumabay kayo sumayaw sa 'kin!"

"Yabang!" Sabay palo sa nguso ng baseball cap nya na suot ko.



Napangiti ako sa naalala.

"Claire, pwedeng ... akin na lang ito?" turo ko sa jacket na yun.

"Sure. Kuha ka lang dyan."

Kumuha rin ako ng isang cologne ni Caloy at yung baseball cap nya na lagi kong sinusuot sa Palawan kapag may laban kami.

"May idea ka ba sa password ng laptop ni Kuya?" sabi nya na nakaharap na ngayon sa study table ni Caloy.

Umiling ako.

Pero nagulat ako nung mag-type sa sa password box at mabuksan yun.

"Ano'ng nilagay mo?" tanong ko.

"Dyosa ni Kulugo."

Naiyak na ako. "Paano mo nalaman?"

"Palagi ka nyang kinukwento sa akin kapag andito ako sa kuwarto nya para kulitin. Nakikita ko na yan ang tina-type nyang password," humagikhik ito. "Tingnan mo ito."

Photo gallery yun ng mga pics.

Pics naming dalawa at nung mga Kulugo na madalas wala akong malinaw na kuha. Madalas kasi, tinatakpan ko ang mukha ko, yuyuko ako, tatalikod or whatever kapag magpi-picture kami noon.

Ayoko nga kasi na ipo-post nila mukha ko sa FB. Nakita ko na ang mga pics na ito nung maging friend ko na sa RA ko ang mga kulugo.

"Sabi nya, wala raw talaga syang nakuhang picture mong malinaw nung partner pa kayo sa Palawan. Pero, ito yung pinakamalinaw mong kuha."

Nagulat ako na may file si Caloy nung bugbugin ko si Danny at tropa nya sa Olongapo at sa Palawan. Though short clips lang.

"Kagabi kita nakita in full action," natatawa ito. "Alam mo bang takot sa 'yo si Kuya Caloy?"

Natawa na rin ako habang nagpapahid ng luha.

"Itong sa album na ito, yung dito na kayo nagkita sa Manila."

Oo nga. Yung kumain kami sa seafood resto at kasal ni Ate Andie. Yung iba, mga photo grab nya lang sa dating FB page ko.

Bago kami bumaba, binigyan ako ni Claire ng paper bag para paglagyan ng hiningi kong gamit ni Caloy.

"Babalitaan ka namin kapag may progress na sa kaso nyo," sabi ni Kuya Carlo nung magpaalam na kami.

"Whenever you're free and feel like visiting, you're always welcome here. And thank you very much," ang huling salita ni Mr. Sorriente sa akin nung paalis na kami.

Sumama sina Rob, Paul, Tita Pam, Troy, mga Kulugo at sina Kevin hanggang sa duplex. Oo, kasama sina Kevin at buong tropa.

Kaswal kaming nagkwentuhan sa bahay. Tungkol sa school, trabaho, yung koleksyon ko sa display cabinet ko.

Pero walang nagbanggit ng kahit ano tungkol kay Caloy. Kahit ang pangalan nya.

Doon ko na sila pinaghapunan. Tinulungan akong magluto ni Tita Pam at Nancy. Sila rin ang tumulong sa paglilinis ng pinagkainan namin.

Ngayon lang ako nagdala ng maraming bisita sa bahay. Yung ako mismo ang nag-imbita. Kahit hindi ko pa ganun katagal kakilala tulad nina Kevin.

I learned it the hard way. Loving is same as trusting. You got to invest. Take risks. At may pagkakataon talagang matatapat ka sa tama at maling mga tao. Kailangan lang talagang timbangin kung ano ang mga bagay na dapat ipagkatiwala at hindi.

Sa kaso ko, I totally blocked everyone out before. I only got Paul and Troy pero lampas beinte anyos na rin ako nung makilala ko sila sa Olongapo.

It took me time to give my trust, including to one of the most important person in my life, until it was too late. Ang haba ng panahon na nasayang.

You will never know the true value of opportunities until they become memories.

"You sure ayos ka lang mag-isa dito?" pangungulit nila nung pauwi na sila.

"Oo nga, kulit!"

"Sa bahay ka na lang muna kaya, anak?" si Tita Pam.

"Ayos lang po ako dito. Tsaka ano, ang dami kong labahin. Mag-e-enrol rin po ako."

Hindi nila ako napilit.

"Tawagan ka namin kapag nakauwi na kami sa Palawan," sabi ni Pat.

Nagpasalamat ako sa kanila at humingi uli ng pasensya sa inasal ko nung mga nakaraang araw, lalo na ang pananampal ko kay Pat.

"Wag mo na isipin yun," sabi nito.

Bumaling ako kay Kevin, "Balitaan nyo 'ko sa grupo. Ia-accept ko na yung FR nyo sa second account ko."

"Sure. Lalaro ka ba uli?" tanong nya.

"Ewan ko. Hindi na siguro. Basta, gusto ko lang makibalita minsan-minsan."

Hindi ko na pinansin ang palitan nila ng tingin.

Saglit ring kinausap ko si Nancy, "Uhm, salamat sa pagpunta. Bantayan mo yan si Troy. Gago yan."

Nahihiya itong napangiti.

"Jun naman!" Reklamo ni Troy.

"Sabi ko sa 'yo noon, sisiraan kita sa mga nililigawan mo," pilit kong maging normal ang pagbibiro ko.

Ayokong mag-alala sila sa akin.

"Mga?" tanong ni Nancy. "Marami kang nililigawan, Troy?"

"Di ah! Ikaw lang! Ito kasi si Jun!"

Nagtawanan sila ng mahina. Saka sila nagpaalam na.

"You're enrolled, Jun," sabi ni Rob na nagpaiwan sa loob ng gate.

"Uhm...sino'ng...?"

"Mom helped out. Wala ka nang ibang gagawin kundi ang pumasok na lang sa second sem and graduate."

"Yung tuitio—"

"It's all settled, Jun. Even your graduation fee and all. Ayokong may iba ka pang iisipin. You've been in a lot of stress," sabi nya sabay buntung-hininga at tumingin sa labas.

Napayuko ako. Ang awkward.

Ngayon lang uli kami napagsolo dalawa mula ng gabing yun ng karera.

"R-rob...I'm...I'm s-sorry..." naiiyak na naman tuloy ako.

Narinig ko ang mabigat nyang pagbuga ng hangin. Tapos kinuha nya ang kamay ko'ng may suot ng singsing ni Caloy. Pinagmasdan nya yun.

Ayokong makita ang ekspresyon nya. Kaya nanatili lang akong nakayuko, kagat ang labi ko ng madiin kasi konti na lang tutulo na ang luha ko.

"You chose him."

Di ako nagsalita.

"Yung kinatatakutan ko, dumating. Ironically, he's gone. I'm not happy about both. You choosing him. Then in that instant you chose him, he's gone leaving you like a mess. Where does this put me now?"

Umiyak na ako, sapo ng malaya kong kamay ang bibig ko.

"Tsk!" kinabig ako ni Rob sa dibdib nya at giniya papasok sa loob ng duplex, diretso sa dining.

Hindi na ako nagreklamo nung ikandong nya ako at hayaang umiyak sa leeg nya.

"I'm sorry, Rob..." paulit-ulit kong sabi.

"It's alright," mahinahon nyang sagot. "You were honest enough to tell me before that you love him more than me. I gambled on the fact that you trusted me more. I just want to know why in that short time, you said yes and was willing to marry him."

Bakas ang sakit at hinanakit sa boses nya.

At kahit naiiyak pa ako, sinabi ko sa kanya. Gaya ng sa sinabi ko kay Claire, kagabi.

He's entitled to the truth.

"I see. So, this ring? This was their family heirloom, right?"

Sinabi ko rin sa kanya ang pakikipag-usap ko sa pamilya Sorriente tungkol sa singsing.

Hindi sya agad nagkomento.

"So, that means we're both back to your original plan. The only difference is, you're not moving on because you thought he would be with Anne," Bahagyang nanginig ang boses nya. "But...I will be competing with a dead man's love and memory now."

"Rob..."

Wala akong masabi. Tumbok nya ang totoo.

Binalak kong umalis sa kandungan nya, pero hindi nya ako hinayaan. "Stay, please."

Matagal kaming natahimik. Hanggang sa magsalita sya uli.

"Yun naman talaga ang plano mo. Ang kalimutan sya. I will wait, Jun. Until I become your choice."

"Rob... di naman kita inoobligang maghintay."

"Alam mo bang nasasaktan ako sa salita mo, Jun? Kahit nung una mo pa yang sinabi sa akin."

Natahimik ako.

"Sabi mo naman, mahal mo ako. Di nga lang kasing tindi nang kay Caloy. But, he's gone, Jun. And I'm here. Telling you I will wait. And I will until you're done mourning for him. Yung bagay na ako naman ang maghihintay, na willing akong gawin para sa iyo, para rin sa akin, yet you're still pushing me away. Parang...parang sinasabi mong wala talaga akong halaga sa iyo eh," frustrated nyang sabi.

Naiiyak na naman ako.

"H-hindi ganun yun, Rob. Ayoko lang kasi ... Ayoko lang kasing mahila kita pababa sa estado ng ko ngayon."

"Kaya nga andito ako eh. Bumabalik ka sa bangin na pinagkahulugan nyo ni Caloy. Hinahawakan kita nang mahigpit para di ka tuluyang mahulog sa banging yun, Jun. Kaya please lang, wag ka namang bumitaw!"

Naiyak na talaga ako ng tuluyan at napayakap sa leeg nya.

Tangnang lalaki ito! Ang tigas din eh. Ang hirap gibain.

"Ayokong maging oportunista, Rob. Ayoko manggamit!" hagulgol ko.

"You're not. I'm still gambling, Jun. That in the end, it will be me."

Wala na akong masabi. Hinintay nya lang akong kumalma matapos nyang bigyan ako ng tubig.

"As much as I want to stay here, I will leave. I know you need and want your privacy."

Tumango ako.

"Salamat."

Hinatid ko sya hanggang sa gate.

"Jun," tawag nya bago paandarin ang kotse nya. "Don't forget. I'm just a call away, alright?"

Tumango ako.

"Goodnight, Jun. And sleep well," tapos umalis na sya.

Nung gabing yun, kasabay sa FR ni Kevin sa second account ko, umiiyak kong in-accept ang dati pang friend request ni Caloy sa RA ko. Ang FR na pinadala nya noong nasa Palawan pa kami.

At natulog akong suot ang baseball cap at yakap ang jacket ni Caloy.

At gaya ng mga nakaraang gabi, yun at yun ang senaryong nakikita ko sa panaginip ko.

Kami ni Caloy sa ilalim ng tubig ng dagat.

Pero dahil mag-isa ako sa duplex, walang gumising sa akin para makaalis sa bangungot na yun.

Hanggang mapabalikwas na lang ako ng bangon dahil sa pag-ring ng cp ko.

Madaling-araw pa lang.

Pagtingin ko sa cp ko, hindi pala tawag. Alarm.

Alarm?

Teka, hindi ko maalalang nag-set ako ng alarm ng madaling-araw. Kahit nung sa burol ni Caloy.

O baka nakalimutan ko lang?

Ganun ng ganun ang nangyari ng mga sumunod na gabi. Nag-a-alarm ang cp ko kapag nasa gitna ako ng bangungot na yun.

Ang mga kaibigan ko, palagi akong tinatawagan o china-chat sa messenger. Hindi nila ako iniwan sa panahon na tahimik akong nagdadalamhati sa pagkawala ni Caloy.

Sa natitirang araw ng sem break, naging routine ko araw-araw ang pagpunta sa gym, dojo at sa sementeryo.

Kung dati, araw-araw akong pinupuntahan ni Caloy sa campus para dalhan ng bulaklak at pagkain, ako naman ang nagdadala sa kanya. At doon ako kumakain ng tanghalian, tulad noong sa soccerfield bleacher. Yung parang sabay pa rin kaming kumain, sa imahinasyon ko.

Nung minsang magbukas ako ng second account ko, punung-puno iyon ng pakikisimpatya, pakikiramay at pangungumusta.

Isang post lang ang ginawa ko para sa lahat.



Salamat sa pakikiramay at pangungumusta. Ayos lang ako. Favor lang. Ayoko na'ng may mababasa dito tungkol kay Caloy at sa nangyari. Dadating ang panahon na magiging magaan din sa akin ang pag-usapan ang bagay na yan, pero hindi pa ngayon. Yun ang maitutulong nyo sa akin, at para hindi tayo magkaroon ng samaan ng loob kapag in-unfriend ko kayo. Salamat!



Naging epektibo naman yun. Sa totoo lang, naging tahimik ang second account ko. At sinabi ni Paul at Troy na may nag-screencap ng post kong iyon at ilagay sa fanpage na ginawa para sa akin. At nakabuti yun. Dahil pagdating ng pasukan, wala ang OA na pangangamusta at kung anu-ano pa sa mga classmates ko at ilang estudyante doon.

Ang basketball at cheerleading team lang ang naglakas ng loob na i-approach ako minsang kumakain ako sa soccerfield bleacher. Pangalawang linggo iyun mula magpasukan.

"Dyosa!" tawag ni Pete.

"Uy, kain," pilit na siglang alok ko.

"Sa 'yo pa lang yata kulang na yan," biro nina Lia.

Naupo sila sa bleacher. Halos mapuno yun. Naumpisahan kong kabahan, mainis at mairita.

Pakiramdam ko, nai-invade nila ang espasyo namin ni Caloy. At parang alam ko ang pinunta nila dito ng sabay-sabay, sa unang pagkakataon na nilapitan nila ako mula pasukan.

"Jun," si Katya, ang captain ng cheering squad. "Di ba, dito kayo lagi kumakain ni ... Caloy dati?"

Hindi ako kumibo.

Parang nag-aalangan itong itinuro ang isang order ng pagkain na dala ko, "Para ba sa kanya yan?"

"Bakit mo tinatanong?" may igting na sabi ko.

"Jun..." si Pete. "Malungkot kumain mag-isa. Gusto mo bang sumalo sa amin sa cafeteria?"

"Ok na ako dito."

Huminga ng malalim si Lia, "Nag-aalala kami sa 'yo, Jun. Kahit naman maikli lang ang pinagsamahan natin, ikaw pa rin ang muse ng Thunderstorm. Di ba sabi mo, tayo ang magbo-boost ng ego ng mga hunghang na ito?" turo nya sa basketball team.

Tumawa sila ng mahina.

"Pero sa nakikita namin sa iyo, nalulungkot kami," sabi nung isang baketball player. "Di kami sanay na ganyan ang muse namin. Di na namin nakikita yung masungit pero bright mong aura."

Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Nagsimulang lumabo ang mata ko.

"Sana, isipin mo, may mga taong kahit hindi ganun kalapit sa iyo, in a little way, nalulungkot pa rin na nakikita kang ganyan. Na nilulunod mo ang sarili mo sa lungkot. Okay lang naman malungkot, pero buhay ka pa eh. Marami pa ring tao sa paligid mo ang buhay at may pakialam," sabi ni Lia.

Tumulo na ang luha ko. Hindi na uli sila nagsalita.

"Kapag gusto mo, sa gym o cafeteria ang tambayan namin," ang sabi nila, tapos umalis na.

Nung mag-isa na lang ako, naisip ko, ganun na ba ako ka-pathetic?

Hindi nun nasira ang routine ko kahit ilang beses sumasagi sa isip ko ang sinabi nina Pete.

Dahil maraming pera sa account ko galing kay Rob noong matapos akong makunan, hindi na muna ako nag-trabaho.

Mas marami akong oras para mag-aral, mag-training at ang pumunta kay Caloy.

Hanggang sa dumating na sina Ate Andie at Kuya Reid.

Pinapupunta nila ako sa villa nang weekend na yun. Kinakabahan ako na hanapin nila si Caloy.

Nung kasal nila, second week ng November ang sinabi ng mag-asawa na kakausapin nila si Caloy.

Third week na nga ngayon. Hindi lang nakauwi ang dalawa agad dahil naaksidente raw nung mag-hiking. I mean mild lang naman.

Naka-cast pa ang paa ni Ate pagdating ko sa villa.Napangiti nga ako na sinusulatan at kinukulayan yun ni Hopia. Hinahayaan lang ng mag-asawa.

Naroon din sina Kuya Mike, Kuya Jeff, Ate Sarah, Kuya Erol at mga magulang ni Kuya Reid. Si Kuya Aris lang ang wala. Sa pagkakaalam ko, nag-extend ito ng bakasyon hanggang tatlong buwan. Na after holiday season na babalik.

Sa unang pagtatama pa lang ng mata namin ni Ate Andie, alam ko nang may alam sya. Pero wala syang binanggit. Ganun din ang mga kaibigan nya. Kahit alam kong nakita nila ang suot kong singsing.

Alam nila na hindi ako mahilig sa singsing. Simpleng push back type earrings lang ang alahas ko.

Basta nagkwentuhan sila tungkol sa honeymoon trip at ang minor accident ng mag-asawa. Pati si Hopia, ang daming kuwento sa mga pinuntahan nila ng lolo't lola nya. Nauna lang umuwi ng isang araw sina Hope kina Ate Andie.

Awa naman, naaliw ako sa pakikinig sa kanila.

"Tita Dyosa, I got many pasalubong for you!" proud na sabi. "You like food. I asked Lola to buy many for you! Tas Lola bought you a nice colorful bag. Yung made of threads po."

Natawa si Ate, "Ang takaw mo kasi."

Inirapan ko ito ng pabiro.

"Ay, thank you, baby!" sabi ko na niyakap ito at hinalik-halikan. "Ang dami ring pasalubong ni Mommy at Daddy mo sa akin eh!"

Ang dami talaga! Mula gamit, damit, bag at iba't-ibang pagkain ng mga pinuntahang lugar ng mag-asawa. Tapos yung kay Hope pa.

"Ang daya, tapos kami konti lang," pabirong tampo ni Kuya Jeff.

"Wag na kayo. Marami kayong pera. Ako, estudyante pa lang," sikmat ko.

Nung tawagin kami para sa hapunan, dumating si Ralph at si Rob.

Kumpirmado, alam lahat ng naroroon ang nangyari sa amin ni Caloy dahil nagkaroon ng saglit na katahimikan nung magtama ang mata namin ni Rob.

Si Rob.

Ngayon lang uli kami nagkita mula nung ilibing si Caloy.

Gaya ng mga kaibigan ko, sa text lang or chat kami nagkakausap. Pero at least sina Paul at Troy, tumatawag. Si Rob, text-chat lang talaga.

"You're just in time for dinner," basag ni Kuya Reid.

Nabuhay uli ang kwentuhan nung pagpunta sa dining room.

"How are you?" pasimple nyang bulong nung nagsisimula na kaming kumain.

"Ayos lang."

"That's good," pero nahuli ko syang tumingin sa singsing na suot ko.

Walang pumansin o nanukso sa aming dalawa. Wala ring nang-aasar sa akin kina Kuya Mike, katulad ng dati.

"Jun," si Ate. "Dito ka muna matulog ngayong gabi. Uhm, tapos simba tayo sa umaga."

Tumango ako.

"You can borrow one of the cars tomorrow pag-uwi mo," si Kuya Reid. "Para maiuwi mo yung mga pasalubong namin."

Oo nga pala. Malamang puno ang trunk ng kotse sa dami ng pasalubong nila.

"I'll just bring those in my car," sabi ni Rob. "Para di na maiwan yung Augusta dito."

Napatingin kami kay Rob. Walang nagkomento.

"Salamat," sabi ko.

Maagang umakyat para matulog si Ate Sarah dahil kabuwanan na nito, kasama si Kuya Erol.

Ganun din sina Tita Alice, Tito Frank, Hope at nurse nito pagkatapos kumain.

Nagkape lang naman kami sa may pool area tapos nagpaalam na ang mga kaibigan nina Ate at Kuya, maliban kay Rob at Ralph.

"Dito ka matutulog?" tanong ko kay Rob.

"Yeah, ihahatid ko yung mga pasalubong sa iyo bukas, di ba? Convoy na tayo pauwi."

"Uhm...sige. Ano, akyat na 'ko."

Naiwan pa sa baba sina Ate, Kuya, Rob at Ralph.

Naka-shower na ako at nakapantulog nung may kumatok.

Si Ate Andie, karga nung aso nya.

"Ang corny nyo," ngiwi ko. "Feeling honeymoon pa rin."

"I don't like her using her crutches and wheelchair when I'm around. What are my muscles for?" mayabang na sabi ni Kuya Reid. "Isa pa, di nasulit ang honeymoon namin. Next time na lang uli. We'll go on another trip."

Natatawang pinalo ito ni Ate sa dibdib.

Syet! Naiinggit ako!

"Chika tayo, bunso," ungot ni Ate.

"O, sige, pasok."

Lumabas naman agad ang asawa nito pagkalapag sa kanya sa kama ko.

"Musta ka na, Jun?" Malumanay nyang tanong.

Alam ko ang ibig nyang sabihin, "A-ayos lang naman, Ate."

"Halika dito sa tabi ko. Na-miss kita," sabi nya na tinapik ang kama ko.

Nahiga ako at umunan sa hita ni Ate na walang cast.

"Bunso, andito lang ako lagi ha? Wag mo kakalimutan na mahal na mahal kita," sabi nya na hinihimas ang buhok ko.

Naiyak na ako. Sumubsob ako sa tyan ni Ate Andie. Naramdaman ko rin na may tumulong luha sa pisngi ko.

Umiiyak rin si Ate.

"I'm sorry about your losts, Jun. I'm sorry I wasn't around to give you moral support sa baby mo at kay Caloy."

"Wala yun, Ate," sagot ko sa pagitan ng paghikbi. "Basta andyan ka lang. Makita lang kitang masaya na ngayon, ayos na 'ko."

"Bakit di mo sinabi sa akin? Gusto ko na magtampo sa iyo."

"Marami ka nang problemang pinagdaanan, ate. Ayoko na'ng maputol yung sayang nararanasan mo."

"Kahit na. Dadalawa na lang tayong magkapatid."

Matagal kaming hindi nagsalita.

"Gusto ko sanang magkwento ka. Yung galing sa 'yo mismo."

Hindi ko pinagdamot kay Ate ang hiling nya. Kinuwento ko lahat tungkol kay Caloy, ang drag racing at si Rob. Nagkwento rin ako tungkol sa mga bagong kaibigan ko sa DR scene at sa Charleston.

"Galit ka ba, 'Te?"

Umiling sya. "Nasa tamang edad ka na. Buntot mo, hila mo. Kung saan ka masaya, susuportahan kita. Nag-iisang kapatid kita eh. Mahal kita. Tsaka may tiwala ako sa 'yo, kahit madalas lukaret ka."

Mahina nya pang pinitik ang tenga ko. Natawa ako habang nagpupunas ng luha.

"Ang akin lang, Juno, matuto ka sa nangyari sa akin. Sa amin ni Kuya Aris mo. Para maging masaya ka, wag kang magkimkim ng masamang bagay sa puso mo, gaya ng galit, hinanakit, ganun. Tama ang sabi sa iyo nung mga kaibigan mo sa Charleston. Buhay ka pa. Marami kaming buhay na nagmamahal sa iyo. Nag-aalala. Naiintindihan ko na nasasaktan at nalulungkot ka. Normal lang yun. But do not linger in misery. Mabigat sa pakiramdam. Ang pag-move-on, nasa tao yan. Kung gusto mo, magagawa mo. To be happy is a choice."

Naiyak uli ako, "Alam ko, Ate. Gusto ko naman. Just give me time. Sobrang bilis kasi. Kabaligtaran ng sobrang tagal na nasayang sa amin ni Caloy."

"Si Rob, Jun? Matutulungan ka nya."

"Ayokong manggamit , 'Te.I'm trying to heal by myself. Di ko sya inoobligang maghintay."

"Mahal ka naman nya. At nakikita ko, ganun ka rin sa kanya. Muntik na nga kayong magka-baby."

"H-hindi kasi ganun, katulad nang kay Caloy, 'Te."

"Well... hindi lahat ng mararamdaman mong pag-ibig sa isang tao, intense agad. Bakit, nung una ba, ganyan na kabigat ang nararamdaman mo kay Caloy?"

Umiling ako. "Wala nga eh. Nagulat na lang ako, meron na. Tapos pinipigilan ko, kaya lang, lagi kasi kaming magkasama."

"See what I mean? Hindi lahat nang pag-ibig eh love at first sight. Pwede pa, lust at first sight," tapos humagikhik si Ate.

"Hala, si Ate. Nag-asawa lang!"

Natatawa ito, "Walang biro, kapatid. Isa sa pinakamatatag na pagmamahalan, yung minaso ng panahon. Yung tinatawag na love at first sight, mostly attraction lang yun. Pero umuugat sa mas malalim na feelings kasi inalagaan. Lahat ng inaalagaan ng tama, yumayabong. Hindi lang yan applicable sa pag-ibig. Kasama ang pagtitiwala, pagdadalamhati, at galit."

Napatingin ako kay Ate Andie.

"Naiintindihan mo ba ako, Jun? Hindi tamang mag-alaga ka ng isang bagay na makakasama para sa iyo."

Tumango ako. "Lumalayo lang ako kay Rob kasi... baka mahila ko sya pababa, 'Te. Baka pati sya, mawala sa akin, pagdating ng panahon na ready na uli ako."

"No man is an island, Juno. We need people around us. People who love and care about us. Like how they need us, too. Mas gumagaan ang isang bagay o problema kapag pinagtutulungan."

Hindi ako kumibo. Iniisip ko ang mga sinabi ni Ate Andie.

Tama naman sya.

"Jun..."

"Hhmm..."

"Kung babalik ka sa drag racing, mag-iingat ka ha? Tsaka, wag ka magpapahuli sa pulis. Hindi kita pipyansahan. Dadalawin na lang kita sa kulungan."

Natawa ako. Tapos pinikit nya uli ako sa tenga.

"Matitiis mo 'ko na naghihimas ng rehas?"

Umirap ito. "Hanggang dun lang ang pangungunsinti ko sa 'yo. Si Rob ang di makakatiis. Siguradong yun ang maglalabas sa 'yo sa kulungan," may himig panunukso sa boses nito.

Napanguso tuloy ako.

"Jun, wag ka na muna magtrabaho, ha? Enjoy mo muna'ng pagiging estudyante mo. Ako na'ng bahala sa allowance mo. Wag mo na ring alalahanin yung duplex. Ipu-full pay ko na yun by next week."

"Wag na, 'te. May pera pa naman ako."

Maliban kasi sa malaking halaga na nilagay ni Rob sa account ko, nasa akin na rin ang prize pot nung huling laban namin ni Caloy.

"Tsk, tigas ulo ka rin talaga eh. Basta. Wag mo'ng galawin ang pera mo. Hayaan mong magampanan ko naman ang pagiging ate ko sa iyo kahit ngayong huling sem mo lang sa pag-aaral, ok? Ilan taon ko'ng hinayaang karguhin mo ang sarili mo. At minsan, pati kami ni Hope, nakakabigat pa sa iyo."

"Bahala ka na nga."

Nung mag-isa na lang ako sa kuwarto ko, pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi ni Ate.

Iyun ang isa sa bibihirang sisterly talk namin na punung-puno ng laman at kahulugan.

Nakatulong ang sinabi nya para mawala ang di mapakaling pakiramdam. Di ko kasi nadala ang jacket ni Caloy na palagi kong yakap sa pagtulog.

At yun ang unang gabi mula ng mamatay si Caloy na hindi ako dinalaw ng bangungot. Katulad na iyun ang unang beses na di nag-alarm ang cp ko na syang lgging gumigising sa akin kapag binabangungot ako.

"How was your sleep?" Tanong ni Rob nung hapon na nakauwi na kami sa duplex.

Tinutulungan ako nitong iayos ang mga pagkaing pasalubong sa kusina.

"Ayos naman. First time na di ako binangungot kagabi."

Nahuli ko ang tipid nyang ngiti, "That's... good news."

"Ikaw, musta ka na? Parang nagpupuyat ka lagi. Namayat ka eh tsaka parang nangingitim mata mo."

"Gwapo pa rin naman ako," ngisi nya.

Di ko napigilang mapatirik ang mata. Tumawa ito ng mahina.

Dito ko na sya pinaghapunan, tapos nagpaalam na itong uuwi nung makapaglinis na kami ng pinagkainan namin.

Bitbit ang mga gamit na pasalubong nina Ate, umakyat na ako. Nung maiayos ko yun sa cabinet ko, hinarap ko ang school works ko.

Bago ako matulog, napatitig ako sa jacket ni Caloy na nakasampay sa headboard ng kama ko, pati sa baseball cap nya na nakapatong sa side table.

Naalala ko ang sinabi ni Ate Andie.



"Naiintindihan ko na nasasaktan at nalulungkot ka. Normal lang yun. But do not linger in misery. Mabigat sa pakiramdam. Ang pag-move-on, nasa tao yan. Kung gusto mo, magagawa mo. To be happy is a choice."



One at a time, Juno. Moving on naman talaga ang course of action mo noon. Naiba lang ang dahilan nang pagkakahiwalay nyo ni Caloy. Sabi ko sa sarili ko.

Nagawa ko kagabi, magagawa ko rin ngayon.

Kinuha ko ang jacket at baseball cap. Magkasama ko silang itinupi. Inilagay ko sa isang maayos na brown paper bag, bago ko ipinasok sa cabinet ko.

Tulad noon, yung Pikachu stuffed toy ang yakap ko sa pagtulog.

Medyo nahirapan akong matulog. Pero, kailangan.

Sa loob nang linggong yun, ganun ang ginawa ko hanggang nakasanayan ko na lang na makita ang brown paper bag sa cabinet ko tuwing magbibihis ako.

Napapanaginipan ko pa rin ang gabi ng karera. Hindi na nga lang yung nakalubog kami sa tubig. Yung mismong byahe lang namin papunta sa tambayan ni Caloy.

Nung sumunod ng linggo, yung paboritong cologne naman niya ang nilagay ko sa brown paper bag na yun.

Unang weekend ng December nung i-chat ko kina Paul, Troy at mga Kulugo :



Three straight weeks... no nightmares. Hope it continues. Pati ang misteryosong pag-a-alarm ng cp ko sa madaling-araw. Ngiiiiii! Buti, di ako naniniwala sa multo!



Walang salitang reply na galing sa kanila. Puro emoticons na thumbs up, laughing at happy face lang.

Oo, palaging pa rin akong kinakamusta ng mga ito, kung hindi sa text, e sa messenger.

Kanina nga, pinuntahan ako nina Paul at Troy sa school. Agaw-atensyon kami papunta sa parking. Naka-angkla kasi ako sa tag-isa nilang braso habang bitbit ni Paul ang backpack ko.

Narinig pa namin na isang grupo ng mga estudyante,

"Sino yung mga kasama ni Jun?"

"Mga bestfriends nya yan. Sila yung power trio ng drag racing community."

"Di ba ex nya yung isa dyan?"

"Yung may dala ng bag nya. Yung Paul."

"Jun, umi-issue sa inyo ni Paul?" bulong ni Troy.

"Paul, kiss mo nga ako para lalo silang ma-shock," biro ko.

"Yuck!" sagot nito.

Napabungisngis ako sabay hampas sa balikat nya, "Paksyet ka!"

Napatingin sila sa akin, nakangiti.

"Bakit?"

"Wala. Ngayon ka lang uli namin nakita at narinig na tumawa at makipagkulitan sa amin," sabi ni Troy na tinapik pa ako sa ulo.

Pinalis ko kamay nya, "Alam ko maliit ako. Tigilan mo yan!"

Nag-movie date kaming tatlo tapos nilibre nila ako ng hapunan.

Yun ang nilagay ko sa FB accounts ko. Matagal na rin akong walang activity sa pareho.


Nilagyan ko ng title ang album na : First movie date with my pets... este... sentinels after Paul got back!


Another step forward. Tulad ng dati. FB-FB din pag may time. Dahil sa post ko, may nag-comment agad na:


Power trio is back!


At lalong umingay yun dahil kapag di ako busy, sumasama ako kina Paul at Troy kapag may pupuntahan silang event. Lalaro man o susuporta lang. Wala lang, makikihalubilo lang.

Minsang makita ko sina Kevin sa isang event, nagpaalam ako kina Paul na dun muna ako.

"Umalis sina Danny ng bansa," kaswal na balita ni Kevin. "Silang magkapatid lang. Dun na yata mag-aaral sa California. Daddy na lang nila naiwan dito."

"Kahit wag na sila bumalik," sabi ko.

"Musta na, Dyosa?" tanong nya.

"Bumubuti naman, bawat araw."

"Good. Good! Kelan ka lalaro?"

Nagkunot ako ng ilong, "Wala pa sa isip ko yan. Wag ka mag-alala, kapag lumaro ako, dito sa team nyo."

Ngumiti ito ng malapad, "Bakit di kina Paul or Troy?"

"Ay sus! Magseselos lang mga yan kapag dun ako sa isa naglaro. Tsaka, sigurado akong kakalabanin nila ako. Dream come true nila yun."

Natawa pati ibang kagrupo ni Kevin.

"E paano kung as navigator?"

May kumudlit na kirot sa dbdib ko.

"Isa lang ang driver ni Juno as navigator," sabi ko, sabay hinga ng malalim.

Natahimik sila.

"Sorry. Di ko na dapat—"

Sinansala ko agad si Kevin, "Wala yun. Dapat paunti-unti ko na ring sanayin ang sarili ko na mapag-usapan ang bagay na yun. Wag lang biglaan."

"Wala ka bang balak mag-navigator uli? Kahit kay Paul or kay Troy."

"Hindi nila forte ang pair. Tsaka, nakow, baka mag-away lang kami nyan sa kotse."

Natawa sila.

"Isa pa, pabaon ko na kay Caloy sa kabilang-buhay yun. Yung kami ang may hawak ng title na dapat i-break na zero loss pair in terms sa dami ng nilabanang karera."

Naalala ko si Rob, "Nag-navigate na ako minsan sa isang driver, pero hindi para sa karera."

"E ano?"

Napangiti ako, "Para takasan si Caloy. Stalker dati eh."

Natawa sila ng mahina.

Huling araw bago magsara ang klase for Christmas break, nagpunta ako sa cafeteria. Nakita ko ang kumpulan ng basketball team at ilang cheer leaders. Magkatabi sila ng table.

"H-hi!" Bati ko. "Pwedeng makiupo?"

Napamulagat sila saglit tapos, "Sure, sure!"

Dun ako naupo sa tabi ni Lia.

Nagkumustahan kami. Walang nagbabanggit tungkol sa nangyari kay Caloy o kung bakit naisipan kong makiupo sa kanila.

Na-appreciate ko yun ng husto. Yung isang player ng basketball team, tumayo para ibili ako ng lunch ko.

"Libre ko na, na-miss kita eh," pabiro pa itong kumindat.

Nagkatuksuhan. Nakitawa na rin ako.

Bago ako tumayo para sa susunod kong klase, nilabas ko ang regalo ko sa kanila.

"Christmas gift ko sa inyo," sabi ko. "Uhm, it's not much, pero sigurado akong magagamit nyo yan kapag may practice kayo. Wag kayong mag-alala. Nag-effort naman ako na walang magkapareho sa inyo ng kulay o design. Pakibigay na lang sa iba na wala dito. May pangalan naman sa gift wrap."

Mga wrist sweatbands para sa mga lalaki, at head sweatbands sa mga babae. Binili ko sa isang kilalang sports brand.

Napangiti ako na makita ang genuine nilang tuwa.

"Thanks! Grabe, tapos kami walang regalo sa iyo!" sabi ni Lia.

Tumikhim ako, "Nabigay nyo. Nung araw na pinuntahan nyo 'ko sa soccerfield bleacher. Sorry, medyo natagalan bago ako nagpunta dito. I have to take one step at a time."

Napatingin ang mga estudyanteng naroroon sa amin nung mag-group hug kami at bumati sa isa't-isa ng 'Merry Christmas'.

That Christmas break, hinayaan ako nina Ate at Kuya Reid maglamyerda. Nagpasok pa nga sa bank account ko ng pera as pocket money. Ini-spoil nila talaga ako.

Naging busy ako sa pagbili ng mga regalo. Bago mag-Pasko, nakipag-session na ako kina Paul, Troy, Kevin at mga grupo nila ng inuman. Pero bantay sarado ako nung dalawa na di ako malalasing ng wagas. Dun ko na rin binigay ang mga regalo ko sa kanila.

Pero, syempre, special ang regalo ko sa mga 'sentinels' ko.

"Aba, aba! Mapera ka yata ngayon!" si Paul.

"Spoiled ako sa mag-asawa," sabi ko.

Sinabi ko na sa bestfriends ko na alam na ni Ate ang lahat, pati ang payo nito sa akin. At alam kong natutuwa ang mga ito na paunti-unti na akong umuusad.

Dalawang araw bago mag-Pasko, nagpunta ako kay Tita Pam para ibigay ang regalo ko. Alam nina Paul at Troy na dadating ako kaya andun sila pagdating ko. Yun ang nagsilbi naming Christmas gathering and exchange gift.

Umaga ng bisperas ng Pasko, nagpunta ako sa pamilya Sorriente para bumati at dalhin ang regalo ko sa kanila. Pinaunlakan ko ang meryendang inihain nila, pero umalis din ako agad.

Ang sumunod kong destinasyon ay ang puntod ni Papa at Mama. Nag-alay ako ng bulaklak sa kanila.

"Pa, Ma ... salamat ng marami na umalis kayo pero iniwan nyo sa akin si Ate. Alagaan nyo po dyan yung unang apo nyo sa akin."

Tapos nag-stay ako dun ng isang oras.

At ang panghuli, kay Caloy.

"Kulugo, musta ka na? Salamat at di mo na ako masyadong tinatakot sa gabi," natawa ako sa sarili kong sinabi. "May babalikan lang ako ngayong Christmas break. Tulungan mo ako, Caloy. Sa mga plano ko sa mga susunod na araw."

Papadilim na nung umalis ako dun at nagpunta sa villa. Doon ako nag-Pasko kasama sina Ate.

Kinabukasan ng umaga, sumama ako papunta sa mga magulang ni Kuya Reid. Dadalaw na rin kay Ate Sarah. Isang buwan pa lang itong nakakapanganak at caesarian kaya di masyadong bumibyahe.

Pagkatapos maghapunan, nagpaalam na rin akong uuwi sa duplex. May flight ako tanghali kinabukasan.

"Kelan ang balik mo?" si Ate. Alam nila na mag-a-out of town ako.

"After New Year na."

Humalik ako kay Ate Andie at kay Hopia na hinatid ako sa garahe.

Paglabas ko sa village, huminto ako saglit at nag-text.



Belated Merry Christmas, Rob! May regalo ako sa iyo. Paano ko ba iaabot sa iyo?



Matutulog na ako pero wala pa rin akong natatanggap na reply sa kanya.

Di ko maiwasang bumigat ang pakiramdam.

Bandang madaling-araw, naramdaman ko na may yumakap sa bewang ko. Kahit di ko tingnan, kilala ko pa rin ang amoy nya. Bumulong ito,

"Merry Christmas, Jun! Sama ako sa iyo sa Palawan."

================

A whooping 5,962 words chapter.! My ghaaad!

===============

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj